Pages

Sunday, March 18, 2018

Incluso Antes (Part 1)

By: Ryan

Magandang araw mga KM readers. Bahagi ko lang po kwento ko/namin. Sana magustuhan niya. Sorry sa mga mali mali dahil di nadin ako nag double check. Especial po sa akin ang taong nasa kwento na to kaya naman masaya akong ibahagi sa inyo lahat ang storya namin.

Nung second year high school pa lamang ako, masasabi kong ako ang isa sa mga paborito di lang ng nga guro, pati na mga kapwa ko studyante. Palaging honor student ako nun at palaging nasa top 10. Active din sa mga extra curricular activities sa school. Sayawan at sports ang lagi kong sinasalihan. Dahil catholic school kami eh napabilang nadin ako sa student choir (mapilit teacher namin sa Values eh). Tuwing intrams ako bumabanat. Kasali ako sa basketball team ng klase namin kaya medyo kilala nadin ako sa buong skwelahan. Di nga lang kami nag champion sa buong 4 years ko sa highschool. Tanging 2nd place lang talaga. Aside sa basketball, kasali din ako sa hiphop dance contest ng school namin. May mga nagkakacrush Naman daw sakin nun sabi nila. Describe ko sarili ko. 5'10 ako ngayon (5'8 nung highschool, moreno, average built). Di ko naman masasabing famous ako, pero sa tingin ko naman ay nakakuha ako ng mild celebrity status dahil nadin sa dami kong naging kaibigan.

Kwento ko kung san nagsimula lahat. Science Month celebration kasi sa school namin kada September at dun ako nasali sa quiz bee. Bale lahat ng top 10 kasi automatic na kasali. Friday afternoon at halfday lang klase namin. Nasa avr lahat ng kasali. Nagkataon random seating lahat, ngunit nakatabi ko eh yung kaklase kong si Carl (not real name). Si Carl yung kapitbahay namin at consistent top 1 sa amin. Anak siya ng Ninang ko. Close kami nung mga bata pa kami kahit magkaiba yung elemntary schools namin. Tuwing may party sa mga bahay namin ay present kaming pareho. Nuon paman eh tahimik na yan si Carl, ngunit sumasabay din naman sa akin at minsan makulit din. Malaki atraso ko dun. Nakabagsak buhok ni Carl sa noo dahil may peklat siya sa bandang taas ng kanyang noo. Bakit siya may peklat?
Yun ay dahil sa kagagawan ko naman din. Bale naglalaro kami nun hanggang sa nagkapikunan at binato ko ng bubog. Salbahe talaga ako nuon. Takot na takot ako dahil baka kung anong mangyari sa kanya. Buti nalang eh di malala ngunit hanggang ngayon eh nandyan parin yung peklat (ngunit di na masyadong halata.) Maputi lang talaga siya kaya naman minsan pansin mo parin. Nagka ayos din naman kami pati na mga magulang namin. Nung una eh nagtampo Ninang ko ngunit pinalagpas nalang nila kasi nga larong bata lang naman daw. Halos magkalapit lang din tangkad namin noon (bale nasa 5'6/5'7 siya nun). Maputi, singkit at average lang din naman built. Sobrang tahimik. Yung tipong mga kaibigan lang eh yung mga nerd lang din (yung top 3 sa klase namin). School at Bahay lang buhay nun, ngunit masasabi kong isa din siya sa pinakatalentadong studyante ng paaralan namin. Magaling sa drawing, painting at magaling din kumanta at tumugtog ng piano (sobrang mahiyain nga lang). Minsan nagkakasabay kaming pumasok ng skwela. Bale isang bahay lang pagitan ng mga bahay namin. Four blocks away mula sa slwelahan namin kaya naglalakad lang kami. Ngunit tuwing nagkakasabay naman kami mabibingi ka sa sobrang katahimikan. Tanging "good morning" lang naman maririnig mo sa kanya kaya medyo awkward din siya kasama.

"may nakaupo na ba dito carl?", tanong ko. Nauna kasi siya.

"A wala pa naman", sagot niyang mahina habang nakatingala sa akin. Di ko masyadong makita mga mata dahil nadin sa ang kapal ng salamin niya.

"Sakto. Dito na ako"

Nagtapos ang lahat bandang 6:30 pm na kaya medyo madilim nadin. Fibal ranking:
1.
2. Carl
3.
4.
5.

Tama kayo. Wala ako sa top 5. Nge wala nga sa top 10 eh. Pero ayos lang naman kasi biglaan lang talaga yun. Hehe. Nagsiuwian na kaming lahat at sumabay nadin ako kay Carl. Medyo madilim nadin  ang daanan nun at tanging streetlights lang source of light namin.

"Congrats nga pala. Tinalo mo pa mga 4rth year ah", pagbati ko.

"Salamat. Hehe", sagot niya

"Kumusta na nga pala sina Tita?", tanong ko. Ninang ko kasi mama niya na nasa abroad ngayon.

"Ganun parin. Wag ka magalala papadala niya regalo mo ngayong pasko."

"Haha kaya nga excited na ako. Last time eh napaglumaan ko agad sapatos na binigay niya. Bilis lumaki ng paa ko e"

"Tigilan mo na kasi yang kakacherifer haha", patawa niyang sagot.

Nagkwentuhan lang kami nuon. Di ko alam kung kelan nawala ang closeness namin ng kababata ko. Kahit naman ang laki ng away namin noon eh nagkakaayos naman kami. Ang tutuo niyan, habang ginagamot siya sa clinic eh talagang kumuha ako ng mga bulaklak mula sa hardin ng mama ko at dinala dun sa clinic. Binigay ko yun kay Ninang na siya naman nagpalambot ng puso niya. Sweet ko daw kasi. Close parin kami noon ngunit kung di ako nagkakamali, naging mailap na siya sa akin nung nagkaroon ako ng girlfriend nung 13 years old ako. Hehe ang aga nga eh. Kahit pareho kami ng pinasukang Highshool at pareho pa ng section, eh di na naibalik yung closeness namin. Naging sobrang tahimik na siya, anti social at naging sobrang pala-aral.

"Ah dito naku Carl. Good Night.", nauna na ako. Una kasing madadaanan bahay namin.

"Sige. Good night din", nag wave naman siya at nagsmile ng mahinhin.

By the end of september eh intamurals na. Kaya naman naging busy na ako kakaensayo palagi kasama mga teammates ko. Minsan 8pm na ako nakakauwi ng bahay. Successful naman intrams ngunit madami akong requirements na kailangang habulin. Projects dito projects doon. Cramming dito cramming doon. Naging busy kasi ako kakaensayo e. Sinubukan kong magpatulong sa mga kaclose ko ngunit sila man din ay busy katulad ko.

"Gusto mo tulungan kita", narining kong may matamis na boses mula likuran ko. Lumingon ako at nakita ko so Rose. Si Rose na crush na crush ko mula pa first year kami. Maganda si Rose. Chinita, maputi, mabango at mahaba buhok. Matagal na akong nagpaparamdam kay Rose ngunit di ko naman alam kung napapansin niya efforts ko. Bigla akong kinabahan.

"Sige ba", walang pagdadalawang isip kong sagot.

So dun nagsimula pagkakanabutihan namin ni Rose. Dun ko din nakompirmang crush niya din ako (hindi niya sinabe, base sa kilos lang). Di kami natapos at umuwi na ako. Dahil kailangan ko nang mahabol yung extended deadline kinabukasan, kailangan kong magovernight sa paggawa ng projects ko. Naisip kong magpatulong kay Carl. Tumutulong naman yun kaso nahihiya akong kumapit. Tuwing may di ako naiintindihan sa klase, o nahihirapan ako sa mga projects namin, matiyaga yun tumulong. Madalas eh dun kami sa bahay gumagawa ng sabay, pero mostly eh ako nagpapatulong.

Saktong papalabas na siya ng classroom eh tinanong ko siya. Sabi naman niya ok lang daw wala naman daw siya ginagawa.

"Oh Carl. Buti bumisita ka. Mukhang tumatangkad ka na", salubong ni mama sa amin.

"Hehe parang nga po tita", sabi ni carl.

"Ma tutulungan nga pala ako ni Carl sa mga projects ko.", sabi ko habang inaayos ko yung sala namin kung saan kami gagawa.

"Kaw talagang bata ka. Dinadamay no si Carl eh.", sabi ni Mama.

"Ok lang po tita", sabi niya.

Naghanda na si Mama ng dinner. Sumabay na si Carl ng dinner sa amin at dumating nadin si Papa. Habang kumakain...

"Oh Carlo, may nililigawan ka na ba", tanong ng papa ko.

"Uh eh. Wala po eh. Busy", napautal siyang sumagot.

"Yan tama. Pag aaral muna unahin. Ikaw Ryan ah( ako), makinig ka dyan sa kaibigan mo."

"Pa naman...", sagot ko sa kanya.

Kinabukasan...

Napansin kong wala pa si Carl. Halos magsisimula na yung checking ng attendace.

"Ang, Carlo"... "Ang, Carlo...", tawag ng teacher namin. Walang sumagot. "Absent"

Patay. Mukhang nalate ng gising ata. Bandang 2am na kasi kaming natapos kagabi. Ako naman eh di na natulog kaya naman mukha na akong zombie. Kaso kelangan kong pumasok. First subject kasi yung may deadline. 30 minutes late ata si Carl bago nakapasok na siya namang kinagulat ng lahat. First time. Pumunta siya sa harapan at naupo. Dun kasi siya. Ako naman eh nasa bandang middle na. During recess tumabi ako at umakbay sa kanya habang kumakain siya mag isa sa canteen.

"Carl sensya kana ah. Pero salamat talaga nahabol ko deadline ko"

"No problem. Para saan pa pagiging magkababata natin", napansin kong pautal yung sagot ni Carl. Di din siya tumingin sa akin. Nag fist bump kami tapos umalis na din ako at bumalik dun sa grupo ko.

"Di mo ba pansin na crush ka ni Ang", biglang bulong ni Roger sa akin.

"Brad anong sinasabe mo", tanong ko.

"Brad naman. Ito lang naman ay akin lang. Pero mag ingat ka jan baka mamaya..."

"Tigil ka nga jan. Kaibigan ko yan mula pa noon ano ka ba", inawat ko siya.

"Ah basta brad nagwarning na ako sayo", sabi niya. At bumalik na kami ng klase.

Somehow, kinabahan ako sa sinabi ni Roger sa akin. Possible nga bang bakla si Carl? Hindi ko alam. Hindi naman siya kilos babae. Sa pagkakailala ko eh lalaki naman siya. Pero di ko maintindihan kung bakit labis akong naapektuhan sa sinabi ni roger sa akin. Di ko nalang yun inisip at nawala di naman siya sa isipan ko nung tumagal.

December na at malapit na Christmas Party at Christmas break. Siyempre malapit nadin Midterms kaya naman sobrang busy nadin namin. Naging kami na nun Rose. Sobrang saya ko nung mga panahon na yun dahil ang dreamgirl ko eh girlfriend ko na din sa wakas

Nagpatulong na naman ako kay Carl nun sa paggawa ng Biology project namin. Ganun padin, sa bahay kami gumawa. Dun nadin kami nagsimulang maging close ulit ni Carl. Di nga lang masyado. Kapag recess minsan shre kami ng table. O di kaya naman pag may group work ay kasama kami. Mabait si Carl. Siya parin yung batang kinukulit ko noon. Fastforward. Christmas party na sa school. Kainan at bigayan ng regalo. Inabot ni Carl regalo niya sakin. Di alam pero nakalagay kasi sa paperbag at nakascotchtape kung dulo kaya di ko mabuksan.

"Uy salamat", sabi ko habang tinatanggap yung regalo

"Uwi na nga pala si Mama sa makalawa. Punta ka analng dun sa bahay", sabi niya.

"Talaga. Ayus uwi na pala si tita. Ah sya nga pala. Eto regalo ko", inabot ko. Agad naman niyang hinulaan yung laman. Taman siya, Libro nga.

"Bang klase alam mo agad laman", napakamot ako sa ulo ko.

"Hehe ok lang naman. Gusto ko naman eh. Salamat Yan", tinawag niya akong Yan sa unang pagkakataon makalipas ang madaming taon. Yan kasi palayaw ko nung bata ako. Tumalikod na siya at bumalik sa upuan niya dahil dumating nadin si rose at tumabi sa akin. Napangiti naman ako nung tinawag niya akong Yan. Sumandal sakin si rose at kinuha kamay kom nagholding hands kami dun sa upuan namin. Ganto kami ka close kasi wala pa naman teacher nung oras na yun.

"Di kaba nawe-weiduhan dun", ibig niya sabihin aybsi Carl

"Dati. Pero ganun talaga yun", sabi ko.

"Sabi sakin nila Roger at Kevin bantayan daw kita. Naku naku Beh"

"Bakit naman"

Bumulong soya sa tenga ko, "Trip ka daw ni Carl", sabi niya at saktong napatingin sa amin si Carl. Eto naman naman yung feeling na di ko maintindihan. Kaba at pagkaalanganin ang nafeel ko nun. Natawa ako ngunit di ko pinahalata na naapektuhan ako sa sinabi niya. Nung matapos yung party ay dumiretso na kami sa bahay nila Kevin. Kasama ko parin si Rose. Dun kami nag inuman at nagkantahan. Dun nadin nangyari first experience ko sa sex nang naiwan kami ni Rose sa attic nila Kevin. Siyempre kinandado muna namin at dun ba kami nagsimula. First sex namin yun kaya naman especial yung moment na yun. Hehe.

3 days later. Nagising nalangbako at bumaba ako dahil may nagdoorbell. Ako lang mag-isa nun dahil may 2 day Trip sila ni Mama at Papa sa Batanggas. Si Carl pala yung nasa labas.

"Oh Carl"

"Ah eto nga pala galing kay mama. Mukhang nakalimutan mo ata pumunta kahapon e kaya sabi niya idaan ko nalanh daw ngayon bago kami umalis"

"Hala sorry. Nakalimutan ko nga", maliban sa nakalimot ako, sumama din ako sa barkada kong mag inuman.

"ok lang. Sige ah", nagpaalam na siya at nagsimulang maglakad.

"Ah Carl salamat. Pakisabi kay Tita din. San nga pala kayo?"

"Ah punta kami ng probinsya. January 2 pa balik namin. Sige", at nagpaalam na siya.

"Teka. Sama ako. Batiin ko muna si tita.", dali2 akong pumunta ng kwarto ko at nagsuot ng tshirt. Sabay na kaming pumunta sa bahay nila. Dun ko binati yung ninang ko at nagsorry dahil dahil di ako nakapunta kahapon. Umalis na din sila mayamaya at ako naman ay bumalik na sa bahay. Binuksan ko yung paperbag at dun ako nasiyahan dahil sapatos pala laman. Adidas, size 10, kulay navy blue yun. Ang ganda naman. Ang baitvtalaga ng ninang kom hehe.

****
March na, nagkaroon kami ng group project. Bale alphabetical order kasi, A din kasi simula apelyido ko. Magkagrouo kami ni Carl. Sakto naman dahil ibig sabihin eh magaling yung group namin. Maaga kaming natapos. Dun kami sa Bahay nila Carl palaging gumagawa. Pagkatapos ng final defend eh kami highest kay nag usap2 kaming mag jamming naman after final exam. Dun naman kami sa bahay ng kaklase kong si Denver. Buti nalang kasundo ko si Denver, nagkakaintondihan kami. Sports or Sayaw game din siya. Ayaw sana sumama ni Carl kaso pinilit namin. Ako nadin nagpaalam sa mga magulang ni Carl kaya naman pinayagan nila.

Ayos lang naman din yung nangyari. Kainan, movies at konting inuman. Dahil lima lang kami, tinext namin iba naming kaklase. Pumunta nadin sina Roger, Kevin at siyempre Gf ko.

"Uy si Carl patikimin nyo naman", sabi ni Alexa.
"Ah ok lang. Kayo nalang", pagtanggi ni
Carl.
"Naku Carl 14 kana. Go na"
Lahat kami eh pinilit siya. Ayaw parin.
"Brad, total magkababata naman kayo kaw na magbigay nyan kay Carl" (nakangiti si Roger sakin at tinataas yung kilay)

Kumiha naman ako yung baso ng Empi Light at binigay kay Carl.

"Sige na Carl ako bahala", binigay ko baso. Kahit nagdadalawang isip siya eh kinuha niya at ininom niya iyon. Nasira mukha niya at mayamaya namumula na siya. Nagtagal din yung inuman namin ng mga ilang oras. Walang nalalasing dahil paunti unti lang. Bumulong sa akin si Roger at sinabing ako daw kahinaan ni Carl. May plano daw siya.

"Ok ok dahil lahat naman tayo dito e matatanda na. Ahem. Laro nalang tayo ng truth or dare with a twist", sabi ni roger.
" Ang Jeje naman Roj", Sabi ni Rose habang magkahawak kamay namin.
"Ok game"
"Pano ba"
"Eto yun. Pagnatapat sayo, pili ka. Pag truth e shot ka ng dalawang beses. Pag dare naman dapat mo sundin kong ano man utos. Game?"

At game ang lahat maliban kay Carl na di nagsasalita at parang nahihilo na.
"Carl ok kalang ba? Wag ka na sumali kung di mo na kaya", sabi ni Alexa habang inaayos buhok ni Carl. Dito ko lang nakita ng buo mukha niya matapos ang napakahabang panahon. Magandang lalaki si Carl kung tutuusin. Hinubad niya salamin niya kaya naman kita nadin mapupungay niyang nga mata.
"Ah. Sige ok lang. Try ko", ngumiti si Carl kay Alexa. Sumandal si Alexa kay Carl. Halatang sinasamantala ang kahinaan ni Carl.

Nakarami nadin kami ng spin and dares. This time, tumapat kay Carl.
"Ehto. Truth or dare?", Tanong ni Roger. May plano talaga si Roger at pakiramdam ko masama.
"Truth", sagot niya.
"Uyyy matapang ah. Sige sa mga andito sa bahay. Sino gusto mong mahalikan?", sabay tawa na nanggigigil si Roger.l tapos umakbay sa akin. Bumulong siya sa akin.
"Brad maghanda kana ikaw hahalikan nyan". Tinisod ko siya. "Gago ka talaga". Ngunit nabigo ata si Roger dahil mas pinili ni Carl na uminom ng dalawang baso. Lahat nagcheer kay Carl dahil bihira lang mangyari na uminom siya.
Sunod e sa akin naman natapat.
"Alam ko na brad. Dare pipiliin mo. Sige eto.", sabi ni roger.
"Loko ka. Sige kaw na magdesisyon haha", sabi ko. Di ko inaasahan yung utos ni roger sa akin.
"Sinong lalaki dito.. Sabihin nalang natin.. Eh naging babae... Na gusto mong halikan. Ay dapat halikan mo din", gago niyang sabi. Lahat naghiyawan. Ako naman eh natatawa. Lakas ng tama ni Roger. Tumanggi naman ako ngunit mapilit sila. Bumulong sakin si Rose. Sabi niya halikan ko daw si Carl. Ok lang daw sa kanya. Nagtaka ako sa sinabi niya ngunit ako naman ay wala ng choice. At dun ako tumayo at lumapit kay Carl. Hinalikan ko siya ngunit smack lang. Lahat nagsigawan. Si Carl naman eh natameme nalang. "Ang Sweet!", pang asar ni Roger. Ilang minuto kaming nag asaran. Sa akin naman e wala lang yun. Tumayobsi Carl at nagpaalam na dun muna siya sa Veranda para magpahangin dahil daw nahihilo siya. Di siya nagpasama at mag isa na pumunta dun. Kami naman ay nagpatuloy sa laro. Nakailang shot nadin ako at medyo may tama na. Makalipas dalawang oras ay sinundo na isa2 ng mga chaperon nila. Kahit nga si Rose ay sinundo nadin ng mama niya. So ang naiwan eh ako, si Carl, Si Denver, at Roger nalang. Dahil ang kulit ni roger ay niyaya niya kami kung nasaan si Carl. May plano na naman daw siya. So ayun, nilasing pa niya si Carl. Ako naman ay nagaalala dahil maliban sa hindi sanay si Carl uminom, hindi din ako nasabi sa mga magulang ko na magpapasundo kami. Bandang 11pm na nun. Dahil sobrang lasing na si Carl, kung ano ano nang tinatanong ni Roger sa kanya. Kanina ay kinakabahan ako ngunit parang nadala nadin ako kay Roger. Si Carl eh nakasandal sa pader, nakaupo sa sahig habang kami naman ay nakapalibot sa kanya nakaupo din sa sahig.
R: Sino crush mo
C: eh wala.
R: Crush mo ako no
C: haha sira ka hinde
R: E si Denver?
C: Hinde
R: Eh si Ryan. Diba crush mo si Ryan?
C:... Ha?
R: Uy Crush mo si Ryan no. Aminin
C: pano mo nalaman...

At dun naghiyawan sina Denver at Roger. Ako naman ay nakatanga naman dahil sa gulat. Tutuo bang sabi nila na kapag lasing eh lumalabas lahat ng sekreto? Baka naman kasi lasing lang si Carl. Di ako nakapagsalita at natawa nalang na ewan. Labis ang kaba ko nun. Taena anyare.

Sinundo si Roger ng Papa niya makalipas ang ilang minuto at sinabay na kami. Nagpaalam nadin kami nang makababa kamibsa bahay nila carl. Nakaakbaybsiya sa akin dahil nakatulog na sa kalasingan. Nag doorbell ako at lumabas naman papa niya.
"Tito good eve po. Sorry po ah nalasing si Carl eh", sabi ko habang pinapasa ko si Carl sa papa niya.
"Uy ang binata ko. Haha di na kinaya", natatawa si Tito at binitbit si Carl nang parang bata. Baby na babybtalaga si Carl.
"Pano yan Yan, pasok ko nato. Salamat ah"
"Sige po tito", at umalis na ako. Pumasok ako ng bahay. Di na ako ng doorbell may kopya naman ako ng susi. Di ako makatukog nun kahit hilo na ako sa alak. Di ako makapaniwala sa ginawa namin. Lalo na sa sinabi ni Carl. Taena talaga Roger o. Buong summer vacation ko ata to iisipin e.
****
Third year na kami. Excited na lahat dahil siyempre, JS prom na din mga ilang buwan mula ngayon. Classmates padin kami lahat. Ngunit naging mailap ako sa Carl. Naghiwalay nadin kami ni Rose nung summer. Kahit hirap ako sa projects ko, di ako nagpapahalata at di ako nagpapatulong lalo na kay Carl. Parang nagbago ang paningin ko sa kanya. Lumayo ako at nagfocus nalang. Hindi ko na siya kinausap nun. Kahit minsan nagkakasabay kami pumasok o umuwi, sinasadya kong bilisan lakad ko. Ayoko talaga. Shet sa feeling eh. Di ko siya pinansin buong taon. Nag intrams, nagpasko hanggang umabot kami ng 4th year. Hindi ko siya kinausap at waring wala siyang existence.
****
2 weeks bago graduation, busy na kaming lahat sa rehearsals. Top 9 ako sa last ranking at tatanggap ng medals. Magkasama kami ng group ko palagi sa school park. Sa wakas graduate na din kami. Nakakaungkot man, masaya kaming lahat parin.

Naisip kong kumuha ng Architecture sa isang university sa syudad namin. Bale Civil Engineering at architecture yung options ko kaso mas nagustuhan ko yung Architecture. Nakapasa naman ako sa entrance exam kaya naman masaya ako. Marami din akong mga ka blockmates dun. Bale 4 sections kaming lahat. Yung iba kong kaklase ay nasa ibang paaralan. Yung iba naman ay andun sa Maynila. Hindi ako tunuloy ng Maynila dahil natakot akong lumayo sa mga magulang ko. Kilala naman yung pinasukan kong university kaya naman kampante na ako dun. Naging masaya naman mga unang araw ko sa college. Madami akong naging mga kaibigan.

(acquaintance party)

Cosplay daw theme ng college namin. So ako nagbihis Sasuki ng naruto. Makulit mga kaibigan kong bago. May nga mga nagpapaicture sa akin, kadalasan mga babae. Ngunit di yun ang highlight ng gabi. Laking gulat ko na nasa party din ang pinakainiiwasan kong tao. Si Carl. Nakita ko siya kasama mga ibang first year (nakatable kasi per year).

To be continued

No comments:

Post a Comment

Read More Like This