Pages

Sunday, March 18, 2018

Manhid (Part 3)

By: John

" Dan. I dont know what happened. First time in Manila. First year... Dan... ( I started crying)... you know. I will tell you right now. Somehow I got lost. I didnt understand myself. For the longest time I didnt understand myself. You know I had a gilfriend right? It's true. I wast lying. But you see I grew up very differently. I was 16 then. I dont know. Someone just winked at me. And I followed him. That guy Dan... We had sex. It was really really impulsive and stupid. I didnt even know why I did it..."

Napaupo siya bigla sa sahig. Gulat na gulat habang ako eh pinupunasan ko luha ko. Biglang gumaan feelings ko ng bahagya. Sa wakas, naipalabas ko din yun. Sobrang bigat nun. Pero mas mabigat sumunod na nangyare. Tumayo siya at tumalikod. Humarap sakin at tumalikod ulit.

"Pota", sabi niya habang hawak niya ulo niya. "Potangina. Pre kaibigan kita. Kapatid pa turing ko tapos ganto pala... Shit..."

Di ako nakapagsalita pakiramdam ko mali ata ginawa ko.

"All this time pre. Pakiramdam ko natraydor ako eh. Shit naman oh"

Mali nga ginawa ko. Kala ko gagaan lahat dahil sinabi ko yun sa kanya pero hindi. My heart seemed burning. Beating endlessly like hell. Grabe di ko yun kinaya. No words could ever describe how fucked up my feelings were that time. I stood up got my wallet ang my cap.

"Yeah I'm fucked up. A fucking shit.", sabi ko sabay labas, bagsak ng pinto. Shit lang talaga. Yun yung time na yun na labis na akong magmura di lang sa isip ko. Wala na akong pakialam kung ano man hitsura ko. Blurry nadin glasses ko dahil sa sobrang iyak ko. Sumakay ako ng taxi. Shit lang talaga. Ang sakit eh. Shit din dahil 800 nalang pera sa wallet ko at naiwan ko atm ko sa bag. Shit.

Pumunta ako ng ortigas. Sabi ko sa kaklase ko nung highschool yung nangyari. Siyempre ibang kwento. Nagdahilan lang ako. Sabi ko eh nagaway kami ng roommate ko dahil pinagbintangan niya akong nagnakaw ng pera niya. So ayun dun muna ako natulog sa condo niya. Dalawa naman sila sa condo kasama kapatid niya. 2 days din ako dun. I decided to transfer to another apartment. Bahala na. Kunin ko lang gamit ko at lipat na ako. Bahala na. Yun lang naisip ko.

Bumalik ako after two days. Pinahiram ako ng damit. So pagdating ko ng apartment bandang 4pm, nagisip muna ako ng mga ilang minuto habang nakatayo ako sa harapan mismo ng pintuan. Sige. Ok na. Pasok na ako.
Binuksan ko yun. Kung ano hitsura ng kwarto pag alis ko ganun din naman ngayon. Naiba lang eh may apat na beer cans sa table. Nakita ko si Dan natutulog sa sahig. Sa foam ko, nakataob sa unan ko. Shit. Ito na yung shit na tao. Mangangamoy pa unan ko eh. Inayos ko gamit ko ng dahan dahan para di siya magising. Inisip kong lasing siya kaya nagmadali ako. Baka bugbugin pa ako paggising nito eh. Habang nag-aayos ako, napansin kong may nakabalot na panyo sa kanang kamay niya. Kulay yellow yun eh kaso may mantsa. Dugo yata. Ang baho nadin. Amoy alak. Tumingin ako sa cr baka kasi may suka. Shit lang din kapag meron. Pero wala naman. Napansin kong may konting yupi sa pintuan. Parang may bumaon na kung ano. Isipin mong kahoy pintuan sa kwarto. May yupi. Naisip ko agad kung saan nanggaling yung sugat niya sa kamay. Agad akong nagmadali. Bahala na. Baka ako yung maging punching bag niya mamaya.

"Oh... Pre. Andito kana pala... Di mo man lang sinabi. Sorry ang kalat. Sorry di ako nakapaglinis e. Sensya na. Kumain ka na ba... Teka anong oras na ba..." pautal niyang sabi habang bumabangon. Ako naman, di na humarap. Pinagpatuloy ko pagaayos ko ng gamit. Labis ang kaba ko.

"Ah bro. I found a new apartment. Malapit lang. Don't worry, I'm leaving tonight." di ko alam pero ngumiti ako. Pekeng ngiti. Yung bitter na ngiti. Yung smirk na bitter.

"Ah. B..bakit. bakit ka naman aalis"

"Haha. Don't worry. I'm okay. It's for the best."

"Pre wag. Di mo kelangan gawin to", umupo siya sa tabi ko.

"Bro. What happened last day... (Humarap ako ng nakaupo din sa sahig)... Actually di ko kailangang mag explain eh pero. You told me yourself. I was your friend. Or brother. I grew up differently as I have said. I got curious. I got confused too. I know who I am now. But that time I wasn't thinking. I regret it until now. For many days I had panic attacks. I don't know why. Maybe because it was wrong. Who knows why. All I know is that I regret it. Never in my life will I ever do it again. No. But I'm leaving because I can't live like this anymore. Especially with you..."

"John..."

"And I completely understand you. I understand you. Nasaktan lang naman ako eh. Pero ayus na yun (pinipilan ko luha ko), even before I was already a loner. I can live alone. Don't worry.", nag thumbs up ako.

Shit talaga. Di ko alam kung bakit naging madrama buhay ko bigla. Sino ba dapat sisihin. Ako lang naman...

"Pre... Favor naman oh. Bago ka umalis. Gamutin mo naman sugat ko.", out of no where niyang sabe. Huh?

"uh.. E. Sure. Come here", tumayo ako at kumuha ng alcohol sa cabinet. I untied the handkerchief. Pasa at sugat. Mostly pasa. So ayun diretso ako. Kumuha ng alcohol, nilinis. Dahil mahapdi ang alcohol, sabi ko nalang sa kanya na hugasan namin kamay niya tsaka balutin ng bagong panyo. Wala kasing bandage e. Wala din akong alam sa first aid.

"there you go", tinali ko yung panyo. Hindi ako nakapagsalita dahil bigla nalang... Niya akong niyakap... Nang mahigpit.

"Mapapatawad mo pa ba ako?", tanong niya. Nararamdaman kong umiiyak na siya. Pigil ang iyak pero ramdam ko.

"Dan... Uy", shit din reaction ko eh. Galit ako oo aminado ako pero di ko maintindihan. Inawat ko siya pero ayaw niyang bumitaw eh. Mas humigpit pa yakap niya.

"Wag ka umalis please. Sorry di ko sinasadya"

"Wag ka umalis. Sobra na ang dalawang araw. Wag mo nang dagdagan.", wala na. Iba na naramdaman ko sa oras na yun. Saya. Galit. Saya. Awa. Saya. Masaya ako. Ewan ko kung bakit. Masaya ako.

"Ok na yun. Forgiven", sabi ko. Tutoo.

"Wag ka umalis please"

"Dan. Ano bang nangyayari sayo"

"Nagalit ako sayo. Oo nagalit ako. Pero mostly galit ako sa sarili ko. Putangina naman ang gago ko. Sorry..."

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako gumanti ng yakap. Nararamdaman kong sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Kaba. Di ko alam. Basta kaba. Kilig. Kilig kasi nagsorry siya. Kilig kasi niyakap niya ako.

"Gagawin ko lahat para mapatawad mo. Wag ka lang umalis. Miss na miss na kita sobra. Di ko alam kung bakit pero ayoko umalis ka. Wag kang umalis please..."

Okay. Inlove ba siya sa akin? Ang tanong na ngayon ko lang napagtanto. Si Dan. Na kaibigan ko. Na kapatid ko. Lalaki siya. Lam ko yun. Pero sa ginagawa niya ngayon. Ah basta. Nonsense thoughts. Di ko maintindihan. Baka naman kasi nagsisi lang siya. Please wag kang ganto Dan. Wag naman. Mas komplikado to kapag ganun.

"Dan. Tama na. Di na ako galit" tinapik ko likuran niya para matigil yung paghikbi.

"Ganyang kaba kabato Pre?"

Wala akong sinabi

"Wala ka man lang ba sasabihin?"

Wala.

"Tangina naman oh. Ano ba pre!?"

Eh ano nga?

He kissed my lips.

1.2.3.4.5.

Hindi ko alam kung ilang segundo yun. Nanlaki mga mata ko sa nangyari. Kiss yun oo. Kiss niya. Kiss namin. Kaya ba ayaw mo ko umalis Dan. Kaya ba nabasag mo kamao. Kaya ba ang kulit mo sa text. Kaya ba nilasing mo ko. Kaya ba iyak ka ng iyak ngayon. Fuck.

"What... Did you do"

"Ganyan ka ba ka manhid ah. Kala ko ba ikaw mas matured satin dalawa. Kala ko ba matalino ka. All this time di mo napansin"

Ano nga bang sasabihin ko. Wala akong sinabi. Sumandal ako sa pader. Tumabi na naman siya. Nakayuko ako at nakatanga. Niyakap ko tuhod ko. Di ko alam kung ano nangyari. Gusto ko ba? Hindi? Oo? Di ko alam.

"John. Sasabihin ko. Oo naiintidihan kita. Yung ginawa kong yun wala yun. Wala yun sa ginagawa ko. Sa mga GF ko. Kay Erika. Especial ka sakin. Ayoko mawala ka. Mahal kita."

Nagisip isip ako ng sasabihin. Pero blanko.

"I don't know what to say"

"Okay lang. Di mo kailangan magsalita. Di mo kailangan suklian yung feelings ko. Pero wag ka lang umalis. Please..."

"Okay..."

"Salamat." tumayo siya. Naghilamos at nagbihis. Nagpaalam siyang lumabas muna. Gabi na at di parin bumabalik si Dan. San kaya yun. Habang ako, nakatanga at nag iisip. Mahal ko din ba siya? Di ko alam. Oo aaminin ko. Lately naappreciate ko siya. Tawa niya. Katawan. Magiging ipokrito paba ako kung sasabihin kong di siya attactive? Pero ayoko. Dahil siguro sa trauma ko kaya naging ganto ako. Kaya kong maging manhid. Kaya kong maging walang imik at ignorante or walang pake. Nakaya ko yun. Takot ako baka katulad lang din to nung nakaraan. Ayoko na. Mahirap. Mabigat sa puso. Baka di ko na kayanin. Pero mahal ko din yata siya. Siya lang nagparamdam sakin ng ganto. I claridfied to myself. Masarap sa pakiramdam yung yakap niya. Not in a sexual way, but in a REAL way. Yung honesty. Yung truth. Yung love. Maybe all this time I'm inlove with him. Takot lang ako aminin. Takot lang ako makita yung tutuo na mahal ko din siya. Di ko alam kung kelan nagsimula. Basta ngayon, alam ko mahal ko siya.

I texted him...

"Where are you?"

Di nagreply so I decided to go out and then... Hala, natulog pala ang loko sa labas. As in sa tabi lang ng pintuan. Di ko napansin kasi di ako lumabas kanina e

"Pre. Okay kana?"

"Ah yeah. Bakit ka ba andyan. Pasok ka na nga", alok ko.

"uh sige"

Pumasok siya at ako naman di mapakali. Pumunta siya sa lababo para hugasan kamay niya at maghilamos. Tanging kaliwang kamay niya lang gamit niya. Ako, sa di ko alam na dahilan. Lumapit at niyakap siya mula sa likod. Ilang segundo din yun. Humarap siya sa akin at niyakap ulit ako.

"I love you", sabi ko.

It went on for minutes. Yakapan lang. Walang usapan. Natulog kami nagkatabi habang yakap2 namin isat isa. Di ko maipaliwanang ngunit ang saya ko sa gabing iyon. Yung roommate ko na naging kapatid ko na naging... Ewan ano bang tawag sa amin. Basta ang mahalaga e yung feelings namin sa isat isa. Mahal niya ako. Mahal ko siya. Yun mahalaga.

Naging super close na kami ni Dan after nun. Naghanda na kami for the start pf the second sem. Firat day eh nagkataon parehong 8am klase namin. So sabay kaming gumising, kumain at pumasok ng school. Bago kami lumabas ng kwarto, kiniss niya ako. Hinawakan kamay ko at ganun din ako. Kaso di na kami naghawakan ng kamay sa labas. So ayun...

Dec 16. Nagising nalang ako eh ako lang mag-isa. San kaya si Dan. Teka, birthday ko nga pala ngayon. Nakalimutan niya ata.

Inayos ko na yung pinagtulugan ko (namin) at naghilamos. Inayos ko din gamit ko kasi may pasok ako sa hapon. 12.30pm at kailangan ko na umalis dahil may pasok ako. San kaya si Dan. Umalis na ako at pumasok. Di ako nakapagconcentrate buong klase kakaisip kung san na kaya siya. Kung naalala ba niya. Baka nakalimutan niya na birthday ko.

Natapos ang klase at ako naman ay umuwi. 7.30 na yun at wala akong ganang kumain. Binuksan ko pintuan ng kwarto at pumasok. I turned off the lights and then...

"Happy Birthday pre!", Si Dan sabay tayo sa pagkakaupo. Na sahig naglatag siya ng  mat. May cake at pizza. May 3 libro then siyang nilagyan ng ribbon. Tapos yung laptop niya nakabukas, teka VLC player pala nakapause. Nakapause ang isang BLACK and white movie. Sabi niya movie marathon daw kami. Na touch naman ako sa ginawa niya.

"Kala ko nakalimutan mo na", hinubad ko sapatos ko at umupo nadin sa latag kaharap niya.

"Makakalimutan ko ba yun", sabi niya.

"Heto, wish ka muna", sinidihan niya yung kandila sa cake.

"uh. Ano bang wish ko"

"kaw bahala"

"I wish... i wish to find true love"

"Loko ka ah. Eh andito na ako"

"Haha joke lang"... "Bro. Thank You talaga. Wish ko? Ano bang wish ko. Andito kana. It's more than enough", sabi ko habang nakatingin sa cake.

"ahem... (na blanko siya) mukhang gutom ka na ata. Kain na tayo", sabi niya.

Kumain kami at nanuod ng movie. Kakagulat kasi siya mismo pumili at nagplay ng movie. Napanuod ko na yung movie. ALL ABOUT EVE. I lied ng sinabe ko na hindi pa. Nageffort kasi siya ayokong masira mood niya. Weirs lang niya minsan sinusubuan niya ako na para akong bata. Haha. Sabi niya cute ko daw eh. Dan, salamat.

After ng lahat ng yun, magkatabi parin kami, this time ibang movie naman. Nakayakap yung isa niyang braso sa akin at ako naman nakasandal sa kanya. This time may iba na...

Ok di ko na idedetalye lahat. That night was the best night of our lives. Lam nyo kung bakit. Hihihi. Sensya na di ako marunong magkuwento ng mga erotic stories eh kaya di ko na idedetalye yung nagyare. Basta we kissed at dun na lahat nagsimula. Isa lang maibabahagi ko sa inyo sa nangyaring yun. May sinabi siya... AKO BAHALA. AALAGAN KITA.

Nasundan pa yun ng madaming dates and lovemakings. Away na din. Pero we did our best keep our relationship going. Chill lang kasi kaming pareho. Hindi namin pinupush yung di dapat and enjoy lang kami kung anoglng meron samin. Kahit busy, di namin kinakalimutan ang isat isa. Tumagal din kami hanggang sa nag graduate siya. Months later nakapasa siya ng board exam at saktong nakatanggap ng offer to work abroad. Ako naman eh. Heto. Sobrang haaaabaaaa na talaga kaya jump off na tayo.

Present

Nasa Dubai parin ngayon si Dan. Ako naman e andito parin. Kakapasa ko palang ng board exam this Jan 2018. May communication naman kami. Videocalls and chat. Cool off/chillmode kami parin hangang ngayon. Bago siya umalis, I gave him freedom to do what he wants. He might find another person out there. Di ko siya pipigilan. I told him that I will wait pero sabi ko din na malawak mundo. Kapag gusto na niyang bumitaw, ok lang kakayanin ko. Sabi naman niya hindi siya bibitaw. So ayun, uwi siya ng pinas next year. Di ko alam anong gagawin ko. Excited ako. Sobra. Makikita ko na ulit siya. Mahal ko parin siya.

Salamat sa pagbabasa!

No comments:

Post a Comment

Read More Like This