Pages

Thursday, March 29, 2018

Paasang Italiang Sausage (Part 2)

By: Mike

"okay ka lang?", text niya. Siyempre di ako nagreply. Papakatanga pa ba ako? Dumiretso na ako ng uwi, naligo, ngunit hirap dahil hapdi ng sugat. Napakanta ako ng pagkalakas lakas. ROLLING IN THE DEEP. Pota ang sakeeet.

10 pm. Humiga ako, hindi na ako nagdamit, i checked my phone at may text na naman ulit si Trevor.

"Bboy how are u. Punta ako dyan

Sorry po kuya, wala sa mood ang sex doll mo. Next time nalang, sabi ko sa isip ko.

"Bboy...

Ah basta. Di ako nagreply. Galit galitan lang? Oo galit at inis naramdaman ko nun. Sa tutuo lang, maganda si Jenny. Kala ko nga si Kim Chiu yun pero di pala. Dear universe, kala ko ba walang forever? Bakit may Jenny parin hanggang ngayon! Pakulam nga. Haha joke lang.

Lumipas ilang araw, di ako nagreply. Madami din akong online customers at mostly gabi yung transactions namin. Animator pala ako, fyi. Dahil gabi trabaho at sadyang pang gabi talaga akong tao, di na ako nagrerespond sa mga texts ni Trevor. Advise ko sa sarili ko, tama na. Wag nang hintaying lumalim ang hukay na kinababaunan ko. Baka sang araw di na ako makaahon. Naks! Naputol ang pag iisip ko dahil...*ring. Tumatawag si trevor! For the first time!
Deadma
Ring ring
Deama
Ring ring

Nakikita ko pangalan niya sa CALLING word. Parang naghugis puso mga mata ko, ngunit pinipigilan kong sagutin. Mali to, Mike. Mali wag tanga.

"Hello trevor?", oh diba, bobo lang talaga.
"Bboy bat di ka na sumasagot sa mga text ko
"Eh busy eh
"Bboy COFFEE tayo maya
"Kuy--Trevor, late na eh

12mn na kasi nun
"Sige na please

Rinig ko sa boses niya na pinapalambot niya na para siyang nagbaby talk sa pagsabi ng PLEASE. Luh? Buang.

"Trevor naman...

TREVER NEMEN WEGNE PLEASE MEEWE KE. uwaaaaa para akong sasabog. Ang landi kasi eh. Sa malandi din ako. Haha.

"Okay fine", How to be bobo? Gayahin ako.
"Yes bboy! See you. Hintay ako", naputol na ang tawag niya.

Reflections 101:
1. Malambing siya kapag may kailangan
2. Sinasamantala kahinaan ko kapag libog siya
3. ‎Ako pala ay isang pizza for delivery. Sang sabi lang niya ba IM HUNGRY ayun, punta din agad ako. Guaranteed delivery time is 30 mins. Max.

Habang nagbibihis ako, nalungkot ulit ako. Naisip kong hanggang sex nalang ba talaga ang rason ko sa buhay niya? Kakapagod ah. Fuckboy on call. Just call my name and I'll be there. Parang ganun. Ayoko na. Ayoko nang maging fuckboy. Nakakasawa na ang sex. Gusto kong maging mahalaga naman sa buhay niya. Naisip ko ang worth ko. Ang drama diba, matapos magpakabobo ng 100 times ngayon lang naisip yun. Pinatay ko computer ko. I texted him "Sorry masakit paa ko", then natulog na. Bobo din ng dahilan eh. Ngunit tumawag na naman siya. HINTAYIN KO DAW SIYA SA BABA DAHIL ON THE WAY NA SIYA. Ayan na naman tayo. Sa di ko alam na dahilan, nagmadali akong bumaba ng lobby, di na nga ako nakapag suot ng tsinelas eh. Ganyan tayo eh.

"San tsinelas mo bboy?
"Ah nakalimutan ko
"Tara?

Tingnan mo tong taong to. Di man lang inisip na wala akong tsinelas? NAPAKASELFISH! Ayoko.

"Trevor wala akong tsinelas
"Sige kuha ka hintay ako dito
"Trevor ayoko na!"
"Wag ka ngang sumigaw", napatingin yung guards sa amin. "ano bang problema mo Mike?
"Anong problema?....etc

Dun na ako sumabog. Dahil sa tsinelas. Dapat magpasalamat ako dahil wala akong tsinelas, dahil dun nasabi ko lahat lahat sa kanya. Di siya nakapagsalita, natameme nalang at ako naman, nanginginig na sa galit. Sabi ko sa kanya...

"Uwi ka na, bili ka ng fuckboy mong handang maging alipin kapag libog ka!", pero di ko nilakasan. Nagwalk out ako sa kanya. Nagmadali akong pumasok ng elevator. Dun, nakakagago lang ang sitwasyon. Kumaripas ako ng takbo, bumagsak ng kama at nagiiyak... Joke lang. Pumunta muna ako sa cr para hugasan mga paa ko tsaka ako pumunta ng bed ko. Di naman ako nagiiyak talaga, may luha oo, pero mostly nag iisip ako. Nagcocontemplate kumbaga. Sa wakas nasabi ko narin. At sa wakas, sigurado ako, di nayun nagpaparamdam sa akin.

Hindi na nga siya nagparamdam. Days and weeks na lumipas, at wala na siyang text o tawag sa akin. Balik ako sa dating buhay. Trabaho, tulog, kain, minsan pasyal, minsan gimik kasama barkada, tapos night run parin. Iniiwasan kong takbuhin yung Meralco av. Baka andun kasi yun, tsaka malapit lang dun office nila. May mga trippers ding kumikindat sa akin ngunit deadma muna ako. Wala sa mood. Napagod ng husto. Kasi nga diba, know your worth. Charot. Pero it's true. It feels empty kasi lalo nat sex kayo ng sex, yung puro libog lang. Sa kaso kong tatlong taon na nakikipag casual sex, reasonable na ang dahilan kong maghanap naman ng taong di sex ang habol sa akin. So ayun, nakamove on nga ang bobo niyong kaibigan.

*beep once

May nagtext. Si... Si...

Si Mama pala.

"Nak, d2 aqo condo mo, dala aqong growcry. Sun ka bah?"

Di ko maalala kung kelan naging jejemon nanay ko.

"Ma pauwi na. Nag jog lang. Hintay kau sa lobby"

"D2 dn pala fwend moh. Trevr dw."

TAENA. Muntik na akong matisud. Kasi sa ADB av kasi may basag basag na sidewalk. Tsaka nagulat din ako sa text ni mama. Paano ba to? Anong ginagawa niya dun. Tae talaga naman.

"Ma, kita nalang tau podium asap"
"pagood aqo uko maglakd"
"Ma please..."
2 minutes later
"Nak otw na. 2long saqn fwend moh"

Halos di ako makahinga habang binabasa ang text ni mama. Taenaaaaaaa! Wala akong nagawa kundi maghintay sa podium, dun sa starbucks. Sige na, aacto nalang akong tupperware. Ilang minuto pa ay nakita ko na sila. Kiniss ko si mama at nagpanggap na wala siyang kasama.

"Anak naman, pinagod mo pa ako. Di ka nalang dumiretso dun"

"Ma napagod kasi ako hehe. Tsaka di ka nagsabing pupunta ka ng manila"

"Bata ka nung isang araw pa ako ng viber sau di ka sumasagot"

"ay sorry po"

"eh ang lapit nga lang ng condo mo bata ka... Oh buti nalang andito si Trevor. Binuhat niya groceries. Baka naman walang laman ref mo.. Iho salamat pala. Pogi naman ng friend mo anak"

"Hehe di sad kaayo Tita", Trevor talked in bisaya (Di naman masyado Tita)

"Hi Mike", ngumiti siya sa akin at sobrang amo ng mukha. Pakpak at halo nalang ata kulang eh anghel na siguro siya. Ako ay ginawa best ko na parang di apektado.

"Pre salamat. Pauwi ka na diba? Ma pauwi na ata si Trevor. Tara uwi nadin tayo kasi gutom na ako"

"Ah di naman. Dumaan lang ako sa condo mo para ibalik tong libro mo", may hawak siyang libro na di ko alam kung san niya kinuha. Luh.

"Buti pa iho, sabay ka na samin magdinner. Oh nak dito na tayo kumain. Iho sama kana samin", at niyaya na kami ni mama kumain. Pumunta kami sa malapit na resto at dun kumain. Si mama naman kaseeeeeee! Napansin ko lang na pinipigilan ni Trevor ang tawa niya. Haist. Ako naman di mapakali.

Habang kumakain, nahiya ako bigla dahil sobrang daldal ni mama. Sila lang ata ni Trevor nagkwentuhan eh. Ako pa as if na naglalaro sa phone.

"Nak wala kang gana?"
"Murag wa ma" (parang wala, ma)

Trevor: Ah tita mukha sawa na ata siya sa gulay e (bibimbop), diba Mike paborito mo Sausage?

Namula ako sa sinabi niya.

"Ah hindi naman. Nakakaumay kaya yun, tsaka di healthy", halos naging kamatis na ata ako nun sa sobrang pula.

"Kasi noon kasi tita, pinatry ko sa kanya yun tapos naging paborito na niya. Bilis mo naman magsawa mike"

"Naku iho ganyan yang bata na yan. Sige order ka nalang ng iba", sabi ni mama.

"Ok na ako dito sa soup"

"Gusto mo gatas mike, masustansya yun!", alok ni Trevor habang nakangiti. Yung ngiting pangdemonyo.

"bhwrfks...", nabulunan ako habang nginunguya yung bibimpop.

"ehto tubig oh", pinasa ni trevor tubig niya. "Masarap yan." Kasi alam mo yung malamig na baso, nag momoist, hinarap niya sakin yung part na nainuman na niya. Yung may bakat ng labi.

"Cr lang ako", pumunta ako ng CR. Matagal din ako dun. POTAENA. Habang nakatitig ako sa sarili ko sa salamin, may pumasok na tao.

"Bboy ang tagal mo ah hinahanap kana ni Tita"

Humarap ako, nakakunot noo at nag gesture na susuntukin ko siya kapag di niya to tinigil.

"Tong kamao ko babaon ko to sa mukha mo gago ka", sabi ko habang nilalapit yung kamao ko sa mukha niya. Napapaatras naman siya.
"Teka teka lang. Pikon agad ang bata oh. Sorry", tapos tumawa na siya.

Lumabas ako at bumalik. Nagsorry ako dahil natagalan ako. Sumunod din si Trevor. Pumunta na kami ng condo, nagpasalamt si Mama kay Trevor dahil bihuta niya groceries niya. So ayun, umuwi na kami. Magkatabi kaming natulog ni mama. Uuwi din siya kinabukasan.

*text

"ANO BANG PROBLEMA MO", text ko
"Wala
"Tsaka wala akong pinahiram na libro sau
"Wala nga. Dahilan lang naman yun
"bat kaba pumunta ng condo
"Para mag coffee
"Pota ka
"Pota ka din
"Wag kanang papakita sakin. Block na kita

Pero di ko ginawa yun.

"teka wag naman ganun. Sige di na kita aasarin

Di ako nagreply. Kunwari blocked na.

*ring

Di ko sinagot.

*ringringringring...

"kala ko ba blocked. Bakit nag riring parin

Di ako nagreply. Madami siyng texts pero di talaga ako nagreply. Bahala siya sa buhay niya.

Kinabukasan, naghihintay kami ng uber dahil ihahatid ko si Mama sa NAIA. Alas 2 flight niya, bandang alas 10 pa nun. May lalaking biglang tumapik sa balikat ko.

"Good morning tita"
"oh ikaw pala trevor"
"san po punta?"
"airport na iho. Uwi na ako ng Cebu"
"anong ginagawa mo dito?", sabi ko pero parang bulong lang, yung saktong mabasa lang niya yung bibig ko
"ay pupunta sana ng megamal... Gusto nyo po book ko kayo ng uber?", sabi niya.
"ah tapos na", sabi ko. Tiningnan ko ang uber, nag cancel pala. Potaena.
"Ma, nag cancel pala", sabi ko. Kung mamalasin ka nga naman.
"ah buti pa book ko na kayo", nag book si Trevor. Ako naman ay tinaas lang kilay ko. So ayun, sumama siya sa amin sa airport. Ang daldal nga niya sa mama ko eh. Buti nalang si mama sumasakay din sa mga kwento niya. Yabang talaga. Pero pwede ko bang sabihin ang gwapo talaga niya?

Pumasok na si mama ng airport. Nagkiss kami at nagpaalam na. Naguber ulit kami pabalik ng ortigas. Sobrang traffic kaya naman nakakailang din sa loob. Sa likod kaming nakaupo pareho, di ako nakalipat kanina ng front seat eh.

Umusog siya papalapit sa akin. Yung dinikit na niya side niya sa side ko. Di ko siya pinansin.

"Bboy ko... Bboy ko...", nilalandi niya ako. Pota sarap sapakin... At halikan. Hihi

"Bboy mo mukha mo. Mahiya ka nga"
"Di naman tau kilala nyang driver e. Diba manong?"

"no problem", sabi ng uber driver na parang natatawa sa amin.

"kaw last nalang ka sa akoa ba" (ikaw ha huling hirit pa at naku...)
"Bboy coffee...", nagpacute at pouty lips ampota. Oo cute ka sarap mong kainin ngayon din kaso dapat pala galit ako.

"tahimik"

"uy.. Bboy"

Di ko siya pinansin.

"Pansinin nyo na sir", tugon ng driver. Luh? Feeling close ka ah.

" See? pati si manong tinutulungan na ako

"Matanong ko lang po. Mag jowa po kau?", ano bang pake mo manong

"HINDI---OO", sabay kaming sumagot ni Trevor.

"Ay complikado pala", natawa ang driver. Dun na siya tumahimik at nakinig nalang.

"Manong kaw ha pektusan kita mamaya", sabi ko. Tumawa lang siya.

"Bboy mao nalang ni. Manguyab ko nimo sugod karon" (Bboy ganto nalang, liligawan kita simula ngayon)

Nanlaki mga mata ko sa sinabi niya

Alam mo taena mo. Sipain kita jan eh. Sipain kita ng todo todo dahil di ko maexplain ang kilig ko. TOTOO BA ITO!?

"Pota ka Trevor wag kang ganyan porket alam mo kahinaan ko. Sabadiya!"

"Sorry manong ah madumi talaga magsalita tong bboy ko"

Tumawa lang yung driver.

Kinagat ko labi ko para mapigilan ko ngiti ko. Shit di ko kaya. Napangiti ako habang nakatingin aa bintana. Di ako humarap. Lam ko namang halatang halata na ako. Pero AAAAAAAA pakipot parin. Try ko nang maging pakipot pata naman matry ko. Yung patweetums. Yun pateenager. Di ko na try to eh.

Halos dalawang oras byahe. Si Trevor nagbayad. Bumaba kami sa Condo ko. Nagmadali akong pumasok pero nahawakn niya braso ko.

"Oops teka. Maya kana pumasok. May lunch date pa tayo bboy"

Catch me im falling. Ang landi. Sige pagbigyan ko nga, tutal kinikilig naman ako. Pwede siya nalang lunch ko? Hahaha.

MIKE. Wag agad agad papadala. Baka may problema lang yan kay Jenny. Naku!

Halata niyang kinikilig ako. Panay kagat ko sa labi ko para di ako mapangiti. Panay din titigan namin. Naku, alam na this one. Wala na. Mike, nahulog kana sa patibong.

"Tara na. Gutom na ako", yaya niya.

Kumain kami. Di ako naimik. Siya naman puro nagsasalita. Sige lang, kwento ka lang trevor. Wala din kasi akong masabi. Bastat good mood ako ngayon. hehe.

So ayun na nga, after kumain, nilandi na naman niya ako. Coffee na naman daw. Pero tumangi ako. Dito na naging serious ang aura namin.

"Trevor naman. Kala ko ba liligawan moko. Wag mo sabihin pati yun joke lang"

"Seryoso ako

"Kung ganun, ligawan mo ako ng maayos.
Alam ko namang di ako babae. Ayoko din ituring na babae dahil di ako babae. Tsaka ayoko. Gusto ko lang irespeto mo ako. Tao din ako trevor, nasasaktan, may puso din akong inaalagaan. Oo alam kong nagkakilala tayo dahil sa libog. Pero naman, sinabi ko na diba? Ayoko na ng ganun. Nakakapagod kasi. Tsaka, we can start as friends if you want. Yun gusto ko. Gusto ko yung kikilalanin natin isat isa. Tunay na relationship ang kailangan ko, at di yung gagawin lang akong parausan. Gets mo?
Di siya nagsalita. Tumitig lang siya sa akin

"so alis na ako? Inaantok na ako. Siesta muna ako.

"Teka. Sama ako.

"Siesta nga eh tapos sasama ka

"Oo sama ako.

Sumama nga siya sa condo. Late na para mag siesta. Mag aalas dos na. Pero inaantok ako kaya natulog. Dun ako sa right side ng kama natulog. Basta natulog lang ako. Pinikit ko mga mata ko at nakatulog bigla. Dahil siguro sa stress. Pagkagising ko bandang 4pm, nakaharap sa akin si Trevor na natutulog din. Dun ko narealize na Thursday pala nun. So ibig sabihin di pumasok ng opisina si trevor. Luh? Anyare sa kanya.
Habang magkaharap kami, pinagmasdan ko lamang siya. Napakagwapo at amo ng mukha niya. Kinikilig ako at napapangiti habang pinagmamasdan siya. Ramdam ko hininga niya, rinig ko yun. Magkalapit lang kasi mga mukha namin. Di ko alam pero di ako nalilibugan nun, di ako natetemp na halikan siya. Nag eenjoy lang akong pagmasdan ang napakaganda niyang aura habang tulog. Ilang minuto din yun at muli akong nakatulog.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This