Pages

Thursday, March 29, 2018

Review Center Buddy (Part 1)

By: Tom
 
Ako nga pala si Tom. Di tunay na pangalan. Madami-dami nadin akong nabasa sa site na ito na experiences ng mga architecture students (type ko basahin yung lovestory). Kaya naman naisipan ko din ishare yung story ko. Isa na pala akong licensed architect. Napasa ko board exam last 2016 and currently working in a firm dito sa sa Metro Manila. Magiging discrete ako sa descriptions, names and places (I will do my best) para nadin sa privacy ng mga taong involved. Sana magustuhan nyo at mainspire kayo. About naman sa akin, isa akong dicrete bi. May mga naging gilfriend naman ako ngunit di naman nagtatagal. 1 year lang pinakamatagal kong relationship. Kilos ko naman ay lalaki din, walang bahid sabi nga nila, ngunit sa mga may "gaydar" dyan, mapapatanong talaga kayo. Ewan ko ba pero yun yung mga naranasan ko kapag may naencounter akong mga gay/bi at sila ang kadalasang nagtatanong kung straight ba daw ako...
---
Solo flight ako nagreview nun. Ako lang mag-isa sa boardinghouse. Sang kwarto lang pero meron nang banyo, maliit na kusina at labahan. Hulaan nyo nalang kung saan. Mahirap magreview lalo na kung mag-isa ka lang. Sinadya kong gawin iyon dahil nadin sa takot at pressure. Secret exam kumbaga. Dahil panggabi yung sched, nahirapan din ako mag adjust. Iba iba mga nagiging seatmate ko. Ngunit dumating yung time na naging regular na ako sa upuan ko, ganun din yung group of students na naging seatmates ko. Apat sila, puro lalaki. Taga bandang North sila pero di ko na sasabihin kung saan. Naging kaclose ko si Miguel (di tunay na pangalan). Magkasing edad lang kami, matangkad siya na nasa 5'10. Matangos ilong, makinis mukha, light moreno at sakto lang katawan. Di payat di naman mataba. Seryoso siyang tao first impression ko, pero masayahin naman pala at makwento.
Miguel: pwede pang maupo dito?
A: Sure no problem
*silence*
M: ah pre, san pala school mo.
A: ******* ikaw?
M: ******, probinsya?
A: Rizal. Ikaw?
M: ****** (sorry talaga hahah di ko kayang banggitin)

Nagpakilala ako sa group nila at naging magkastudy buddy kami. Iniimbita nila ako sa condo na nirerentahan nila malapit sa review center at dun kami minsan nag-aaral ng sabay. Pressured ako kasi nahihiya pero nakaadjust na din. Sa apat, naging mas malapit talaga ako kay Miguel. Di ko alam kung bakit, pero magaan lang talaga loob ko sa kanya.
Minsan maaga yun pumunta sa review center (6pm pa kasi class) at naabutan ko siya pa lamang mag-isa. Sabay kaming mag early dinner. Kung saan saan lang. Sa carenderia na malapit, lugawan, lomi, jollibee, siomai. Kahit saan. Masaya siyang kasama. Naging mas malalim din pagkakaibigan nami. Dahil habang sabay kaming kumakain palagi at nagkukiwentuhan kami about life. Makwento siyang tao sa tutuo lang. Parehong arkitekto mga magulang niya at meron pala silang construction firm. Ah mayaman, sabi ko sa isip ko. May nobya din pala siyang iniwan sa kanila. 2 years na sila. Makulit din siya minsan at mayabang pagdating sa mga jokes niya. Di ako masyadong mashare na tao. Introvert kung tawagin ako.
Miguel: pressured na ako para sa exam. One month nalang pala.
Ako: Me too.
M: Mukhang di ka naman kinakabahan e. Sure na ata position mo sa top 10.
A: Loko ka ah
M: Anong plano mo after ng exam
A: Pahinga muna siguro. Uwi ako samin. Kaw?
M: Haha pareho tayo. Pero san mo balak magtrabaho?
A: dito lang muna sa Manila. Ikaw ba, tatrabaho ka sa mga magulang mo?

Nagkwento siya na ayaw daw niyang magtrabaho sa mga magulang niya. Gusto niyang tumahak ng sariling daanan. Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan. Kaya plano niyang magtrabo muna sa Maynila din at mag-ipon, tsaka daw niya iisipin kung lalabas ba siya ng Pilipinas para dun magpatuloy.
Ilang araw bago board exam, magkasama kaming mag visitia iglesia. Kung saan saan lang. Hiwa hiwalay kasi sila ng group niya, for personal meditation na din daw. Nagkataon na gusto ni Miguel magkasama daw kami. Pumayag naman ako. Within 5 months na magkasama kami, masasabi kong crush ko na siya. Hehe actually first meeting palang namin ay attracted na ako, ngunit physical attraction lang yun. This time, involved na emotions ko. Gusto ko yung mga group study namin, minsan yung kami lang talaga nag-aaral sa isang coffeeshop. Brainstorming. Palagi ko siyang binabato ng mga tanong at nasasagot naman niya yung kadalasan. Masarap sa feeling yung tintulungan ko siya ku g san siya mahina, yun napapasaya ko siya dahil sa mga binabahagi kong ideas. Yung naiinspire siya dahil sinabi kong gusyo kong magtop 10, kaya madaling araw na akong natutulog. Haha tutoo, nakakahiya mang aminin. So ayun di nga ako nakapagconcentrate sa mga dasal ko. Palagi akong nakatitig sa kanya lalo na kapag nagdadasal siyang nakapikit mga mata. Kada sabi niya ng Amen, napapaAMEN din ako. Haha gaya gaya lang. Habang nagtitirik kami ng kandila, dalawang dasal lang ang tanging sinasambit ko sa puso ko. Makapasa kaming dalawa ng aabay sa exam. Ang maramdaman niyang may gusto ako sa kanya. Oo alam ko naman mahirap lalo na kapag nalaman na niya. Either lalayuan niya ako o talagang totally hindi nayan makikipagkaibigan. Tanggap ko mga possibilities pero optimistic ako na balang araw masasabi ko rin sa kanya na gusto ko siya.
Sang araw bago exam, pumunta siya ng boardinghouse ko. One last time nag-usap kami at nagpacomfort siya.
M: Kinakabahan ako
A: ako din. Kaya natin to.
M: Dasal ka Tom. One last time.
A: Ah sige.
Nagdasal kami, pero bago niya pinikit mga mata niya, kinuha niya mga kamay ko at hinawakan ng mahigpit. Sabay kaming nagdasal. Habang nagdadasal, di ko mapigilang imulat mga mata ko at pagmasdan siya. Nakakailang Hail Marry nadin ako at di ko namalayang paulit2 na pala ako. Sana di niya nahalata yung kamay kong nanginginig at pawis. Haha. Parang ayaw kong matapos yung moment na yun. Pinikit ko mga mata ko bago ko tapusin yung dasal.
M: ang haba nun ah
A: haha para sigurado
M: Salamat pre. Tuloy na ako. Bukas ah, gawin natin best nati
A: sure. Good luck sa atin.
---
Pasado kaming lahat. Labis ang saya ko dahil nagkatutuo dasal ko, nakapasok nga ako sa top 10. Hehe. Di ko sasabihin yung rank baka kasi maymagsearch hahaha. Alam ko naman di ako sikat pero sadyang discrete lang talaga at maingat. Naginuman kami nun after namin malaman yung results. Lahat sila sa group ni miguel pasado. Kaya naman sakto sa okasyon yun. Magdamagan yung inuman pero ako ay paunti unti lang dahil di masyadong sanay iminom. Si Miguel yung sobrang tinamaan na, nakakailang shot nadin siya eh. Kwentuhan lang nangyari sa amin at asaran hanggang sa naguwian na kami. Madaling araw nadin yun. Naisipan naming magkape muna sa malapit na convenience store. Kaming dalawa. Kinabahan ko dahil kapag nakainom ako, madaldal ako at baka masabi ko pang crush ko siya. Edi ang awkward nun diba.
M: may nalaman ako pre
A: ano yun
M: di ka straight

Natanga ako at nasamid. Napaso dila ko sa mainit na kape. Tinawanan niya ako habang ako naman nahihirapan sa sitwasyon ko.

A: teka... Bat mo naman nasabi yun?
M: sus deny kapa. Crush mo ata ako. (tumawa siya ng nakakaasar)

A: kapal mo din no
M: oks lang yan. Open minded naman akong tao.
A: uh.. Ee. (natanga na talaga ako. Di ko alam ang sasabihin at labis yung kaba ko. Nanginginig na nahihiya na ewan. Pano nga ba niya nalaman)
A: pano mo nalaman
M: ramdam ko lang sa mga kilos mo at pakikitungo mo sa akin. Tsaka, kaw kasi halata ka masyado. Kaya pala haba ng dasal mo. (tumawa na naman siya ng malakas)
A: kakahiya yung ginawa ko (tinakpan ko mukha ko sa sobrang hiya)
M: ok lang yun ano ka ba. Kaso pre, wag kang umasa a. Hahaha
A: gago. Di mangyayari yun.

Mas lalong gumaan loob ko nun dahil matagal na pala niyang alam. Tanggap niya at di ako hinusgahan... Agad agad. Mahaba yung usapan namin, umabot na sa kailan ko daw nalaman yung pagiging iba ko, hanggan sa imabot nadin sa mga dirty talks like virginity and sex. Wala akong mashare. Hanggang porn lang kasi ako. Naging dirty nadin jokes niya. Hindi naman ako masyadong natatawa sa mga green jokes sa tutuo lang. Pilit na tawa lang binibigay ko. Tsaka di akong plastic na tao kaya di ko talaga kayang magpanggap na gusto ko yung mga sinasabi niya.
M: nakakailang sex ka na ba
A: virgin pa ako no
M: virgin bibig o virgin pwet (tawa)
A: gago ka
M: pa-virgin pa to.
A: lam mo nakakabastos ka na pre
M: to naman. Diba yan naman talaga kayo.

Tumingin ako sa kanya habang nakakunot noo ko. This time kasi di na maganda sinasabi niya. Alam kong malakas tama niya pero di ko na mapigilan. Feeling ko nun he was judging me, na porket bi nga ako eh adik na ako sa sex, na wala na akong pake kung sino man makasex ko, na di ko na pinahahalagan yung virginity ko. Oo aminado akong nanunuod ako ng porn at nagiimagine na nakikipagsex ako. Ngunit di ko naisip na subukan yun in real life. Di dahil sa ayoko or pa virgin ako. Dahil gagawin ko lang yun kapag handa na ako at kapag mahal ko yung tao, regardless kung babae o lalake. Sabihin niyo nanag maria clara. Pero yun ako.

Tumahimik ako, tumayo at lumabas ng store. Siya naman ay nagulat sa ginawa ko.
M: Pre san ka
Di ako sumagot.
M: uy pre teka lang
Tumakbo siya at sumunod sa akin
M: pre teka na offend ba kita
A: Fuck You uwi na ko

First time ko siyang minura at inaway. First time ko yung ginawa sa kanya. Naglakad ako ng mabilis ay umuwi, habang siya di niya alam kung ano yung nangyari. Eh gago siya eh. Kaso pagdating ng bahay, na guilty ako sa ginawa ko. Magkahalong lungkot, guilt at pagkadismaya ang naramdaman ko. Higit sa lahat, nasaktan ako sa mga sinabi niya sa akin. Siguro nga tanggap niya, wala nga lang sapat na respeto. Narealize kong imposible ngang mangyari ang mahalin din niya ako sa paraan na pinapangarap ko. (ang drama)
Di ko nireplayan mga texts niya. Nagtext siya na puntahan daw niya ako sa boardinghouse, di naman siya makapasok dahil sarado gate. Dineadma ko lang. Ang drama ko nga nun eh, daig ko pa babae. Haha pagbigyan nyo na ang brokenhearted. Tinuon ko yung attention ko sa mga bati sa akin sa fb. Panay thank you din ako. Umuwi nadin ako after 2 days at nagwalwal sa amin. Hehe joke.
Bumalik ako ng Manila dahil may dinner party ang review center para sa mga nakapasa. Nagdadalawang isip akong pumunta ngunit naisip kong moment ko yun, lalo na eh kabilang ako sa top 10. Haha. Medyo mayabang ah, pero actually yun lang yung ginawa kong motivation para di ako umurong sa pag attend. Alam niyo na kung bakit ayaw kong pumunta.
Kinilabit ako ni Ray (kasama no Miguel), nag congrats siya at tinanong kung bakit daw ako biglang nawala at ayaw ko daw magreply. Na utal naman ako sa mga dahilan ko. Niyaya niya ako sa table nila, sabi ko naman ay susunod ako. Siyepmre di ako sumunod dahil alam kong andun si Miguel. Andun nga siya, yung matangkad na gwapong gago nasa sulok at may kausap na babae. Sa isip ko, "edi maglandian kayo". Grabe ang bitter ko.
Umuwi ako agad. Di ko tinapos party. Ang layo pa kasi ng uuwian ko tsaka ang hirap sumakay. Fast forward na tayo kais mahaba na masyado.
---
Nakapagtrabaho ako bilang isang junior architect sa isang firm sa Makati. Naging busy nadin ako sa career ko nun. Minsan panay overtime ngunit fulfilling siya. Ayos din yung sweldo ko dun. Nung interview ay tinanong nila ako kung magkano daw request kong salary. Sabi kong kung ano yung starting salary nila tanggap ko. Kung tutuusin, wala pa naman akong napapatunayan eh. Oo nasa top 10 nga, pero iba na din kasi kapag real practice na. Kaya naman tinanggap ko yung trabaho. After 1 year, i resigned na din dahil gusto ko pang iexpand yung experience ko. Natanggap amo sa isang firm sa Mandaluyong. Mas malaki sahod at mas busy, pero kaya naman. Ang di ko lang ata kakayanin, ay ang makasama sa trabaho yung isang pamilyar na tao na isang taon napala nagtatrabaho sa bagong office ko. WAAAAAH. Andun pala si Miguel, na nanlaki mga mata niya nung pinakilala ko ng VP sa mga kapwa ko architects dun nung first day ko. Ginawa ko lahat na di mahalata ang pagkagulat ko. I introduce myself at ganun din sila. This time, the worst happened. Kailangan kong makipagkamay sa kanila isa isa. 7 architects dun, 8 design assistants. Madami din. That time na ako naging plastic talaga. Ngumiti ako habang nagpapakilala sa kanya. HI IM TOM REYES, 24 YEARS AT FUCK YOU... Pero joke lang yun. Haha. Bastat casual greeting ginawa ko. Naging awkward sa akin lahat lalo na eh magkatabi kani ng table ni Miguel. Mahirap lang eh di nakacubicle yung tables. Long desk, dun kapatong mga computers namin. Magkatabi kami... Pano na. Kung iisipin mo, OA ako masyado. Ang arte arte lang dahil di makamove-on. Mukhang napanindigan ko na ata pagiging bitter ko. Lang days din lumipas na wala kami g kibuan maliban nalang kapag may conference at meetings. Kapag lunch break naman ay di nadin ako masyadong masalita habang kasabay ko mga katrabaho ko.
Ana: Kailan ka nga pala nakapasa?
Ako: ah last year
Ana: Diba Migz last year ka din
Tumango lang si Miguel habang kumakain ng lunch niya
Ana: Huy Migz. Ang rude mo a
M: oo nga last year. Ah napansin nga pala kita sa *** review center. Kaw yung nasa top*** diba.
Tapos yumuko na naman siya para kumain.
Sila: Wow topnotcher ka pala (at naging maingay na lahat. Naging makulit nadin sila sa akin nun. Ang OA naman nila pero nakakasiya naman dahil na aapreciate niya yung nga achievements ko. Maliban kay Miguel na walang kibo)
---
Another lunch break.
Ryan: Migz tabi jan trono yan ni Topnotcher (barang nag shoo siya kay Miguel para paalisin sa upuan)
Migs: kailan pa to naging kanya?
Ryan: Ay wag ka nga dyan. Alis.
Ako: haha wag na. Dito na ako sa sulok.
Ryan: Tong si Migs naman di naman marunong makisama. Anyare sayo ba. Ilang linggo kanang highblood ah.
Migs: Wala. Nakaamoy lang ng masamng hangin
Ryan: sus ito talaga. Binusted ka no
Migs: Gago wala akong nililigawan ngayon

Deep inside. Nainis ako sa sinabi niyang masama akong hangin. Pero parang ewan ko ba kinilig ako nung sabi niyang wala siyang nililigawan. Haha as if naman may chance ako.

---
One month na ako at obligasyon kung manglibre sa inuman namin. Grabe tong mga taong to inobliga talaga ako. First blood daw ng sweldo dapat matikman nila. Sabi ko naman sige pero dapat dun lang sa di masyadong mahal. Pumunta kami ng *** dun lang sa may ortigas. Karaoke + inuman. Tangin 9 lang kami, di na nakasama yung iba dahil umuwi na din at ayaw paggabi. Yung ibang design assistant kasi eh part time students pa.

Ryan: Tara Migs (narinig ko mula sa desk ko. Nasa may printer silang dalaw)
Migs: Yoko masakit ulo ko
Ryan: Wow

Sa isip ko, pakipot naman

Ryan: tara na pawelcome nalang natin kay Tom
Ana: Oo nga. Ikaw bilis mong magbago dati kubg makainum ka parang wala nang bukas
Migs: Eh bawal pa ako ngayon sabi ng gym instructor ko
Ryan: Bawal sabi ng jowa?
Migs: Baliw. Ayoko nga maskit ulo ko

Ako naman, nag gigym siya? Hehe kaya pala ang laki na ng katawan niya. Bakat na yung braso niya sa polo niya eh. Minsan pag naka poloshirt lang kami, dun mas pronounced yung muscular structure niya. Casual look lang kasi kami sa office. Actually di pa nga talaga ako nakakamoveon. Halos 2 years na din yun pero parangg siya parin talaga yung gusto ko. Yucks ang OA.
M: SIGE NA OO NA (pumayag din siya... Yes! Pero nung gabing yun ay deadma parin ang drama mo)
Nahkantahan sila. Ako naman panay tanggi dahil di talaga ako kumakanta. Ayokong mapahiya dahil sintunado talaga ako... A few shots later ay di na ako nagpa awat at talagang kumanta na. Grabe yung tawanan. Pinili ko yung kantang PANO NA KAYA di Bugoy. Haha di ko alam kung nagpaparinig ako o sadyang wala lang talaga akong alam na ibang kanta. Habang nagkakantchawan ang lahat, pansin kong tahimik parin si Miguel sa dulo ng sofa.
Ako: Uy Miguel kaw naman, kj mo. Haha (may tama na ako pero matino pa naman ng konti)
Lahat sila: kakanta na yan. Kakanta nayan.

Kumunta siya. Parokya ni Edgar yung kinanta, at nainis ako talaga dahil DONT TOUCH MY BIRDIE yung kinanta niya. Buti nalang maingay lahat at di na nila ako napansing magkasalubong kilay ko. Gago talaga kahit kelan. May patingin tingin pa sa akin. Feeling din eh. Oo crush ko siya, nasa kanya na lahat pero... Di ko din idedeny na nung una, napagnasaan ko din siya. Haha magiging ipokrito paba ako? Pero di eh, feeling siya nung gabing yun.

Nag uwian na kami, late nadin masyado. Ako naman ay nagmamadali na papuntang galleria dahil dun ako sasakay papuntang Taytay.

Ryan: Uy tom uuwi kapa? Dun nalang tayo matulog kina Migs. Malapit lang condo nun.
Migs: ah hindi na kakahiya naman
Ryan: Migs sama nalang natin si Tom baka di na yan makasakay eh

Natahimik si Miguel ng ilang segundo tapos tumitig lang kay Ryan. Sus kung ayaw mo wag mo, sabi ko sa sarili ko. Takot kalang dahil baka gapangin kita. Haha. Which is not true and will never happen.

Miguel: sure sige
R: oh tara na

Naglakad na kami patungong condo ni Miguel. Nauna siya, habang kami ni Ryan nagkukwentuhan. Ang daldal na taong ito, pero ok nadin para di awkward. SMALL WORLD sabi niya, kasi same review center daw kami ni Miguel, at same school pala kami, nauna lang siya grumaduate. Walang imik si Miguel na nakaheadset lang habang naglalakad.
Nasa 19th floor siya. Studio type lang pero maluwag na. Quensized bed, may maliit na dining table tapos maliit na kitchen. Designed for bachelors talaga. Magkatabi sila ni Ryan sa Bed, ako naman sa sahig, sa sofa bed ni Miguel. Nung una ay nag offer pa sI Ryan na ako nalang sa Bed pero di na ako pumayag, at sinabing di ako nakakatulog ng may kabai. Tutoo yun, lalo na kung si Miguel katabi ko.
Di na ako nagbreakfast, maago akong nagising bandang 7am, mas maaga kumpara sa kanila. Nag-ayos ako at lumabas na ng unit. Bago ako lumabas, tiningnan ko muna kung natutulog pa sila, so umalis ako dahil pareho silang nakatalukbong ng kumot. Pagdating ko ng labi, nakasalubong ko Miguel. Potaena. Akala ko tukog pa to. Nagsmile ako ng pilit at sinabing SALAMAT SA PAGPAPATULOG. Yun lang, at naglakad na ako ng dahan dahan palabas, pero bago paman ako nakalabas, WELCOME, sagot niya mula sa likod. Lumingon ako at nakita ko siyang pumasok na ng elevator. Di siya lumingon at diretso lang pagpasok ng elevator. Somehow, natuwa ako sa sinabi niya. Matagal tagal nadin kaming hindi nakapagusap ng maayos. Yung tutuong pag uusap talaga. Namiss ko siya, narealize ko. Nakangiti ako habang papunta ng sakayan. Parang baliw nge, bumili ako sa Mercury ng facemask at sinuot iyon, bakit? Panay ngiti ko eh. Grabe ang lambot ko pala. Isang WELCOME lang niya wala. Wasak na lahat ng pader na ginawa ko. Waaaw naman. Haha.
Pinatawag kami ng boss namin sa coference room dahil may bagong project daw kami at kailangan naming magteam-up. Bale restaurant kasi siya, second branch na at si Miguel yung naghandle nung first, so pinapateam-up nila kami dahil sabi ni Boss, bigay niya daw yun sa bagong architect para naman masubukan yung ibang ideas naman. Walang choice si Miguel, at maging ako man ay kinabahan ng sobra. Oo gusto kong makasama ulit si Miguel ngunit kung iisipin, spbrang awkward naman talaga. Una, ayaw niyang makasama ako, pangalawa, makakaapekto lang yun sa trabaho namin.
 Sige, tanggap. Nagsimula na kami. Discussions, concepts, drawings. Matagal tagal din. Madami akong nagawang drafts, binibigay ko kay Miguel at chinecheck niya. Palaging rejected. Walangya, di ko naman siya senior ah. Gawa ulit, pasa, reject. Paulit ulit at nakaka pitong scheme na ata ako. Uminit ulo ko at nag coffeebreak sa pantry. Mag-isa lang ako dun nagkakape, hinihilot ulo ko dahil masakit nadin siya sa ulo. May biglang pumasok. Siya. Walang imikan, nagtimpla din siya ng kape
Miguel: dami mong drafts. Papansin ka lang ata sakin eh
Uh. Ano daw?
Me: what?
Pero bago lumabas, sabi niya OK NA YUNG HULING DRAFT MO. MAGANDA. PASIMPLEHEN LANG NG KONTI KASI MEDYO MABABA BUDGET NUN. Actually, mapapadali sana trabaho namin kung maayos lang communication namin. Wala kasing imikan. Para akong studyante na nag eexam tapos pinapasa lang sa teacher yung test paper. Bahala na kung anong resulta. Pero okay na, accepted na at kinausap na naman niya ako. Ganto tayo eh, kapag si crush na, kunwari suplado, kunwari walang paki, galitgalitan, pero deep inside gusto lang naman mapansin. Pero di ko sinasadyang  padamihin drafts ko para magpapansin ah.
Approved na design. Ilang gabi din ako nag OT. Hanggang conceptualization lang naman kami magkasama ni Miguel. The rest ay sariling sikap ko na. Mahirap, lalo na kapag maselan yung client. Revisios everywhere. Kinaya ko naman. OT sa site, OT sa office, kadalasan sa office.
Friday night nun, napagpasyahan kong magOT one last time para matapos ko na lahat ng documentations. Ayun, umabot na ng 11pm di parin tapos. Sabi ko sa sarili ko, bahala na. Sabado naman bukas. Pumunta ako ng pantry at laking gulat ko andun pa pala si Miguel.
Ako: Uh sorry. Andito ka pala.
Pasimpleng timpla ng kape na parang hindi affected
M: uh oo, nakatulog ako sa sofa eh (busy din siya sa project niyang underconstruction)
A: okay
M: OT na naman?
A: kailangan e. Kape?
M: sige salamat
*silence*
M: uh kape ko?
A: huh?
M: nagoffer ka sakin ng kape diba?
Antanga langm di ko agad nagets. Tama nga naman, nagoffer ako ng kape. Tanga ako, tamad siya.
A: ah sure. Sige.
M: di joke lang. Ako na. (tumayo siya, tumabi sa akin at nagtimpla. Lumakas tibok ng puso ko lalo na nung nagkadikit mga braso namin. Nakajacket ako nun at siya naman naka 3/4, pero kahit na ganun, nakaramdam ako ng parang kuryente mula sa kanya.
M: naalala mo, huli tayong nagusap noon nagkakape din tayo.
Napalingon ako sa kanya na parang nakatingala nadin. May kaliitan kasi ako na nasa 5'6 lang. Kinabahan na naman ako sa sinabi niya. Sinubok kong sumagot ngunit di ako nakapagsalita. Antanga.
Ako: ah, oo nga. Sige ah labas na ako.
M: teka lang Tom.
A: bakit?
M: sorry ah
*silence*
Ako: san? (kunwari di ko alam yung ibig niyang sabihin)
M: sus. Basang basa na kita.
A: para san nga pre (tanga tangahan kunwari)
M: yung nuon. Sorry kasi obvious naman nagalit ka sa mga sinabi ko.
Di ako nakapagsalita. Nagpanggap akong kunwari ng iisip at inaala yung mga nangyari, na parang nakalimutan ko na. Kunwari.
Ako: ah yun ba. Antagal na nun a. Di mo parin nakakakimutan?
M: grabe ang galing mo talaga. (natawa siya)
*silence*
Bigla akong tumawa ng pagkalaslakas. Basang basa na nga niya ako. Parang libro na makailang ulit na niyang nabasa. Nakakahiya yung drama ko.
A: haha sorry. Di ko mapigilan. Haha.
M: best actor ka talaga
A: ang awkward kasi.
M: so... Friends? (nagoffer ng kamay)
A: friends.
Naghandshake kami. Natawa ako sa sarili ko habang iniisip yung sablay kong acting. Iba ka Miguel, iba tama ko sayo.
Lumipas ang mga araw, linggo, buwan. Naging close ulit kami. Pero siyempre hindi biglaan. I decided na magrent nadin ng condo malapit sa office, na malapi din kay Miguel (hindi ko naman sinasadya) dahil hirap nga akong sumakay pauwi. Naging pala-asar na siya, close na nga daw kami eh. Naging mas open kami ni Miguel sa aming friendship, dahil alam na nga niya tutuo kong pagkatao, tinutukso niya ako kay Ryan pero yung pasekretong tukso lang. Oh di naman kaya dun sa isang design assistant na maganda. Binugaw pa ako. Ako naman tatawa nalang na kunwari di affected. Sa tutuo lang, gwapo ni Ryan. Maganda din si Lea pero masyadong bata pa at di ko type eh. Ngayon kasi may nagmamay ari ng ng puso ko, tapos siya pa yung nagiinitiate ng tuksuhan. Hay naku, kung alam niya lang... Baka alam niya talaga kaya niya ako tinutukso sa iba dahil gaya ng sabi niya sa akin noon, ayaw niyang umasa ako. Teka, di naman ako umaasa... Di nga ba? Minsan inaasar din niya ako, na hanggang ngayon daw ay crush ko padin daw siya. Siyempre yung boy nyo, panggap panggap parin.
One wednesday, nasira aircon niya at sinabeng dun daw siya matutulog sakin. Nagtext siya na papunta nadaw siya sa unit ko. Pasundo nalang daw sa lobby dahil wala siya access sa elevator. Habang binabasa ko text niya, halos mapunit na mukha ko sa ngiti. Grabe, Miguel are planning something? Haha joke. Siyempre kilala ko siya. Puputi na ang uwak at di yun magkakainteres sa akin. Nagmadali akong maglinis. Tupi dito walis walis doon. Punas ng mesa, ayos ng gamit. Bumaba na ako at sinundo siya.
A: 500 pala bayad mo ngayong gabi.
M: sus parang di mo naman gusto (kinilit yung bewang ko)
A: gago ka talaga. Ano ako easy boy?
M: Opo anak ka nga pala ni Rizal
Pumasok na kami, nanuod muna ng tv at natulog na. May sofa bed ako, nilatag ko at sinabing ganitin nalang niya kama ko. Single bed lang kasi kama ko. Ang bait ko talaga. Haisst
A: dyan kana dito ako tapos usapan.
M: uy dapat ako dyan a
A: good night. (pinatay ko ilaw, nahiga)
M: uy... Uy...
A: matutulog na nga ako e
M: aga naman. 10 pm pa oh
A: aga mo mukha mo. Inaantok na ako
M: tabi nalang tayo. Hehehe
A: wag mo sabihin may balak ka sakin? (deep inside, kinikilig ako. Ewan ko!)
M: baka nga ikaw may plano sa akin e
A: gago ka layas ka na nga
M: sorry po. Teka, kung i-po kaya kita.
A: 24 pa po ako. Diba 25 kana. Ako dapat mag po sayo.
M: ayaw ko po.

Ang kulit talaga. Nakatalukbong ako ng kumot. Miguel, bakit mo ba ako pinapahirapan. Kala ko ba ayaw mo akong umasa.
A: crush kita
M: WHAT?
A: edi natameme ka. Haha joke lang
M: sus joke daw. Sige para malaman natin ngayon. Hahaha
A: ano?
Tumayo siya at pumunta sa akin, bigla akong niyakap pero nakabalot parin ako ng kumot.
M: my tommy my tommy i love you mwah
A: alis nga dyan gago! (nagpumiglas ko para maalis siya ngunit ayaw paawat talaga)
A: naku hahalikan kita pag di moko tinigilan! (binantaan ko siya. Haha alam ko kasing takot siya dun)
M: sige po sige halik ka na po. Mmmm... (tinanggal niya kumot na nasa mukha ko)
A: gago ka joke lang. Tulog na ko bahala ka.
Di na ako sumagot sa mga tanong niya punikit na mga mata ko. Hanggang sa bumalik na siya sa kama dahil di ko na talaga siya sinagot. Nakikinig lang ako sa kanya.
M: pakipot talaga neto kahit kailan.
4 days din siya nakitulog sa akin. Siyempre dun na siya sa sofa bed at ako sa kama ko. Bakit? Di ko alam. Naayos na aircon niya matagal na.
A: uy wala kabang balak umuwi?
M: dito na ako. Mahal mo naman ako diba
A: sabihin na nating oo pero bills ko sa tubig at kuryente ang laki na.
M: bayaran po kita dont worry
A: ok po.
M: uy pino-po mo na ako ah.
A: ewan ko sayo.
Napagalaman ko na may cancer pala nanah niya kaya naman pala ayaw umuwi ng condo. Gusto daw niya may kasama siya. Malungkot siya kaya naman naisip niyang maghanap ng kasama. Dahil isa akong tunay na kaibigan, dinamayan ko siya. Sabi ko stay lang siya sa condo ko hanggat kelan niya gusto. Two weeks din yun, umuuwi lang yun sa condo para kumuha ng gamit tapos balik ulit. Kawawa naman ang bata. :(
Sa two weeks na yun, aaminin kong di ko naiwasan ang pagnasaan siya. Sino ba naman hindi mauulol sa kanya. Haha. Noon paman crush ko na siya kaya naman magpapakatutuo na ako. Minsan inaasar niya ako. GUSTO MO MAKITA PWET KO?, asar niya sakin habang nagbibihis siya. Ako naman ayaw YUCK DUN KA SA BANYO ang drama. Nangigigil na ako sayo Miguel. Sinasadya mo na talaga. Siya din ay gigil sa pang-aasar sa akin.
Dumating ang araw na umuwi na siya sa condo niya. Parang nasanay na ata ako na kasama siya. Nagtext ako, sabi ko BAYAD KO PO.
M: haha dinner tayo libre ko
A: 5000 na bale bayad mo sakin
M: mahal naman po
A: of course. Deluxe suite
M: sunduin po kita dun kain tayo sa Megamall
Halos maihi ako sa kilig. Miguel, like mo na ba ako? Hehehe kasi parang. Umaasa na ako talaga Migs. Sana lang talaga, dahil masakit ang umasa sa wala.
Napagkwentuhan naming under medication na mama niya. Stage 2 kayat malaki pa chance na gumaling. Naging magaan naman loob ko ng malaman yun, kasi di na siya masyadong nag-aalala. Mama's boy pala tong gago na to... Which is cute.
Inamin ni Miguel na magreresign na pala siya. Bale 1 month nalang itatagal niya sa opisina. Nagulat ako dahil biglaan. Matagak na daw niyang planl yun dahil may inooffer sa kanyang position ang isang opisina sa Makati. Naintindohan mo naman, gaya ng reason ko noon, gusto din niya iexland experiences niya. Di ko naitago lungkod ko nun. Di ko na siya makakasama sa office. Hindi ko maisip pano nalang pagwala na siya (ang OA).
M: uy mamimiss nya ako
A: loko nabigla lang. Parang nagkapalit lang tayo. Makati ako galing e tapos lumipat ako dito. Teka, baka naman nagresign ka dahil nafo-fall kana sa akin.
M: yan gusto ko sayo nag iilusyon. Kain na dyan.
A: sus. Ok po mahal na kita po.
M: hahaha gago ka
A: diba yan naman gusto mo marinig. (tumawa ako na kunwari biro. Hi di ako nagbibiro na mahala ko siya. Nagbibiro ako sa tawa. Hanggang tawa nalang ako kasi)
M: gago
Umuwi na kami. Sabi niya inuman daw kami next time bago last day niya sa office. Tumangi lang ako. Pagkauwi ko, nadismaya ako sa sabi niya. Kasi kilipat din siya ng condo eh. Ibig sabihin di ko na talaga siya makikita maliban nalang kung sadyain ko yung punta ko ng Makati.
Dun natulog si Miguel sa cobdo ko after uwian ng farewell party namin sa kanya. Madami din nainum eh. Dun ko siya pinuwesto sa kama at ako nalang ang natutukog sa sofa bed. Kinakabahan ako, para lang yung sa mga nababasa ko dito sa KM. Huhubaran, pupunasan at dun na mangyayari lahat. Haha. Ngunit nangibabaw respeto ko kay Miguel. Masgado ko siyng mahal para gawin yun sa kanya. Pero pinunasan ko mukha, leeg at kamay niya. Hinubad yung polo at sapatos pero hanggang doon lang. Kinumutan ko siya. Nagbihis na ako at natulog. Nagawa ko yun kahit hilong hilong na ako dahil tipsy na din. Bago ako matulog, tiningnan ko siyang nakahimbing, naaninag ko parin mukha niya mula sa night lamp ko. Di komapigilan na maluha dahil di ko na siya makikita. Alam kong magkakaroon nadin siya ng bago niyang buhay, mga bagong kaibigan at possibleng bagong lovelife. Hay, Miguel. Sana makamove on na ako. Natigil lahat ng bigla niyang imukat mga mata niya, saktong nakatingin sa akin. Dahil nga ang boy nyo ay natanga na naman, bigla akong humiga at nagpanggap ng tulog. Huling huli na nga e.
M: huli na naman kita
Di ako sumagot
M: ngayon kapa nahiya. Ok lang yun PO
Di ako sumagot
M: Tom nasusuka ako... Tom...
Ako: Wait lang Migs wait lang!
Dali dali akong bumangon at tumakbo papunta sa kanya. Akmang susuka na siya sa sahig ngunit nahawakan ko balikat niya at pinaupo.
M: joke lang po hahaha
A: gago ka talaga
M: halika nga dito (niyakap niya ako)

Sa isip ko, ito na yata pinakahihintay ko. Tumigil mundo ko at di nakapagsalita.

Hinalikan niya ako...

Ngunit ilang segundo ay natigil din at tinulak lang niya ako ng mahina.

M: s-sorry. Tulog kana.

Natulala ako sa ginawa niya sa akin. Yung sarap sa pakiramdam na parang roller coaster. Sobrang thrill ngunit bigla bigla nalang titigil. Yun. Masarap. Masakit. Sa pagtigil niya at pagtulak sa akin, alam ko ibig sabihin nun. Ayaw niya. Oo hinalikan niya ako at di ko alam kung bakit. Ang alam ko lang, ayaw niya.
Tumagilid ako, sinikap na matulog ngunit di ko mapigil mga luha ko. Ehto na ata yung moment na yun. Yung masasabi mong wala na talaga. Yung masasabi mong MOVE ON agad2. Pero potaena ang sakit.

Itutuloy...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This