Pages

Saturday, November 5, 2011

Ang Pakikipagsapalaran ni Michael (Part 5)

by Milo's Porn Mind

Hindi na naituloy ni Michael ang sasabihin dahil biglang pumasok ang isang lalaki sa kwarto at umupo sa gitna sa may mesa ng mga professor. Bata pa pala ang professor nila sa business math. Mga nasa edad 29 lang siguro o trenta ang taong ito. Parang laging laman ng gym ang katawan, semikal ang buhok at matangkad. Ang tanging kapintasan sa professor nila ay ang pekas nito sa may bandang mata na parang bunga ng operasyon. Medyo kirat ito pero lalong nakadagdag sa tikas at gandang lalaki nito.

“Good Morning.”


Good Morning. Korus ng buong klase na parang nasa elementarya.


“Guys, ako ng pala si Mr. Baseul. Ako ang professor niyo sa business math sa semester na to.” sabay hawak ng whiteboard marker at sulat ng pangalan sa whiteboard. Makikita mo ang buo niyang pangalan na si JOHN KENTON BASUEL na puro malalaking titik.


“So a little background about myself first then I'll throw the ball tapos ikaw naman ang magpapakilala to loosen up a little bit. Hindi lang puro numero ang business math. Negosyo din. Pano mo ibebenta ang sarili mo sa harap ng klase, let me see later.” sabay tingin kay Michael na siyang ikinakaba ni Michael. “John Kenton Basuel came from a middle class family. Im a certified Batangueno. Single but looking. Finished accountancy in this school and an MBA in Yale University. I'm a lecturer also in other schools in Manila and also a partner of a known firm here in the Philippines which you don't need to know since you're all not accountancy students. I like sports like basketball, volleybal, indoor tennis, bowling and darts. I bored board games kahit na sabi nila dapat nga daw yun ang sports ko dahil matalino ako. I tried it once pero boring. I tried basketball, dun ako nabubuhayan.” tumawa siya na parang may ibang kahulugan. Panay naman ang kilig ng mga kababaihan na nasa harapan ng upuan namin ni Leri. “May negosyo din ako which is online jobs. Kung meron sa inyo dito ang naghahanap ng part time job, pwede niyo kong iapproach then lets do the interview if you are fit in my company. Later, if you are interested, hanapin niyo ko sa faculty then I can schedule you for an interview right away. Pero sorry girls, male students lang ang need ngayon. Last year, girls ang opening, ngayon mga lalaki naman.” paliwanag pa ng professor.


“Teka ano pa ba?” nag isip kunwari. “Not particular kung anong gagamiting language sa class. I prefer both English and Tagalog basta magkakaintindihan tayo. In terms of teaching, gusto ko sa estudyante yung palaging nasa class ko. Ayoko nung absent palagi. Active participation syempre kahit papano saka yung kapag may favor ako about the subject, available or willing to accept the tasks.”


“Ok siguro tama na muna yun. I'll explain the house rules later. I'll pass the ball to...” naghahanap ng ituturong estudyante. “You! Ikaw...” sabay turo kay Michael.


Ito na nga ba ang kutob niya. Kanina pa siya tinitignan ng professor kaya malamang siya ang tatawagin nito. Wala siyang magawa kundi tumayo at magpakilala.


“Ah...eh...I'm Michael San Jose. Transferee from an exclusive school. I like sports too sir, basketball, swimming, bowling also and archery.” nakita niyang parang hindi naniniwala ang mga classmate niya sa kanya. “Archery is my sports in my previous school and I like to join the archery club here if I have a time this week. Math is not my favorite subject. Online games is my favorite hobby so sir please expect me later because I'm looking for a part time job right now.” sabay tawa ng mga classmates niya at ganun din si Michael.


“Good Michael. Now I have one potential employee.” sabay tawa ni Mr. Basuel. “Can you pass the ball now?”


“Ok. I pass the ball to my seatmate on the right.”


Tumayo agad si Leri pagkasabi nito ni Michael. Nagulat naman si Michael dahil sobrang bilis ng response ng katawan ni Leri at tumayo agad ito hindi pa man siya nakakaupo.


“I'm Celerio Horalde De Vera the second. Grandson of the founder of De Vera Group of Companies.”


Napatingin lahat kay Leri ang mga tao pati si Michael. Hindi niya inakalang bigatin pala ang katabi niya. De Vera Group of Companies ay isang chain of companies na wala na yatang hindi pinasok na linya ng business. Kahit anong produkto at services ang isipin mo, meron silang affiliates na ganyan.


“You can call me Leri or CH for short. I like sports too, any kind, name it especially Archery like my seatmate. I am a premium member of the archery club in this school and we will be in charge for training of everyone who would like to join the Archery Club anytime soon. Favorite subject is History but I major Business Management because my grandfather wanted to. Now, I pass the ball to that girl...” sabay turo sa pinakaunang babae sa harapan.


Habang nagsasalita ang babae sa harapan ay hinarap ni Michael si Leri at pabulong na kinausap.


“Pre, bigatin ka pala eh. Hindi ka naman nagsasalita.”


“Hindi ka naman nagtanong eh” sabad nitong sagot.


“Wow. Oo nga pala haha. Tapos myembro kapa ng archery club.? Wala ng training ah, pasok agad! Ibig sabihin talagang magaling ka dun kasi ikaw pa magtetrain sa mga new members.”


“Yup. Try it pre. Akong bahala sa application mo. Ako pa mag train sayo sa professional archery. Malay mo hindi mo na kailangan ng part time job, school pa ang mag pay ng expenses mo if you are really good.”


“Thanks pre. Sige i'll do the try outs kapag nagpost na kayo ng schedules”


“Ok. Hintayin kita.”






Magaling magdiscuss si Mr. Basuel. Detailed ang mga instructions at linear ang purposes ng mga formula kaya madali ding nakukuha ng mga estudyante. Hindi naman maalis ni Michael sa pag iisip ang part time job na pwedeng I offer ng professor. Mahilig pa naman siya sa mga online games at sana nakalinya ito sa ganung hobbies niya para madali niyang matapos ang trabaho. Kailangan niya talaga kumita ng pera bukod sa ipapadala ng mama niya. Madami siyang gastos at bayarin din sa school. Pinangako niya sa mama niya na matututo siyang magbanat ng buto at magtatrabaho.


“Ok class. See you on Wednesday. Sinabi ko na ang reference books niyo ha, buy it later para sa wednesday eh may masasagutan na kayo. You can either buy it in our school bookstore, in national bookstore or even outside the campus. For those interested in part time job, see me later mga 2pm in this room. Michael, i'll expect you there.”


Tumango lang si Michael at lumabas na ang professor.


“Kain tayo pre. Treat ko.” anyaya ni Leri.


“Nakakahiya naman Leri. Bago pa lang tayo magkakilala eh treat mo na ko?”


“Ok lang yun. Magiging future clubmate na din naman kita eh, so ngayon pa lang bonding na tayo.”


“Sabagay. Sige pero wag muna treat. Some other time na lang. KKB muna.”


“Ano ung KKB?”


“Kanya kanyang bayad muna tayo. Saka na lang ang treat kapag may special occasion.” paliwanag ni Michael.


“Okay sige yan ang gusto mo. Tara, tara, dun tayo sa canteen.”




Naglakad sila patungo sa canteen. Madadaanan nila ang engineering department dahil nakalugar ito bago ang malaking canteen ng campus. Madalas kasing ang laman ng malawak na canteen ay ang mga engineering students din na puro maiingay dahil halos karamihan ay lalaki. Kung makakita ka naman ng babae ay mangilan ngilan lang ang tunay talagang babae. Halos lahat ay puro tibo. Malakas ang dagundong ng tawanan sa bawat classroom ng mga engineering students. Maririnig talaga ang tawanan at wala ni isa sa mga ito ang seryoso sa pag aaral.


Lumabas sa isang pinto ang apat na kalalakihan na mukhang mga engineering students. Nakikilala ni Michael ang likod ng isa sa mga ito. Tiyak niyang si Reyn ang lalaking matangkad at nakatali ang buhok. Nasa likod lamang sila ni Leri kaya tinawag niya ito.


“Reyn!” nagulat si Leri sa tawag nito ni Michael. Napalingon naman ang apat na lalaki sa likod nila.


“O! Michael pre. Kamusta first day?” sabay apir sa kasama at akbay.


“Ok naman pre. Math nga unang subject! Eto si Leri classmate ko dun....Leri si Reyn, kaboardmate ko.”


“Ui Leri!” sabay abot ng kamay. “Kamusta brad.”


Inabot ni Leri ang kamay ni Reyn at nakipagkamay. “Ok lang.”


“O pano Kel, una na kami.” sabi ni Reyn. “ay teka, Michael...Leri...eto nga pala mga bodyguards ko. Ehem...” pabirong pagpapakilala ni Reyn sa tatlong kasama.


“Ang kambal na sina Alex at Adam, tapos si Carlo..” turo ni Reyn sa tatlo. “So una na kami Kel, Leri... pasensya na may gagawin pa kami eh.”


“Sige ok lang” sabay alis ng apat.








Malayo ng nakakalakad sila Reyn, Alex, Adam at Carlo ng magsalita si Carlo.


“Pre.” tawag pansin sa tatlo. “Delikado yung ka boardmate mo Reyn. Kasama si Leri. Diba nababalitang KGU yun?. Hindi niyo ba napagsabihan yung bago niyong kaboardmate?”


“Hindi ko nga nasabi pre eh.” sisi ni Reyn sa sarili. “Pero alam ko sasabihin naman yun ni Luis kung hindi ko sabihin kasi pareho sila ng college nun”


“O eh bakit nagkaganyan? Napasama sa KGU?” ingil pa ng isang kambal.


“Ewan ko talag pre. Natimingan lang siguro yan si Michael. Eh tutal ganyan naman talaga ang trip nilang lokohin eh. Yang mga tipo na yan ni Michael.”


“Basta pag uwi niyan mamaya sabihin niyo na sa kanya para hindi na mapahamak.” sabi ni Alex.


“Oo naman. Wa-warningan ko na yan dyan sa Leri na yan. Mukhang mabait pero malademonyo kung mangtrip”


“Hindi lang Malademonyo. Demonyo talaga!” ani pa ni Carlo. “Eh yung kaboarding house ko nga dati eh, napakabait pa nun pero astigin din. Nadali nila at napagtripan nilang KGU, bigla na lang nawala iniwan lahat ng gamit. Kala namin nawawala, pero ayun nakatanggap kami ng text na nakatira na daw sya sa kaibigan niya kasi lumipat daw ng bahay. Pinamigay ung mga gamit niya lahat sa amin”


“Ikaw ba Carlo eh naniniwala ka ba dun?” tanong ni Adam.


“Naku Adan! Ako pa lokohin mo. Hindi ko lang alam yung trip ng KGU na yan pero balita ko nawawala din daw ung mga napagtitripan nila. Hindi daw talaga nila titigilan hanggat hindi umaalis ng campus”


“Malalaman mo na lang wala na dito” dagdag pa ni Reyn.





4:00 PM. Desidido talaga si Michael na patulan ang trabahong inaalok ni Mr. Basuel. Sa palagay niya ay madali naman ito dahil online jobs daw ang titulo sa pagkakarinig niya. Pagpasok niya sa classroom, tanging si Mr. Basuel lang ang nandoon.


“Sabi ko na nga ba eh ikaw lang ang may interes mag apply” bati ni Mr. Basuel.


“Ako pa lang po ba?” tanong ni Michael na umupo sa harap malapit sa professor.


“Ikaw lang. Tingin ko wala ng darating dahil mag thirty minutes na din ang nakakaraan. Akala ko nga eh di ka din dadating”


“Mukha nga sir. Baka mayayaman mga tao dito kaya hindi na nila kailangang part time job”


“Siguro.” sabay tingin sa relo. “O sya dahil ikaw lang. Punta na tayo sa interview place, sa office ko. Gamitin na lang natin yung kotse ko dahil balak ko sana kung marami kayo eh ipapasundo ko kayo ng service”


“O sige sir. Ok lang ba nakauniporme pa ko eh.”


“Ok lang yan. Tara na.” anyaya ni Mr. Basuel.


Sumunod naman si Michael sa may garahe at sa loob ng sasakyan ni Mr. Basuel na tinted. Lingid sa kaalaman ni Michael ang intensyon ng propesor. Hindi din napapansin ng binata ang unti unting umuumbok na harapan ni Mr. Basuel habang tinitignan siya bago ipaandar ang makina ng sasakyan....





11 comments:

  1. ayos na !!!! sana sunod sunod na ang update!!!!!

    kaya lang parang KGU din ata ang prof. nila
    hehehehehe

    ReplyDelete
  2. admin matanong lng?? san mo nkuha tong story n to kc nabasa ko n un 1st to 3rd part ng story n to s isang bagong site dti kso nkalimutan ko n un website. ano nga ulit un site??

    ReplyDelete
  3. please nmn yung next part paki post n po...

    ReplyDelete
  4. Please e-post na yung next part i'm so very interested to read this story sa na tuloy tuloy na para hindi na makalimutan ang mga nabasang part. Great story!

    ReplyDelete
  5. I want next part! Please post na. :)

    ReplyDelete
  6. I want next part! Please post na. :)

    ReplyDelete
  7. la nb ung part six?

    ReplyDelete
  8. Nice story... nakakabitin... Waiting for the next chapter..

    ReplyDelete
  9. tungunu! nka2bitin, badtrip! antagal nmn ng Part 6... :>

    ReplyDelete
  10. sigurado akong isang malanding CPA ang gumawa nito at ilusyonada rin..29/30 pa lang PARTNER kaagad? it tkes atleast 15 years para maging partner...sya ag MBA pa sa yale so at 22 he started working at the firm...so many inconsistencies- ACCOUNTING NERD

    ReplyDelete
  11. Saan na ung part 6 please...... Tnx

    ReplyDelete

Read More Like This