Pages

Saturday, December 10, 2011

Nabuko Ako ng Kaibigan ko (Part 2)

By: Jack Kulit
 
Ilang araw na akong malungkot, balisa at nagtatanong ng mga bagay-bagay tungkol sa nangyari sa pagkakaibigan namin ni Xander.  Masakit isipin na ang kaisa-isa kong bestfriend ay hindi ako kinikibo ng mga ilang araw na ngayon.  Batid kong galit sa akin si Xander.  Ramdam ko iyon dahil sa tagal na naming magkakilala, alam ko na ang ugali nya.  Ano ba ang gagawin ko ngayong sa tingin ko ay winasak ko ang aming magandang samahan?  Kung maibabalik ko lamang ang panahon ay hindi ko sana ginawa ang nangyari sa amin ni Zedrick.  Mas nanaisin kong maging maganda ang samahan namin ng kaibigan ko kaysa mapagbigyan ang tawag ng aking laman.
Nakaupo ako malapit sa aking kama at gumagawa ng aking assignment nang biglang dumating si Xander.  "Kumain ka na ba, Xander?" tanong ko.  Di sya sumagot at sa halip ay tinungo ang kanyang cabinet at naglabas ng damit para magbihis.  Nabigla ako nang bigla syang maghubad sa harapan ko at tanging brief lang ang kanyang itinira.  Napatingin ako sa mukha nya at nakita ko ang galit at panlilisik ng mga mata nya.  Noon ko lang nakita na nagalit ng ganon ang kaibigan ko.  Isa pa, hindi nya dating ginagawa ang maghubad sa harap ko.  Hindi kasi namin iyon gawain dahil hindi namin nakasanayan.

            Itinuloy ko ang paggawa ng aking assignment pero hindi doon nakatuon ang aking isipan.  Sa halip ay pinakikiramdaman ko ang bawat kilos ni Xander.  Lumabas sya ng kwarto pagkatapos magbihis.  Naisip ko na may pupuntahan sya dahil nakabihis syang panlakad.  Wala pa ring binitiwang salita si Xander hanggang sa sya ay makaalis.  Gusto kong maiyak sa sitwasyon namin ng kaibigan ko.  Magsisi man ako ay wala na akong magagawa.  Hindi ko mapigilang sisihin ang aking sarili dahil sa mga nangyayari.

            Kinaumagahan, wala pa rin sa kanyang higaan si Xander.  Hindi sya umuwi magdamag.  Nag-alala akong bigla sa kaibigan ko.  Tinext ko sya upang tanungin kung nasaan sya.  As usual, wala akong sagot na nakuha.

            Maging sa loob ng klase ay natutulala ako.  Nag-iisip at nakatingin sa kawalan.  Isang linggo na akong di kinikibo ni Xander.  Hindi ko na ito kaya.  Napagdesisyunan ko na kausapin ko sya pag-uwi ko.

            Nang hapong iyon ay nagkasabay kami ni Zedrick sa paglabas sa gate.  Halatang nahihiya sya sa akin.  "Pwede ba tayong mag-usap?" tanong nya sa akin.  Niyaya ko sya sa isang parke na malapit lang sa aming unibersidad.  Naupo kami sa isang park bench... tahimik at naghihintay sa sasabihin ng bawat isa.  Nagtagal ang katahimikan hanggang ako na ang bumasag nito, "Ano ang pag-uusapan natin?"  Isang mahabang buntong-hininga ang kanyang binitawan bago nagsalita, "Gusto ko sanang mag-sorry. Alam kong nagkalabuan kayo ng kaibigan mo dahil sa akin. Kasalanan ko ito, kung di sana ako naging mapusok ay di ito mangyayari."

            Hindi ako kumibo at hindi ko rin sya tiningnan... nag-iisip ng aking sasabihin.  Humarap ako kay Zedrick at sinabing, "kasalanan ko rin naman eh. Kung di ako pumayag edi hindi sana nagkaganito. Pero nangyari na 'to eh, wala na tayong magagawa."  Ipinatong ni Zedrick ang kanyang kanang kamay sa kaliwa kong kamay na nakahawak sa aking hita at sinabing, "hiling ko na magkaayos na kayo ni Xander para maging ok na rin tayo."  Tiningnan ko ang mga mata ni Zedrick at hinahagilap ang sinseridad sa mga ito.  Alam kong totoo ang kanyang mga sinabi.  "Batid mo na mahal din kita. Nung una pa lang tayong nagkita ay naramdaman ko na iyon ngunit sa tingin ko ay hindi tama na ipagpatuloy pa natin ito," paliwanag ko sa kanya.

            Matagal ang naging pag-uusap namin ni Zedrick.  Sinabi ko sa kanya na mas gugustuhin kong maging maayos kami ni Xander kaysa ipagpatuloy namin ang aming relasyon.  Alin man ang piliin ko, tiyak na masasaktan ako.  Ngunit mas matimbang sa akin ang aking bestfriend.  Handa kong isakripisyo ang nararamdaman ko kay Zedrick bumalik lang ang dating samahan namin ni Xander.

            Mapilit si Zedrick.  Sinabi nyang tutulungan pa nya akong kausapin si Xander upang magkaayos kami.  Hindi ako pumayag.  Buo na ang desisyon ko na i-give-up sya.  Paulit-ulit ang naging dahilan ko sa kanya.  Hindi nya nakuhang baguhin ang aking pasiya.  Malungkot ang aming paghihiwalay ngunit alam kong ito ang nararapat.

            Matagal kong hinintay sa mesa si Xander upang kumain.  Alas-otso na ay hindi pa sya dumarating.  Nawalan na rin ako ng ganang kumain.  Itatabi ko na sana ang pagkain nang bigla syang dumating.  "Xander halika kain na tayo. Eto bumili ako ng paborito mong ulam, kare-kare," anyaya ko sa kanya.  Tumingin lamang sya sa akin ng saglit at tumuloy na sa kwarto.  Hinabol ko sya sa pagpasok at lakas loob kong sinabi, "Xander please naman kausapin mo ako. Kaibigan mo pa rin naman ako di ba? Kung galit ka sa akin sabihin mo. Ipagsigawan mo sa mukha ko ang galit mo at tatanggapin ko ito. Hindi yung ganito na basta mo na lamang ako tinatalikuran at hindi kinakausap. Alam kong kasalanan ko ang lahat. Pero gusto kong malaman mo na pinagsisisihan ko ang nangyari. Hindi ko ginusto na magkaganito tayo. Patawarin mo ako kung hindi ko inamin sa iyo ang totoo kong pagkatao. Patawarin mo rin ako kung dito ko pa ginawa ang kalaswaan namin. Pero sa maniwala ka at sa hindi, mas gugustuhin kong maging maayos tayo gaya ng dati kaysa kami ni Zedrick. Tinangka kong ipakilala sya sa iyo noon ngunit hindi ako nabigyan ng pagkakataon," paliwanag ko. "Bakit?! Kung nagkaroon ka ba ng pagkakataon ay ipakikilala mo sya sa akin bilang karelasyon mo?" galit nyang tanong.

            Natigilan ako sa kanyang sinabi.  Oo nga't tama sya.  Binalak ko lang syang ipakilala bilang isang kaibigan.  Umiling lang ako habang nakayuko.  "Kita mo na? At balak mo pang lokohin ako? Ako na kaibigan mo!" galit pa rin nyang nasabi.  Mahaba ang aming naging paliwanagan.  Hindi ko alam kung paliwanagan pa yun o nag-aaway na kami.  Mataas ang kanyang boses sa bawat sagot nya sa mga sinasabi ko.  Hindi ko namalayang nagsimula ng pumatak ang aking luha.  Luhang hindi dulot ng pagsigaw nya sa akin kundi ng katotohanang nadarama ko na parang wala ng pag-asang magkaayos kami.

            Hindi ko inaasahan ang mga sumunod nyang sinabi, "Kapag nandito tayo sa bahay hindi mo ba ako pinagpapantasyahan? Kaibigan ba ang tingin mo talaga sa akin o may bahid ng kalaswaan? Paano ako nakakasiguro na hindi mo ako sinisilipan? Ito ba? Ito lang ba ang hanap mo?"  Kasabay ng galit na iyon ay pwersahan nyang binuksan ang kanyang suot na uniporme hanggang malaglag sa sahig ang ilang butones nito.  Itinambad nya sa harapan ko ang kanyang katawan at sabay pang ibinaba ang kanyang suot na pantalon hanggang ang brief na lamang nya ang naiwan.  "O ayan masaya ka na? Ito lang ang gusto mo di ba?" habang itinuturo ang kahubdan ng kanyang katwan.

            Mas lalong umagos mula sa mga mata ko ang luha dahil sa ginawa nya.  Bakas sa mga nagngangalit nyang mata ang pangingilid ng luha.  Patunay lang ito na labis ang sakit na naidulot ko sa kanya.  Hindi lang dahil sa doon ko ginawa ang kalaswaan ko ngunit higit sa lahat ay ang pagsisinungaling ko sa kanya.  Alam kong masakit sa isang kaibigan na malaman mong may inilihim sya sa iyo.

            "Oo!!! Inaamin ko mahal kita!!! Ano ang magagawa ko kung bi ako? Hindi ko ito ginusto at hindi ito isang sakit na pwedeng mawala kapag uminom ako ng gamot! Ang malaking pagkakamali ko lang ay hindi ko ito sinabi sa iyo. Hindi ko man ito sinabi sa iyo ay di dahil ginusto kong maglihim sa iyo kundi dahil natakot ako... natakot akong lumayo ka sa akin... natakot akong pandirihan mo ako... natakot akong mawala ang bestfriend ko. Matagal na kitang mahal ngunit mas pinili kong isantabi ito kasi mas mahalaga ka sa akin bilang isang kaibigan," bulalas ko sa kanya.

            Umupo ako sa gilid ng kama at tinakpan ng aking mga palad ang aking mukha habang patuloy ang aking pag-iyak.  Nakaupo na rin sya sa kabilang gilid ng kama at marahang nagsalita, "nasaktan ako... galit ang naramdaman ko. Alam mo bang nung makita ko kayo sa ginagawa nyo ni Zedrick ay gusto kong sumigaw sa sakit na naramdaman ng kalooban ko. Ang sakit pala na makita mong may ibang kasalo sa ligaya't sarap ang taong mahal mo."

            Napabaling ang tingin ko sa kanya at sya naman palang pagbaling din nya sa akin. Wala akong ibang naibulalas kundi, "ang ibig mong sabihin..."  Agad nyang pinutol ang aking sinasabi, "Oo Vincent, mahal kita. Kaibigan kita pero batid kong may higit pa akong nararamdaman bukod doon. Itinago ko ito dahil kagaya mo natakot akong baka masira ang pagkakaibigan natin. Ayaw kong mawala sa akin ang taong naging karamay ko sa maraming bagay... sa maraming problema... sa bawat saya... sa lahat ng aking tagumpay at kabiguan."

            Lumapit sya sa akin at itinayo ako mula sa pagkakaupo ko sa kama.  Niyakap nya ako.  Isang mahigpit at mainit na yakap.  Ginantihan ko ang kanyang ginawa.  Muli akong lumuha.  Ngunit sa pagkakataong ito ay luha ng galak na dulot ng pagkakaayos naming magkaibigan.  Kahit sa panaginip ay hindi ko naisip na babaligtad ang lahat ng bagay tungkol sa amin ni Xander.  Sinong mag-aakala na sa ilang taon na naming magkaibigan ay pilit naming ikinukubli ang aming nararamdaman dahil sa takot na mawala ang isa't isa.

            Kasunod ng mga mahigpit na yakap ay ang pagdadampi ng aming mga labi.  Halik na nagpapahiwatig ng pagsang-ayon namin sa init ng damdamin na bigla naming naramdaman.  Ngunit para sa akin ay hindi lamang ito puro pagnanasa ng katawan kundi alab ng pagmamahal.  Ngayong batid namin na mahal namin ang isa't isa, sino ang makakapigil sa amin.

            Mainit ang mga sumunod na tagpo sa loob ng aming silid.  Dahan-dahan nyang hinubad ang aking suot na damit hanggang underwear na lang ang natitira naming saplot sa katawan.  Inihiga nya ako sa kama at pumatong sya sa akin.  Patuloy ang aming halikan.  Walang paglagyan ang ligayang nadarama ko sa mga sandaling iyon.

            "Mahal kita Vincent, mahal kita," ang paulit-ulit nyang ibinubulong sa akin.  "Mahal din kita Xander," ganti kong sagot sa kanya.  Bumaba ang kanyang ulo sa aking leeg papunta sa aking dibdib.  Parang gusto nyang basain ng kanyang laway ang buo kong katawan.  Ibinuka nya ang aking mga hita at hinimod ang aking singit.  "Aahhh sige. Ang sarap Xander," tangi kong naiungol.  Umikot sya ng posisyon at nakuha ko ang ibig nyang mangyari.  Pareho naming isinubo ang sandata ng bawat isa.  Nagtaas-baba ang puwit nya sa akng bibig habang patuloy pa rin nyang nilalaro ng kanyang dila ang aking tarugo. Napuno ng ungol ang kabuuan ng aming silid, "Ang sarap moohh. Ooohh, shit ang sarap!"

            Ilang indayog pa ng aming mga balakang sa aming mga bibig ay sabay kaming nagpalabas ng aming tamod.  Bumulwak ang aming mga katas sa buo kong puson at dibdib hanggang manlupaypay ang aming mga katawan.  Kapwa kami nakatingin sa kisame at walang imik.  Bigla akong kumilos at pumatong sa kanya.  Wala akong pakialam kung umagos lahat sa higaan ko ang aming katas na naipon sa hubad kong katawan.  "Mahal kita Xander... mahal na mahal. Ang saya ko sa mga sandaling ito. Maligaya ako dahil sa wakas ay nalaman natin ang tunay nating nararamdaman sa bawat isa," wika ko ng may ngiti sa labi.  Isang mainit na halik at mahigpit na yakap ang kanyang iginanti at sinabing, "I love you, too,Vincent."

            Hindi namin maiwasang mapag-usapan kung ano ang magiging bukas namin ngayong iba na ang pagtingin namin sa isa't isa.  Ngayong malaya na naming naipahayag ang aming damdamin, sumang-ayon din kaya ang tadhana sa pag-iibigang namamagitan sa amin?  Ah basta, ang alam ko ay maligaya kami sa desisyong aming ginawa. Sino ang may karapatang humusga sa dalawang taong nagtiis ng mahabang panahon at kinimkim ang pag-ibig na nararamdaman?  Sinong tao ang walang bahid ng pagkakamali ang magsasabing mali ang aming naging pasiya?

            Sa ngayon ay masaya naming tinatahak ng aking kaibigan ang bawat hakbang ng aming buhay... buhay na masaya... buhay na masalimuot... buhay na puno ng pag-asa... at buhay na nagdudulot sa amin ng ganap na ligaya.

            Hindi man namin tahasang ipinapakita sa iba ang aming relasyon, masaya naman naming naipadarama sa loob ng aming tirahan ang aming pagmamahalan.  Paano na kaya kung matapos kami ng pag-aaral, makapagtrabaho o kaya'y makauwi sa aming mga pamilya?  Gayong alam naming kailanman ay hindi namin ito maaaring sabihin sa kanila.  Ayaw kong isipin ang panahon na darating.  Higit na mahalaga ang ngayon.  Masaya kami ni Xander... ng aking bestfriend... ng aking iniibig na kaibigan... at sapat ng dahilan iyon.

WAKAS

17 comments:

  1. nice one.. but pano na si Zedrick.?

    ReplyDelete
  2. wala na sila ni zedrick. tinapos na ni Vincent ang tungkol sa kaniladahil mas mahalaga sa kanya ang pagkakaibigan nila ni Xander

    ReplyDelete
  3. ober k nmn. hindi yan kalokohan. siguro inggit ka lang at kung kalokohan man to isa lang masasabi . wagas sa kagandahan. haha

    ReplyDelete
  4. oo nga.. Hindi mo kasi nararamdaman ang mga nararamdaman naming mga BI na may pagmamahal sa kapwa. baka ikaw kasi hindi ka pa nagmamahal! at walang nagmamahal sayo!! tabi tabi po.. tamaan guilty! haha.. :D
    sana may part 3.. i can relate to the story..
    -14

    ReplyDelete
  5. ganda nga ng kwento eh. kung kalokohan yan sa iyo, wag mong basahin at wag mo na lang pansinin.

    ReplyDelete
  6. amazing story. madrama pero masaya sa wakas. ---will

    ReplyDelete
  7. ganda ng story, npaiyak aq dun ha

    ReplyDelete
  8. waaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh... NAPAKAGANDA ng story... i was into it... naiyak aku in fairness... very inspiring....

    ReplyDelete
  9. nakarelate ako >.< my bestfriend din ako,, at alam kong mahal namin isa't isa. nag hihintayan lang ata kame kung sino unang aamin.. hehe

    ReplyDelete
  10. ganda ng story kung too man ito or fiction lang... well i liked this story parin yun lng. =)

    ReplyDelete
  11. Astig ang st0ry! SuPer NkA2reL8 aq .KC iM iN dat siTwaXy0n wiTh my bEsTfrieNd l0vER . alm0st 1yr & 5 m0nThs nkme ngYoNg apRil 2o12 sEcrEt n uNg date .hehe .iLYRDP.

    ReplyDelete
  12. Ang ganda ng story...masaya yet sa future alam naman natin kung ano ang ending pero still it portray kung ano talaga ang buhay ng isang tao na may ganyang personalidad na kinimkim for the sake ng mga taong nakapaligid sa kanya especially sa family nya. unlike my own story that i have a bestfriend pero di nya type ang mga bi's but still we're friends kht na pinagtapat q na gusto sya at lantaran na sinabi nya na gusto nya babae at di sa bakla ngunit sabi nya bilang bestfriend he has to be frank sa akin para magkaintindihan kami at i wholeheartedly accepted just for us to remain friends...kaya dont judge anybody of what he/she is if you dont really know what kind of person he/she is!

    ReplyDelete
  13. This story is epic.. Ang ganda!! Bestfriend forever talaga.. Kahanga hanga

    from new zealand

    ReplyDelete
  14. haix naiyak talga ako.. sana my gusto din sakin bestfriend ko.. hehehe.. pero natatakot din ako umamin ehh.. baka ndi ko na matikman sarap na luto ni tita at amoy ng kanyang kwarto.. hahaha.. mundo talga... kapwa ko mahal ko,,,

    ReplyDelete
  15. A very nice story..well written. This is a testament of the beauty of letting things unfold in its time. Two thumbs up to the author!

    ReplyDelete
  16. Relate ako dun sa Story. How i wish na magkaroon sila ng happy ending ..

    ReplyDelete

Read More Like This