Pages

Friday, February 24, 2012

Fallen (Part 4)

By: Drake Cantillon

Hi sa inyong lahat, first time q po ilalathala itong karanasan ko sa pag-ibig. Isa po akong bisexual at ang istorya pong ito ay patungkol sa pinakamalaking kamalian na nagawa ko sa'king buhay, ang naging dahilan ng pagkawala sa'kin ng aking pinakamamahal.

Hinawakan ko ang kanyang kanang kamay at ipinatong ito sa aking dibdib. "Bunso, alam ko na natatakot ka pa pero hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag nakikita ko iyang mapupungay mong mga mata." "A-anong ibig mong sabihin k-kuya?" Lumapit ako sa kanya at akmang hahalikan ko na siya ng biglang nag-ring ang phone q.

Natigilan kami pareho dahil dun. Agad ko namang sinagot ang tawag. "Drake pare san ka na ba? Nakalimutan mo bang Saturday ngayon?" sabi nang boses sa kabilang linya. "Ahm pasensya na tol." Iyon ang tanging naisagot ko. "Ano ka ba naman tol nakalimutan mo na agad kami dahil sa Jake na iyan?" "Hindi naman mga tol. O cge cge papunta na'ko jan. Hintayin niyo ako sa dating pwesto." At binaba ko na ang phone.



Agad naman akong humarap kay Jake. "Jake bunso may kailangan lang asikasuhin si kuya ha. Kita na lang ulit tayo sa school sa Monday." "Ganun ba kuya. O cge po ihatid na kita." Kampante kong hinawakan ang kanyang kamay at sabay naming tinahak ang pababa ng kanilang bahay. At nung nasa may labas na kami at papasakay na ako ng aking kotse, nagulat ako sa mga sinabi niya.

"Kuya, salamat ha. Pinasaya muq ngayong araw na'to. Ipinaramdam mo ulit sa akin na hindi na ako nag-iisa. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Kuya, 'wag ka nang mawawala ah?"

Lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung dahil sa sobrang saya dahil sa nararamdaman ni Jake para sa akin o dahil sa takot na mabunyag sa kanya ang aking lihim.

"B-bunso, salamat rin dahil nakilala kita. Wag kang mag-alala, hinding-hindi kita iiwan. Pangako iyan." Sabay ngiti ko sa kanya. Hindi ko nanaman maiwasang tumingin sa kanyang mga mata. Mababakas mo ngayon doon ang kasiyahan. Isang bagay na ako ang sa kanya'y naghahatid ngunit ang aking kasalanan rin ang maaaring pumatid.

Siya mismo ang nagbukas ng gate upang makaraan ang minamaneho kong kotse. Bago pa ako makalayo nang tuluyan ay nilingon ko pa siya sa bandang likuran habang kumakaway pa siya sa akin. Di ko mapigilang ngumiti dahil doon. "Ang bunso ko, mahala na mahal na ko niyan ramdam ko." Sabi ng isip ko.

Ngunit sa kabilang banda matapos ang ngiting iyon, heto ako't nababagabag muli sa nagawa ko.

Natatakot ako sa maaaring mangyari. Ayoko na siyang mawala pa sa akin. Dahil doon, napagpasyahan kong kausapin ang aking mga kabarkada tungkol dito. Gusto kong ipaalam sa kanila na seryoso na ako at nahulog na nang tuluyan kay Jake.

Napagpasyahan kong umuwi muna at magbihis dahil nga boys' night out nga namin tuwing Sabado ng gabi na humahantong sa kainan, lasingan at kung anu-ano pa. Pagkaligo at pagkabihis ay humarap ako sa salamin at kinausap ang sarili ko. "Determinado akong tapusin na talaga 'to. Para makapagsimula kami ng bunso nang wala na akong iniintindi pa." Dali-dali rin akong umalis at pinaharurot ang kotse ko. Hanggang sa kotse, kinakausap ko pa rin ang sarili ko.

"Puputulin ko na itong pustahan na ito upang wala nang hadlang sa nararamdamn ko. Maiintindihan naman nila ako dahil mga tunay ko silang mga kaibigan. Tsaka isang pustahn lang ba ang sisira sa aming matagal nang samahan? Malabo iyon." Sabi ko sa sarili ko.

Hindi ko lubos akalain na ang tadhana'y hindi iyon pahihintulutang mangyari.

ITUTULOY. . .

No comments:

Post a Comment

Read More Like This