Pages

Friday, May 25, 2012

Hospital Diaries (Part 4)

By: Piero

"Wala pa binata pa yun" Nung pagkasabi ni Doc J na binata pa si Daniel ay tila napangiti ako, kahit na sa unang tingin lang ay alam ng straight si Daniel ay hindi pa din ako nawalan ng pag-asa. Sa wakas after 3 months ay may bago na akong eye candy.

Hindi dun natapos ang paghagilap ko ng info tungkol kay Doc Daniel, nagtanong din ako sa senior nurse namin na kaclose ko, sya lang sa mga senior ko ang may alam na bi ako pero naging secret lang ito sa amin kaya malaya akong nakakapagtanong sa kanya. Nalaman ko na 24 years old na pala talaga si Doc Daniel at kakapasa lang nya sa board exam. Madalas syang nasa nurse station namin kasi binabasa nya mga charts ng patients namin. Pag dumadating sya madalas ako ang nagvovolunteer na mag assist sa kanya kahit na may kayabangan sya ay ok lang sa akin. Minsan nung nagrounds sya nagsungit sya sa akin pero hindi naman ako nagpatalo kasi may history na ako sa ospital na lumalaban sa mga doktor lalo na kung minsan ay wala na sa lugar ang pagsusungit nila. "Doc Daniel refer ko lang po itong si patient **** mababa po kasi ang hemoglobin nya" sabay pakita ng lab result "Ikaw nga sa susunod na magrefer ka yung life threatening na case hindi yung ganito!" tinaasan nya ako ng boses sabay abot ng chart.Nainis ako at sumagot "Kaya nga nagrerefer Doc kasi diba life threatening yun ano po gusto nyo magrerefer na lang kami pag mamamatay na yung pasyente" halatang inis ako sa tono ng pananalita ko at umalis na lang ako sa station at baka mauwi na sa away.


Pagbalik ko sa station wala na si Doc Daniel, kwinento ko sa mga kasamahan ko yung nangyari at sa senior ko, pati kay Doc J at sinabi nila na pagpasensyahan ko na lang daw. Yung paghanga ko sa kanya napalitan na ng inis, pero hindi na ako masyadong nagpaapekto dahil hindi worth it.

Nagbirthday si Bjorn at ininvite nya ko pati na din mga kasamahan ko. Hindi ako nagpunta sa party nya kahit na alam ko na magiging bitter ako sa paningin nya kasi panigurado andun ang gf nya. Nakailang text at missed calls sakin si Bjorn nung mismong birthday nya pero nagmatigas ako at natulog na lang. Nagkita kami sa ospital at halatang nagtatampo sakin si Bjorn, inabot ko sa kanya yung gift na chain na matagal na nyang gusto nung kami pa lang gusto na nya yun, pinahanap ko pa sa mommy ko un sa states at swerte kasi last stock na yun. "Belated happy birthday! O eto pambawi ko sayo" sabay abot ng box, dali dali nya itong binuksan at natouched daw sya kasi nag effort padaw ako na humanap ng ganun. "Thank you Pier, thank you!" "kay mommy ka mag-thank you, anyway you're welcome" sabay ngiti.

Naging sweet ulit sa akin si Bjorn, andyan yung binibigyan nya ko ng mga paborito kong pagkain pero hindi ko binigyan ng malisya kasi ok naman na kami at hanggat maaari ayoko nang mainvolve sa kanya hindi ko na sya tinetext lalo na kung hindi naman importante. Gusto kong ibaling ang atensyon ko sa iba. Gusto kong makaramdam si Bjorn ng selos.

10:30am nun nang may tumawag sa landline sa station at si Doc Daniel pala. Nirelay nya yung telephone order nung isa naming resident. Usually pinapa-spell namin yung gamot to avoid mistakes, pero dahil sya ay alphamale at maangas "Doc paki spell po yung ampicillin" ang maayos kong pakiusap sa kanya. "Ano ba yan nag aral ka ng 4 years tapos spelling lang ng ampicillin hindi mo alam" "Doc Daniel kung ayaw nyo ispell yung gamot ikaw magbigay dito" sabay bagsak ng phone. Another encounter namaman to sabi ko pero kung ganyan lang din naman ang ugali nya at lagi nya kong binabastos makikipagbastusan na lang din ako sa kanya.

itutuloy

12 comments:

  1. ANG TARAY...LUMALABAN SA DOCTOR!!!AHAHA

    ReplyDelete
  2. More parts please!

    ReplyDelete
  3. ang konti naman

    ReplyDelete
  4. an ang dapat!...lumalaban ang nurse sa mga masusungit na doktor!

    ReplyDelete
  5. Hahaha.i want to tastd a nurse.matgal ko nang pantasya yun.

    roland raquelman of nueva vizcaya here!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Masarap ang mga nurse.. ang yummy nila.. promise..

      Delete
    2. tama. nurses rock.- Aki

      Delete
  6. Actually tama naman iyong Intern kasi di naman life threatening iyong mababang hemoglobin unless 5.0 or 3.0 hemoglobin nung patient and dapat "relay" iyong word na ginamit din."refer" kasi your relaying lab result remember? And I think after mag-board exam ng isang med student "resident" na siya Intern is used pag on going OJT pa iyong med student. Medyo vague iyong description. And mind you po pina-spell lang po iyong medications or order na ambiguous you can read back the order pero if common medications naman huwag na pa-spell Nurse ka na may common sense ka na. Sorry.0:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. same thing...kung officially doctor na si Dr. Daniel, eh di hindi na siya intern. Medical resident na siya.

      At ito pala nangyayari sa ospital, shet, bale after 4 years ako mag-aral ito ang eexpect ko hahaha. (yup, 1st year medical student ako).

      Delete
  7. Getting excited for the next chapter..

    ReplyDelete
  8. Grabe wah. . . .kaming mga nurse hnd namin boss ang mga dr. . . .ang boss namin ay ang mga pasyente namin. . .we act as patient·s advocate. . . .ganon. . . .bkt b madaming tao ang nag!isip na boss namin mga dr. . . .wtf
    Dan

    ReplyDelete
  9. Spell Ampi + nagpapa cute si Nurse :)

    ReplyDelete

Read More Like This