Pages

Friday, March 1, 2013

Sa Likod ng mga Bato (Part 4)

By: Ton

“Tonton, Tonton,” dumating na ang aking Tiyo.
“Tonton, nakapagluto ka na ba?” Tuluy-tuloy sa maliit naming kusina. “anak naman ng putakte, Tonton, nasan ka ba, bakit wala pang sinaing, ano ba ginagawa mong bata ka? tatamaan ka sa akin, lumabas ka diyan.” Alam niyang nasa loob lamang ako ng kwarto.
“Tiyo, nasaan ang pera ko?” ang malakas kong sabi pagkalabas ng kwarto.
“Anong pera pinagsasabi mo diyan, bakit wala pang sinaing?”
“Nasaan ang pera ko? Bakit mo ninakaw ang pera ko?” Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
“Dahan-dahan ka ng pagsasalita, sabay sampal sa kanan kong pisngi, Okey, okey kinuha ko ang pera mo, hindi ko ninakaw, ibabalik ko din naman sana, tumaya ako sa sabong para sana dumami pa kaya lang minalas,  natalo, wala na! O, ayan, iyon ba ang  gusto mong madinig?”
“Pero Tiyo pera ko iyon bakit mo ipinatalo sa sabong, pambili ko iyon ng….”
“Oo nga iyo yun, alam ko yun, babayaran ko naman diba?,  makaluwag-luwag lamang ako babayaran ko iyon huwag kang mag-alala, ang yabang nito nagkaroon lamang ng konting salapi akala mo na kung sino.” 
“Hindi mo kasi naiintindihan mahalaga sa akin  ang perang iyon, wala kang karapatang nakawin iyon dahil hindi iyon sa yo.? Sigaw ko.
“Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako ng ganyan, “ sabay suntok sa aking tagiliran na ikinabagsak ko sa sahig.  “Kulang pa ang karampot mong pera kung babayaran mo lahat ng utang na loob mo sa akin.” Nabigla man ako, pero hindi ako umiyak, hindi masakit ang suntok, mas masakit ang katotohanang wala na ang pera, wala na akong pambili ng damit.”
“Tumayo ka na diyan at magluto ka na, kanina pa ako nagugutom. Tama na iyang mga kaartehan mo, kalalake mong tao ang arte mo, ano ba kamo bibilhin mo sa pera mo?” Tumayo ako diretso sa pintuan, tumakbo ako palabas, nadinig ko ang tawag niya.
“Hoy Anthony, san ka pupunta, di ba sabi ko magluto ka muna, hoy bumalik ka nga, masasaktan ka lalo,”
Wala akong pakialam, tumakbo ako ng tumakbo, at dinala ako ng aking mga paa sa likod ng mga bato.  Muli saksi ang mga batong ito sa lahat ng sama ng loob ko, sa lahat ng galit ko kay Tiyo. Sa lahat ng sama ng loob ko sa ginagawa niya sa akin.  Bakit ba may mga taong katulad niya, bakit napakasama niya? At naalala ko ang Inay, sanay narito ka para damayan ako. Umiyak ako.  Iyon lang ang maaari kong gawin ang umiyak nang umiyak.
Nang gabing iyon hindi ako umuwi sa bahay. Wala akong pakialam kung magalit man ang Tiyo.  Sabagay hindi naman iyon mag aalala dahil wala iyong pakialam. Nahiga ako sa isang bangka. Nakatitig sa mga bituin.   Hindi ko alam kung gaano ako katagal sa ganoong posisyon bago ako nakatulog.  Nang maramdaman ko na may mga tao na saka lamang ako bumangon.  Naglakad muli ako ng naglakad,  Hindi ko alam ang gagawin ko, hindi ko rin nagawang magtinda ng isda na alam kong ikakagalit ni Aing Pasing.  Saka na lamang ako magpapaliwanag sa kanya, iyon na lamang ang naisip ko.
Gabi, sa pwesto ko ng balot.  Dumating si Cocoy.
“Ton, ano nangyari sa’yo?, maghapon kitang hinanap, pinag alala mo ako ah, hindi ka rin daw nagtinda ng isda kaninang umaga, saan ka ba galing, nagsakit ka ba? Ano kumusta na?” ang sunud-sunod niyang tanong na parang naghihintay din nga sunud-sunod na sagot.
Sa pagitan ng pagbibili ng balot, paputol-putol kong ikinuwento sa kanya ang lahat.
“Demonyo talaga ang Tiyo mo na yun, bakit ba may nabubuhay na tulad niya?” ang puno ng galit niyang nasabi. ‘Nako kung hindi lamang masama pumatay ng tao, nilason ko na Tiyo mo.” Nangigigil niyang sabi.
“Coy, gusto ko ng maglayas, paano ko haharapin si Yna, umaasa na siya na ayos na ang lahat.  Pati mga magulang niya tiyak na magagalit sa akin. Gusto ko na yatang magpakamatay.”
“Tonton naman, wag kang magsalita ng ganyan, alam ko mauunawaan nila nangyari sa  yo.  May isang linggo pa naman baka makaisip pa tayo ng paraan.”
“Paano? wala ng ganoong contest,  abala na ang lahat sa preparasyon. Diba sabi ni Yna naipagpatahi na siya ng damit?”
“Wala pa rin naman akong sosootin ah, sabi ng Inay magrerenta na lamang kami sa bayan para makatipid tutal wala namang gagamit no’n pagkatapos.  Alam ko na ‘Ton, kakausapin ko ang Inay na ipagrenta ka na rin tapos huhulugan mo sa kanya lingo-lingo.”
“Nakakahiya naman yun, saka papayag kaya ng Inay mo?”
“Susubukan ko, papatulong ako kay Ate, gusto rin naman ng Ate na maging escort ka, sabi nga niya tayong dalawa lamang naman ang papanoorin niya sa Santacrusan.”
Natapos ang usapan namin na kahit hindi pa ganoong kalinaw ay nakasilip ako ng konting pag-asa. Muli tiningnan ko si Cocoy habang pauwi siya.  Napakaswerte ko sa kanya. Napakabuting tao niya. Sana wag siyang magsawa na samahan ako lalo na sa ganitong pagkakataon. Umasa na lamang ako sa gagawin niyang tulong tutal naging napakabuti naman talaga sa akin ng pamilya niya. Palibhasa nga lumaki si Cocoy sa mabubuting halimbawa kaya siguro naging napakabuti rin niya.
 Iang gabi isang lalaki ang napansin kong tingin ng tingin sa akin habang abala ako sa pagtitinda ng balot.
“Kuya, balot po.”
“Ikaw ba si Tonton?”
“Opo, bakit po?” At lumapit sya sa akin, at iniabot ang kamay niya.
“Ako si Mr. Santos, Ferdinand Santos,  trainor ako sa Philippine Swimming Team, Nagbakasyon lamang ako diyan sa Resort sa kabila.  Napanood ko noong manalo ka.Congrats! ang galing mo, sino nagturo sa yo lumangoy?” ang pag-usisa niya.
“Salamat po. Nako, wala po, lumaki na po ako dito sa tabing dagat at libangan na po namin ang maglangoy, kami lang  ng kaibigan ko ang nag-aaral noon.”
“Magaling! Gusto mo bang lalo ka pang humusay sa paglalangoy, may potensiyal ka, pwede kang sumikat kung matuturuan ka ng maayos, kailangan mo lamang siguro ng proper training at professional trainor”
“Hindi po pwede iyon, wala po kaming pambayad, saka wala din po akong oras, nagtitinda po ako ng isda sa umaga at balot sa gabi tulad ngayon para makaipon at ng makapag-aral ako sa pasukan.”
“Ilang taon ka na ba?”
“ 13 na po.”
“So sa pasukan ay high school ka na?” Tumango lamang ako. “E paano kung sabihin ko na bibigyan ka namin ng scholarship, mag-aaral ka ng libre sa Maynila, habang nagtetraining ka din, don ka na din titira at bibigyan ka din ng monthly allowance?” ang nakangiti niyang paliwanag.
“Talaga po?” alam kong namilog ang aking mga mata dahil sa tuwa.
“Oo, iyon ay kung papayag ka.”
“Opo, payag ako, pangarap ko po na makapunta ng Maynila at makapag-aral pa doon. Gusto ko po iyon sir. Ano po ba kailangan ko para maging scholar ninyo?”
“Simple  lang, kailangan lamang natin ang pahintulot ng magulang o guardian mo, papirmahin lang natin siya ng consent at maging masunurin ka lamang lalo na sa oras ng training, that’s it.”
“Wala na po akong mga magulang.”
“Aba e kung ganon mas madali pala hindi ka na mahirap ipag paalam, kung desidido ka talaga sa Sabado  maghanda ka, para maibigay ko sa iyo ang iba pang detalye” Marami pa siyang ibinigay na instructions, puro tango lamang ako. Ang nasa isip ko noon ay sana dumating si Cocoy para maikwento ko sa kanya ng magandang balitang ito.
“Wow Ton, totoo ba yun, magiging pofessional swimmer ka na? ang galing naman, Congrats, sabi ko sa yo e. Wag kang mawalan ng pag-asa.”
“Oo nga e, sana ito na ang simula ng katuparan ng pangarap natin, ng pangarap namin ng Inay. Salamat ‘Coy ha sa lahat ng tulong mo.” Pero napansin ko ang lungkot sa kanyang mukha. “E hindi ka naman yata masaya ah.”
“Masaya ako pero nalulungkot din kasi iiwan mo na ako, mapapalayo ka na. baka malimutan mo na ako pag marami ka ng kaibigan”
“Ano ka ba mag-aral lamang ako doon, babalik pa  din ako dito, saka paano kita makakaimutan e ikaw ag nag-iisang Cocoy na kilala ko, ikaw lamang ang nag-iisang Best Friend ko.”
“Promise mo yan ha, basta, dadalawin mo ako dito ha hindi mo ako kakalimutan ha?”
“Oo naman!” at inakbayan ko siya umakbay din siya sa akin. Iyon ang isang pangako na alam kong hinding hindi ko sisirain.  Mahalaga sa akin si Cocoy at alam kong hindi ko siya makakalimutan kahit ano pa ang mangyari.
Humanap ako ng tamang pagkakataon para magpaalam sa Tiyo. Martes na ng umaga ako aalis at Linggo noon nakapagtatakang wala siya sa inuman.  Habang ipinaghahanda ko siya ng  pagkain pinakiramdaman ko ang mood niya. Nang maramdaman kong hindi mainit ulo niya, naupo ako sa bangko paharap sa kayan.
“Tiyo, may sasabihin po ako….” Ang pautal  kong simula
“Wala pa akong pera, kung iyon ang sasabihin mo, sinabi ko naman na babayaran kita pag nakaluwag ako, don ka nga sa loob at nawawalan ako ng gana.” Ang naiinis niyang sagot kahit hindi tumitingin sa akin.
“Hindi po ako naniningil, kaya lang e …
“Kaya lang e ano? Ano ba kasi yun ang dami mong pasakalye, sabihin mo na.”
“Magpapaalam po kasi ako…”
“Magpapaalam ka na maglalakwatsa kayo ni Marco, bahala ka, nagpapaalam ka pa e lagi naman kayong magkasama non, kahit hindi ko alam e umaalis kayong dalawa,  ‘wag ko lamang malalaman na puro kabulastugan ginagawa ninyong dalawa at pati yang si Marco makakatikim sa akin.” Ang pagbabanta niya.
“Tiyo, magpapaalam na po ako, aalis na po ako,  pupunta po ako sa Maynila,” ang lakas loob kong putol kahit nagsasalita pa siya.
“Ha? Sa Maynila?” Kita ko sa mukha niya ang pagkabigla at saglit siyang natigilan. Pupunta ka ba kamo sa Maynila. Ang lakas naman ng loob mo, iba ang buhay doon kesa buhay dito, dito pag nagutom ka kumatok ka lamang sa pintuan ng kapitbahay may magpapalamon sa yo, doon maglupasay ka man sa gutom, hahayaan kang mamatay. Iyon ba ang gusto mo?” ang may pag-aalala pero pangiinsulto niyang sagot.
“Tiyo, may nag-alok po sa akin ng scholarship, pag-aaralin po ako at may allowance pa, sayang din po naman.”
“Marami na ang naloko diyan sa skolar schoharship na ganyan. Kung sabagay hindi ka rin naman yata papipigil, matigas naman talaga ang ulo mo, bahala ka, huwag ka lamang babalik dito isang araw na umiiyak at sasabihin mong tama pala ako.” Sabay tayo sa pagkain diretso sa pinto at nakita kong naglakad palayo. 
“Tiyo sa Martes na po ang alis ko.” Pahabol ko sa kanya. Hindi ko alam kung nadinig pa niya o talagang hindi na pinansin ang sinabi ko. Hmp, galit ka lamang kasi mawawalan ka na ng delihensiya. Bahala ka basta nagpaalam na ako sa inyo. Hindi pa rin nawawala ang galit ko sa kanya hanggang sa mga oras na iyon dahil sa kinuha niyang pera ko. Gusto ko naring makalaya sa kanya.
Lunes ng gabi,  tulad ng inaasahan nagpunta ako sa likod ng malalaking bato.. Bukas na ang alis ko. Sasamantalahin ko na ang pagkakataong ito upang pagmasdan ang dagat, na naging bahagi na ng aking pagkatao.  Dito ako nagsimulang mangarap at sana ito na ang simula ng katuparan ng  mga pangarap kong iyon.
May nakita akong tao, tama, si Cocoy, alam na alam talaga niya kung saan ako hahanapin, habang papalapit ay napansin kong may dala siyang bag. Pagkalapit pa lamang ay naupo siya sa tabi ko inilagay sa pagitan namin ag dala niyang bag.
“Tuloy ka na ba bukas?” bati niya
“Oo naman,” o ikaw san ka pupunta bakit may dala kang bag?”
“Sayo ‘yan ‘Ton, alam ko namang wala kang masyadong damit kaya wala ka ding madadala, mga bagong damit iyan na inihahanda ni Inay sa pagha highschool ko gusto kasi niya sa siyudad ako mag-aral kaya don din ako titira, may apat na pantalon diyan, ilang t-shirts, medyas, at shorts may pitong  bagong briefs din diyan. Bacon na garter ng briefs mo. Nakakahiya yun pag nagsimula ka ng magtraining.” Alam kong pinipilit niyang magpatawa pero nahihirapan siya. Nakatingin lamang ako sa kanya, dala ng pagkabigla, hindi ako makapagsalita.
“Wag kang mag-alala sinabi ko na ‘yan kay Inay, noong una nagalit siya pero sinabi ko na wala ka talagang madadalang damit kaya ayun pumayag na lamang at pinapasabi na lagi ka raw mag-iingat at magdadasal.”
Tumayo ako at lumapit sa kanya, hindi ko na mapigil ang luha ko, humagulhol na talaga ako.  Masakit para sa akin ang iwan si Cocoy.  Si Cocoy ang nag-iisang tao na naging napakabuti sa akin. Siya lamang ang kaibigan ko.  Pero kailangan kong tiisin ang lahat alang-alang sa mga pangarap ko.  Kailangan kong maging matapang hindi lang para sa akin kundi para na rin sa kanya.  Siya ang inspirasyon ko alam kong malaki ang tiwala niya sa akin at ayoko siyang biguin.
“Cocoy, salamat ha”, sa pagitan ng paghikbi pilit kong ipinaparating sa kanya gusto kong sabihin, “Salamat sa lahat, hayaan mo balang araw makakaganti rin ako sa mga kabutihan ninyo,” Alam kong patuloy pa rin siya sa pag-iyak.  “Pakisabi na rin kay Nanay Paz, salamat ng marami.”
“Wala iyon,”  bumitiw siya sa pagkakayakap, “may mga biscuit nga pala akong nilagay diyan sa may bulsa, maaga alis mo bukas baka magutom ka sa biyahe, ang layo ‘non” Tumalikod siya para pahilim na  magpunas ng luha.  Subalit muli akong yumakap sa kanya mula sa likod.
‘Coy, hindi ko alam paano kita pasasalamatan, ang dami ko ng utang sa yo.”
“Basta mag-iingat ka lagi kung may pagkakataon, dalawin mo ako dito ha?”
“Oo naman.” Iyon lang naisagot ko
“O siya uuwi na rin ako may inuutos kasi si Ate. Mag-ingat ka sa biyahe.” Hinalikan ko siya sa pisngi bago siya nakalayo.
Alam ko dahilan lamang niya ang Ate niya, gusto niyang umalis na dahil lalo lamang siyang nasasaktan habang tumatagal. Alam niyang lalo lamang akong nahihirapan na makita siya na ganon. Iyon naman talaga si Cocoy, kahit kailan uunahin niya ang kapakanan ko kesa sariling kasiyahan.  Masaya na siyang makitang ayos lang ako kahit siya ay hindi.  Iyon si Cocoy, handang magsakripisyo para sa akin. Alam kong nagiisa lamang siya pero hindi naman masamang humiling  na sana may katulad siya sa Maynila. Sana makatagpo ako ng gaya niya doon. Muli akong napatingin sa  mga batong iyon at naalala ang pinagsamahan namin. Parang nanghihina ako, parang gusto ko ng mag back out parang hindi ko kayang iwan si Cocoy. Hindi ko kayang saktan siya. Muli ay tumulo ang aking mga luha at napaluhod ako sa kauna-unahang pagkakataon nagdasal ako.
“Diyos ko, tulungan mo po ako, sana po tama ang naging pasya ko.” 
Itutuloy

16 comments:

  1. pinaiyak ako ng story na ito ah, grab, umpisa pa lamang panay tulo n ng luha ko, akala ko tapos na , medyo okey na sa kalagitnaan pero mas lalo akong napaiyak ng magpaalam na siya kay Cocoy, ramdam na ramdam ang emosyon sa kento mo, parang pinapanood ko ng personal ang nangyayari habang nagbabasa, ibang klase kang magkwento Ton.
    Congrats, alam kong may puso ang kwento mo at totoong maswerte ka at may kaibigan kang gaya ni Cocoy. Nakakaexcite malaman ano na nangyari sa inyo ngayon.

    ReplyDelete
  2. wow bilis ng update ah, inaabangan ko talaga ito. salamat

    ReplyDelete
  3. pwde po patulong masolve ung problem ko
    kasi po sinabi ko po sa bestfriend ko na bi ako (straight po pala sya) tapos nahalata ko sya na umiiwas mula nung sinabi ku un, at tinanung ku sya bakit dahil daw sa nalaman nya at may problem daw sya pero sabi ko nandito kaming mga kaibigan mo para tulungan ka.. pero ndi na sya nagreply...
    minsan nachat ko sya sabi ko wag kana makipagusap sa akin wag mu na rin akong pansinin isipin mo ndi na tayo nagkakilala (in-unfriend ku na din sya),,.. kung yan ang gusto mo sabi niya.. ilan weeks na din nakalipas eh..
    tapos nakikipagbati ako through mail sa kanya ndi namn sya nagrereply.
    ndi nya pa rin ako kinakausp,
    ano po ang dapat kong gawin?
    malapit na ang graduation namin ehh. please tulong po..

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat po. ^_^

      Delete
    2. bestfriend mo lng pala sya at di yung gusto mo sya.. sabihin mo lng na wala namang pinagkaiba kung bi ka o lalaki sa pagkakaibigan nyo... kung true friend sya matatanggap at matatanggap nya ang kalagayan mo.

      Delete
  4. Waaaah! Nakakaiyak naman to.. Dama ko ang lungkot na pinagdadaanan ni tonton, at ang kabaitan ni cocoy. Galing ng pagkwento. More!

    ReplyDelete
  5. Taga saan kayo Ton, noong una dahil sa intro mo na sa isang lugar sa Batangas na kilala sa mga beaches na may white sand, inisip ko na sa taga San Juan kayo kasi taga San Juan din ako, at doon kilala ang San Juan. Pero noong sinabi mo na sa siyudad ka mag-aaral ang malapit lang namang siyudad sa San Juan ay Batangas City at hindi ko alam kung sa ibang lugar sa San Juan ay tinatawag ang Batangas City na siyudad, simpleng Batangas lang diba?
    Pero may alam akong lugar sa Batangas Province na siyudad ang tawag sa kalapit na city at iyon ay sa Nasugbu. Madalas kami doon nong bata pa kami halos every summer at nadidinig kong ang tawag nila sa Tagaytay ay siyudad. kaya medyo nagdalawang isip ako.
    Wala lang. curious lang, akala ko kasi San Juan, iniisip ko saan at kelan nangyari tong kwentong ito.
    Anyway, ang ganda ng story mo, hope to read more from you.

    ReplyDelete
  6. pambihira, d best story ah!

    ReplyDelete
  7. ..kapangilabot ah..watta true frnd...ganda ng stroya..thumbs up..a lyk it..

    ReplyDelete
  8. ----this is is what u called a story.. grabe sa segments pang mmk na.. naeexcite nko sa paglaki nla.. haha

    ---dun namn sa may prob about bestfriend.. hyaan mu nlang.. u can live without him.. ang tunay na straight na lalaki, d natatakot makipaghalubilo sa bakla or bi.. at ang tunay na bestfriend d ka huhusgahan kung cnu ka..




    - mr. mine -

    ReplyDelete
  9. Hindi ko mapigil ang pag-iyak, now ko lamang ito nabasa at talagang iyak ako, inulit kasi parang may mga di ako nabasa dahil sa kakaiyak at ganon pa rin umiyak pa rin ako kahit 2nd time ko na binasa at alam ko na mangyayari.
    sobrang touching yung eksena ng paalaman nila, ramdam ko pa hanggang ngayon yung eksena, nakakainis dalang-dala ako sa kwentong ito. This is not my first time na magbasa at magcomment dito pero first time akong naging ganito ka emosyonal sa binasa ko.
    Sana Ton, ipadala mo sa MMK ito, for sure marami matutuwa sa story na ito. Congrats at Good Luck!
    @*Jolli*@

    ReplyDelete

Read More Like This