Pages

Monday, April 1, 2013

Andres, My Best Friend, My Brother, My Lover (Part 2)

By: Jason

Hi, eto na po ang karugtong nang kwento ko, pasensya na't natagalan dahil naging busy, may kahabaan po ito, sanay magustohan ninyo.

Ilang din araw ang lumipas matapos ang aming Prom ay nagpunta kami sa Bataan, inimbita kasi kami ni David (one of our classmate/friend) sa kanilang beach house, talaga na mang napakaganda nang lugar na iyon. apat kaming sumama kay Davin: Ako, si Andy, si Dustan at Amir, magkakabarkada kaming lima at magkasundo sa halos lahat nang bagay, pero hindi man sa pagmamayabang ay mga gwapo at makikisig po kaming mga lalaki, yun nga lang ay ako lang po ang alanganin sa aming grupo.
Alauna na nang tanghali ay sinimulan na namin ang pagligo sa dagat, lahat kami ay naka swim shorts at walang suot na pang-itaas magaganda ang kanilang mga katawan ganuon din na man ang akin pero si Andy lang ang palagi kong tinitignan nababagay kasi ang mukaha niya sa kanyang magandang katawan, (hindi po pagnanasa ang nararamdaman ko kung bakit ko tinitignan ang katawan niya, bagkus ay paghanga lamang at wala na pong iba.) napansin ako ni Andy na nakatingin ako sa kanya at nagulat ako si sinabi niya:
“You can touch it if you want!” habang nakangiting at biglang kinindatan niya ako.
“What the! Mas maganda pa katawan ko sayo, Andres.”
At nag flex ako pagkatapos masabi iyon, yun na rin kasi ang alam kong paraan para makalusot.
At nagtawanan na lang kami, at nagpagandahan ng mga katawan. Sa buong hapon sa araw na iyon ay gungol namin ang oras sa dagat, pagsapit nang gabi ay nagkaruon kami nang maliit na bon fire,
I think 3 miters away lang sa dagat, nasa ihawan si David malapit lang iyon sa amin habang naggi-gitara si Amir ay nagkakantahan kami. Madaming pagkain din at mga inumin, pero since wala pa kami sa legal age para mag-inom ng alak that time ay mga juice or soda lang ang iniinom namin, bagaman ganuon ay nagenjoy na man kami. Lumipas ang ilang oras, dahil na rin naparami sa inom ng juice ay naramdaman kong napapa-ihi na ko, nagpunta ako sa mga batohan para umihi, malalaki ang mga batuhan na iyon, ewan ko ba kung bakit ko naisip na akyatin ang isa sa mga bato duon para lang umihi sa tuktuk nito, nang makaakyat na ako at makaihi ay sumigaw ako para tawagin ang mga kaibigan ko para puntahan ako duon, nagawa ko ngang papuntahin sila sa kinaruruonan ko, hindi para samahan ako sa taas nang batong iyon kundi tulungan ako dahil naaksidenti ako’t nalaglag mula sa I think 10 feet high iyon, nadatnan nila akong nakahiga sa buhanginan na may batuhan din duguan ang ulo ko sa sugat na natamo sa upper left side of my forehead and I broke ang left ankle too. Nang makalapit na silang lahat saakin ay alalang-alala sila, pero nagtawanan nang marinig nila akong tumawa, iniinda ko ang sakit pero natatawa din dahil na rin sa katangahan ko, after takpan ng t-shirt ni Andy ang dumunugo kung Nuo ay kaagad niya akong binuhat sa luob nang bahay and done the first aid, then binendahan ang sugat ko at binalutan sa yelo ang paa ko, lahat nang gumawa ng mga iyon ay si Andy, He knows how to do first aid dahil sa pagsali niya sa mga seminars about first aid, pinagmamasdan ko siya while he’s taking care of me, napapangiti nang bahagya dahil kinikilig ako inside. habang linulunasan niya ang mga iyon ay pinapagalitan niya rin ako dahil na rin sa pagaalala. hindi na man grabe ang natamo kung mga injuries, hindi na ako nagpadala sa hospital dahil may kalayuan ito. Kaya sa buong gabi ay binantayan ako ni Andy at inalagaan, sa mga panahong iyon talagang napaka sweet niya. At hindi rin maiwan na lukohin kami nang mga kaibigan namin:
“So, sino ang Pa’girl sa inyong dalawa.”
Tanong ni Dustan saamin, habang nagtatawanan ay sumali din si Davi at Amir:
“Basta Andy and Jason, wag ninyo kaming gagapangin ah.
Nagtawanan lahat kami, at dahil alam ko na man na biro iyon ay nag-blash pa din ako, ewan ko ba’t hindi ko maiwasan iyon, tuloy ay nakita pa nila iyon at pinagpatuloy ang pang aasar saamin:
“Naks naman, nagba-blash si Mr. S****.” Ano yan, totohanan nah?
sabi ni Amir at nagtawanan kaming lahat, nang biglang sumingit si Andy, akala ko ay ano ang sasabihin niya na siyang kinagulat ko at sobrang pagkakilig ko:
“Guys Stop! Napapahiya na ang Baby ko.”
Matapos siyang sinabi iyon ay niyakap niya ako, at siyempre sa kaluob looban ko ay sumisigaw ang damdamin ko sa sobrang tuwa, pero kaagad naman akong pumiglas at sumabay na rin sa biruaan nila:
“Andres Lucho G**** S******, hindi kita type, si Dustan ang Type ko.”
at tuloy pa rin kami sa pagtatawanan, kahit na sumasabay ang kirot nang mga injuries ko ay kumikirot kada tawa ko ay, hindi ko na inisip iyon bagkus ay ang kasiyahan kapiling ang mga kaibigan ko lalo na si Andy. Matapos iyon ay gagkatabi kaming natulog ni Andy sa isang kwarto, at dahil na rin malikot siyang matulog ay natamaan niya ang left ankle ko at napasigaw ako sa sakit, at nagising siya at humingi nang paumanhin. Dahil sa sa aksidenting natamaan niya iyon ay talagang kumirot ito nang napakasakit, sa sakit ay napapaiyak ako, nagising tuloy lahat nang mga tao sa bahay na iyon mula sa mga ka-klasi ko at mga care takers nang bahay ay nagsipunta sa aming kwarto sa ingay ba na man ko kung maka-react. Panay ang paghingi nang pasensya ni Andy, but I just can’t help the pain tagala at nasuntok ko siya sa pisngi at nasabi ko ang mga ito sa kaanya:
F*@% you Andres! Umalis ka nga ditto.”
Matapos nangyari iyon ay tinitigan ako ni Andy nang matagal sa mata, naramdam ko agad na nasaktan siya sa ginawa kung iyon, kitang kita ko iyon sa mga mat niya na parang that moment he was holding his breath. Nabigatan ako sa sa ginawa kung iyon at kaagad akong humingi nang patawad sa kanya. nagpasorry, pero himiga siya na nakatalikod sa akin. At inulit ko ang paghingi nang tawad sa kanya, at nasabing nagawa ko alng iyon dahil sa sakit na rin. Hindi niya ako kiniboan, marahil ay tinulugan na niya ako, yun ang naisip ko, pero nang mahiga na ako at nang nakapikit na ako ay bigla niyang pinindot ang sigat ko sa nuo at napasigaw ulit ako sa sakit at tumakbo siya papalayo at tumatawa nang malakas. Well, that means, pinatatawad na niya ako. Ganuon na man mga mag-best friends diba, kung hindi mo masabi ang gusto mong sabihin, gawin mo na lang, pero sa kakaibang paraan. Haha
Hindi namin kaagan sinabi ang nangyari sakin to my parents, at nang makauwi na kami ay napagalitan ako sa aking mga parents, habang si Andy ay pinagtatawanan ako. Kaya sa grabuation day namin ay may bandage ang ulo ko, thank God na rin at kahit papano ay gumaling na ang paa ko bago ang graduation. Masaya ang araw na iyon, akala ko ay magtutuloy-tuloy na pero hindi pala, nakita ko si Andy at ang saya-saya nang mukha niya, papalapit siya saakin at niyakap niya ako at sinabi niyang sila na nang kanyang nililigawan na si Ayah. Masaya siya sa puntong iyon and I don’t want to break his happiness by showing him I am not happy because nagsi-selos ako, at parang hinihila pababa ang puso ko nang marinig ko yun, pero pilit kung tinago ang aking pagsi-selos. Pinakita ko sa kanya na masaya din ako para sa kanya. pagkatapos nang graduation day na iyon ay nagpauwi na alng ako kaagad sa amin at nag-panggap na sumasakit ulit ang ankle ko, nang makarating na ako sa kwarto ko ay, biglaang lumuha ang mga mata ko, sa sakt nang nalaman ko.
Sa bakasyong iyon bagaman hindi nagbago ang oras na inilalaan saakin ni Andy ay naramdaman niyang nag-iba ang Aura ko, isang araw sa aking kuwarto:
“Jason, what’s wrong?” tanong sa akin ni Andres,
Tinignan ko siya nang napakatagal sa kanyang maamong mukha, naluluha ako, gusto ko nang sabihin ang nararamdaman ko sa kanya. pero inunahan pa ako nang luha ko, at tuluyan na itong tumulo. Nakaupo ako saaking kama at lumapit siya saakin, and held my head to his chest, and asked me again if what is wrong, pero inalis ko ang ulo ko sa chest niya and I said:
“I can’t tell you yet, Andy. I am not ready to tell you what is going on.”
Pagkatapos kong masabi iyon ay tumayo si Andy and said:
“You know what Jason, what ever that is; I’ll always be here for you, I’ll stay with you forever, Buddy! to infinity and beyond.” Then he smiled and he said “te lo prometto.” That is “I promise” in Italian. Pinanghawakan ko ang pangko ni Andy, pero, still I have no courage enough to tell kay Andy ang tunay kong nararamdamn. Kaya tumagal iyon nang ilang taon.
Matagal na nang pormal na maipakikilala ni Andy ang kanyang girlfriend na si Ayah, at sa nakikita ko ay masaya naman si Andy sa piling ng girlfriend niya. mahal nila ang isat-isa, pero every time na makikita ko silang napakasaya at every time na nagku-kwento si Andy tungkul kay Ayah saakin ay kung anong saya ni Andres ay iyon na man ang pagkawasak nang aking damdamin.
Marso taon 2011, pinakilala ako ni Andy sa mga Kaibigan nang G.F. nya sa mismong araw nang kanilang forth year anniversary , isa na ditto ay ang best friend ni Ayah na si Shane, isang bakla na magpapabago sa ikot nang mundo namin ni Andy. Sa unang pagkikita pa lamang namin ni Shane ay naiilang na ako sa kanya, I can’t express it well, pero talagang ilang na ilang ako sa kanya, palagi niya akong tinitignan na para bang may balak sabihin or gawin. Ganuon siya every time na magkakasama kami, minsan na man ay tumataas ang kilay niya at nagbubuntung hininga siya. Nuong una ay hindi ko mawari kung bakit siya ganuon kung kumilos, hanggang sa isang araw ay may nagtext na saakin na hindi ko kakilala ang numero:
“Hey bitch! Alam mo bang nakakasira ka na nang relasyon. Alam mo bang alam ko na may pagnanasa ka kay Andres? Buking na kita bakla ka.
When I read that message, kinabahan ako at natakot dahil may isang tao na nakaka-alam nang tunay kong nararamdaman para kay Andy, inisip ko kung sino ang taong iyon at bakit naniya alam ang tungkul saakin, wala na man akong pinagsasabihan at hindi na man ako halatang bakla sa mga kilos ko. Hindi ko muna sinagutan ang nagtext na iyon after 30 minutes ay nagtext ulit numerong iyon:
“Hey bitch, anong iniingatan mo bakit hindi mo masabi kay Andres? If you would mind, I am willing to tell the truth to Andy? That way hindi ka na mahihirapan?
Natakot ako sa text niyang iyon, at duon na ako nagreply at sabi ko:
“What are you talking about? And who are you?”
Then he replied:
“Oh, Bitch Please, Wag ka nang mag-deny. Well, I am Shane. And I would like you to stay away from my best friend’s boyfriend. Or else I’ll tell not just Andy, mabibigla ka na lang, baka hindi pa siya ang mauunang makaka-alam.”
Sa text niyang iyon ay parang alam na niya ang kahinaan ko, natakot ako sa banta niya kinabahan sa mga gagawin niya. Sinunod ko ang mga sinabi niya, ewan ko ba, ang tanga-tanga ko. pwedi ko na man aminin kay Andy kung ano ako at alam ko naman na matatanggap niya ako kahit ano pako. Pero wala akong tapang na sabihin iyon sa kanya, kaya sinunod ko si Shane. Nahirapan akong iwasan at taguan si Andy, dahil siya na mismo ang naghahanap saakin. Sinabihan ko siya na magiging busy ako sa mga susunod na araw kaya hindi muna kami magkikita, pero palagi siyang may dahilan para magkita kami. Pero salamat sa mga mababait na kaklasi ko na may Condo ay nakikituloy ako madalas sa kanila para lang maiwasan si Andy, madalas kasi siyang nagagawi sa bahay. Marami akong idinadahihalan sa kanya na siya na mang kinagagalit niya. Pero sa ginagawa kong iyon ay parang hindi lang ang sarili ko ang kinakawawa ko kundi si Andy rin, sa mga araw na iniwasan ko siya ay nagkaruon ako nang mga ka-affair with girls para na rin makalimot kahit papano, pero every time hindi talaga maalis sa isipan ko si Andy.
Nakaya ko iyon hangang sa nagraduate na ako sa aking kurso, nagpunta sila sa mismong araw na iyon, Si Andy, Si Ayah at si Shane, masaya ako dahil nagpunta duon ang aking pinaka Special Friend, pero nagging limitado ang mga kilos ko, niyakap ako ni Andy pagkatapos nang Ceremony at binati na din ako. Ganuon din sina Ayah and Shane. Masama ang tingin saakin ni Ayah, alam na din kaya niya ang tungkul sa nararamdaman para kay Andy? Ramdam ko ang pakikipagplastikan nila saakin. Hindi ako nagsalita sa kanilang harapan dahil kung makatingin sila ay parang papatayin nila ako. (haha) siyempre, after the ceremony may handaan sa aming tahanan, sinama ni Andy sina Ayah at Shane sa aming bahay, pero si Andy ay kinukwentohan ako at sumusunod kahit saan ako magpunta, niyayakap niya din ako, yung yakap na magkapatid dahil namiss ako, pero every time na gagawin niya iyon ay napapatingin ako sa dalawa (Ayah and Shane), para bang lalamunin nila ako sa tingin nila every time Andy’s hugging me. at tila, napuno na sila nang inis o galit nang biglang tawagin ni Ayah si Andy at uuwi na daw sila, nagpaalam saakin si Andy at babalik daw siya kaagad para maginom kami malapit lang naman kung saan niya ihahatid ang dalawa.
ilang minuto lang ng kanilang pagalis ay nagtext ulit saakin si Shane:
“Ang tapang mo huh!” nilalandian mo Boyfriend ng Best friend ko. sa harapan pa nang maraming tao.”
Sa text niyang iyon ay parang naawa ako kay Shane, parang ang kitig, No, as in makitig talaga ang pagiisip niya, sa inis ko na rin ay lumakas ang luob ko na TAWAGAN siya, alam kong kasama pa niya si Andy that time pero ginawa ko at nang sinagot niya ay bigla kong sinabi:
“talaga bang mahinang magpick-up ang pang-unawa nang utak mo? Nakita mo na mang si Andy ang lumalapit saakin at wag mo kong itulad sayo na ibang mag-isip, pinag-kaitan ninyo na kaming nang oras nang kaibigan ko, edi na-miss ako nang tao, wala pa kayo nang best friend mo sa buhay ni Andy ganuon na siya saakin at ako sa kanya. So, stop your stupid f*@#$%^ filthy imaginations and mind your own business. Shane!”
matapos kung nasabi iyon ay agan kung inoff ang phone ko, at tinawanan ang ginawa ko.
Nagbalik nga si Andy pero 6:30 na iyon ng gabi 3 hours din siyang hindi agad nakabalik, pero nuong una ay maganda ang mood niya, nagpunta kami sa entertainment house sa likuran ng main house namen, sa luob nang entertainment house na iyon ay nakapaluob ang kalahati nang pool na nagsisilbing silong kung baga, (sorry, hindi po ako engineer/architect hindi ko alam i-explain, hehe) and the other half is nakalabas sa house half indoor and outdoor pool. Sa luob kami pumwest sa side ng pool malapit sa bar, at siyempre, dahil nasa legal age na kami ay pwedi na kaming uminom nang alak. Pinilit ako ni Andy na kunin ang pinaka matapang na alak sa wine storage nang tatay ko, but I admit na hindi ako marunong pumili, kaya kinuha ko na lang kung anong malapit sa akin, nakuha ko ay Rhum, at pumwesto na kami at kinamusta niya ako while he’s pouring small quality of Rhum sa aking baso:
“Better that yesterday!” I said, then I smiled while I winked my left eye.
He just looked at me na para bang nagpapa-cute siya sa akin. natagalan siya sa pagtitig saakin and na-insecure ako sa tingin niyang iyon, napapatingin din ako sa kanya pero kaagad ko na mang iniiwasan dahil hindi ko makayanan ang ganuong tingin niya saken, sa kaluob-luoban ko ay super kilig ko na man at bigla siyang nagsalita:
“Jason, I miss you so much!”
Habang sinasabi niya iyon ay nakatingin ako sa kanya, damn, para akong nasa cloud nine lalo’t narinig ko pa ang malamig niyang boses; at na-tense sa tingin niya at kaagag kung ininom nang straight ang alak na nasa baso ko, napakainit sa lalamunan ang alak na yun kaya naman nanginig ang buong katawan ko then I shook my head na talagang natapangan sa lasa nang alak. At tinawanan niya ako and that laugh that I heard from him was priceless, I couldn’t forget those tantalizing eyes of him and smile that could fix a once broken heart. (till now, di ko parin malimutan iyon.) at habang tumatawa pa siya ay, tinanong niya kung ganuon nga ba katapang ang lasa nang Rhum na iyon, at nang inunom niya ay parang wala lang at sinabi niyang hindi na man daw ganuon katapang ang lasa:
“Soil, (my nickname) ang O.A. mo.”
At nagtawanan kaming dalawa, tinaasan niya ang “TAGAY” sa aming mga baso old-fashioned glass to be exact at halos mapupuno na iyon, “and challenge me na inumin nang straight ang ganuong kataas na tagay, so after naming mag-toast ay minadali kong ininom ang Rhum at duon ko na nalasahan na masarap nga iyon, para kaming nagmamadaling uminom nito, at wala pang 1 oras ay parang juice lang naming ininom ang isa’t kalahating bote, malapit na akong malasaing, pero itong si Andy ay lasing na pala siya at iyon talaga ang gusto niyang magyari, sa kalasingan niya ay tumayu siya sa kinauupuan niya at nagtangal nang mga damit, iniwan niyang suot ang kanyang underwear, at tumalon sa pool, pero bakit ang tagal niyang umahon sabi ko sa sarili ko, may kalaliman din at kalakihan ang pool naming iyon sinadya para pag-pratisan ko na din, tumayo ako sa kinauupuan ko at tumingin sa pool, nakita ko siyang nasa ilalim nang tubig, hinayaan ko lang siya pero nabahala na ko dahil tumagal pa siya sa ilalim nang tubi, at ilang sigundu pa ay bigla na lang siyang lumutang na parang wala nang malay, tumalon ako kaagad sa pool para ihahon ang katawan niya, pero nang malapit na kami sa hagdanan sa west side ng pool ay bigla siyang pumalag and said:
“What are you doing?”
“akala ko nawalan ka na nang malay, kaya sinasagip kita.”
Sagot ko sa kanya. at tuluyan na ngang itinulak ako ni Andy papalayo sa kanya:
“W.T. F.! Pabayaan mo ako, nagpapakamatay ako.”
Sabi niya saakin habang nabubulol na din sa kalasingan, nang masabi niya iyon ay pilit kong inahon siya mula sa pool, at nagawa ko nga iyon, habang nanghihina at lasing na lasing na siya, hiniga ko siya sa side nang pool:
“Hey, are you nuts, bakit magpapakamatay ka huh? Tanong ko sa kanya.
“Pabayaan mo nga ako, diba’t wala ka nang pakialam saakin. That is why you just dumped me, and left me.”
“Gago ka pala eh, wala pa akong nabalitaang nagpapakamatay na naka-brief lang ang suot. if you want to commit suiside you must wear your cloths first, then I’ll let you nang magpakamatay.” Sabi ko sa kanya, at tumawa ako pero:
“I am serious Soil.” Sabi niya.
Natahimik na lang ako bigla, at naupo sa tabi niya, halos isang minuto din akong wlang kibo at ganuon din siya, yun pala ay natutulog na siya, kaya binuhat ko siya papunta saaking kuwarto, at pinatuyo ang katawan at buhok niya sa aking banyo,at binihisan ko siya. I took off his wet underwear at pinalit ko nang hindi ko pa nagagamit na underwear, then binihisann ko siya ng t-shirt ko and shorts too at hiniga ko siya sa aking kama, tulog na tulog pa rin siya at pagkatapos kong magpatuyo at magbihis na rin ay tinabihan ko siya, nakapwesto siya sa left side nang bed at ako na man ay sa kabila syempre, nagkataong nakapaharap siya sa akin kaya napagmamasdan ko siya, at mas nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya, halos 7 to 8 inches kung gaano kalapit ang mga mukha namin sa isa’t isa, habang nakatingin ako sa kanyang natutulog na maamong mukha ay inamin ko na sa kanya ng nararamdaman ko:
“Andy, you know what, I love you, minamahal kita higit pa sa isang best friend o kapatid, pero hindi ko magawang umamin kasi, I am afraid to loose you.”
Habang sinasabi ko ang mga iyon ay unti-unti nang pumapatak ang mga luha ko,
“I am not sure kung aaminin ko na ba talaga sayo or I’ll just keep this sa sarili ko, pero, I don’t want to live under these lies in my life specially in our friendship, I just can’t take it any longer. But it’s just that hard to say I am falling for you when I am not sure kung ano ang iisipin mo pagkatapos kung aminin ang nararamdaman ko para sayo.”
“Natatakot ako kung ano ang iisipin mo.”
“Natatakot ako kung ano ang gagawin ko.”
“Natatakot ako baka hindi mo ako maintindihan. At
“Natatakot ako baka hindi mo ako matanggap.” Eto ako ngayon, umaamin habang ikaw ay lasing, natutulog at marahil hindi mo ako naririnig, hanggan ditto lang ang kaya kong gawin, pero Andy, nasasaktan din akong iwasan at kalimutan kita. I am sorry pero hinding hindi ko titigilang mahalin, higit pa sa kung kanino man.”
Pakatapos masabi iyon ay, lumapit pa ako sa mukha niya, hahalikan ko sana siya sa kanyang mga labi, pero hindi ko magawa dahil hindi iyon tama, kaya hinalikan ko na lang siya sa kanyang ulo at lumayo sa pagkakatabi sa kanya, at umiiyak buong magdamag hangang sa nakatulog na rin ako.
Kinabukasan, sa bilis nang oras nang sa pagkakatulog namin, ginigising ako ni Andy, parang, namiss ko rin ang moment na tulad nun na siya ang gumisising saaking habang tinatipik ang aking sholder:
“Soil, paano ako nakarating ditto?” tanong niya saakin.
Habang nakapikit pa ako ay napangiti sa tanong niyang iyon, at habang nakapikit parin ako ay sigot ko siya:
“ayan ka na nsmn eh. Nagpapakalasing ka kinabukasan magatatanung ka kung anong nangyari.
“please tell me! what happened last night? did I pucked? have I done something bad? may nasabi ba ako sayo? Please tell me what happened last night.”
And pagpipilit saakin ni Andres, minulat ko ang mga mata ko at tinignan ko siya, at nagulat dahil napakalapit lang nang mukha niya sa aking mukha at naghihintay siya nang sasabihin ko, OMG! May Angel na nakangiti sa harapan ko, Shit! F@#$! Damn! Bumilis ang pagtibok nang puso ko, at parang bumagal ang oras sa mga sandaling iyon. pero, mabuti na lang ay nakayanan ko nang kaunti iyon At kunwari’y tinulak ko siya, then cover my self with my kumot, at nakangiti patago, at pilit niya tinanggal iyon:
“OK! Ok! Sasabihin ko na, lumayo ka muna, ang baho nang hininga mo, amoy alak eh. Ano ba huling naalala mo?”
Sabi ko at tumawa siya at lumayo nang kauni saakin. Ganuon kung malasing si Andy parate, mukhang ok pero, lasing na pala at hindi na niya maaalala ang mga nangyari sa paligidniya.
“Ok, I think, when I opened the second bottle.” Duon na daw ang huling maalala niya.
kinwento ko sa kanya ang lahat nang nagyari, pati ang paghuhubad niya nang mga damit at suot ay underwear para lang “MAGPAKAMATAY at sinabi ko rin na nasabi niya ang sakit ng luob niya sakin, ganuon din ang pag palit pagpapatuyo at pagpapalit ko nang mga damit underwear at pagsuot nang damit sa kanya at sinabi ko rin sa kanya na may may nasabi ako sa kanya tunkol sa akin, pero hindi ko na sinabi kung ano tala iyon, pinilit niyang sabihin ko iyon:
“haay nako, Andres Lucho, sa susunod kasi wag kang pagpapakalasing para alam mo ang mga nangyayari sa kapaligiran mo.”
Nagpalipas nang hung’over si Andy saamin hangang 11 am at umuwi na rin. Masay ang maghapon iyon para saakin, pero kinagabihan pagkatapos nang aming dinner ay binuksan ko ang aking Facebook and isa sa mga friends ko posted this:
“Open rebure is better than secret love. –Proverse 27:5”
That’s a verse from the bible and it really moved my heart so much, I just felt, happy or excited or man, I just don’t know what is that kind of feelings or emotions that I felt after reading that verse, then I just realized that I am already knocking on my parents room, binuksan ni mama iyon, si papa ay nasa bed at nanunuod sa kanilang television:
“Yes, Son? Is there anything you want? Tanong saakin ni nanay.
Sa una ay kinabahan ako at parang maiiyak:
“Son, come on in! What do you need? Sabi nang tatay ko, nang marinig ko ang bosis niya ay tuluyan na ngang tumulo ang mga luha ko. (epal na luha no, inuunahan ako sa moment. hehe) hinawakan nang nanay ko ang kamay ko at niyakap ang lukuran ko at kaagad tumayo ang tatay ko para puntahan ako:
“Son, what is wrong? Tell us! Your Mom and I will listen.” Sabi nang tatay ko, with his very calm and sweet voice. Inakay nila ako papunta sa kanilang kama at habang pinupunasan ni nanay ang mga luha ko ay naghihintay lang sila kung ano ang sasabihin ko:
“When you are ready, just tell us, Son.” Sabi ni Nanay na nakangiti with concern of course. Then, huminga ako nang malalim habang nakapikita ay sinabi ko:
“Tatay, Nanay, I am gay. I am sorry.”
That moment after I said what I have to say, I cried so hard, hindi ko alam kung ano ang kanilang magiging reactions, specially Tatay. Pero, Tatay lifted my face, wiped the tears from my eyes and with loving father in His voice He said:
“Son, don’t cry! I am glad and proud that I have you in my Life. I will always love you.”
Then Nanay also said:
“Either you are straight or Gay, we’ll always love you.”
Ang saya ko, tanggap ako nang mga magulang ko. Nang gabing iyon ay natulog kaming magkakatabi sa kanilang kwarto. Kinabukasan ay nag-bonding kami sa bahay, madalas naman naming ginagawa iyon, pero iba ang araw na iyon dahil na rin lumuwag na kahit papano ang pakiramdam ko.

Tatlong araw ang lumipas mula sa gabi nang umamin ako sa aking mga magulang, tinawagan ako ni Andy ng gabe, 7 pm, sa tono nang kanyang pananalita ay parang may problema siya. tinanong ko kung saan siya naroroon at kaagad ko siyang pinuntahan sa kanyang Condo:
“Hey, Andy what’s the matter?” tanong ko sa kanya pagkapasok ko pa sa loub.
“It’s Ayah, gusto niyang i-give up ko ang ugnayan nating dalawa.” Sagot ni Andy habang napakalungkot talaga ng Mukha niya.
“Why? Bakit daw?
Tanong ko, na may suspetcha na akong nasabi na ni Ayah ang nararamdaman ko para kay Andy.
“Hindi niya sinabi kung baket, hindi ko siya maintindihan, palagi na lang kaming nag aaway, after our four anniversary.”
Sa lungkot nang knyang nararamdaman ay naisip kong isagot ang mga ito:
“Then, gawin mo na lang kung anong gusto niya.”
Kaagad akong tinignan ni Andres at sumagot na para bang iiyak na siya:
“NO! no! I won’t do that! Hinding hindi ko gagawin iyon.”
Sabi niya, at tinanong niya ako kung ano ba talaga ang nangyayari saamin ni Ayah, hindi ko masagot ang tanong niya, pero nagwawala na si Andy, galit na galit at pinipilit akong sabihin kung ano ang talagang nangyayari. Hindi ko siya masagot, ilang minuto pa ay, sinabihan ako ni Andy na darating ang girlfriend niya para magusap kaming tatlo. Kinabahan ako bigla nang masabi niya iyon. ilang minuto pa ay dumating na rin si Ayah, kasama ang sut-sut niyang kaibigan na si Shane. Pero hiniling ni Andy na lumabas muna si Shane para makapag usap kaming tatlo nang personal.
“So, what is wrong between the two of you?” tanong ni Andy. At tinaasan ako nang kilay ni Ayah and she said:
“why don’t you ask your face friend here.”
“Stop it, Ayah!” Andy said, “wag mong pagsalitaan nang ganyan si Jason sa harapan ko.”
Pinagtangol ako ni Andy, na ikinagalit naman ni Ayah iyon at tumayu siya sa kanyang inuupuan:
“Wag mo ngang pinagtatangol ang taong iyan,” sabi ni Ayah, habang tinuturo ako sa kanyang daliri. “Ni hindi mo nga alam na hindi lang kaibigan ang turin niyan sayo, Bakla yang taong yan, alam mo ba Andres at anong malay naten kapag magkatabi kayong matulog ay kung ano ano na ang ginawa nitong kahalayan sayo.”
Habang sinasabi niya ang mga iyon ay napatingin si Andres saakin at kasama nuon ay ang mga mata niyang nagulat sa nalaman niya:
“What?” said Andy.
At duon na tuluyang lumuha ang mga mata ko, sinagot ko si Ayah:
“yes, Bakla nga ako, pero ni minsan, hindi ko nagawang halayan si Andy, and yes Andy.” Humarap ako sa kanya, I am gay, and I love you higit pa sa pagkakaibigan naten, at mas higit pa sa pagiging magkapatid. Mahal na mahal kita. Hindi ko kayang sabihin nuon dahil natatakot ako. natatakot akong iwanan mo ako.”
Nang msabi ko iyon ay, tumakbo na ako papalabas na sana sa kanyang Condo, but:
“Jason, non andare. (don’t go), stay here.” Sabi ni Andres na may pagmamakaawa.
“No, Andres, pabayaan mo na siya.” sabi ni Ayah. At tuluyan na nga akong kumaripas at pasakay n asana ako ng elevator nang sumigaw si Andy:
“Jason, Don’t leave me, I need you!
Sa kanyang boses na nagmamakaawa, humarap ako sa kanya, pero sa likoran niya ay nakasunod si Ayah at hinila niya si Andy pahapar sa kanya sa said:
“Andres stop, or else ako na mismo ang mangiiwan sayo.”
Andy looked at me, habang umiiyak, nadurorog ang puso ko nuong makita ko ang mukha niyang nasasaktan dahil saakin:
“Now you choose, Andres! Ako o yang baklang kaibigan mo?”
Sa huling pagkakataon ay tumingin sa akin si Andy, tumakbo at niyakap ako, akala ko ay ako ang pinili niya pero:
“Sorry Jason.”
Matapos ang mahigpit niyang yakap ay bumitiw na siya at bumalik kay Ayah, ang paglayo niya sakin ay parang winasak ang lahat saakin, iyon ang una kong naramdamang pinakamasakit sa buhay ko. lumalayo ang pinaka mamahal ko, hindi ko na tinignan ang paglapit niya kay Ayah, tumakbo na alng ako at ginamit ang hagdanan. At umuwi saamin nang luhaan at wasak ang puso ko, Inuwan na ako nang pinaka mahalagang tao sa buhay ko. wala na, Wala na si Andres sa buhay ko. hindi niya ako pinile, hindi niya ako natangap, yan ang mga naiisip ko. kaagad akong nagkulong saaking kwarto. Sina Tatay at Nanay ay kumakatok, nagaalala saakin, kinuha na nila ang duplicate nang susi nang kwarto ko at tinanong kung ano ang nangyari, hindi ko sinabi sa kanila. 10 pm na iyon nang gabi, pinili kong magpag-isa muna at siyang ginawa nila. Halos ginugol ko ang oras na iyon sa pag-iyak, hindi maalis sa isipan ko ang mga masasakit na nangyari.
Napatingin ako sa aking phone, walng mga mensahe, 11:06 pm nap ala nang biglang may pumasok sa aking kwurato hindi ako nakaharap sa pintuan kaya inisip kong si mama o papa ang pumapasok at sinara ang pintuan, umakyat siya sa kama ko at tumabi saakin, wait, alam ko ang amoy nang pabangong iyon, para makasigurado ay humarap ako sa taong iyon, tama nga ako. si Anrdres nga, tama ang hinala ko! nang makita kong siya iyon ay kaagad niya akong niyakap nang napakahigpit. hindi ko na rin mapigilan ang nararamdaman ko at niyakap ko rin siya. umiiyak sa sobrang tuwa.
“Hey, Hey, Soil, stop crying! Andito na ako.”
Hindi ako bumitaw sa pagkakayakap ko sa kanya:
“Akala ko iniwan mo na ako, akala ko pinili mo si Ayah.” Sabi ko sa kanya.
“Nagpaiwan ako dahil, Iniwan ko na si Ayah. Nagbreak na kami, at IKAW ANG PINILI KO.” sabi ni Andres.
Sa sinabi niyang iyon ay pumiglas ako bigla sa pagkakayakap at tumingin sa kanyang mga mata. Nagtinginan kami nang matagal at matagal at matagal at sinuntok ko siya sa mukha. Syempre nasaktan siya duon:
F@#$ you, walang hiya ka, ang dami mo pang drama, akala ko ako ang hindi mo pinili. Shit ka, Ulol!
Sabi ko sa kanya at nakangiti siya at bigla na lang niyan akong tinignan na para bang malulusaw ako sa sobrang kilig ko, pero bigla na lang akong nahiya dahil naalala ko na alam na ni Andy na inlove ako sa kanya at nagkaruon ng iang minutong awkward moment, nahiga ako ganuon din siya, pero laking gulat ko nang bigla siyang yumakap saakin at nilapit niya ang mukha niya saakin at nagpapa-cute, Shit, ang saya ko, hindi ko na naiwasang ngumiti sa kilig:
“Naalala mo nuong umamin ka saakin?” tanong niya Andy na nakangiti.
“Kanina? Baket? Sagot ko sa kanya pero ikinagulat ko nang sinabi niyang:
“hindi yon! Di ba’t umamin ka na saakin nang gabi nang graduation mo, akala mo bang tulog ako noun, nagpanggap lang ako, narinig ko lahat Soil, at bago mo ka pa umamin kanina alam ko na.”
“ah! Eh! Akala ko tulog na tulog ka nuon.” Sagot ko sa kanya habang nahihiya ako:
“diba’t pinangko ko na sayo nuon pa na, kahit anong mangyari, hinding hindi kita iiwan. Here I am, hindi kita iniwan, at ngayon ay tinatanggap ko ang pagibig mo saakin.”
Aaaaaaaaahhhhhhhhh! Nako na man, nang sinabi niya iyon ay naktingin ako sa kanya, ang saya ko. tanggap ako ni Andres at tinangap niya ang pagibig ko sa kanya, aaaaaahhhhhh!!!! (landi noh!) nang sinabi niya iyon ay lumapit siya sa mukha ko at hahalikan na sana niya ako sa labi nang pinigilan ko siya:
“Ulol! Pakipot ka pa!” sabi Andres at hinawakan niya ang dalawang kong kamay at pinilit niyang halikan ako, at nagawa niya nga iyon.
“I love you Jason Casper S****.” Sabi ni Andy and with kilig I Answerd him:
“Yes, I love you too, Andres Lucho S******.”
Nagyakapan ulit kami, masayang masaya ako nang gabing iyon, natulog kami nang magkatabing nakayakap sa isat isa, pero bago iyon ay nagtext muna ako kay Shane nang ganito:
“Hahahaha! Ano kayo ngayo?” (sama noh) inasar ko sila sa huling pagkakataon. Kiabukasan, siniguro kong hindi ako nanaginip lang, tinignan ko si Andy habang tulog pa, napaka guwapo niya, napaka palad ko. nagising siyang nakangiti saakin. At hinalikan ako ulit sa labi:
“Yes, Jason! Tutuo ako!” sabi niya, alam niya ang nasa isipan ko.
Lumabas kami sa kwarto at inamin namin saaking mga magulang, hindi rin natapos ang araw na iyon ay inamin din namn sa pamilya ni Andres sa una’y nagulat sila, pero kinatuwa din namin at kaagad nila kaming natanggap. Ilang araw din ang lumipas ay nasabi na rin namin sa aming mga kaibigan ang aming relasyon, karamihan sa kanila ay kaagan kaming natanggap, pero ang iba’y tumagal din nang ilang araw o buwan bago nila tuluyang tinanggap ang realsyon ni Andy. Masaya ako at ganuon din ang Ka-ibigan ko. until now, our relationship is getting stonger. mag 2 year na din. Pero, we never practice sex. Hindi naman kasi kami ganuon kaintresadong magsex sa ngayon! Umaandar ang relasyon namin nang walang SEX.
Well guys, salamat sa pagtitiyaga sa kwento namin, sanay nagustuhan ninyo ang tutuong karanasan ko. masasabi ko lang:
“Open rebuke is better than secret love. –Proverse 27:5”

54 comments:

  1. nakakatuwa talaga mga spelling mo noh Jason. pero palong palo naman, carry lang! kaganda nang kwento friend. kilig much. haba nang hair mo dai, kaingit.

    at nga pala siguro nagkamali ka lang at hindi mo napansin yung nailagay mo imbes na part 2 ay part 1 pa rin. wag shunga sa susunod ha, gurl! pero Good Job!

    ReplyDelete
  2. Hi, It is me the Author! allow me to explain my self: well i apologize for the misspelled words, like the word Proverbs but i used the word "provers" instead. pagpasensahan na't hindi ko kaagad iyon napansin. don't worry mapapalitan naman din mga yan. and it should be Part 2 not Part 1! i am sorry readers!

    -Jason.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nice story soil... =)

      josh of pampanga

      Delete
  3. Tumulo luha ko dito. I love your story. More love not lust. Thank you Jason for sharing your story. ;-D

    ReplyDelete
  4. OMG! madami nga akong nakitang mga wrong spelling pero dedma lang kase bakla ang ganda nang story ninyo. not nakakahorny ang theme pero gaga ka ha napaiyak at kinilig ako. paborito ko na story ninyo ni Andy. palong palo. bet na bet. kkk

    ReplyDelete
  5. Bet na bet ko story mo friend! Nakaka-bobey lang talaga yung grammar at spelling.

    ReplyDelete
  6. Marami bang maling spelling? Sorry, pero hindi ko na yata talaga pinansin 'yun. Probably something I learned from watching plays long ago, something that prepared me for something like this: suspension of disbelief. In plays, in teatro, you learn to overlook that the mansion they were supposed to be living in is bereft of ... anything mansionic ... before your eyes. And you have to suspend disbelief ... para lang matuloy ang pinapanood mo, o ang binabasa mo. For this boy Jason, against the backdrop of the life he chose, I think his wrong spelling - heck, probably even his syntax - will be the least of his problems. It is just good to notice that he possesses enough wisdom to accept his mistakes. Because only when you accept them will you be able to correct them. If Jason decides to write more, I hope he reads even more as well. Some writers probably broke the rules of grammar (and spelling), simply because ... well ... they don't know the rules. I really cannot think otherwise, because if your are going to write about a character who is supposed to be intelligent, it would really be a case of "the incredulity of the most gullible is exhausted," if that supposedly intelligent character were to break the rules of grammar and spelling. Alas, for language: Verbs always agree with their subjects. Sorry, Jason, ha, for pontificating. Hehehehe. You can always ignore this naman. Good luck ... on life. Tempus fugit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. we'll writers naman eh may 2 - 3 people who check if there are misspelled words and a chief editor to finalize it, and even they still have mistakes after the publish gaya ng textbooks. So kay andres di naman sya prof writer.. "mistakes are always good experiences to make you better next time... For blogs I don't mind the misspellings I just want to know the content.. at Superb its heart warming, and all I can say is kaingit.. hehehe..

      Delete
  7. may kakilala akong mga tao na kahit mayayaman o nakapagaral sa magagarang school ay sadyang mahihina sa field ng pagsusulat, pero very intelligent sa pagsasalita, pagrereport, sales talk,.etc........sa kaso ni Jason........i think, sa istilo nang kanyang pagsusulat ay may husay siya. dahil maganda ang kunsepto nang storya at hindi mo bibitawan ang susunod na mga mangyayari. and sa totoo lang dati'y isa akong masugid na kritiko subalit......tang inang yan.....ang ganda nang storya. at sana sa mga readers na katulad ko'y nakita ninyo rin ang kagandahan nito.

    -jm, from tarlac

    ReplyDelete
  8. Thanks for sharing your beautiful story.......
    ummmm...
    pwede magrequest....
    wala ba kau dyang kuwento between boy and girl na makakarelate ung taong umiibig ng palihim sa girlfriend ng bestfriend nya.....
    please...

    ReplyDelete
  9. True love tlga..... :) ganda ng kwento.....

    ReplyDelete
  10. Sa ganito kagandang estorya hindi mo papansinin ang mga spelling kasi ayaw mong bumitaw sa flow ng story. Sa simpleng mga salita na unti unting nabubuong pangungusap ay nabi visualize mo ang mga pangyayari at yon ang pinakamahalang sangkap ng isang magandang kwento. Kinikilig ka sa mga pangyayari na inilalarawan ng mga salitang mali pero magkatunog, Good job ! actually very good

    ReplyDelete
  11. dami agad comment, tiyak na maganda ito gaya nung sa likod ng bato...mamaya ko na lng gabi babasahin, pero sana ay may next chapter agad jeje excited much

    ReplyDelete
  12. Sinasabi ko na nga ba't maganda ang story na to eh. sa part one palang boom na boom na. Thanks for sharing your story Jason hindi mo ako binigo sa ganda nang kuwento mo. napakilig at napaiyak mo ko. sana ay magtagal pa ang relasyon ninyon ni Andy. ingatan mo siya dahil ramdam ko rin ang pagmamahal niya sayo. nakakaingit ka.

    ReplyDelete
  13. napanisin ko na wlang itutuloy, pero magandang ung stroy medyo magulo lng ung spelling hindi ksi na edit bago ipost. masasabi ko na kinukwento ni Jayson ung stroy in front of you, nandon ung kilig, at naintindihan ko ng mabuti ung kwento un naman ang important ang nais iparating ni Jayson sa bumabasa, next time edit mo muna bgo ipost para mas lalong masaya. Kudos ka para sa akin Jayson, next chapter na agad kong meron man...

    ReplyDelete
  14. I was moved by your love story Jason hindi libog ang nakita ko sa story but true Love. More love sa relationship nyo

    ReplyDelete
  15. 10 na sana kaso madami mali spelling eh...pero ok narin...more on love ang part1 siguro part 2 puro sex na..haha..

    tama ka di naman mahalaga gaanu. ang sex pero kahit papaanu nakakatulong pa ito lalo ng isang relasyon para tumibay...
    maswerte ka at may Andy..
    nakakainis lang na imbis na maintindihan ka nung shane na hinayupak na un kz parehas kau ay. kontrabida pa...
    good luck sa relationship nyu tumagal pa sana kayo till end..haha
    now meron narin aqng partner kahit di pa totally out pero happy kami...

    Ron

    ReplyDelete
  16. grabi ang ganda ng kwento mo Jason...salodo ako sayo...sana tumagal pa kayo ni Andy...

    ReplyDelete
  17. nagandahan din ako. sana makahanap ako nang katulad ni Andy. super sweet.

    ReplyDelete
  18. ayus yan... Yung ibang wento puro sex lang walang wenta storya pero ito walang sex pero maganda storya... Sana my tropa din ako gaya ni andy lol!

    ReplyDelete
  19. Jason... Grade!!! Ang bongga-bongga naman ng kuwento mo, Girl... Nagustuhan ko... Maganda at talaga namang "kilig" ang naging hatid sa akin... Sana, maging "forever" kayo ni Andy... Goodluck, Girl... Stay pretty as always...
    -ice-

    ReplyDelete
    Replies
    1. *Grade daw? Baka naman "Great" or "Grabe"

      Delete
  20. Ang ganda ng story. Sana magtagal kayo ni Andy, ika nga e for life. Trust lang sa isa't-isa. Hindi ko pupunahin ang anumang kamalian sa iyong pagsulat o pagkukuwento, ang importante ay nakuha mo ang attention ng reader kagaya ko, kung papaano madadala o makak-relate ang taong nagbabasa nito. Congrats! at Gudlak!

    ReplyDelete
  21. According to Joe Vitale, an EFFECTIVE writer has hypnotic tendency. When you read their work it will bring you to a trance as if you are watching a vivid colored screen whereby a movie or 3d movie at that plays. I bet this story brougheats exactly into that place. Our subconscious mind disregard grammar rules Because it does not want to lose the connection to the heart of the person recounting an experience. And verily, most of us if not all has shed even just a droplet of tear.

    I do not however wish to Somoza the importance of grammar as it serves as the thin line between crappy and quality work. But to judge a literature base on grammar and grammar alone is nothing but a pickle-minded understanding of of literature itself.

    Raise you hand of you agree that this story does not deserve the harsh scrutiny of so called "grammar expert".

    ReplyDelete
    Replies
    1. i totally agree.. i admit, i am a "grammar nazi" but when i read a good story and i love it inspite the grammatical errors, i tend not to notice the errors.. just like this one! :)

      Delete
    2. "...inspite OF the..." or "DESPITE the"

      Delete
  22. Im super happy for you author.. i hope na magfl0urish pa ang relationship nyo forever.. sobrang kinilig much me.. haha! :)

    ReplyDelete
  23. Yup! with all hands up.. I agree.. nice story preng!!

    ReplyDelete
  24. simula nang mapunta ako sa site na to, nakagawian ko nang unahin munang basahin ang mga komentong iniiwan nang mga nakabasa na sa istorya... lalo na't inaabangan ko ang mga kuwentong sagana sa mga pagpupuna at pagkatapos ay babasahin ko narin ang laman ng kuwento para may mapuna rin... pero nang napansin ko ang mga pagpupuna ng mga kumento sa istoryang ito na may halong magandang pagpupuri ay mas naging intresado ako at gusto ko ring makita at maramdaman ang maganda nilang nabasa at siyang tunay; napakaganda nga nang laman nang kuwento, naramdaman ko ang galak, kilig, hinagpis at pagmamahal na ibinahagi nang nagsulat sa istoryang ito.

    ReplyDelete
  25. such an amazing story...
    when i was reading para aqng nanunuod ng best selling movie... grabeh, kinilig aq, naiinis (kay shane), napangiti at napaluha... so far s mga nabasa q, i would say that your story is the best...

    anyway ito lang ang masasabi q s mga nakicritize s misspelled words or syntax, if u are a good reader then u know naman qng anung tinutukoy n word ng writer... hindi naman ito formal n story n ipapublish s book n kailangang icheck ng maigi...

    ReplyDelete
  26. LoL! Nainlove ata ako kina Jason at Andy. Wish ko lang na di magbago pagtingin nyo sa isa't isa. Wish ko din makilala ko kayo para mahawaan ako ng talino ni Jason. Kakainggit. Walang sex pero inlove.. Kami kasi ng 4yrs partner ko sa una lang yung sex sex sex na yan. Ngayon wala na talaga.. Pero alam ko naman na faithful sya sakin at lalo na ko sa kanya. Dami temptations pero napaglalabanan pa rin. May respeto kasi ko sa sarili ko. (Eh ano naman sa inyo?) Hahaha! Goodnight!!

    ReplyDelete
  27. nice story. d naman big deal ang konting error d b. ang importante naiintindihan mo ang estorya. dun expert ang pinoy. :)

    ReplyDelete
  28. GUYS....MARAMING SALAMAT SA MGA PAGPUPUNA NINYO SA AKING MGA PAGKAKAMALI AT MARAMING SALAMAT SA KABILA NG MGA MALI KONG NAGAWA AY NAGUSTOHAN PO NINYO ANG AMING ISTORIYA....NAKAKAGALAK PO SA PUSO ANG MALAMAN NA NAIBIGAN NINYO ITO....DAHIL PO SA MGA NABASA NAMING KOMENTO AY NAGDULOT RIN PO ITO NG KILIG SA AMING PUSO NI ANDRES.

    ANG RELASYON PO NAMIN NI ANDY AY PATULOY PA RIN PONG TUMITIBAY. NAWAY MARANASAN DIN PO NINYO ANG MAGANDA NAMING NARARANASAN SA PAKIKIPAGRELASYON AT PAGMAMAHALAN.

    -LOVE SOIL & ANDY! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Soil, sana may part 3. kasi nabasa ko na yung part 1 mo then itong part 2 at talaga namang ang ganda ng kuwento nyo at alam kong meron pang makukulay na nangyari sa buhay ninyo ni Andy. sana pakiligin mo pa kami sa ikatlung pagkakataon.

      Duke

      Delete
  29. kudos soil; spelling and some grammar doesn't. whats important is the thought itself

    ReplyDelete
  30. Ganda na story kuya Jason. Tama nga desisyon nyo na hndi magsex kasi hndi naman kailangan yan sa isang relasyon eh. Basta idol kita sana magkita tayo.XD darwin nga po pla.

    ReplyDelete
  31. pagkatapos kong basahin ang istoryang ito ay naisip ko rin na ipabasa sa boyfriend ko at pareho naming nagustohan, pareho ding napaluha at kinilig, dahil talaga namang nakakarelate ang kwento. super bonga. -lola, from bataan.

    ReplyDelete
  32. grabeh ang ganda MUCH ng story.....na pa iyak pa aqoh nung sinabi ni andy ung "sorry jason"akala qoh c ayah na ang pinili nya.....un pala nag pa iwan para i break c ayah....at mas lalo aqong napa iyak nung nabasah qoh na nag break na clah ni ayah at c jason ang PINILI nya...thanks for sharing ur lovestory<3;))

    ReplyDelete
  33. The best story I've ever read so far. Wla na bang part 3? haha

    ReplyDelete
  34. Ang ganda ng story karelate talaga ako.i really dont mind of the mispelled words as long as i understand the flow of the story.tao lng naman tayo nagkakamali rin so ok lang yan jason:)

    ReplyDelete
  35. taray maka hawa ng kilig ah! perfect!. ang saya ng love life mo kuya Jason, kaingit ka. sana makahanaprin ako ng katulad ni kuya Andy na magaalaga at magmamahal din saken.

    ReplyDelete
  36. ..amm 22o pa bang naghappen sana 22o talaga kc nakarelate ako sa story na ito.hi ako pala si razlie im a gay and i am proud 2 b.!
    ...buti kapa gurl nagbunga ang ilang taon mong pagtatago ng feelings mo sakanya two thumbs up sayo you really desrve this.
    Peow ang lungkot ng lovelife qo
    Kc yung taong pinakamamahal qo ay mahal ang bestfrien qo.pero ang mas masak8 dun nung one day nagtxt Siya sa akin na magpapakasal na daw sila after graduation namin this year and i my heart was my is broke into pieces i dnt know wat to feel sak8 na may halong paghihinagpis kc akala ko hindi na yon magkakatotoo pa..!mga 2 two years qo din itinago sa kanya sng feelings qo pero nauwi lang sa ganun.pasalamat na din ako for atleast nakarecover na rin ako ngayon pero bumabalik pa rin yung memories ng nakaraan ko nung una ko siyang nakilala hanggang sa nainlve ako sa kanya at syempre naaalala ko rin ang mga heartbreakx qo dahil sa selos atbp.!huhu;(
    ...but its okay tanggap ko na hindi kami para sa isat isa at hindi yun pwede kc lalake kame pareho.!
    Pero bk8 gn2 kung lalake talaga ako bat ako naiinlove sa lalaki din maybe bakla nga talaga ako.sana may mahanap akong tulad ni andy magaalaga sa akin at makakasama ko sa mga gimik
    atbp.

    ReplyDelete
  37. ..maganda yung story super.!amm aq pala yungngpost ng i dont really mind about the mispellings ganun. Im razlie and i am a gay lyk you are.!

    ReplyDelete
  38. Jason, gusto ko sanang magkita tayo at sabihin sayo ang sitwasyon ko....napakahirap dahil, pagkatapos kung umamin sa lalaking mahal ko ay lumayu siya saakin! pareho sila ng ipinangako katulad ni Andy saakin na hinding hindi ako iiwan kahit anong mangyari. . .pero nuong umamin na ako at sinabi ang nararamdaman ko eh wala man lang siyang sinabi at iniwan na lang niya ako; best friend ko siya at halos pareho lang ang talambuhay natin nuong una, pero since nuong pagamin ko iniwasan na niya ako. . . .may 3 months na rin yun at simula nuon parang wala na siyang pakialam sakin parang wala na yung 12 years naming piagsamahan . . .yung last text niya ay: kalimutan m lang pagkakaibigan natin at humanap ka ng taong tatangapin ka."

    parang gusto ko ng magpatiwakal, pero ng mabasa ko to, sabi ko may pagasa pa akong makahanap ng taong makakatangap at magmamahal sakin. ang kwentong ito ay laman ng pagasa at pagibig. salamat sa kuwento.

    ReplyDelete
  39. i love it. nakakakilitalaga ang story na to. masaya ako para sainyong dalawa.

    ReplyDelete
  40. OMG! This one is a REALLY GREAT STORY!!!

    kudos to you, soil... Lahat ata ng emosyon nailagay mo na sa love story nyo ni Andy. And I don't mind the errors, it's such a good story na dinedma ko na lng yun...

    Sana magrow pa ang relationship nyo! Godbless :)

    ReplyDelete
  41. Puro naman kayo reklamo wala nga kayo story na ma.share. hirap din kaya isalaysay /isulat. pero ayos brad! first time ko 'to...

    share ko sa inyo story ko seguro susunod na araw ask ko muna 'yong taong involve baka kasi ayaw.

    ReplyDelete
  42. super ganda ng storya mo pre. kakakilig. hope i could have the courage to tell to my parents of what i am. and hoping i could introduce my partner to them too. hays hirap ng buhay patago. tas angkan mo straight. mapapatay yata aq kapag nalaman nila ;(

    ReplyDelete

Read More Like This