Pages

Friday, May 10, 2013

Alapaap (Part 1)

By: Mikah

“Mikah tila nalugi ka nanaman dyan?” Tanong sakin ni Jen.
“Marami lang iniisip Jen, » ang sagot ko sa kanya.
« Kelan ka ba nawalan ng iisipin. Hindi na bago yun Mikah. Tatanda ka ng mabilis niyan kakaisip mo.”
“Ang dami nanamn kasing problema sa bahay tapos idagdag mo pa ang mga gastusin at babayarin. Minsan parang gusto ko nalang umalis at takasan lahat,” ang sabi ko sabay buntong hininga.
Umupo sa tabi ko si Jen at nangalumbaba sabay tingin sa akin.
« Alam mo minsan gusto ko ding gawin yan. Halika na sabay tayo!” Ang sagot sakin ni jen na may halong pang-uuyam.
“Ewan ko sayo.”
“Mikah alam mo naman na hindi solusyon yan sa mga problema mo,” sabi ni Jen sabay akbay sa akin, « kahit gaano pa kahirap yang pinag dadaanan mo kailangan mong magpakatatag. Ikaw nalang ang inaasahan ng Nanay mo at ng kapatid mo.”
“Alam ko yun Jen. Pero minsan napapagod din ako.”
“Kapit lang Mikah malalampasan mo din yang mga suliranin mo. Teka, kamusta na pala yung applikasyon mo sa posisyong HR Manager sa IBM?” Tanong sakin ni Jen.
“Mukhang Malabo Jen, ang sabi kasi ng nag interview sa akin na kailangan nila may karanasan din sa nasabing posisyon ng maski tatlong taon. Manager nga ako ng 6 na taon na pero hindi naman sa Human Resources kung hindi sa isang kapehan na napaka overpriced at overrated na mga kape.”
“Anu ba ang nabbanggit ng nag interview sa iyo?” Pngungulit ni Jen sa akin.
« Nasa proses opa raw sila ng pag kikilatis sa mga aplikante at tatawagan ako kung naayon ako sa posisyon, » ang sabi ko.

« Ayun naman pala. Nawawalan ka agad ng pag asa. Magtiwala ka din kasi paminsan minsan sa sarili mo Mikah. Maraming tao ang nagtitiwala at humahanga sa kakayahan mo. Hindi ko alam at kung bakit napaka baba ng tingin mo sa sarili mo. Alam ko na hindi ito ang pangarap mong trabaho, aba kung ako din naman ay isang iskolar ng bayan na nagtapos na magna cum laude eh mas maghahangad ako ng mas magandang trabaho kumpara sa pagiging manager sa Starbucks-“
“Wala akong sinasabing napakababa ng trabaho ditto sa Starbuck Jen-“
“Alam ko Mikah pero pansin ko naman na hindi ka Masaya sa trabaho mo. Nagtatiyaga ka lang kasi kailangan mong suportahan ang Nanay mo at ang kapatid mo. Hindi ka makapag apply ng ibang trabaho kasi hindi ka pwedeng mabakante at kailangan mo ang regular na sahod na natatanggap mo kada kinsenas at katapusan.”
“Oo Jen, ayaw ko na rin kasing magtrabaho si nanay. May maliit din naman siyang sari-sari store na nakakatulong sa gastusin naming kahit papaano. Pero hindi sapat para sa pang matrikula ni Ziah sa kolehiyo, » ang sabi ko.
« Sa dinami dami naman kasi ng unibersidad na nakapsa ang kapatid mo iyong pinakamahal pa ang gusto niyang pasukan, » ang sabi ni Jen na may pagka dismaya.
«50% scholar naman siya Jen at di hamak na maganda rin naman ang pagiging isang graduate sa Ateneo. Nais din niyang ipagpatuloy sa Law ang kanyan kurso. Kaya eto naisipan ko nang maghanap ng mas malaking sahod na trabaho. Kung hindi man ako matanggap sa IBM mayroon pa rin naman akonginaantay na iba. Parehas na posisyon rin sa HSBC at San Miguel.”
“Magdasal ka at magtiwala ka sa sarili mo MIkah. O Tapos na ang break ko babalik na ako sa loob. Wag ka na masyadong mag-isip Mikah.
Tumango nalang ako sa kanya at ibinaling ko ang aking tingin sa harap ng computer at bumalik sa mga reports na ginagawa ko.

Hapon na ng matapos ko ang mga reports. Pumunta na ako sa loob ng service area para tingnan ang aking mga tao. Medyo mabagal ang hapon  at kakaunti lang ang mga guests.
Mayroong isang grupo ng kalalakihan na nakaupo sa isang sulok. Mejo maingay ang kwentuhan nila at karamihan sa kanila ay inglisero. Napukaw ng pansin ko ang kasamahan nilang nakatayo. Mamula mulang kayumanggi na may pagka-oliba ang kulay ng kanyang balat, mga labing maputlang rosas, matangos na ilong at buhok na kasing itim ng gabi. Ang mga mata niyang kulay pulot na mapusyaw ay nakakabighani.
“Baka naman matunaw si totoy nyan Mikah ? » Biro ni Robbie sabay hagikhik nila ni Jen.
« Gwapo ano ? » Ang mapanuksong tanong sakin ni Jen.
« Balik na sa trabaho. Ang dudumi talaga ng mga isip nyo, » ang sabi ko.
Nagtatawanan kami ng may boses na pumutol sa amin.
“Hi, i want to order a slice of Oreo Cheesecake and a Grande Green Tea Soy Latte please,” wika ng lalaking kanina ko pa tinititigan.
Napatulala ako at napatitig nalang sa binatang nakangiti sa aking harapan. Namalayan ko na lang na itinutulak ako ni Jen sa gilid at siya na ang kumuha ng order ng binata. Sa aking hiya ay bumalik nalang ako sa loob ng maliit na opisina namin. Closing na ng lumabas ako para tumulong sa paglinis.
Mag aalas dos na ng kami ay matapos. Nasa labas na kami ng establisimento at may kanya kanyang hawak na sigarilyo.
“Mikah nakalimutan kong sabihin sa iyo may nakaiwan pala ng mobile phone. Inilagay ko sa drawer ng desk mo. Ini-lock ko na rin for safety. Malamang bukas babalikan yan ng may ari,” ang sabi ni Robbie.
“O sige mga kapatid mauuna na muna ako sa inyo,” Ang sabi ko sabay pag tayo.

Nakarating ako ng bahay mag aalas tres na ng umaaga. Napansin kong nakabukas ang ilaw sa kwarto ni nanay kaya minabuti kong tunguin upang tingnan kung gising pa siya. Pag pasok ko sa silid ni nanay ay nakita ko siyang naka upo sa kama na nakasandal sa ulunan ng kama na may librong nakapatong sa dibdib. Ang mga mata niya ay nakapikit na. Marahan ang taas baba ng libro sa dibdib niya. Nakatulugan na naman ni inay ang pagbabasa marahil sa pag hihintay sa akin. Inalis ko ang salamin niya at ang libro sa dibdib sabay tapik ng marahan sa balikat niya.
« Nay nakatulugan niyo nanaman ang pagbabasa. Humiga na kayo ng maayos baka sumakit ang likod niyo niyan kinabukasn sa pwesto niyong yan, » ang sabi ko.
« Oh, ‘nak andyan ka na pala. Aba mag aalas tres na pala, » sabi niya.
« Oo nay. Sige na matulog na kayo ulit. Magpapahinga na rin ako.”
“Kumain ka muna may itinira akong sinigang nab angus sa mesa.”
“Nakita ko nay pero busog pa ako. Ipinasok ko na sa ref ipapainit ko nalang pag gising ko.”
“O siya pahinga ka na anak.”
Tumuloy na ako sa aking kwarto at nag tanggal ng damit at tumungo sa banyo upang maghugas ng katawan. Matapos kong maligo ay humiga na ako upang matulog.


Tanghali na ng magising ako. Wala na ang aking kapatid at si nanay ay nagtatao na sa tindahan na nakapwesto sa aming garahe. Sinilip ko si inay nakaupo siya at nagbabasa. Naalala kong kailangan ko palang dumaan ng mall upang magbayad ng mga bills namin. Dali dali akong kumain at nagayos para sa trabaho.
Matapos kong bayaran ang bill namin sa kuryente at telepono ay tumungo na ako sa sakayan sa labas papuntang Katipunan. Alas dos na ng hapon ng makarating ako sa trabaho. Dali dali akong pumunta sa loob ng opisina para mag ayos. Binuksan ko ang drawer para kunin ang aking planner ng Makita ko ang isang Iphone mamahaling klase ng smart phone ito.
“Luke wala pa bang nag claim ng telepono mula kaninang umaga?” Ang tanong ko sa isang staff.
“Wala pa Mikah,” ang sagot ni luke.
“Tawagin niyo ako kung merong mag claim ah.”
“Yes Boss.”

Sinuot ko na ang itim kong apron at lumabas sa service area para samahan si Luke, Jen at Robbie. Mejo maraming tao ngayong hapon at halos hindi kami magkanda ugaga. Nagtatawag ako ng order na tapos na ng lumapit sa akin ang binatang tinititigan ko kahapon. Nawala na ang hiya ko sa sobrang dami ng orders na inaasikaso naming. Napangiti nalang ako sa kanya at bumalik sa pag call out ng mga orders. Hindi parin umalis ang binata na parang naghihintay na ibigay ko ang attensyon ko sa kanya. Matapos kong ma call out ang last ng mga orders ay binaling ko ang pansin ko sa kanya. Naka ngiti parin ang binata.
“Hi, may I help you?” Ang tanong ko.
“Yup,” ang sabi ng binata habang tinitingnan ang aking nameplate, “Mikah yeah? I just wanted to ask if you guys saw a mobile phone here yesterday. I’m not sure where I left it and I’m hoping it was here I did. I mean left my phone here,” ang sabi ng binata.
“Yes somebody left a phone here yesterday afternoon. Would you mind telling me the model and the color of the phone please?” Ang tanong ko upang masigurado nga na sa kanya yung telepono.
“It’s a black Iphone 4 with no case and it has a little scratch near the charger port on the left side,” ang sabi niya.
“Okay, so it’s your Iphone then. If you could please wait for me I’ll just get the phone in my office.”
“Cool, no problem.”
Kinuha ko ang telepono para iabot sa binata.
“You’re a life save you know that? Thank you very much. I thought I won’t be able to get it back. I’m Jakobo[iakobo] by the way,” sabi ni Jakobo.
“You’re welcome Jakobo. Next time keep your phone inside your pocket and before you leave make sure you have everything with you. Save’s you from worrying and losing important things,” ang sabi ko.
Ngumiti si Jakobo tumango at sabay umalis na. Ang sarap pakinggan ng boses niya hind gaanong kalaim ang timbre ngunit parang palaging kumakain ng yelo ang binata sa timbre ng boses.
“Para atang nakangiti ka ngayon Mikah at nag ba-blush pa uy,” ang panunukso sa akin ni Jen.
“Siraulo ka talaga Jen.”
“Talaga? Halata naman na kinikilig ka Mikah. Wag ka na mag kaila,” ang sabi ni Jen.
« Parang kapatid ko na sya Jen ang bata bata pa niya. »
« Eh anu ngayon kung bata pa siya mukha namang nasa legal na edad naman yung mokong eh ? »
“Malay ko at wala akong paki alam bumalik na tayo sa trabaho. Ayan marami nanaman ang guests na parating.”
“Talaga lang Mikah? Hindi naman masamang magka crush ah? Ilang taon ka nang bitter sa ex mo dib a time na para mag move on ka?” Ang panunuya sa akin ni Jen.
Hindi na ako umimik at bumalik nalanmg sa paggawa ng drinks nang nag call out ng orders si Robbie at Luke sa counter.

Madalas ko ng namamataan si Jakobo tuwing hapon sa store. Palagi niyang kasama ang mga kabarkada niya. Mukhang galling sa mayayamang pamilya ang grupo nila. May mga pagkakataong may mga kasama silang kababaihan na marahil ay mga kasintahan ng iba sa kanila. Madalas din na napapansin ko na napapatitig ako sa kanya na marahil ay napapansin din niya dahil sa mga pagkakataon na napapabaling ang tingin niya sa akin at nangingiti nalang. Hindi ko mawari kung bakit ako nahuhumaling sa batang ito. Bente sais na ako at malamang nasa edad na disisais hangang bente palang siya. Hindi naman ako nagkakagusto madalas sa mas bata sa akin pero iba ang dating ni Jakobo. May ere ng confidence kung baga ang binata at kadalasan parang palagay na palagay ang loob nito sa kanyang sarili. Taliwas sa mga kabarkada niya si Jakobo ay may pagkatahimik maliban sa mangilan-ngilan na paglakas ng boses at sa paghalakhak hindi masyadong madaldal ang binata. Paglipas ng mga araw lalo akong humnga sa angking kagwapuhan ng binata. Kuntento na ako sa paghanga ko sa malayo at hindi ko na inaasahan na mapapansin at kakausapin ako ng binata ng dumating ang pagkakataong hindi ko inaasahan.

Nasa labas ako at naninigarlyo hawak ang aking thermos ng may lumabas sa pinto at nagsindi ng sigarilyo. Napatingin ako sa taong lumabas at napansin ko ang pamilyar na mukha na naka ngiti sakin. Lumapit ang binata at umupo sa aking harapan.
“Hey Mikah? Do you mind if I sit here?” Ang tanong ni Jakobo.
“Hindi naman, you can sit there as long as you want.”
“Cool. Your green eyes stand out among the locals you know that?”
Nagulat ako sa sinabi ng binata hindi ko na kasi pansin na kakaiba ang kulay ng mata ko kumpara sa mga regular na nakakasalamuha kong tao. Ang kulay ng mata ko ay kulay berde na may halong pulot sa gilid tulad ng sa aking kapatid. Namana naming ito sa aming ama na kastila. Kami ay pangalawang pamilya ng aking ama. Sa makatuwid ang nanay ko ay kabit lang. Ng maipanganak ng aking ina ang aking kapatid ay ang panahon na bumalik an gaming ama sa Espanya at simula noon ay naputol na ang komunikasyon nila. Nagawa ng aking ina na itaguyod kaming magkakapatid. Nagsumikap ako na makatapos kaagad upang makatulong sa kanya at maibigyan sila ng magandang buhay. Ngunit mapaglaro nga naman ang tadhana. Ang inaasahan kong high paying job ay nauwi saw ala at na stuck ako bilang regional manager ditto sa Starbucks. Napukaw nalang ako sa pagiisip ng marinig kong tinatawag NI Jakobo ang aking pangalan.
“You seem distracted man? Are you okay? Did I offend you?” Ang tanong ng binata.
“No, nag iisip lang. My dad’s Spanish. Me and my sister got our eyes from him, both of us have the same green eyes.” Ang sabi ko.
“Oh, so that explains it. I think you have the prettiest eyes,” ang sabi ng nakangiting Jakobo.
“I… uh thank you. Are you coming onto me?” Ang pabulalas na sabi ko.
Napatawa ang binata at tumingin sa malayo.
«What ? You think I didn’t notice you looking at me most of the time do you? I notice things you know? How you look at me.”
“Wow Aren’t we too confident of ourselvers?” ang sabi ko na nanunuya.
Tumawa lang ang binata at tumingin sa akin. Nais ko sanang makipagtitigan upang patunayan na nagkakamali sa assumption ang binata ngunit ang mga mata nito ay waring hinuhubaran ang buo kong pagkatao at binabasa ang tootong ako. Binaling ko ang aking tingin.
“Are you gay Mikah?” Ang tanong ni Jakobo.
Napatulala ako.
“Isn’t that rude to ask someone you just met?”
“Technically I’ve known you for a couple of weeks now although this is the first time we’re having a long conversation.”
“Point for you but you don’t know me that much and asking such a personal question is just rude.”
“But you never denied nor confirmed it yet?”
“I… what is it to you if Iam?” Ang sabi ko na nagmamatigas. Unti unting naiirita ako sa binata. Sino ba sa tingin niya kung sino siya para magtanong ng mga personal na bagay.
“Maybe because I am too and I like the way you look at me?”
Napatingin ako sa kanya. Ikinagulat ko ang kanyang rebelasyon. Nakatitig lang sa akin si Jakobo. Kinuha nya ang aking kamay sabay kuha sa isang panulat sa kanyang bulsa. Nakatitig lang ako sa kanya. Nagulat nalang ako ng maramdaman ko may isinusulat siya sa aking pala; mga numero.
“Call me, or text me will you?” Ang sabi ng binata. Tumayo si Jakobo at bumalik sa loob. Wala na akong nasabi kung hindi sundan siya ng tingin.
-Itutuloy-

26 comments:

  1. sa totoo lang, mayabang ung writer nito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. And your point is?? I'm not the author but i'm not just sure where are you coming from? Bakit naman siya naging mayabang? That's his story and i guess it's just but right that he'd write it the way he wanted to...

      Delete
    2. May masabi lang? There are times when we do not need to say anything. Just enjoy the story for what it has to offer. Ang hirap sa ating mga Pilipino, kung makapintas, parang napakagaling sa lahat ng bagay.

      Delete
  2. Its a great story. And gusto ko yung maiba naman puro na lng kasi may pleasure sa umpisa yung ibang mga story dito. The storyline of the author makes it more exciting. Good job. Keep it up.

    ReplyDelete
  3. Manager ba toh ng starbucks? Wrong grammar naman eh

    ReplyDelete
    Replies
    1. And your point is? Why don't you show us your brand of writing? You don't even know how to pus appropriate punctuation marks at the end of your sentence! Duh!

      Delete
  4. Masyadong bata ang 26 para maging manager ng SB for 6years. The authot didn't claim naman na true story e, I dont think nagyayabang siya

    ReplyDelete
  5. I did not find any wrong grammar in the story.., I think the writer just want to express himself the way he wanted it to.

    ReplyDelete
  6. Oops i didn't mean anyharm. The story is just pure fiction... I was not able to proof read and correct any grammatical errors when i submitted the story. All the characters are figment of my imagination... I would really appreciate to hear constractive critisms. I submitted another story which is in english so i hope you guys get to read it... Mejo mahirap kasi magsulat ng taglish. Hindi rin kasi madalai magsulat sa tagalog kaya paumanhin po sa lahat. Read it for entertainment...

    ReplyDelete
  7. Constructive i mean...

    ReplyDelete
  8. It's a cool story. Ang I agree na overpriced and overrated ang starbucks. Haha. Lol. Anyone who plays dota here? :))

    -tomas

    ReplyDelete
  9. Do people think that pag store manager sila, they can easily enter an HR Manager position in a multinational company? Just asking

    ReplyDelete
    Replies
    1. managerial position pa rin ... it doesn't hurt to try ... yabang neto.

      Delete
  10. You're a life save you know that?

    ReplyDelete
  11. Thanks dear author for entertaining us. My apology for some readers who enjoyed reading your work but dared to criticize you. How ungrateful!

    ReplyDelete
    Replies
    1. true daming gago dito .. lalo na yung unang comment.

      Delete
  12. Mukang maganda at mag eenjoy ako dito ahh..
    Sugestko lng kay author..

    Wag sana maging oa sa pagka fiction
    na convincing padin pag binasa
    (Nakakawala kase ss mood pag OA)

    Tnx

    -bimbs

    ReplyDelete
  13. I don't understand these folks! Mga ateh, Hindi Ito Pulitzer Prize, who cares kung may typo or may grammatical mistakes. Kayo kaya ang magsulat

    ReplyDelete
  14. Actually, i like it.

    ReplyDelete
  15. Walang masama sa story... Maganda pagkakalahad... Maayos ang daloy... Keep it up author... Looking forward sa next chapter...

    ReplyDelete
  16. Mapagpanggap kasi ang pamamaraan ng pagsuisulat niya. Trying to become a poet with details on nuances. Pang Palanca Awards ba ito? Imagine mo sa pagkahaba habang salaysay wa pang nangyayari. Alalahanin mo kung san mo pinadala ang kuwento..
    Sa KUWENTONG MALIBOG at si sa CCP short story writing.......
    Chris

    ReplyDelete
  17. im not saying that the story is good.i honestly prefer rough,no-emotion,wild abandon sex stories.but to each his own
    if you don't like the story,you just have to flip somewhere else.you need not say anything bad about the author.why the hell do you enjoy bashing so much.the moderator has the last say on what to publish
    the fact that it was posted means it has a potential market.i know some stupid guy out there will say that what they are doing ia freedom of speech,but you know that its nothing more than bashing at the benefit of anonimity.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I agree. Basta saken, the story was good enough and im waiting for the next chapter... s iba jan n ayaw s storyang to titigan nyo nlng yung picture sa taas. Yummy much right? Ano ba name nya?

      Delete
  18. Nice story. Im imagining tuloy na Sbucks sa UP-Ayala Technohub yun. Hehe. Nagwork kc ako sa isa sa company na namention nya until nalipat ako sa Alabang site. Keep it up!

    ReplyDelete
  19. I admire the author for accepting criticism. His work was good! In writing what important is the flow of the story! The chronologicality of it. As a reader I was impress the way the author pull it up. As a critic the last thing I would check.would be the grammar and in relation to it grammar wont do any good in the story if the.story doesn't have anything.to.offer and to you who commented first I know it is your.right and freedom to.have your.opinion but make sure.nexttime practice it with justifiction

    -jjj

    ReplyDelete

Read More Like This