Pages

Sunday, May 26, 2013

Ang Huling El Bimbo (Part 1)

By: Kuya Jigz

Hi guys this is once again kuya jigz and this is my latest story after Dustin’s Promise na lumabas last January.  Title inspired by the Eraserhead’s Ang Huling El Bimbo. This is a fictional story intended to the readers of this site. Take your time while reading and feel every beat of the music. Enjoy!

Pagkalabas ko sa arrival hall ng NAIA, agad akong tumawag ng taxi para makauwi na at makapagpahinga.
"saan tayo sir?" tanong ng driver. Sinabi ko ang address at nagsimula ng tumakbo ang taxi.
It's been 6 years since iniwan ko ang Pinas to take a life changing opportunity. Hindi naman ako nabigo dahil lahat ng paghihirap at sakripisyo ko may napatunguhan. Mataas na ang aking position sa kompanyang pinapasukan ko at halos lahat ng pinangarap ko noong bata pa lang ako ay nakamit ko na.

Ang laki na ng pinagbago ng Pilipinas. Yan ang naisip ko habang binabaybay ang daan pauwi sa amin. Masmarami ng sasakyan, mas mausok at mas mainit. Tinitignan ko ang mga batang naglalaro sa langsangan habang sinimulan ni manong driver patugtugin ang radyo. Napatigil ako. Tila hindi ako makagalaw sa naririnig ko. First beat palang alam ko na yung kanta, kantang naglalaman ng napakaraming ala ala. Mga ala alang akala ko matagal ko ng nalimutan.

*Kamukha mo si... Paraluman, no'ng tayo ay bata pa.
At ang galing galing mong sumayaw, mapaBoogie man o Chacha...
Sinong magaakala na dahil lang sa isang kanta, babalik ang mga bagay na pilit mo ng ibinaon sa limot. Mga bagay na ayaw mo na sanang balikan dahil sa sakit na idinulot nito sayo.

My name is Leandro R. da Cruz Jr pero El ang tawag nila sakin simply because ayoko ng tinatawag na Leandro.  Third year college ako noon, 19 years old and part ng isang school organization. Doon ko nakikila si Renz. Renz is a freshman applying to be a member of our org. Una ko pa lang siyang nakita, may something na na hindi ko maexplain. Yung feeling na parang gusto ko siya laging nakikita. I don't really know but maybe its because of his charming eyes and the way he gives light to the room everytime he smiles. Fortunately, isa si Renz sa mga natanggap among the freshmen applicants. Naexcite ako for unknown reason. Never ko pa to nafeel, parang gusto ko siya maging kaibigan.

Weeks passed and medyo nawalan ako ng pagasa maging kaibigan si Renz. Wala kaming free time together kaya hindi kami nagaabot sa office. Minsan naman pag may meetings, hindi ko siya makausap kasi hind ko naman alam sasabihin ko. And sometimes feel ko iniiwasan niya rin ako kasi parang nahuli niya akong nakatingin sa kanya. 'All hope is lost' ang naisip ko. 'Siguro hindi kami meant maging friends, oh well.'

One day, absent yung prof ko sa first two subjects kaya I decided na tumambay nalang muna sa office para magpalamig. Walang tao sa office pagdating ko. Then may nakita akong gitara sa isa sa mga table. Kinuha ko yun at nagsimulang magpatugtgug. Maya maya pa may pumasok sa office. Si Renz. So I stopped playing kasi ayoko may nakakarinig sakin kumanta. Ibinaba ko yung guitar at nginitian si Renz habang papasok siya sa office.
"Wala kang class?" Sa totoo lang, kinakabahan ako habang nagtanong. Ito ang pinakauna naming conversation.
"wala po, nagdismiss agad. Mamaya ulit" sagot ni Renz na may ngiti.
whew. Nakausap ko rin siya.
"tumutugtog ka pala ng gitara kuya"
"Medyo. ikaw?"
"Hindi nga eh. Pwede ba magpaturo?"
"huh? ah.. oo naman!" weird, pero parang ang saya ko na gusto magpaturo sakin ni Renz
"sorry nalang kung hindi ako magaling magturo" biro ko.

"Ganito yan oh" una kong tinuro sakanya ang mga basic chords. G, C, D and others. Pinakita ko muna kung paano yung placement ng bawat daliri sa respective strings nito. Pagkatapos ko ipakita, ibibigay ko sakanya ang gitara at ipapagaya. Hindi ganon kadali pagaralan ang gitara lalo na kung nagsisimula ka pa lang kaya napipilitan ako na lumapit at personal na alalayan ang pagpwesto ng bawat daliri sa string. Mas madali ko itong nagagawa kapag pumepwesto ako sa bandang likoran niya, siya nakaupo, ako naman nakatayo habang pilit na inaayos ang kanyang mga kamay.
"okay nakuha mo na. Medyo nalilito ka pa. Konting practice nalang" sabi ko kay Renz na tanging ngiti lang ang sinukli.
"Pinakamadaling ipractice ang huling el bimbo. Eto ipapakita ko sayo" sabi ko habang kinuha ang gitara mula sakanya. Sinimulan kong magpatugtug "G.... A7.... C.... G. tapos ulitin mo lang. yan ang intro. Oh ikaw naman" Inabot ko sakanya ang gitara, kinuha niya ito at sinubukan tugtugin ang intro ng kanta. Palagi siyang nagkakamali, nahihirapan sa pag strum at nalilito sa pag change ng chords.
"Ang hirap kuya El" reklamo ni Renz
"Ganyan talaga sa una Renz, masasanay ka rin"
Hindi ko siya tinigilan until makuha niya ang intro, hindi din naman ako nahirapan dahil determinado siya matuto.

Dalawang oras na rin ang nakakalipas ng simulan kong turuan ko si Renz.
"Yan nakuha mo na hanggang first verse!"
"OO nga po. magaling ka naman magturo eh!" pambibiro niya sakin
"Naku po, malapit na pala magsimula next class ko, uuna na po ako sainyo"
"bakit mo pala gustong matutunan mag gitara?" tanong ko sakanya habang siya ay nagaayos ng gamit
"Para matugtugan ko naman girlfriend ko. hehe. sige po kuya El salamat, next time ulit!" sabi niya bago tuluyang umalis ng office.

Naging close kami ni Renz ever since tinuruan ko siya mag gitara. May mga times na tatambay kami sa office, sabay kakain and sabay uuwi. Wala kaming vacant time together pero ginagawan namin ng paraan. Parang magkapatid ang turingan namin sa isa't isa. Yes, kapatid. Nothing more. Normally kasi pag ako nagkacrush, sa una lang, then eventually pag masnakilala ko na siya, mawawala na yun. Besides, alam ko rin namang hindi pwede dahil pareho kaming lalaki. Siguro attraction lang talaga yung dati. Right now, we're good friends and masaya na ako doon. As time passed, maslalo kaming nagkakilala ni Renz. May girlfriend siya, almost 2 years na sila and alam kong mahal na mahal niya yun. Only child siya and galing sa broken family. He's living with his dad and may ibang asawa na ang mom niya. Ever since magkahiwalay ang parents niya mga 4 years ago, naging cold na ang pagtrato ng dad niya sakanya. Yung parang dalawa nga sila sa isang bubong pero pakiramdam niya nagiisa lang siya.

After ng Finals week namin, finally sem break na. Ininvite ko si Renz sa bahay ko since wala naman masyadong tao dun. Umakyat kami sa kwarto ko, nakita agad ni Renz ang gitara ko na nasa tabi ng cabinet. Kinuha niya ito at nagsimulang magpatugtug.

"Kamukha mo si Paraluman
No'ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Chacha

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo”

Wala akong magawa kung hindi ang ngumiti habang pinapanuod siyang kumunta at magpatugtug. Hindi ko inakala na makakapagturo ako ng ganito kasi hindi ito madali. Dahil na rin sa kagustuhan ni Renz na matutuo kaya hindi ako gaanong nahirapan. May mga times noong tinuturuan ko siya palagi siyang nagkakamali to the point na magagalit siya sa gitara na parang gusto na niya itong ihampas sa sahig. Tuwing ganon ang magiging ugali niya,wala akong magawa kundi tumawa ng malakas. 'o bakit ka tumatawa!' ang sasabihin niya sakin. Ngayon nakuha na niya, marunong na siya.

"Oh ayan marunong ka na. Matutugtugan mo na girlfriend mo" Pangaasar ko sa kanya
"Hindi pa rin kuya El, wala pa akong gitara eh, pinagiipunan ko pa" sagot ni Renz
"at medyo hindi ako pinapansin ni Hellen ngayon eh, nagtatampo ata" pagpapatuloy pa niya.
"lagot ka! haha. mamamansin din yun, ikaw pa, di ka matitiis nun for sure"
"sana nga kuya El"

 Malapit na ang birthday ni Renz, and since siya ang pinaka baby ng org namin, naghanda kami ng mini surprise. May konting food, drinks and cake. Nung day na yun, napagusapan na wala muna maggreet kay Renz para kunwari nakalimutan namin. Before pa matapos ang last class niya, tinext ko siya na dumaan muna ng office kasi may ipapagawa ako sakanya. Maayos ang naging plano, at nung dismissal time na niya, patay lahat ng ilaw. The usual surprise, pagkabukas niya ng ilaw, sumigaw kami lahat ng HAPPY BIRTHDAY! Nagulat siya, halatang hindi niya iyon ineexpect. Nung magsink in sakanya ang ginawa naming, wala na siyang sinabi kundi salamat.
"Akala ko nakalimutan niyo na lahat eh"
"Makakalimutan ba namin ang baby namin?Hahaha!"sabi ni Sarah, ka org namin.
"But wait there's more!"singit ko sa usapan nila
Kinuha ko ang regalo ko kay Renz na nakatago sa bandang likod ng office. Nung nakita niyo to, hindi siya makapaniwala.
"Oh. Happy Birthday Renz. iingatan mo yan ah" Sabi ko habang iniabot ang regalo kong gitara sakanya.
Todo ngiti lang si Renz na parang hindi pa rin makapaniwala "Salamat Kuya El! maraming maraming salamat!"
"naman, ikaw pa! kapatid yata tayo. hahaha"
"Ang cheesy naman! o tara na, kain na tayo" sabi Gerard, ka org rin namin.

Natapos ang araw and as usual, sabay kami pauwi ni Renz since pareho kaming pa south while yung iba naman, other directions.
"Happy birthday ulit Renz. Enjoy the rest of the day" sabi ko sakanya bago kami maghiwalay
"Salamat talaga kuya El, ang swerte ko sayo. Sarap ng feeling na parang may kapatid"
"Ikaw pa. Lakas mo kaya sakin" ginulo ko ang buhok niya, nagngitian kami at tuloyan ng naghiwalay.

Naging normal ang mga nagdaang araw. Assignments, research, aral para sa mga quiz at org meetings. Minsan, sa sobrang pagod dahil sa dami ng ginagawa, di ko naiwasan makatulog sa org office habang vacant period ko. Nakita ko ang sarili ko. Naglalakad sa may tabing dagat may kasama akong lalaki, masbata sakin at kung hindi ako nagkakamali, magkaholding hands kami. Panay ang kwentuhan namin at tawanan. Pakiramdam ko ang saya saya ko, parang kompleto na ako. Pero sino ba 'tong kasama ko? Bumitaw ang batang lalaki sa pagkakahawak sakin, humarap siya pero parang ang labo, hindi ko makita ng maayos.
"Habulin mo ako!" sigaw niya habang nagsimulang tumakbo papalayo. Hinabol ko siya. Pamilyar ang boses niya.
Binilisan ko ang pagtakbo, nahuli ko siya at pareho kaming bumagsak at nagpagulong gulong sa buhangin.
"hahaha! ang bagal mo Renz"
"hindi nagpahuli lang talaga ako"
"kunwari ka pa! mabagal ka talaga!"
Masaya kami. Ramdam na ramdam ko yun. Bumangon kami pareho, nagtatawanan pa rin habang pinapagpag ang mga buhangin na dumikit samin. Hindi ko alam kung bakit pero pagkatapos nun, niyakap ko si Renz. Hindi niya naman ako pinigilan. Pagkatapos nun ay sumandal siya sa balikat ko at pinanuod namin ang paglubog ng araw. Tapos nagising ako. Magisa pa rin ak sa office, bakit ganun ang panaginip ko? Bakit ganun kami ni Renz? Hindi ko maintindihan, lalo na yung nararamdaman ko ngayon.

Lumipas ang ilang oras, araw, linggo, si Renz palagi laman ng utak ko. Tuwing magkakasama kami, masaya ako. Tuwing nagkakatitigan kami, feeling ko matutunaw ako at minsan pag kaming dalawa lang at naglalakad, parang gusto kong hawakan ang kamay niya kagaya dun sa panaginip ko. Mahal ko na ata si Renz. Pero bakit. Sa taong pang alam kong hindi pwede.

"bakit naman hindi pwede?" tanong ni Yanna, bestfriend ko
"pareho kaming lalaki at may girlfriend na si Renz. Di ko talaga alam kung bakit ganito Yanna" Malungkot kong sagot sakanya
"Alam mo El, wala pinipili ang love. Kahit sino pwedeng tamaan ni Cupid. Ang mahalaga, masaya ka sa taong yun"
"Ang hirap Yanna"
"Kaya mo yan El, alam kong alam mo kung ano dapat gawin" Niyakap niya ako at nagpaalam na. "Una na ako El ah, may klase pa ako."
Umalis ako sa cafeteria at dumercho sa office. Pagdating ko dun, andun si Renz nagiisa. Napansin ko agad ang mapupula niyang mata.
"Uy Renz, ano nangyari sayo? Ayos ka lang?"
"Okay lang ako kuya, sige po una na ako" sabi ni Renz ng nakatungo, halatang nagmamadali paalis.
The next few days naging malungkutin si Renz, altho kapag kasama niya kami, lagi siyang ngumingiti, alam ko na fake smile niya lang yun. Alam ko na may tinatago siya. Alam kong hindi siya okay.

One time nung sabay kami ulit pauwi, dun sa place kung saan kami normally naghihiwalay,
"Sige kuya El, una na ako, ingat"
"Hindi muna, samahan na kita pauwi"
Tumanggi si Renz pero mapilit ako. Besides, wala namang ibang tao sa kanila kaya pumayag na rin siya. Pagkadating namin sa kanila, agad ko siyang tinanong
"Renz, may problema ba?"
"Huh? Wala naman kuya. Bakit?"
Umupo siya sa may salas, tumabi ako sakanya
"Alam mo namang nandito lang ako palagi. Ready to listen. Kapatid tayo diba?"
Hindi umimik si Renz. Dito ko napansin na medyo naluluha na siya.
"wala na kami ng girlfriend ko, nakipagbreak na siya sakin last week" naiiyak na sabi ni Renz
"yun lang naman pala eh. Akala ko naman kung anong seryoso"
"Kuya naman, alam mo namang mahal na mahal ko si Hellen"
"Eh bakit daw ba siya nakipagbreak?"
"long distance, palaging busy, hindi na daw niya ako mahal" dito tuluyan bumuhos ang luha ni Renz.
Niyakap ko siya ng marahan. Pilit na kinocomfort.
"tahan na Renz. Darating din yung tamang taong magmamahal sayo"
"Ginawa ko naman lahat. Nangako kami na walang iwanan. Bakit ganun kuya? Di ko maintindihan"
"Bata pa tayo Renz, marami pa tayong pagdadaanan sa buhay"
"Pakiramdam ko nga wala ng nagmamahal sakin" Tuloy pa rin siya sa pagiyak
"Wag mo nga sasabihin na walang nagmamahal sayo... naiinsulto ako" Nagulat din ako sa sinabi ko, pero nung pagkasabi ko nito, tumingin sakin si Renz. Pinunasan ko ang mga luha niya gamit ang kamay ko. Niyakap niya ako at parang natawa.
"May kuya pa nga pala ako dito" Napangiti ako sa sinabi niya.
"Oh sige, iiyak mo yan ngayon pero dapat bukas wala na ah" pinahid niya ang mukha niya sa shirt ko sa may bandang dibdib.
"eto naman, namunas pa" natawa si Renz, nag sorry at bumitaw sa yakap.
"Salamat kuya ah. Akala ko wala na akong masasabihan"

Days passed and bumalik sa normal ang lahat. Kapag nakikita kong medyo malungkot si Renz, ichicheer up ko agad siya. Pag wala kaming class, tatambay kaming dalawa sa office or any place sa school kung saan tahimik tapos magpapatugtug kami ng gitara. Magaling na siya ngayon, minsan nga ako pa nagpapaturo kapag nalilito ako. Marami na rin siyang kantang natutugtog at sinasabayan ko siya pag kaya ko. Mas lalo pa kaming naging close ni Renz, mas lalo pa akong nahuhulog sa kanya.

"sir. sir? andito na po tayo" sabi ng taxi driver
Nagulat ako. Kanina pa yata ako tinatawag ng driver. Nakarating na pala kami sa address na binigay ko, sa bahay kung saan ako lumaki. Nagbayad ako, bumaba ng taxi at pumasok na sa bahay. Tahimik sa bahay, sila lolo't lola nalang kasi ang nakatira dito kasama ang dalawang katulong, yung kapatid ko naman ay may sarili nang pamilya. Samantalang sila Mama ay nasa Canada. Umuwi lang ako ngayon para makapagbakasyon ng dalawang linggo. Anim na taon na rin akong nagttrabaho, kaya napagdesisyunan ko na umuwi ng Pinas para makapagrelax.
"Oh Leandro dumating ka na pala. Kamusta ang biyahe mo? Gutom ka na ba? Gusto mo magpahiga muna?" ang pagsalubong sakin ni lola
"Ayos lang po la. kayo po kamusta na po kayo ni lolo?" Nag mano ako, nakipagkwentuhan ng konti tapos nagpaalam na magpapahinga lang.
Pagkaakyat ko sa kwarto, binaba ko mga gamit ko. Halos walang pinagbago. Kagaya ng hiniling ko bago ako umalis ng Pilipinas. Nandoon pa rin yung mga gamit na iniwan ko, yung mga letrato sa lamesa, yung ayos ng kama, cabinet at study table, hindi nagbago. Humiga ako sandali sa kama para mawala yung pagod na nararamdaman ko ng mapatingin ako sa lamesa na may mga letrato ko nung bata pa ako. Kumuha ng atensyon ko yung maliit na larawan na kasama ko si Renz. Kuha ito sa seminar na pareho naming dinaluhan nung magkasama pa kami sa org. Seminar na hindi ko makakalimutan. 'Asan ka na kaya ngayon, Renz.' ang natanong ko sa sarili ko.

"Oh. may seminar daw sa Tagaytay, kailangan ng dalawang reprsentative org natin. Hindi ako pwede kasi summer yan, aalis kami. Sino pwede?"
sabi ni Benj, president namin.
"Hindi rin ako pwede aalis kami" "Ako din po" sabi nila Sarah at Jude.
"Oh sige ako nalang. Wala din naman yata akong gagawin eh" sabi ko sakanila.
"Great! oh ayan, isa na lang" sabi ni kuya Benj
Wala ng sumagot nung biglang pumasok si Renz galing sa klase niya.
"Renz pwede ka April 5-7. Seminar sa Tagaytay? Kasama mo si El" agad na tanong sakanya ni kuya Benj.
Nagisip pa si Renz "ahh.. sige po pwede ako"
"Oh okay na ah. Isusubmit ko na pangalan niyo"

Summer bago ako mag fourth year yung seminar na inattendan namin ni Renz. Kung tutuusin ang swerte namin kasi maganda ang accommodation. Masasarap ang pagkain, maganda yung venue, malamig tapos solo pa namin ni Renz ang isang hotel room na may dalawang single beds. Unang araw, may talk agad. Marami din kaming nakikila from different orgs ng iba't ibang school. May mga nakakasabay kaming kumain, and mga nakakatabi sa sanctuary rooms. Mababait naman sila at masarap kakwentuhan. Mukhang mageenjoy kami dito ah. Pagdating ng hapon nagkaroon kami ng team building. Yung organizers ang mamimili ng grupo kaya pinaghiwahiwalay nila yung mga magkakasama at magkakilala. Napunta ako sa Red Team habang si Renz naman ay sa Blue team. Naging magkalaban kami kasama ang dalawa pang teams. Ang ginawa namin noong una ay parang Treasure hunting. Tapos nun ay itinali ang buong team except sa isa. Yung isang yun ang ang mamimili ng isang susi sa bowl na naglalaman ng maraming susi para maiunlock at makawala sa pagkakatali ang kaniyang team. Ang bowl ay nakalagay malayo sa kung saan nakatali ang team kaya kailangan maging maingat sa pagpili dahil pag nagkamali, malayo ang tatakbuhin. Unfortunately, ako ang swerteng napili para kumuha ng susi. Ganun din si Renz. "Matatalo kayo!" ang pangaasar ko tuwing magkakasalubong kami para kumuha ng susi. "Asa ka! hahaha" Nakailang balik din ako bago ko finally narinig ang 'click' ng padlock. "Finally, we're free! Thanks El" ang sabi ng mga kateam ko. Since kami ang pinakaunang team na natapos, kami unang makakapagpahinga. Nagkakwentuhan kami at mas lalo ko silang nakilala. Sila Jem at Ian ang laging nagpapatawa, tahimik naman sila Jade, Rhianne and Peter. Samantalang nakikiride lang kami nila Mike and Gio. Si Mike ay madalang gitara. Kaya nung medyo nabore na kami, nilabas niya ito at nag music jamming ang team. Natapos na din ang ibang team kaya tinawag na kami nung mga organizers at sinabing sa last day na sasabihin kung sino ang mga nanalo.

Pagkatapos nung dinner ay nagkasama kami ulit ni Renz.Nandun kami sa may pool area nagkkwentuhan. Napagusapan namin ang sarili naming team tapos kung gano kasaya yung ginawa kanina. Inasar ko rin siya dahil nauna kong nahanap ang susi ng team ko kaysa sa kanya. Maya maya pa ay nagyaya na siyang bumalik sa room. Hindi naman ako tumanggi dahil ako rin pagod na.

"Tara laro tayo truth or dare" sabi ni Renz.
Kinabahan ako. Hindi ko alam kung bakit. Baka mapaamin ako? Wag naman sana.
"Ayoko" sagot ko sakanya
"Andaya! bakit naman?"
"Eh.. dalawa lang tayo oh. baliw ka ba? haha"
"so? boring eh. dali na kuya El. pleeeaaasseee?" sabi niya sabay titg sakin
what the ef! sino ba namang makakahindi kapag tinitigan ka ng taong mahal mo?
"o sige na nga. ang kulit mo eh"
"yes!! oh, truth or dare?" pasimula ni Renz
Nung una halos puro dare pero medyo nakakapagod na tumayo at sumayaw o tumakbo o lumabas ng room kaya nagsunod sunod na truth na ang sumunod.
"truth" sagot ni Renz
"don't you feel lonely?" tanong ko sakanya
"Oo, honestly. Pero andiyan naman kayong mga kaibigan ko eh. Kahit Pakiramdam ko magisa lang ako sa bahay, sa school naman malaki ang family ko"
ngumiti si Renz "truth or dare?"
"truth nalang" sagot ko
"bakit ka naghesitate sumali kanina?"
napatigil ako. Truth ang pinili ko. Dapat totoo ang sagot ko. Bahala na.
"eh... kasi nga diba dalawa lang tayo? tingnan mo medyo boring"
"hindi kaya. o truth." ang pangunguna sakin ni Renz.
Inisip ko pang mabubuti kung itutuloy ko pa ang pagtanong. Kinakabahan na ako.
"Renz, ano gagawin mo pag may nainlove sayo na lalaki.. tapos close pa kayo?" ang lakas ng tibok ng puso ko. Parang gusto kong bawiin yung tanong
Tumingin siya sakin na parang nagtataka, hindi makasagot. Mas lalo akong kinabahan.
"bakit kuya El in love ka ba sakin?" seryosong tanong ni Renz.
Tumawa pa ako nung una para hindi mahalata pero nakitang kong seryoso siya. Eto na siguro ang pagkakataon para sabihin ko ang totoo. Tumingin lang ako sa baba. "OO renz. sorry" A moment of silence. Parang tumigil ang pag ikot ng mundo. Tapos naramdaman ko siyang tumayo, naglakad papalayo sakin. Tumngin ako sakanya "san ka?" hindi siya sumagot. Humiga lang siya sa kama, nagbalot ng kumot tapos pinatay ang lampshade sa tabi ng kama niya.

Shit naman! ano ba 'tong nagawa ko. Naluluha ako, hindi ako tanggap ni Renz. Lumabas ako sa kwarto, tumambay sa may pool area. Wala ng masyadong tao dun. Umupo ako sa tabi ng pool, yung paa ko nakalubog sa tubig. Di ko maiwasan maluha, buti nalang madilim at halos wala ng tao. Biglang may tumabi sakin. Si Mike, isa sa mga ka team ko.
"nag away kayo?"sabi niya
"huh?"
"yung boyfriend mo, nagaway ba kayo?"
Hindi ko siya magets. Bakit ganito ang tanong niya? "sino ba kausap mo?" tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya "Yung kasama mong si Renz. Hindi ba kayo?"
"hindi noh. ano ka ba. Parang kapatid ko na yun eh"
"Pero mahal mo siya."
Nagulat ako sa sinabi niya. Tinignan ko lang siya ng puno ng pagtataka, iniisip kung bakit alam niya?
"Ayos lang yan bro. Nahalata ko naman eh, ang sweet niyo kaya tignan"
Hindi lang ako sumagot.
"Bagay nga kayo eh" dagdag pa ni Mike
Napangiti ako "talaga?" tanong ko sakanya. "okay lang sayo yung same sex?"
"oo naman, may experience na rin ako diyan. Kaya alam ko na yung mga ganyan" sagot ni Mike.
"so.. nagaway nga kayo?"
Huminga muna ako bago nagsalita "Ngayon lang kasi ako umamin. Kanina lang. Tapos ayun, hindi na ako pinansin"
Napa isip muna si Mike "Baka naman nagulat lang"
"Ewan. Pakiramdam ko hindi niya ako tanggap"
"Mukha namang malaki na ang napagsamahan niyo eh, malay mo bukas mamansin na."
"sana nga" sagot ko
"Wag ka na malungkot. Alam mo sa nakita ko, parang mahal ka rin niya. Masaya siya tuwing magkasama kayo eh"
Tumingin lang ako sakanya at ngumiti. "stalker ka rin noh?" pabiro kong sabi sakanya.
"Hahaha. bahala ka diyan. sige uuna nako"
Nagpasalamat ako sakanya bago pa siya tuluyang umalis.


Bumalik ako sa kwarto, tulog na si Renz. Naisip ko yung sinabi ni Mike, sana nga mamansin na siya bukas. Kinabukasan pagkagisng ko, wala na si Renz sa kama niya. Narinig ko ang pagbuhos ng tubig sa CR. Nasa CR lang pala. Pagkatapos niya ay agad na rin akong pumunta dun para maligo. Nung magkasalubong kami, halatang iniwasan niya ako. Ni hindi nga ako tiningnan. Nauna siya nung lunch time, sumabay siya sa mga kateam niya. Ako naman malungkot kahit na kasabay ko rin mga kateam ko. Biglang may nagsalita at tumabi sa kin. "Nakatingin siya sayo kanina. Wag ka mawawalan ng pagasa" sabi ni Mike
"Ewan ko Mike. Bahala na" sagot ko sakanya.
Nag gabi nalang wala pa ring nagbago. Hindi pa rin siya namamansin. Kasama ko si Mike after dinner, while hindi ko alam kung nasaan si Renz.
"Ano ang plano mo El?" tanong ni Mike.
Umiling lang ako. "Ayoko sana umalis dito ng hindi kami nagkaka ayos"
"Alam mo feeling ko alam mo ang dapat gawin. Pero hindi mo nafifigure out"
"Alam mo pag tama ka, magtataka na talaga ako. Psychic ka ata eh" at nagtawanan kami.
Nagkwentuhan pa kami ng kaunti bago ako nagpaalam sakanya, sabi ko iisipin ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Mga halos 10 na yun ng gabi, habang naglalakad ako, nakita ko yung ibang participants ng seminar na tumutugtog ng gitara. Parang may sumabog na ideya sa utak ko. Agad akong pumunta sa kwarto ni Mike.
"Mike gising ka pa?" tanong ko pagkakatok sa kwarto niya
Binuksan niya ito "Oh. bakit?"
"Psychic ka nga! haha! pwede pahiram ng gitara?"
Ngumiti siya at nagsabing 'sandali lang'
After ng mga ilang seconds, bumalik siya dala ang gitara.
"Oh ayan. wag mo yang ibabalik hanggat hindi kayo nagkakaayos ah?" tumawa siya at napangiti ako
"Salamat talaga Mike. Hulog ka ng langit!!"

Dumerecho ako sa kwarto namin. Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Pinakiramdaman ko kung ano ang ginagawa ni Renz. Nakita ko siyang nakahiga sa kama. Parang tulog pero pakiramdam ko hindi pa. Umupo ako sa upuan malapit sa tv at nagsimulang magpatugtug at kumanta.

Dahil sa kantang ito nabuo ang aming pagkakaibigan. Pagkakaibigang turingan ay magkapatid.  Naaalala ko nung unang beses kami nagusap, nagpaturo kaagad siya kung pano magpatugtog ng gitara. Dahil dun kami naging close. Tuwing may libre kaming oras tuturuan ko siya. Madalas siya magkamali sa una. Maraming reklamo, pero habang tumatagal nasasanay at natututo rin. Ito yung unang kantang tinuro ko sakanya. Ito yung unang kanta na sinubukan niya. Ito yung unang kantang natapos niya.

"Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo'y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso, hooh"

Tinuloy ko lang pagkanta, naniniwalang pinakikinggan niya ang bawat salita na inaawit ko. Patawarin mo na ako Renz, kahit kapatid lang ang tingin mo sakin, masaya na ako. Hindi ako magpupumilit na mahalin mo rin kagaya ng pagmamahal ko sayo.

"Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo, hoh
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko"

Nang matapos ko ang kanta, dahan dahan kong binaba yung gitara sa sahig. Tumayo ako at lumapit kay Renz. Nakahiga, nakatagilid siya paharap sa kabilang side. Tinabihan ko siya sa paghiga kahit medyo masikip.
"Pakiramdam ko gising ka pa" panimula ko.
"Hindi ko naman sinasadya Renz eh. Sinubukan kong pigilan pero hindi talaga kinaya.. Masaya na ako sa kung anong meron tayo, ayaw ko yun mawala"
Wala pa ring siyang imik. Naglakas loob ako. Niyakap ko siya galing sa kanyang likuran. Pinadulas ko ang kamay ko sa kamay niya hanggang maabot nito ang bukas niyang palad. Isinuot ko ang bawat daliri ko sa gitna ng bawat daliri niya. Hindi siya nagpumigil, hindi siya gumalaw.
"sorry na Renz please? Hindi ko kayang mawala ka sakin" mahina kong bulong.
Mga ilang segundo rin ang nakalipas ng maramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Magkaholding hands na kami.
"sorry rin Kuya El" mahinang sabi ni Renz. Bumitaw siya sa pagkakahaw sa kamay ko at humarap sakin.
"hindi ko kasi alam kung paano magrereact eh. Kaya ako medyo umiwas" nakatingin siya sakin nung sinabi niya yun.
Ngumiti lang ako, hinalikan siya sa noo at niyakap siya. Niyakap niya naman ako pabalik at sa ganoong posisyon, kami ay nakatulog.

Pagkagising ko ng umaga agad akong pumunta sa kwarto ni Mike para ibalik ang gitara niya. Sinalubong ko siya ng malaking ngiti at nakuha niya naman agad ang ibig sabihin nito.
"sabi sayo eh"
"salamat talaga Mike" sabi ko sakanya at bumalik na ako sa kwarto.

Ito ang huling araw namin sa Seminar. Bago pa kami tuluyang umalis ay nagpaalam kami sa mga ka-team namin. Nagpicture picture at nagpalitan ng matatamis na ngiti. Sa bus pabalik ng Manila, nakatulog sa balikat ko si Renz. Ginising ko siya ng makarating kami sa station at hinatid ko siya pauwi. Pagkarating sa tapat ng bahay nila, niyakap ko siya. Niyakap niya rin naman ako pabalik.
"Walang magbabago ah?" sabi ko sa kanya.
umiling lang siya "kuya pa rin kita"
Bumitiw kami sa yakap at hinalikan ko siya sa noo.
"Oh akala ko ba walang magbabago? Pangalawa na yun ah" Pangiinis sakin ni Renz
sumimangot lang ako "biro lang. hehe. geh Kuya El, gumagabi na. ingat ka pauwi"
Umuwi ako ng may ngiti sa labi. Bakas sa aking mukha ang tuwa na nararamdaman.

Nagsimula ang huling taon ko sa kolehiyo. Tumaas ang position ko sa org namin, ganun din si Renz. Halos wala namang nagbago samin. Okay fine. Meron. Mas naging close kami, literal na close. Napapadalas na yung pagakbay ko na parang wala lang sa kanya. Napapadalas din ang pagyakap at paghalik ko sa noo niya tuwing kaming dalawa lang. Pati na rin yung pagtititigan namin sa isa't isa tapos biglang ngingiti. Minsan pag walang ibang tao sa office sasandal siya sa balikat ko tapos parang matutulog. Pero hanggang dun lang, walang holding hands, halikan at yung mga ganun. Naisip ko yung sinabi ni Mike noong nakaraang summer. "Alam mo sa nakita ko, parang mahal ka rin niya. Masaya siya tuwing magkasama kayo eh" Totoo kaya? Mahal na din kaya ako ni Renz kagaya ng pagmamahal ko sa kanya? Hindi ko naman kayang magtake ng risk. Besides, ako na mismo nagsabi na masaya na ako sa kung anong meron kami.

August nung nagcelebrate ng debut si Kayla, isa sa mga kaorg namin na kabatch ni Renz. Hindi na sana ako pupunta kasi marami pang gagawin pero mapilit si Renz. Close kasi sila kaya gusto niyang pumunta at magtatampo raw sakin pag hindi ako sumama. Matitiis ko ba? siyempre hindi. Hay naku Renz, kung alam mo lang ginagawa ko to kasi mahal na mahal kita. Sa isang bar ginanap ang debut, may konting program sa umpisa. Syempre medyo boring para sakin since hindi ako part ng program. Plus halos puro batch ni Renz ang invited, buti nalang hindi niya ako iniwan kaya okay na rin. Matapos ang program at kainan, party time na, puro music jamming and maya maya pa may live band na. Halos lahat ng guest nasa harap, nagsilipat na ng table and kami nalang ni Renz ang naiwan sa table namin sa bandang likod.
"Baka gusto mo pumunta dun Renz, ayos lang sakin" sabi ko sakanya
"Hindi na. andito ka naman eh" sagot niya. Tumingin ako sakanya, nakangiti lang siya. Yung ngiting normal, walang malisya.
Pero ewan ko, deep inside sobrang kinilig ako sa mga sinabi niya. Ngumiti lang rin ako sakanya at muling pinanood ang mga batang nageenjoy sa harap ng banda. After a few songs, tumugtog ang sobrang familiar na kanta. Nung una hindi ko ito nakilala dahil iba ang arrangement. Acoustic. Sobrang sarap pakinggan. Napakaromantic ng atmosphere na pati yung mga kabataang maiingay kanina napatahimik ngayon at napasabay sa marahang tugtog ng gitara. Nagsimula ang kanta, kakaiba ang nararamdaman ko. Ito yung kanta na nagdala samin ni Renz sa kung anong meron kami ngayon. Hindi ko siya matingnan, pakiramdam ko pulang pula na pisngi ko. Kinakabahan na kinikilig. Sobrang romantic ng atmosphere dahil sa version nila ng Huling el bimbo. Tinuloy ko lang ang pagnuod ng biglang naramdaman kong hinawakan ng kanang kamay ni Renz ang kaliwang kamay ko na ngayon ay nasa ilalim ng mesa. Tumngin ako sakanya, nakatingin lang siya sa harap na parang ineenjoy ang bawat segundo. "This is our song" mahina niyang sabi bago tumingin at ngumiti sakin.

"Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay"

Sumandal lang sakin si Renz habang magkahawak pa rin ang aming mga kamay at pareho naming sinulit ang pagkakataon. Pakiramdam ko may mga ilang nakakakita samin, bahala sila. Basta mahal ko si Renz. Wala silang magagawa. Bago pa matapos ang kanta, tumayo siya, hinila niya ako papalabas ng bar. Dinala niya ako dun sa may sulok kung saan walang nakakakita samin. Doon, rinig pa rin ang music sa loob. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Pagkarating namin doon, humarap siya sakin at nagulat nalang ako sa mga susunod na nangyari. Bigla akong hinalikan ni Renz sa labi. Nagulat ako pero ibinalik ko ang halik niya. 1..2..3...4.. matagal. Hindi ko alam kung gaano katagal basta ang alam ko lang masarap, malambot at punong puno ng pagmamahal.

"la la la la la, la la, la la, la la" ang tanging naririnig namin mula sa loob ng bar

Bumitaw siya, yung kamay niya parang minamassage yung buhok ko. Hinalikan niya ako ulit tapos..
"Kuya El ang bagal mo. Uunahan na kita" sabi niya "will you be my boyfriend?" nakatitig lang siya sakin Hindi ako makasagot, hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko. Napalunok lang ako at mahinang  sumagot ng "Yes. I'm yours Renz"
Hinalikan niya ako ulit. Hindi naman ako nagptalo. It was very passionate. Ang sarap, ramdam na ramdam ko ang pagmamahalan namin ni Renz. This is the best night of my life.
"Mahal na mahal kita Kuya El" bulong niya sakin
"Mahal na mahal rin kita Renz."

Naging sikreto ang relasyon namin. Normal lang pag may ibang tao pero pag kaming dalawa nalang, andun na yung lambingan at harutan. Mas napapadalas din yung mga date namin. Minsan libre ko, minsan libre niya minsan KKB. Walang araw na hindi kami nagkasama. Walang araw na hindi kami masaya. Hindi nagtagal, medyo nahalata na rin kami ng mga ka org namin dahil nga parati kaming nasa office. Napagkasunduan namin ni Renz na sabihin na sakanila para kahit papano maramdaman din namin na tanggap nila kami. Nung sinabi namin sakanila, hindi na nagulat yung iba. Yung iba naman hindi makapaniwala kasi hindi naman talaga halata samin na lalaki rin hanap namin.
"ayos lang bro. matagal na rin namin kayong napapansin. congrats"
Masarap sa feeling yung ganun, kahit sa isang lugar lang, hindi kami mahihiya na nagmamahalan kami. Ang swerte ko sa org na 'to. Sila ang matuturing kong pangalawang pamilya. Totoo sila at hindi plastik. Matibay na rin kasi ang samahan namin nina Gerard, Ken, president Benj, Sarah, Jude, ang bestfriend kong si Yanna at marami pang iba! Sila lang ang nakaalam, wala ng iba maski family o friends.

4th monthsary namin, sa bahay lang kami ni Renz nagcelebrate. Magisa lang kasi siya doon kasi currently nagout of town ang father niya. Maliit na celebration lang, movie marathon with pizza popcorn and ice cream. Pagkatapos nung mga movie, nagkwentuhan lang kami ng konti. Naka akbay ako sakanya tapos yung ulo niya nakasandal sa dibdib ko. Tumahimik ang paligid nung wala na kaming mapagkwentuhan. Tumingin ako sakanya, tumingin lang rin siya sakin. Nilapit ko ang mukha ko sakanya. Hinalikan ko ang labi niya, nagpaubaya naman si Renz at gumanti ng halik. Matapos ang halos na isang minutong halikan, bumitaw si Renz. Tumayo siya at kinuha ang mga kamay ko. "Tara na." sabi niya. Pagkapasok namin sa kwarto, agad kong nilock ang pinto, lumapit sakanya at bigla niya akong hinalikan. Mapusok pero puno ng pagmamahal. Tinanggal ko ang puting shirt niya, ganun din ang ginawa niya sakin. Dahan dahan kaming papalapit sa kama habang naghahalikan. Ihiniga ko siya dahan dahan. Pumaibabaw ako sa kanya, nagtitigan kami at iniligay niya ang dalawa niyang kamay sa may batok ko. Maya maya pa marahan niyang tinulak ang ulo ko pababa hanggang maabot ng labi niya ang sakin. Muli kaming naghalikan, matamis at punong puno ng pagiibigan.
"Mahal na mahal kita kuya El. wag mo akong iiwan" mahinang sabi ni Renz.
"Hindi kita kayang iwan Renz. Mahal na mahal rin kita" At muli kaming naghalikan.
Doon na nagsimula ang pinaka mainit, pinaka masarap at pinaka unang pagtatalik namin ni Renz.

Nagising ako, magkayap kami ni Renz. Dikit na dikit ang aming hubad na katawan na parang walang kahit na anong kayang magpahiwalay samin. Pinagmasdan ko siya, parang anghel na natutulog. Sobrang cute. Napangiti lang ako hinalikan siya sa noo. Dahan dahan akong bumitaw sa pagkakayakap  para hindi siya magising, bumangon at nagbihis para makapagluto ng almusal.

Naulit pa ang pagtatalik namin pero paminsan minsan lang at ginagawa namin yun out of love, hindi out of lust. Mas tumibay ang relasyon namin, mas lalo kaming nagkakilala at habang tumatagal, mas lalo pang umiinit ang aming pagsasama. Sa bawat relasyon, hindi nawawala ang mga tampuhan at away. Nagkaroon din kami ng mga maliliit na away at tampuhan pero dahil nga mahal na mahal ko si Renz, palagi kong binibitawan ang pride ko, palagi ko siyang sinusuyo at nilalambing. Hindi rin naman ako matiis ni Renz kaya't mabilis kaming nagkakabati.

"Leandro, bumaba ka na. Kakain na tayo" Sabi ni lola pagkakatok sa pinto ko.
"Yes La. bababa na po" Sabi ko na nakahiga pa rin at yakap yakap ang letrato namin ni Renz.
Bumangon ako. Tinignan ko ito ulit "Hahanapin kita Renz. Ibabalik ko yung gaya ng dati. Mahal pa rin kita" Hinalikan ko yung picture namin, ibinalik ito sa mesa at lumabas sa kwarto para kumain.

- - - - - - -
“Ang Huling El Bimbo Book 2: Kwento ni Renz” SOON
“What happened to your promise Dustin?” –Gino in Dustin’s Promise 2: SOON
- - - - - - -
Don’t forget to rate and leave a comment! Sa inyo ko po nakukuha ang motivation magsulat. Thank you!

30 comments:

  1. salamat kuya jigz at nag update ka na rin.. tgal ko naghintay aa. nabitin kasi ako dun sa dustins promise ehh.. haha , nag comment muna ko bgo basahin.. author the best ka tlga thanks for inspiring me with your stories hoping na gumawa ka pa ng marami boyxboy stories.. whaha susuportaha ka namin jan! aja!!

    ---
    glennstar :*

    ReplyDelete
  2. This is the best fictional story I've ever read so far. Can't wait for the second part.

    ReplyDelete
  3. Grabeh Ganda puh ng story muh waiting sa next chapter....

    ReplyDelete
  4. the best! Can't wait sa next chapter. I hope may twist na mangyayari!! Yung kumbaga may pagka 'sana maulit muli' yung babalik ka sa past then ayon.. Yung tipong patay na pala si renz.. Ganun po. Sana nagets mo kuya jigs yung pinupunto ko. Hehe. Suggest lang.. Para maiba naman.. Para maiba yung landscape ng mga kwento dito.. May twist dapa..
    -Dustin here

    ReplyDelete
  5. the best! Can't wait sa next chapter. I hope may twist na mangyayari!! Yung kumbaga may pagka 'sana maulit muli' yung babalik ka sa past then ayon.. Yung tipong patay na pala si renz.. Ganun po. Sana nagets mo kuya jigs yung pinupunto ko. Hehe. Suggest lang.. Para maiba naman.. Para maiba yung landscape ng mga kwento dito.. May twist dapa..
    -Dustin here

    ReplyDelete
  6. So romantic. Can't wait for the next part! You are so amazing author! : )
    -tomas

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yeah your right the author is so romantic and I wish their would be more stories of you and renz :) ;) !!!...

      Delete
  7. Remember bawal mag laro ang mga bata sa lansangan . Fictional na nga lang di pa itinama.

    ReplyDelete
  8. Grabe! Sobrang ganda! Magnificent! Idol na kita! :D

    ReplyDelete
  9. Halos lhat n ng mgagandang stories dto s KM ay natapos ng lhat. Kya naisip kong wla n akong mapagkakaablhan dito s Riyadh, KSA during my free time, and I thaught n wla ng susunod n pwedng abangan, and yet here you are jigs giving us a new series. N tlga n mang umpisa p lng ngustuhan ko n. I like ur creativity in writing good stories, ang galing... aabangan ko ang mga next part nito... and please sna everyweek my bgong chapter.. thanks and more power.

    SPHINX11
    Riyadh, Saudi Arabia

    ReplyDelete
  10. Wow naman ganda ng story next please ....

    ReplyDelete
  11. ..this is the best st0ry i read here!!

    ..jerk irr

    ReplyDelete
  12. i love you're story,,,sana mka hanap din ako ng kagaya ni RENZ..,,,hahai sarap nyo nmn.....

    ReplyDelete
  13. Ganda grabe! Akala totoo. Sobrang nadala ako sa story! Can't wait for the book 2!

    ReplyDelete
  14. Wow,nice one.Di mo aakalain na fiction ito.Tumitimo sa puso kasi yung bawat takbo ng istorya kaya iisipin mo na true story.Author,ang galing mong magkwento,may puso at ispirito,at higit sa lahat,hindi malaswa.You bring KM to a higher level,hindi puro kalibugan as KM connotes.Big applause for you Jigz.

    ReplyDelete
  15. Sobrang Ganda!!

    ReplyDelete
  16. Sana magkaroon mg part two ka agad very nce at hope mag kita na kayo

    ReplyDelete
  17. in love ngayon si kuya jigz sa babae. so baka hindi na niya matuloy yung book two. yes, kilala ko siya personally.

    Sorry bro kung mabasa mo to. Sana ituloy mo yung story, dami mong fans oh.

    ReplyDelete
  18. Soul and love, brilliant story! kelangang matapos ito anoh man ang mangyari, may puso at kaluluawa ang kwento and i believe na unexpected ang ending, tatanggapin ko sad man or happy ito! I love you na mr. Writer! ;)

    ReplyDelete
  19. Nice story. Hehe prang katulad sken.

    N41

    ReplyDelete
  20. naka2inspired nmn po sobra..
    a very nice story..
    i love this so much..

    sna makahanap din ako nq katulad ni Renz..
    aahhhhhmmm...

    Love is the Most Precious Thing.. You could Ever Have..
    keep it up Kuya..

    ReplyDelete
  21. tumbs up sa athor
    ang ganda ng story light lng ang flow
    pero mapuso!
    good thing walang masyadong ano...
    i like this kind of story, nakaka inspire!

    ReplyDelete
  22. Nakakakilig nmn ng kwento nakaka inggit nmn gusto ko ng ganyan true love kahit nag aaway at may tampuhan binibitawan pa rin nya ang kanyang pride so sweet ^_*

    ReplyDelete
  23. Wala paba ung nxt part na to? :)

    ReplyDelete
  24. Ang Huling El Bimbo Part 2: Summer 2014

    -kuyajigz

    ReplyDelete
  25. haist grabe sobra ung pagkakilig ko, napaka galing na author naman ni Kuya Jiggs :)

    ReplyDelete
  26. Dapat Hindi Ito tungkol said lust

    ReplyDelete
  27. ang galing!!! nabitin nga lang ako

    ReplyDelete
  28. Seems good.. Sa love ang focus, not so much on lust which is good din naman since love story and label.. Where's the other parts..? I'm only seeing part 2 so far..?

    ReplyDelete

Read More Like This