Pages

Monday, August 26, 2013

Sleepless (Part 2)

By: Lothario

Chapter 2 : It hurts to be So Close yet So Untouchable

"Wake up sleepy head" Nakangiting bungad sa akin ni Toper sabay dampi ng labi sa dulo ng aking ilong.

Kung ganito ba naman ang gigising sayo aba gugustuhin ko ng maya't maya mag pagising. Ang gwapo niya talaga lalo na sa umaga, yung tipong bilog na bilog pa yung mata niya, magulo yung buhok, walang pang itaas na damit at ang tanging saplot lang ay ang brief na pilit kinukubli ang naninigas na pagkalalaki.

OMG. Umagang umaga ganito ang tinatakbo ng isip ko. Bura... Bura... Shit ang laki ng harapan niya.

"Kagigising mo lang tumutulo na naman yang laway mo" Buska ni Toper.

"Ang aga-aga para mang-asar Toper. Magbihis ka nga." Inis kong sabi dito.

"Apektado ka ba sa katawan ko?" Pagmamalaki nitong ibinuyangyang ang sarili. Hindi pa rin humuhupa ang tigas ng hinaharap nito.

"Kadiri!!! Ano ba yang ginagawa mo?"

"Inaakit ka. Bakit huwag mong sabihing hindi ka apektado?"

"You wish! Para naman maapektuhan diyan sa katawan mo."



"Talaga lang ahh. Eh bakit parang may tent diyan sa kumot mo? hahaha" sabay nguso nito sa ibabang bahagi ng aking katawan.

"Gago ka ba? Siyempre umaga. Parang tanga to" namumula na ako sa hiya at inis.

"Sabi mo eh. Oh una na akong maligo sa'yo ahh" Saad nito habang palabas ng kuwarto.

"Pero kung gusto mong sumunod, hindi ko ilo-lock yung pinto ng banyo" pahabol nito sabay kindat.

"Adik!!!" Natatawa kong binato ito ng unan, malas nga lang at mabilis ang reflexes nito at agad naisara ang pinto.

Matapos makapag almusal ay napag pasiyahan naming manood ng DVD na pinahiram kay Toper ng isa sa mga kaibigan nito.

Sci-fi, movie about going into somebody's dream and planting ideas that never occured. Medyo nalito ako noong una, hindi naman kasi ako magaling mag analisa katulad ni Toper. Sa aming dalawa, siya ang utak, ako ang bibig. Mas bagay akong maging salesman kesa accountant.

Nakulitan yata itong si Toper sa kakatanong ko kaya pinalapit ako sa kanya para mapaliwanag niya sa akin lahat ng nangyayari.

Nakaupo si Toper sa sahig habang naka bukaka. On instinct, umupo ako sa gitna ng mga binti niya at sumandal sa kanyang mga bisig. Naharangan ko yata ang mukha niya kaya ipinatong niya ang ulo ko sa kanyang balikat.

Patuloy ang takbo ng pelikula. Naintindihan ko na naman yung kwento at yung mga nangyayari, pero patuloy pa rin si Toper sa pag eksplina ng mga kaganapan. Hinayaan ko na lang kahit na tuwing nagsasalita siya, inilalapit niya sa aking tenga ang kanyang bibig. Masyadong malapit na tila dinadampian niya na ako ng halik sa tenga tuwing magsasalita siya. Kung sa ibang tao siguro ay kanina pa ako nag papapalag, pero masyadong palagay ang loob ko kay Toper.

"Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring boyfriend?" biglang tanong ni Toper sabay halik sa aking leeg.
Libo-libong boltahe ng kuryente ang dumaloy mula sa lugar na pinagdampian ng kanyang bibig patungo sa maliliit na ugat ng aking katawan. Ang buwisit na kuryente nagawa pang makipag-tsismisan sa mga internal organs ng aking tiyan. Hayun at feeling close, tumambay pa talaga.

Matagal yata akong hindi nakapag salita dahil nilingon ni Toper ang aking mukha habang mahigpit akong niyakap palapit lalo sa kanya.

"Kung ayaw mong sabihin okay lang naman. Curious lang naman ako kasi ang alam ko maraming nag paparamdam sa'yo sa school lalo na iyong Ram. Lagi akong kinukulit nun kapag sinasanay ko siya para sa patimpalak"

"Tss, naku wala naman akong gusto dun. Sinasakyan ko lang trip nun. May pag asa ba siyang manalo? Malapit na ang AOG-NCR."

"Medyo nahihirapan lang ako sa ugali niya. Magaling ngang sumagot pero wala namang ka talent talent. Kung talent lang sana ang kayabangan siya na ang mananalo eh."

"Ahh sana ikaw na lang taon-taon ang ipanlaban" Humarap ako para bigyan siya ng ngiti pero masyado pala siyang malapit kaya halos maglapat na ang mga labi namin. Bigla kong binawi ang aking mukha upang hindi matuloy sa kung saan ang paglingon kong iyon.

Sobra na talaga ang tensiyon na nararamdaman ko sa aking katawan. Pilit ko lang hindi pinapahalata. Kung titignan mo sa labas ay tila ako kalmadong ilog, pero kung sisisirin mo ay tila may buhawi sa kaloob-looban. Mabuti na lamang at hindi malisyosong tao si Toper at agad nakabawi sa nangyari.

"Hahaha pinag sisihan ko na ang pagsali noong nakaraang taon. Ayoko ng maulit pa yun." may himig tensyon pa rin.

"Pinagsisihan eh ikaw nga ang nanalo. Hmp!"

"Basta, tsaka hindi naman pwedeng ako na lang palagi. So, bakit nga wala ka pang boyfriend?" pangungulit nito. Ayaw talagang i-drop ang topic na yun.

"Akala ko ba okay lang kahit hindi ko sagutin yan?"

"Biro lang yun. Sagutin mo na haha"

"Baliw... Kasi... Uhm, may hinihintay pa akong tao" seryoso kong sagot. Gusto kong idagdag: ikaw yung hinihintay ko tanga, kaso imposible kang magkagusto sa'kin.

"Si kuya Buboy." Pahayag nito. Mayroon akong nahimigang lungkot sa kanyan tinig, ngunit mabilis ding nawala na parang imahinasyon ko lamang.

Limot ko na yung pagkabaliw ko kay kuya Buboy noong bata pa ako. Ni hindi ko na nga siya maaalala kung hindi pa niya binanggit. Hindi ko na lang itinanggi yung pahayag ni Toper dahil ayokong ipagkanulo ako ng aking bibig. Isiniksik ko na lang ang aking katawan sa kanyang mga bisig at ninamnam ang init na galing dito. Kung alam lamang nito ang lahat. Pero hindi pwede, natatakot ako sa maaring mangyari pag nagkataong malaman niya. baka tuluyan na siyang mawala sa akin. Sa ngayon masaya na ako sa kung anong mayroon kami.

"Lovers, inuman tayo" anunsiyo ng hitad kong kapatid.

Kaarawan nga pala ng kasalukuyang boyfriend nito, si Mikee. Hiling ko na sana lang seryosohin na ng ate ko ang isang ito. Mabait si Mikee, gwapo, matalino, may direksiyon ang buhay, at ang kaisa-isang naging boyfriend ng kapatid ko na walang tattoo.

Ang gusto sana ni Mikee ay ipagdiwang lang nilang dalawa ng aking kapatid ang kaniyang kaarawan. Pero isang party animal ang aking ate. They met halfway, kaya ang ending, nag inuman kaming apat sa apartment.

Kinagabihan, napagkasunduan ng dalawa na tumungo sa bahay ni Mikee. *alam niyo na ang plano ng dalawa dun, wag niyo na ipakwento pa sa akin, nakakadiri lol*

May parte sa akin ang naiinggit sa aking kapatid dahil kahit kailan ay hindi pa ako nagkaroon ng karelasyon. Dahil siguro sa alak ay lumakas ang loob ko. *lagi naman ganoon diba? blame it on the alcohol*

"Toper, masarap bang mahalikan?" Lasing lasingan lang ako.

"Mmm?" Tila hindi narinig

"Sabi ko masarap ba ang halik?" habang nakaupo ay iniyakap ko ang isang kamay sa kanya at isinandal ang ulo sa kanyang balikat na tila nahihilo.

"Bakit mo naman naitanong?" habang dinadampian ng maliliit na halik ang aking buhok.

"I've never been kissed. Gusto ko yung unang halik ko manggagaling sa taong alam kong mahal ako. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko kapag nahalikan na ako" Tumingala ako sa kanya, tila nakikiusap ng magandang tugon mula rito.

"I love you" Hinawakan ang magkabila kong pisngi, tinitigan ang aking mata na para bang nakikita nito mula roon ang aking kaluluwa. Unti unting lumapit ang kanyang mukha. Magkadikit na ngayon ang aming mga ilong. Ramdam ko ang init ng kanyang hininga. Hindi ko na matiis pa. Sinalubong ko ang kanyang bibig. Malambot, hindi ko inaasahan na ang bruskong ito ay magmamay ari ng ganitong mga labi. Magiliw ang paghalik ni Toper, naramdaman kong natutunaw ang buong paligid. Unti unti akong nawawala sa katinuan. Lumalalim pa ang kanyang halik, para akong mabibingi sa katahimikan pero wala akong paki alam. Noong panahong iyon ay para akong nasa ibang dimensiyon. Naramdaman yata ni Toper ang unti unti kong pagkalunod sa kanyang mga bisig kaya dahan dahan niyang inilayo ang kanyang mga labi at tinapos ang halik.

"So? Ano sa tingin mo?" agaw nito sa aking atensiyon. Noon lang ako nagising mula sa magandang pangyayari.

"Better than i thought." hindi ako makatingin ng diretso kay Toper. Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isip niya. Baka pinag sisisihan na nito ang nangyari.

"Nothing will change, dont worry." parang nabasa nito ang aking alinlangan.

"Salamat."

(itutuloy)

4 comments:

  1. More ganda talaga ng story
    mo part 3 na agad

    ReplyDelete
  2. Ang ganda. Bilisan mo part 3! Sige na

    ReplyDelete
  3. Omaygad isa sa mga paborito kong movie. Inception. Hahaha i am so proud to myself na nung una ko yang napanood, nagets ko kaagad. Kung gusto niyo ng movie ni leonardo di caprio na nakakahilo katulad ng inception. Try niyo panoorin shutter island. Kumain muna kayo bago panoorin yan kasi sobrang nakakaubos ng energy hahahaha. Btw nice story! I really like it. Sinearch ko pa yung part 1 haha ang ganda.

    ReplyDelete

Read More Like This