By: Kuya Jigz
"Kita mo yung pinakamaliwanag na star na yun? Ang pangalan nun ay Renz!" Yan ang sabi ni kuya El sakin habang tinuturo yung pinaka malaki at pinakamagandang bituin sa kalangitan. Nakahiga kami sa may damuhan, malamig ang ihip ng hangin at mapayapa ang gabi. Maraming bituin ang nakakalat sa itaas, hindi kagaya sa Manila. Iba talaga sa probinsya, malayo sa gulo, wala masyadong light pollution. Stress free, very relaxing ang ambiance.
Nakahiga lang ako sa may braso ni kuya El nakasandal sa may dibdib niya habang mahinang tumatawa.
"Loko ka talaga kuya El. Hindi naman Renz pangalan nun eh"
"Eh gusto ko eh. From now on, favorite star ko na yan, at ang name niya.. Renz" sabi niya sabay halik sa noo ko.
"baliw. hahaha"
"Para pag hindi kita kasama, titignan ko lang yan, tapos feeling ko kasama na ulit kita"
Gusto ko man sabihin na ang corny at madrama hindi ko nagawa. Nakaramdam ako ng takot at pagaalala sa mga sinabi niya.
"Pano yan kuya, malapit ka na grumaduate. Anong plano mo?" umayos ako ng higa at tumingin sa kanya.
Natahimik siya bigla tapos maya maya ngumiti. "Edi magtatrabaho. Ano ba dapat gawin ko?"
Binigyan ko siya ng seryosong tingin. "You know what I mean kuya El" sabi ko ng malungkot
Ngumiti lang siya ulit, bumangon tapos hinaplos yung noo at parang sinusuklay buhok ko.
"Wala namang kailangan magbago Renz diba? Pag grumaduate ba ako hindi mo na ako mahal?"
Umiling lang ako
"Oh, ganun din ako siyempre. Tayo pa rin at siyempre, mahal pa rin kita"
Niyakap ko siya. Yung yakap na takot ako mawala siya sakin "Wag mo ako iiwan kuya El, wag na wag mo gagawin yun sakin. Di ko kaya"
Hinigpitan niya pagkakayakap niya sakin "Di ko yun gagawin Renz, di ko rin kayang mawala ka sakin"
4..5..6..7. Seven months and counting. Daming surprises ni kuya El sakin tuwing monthsary namin. Yung mga bagay na hindi ko ineexpect, mga mahahaling dinner pati iba't ibang regalo. Habang tumatatagal, mas lalong tumitibay relasyon namin. Everyday magkasama, everyday masaya. Pakiramdam ko ako na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Mahal na mahal ako ni kuya El, kapag may problema kami siya lagi unang naglelet go ng pride. Kahit kasalanan ko, siya mag sosorry. Sobrang understanding, caring, at sobrang loving.
Dumating na yung araw na kinakatakutan ko, ang pagtatapos ni Kuya El sa kolehiyo. Finally, he's one step closer in reaching his dreams. Pero paano na ako? Iniisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita everyday sa school, nahihirapan na ako. Paano pa kung nangyayari na talaga? Haaay kuya El, bakit kasi hindi nalang tayo magkabatch para sabay tayo grumaduate at maghanap ng trabaho.
After ng graduation, nagkita kami sa office. Kaming dalawa lang doon. Niyakap ko siya agad.
"Congrats"
"Thank you Renz"
Bumitaw ako sa yakap. May kinuha ako sa bulsa ng polong suot ko. Isinuot ko yun sa leeg niya. Tumingin lang siya sakin at ngumiti.
"Ano naman to?" tanong niya sakin
"Edi regalo. ano pa ba"
Hinawakan niya yung kwintas na kakalagay ko pa lang sa leeg niya. Silver at may design ng maliit at magandang gitara.
"Salamat Renz. I love you"
Binigyan ko lang siya ng matamis na ngiti "I love you too"
Dahan dahan niya nilapit mukha niya sakin until maabot ng labi niya ang labi ko. Naghalikan kami sa loob ng madalim naming office. Kung saan kami unang nagkakilala, kung saan kami naging magkaibigan. Maya maya pa bumitaw na siya
"Renz kailangan ko na mauna, hinahanap na ako ng parents ko"
tumango lang ako sa pag sangayon at ngumiti para sabihin na naiintindihan ko. Niyakap niya ako, ganun din ang ginawa ko sakanya.
"I love you Renz. Mag cecelebrate tayo on thursday ah? Punta ako sa inyo. Wala naman dad mo diba?"
tumango lang ako ulit pero nakayakap pa rin. Hinigpitan niya ang yakap tapos ay bumitaw sign na para bumitaw na rin ako pero hindi, nakayakap pa rin ako. ayoko bumitaw. ayoko sana.
"Renz naman, magkikita pa tayo" pagpipilit sakin ni kuya El
Finally, bumitaw na rin ako, ngumiti sa kanya.
"see you thursday night" binigyan niya ako ng matamis na ngiti bago siya umalis.
Candle light dinner ang pinaghandaan ko. Gusto ko yung sobrang romantic na may pagka luxurious ang dating kaya ginawa ko lahat ng kaya. Nag research ako about dining arrangement and pinagaralan yun, nagpaturo sa kaibigan kong magaling magluto, bumili ng wine at kung ano ano pa. Pagdating ng 6pm, all is set. Table for two, arranged perfectly. Ang kulang nalang is yung honey glazed spare ribs na nasa oven pa rin, waiting to be cooked. Ang gusto kasi ni kuya El ay yung well done pagdating sa mga ganyan, kaya yun ang gusto kong iserve. I texted him "where are you?" and umupo sa may sala habang naghihintay. A few minutes later, nagbeep ang phone ko, dali dali kong inopen ang message only find out na nag GM lang yung isa naming ka org. WTF, bakit hindi siya nagrereply? Maybe he's driving his way to get here? Hopefully.
Tumunog na yung alarm ng oven indicating na luto na yung spare ribs. I checked it out, hmm.. ang bango! I'm sure magugustuhan 'to ni kuya El. Humiwa ako ng dalawa sa spare ribs and iniligay yun sa magkahiwalay na plato, nilagyan konting rice, mashed potato and vegetables as side dish tapos tinabihan ko ng small container with the spare ribs' sauce. It's almost 7pm, sinindihan ko na yung tatlong candle sa gitna ng round dining table namin. I'm sure na malapit na siya and I want everything to be perfect pag dating niya dito. To be sure, I gave him a call, pero no answer. Kinabahan ako pero naisip ko lang baka sinasadya niya to then he'll surprise me pag dating niya. Napangiti na lang ako sa naisip ko. Bumalik ako sa sala, umupo sa sofa and binuksan ko yung tv.
It's been 30 minutes, wala pa rin siya. I gave another call, no answer. Tumawag ako ulit, wala pa rin, for the last time di-nial ko ang number niya... cannot be reached, pinatay yung phone. Baka natraffic lang? tapos naka silent ang phone and eventually nag run out of battery? Ang dami kong tanong, at ang dami kong gustong itanong pag dating niya. Tumingin lang ako sa dining, tiningnan ko yung candles sa table "ang tagal mo Leandro, lumalamig na ang pagkain" bulong ko sa sarili ko. I have nothing left to do but wait. So yun ang ginawa ko, bumalik ako sa panonood ng tv. I kept on waiting and waiting and waiting until...
Nagising ako sa pagyakap sakin ni kuya El. Gusto kong magsalita, gusto kong magtanong pero hindi ko nagawa.
"Shhhh" sabi niya habang tinitignan ako sa mata. Hindi ko mabasa yung emotion na nararamdaman niya, normally kasi isang tingin lang alam ko na kung masaya, malungkot, o galit siya sa pag tingin lang sa kaniyang mga mata, pero this time, hindi ko alam.
"I love you renz, much more than anything else in this world" hinalikan niya ako ng matagal sa noo habang nakayakap sakin.
Gusto kong sumagot, pero hindi ko pa rin nagawa.
I opened my eyes. "kuya El?" yan lang ang nasabi ko. Panaginip lang pala, akala ko totoo. Sana hindi nalang ako nagising. Naka amoy ako ng usok only to find out na naubos na yung tatlong candle sa dining table. Tinignan ko yung phone, it's almost 1am, no messages, no missed calls. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, gusto ko maiyak sa lungkot, gusto ko masigaw sa galit, pero mas gusto ko mag tanong ng 'bakit?' pero sino?, eh ako lang naman nagiisa dito.
Tinignan ko lang ang dining, gutom ako pero wala akong gana kumain. Nahiga na lang ako ulit sa sofa, baka dumating pa siya, naisip ko, at least pag dating niya nandito lang ako at iinitin ko nalang yung pagkain. Nakatulog ako ulit at may araw na nung nagising ako.
Masakit. Yan ang nararamdaman ko. Wala akong ganang bumangon o gumalaw o gumawa ng kahit na ano. Hindi siya dumating kagabi. Sabi niya "thursday night" pero hindi siya nagpakita. Di ko alam kung paano iexplain yung sakit na nararamdaman ko. Pagkatapos ng lahat ng effort at preparation ko para sa special night namin in celebration for his graduation, ganun lang ginawa niya, hindi man lang nagsabi o nagpaalam na hindi siya makakarating para di nalang sana ako nagpagod at umasa.
Sinimulan ko ng ligpitin yung dining. Tinapon ko lahat ng pagkain, hingusan ko yung mga plato, baso, spoon and forks. Pagkatapos nun umakyat ako para makaligo, dumerecho ako sa kama after, nahiga lang ako at tiningnan yung phone ko. Kahit isang text mula sa kanya, wala talaga. I feel heart broken.
I waited for hours, umaasang tatawag siya at magsosorry sa hindi niya pagdating kagabi. Hours turned to days. Days turned to weeks. Weeks turned to months. Nothing. Kahit ang mga ka org ko, walang balita kay kuya El. I tried asking yung mga close friends na batchmates niya pero kahit sila, walang clue. I also tried going to their house, as desperate as it sounds, pero kung sa taong mahal na mahal mo ba't di mo gagawin diba? And the only answer I got: "Wala na po sila dito, hindi na po ako makakapagbigay ng iba pang impormasyon. Pasensya na sir, umalis na po kayo"
"So this is how you break up with me?" yan lang ang naisip ko, yan ang gusto kong isigaw sakanya pag nagkita kami. Gusto ko rin siya saktan, kahit na alam kong hindi ko kaya. Gabi na nung maka uwi ako sa amin. My dad was there, kumakain ng dinner.
Close kami ng family ko before. Madalas ang harutan and tawanan sa bahay namin. Palagi kaming magkakasabay kumain at namamasyal sa mga magagandang lugar but suddenly, everything changed. Napapadalas ang away nila mom and dad, bata pa ako nun and hindi ko alam gagawin ko tuwing nagsisigawan sila. Eventually, nauwi yun sa hiwalayan. I was 12 years old. Masakit pero magulo. Hindi ko alam kung bakit, ang alam ko lang ay sa father ako sasama. Nawala yung masayang ambiance sa bahay, starting nun we became strangers, almost. Minsan na lang kami nagkakausap.
"where have you been?" tanong sakin ni dad
"uhm.. lumabas lang po, kasama mga kaibigan ko" pagsisinungaling ko
Umakyat ako agad sa taas, dumerecho dun sa balcony ng kwarto ko. Umupo sa wooden chair, huminga ng malalim tapos napaisip na lang. Kinuha ko yung gitara na regalo sakin ni kuya El nung birthday ko almost 2 years ago. Nagsimula akong magpatugtog...
"Pinakamadaling ipractice ang huling el bimbo. Eto ipapakita ko sayo" sabi sakin ni kuya El, ito yung araw na una kami nagkausap. Ito yung araw na nagsimula akong magpaturo ng gitara.
"G.... A7.... C.... G." Pinakita niya sakin kung paano, ginaya ko naman pero nahirapan ako. Nakakatawang isipin, ang tagal na rin pala, 3rd year pa siya nun, ngayon ako naman ang 3rd year.
Napangiti nalang ako sa pagkanta ng unang verse habang naalala ko yung mga panahon na tinuturuan pa lang ako. Sa pagkanta ko napatingin ako sa itaas, napatingin ako sa mga bituin. Tinuloy ko lang ang pagkanta ng nakatingin sa kalangitan hanggang sa may makita ako na nagsimulang magpaluha sa akin. Yun ang pinakamagandang bituin sa itaas.
*Pagkagaling sa 'skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako...
Naalala ko pa yung gabing yun,
"kita mo yung pinakamaliwanag na star na yun? Ang pangalan nun ay Renz!" tila naririnig ko pa rin ang boses ni kuya El sa utak ko

"Eh gusto ko eh. From now on, favorite star ko na yan, at ang name niya.. renz"
"baliw. hahaha"
*Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay

Hindi ko na natuloy ang pagkanta, tuluyan ng bumigay ang mga mata ko sa pagiyak.. na ilang buwan ko rin pinigilan. Yakap yakap ko yung gitara, iniyakan ko ito. Ito yung bagay na pinakamahalaga sakin ngayon dahil galing yun kay kuya El, isang bagay na nagpasaya ng 17th birthday ko, at isang bagay na sumisimbolo ng magandang simula ng pagkakaibigan.
"Kuya El nasan ka na? bakit mo ako iniwan?" hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagiyak. Sobrang sakit ng nararamdaman ko, wala pa akong masabihan kasi feeling ko wala namang makakainitndi.
"Sabi mo hindi mo ako iiwan, nasan ka na ngayon?" paghagulgol ko habang tinitignan yung bituin na pinangalanan niya sa pangalan ko.
"bumalik ka na please, Ikaw na lang yung natitirang tao na nagmamahal sakin" muli kong niyakap yung gitara, hindi ako makapagpigil, iniyak ko na lahat hindi ko naisip na masasaktan ako ng ganito. "kuya El, please come back"
It was a night full of tears, wala akong ibang magawa, I just cried myself to sleep.
I decided to quit sa org namin, to resign as their Vice President for External Affairs. Bakit? Kasi everything in that organization reminds me of him. Tuwing may meeting kami, naaalala ko yung times na siya yung nag p-preside tapos out of nowhere ngingitian niya ako, naalala ko yung inaasar kaming magsyota kahit hindi pa kami umaamin sa kanila, lalo na yung pag kaming dalawang lang sa office tapos ang sweet namin sa isa't isa, pati yung countless 'I love you' niya sakin lahat yun, kaya mas lalo akong nahihirapan. I want to move on, I want to forget.
"I have something to say" pag interrupt ko sa meeting namin habang nagsasalita si Jeremy, org President
"Yes Renz?" sabi ni Jeremy
"Wala ng makakapagbago ng decision ko... I.. I resign as your VP External" nagulat sila lahat sa sinabi ko
"what?! but you're doing so well" pagpigil sakin ng preisdent
"No I'm not. and I can't promise to do better. Personal reasons na rin. I'm really sorry"
Naintindihan naman nila kaya hindi na ako pinigilan.
"I think tama naman ang ginawa mo" sabi sakin ni Hellen, one of my closest friend.
"Sana, that org means a lot to me. Pero ang hirap mag move on pag andun ako. Besides, it feels right"
"see! cheer up na Renz. I'm sure marami pa diyan para sayo"
Napangiti lang ako, I don't agree pero this is better kesa ng walang makausap "Thanks Hellen".
Time passed by faster than I expected. Naging busy ako sa academics, nagaral for every exam, pinaghirapan ang bawat project, nandun na rin yung mga group studies at yung walang katapusang gala kasama yung mga kaibigan ko everytime we can. Moving on wasn't easy, pero sobrang thankful ko dahil marami akong kaibigan na tinanggap ang pagkatao ko at pinaparamdam nila na may nagmamahal sakin. Pati ang dad ko, medyo napapadalas na rin paguusap namin, di ko rin alam kung bakit pero unti unti ng nababalik yung father-son relationship namin nung bata pa ako.
One time nagovernight kaming magbabakarda sa bahay ni Harvey to prepare for our thesis defense. Mga around 12 am when we decided to take a break. Nag timpla ako ng coffee then lumabas sa may lanai nila. Medyo mahangin pero ang sarap sa feeling. Napatingin ako dun sa pinakamaliwanag na bituin sa itaas, nakaramdam ako ng lungkot. Nasan na kaya siya, tanong ko sa sarili ko.
"Ano nanaman iniisip mo?" nabigla ako, si Hellen lang pala
"Ahh, wala. Naisip ko lang, ambilis ng panahon no? 3 weeks nalang gagraduate na tayo" pagsisinungaling ko
"Yun ay kung papasa tayo sa defense natin!"
"Huy wag ka naman ganyan, pinaghirapan natin to" sabi ko
"Hahaha kaya nga eh, tara na tapusin natin yung presentation" at sabay kaming pumasok sa bahay.
- - - - - - - - - - - -
"Renz!!" tatlong malakas na katok ang gumising sakin.
"Wake up! it's your day today" ang paggising sakin ni Dad
"Yes dad, I'm awake" sigaw ko
The day has come, the fruits of our labor, the ending of one chapter and a beginning of new one. Finally, its graduation day. Bumangon ako agad, naligo, nagbihis ng unders tapos nagbreakfast muna. Dad prepared my favorite breakfast, yung big breakfast sa mcdo. Hindi kasi yun marunong magluto eh kaya nagpadeliver na lang. Haha! Pero seriously, ang laki ng pinagbago ni dad, hindi na kami strangers ngayon.
Nasa harap ako ng salamin, inaayos yung neck tie kong napakahirap i-tie nung may kumatok sa pintuan
"May I come in?" si dad
"sure" sagot ko
Pumasok siya sa kwarto ko, napansin niya yung struggle ko sa neck tie kaya lumapit siya sakin at siya na yung nag ayos
"you've grown so much, graduate ka ng college" sabi niya
ngumiti lang ako "not yet dad. In a few hours pa"
Ngumiti lang rin siya habang inaayos yung neck tie ko then he started saying serious things
"Nak, I'm sorry.."
nagtaka ako "for what?"
"for not treating you right these past few years" sagot niya sakin
My smile faded, but I put it back on "It's okay dad... pero matagal ko na rin gustong tanongin... bakit?"
Natahimik siya, "uhm.. nalaman ko na.. na may ibang lalaki ang mom mo. I was so affected by our divorce kaya I devoted myself to work thinking na magsisisi siya pag nakita niya tayo sucessful, but then I almost forgot about you. I'm really sorry Renz"
Matagal na akong nakaget over sa paghihiwalay nila, although ngayon ko lang naconfirm yung reason behind their divorce. I was over it besides, narinig ko naman yung sincerity nung nag sorry siya, and napatawad ko na siya since naging mabait na siya sakin.
I smiled before asking "and what made you treat me nice again?"
Ngumiti lang rin siya, "well, one night, I heard you were playing the guitar and singing on your balcony. Then suddenly you were crying, then.. I've heard everything"
Shoot! Yun ba yung gabing umiyak ako about him? I think so, kasi that was the last time I played that guitar. Seryoso ba narinig niya lahat? WTF! WTF!
"lahat?" I asked
he smiled, "yes Renz, lahat"
Hinigpitan niya yung neck tie ko "it's okay Renz, kung hindi dahil dun, hindi ko mare-realize yung mga pagkukulang ko sayo"
Hindi pa rin ako makapagsalita, hindi ko alam sasabihin ko. If narinig niya lahat, ibig sabihin alam niya na—
"Renz, it's okay" sabi ni dad sabay hawak sa shoulders ko. "I just didn't know na kayo ni-"
"Dad stop! please, wag na po. It's over, matagal na yun, kalimutan na natin" ugh, sana pala hindi ko nalang yun tinanong.
Natawa lang siya and raised his both hands na parang 'i surrender' gesture. "okay, okay. pero you know-"
"Oh look at the time! malelate na tayo, let's go dad" and I rushed to the door para lang makaiwas sa kung ano pa man ang sasabihin niya.
Pero pinigilan niya ako, hinawakan niya yung kamay ko para di ako tuluyang maka alis
"Hey Renz" sabi niya, napatigil naman ako "I just want you to know that I'm proud of you, and I love you"
napangiti lang ako sinabi niya. I gave him a hug and said "thanks dad, i love you too"
"pero seryoso maleleate na talaga tayo" dagdag ko.
"hahaha alright let's go"
Graduation ceremony, late lunch celebration with my dad, tapos kinagabihan pumunta kaming magbabakarda sa isang bar dito sa QC. Hindi ako yung taong mahilig magbar kaya hindi ako sanay sa environment. Maraming lasing, maingay, maraming sumasayaw. But who cares? I'm here to enjoy and celebrate, graduate na ako!
"shot! shot! shot! shot!" Yan ang sinisigaw nila habang nakapaikot sakin, ako na lang kasi ang hindi pa nakaka shot sa amin ngayong gabi. Hindi naman kasi ako pala inom, occasionally lang talaga. Kinuha ko yung shot glass na kanina pa inaabot ni Harvey. Tinignan ko muna ito bago inumin. Ugh ang pait!
"WOOOOOOH!" sigaw nilang lahat. It's gonna be a wild night, I said to myself.
Yung isang shot nasundan ng pangalawa, pangatlo, pangapat. Di ko na mabilang basta marami. Pumunta kami sa dancefloor, sayaw dito sayaw doon. Until may mga girls na lumalapit sakin, nakikipagsayaw. Di naman ako tumanggi. 3 sexy girls ang pumalibot sakin sinasayawan ako. I'm pretty sure their drunk, ako din, almost. I'm starting to lose focus pero okay lang, enjoy naman! Sinayawan ko rin with the loud music. Yung friends ko naman chinicheer lang ako, mga lasing na rin siguro.
"woooo! go renz, i uwi mo na yan. hahaha!" sigaw nila sakin
The girls continued dancing until yung isa nag attempt na halikan ako, masyado ko yatang na attract buti nalang naka iwas ako.
I was sweaty and tired from dancing kaya pumunta ako sa may bartender to order some shots habang yung mga kaibigan ko naman ay nasa dance floor pa rin. Nagtry ako ng ibang mix, ang pait and weird ng lasa sa una pero habang tumatagal, mas naf-feel ko yung sarap especially yung heat sa loob ng katawan ko. Nahihilo na ako, di na ako aware sa mga sinasabi ko pati sa environment ko.
"one more shot please" sabi ko sa bartender. May biglang tumabi sa kin, nagorder rin ng drinks. Tahimik lang ako tinatry mawala yung sakit sa ulo until..
"Renz? Renz is that you?" sabi ng tumabi sakin
Napatingin lang ako. He looks familiar pero di ko kilala, or I just can't remember? "I'm sorry, do I know you?"
"I'm Mike. Mike Valdez. Tagaytay seminar from 3 years ago. do you remember?" sagot niya sakin
I really can't think straight right now, medyo fuzzy ang memory ako about that seminar "Ohh! yun ba. yeah, i remember now, Magka team ba tayo nun?"
"Nope, ka team ko si El. Btw, is he with you tonight?"
di pala kami magka team eh, bakit niya ako kilala? "Ah yung gagong yun?! hindi nga nagsasabi aalis eh. Tara shot!"
"lasing ka na Renz, may kasama ka ba ngayon?" tanong sakin ni Mike
"I really don't remember. Hahaha" I feel so drunk and wasted
"let me drive you home" Mike offered
Di naman ako makatanggi "wait lang, one last shot" After the shot, inalalayan ako ni Mike palabas sa bar. Slowly, nawala yung loud music na kanina ko pa naririnig.
"awwww" ang sakit ng ulo ko sobra, di ako makabangon. I opened my eyes, medyo nasilaw ako sa sun light na tumatagos from the window. Malambot yung bed kung saan ako nakahiga, malinis yung kwarto, and balot pa rin ako ng kumot. Nasaan ako? Obviously hindi to kwarto ko. Wala rin ako sa bahay ng kahit na sinong kaibigan. "Hellen? Harvey?" Sumigaw ako, baka nasa labas lang sila. Tinry ko bumangon pero ang sakit talaga sa ulo kaya pumikit lang muna ako. Mamaya pa may narinig akong foot steps, pumasok sa loob ng kwarto kung nasan ako, baka si hellen, or si harvey, or yung iba ko pang friends?
"You're up. Coffee?" sabi ng isang lalaking hindi ko kilala. Sino yan?! Nasan ba ako?
Napabangaon ako agad, nakatayo sa may tabi ng kama ang isang lalaki na naka plain white shirt and boxer shorts. Gwapo, maputi, medyo matangkad, and sa palagay ko mas matanda siya sakin ng mga around 2-3 years.
"who are you?" gulong gulo na utak ko
Natawa lang siya "Mike Valdez. Don't you remember anything from last night?"
Kinabahan ako sa sinabi niyang 'don't you remember anything from last night?' kasi wala talaga akong maalala. Dun ko lang narealize na wala na yung suot ko. No polo, no undershirt, no pants. Boxer shorts and brief lang ang natira sakin. Yun lang suot ko ngayon. I started to panic.
"What the fuck! nasan ba ako? bakit ganito lang suot ko?" tapos tumingin ako sa kanya "anong nangyari kagabi?!"
Natawa lang si Mike "Haha! Chill Renz. You're in my condo. Wala ka ba talagang naaalala last night? Sinukahan mo ako pag dating dito sa condo"
Napaisip ako. Totoo kaya sinasabi nito? Tanging "Ohhh.." lang ang nasagot ko
"Tell you what, maligo ka nalang muna to freshen up yourself tapos i'll tell you what happened last night. May towel na dun and you may borrow my clothes, ayan lang closet ko" sabay turo sa wardrobe in the near end of the room. Tapos lumabas na siya sa room.
I did what he said, naligo, humiram ng damit tapos niligpit ko na rin yung kama para hindi naman nakakahiya. I checked my phone before lumabas sa kwarto "Shit! lagot ako" 7 missed calls from my dad, 4 from Hellen, 2 from Harvey and 3 from my other friends plus 13 messages asking kung nasan na ako, ano nangyari sakin, and as funny as it sounds, 'buhay ka pa ba?' text ng isa kong kaibigan. Nireplayan ko sila lahat sabi ko 'sorry, okay lang ako see you next time'
Lumabas ako sa room, nakita ko si Mike nagluluto ng breakfast. Nahihiya ako sakanya, di kami close tapos nasukahan ko pa.
"Uhm, sorry pala... about last night" sabi ko habang tinutulungan siya mag ayos ng dining
"nah, it's okay." sagot niya sakin "tara, kain"
Sinamahan ko siya kumain ng breakfast. Although mystery pa rin sakin kung sino siya.
"Bakit mo pala ako dinala dito?" panimula ko
"Pumunta ako sa club last night to get a few drinks, tapos nakita kita. We talked a little but you were so drunk. I asked kung may kasama ka, but then you said you don't remember. I checked if may car keys ka and parang wala naman. Then I offered you a ride home pero nakatulog agad pagkasakay sa car ko, then pagdating natin dito, ayun.. sinukahan mo ako"
As much as I tried, wala talaga akong maaalala. The last thing I remember was dancing wildly with three girls tapos nun, wala. "I'm really sorry about that"
Ngumiti lang siya. "Hey, if you really don't remember, we've met summer of 3 years ago. Yung seminar sa Tagaytay? I was there too" sabi niya sakin
I remember the seminar, I remember may team mates pero hindi ko naman siya ka team ah? "Team mates ba tayo nun?" I asked
Ngumiti siya ulit. "nope, ka team ko si El, yung kasama mo. We were on red team if I'm not mistaken"
Ah! naaalala ko na, siya yung palaging kasama ni kuya El during that seminar nung hindi ko siya pinapansin. That was when he confessed na in love siya sakin. Honestly, in love na rin ako sakanya nung mga panahon na yun pero bago pa ang lahat sakin at hindi ko alam kung paano mag react.
"Do you mind if I ask, asan na siya ngayon? Sabi mo kasi kagabi umalis siya..?" tanong sakin ni Mike
Natahimik ako, di ko alam isasagot. Sinabi ko ba talaga yun? grabe, ayoko na malasing ulit. "uhm, nobody knows actually. Bigla nalang siya nawala"
Parang nagulat na nagtaka siya sa sagot ko "really? well that must be really difficult for you"
"huh?" Nabigla ako sa sinabi niya. Ano ba ang alam ng taong to?
"Oh, I'm sorry. Naging ka close ko kasi siya nung seminar. We've kept in touch for a few months after nun. Yung last conversation namin was about you two being together"
Awkward.
"No worries Renz, bi din ako. I understand" sabi pa niya "I'm really sorry for what happened"
Ngumiti lang ako. "I've moved on anyway. Pero I'm not ready for anything right now"
"I know how it feels, but life moves on, and so should we"
Nagvolunteer ako maghugas ng mga pinagkainan para makabawi man lang sa mga utang ko sakanya. Pagkatapos nun ay hinatid niya ako sa bahay namin.
Bago ako bumaba: "Kuya Mike salamat talaga ah. Sorry if I caused you trouble"
"woah woah woah. drop the kuya, and may bayad yun lahat" sagot niya
Napatingin lang ako.
"Starbucks on sunday, 6pm. sharp"
Ngumiti nalang ako "alright Mike, sunday then. see you"
That was the start of a good friendship. Mabait sakin si Mike. He's like an older brother. Sobrang caring, understanding, tapos palagi pang nandiyan even when I didn't expect him to be. I got a job as one of the department heads sa company na pinapasukan ng dad ko and it turned out na dun rin pala nagttrabaho si Mike. He's also one of the department heads kaya mas naging close kami since we have more time together.
Most of the time dadating ako sa office ko with a starbucks coffee on my table. Not from my secratary, but from Mike. He knows my favorite latte. Kaya umagang umaga pa lang eh nakangiti na ako. He knows when and how to cheer me up. Pag tuwing bad day sa office, he'd treat me a banoffee pie or oreo cheesecake at the end of the day then he'll be ready to listen to all of my rants. Nagagalit rin siya sakin for the craziest reasons. Minsan nagkaroon kami ng arguement
"Bakit ka kasi aalis ng bahay ng walang dalang payong? Tingnan mo oh, ang lakas ng ulan!" sabi sakin ni Mike thru a phone, galit yung tono niya
"Eh hindi ko naman alam na uulan eh. Bakit ba nagagalit ka? Sinasabi ko lang naman sayo eh, magpapasundo naman ako sa dad ko" inis kong sagot
"Malamang magkakasakit ka. wag ka na magpasundo, papunta na ako diyan" sabay baba ng phone
We've been like this for almost 8 months. Hindi naman ako manhid, alam kong may gusto sakin si Mike. Gwapo siya, mabait, matalino, at tunay na mapagmahal. Pero may feelings ba ako sakanya? Naguguluhan din ako. Sa totoo lang masaya naman ako pag kasama ko siya, nakokompleto rin araw ko pag nakikita ko siya, pati yung mga joke niyang sobrang corny na palagi kong nilalait, nakakatuwa isipin. Parang naramdaman ko ulit yung pagmamahal na binigay sakin ni kuya El. Naka move on na ako sakanya, yan ang sinasabi ng utak ko. Pero may mga panahon pa rin na naiisip ko siya, at tinatanong ko ang sarili ko 'nasan ka na?' 'bakit mo ako iniwan?' 'babalikan mo pa ba ako?'. Pero gaya nga ng sabi ni Mike "Life moves on, and so should we" Siguro nga it's about time to move on and not look back. It's time to stop secretly waiting for something that's no longer coming back.
One night after work, Mike was driving me home.
"Renz, available ka on saturday for lunch?" tanong sakin ni Mike
"Hmm, yeah I think so. Why?"
"I want you to meet my parents. Lunch lang naman at my house"
Napaisip ako, this is a move. anong sasabihin ko?
"Mike, nililigawan mo ba ako?" tanong ko sakanya
"Uhhh.. what you think Renz? ayaw mo ba?" tumingin siya sakin when he asked me this
Huminga ako ng malalim, ngumiti at "Okay, Let's see where it goes"
Ngumiti ang gago. Todo ngiti hanggang sa dumating kami sa bahay namin.
"saturday?" tanong niya sakin
"saturday" pagsagot ko sakanya
"great, i'll pick you up around 11"
Nginitian ko lang siya, bumaba sa car and pumasok na sa bahay.
Saturday came and dun ko nameet ang parents ni Mike. Mabait rin sila. Alam nila yung about samin and tanggap nila kami. In fact, supportive pa sila about sa same sex relationships. Malaki ang house nila, they have 4 cars, a pool area and huge garden perfect for parties. He has two older sisters na may sariling family na. 8 years kasi ang gap niya dun sa second and 11 years sa panganay nila. I had a great time talking with his parents. Dun ko nalaman yung mga crazy, funny childhood stories niya pati yung ibang kakulitan nakwento ng mom and dad niya.
"naku Renz, alagaan mo si Mike ha?" sabi sakin ng mom niya
"Mom! please, wag ganyan magsalita" pagmamakaawa ni Mike
"Oo nga Renz, Iyakin pa naman 'tong si Michael" dagdag pa ng dad niya
"Dad! stop na please. you're embarassing me"
"hahaha! Iyakin ka pala eh" pangaasar ko sakanya
Tumingin lang siya and binigyan niya ako ng 'humanda ka sakin later' look.
On dad's 50th birthday, nagkaroon ng party dito sa bahay namin. It was a big event since isa sa pinakamataas ang position niya sa company. Marami ang mga dumalo, mga big bosses. Andun yung CEO, VPs, Executive managers, lahat ng kilala sa company. Syempre some of my closest friends rin ininvite ko. Mike was also there, hindi lang para makicelebrate but also to help sa kailangan ng mga guests. It was an eventful night, maraming surprises that really made my dad's day. Mga around 12am na nung matapos yung party and tuluyang umuwi ang mga guests. But Mike was still here, helping. Napakabait talaga.
"It's getting late, dito ka na matulog Mike" sabi ni dad
"Naku tito, okay lang po. I can drive pa naman po pauwi"
"Sige na Mike, pagod ka na eh, spend the night with us" sabi ko kay sakanya
Ngumiti lang si Mike "Alright, ipasok ko lang po yung car ko sa garage"
Pagkalabas ko ng CR pagkatapos ko maligo nakita ko si Mike nakahiga na sa kama ko wearing plain white shirt and boxers shorts habang hawak ang phone.
"dito ka matutulog?" tanong ko sakanya
"eh, hindi pa ayos yung guest room eh, pagod na ako" sabi niya habang nagpapacute sakin
"sa sala, pwede naman dun ah, malaki naman yung sofa namin" pang aasar ko sakanya
Binigyan niya lang ako ng sad puppy face, kaya natawa na lang ako.
"basta matutulog lang tayo ah, wag ka malikot" sabi ko
"yessir!" nangiti naman siya.
Pinatay ko yung ilaw, naiwang bukas yung lampshade sa tabi ng kama ko. Tumabi ako kay Mike, inayos ko yung higa ko at nagbalot ng kumot. Pinatay ko yung ilaw ng lampshade, "good night" sabi ko sakanya.
"good night Renz" sagot niya naman
I tried sleeping pero di talaga ako makatulog. Maybe because I know Mike is sleeping beside me.
"gising ka pa?" nagulat ako ng bigla siya magsalita
"di rin makatulog" sagot ko
Hindi na siya sumagot, maya maya pa..
"Renz, payakap naman" sabi niya in a soft and sweet voice
Hindi ako sumagot until naramdaman ko siyang gumalaw, papalapit sakin. Yung position ko kasi ay nakatalikod sakanya. Niyakap niyo ako from my back. At first I didn't move, but eventually I held his hands and made myself comfortable. I rested my head on his. In that position, we both fell asleep.
The warmth of his body, the tenderness of his skin, the way he kissed my forhead, cheeks, lips, I can feel it all. Ang sarap mo yumakap, I feel secured, protected. I feel loved. Both of my hands are locked around him, ganun din siya sakin. I see the future when I'm with him, I see that forever exists. I am holding on, you promised me.. hindi mo ako iiwan.
Then bigla akong nagising.
"kuya El?" ang sinigaw ng utak ko the moment I opened my eyes. Pero hindi, I'm with Mike, both of his hands locked around me, ganun din ako sakanya. Bakit ganun? Bakit siya pa rin? Gusto ko maging masaya, and masaya naman ako sa feeling ni Mike. I tried erasing the thoughts and forced myself to go back to sleep.
Nagising ako wala na si Mike sa tabi ko. Lumabas ako ng room, no signs of him. Bumaba ako and saw dad having coffee at the lanai.
"Nasan si Mike, dad? nakita mo?"
"Yup, bumaba na siya kanina, check the garage"
"alright thanks!"
Dumerecho ako sa garage and dad was right. Andun si Mark parang nililinis ata yung car niya.
"Mike" tawag ko.
Di ko alam pero parang nagulat ko siya ng sobra
"Anong nangyari sayo? Para kang nakakita ng multo" sabi ko
"Hindi naman, haha akala ko tulog ka pa eh. Kanina ka pa nandiyan?"
"Nope kakagising ko lang actually"
"Kakagising mo lang ako agad hinahanap mo? ang sweet mo naman" pangaasar niya
"Asa ka! Hahaha. Tara na, let's eat"
After namin mag breakfast, naligo lang si Mike and umuwi na rin sakanila. "see you monday" ang pagpapaalam niya sakin na may kasamang kindat.
Days passed, nothing really changed except mas naging sweet si Mike sakin, mas napadalas ang pag visit niya sa bahay, he'd treat me for the most random reason. Nakilala na rin niya ang mga friends ko who are working in different companies. I really enjoyed his company, nakakatuwa siya makasama.
One night he treated me to dinner. Akala ko ordinary night lang. After namin mag dinner we decided to take a walk and enjoy the moment. Masarap yung simoy ng hangin, maraming ilaw, maganda ang place, and konti lang ang tao. We were just talking about how our day was, kamusta ang departments namin, tapos bigla siyang magjojoke out of nowhere then suddenly humarap siya sakin. Hinawakan niya yung mga kamay ko. My heart started to beat faster, kinakabahan ako. I think I know where this is going.
"Renz" Panimula niya "We've been friends for more than a year already. I know that you know how I feel for you, and I'm hoping that you feel the same way for me"
Lahat 'to sinasabi niya ng nakatingin derecho sa mata ko. "Renz, I love you. And I'm willing to take risks to prove my love for you. You are the reason why I'm happy with my life right now. I promise to never leave you, to take care of you always, and to treat you like how you're supposed to be treated."
Tumigil siya sandali para huminga. I feel numb, di ko alam gagawin ko, hindi ko alam kung bakit "I don't care what the others will say. Basta ako, ang alam ko na Mahal kita.."
"..Renz, will you be my boyfriend?"
Huminga ako ng malalim, I just closed my eyes and said...
- - - - - - - -
Ang Huling El Bimbo Book 3: The Letter that Never Came –SOON (final installment)

nice one
ReplyDeletepart 3 please
I post na agad ang part 3....
ReplyDeletedamn!!!ganda ng story mo bro. dih ko nabasa yung part 1 kc bago lang ako dito. may nabasa ako sa ibang site na kaparehas ng story mo. huling elbimbo din yung title. pero dih na nasundan yung story nya. c El yung author dun. halos mgkaparehas yung karakter pati org na sinalihan at mga circle of friends. sad to say hindi na nasundan yung story. Sana ito na yung kasunod.
ReplyDeleteYes! Ang tagal kong inabangan yung kasunod nito and sobra akong na-excite nung nakita ko yung title. Haha! Thanks kuya sa story. The best ka talaga! Hahaha!
ReplyDeletehindi na po ako makapaghintay ng part 3. hehe
ReplyDeleteang galing ni kuya author.. salamat dito kuya!..
tae naiyak ako.. im a straight girl pero love ko ang m2m esp. with romance.. galing mo author!! iloveyou na po
ReplyDeleteGanda sana, kac kala ko real story kasu nung nabasa ko ung part 1 fictional lng pala.
ReplyDelete-jeth
Kuya Jigs,
ReplyDeletePuke ka! Tsupaan hanap ko'ng basahin, pero pinakilig mo ko at ginising pagkababae ko! Super discreet manly top pa naman ako pero feeling ko tuloy after basahin ito babae nako. Hahahah
rezn, i salute U of what a nice thrilling story, time consuming but what a wonderfull event of your life. I ask U, is this a real love story? Its Jun from Toronto Canada, wish U luck for Mike. Hope he'll never leave U again. Pls reply, I"m also looking for same guy in my life. Thanks rezn.
ReplyDeleteHey Jun. Sorry but this story is just a work of my imagination. I'm glad you like it though.
DeleteDon't worry man, the right guy will come.
kuya jigz
haist grabe talaga ito, sobrang kinikilig ako, napaka ayos ng pakakalahad, halatang professional talaga, congrats Kuya Jiggs ha. Part 3 na please XD
ReplyDeleteGrbe gnda poh ng story..
ReplyDelete...walng keme mga line pnlo..
perfect to pde b imovie n.hahH
Applause!!!
ReplyDelete^-^ GREAT STORY!!!
Thanks for sharing your story
Hmm anu na kaya ggwing hakbang ni kuya El nakakabitin nmn sana piliin pa rn ni renz si kuya el hehe cute ng story nxt na plz.
ReplyDeleteBklang bkla un story ang ganda!!!
ReplyDeletePlz part 3 na at ung part 2 ng dustin's promise plz!!!!
ReplyDeletePpease! Papost po na po nung part 3 :( nakakaasar ka naman ehh! Lagi mo kaming binibitin hahahahahaha. Antagal ko pa naman tong inantay :(
ReplyDeleteOMG i consider this as one of the gift for me this xmas kc finaly nasundan na xa...hope to read the next part..pls asap
ReplyDelete-sir yen
Sana po mapost na yung 3rd installment ng huling el bimbo pati yung book 2 ng dustin's promise... at para sa admin.. damihan nyo naman yung pinopost niyo every week para marami rami rin yung mababasa namin.. hahaha.. grabeh ka kuya.. ang galing mo magsulat.. the transition was seamless.. yung pang movie talaga ang dating... kinilig ako sobra.. kaso nalulungkot at kinakabahan ako sa kahihinatnan ng love story ni renz and kuya el.. please author.. sana si kuya el and renz pa rin ang magkatuluyan,... please.. it would break me into pieces pag di nangyari yun.. grabeh.. kahit fictional lang to kinikilig pa rin ako.. sana mga ganitong story ang pinopost sa site na ito... kaso pangalan pa lang nung site eh alam na.. hahaha.. i hope you could finish the 2 installments as soon as possible.. at sa admin kung magsusubmit na po si kuya jigz ehh ipublish nyo na po agad.. please.. im begging you..
ReplyDeletehahaha.. narealize ko while rereading my post that i do sound pathetic here... pathetic na kung pathetic ehh sa kinilig ako eh.. hahaha.. sana makahanap rin ako ng kuya na kapareho ni kuya el.. panganay kasi ako ehh.. sino pwede jan?? like im dead serious.. (-.-)
DeleteUso b ang ligawan s ganyan?
ReplyDelete