Pages

Saturday, November 9, 2013

William's Diary (Part 1)

By: William

“ Masayang naglilibot ang aking mga mata habang ang mga tao dun ay abala sa kani kanilang ginagawa . Lahat kakaiba , lahat bago , at lahat mukang interisado . Pero may isa akung nakita na talaga namang pumukaw sa aking atensyon. Isang binibining .. ??“

MY DIARY [Personal Property of William Berador]
Ako si William Berador , 17 taong gulang . Ang may ari ng Diary’ng ito . Katamtaman ang taas , medyo maputi , at syempre gwapo [ Hoho :DD , Kapalan ku na Mukha ko ]. Ako yung tipo ng Lalake na nalalapitan ng kahit anumang tao mapa Lalaki, Babae, atbp . kaya nga nung tumakbo aku bilang School President sa aming paaralan ay nanalo aku . Alam kung magiging memorable ang College Life kaya ako gumawa ng Diary . Good Luck saken Hehe :DD

May 27, 2013
Unang araw ng pagiging Koleheyo. Masaya, Excited, medyo kinakabahan. Unang tingin ko palang masasabi ku nang ibang iba ang buhay College seyka sa High School sabi nga ng Teacher nmen nung 4th Year aku "COLLEGE is the most crucial part of being a Student" kaya eto ako ngaun nanginginig ng walang dahilan .. Waaa --
Masayang naglilibot ang aking mga mata habang ang mga tao dun ay abala sa kani kanilang ginagawa . Lahat kakaiba , lahat bago , at lahat mukang interisado . Pero may isa akung nakita na talaga namang pumukaw sa aking atensyon. Isang binibining .. ?? Aii mali , lalaki pala ! Pero bakit muka syang babae at tila baga mas maganda pa sya sa mga babaeng nandirito . Gusto ku syang lapitan pero paano ? Aaargghh !! Halos mga 5 minuto rin akung nakatingin sa kanya at feeling ku hindi na sya magtatagal, gusto ko man syang lapitan pero hangang ngayon di ku parin alam kung paano . Gaya ng inaasahan ko umalis na nga sya at syempre panghihinayang ang aking nadama . Hinabol ku sya ng tingin hangang sa tuluyan na nga syang pumasok sa isang Room don . <sigh> Sayang !

Sayang !? Pero bakit ? Lalaki yun aa ! Ala ka jan ! Love at First Sight ba ito ? Ang Korni !! . Halimbawa palang yan ng mga tanung na sumagi sa isip ku nung sandaling yun at dahil sa feeling ku ay may binubuhat akung sobrang bigat nun, Napapupo na lang ako sa upuan na kung saan umupo yung lalaking nakita ko kanina . Andame talagang sumasagi sa isip ko , hindi pa nagsisimula ang klase namen ay problemado na ko . At dahil sa kanina pa ako nag iisep ay nag umpisa ng nangawet ang leeg ko at nagsimulang yumuko . Sa aking pag tungo may nakita akung envelope , pinulot ko ito at binuksan . Teka ? Schedule to aa . “ Stephen John Ribleza “ ? Bigla na lang tumibok ng mabilis yung puso ko at pinagpatuloy ko pa ang pagbabasa . Woo ! Ansaya may isa kaming Subject na magkaklase kami . Sandale , sandale !! Sigurado na ba aku na sya nga to? Hai .. Habang nasa malalim na pag iisip ay bigla kung naalala ang oras ng pasok ko . Waa , 7:20 na ! Nagmamadali akung naglakad patungo sa aking pupuntahan . Hindi ako pwedeng ma Late unang araw pa man din ng pasok , Asar !
Dumaan na nga ang oras at natapos na ang buong araw ko bilang isang estudyante . Pagod na pagod aku kaya balak ko sana pag kauwi ko sa bahay ay hihilata na lang ako. Pero hindi , pagkadating ko sa bahay binuksan ko agad ang Computer namen at nag umpisang i-Search sa facebook ang mga pangalan ng mga nakilala ko . Si Allen , James at marami pang iba . Bigla ko na lang naalala yung kaninang lalaking nakita ko nung umaga . Kinuha ko sa bag ung Envelope, sabi dito may isang subject kami na magkaklase , Ee bat di ko sya nakita kanina? “Stephen John Ribleza” <ENTER> Habang umiikot ang Loading Bar ay pabilis ng pabilis ang pintig ng puso ko . At ayun na ! Bingo .. Sya nga yun .
Pinagmatyagan ko ng maigi ang wall nya maging ang mga Picture nya . Kung sa unang tingin talaga ay mapagkakamalan mong babae sya . Ang mga mata at labi nya ay parang sa isang babae ganun din naman ang hugis at kulay ng kanyang mukha . Next , Next , Next .. Woo isang whole body picture , may katangkaran pala sya , maayos manamet , at ang ganda ng kanyang tindig . Haii , ansaya nyang tignan bagaman sa Picture ku lang sya nasisilayan ay masaya na ko . 1 oras na ang nakalipas at patuloy pa rin akung tumitingin sa mga larawan nya . Gusto ko pa man tignan ng husto pa ang lahat ng litrato nya at ang lahat ng tungkol sa kanya ay may isang bagay na pilit ipinagkakait sa akin ang mga ito . At ito ay ang “ANTOK” . Zzzz

May 28, 2013
Medyo kulang tulog ko, pano ba naman kasi anung oras na ko nakatulog kaya eto kanina during class papikit pikit yun mata ko . Buti na lang hindi aku nahuli ng Proff namen . Haha :DD After ng 3rd Subject naming since matagal pa naman ung next na pasok namen ay nagyaya si Allen na pumunta sa SM na walking distance lang kaya sumama na rin ako para hindi ako mabagot . Lima kaming magkaksama. Si Allen, Carlo , James , Mark . Lahat kami lalaki , lahat kami ma-iingay, at lahat kami Masaya habang naglilibot sa Mall. Ansaya ko nun kase nagkakaibigan agad ako kahit 2nd day palang ng School. Si Mark ung Pinakamalaki samen .. ay hindi , pinakamalapad samin at pinakamayaman ay nagyayang kumain sa Fast Food . Libre nya daw kaya wala ng atubili pa nagsipuntahan na nga kami sa dapat namen puntahan. Nag – Order si Mark ng malaking Pizza na lubos namang ikinatuwa ng Tiyan ko x)) . Habang kumakain kame nagkekwento si James, yung pinaka gwapo at pinakamatalino samen ( According to him ) Ganito na lang , kayu na lang mag Judge sa muka nya . Maitim , medyo sabog yung nguso , bigotilyo , at tama na nga , hayaan na natin sya !
Nasa kalagitnaan kami ng kainan at naalala ko nanaman yung kahapon na Lalaking nakita ko . Balak ko sanang hanapin sya at ibalik sa kanya yung envelope nya baka kasi kaylanganin nya . Nawala na lang ang malalim kung pag iisip nung inumpisahan ni James na magkwento tungkol sa “MGA” past relationship nya. Take note “MGA” ibig sabihin marame , grabe medyo may kakapalan talaga yung muka netong si James. Nagsawa na rin ang tenga ko making sa Fiction Stories ni James kayat nilibot ku na muna sandali ang aking mata at … Nagulat na nagtataka kung nakita ko si Carlo na nakatingin sakin at nginitian nya pa ko . Hah ?
Ang ganda ng mga mata nya , gayun din naman ang kanyang ilong . Pagdating sa labi ay ang pula-pula at ang nipis nito. May katangkaran si Carlo , kayumangi ang kulay nya . Kung titignan mu sya ng maiigi ay may hawig sya kay Jericho Rosales. Winalang bahala ku na lang ang ngiti sakin ni Carlo . Pero yung lubos ko talagang naguluhan at napa isip ay yung nakita ko si Allen at feeling ko ay may pagkagalit . Laa !
Natapos na nga ung kainan , lhat kami busog na pero di tulad kanina na sobrang ingay namin ay tanging boses ni James at halakhak ni Mark lang yung maririnig mo . #AWKWARD Nagyaya na si Allen bumalik sa School kahit may 50 minutes pa kaming natitira, sumang ayon naman si Carlo pero si James at si Mark ay hindi . Kaya’t napag desisyunan ko nang bumalik sa School kasi ayoko naman na makasama si Mark at James, gusto ko marame kami. At ayon na nga napagkasunduan na naming na bumalik sa Campus .
Ramdam ko ang pagka Bad Trip ni Allen habang pabalik kami sa School , pero bakit kaya ? Nakabalik na nga kami at dahil sa magkakaiba kami ng agenda ay napagpasyahan naming magpalitan ng Cellphone number bago magkahiwalay. Kinuha ku yung mga number nila gayun din naman yung sa akin. Pero pagdating kay Allen ay parang hindi nya ko pinapakingan , Bakit ba ? Sakin ba sya galit ? Punyeta naman oh ! ano ba kasing ginawa ko ? Shiit ! Lahat ng yan gusto kung sabihin sa kanya pero wag na baka magkagulo pa kami , hayaan ku na lang sya . Kung ayaw nya edi wag –
Naglalakad aku nun papunta sa Library kasi madame pang oras bago yung Next subject namin . Nang muli ko na naman nakita yung lalaki kahapon . Ang ganda nya talaga, para talaga syang babae kung titignan . May katagalan ko na naman syang pinagmamasdan at gaya ng dati gusto ku syang lapitan . Aakmang paalis na sya ay naalala ko ang envelope nya na nasa akin pala . “Stephen !!” sigaw ko sa kanya at dahil nasa Library ako , agad akung sinigawan ng Librarian dun at pinagalitan . Nakakatakot man ay Masaya pa rin ako at sa wakas ay makakausap ko na rin ang taong matagal ko nang gustong kausapin . Pagkatapos ng ilang mga sermon at pagpapapirma sa isang Notebook ay agad kung sinabi ang pakay ko kay Stephen . “ Hah ? Sino ka ? Bat mo ko kilala? “ tanong nya sakin . Nga pala hindi nya pala ako kilala #AWKWARD . Syempre inumpisahan ko nang magpakilala sinabe ko na rin na nakilala ko sya dahil nasa akin yung Schedule nya. Binalik ko sa kanya iyon at nagpasalamat sya sakin at nginitian nya ako . Haii .. Ansarap sa Feeling ! Ang ganda nya talaga . Nanatili akong nakatayo at pangise ngise dahil nga pinipigilan kung ngumite di ko na malayan na wala na pala sya sa harapan ko. Gusto ko pa sana syang kausapin kaso wala na sya , Sayang ! Waaa . Anung oras na naman ? Male Late na naman ako ! --
Haii. Salamat wala pa yung Prof namen, muntik na naman akung mapagalitan. Pagkawala ng pagod at kaba ko ay nakita ko si Stephen na naka upo sa silya ng Room namen. Yes ! mukang kaklase ko nga sya , ansaya at ang galing . Agad akong pumunta sa kanya at umupo sa upuan na malapit sa kanya. Sobrang saya ko at magiging katabi ko sya sa aming klase. Halos 2 oras ko rin sya makakatabi, Jackpot ! Unti-unti ko syang sinilip at nakita ko na lang sya na nakatingin at nakangiti sa akin. Ang ganda ng ngiti nya , hindi ko tuloy alam kung ano ang magiging reaksyon ko #AWKWARD ! Tuluyan na ngang hindi ako nakapag salita , alam kong may sinasabe sya pero hindi inintindi yun dahil ang lahat ng atensyon ko ay nakabaling sa labi nya . ANg ganda ng mga ito , ang pula , ang sa tingin ko ay malabot ito . Gusto ko sana syang halikan pero hindi dapat . Nagising na lang ako sa kamalayan ng may kumalabit sa braso ko.
Si Allen na pinapa alis ako sa pwesto ko. Nagtataka ako kung bakit nya ako pinapa alis . Galit ang muka nya ewan ko ba kung bakit aburidong - aburido sakin si Allen ngayong araw na ito . Nag away kami sa pamamagitan ng mga mata . May itsura rin pala to si Allen . Maganda ang mga mata nya , may kakapalan ang mga kilay , at maputi at makinis ang mukha ni Allen . Subalit kagaya ng nararamdaman nya sa akin ay gayun din ako ka inis sa kanya. Nag hiwalay lang ang aming mga mata ng ipaliwanag sa akin ni Stephen na upuan nya ang inuupuan ko #AWKWARD ! Tumayo na ko at lumipat sa ibang silya. Galit man aku kay Allen ay nagpa umanhin pa rin ako sa kanya. Kala ko pa naman makakatabi ko si Stephen yun pala tanging bintana at isang nanay na estudyante ang makakatabi ko .. Haii ..
Gabi na ng naka uwi ako sa bahay , antok na antok na talaga ako . Ganito pala ang buhay kolehiyo ! Higang higa na ko ng naramdaman ko ang vibrate ng aking cellphone . “ 12 messages Receive “ aa text nila James at Mark , meron rin text si Carlo . Di ko na sila ni Reply-an tinatamad nakung mag text ee . Binitawan ko na nga ang CP ko at pinagpatuloy ang paghiga . Maya maya muli na naman nag vibrate ang cellphon ko kaya’t tinignan ko ito . May isang message pero number lang . Binasa ko ung text sabe dun “ Hi William  “ napaisip ako kung sino yun . Kaya’t tinext ku na rin sya . “Hu u po?” . Hangang ngayun hinihintay ko pa rin sya mag text . Pero tulog na ata yun . Hayaan ko na nga lang . Good Night na !

17 comments:

  1. Wait' you're 17. And your First day of Class is May and you won the Over all stdent president position? Seriously? Hmmm

    ReplyDelete
    Replies
    1. I think He means "when he was in HS" hahaha!

      Delete
  2. I think for someone to run for that position is a student must be atleast 2 years in residency in the college. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha marunong kana mag think sa ganyan? well, if u would think critically its either he is in HS that time or maybe he is already 3rd year or 4th year at the present,... diary nga po eh xD....

      Delete
  3. Yan ang tinatawag na Pantasya... :-D

    ReplyDelete
  4. Name nung model? Haha

    ReplyDelete
  5. Wait. Are you from DLSU-Manila? Kase May 27, 2013 ang start ng classes nila. Hmm.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Feeling ko mapua. Pwede mo kasi lakarin SM Manila from mapua eh.

      Delete
    2. DLSU-Manila to May 27, 2013 ang opening nila, yung SM na sinasabi niya eh yung SM sa may Harrison Plaza.

      Delete
  6. Pwede din FEU-EAC May din nagstart classes nila. He shoould be specific on things. Kinda misleading. Coz were talking about college and the president thing is on high school? He shouldve mention

    ReplyDelete
  7. watever.. beaches!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uu maraming dagat sa pinas. Baka Bitches...

      Delete
    2. Haha ang tanga naman mag comment imbes na mainsulto matatawa ka lang e.

      Delete
  8. bobo lang BEACHES oo putacheng sa katangahan..

    ReplyDelete
  9. Hndi na po nasundan 2 ...kelan po nyo ipopost ung next part....kakabitin po...hehe. . :)

    ReplyDelete

Read More Like This