Pages

Saturday, December 14, 2013

Sa Simbahan (Part 1)

By: Jam

Hi mga KM readers matagal na po akong sumusubaybay sa mga kwento dito, at mas hanap ko po ang mga love story kesa sa mga nakakalibog na kwento. sobra akong naiinspired lalu pat ang ibang mga love story ay katulad din ng sa akin.

Sa mga kritiko at mga masugid na mambabasa ay pag pasensyahan nyo na po sa mga pagkakamali ko sapagkat hindi po ako propesyonal na manunulat. Ang ilalahad ko po sa inyo ay hango sa tunay na buhay ko at sa aking pag ibig.

Ako po si Jam Bi 19y/o 5'6 maputi,matangos ang ilong, sabi nila gwapo daw ako, taga caloocan at isa po akong Customer Service Asst. bata pa lamang ako ay alam ko na sa sarili ko may iba sa akin. alam ko alam yun ng pamilya ko at lagi akong tinutukso ng mga kalaro at sa iskwelahan ng bakla. kaya naging tahimik ako, nawalan ng kumpyansa sa sarili. lagi lang ako nasa loob ng bahay. ganun lang ang naging buhay ko hanggang sa mag high school at doon ako naging active, active na hindi yung baklang bakla dahil kung ako ay titignan normal na lalaki talaga ako sa kilos lang nagkakatalo.

Mula nang maging aktibo ako sa high school pumasok din ako bilang isang choir sa aming parokya. madami akong nakilala at naging karanasan sa simbahan bilang kabataan. may naging gf din ako mula ng mag hs pero hindi ko seneseryoso dahil hindi ko makuha yung love na gusto ko at parang may laging kulang sa akin.

halos buong araw ko ay nasa simbahan ako, mas naramdaman ko yung pagiging kabataan ko at magkaroon ng masasabi kong mga kapatid at tunay na kaibigan. at dito ko nakilala si rav na isa din sa mga server ng parokya, mas matangkad ako sa kanya at may itsura din at hamak na mas matanda sya sa akin. yung una sungit sungitan talaga ako ganun ako kapag hindi ko kakilala kaya tawag nila sakin mr.suplado. na curious ako sa kanya dahil ngayon ko lang siya nakita sa parokya namen kaya nag tanong tanong ako sa kanya at napag alaman ko na bago lang siya at ulilang lubos
na siya kaya mas lalo akong nagkainteres sa kanya. gusto ko siyang maging kaibigan pero hindi ko alam kung paano sisimulan. nakaugalian na namen na after mass ng gabi ay naglalakad lakad kami ng mga kagrupo ko at lagi siyang sinasama ng isa sa mga ka close nya na si ate lea, akala ko nga sila e kasi maraming alam si ate lea tungkol sa buhay nya at lagi daw sila magkatxt. kaya kinuha ko yung mga number ng mga taga simbahan at pinasama ko yung number ni rav.

Nang gabi na yun tinex ko siya at nag reply naman siya agad ng hu u??? tapus nagpakilala ako agad na ikinagulat niya kung san ko daw nakuha yung number niya. tapus simula nun naging mag katext kami palage yung normal na lalaking mag kaibigan. kamustahan tapus tanong tanong tungkol sa buhay namen.

Ang kulit nya katxt tapus lagi kami nag aasaran, nalaman ko sa kanya na parang nagkakaigihan sila ni ate lea pero nung sinabi niya yun bakit nakaramdam ako ng lungkot, sakit o selos??? bakit? may gusto na ba ako sa kanya? kuya lang ang turing ko sa kanya pero bakit ganito ang nararamdaman ko???

pero tuloy padin ako, kami na ang laging magkasama. yayaan sa inuman at naghahatiran kami nagtatalo lagi sa mga bagay bagay.

isang araw wala akong pasok sa iskul at mag katxt kami ng umagang umaga, may tinanong siya sa akin

text conversation:

kuya rav: alam mo ba yung BI???

ako: ou naman, bakit mo naitanong?

kuya rav: jam matatanggap mo paba ako kung sasabiin ko sayo na bi ako?

ako: (bumilis ang tibok ng puso ko) ou naman bakit hindi?

kuya rav: talaga? salamat ha pero may isa pa akong gustong sabihin sayo?

ako: ano nanaman kuya? (kinakabahan na talaga ako sana wag) sabi ko sa sarili ko

kuya rav: kasi gusto kita, mahal na kita jam :""""((((

ako: bakit ako kuya? ayokong masira yung pagkakaibigan naten. (umiiyak na ako)

kuya rav: hindi ko alam pero ikaw talaga jam, mahal kita ayoko man pero ito ang totoong nararamdaman ko.

ako: hindi ko alam, ewan ko

after nun umiwas talaga ako, nag paalam na ako sa mga kagrupo ko na mag lalilo muna ako pero ng magtanong sila kung bakit? hindi na ako sumagot. nang mag gabi nag inuman kami at kasama dun si kuya rav. nag iiwasan padin kami, nagkakailangan. at doon ko nakita kung paano siya malasing. umiiyak siya as in hagulgol pero pinilit ko ang sarili ko na hindi ako mag paapekto at wag ng lumapit pa. lahat yata ng kasamahan namen ay tumutulong para patahanin siya pero lasing talaga siya pero ng maglaon ay tumahan nadin siya at mahimasmasan.

nag paalam na ako kahit nahihilo ako sa epekto ng alak, hindi ko na kaya yung nararamdaman ko. wala akong masabihan dahil walang nakakaalam na bi ako. umiiyak ako habang naglalakad sa ilalim ng dilim. malapit na ako sa bahay ng may nag text sakin.

kuya rav: jam nandito ako sa iskinita pwede bang mag usap tayo?

ako: (bago ako nag reply ay nag isip ako) sige hintayin mo ako kuya rav.

nakita ko siyang nakaupo at nakayuko pakiramdam ko umiiyak siya. tinabihan ko siya.

ako: kuya?

kuya rav: sorry sa lahat ha, hindi ko sinasadya na minahal kita

ako: kuya ako dapat mag sorry sayo, kasi sinaktan kita, iniwasan kita...binalewala ko lahat ng pinagsamahan naten pero inisip ko lang naman yung pagkakaibigan naten, ayokong masira yun.

hindi na siya nagsasalita...umiiyak siya

ako: kuya? m-mahal din kita (kasabay sa pagtulo ng mga luha ko)

hindi nagsalita si kuya rav, niyakap niya ako ng mahigpit mahigpit na mahigpit...doon ko unang naramdaman yung yakap na alam mong hindi ka pababayaan.

mula ng gabi nayun naging kami na, bilang normal na mag karelasyon ay may mga away at tampuhan pero naayos din ito. nanatiling naging lihim ang aming relasyon sa lahat. hanggang sa may nangyari na hindi inaasahan na nag palayo sa amin sa isa't isa.

itutuloy...

12 comments:

  1. Naku sa mga choir lalo na sa catholic tagala ang daming bi!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Eh ano naman kung bi wala yan sa relihiyon

      Delete
  2. ang baduy... halatang scripted and eksena, parang drama lang... at un ang nakakainis... OA

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahahahahaha! Agree! Tamaaa! Mmk nlg sana sinulat. D dito

      Delete
  3. Putik ! Boring ng storya e maala-ala mo na lang yan o gawin mong fairy tale na pambata.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Boring? E kc gusto mo kantutan lage ang usapan. May kanya kanyang kwento ang buhay ng tao. Ikaw? Anong kwento meron ka? Isulat mo kaya tingnan natin kung gano kakulay buhay mo. Isa ka sa nagpapapangit ng buhay ng mga nagbabasa dito. Matuto.kang rumespeto ng likha ng iba. Ang ganda nga ng sinulat nya compared sa comment mong alang kakwenta kwenta.

      Delete
    2. Hindi naman kasi nakakanatural ang eksena. Andaming hang-ups nung characters. Hindi maxadong convincing....

      Delete
  4. ou nga nice naman
    hala oe don't be so sarcastic

    ReplyDelete
  5. May pag ka maarti ang author... Kahit basahin pa sa umpisa... Alam na nmn nyang bakla siya bata pa lang at nagsumiksik sa simbahan para itago tapos nagmamaganda sa kuya kuyahan... Pa virgin lang? Utot...

    ReplyDelete

Read More Like This