Pages

Saturday, January 18, 2014

I Had A Bestfriend (Part 4)

By: Ben

Joshua: Uy sige mag memeet kami ng blockmates ko. Kanina pa sila nagtetext sa akin.
Jay: Aw ganyan. Last day na nga natin tong magkakasama kasi kahit iisang school lang tayo eh di naman tayo araw na araw magkakasama eh.
Joshua: Mag mimisa kami eh. Para blessing agad diba, first day pa lang.
Jay: Ang dami ng tao oh. Wala na tayong mauupuan. Kain na lang tayo.
Ako: Sige kanina pa ako bagot sa room eh. Pat, ano nga ulit course mo?
Pat: Mech Eng'g. Pare hirap daw makapasa dun. Kinakabahan na ako.
Ako: Arki nga daw walang singko pag walang tulog eh.
Jay: Kamusta naman AMV (Accounting po ito) Walang nakakatres. Puro singko. Hahahah.
Ako: Ikaw Joshua anong course mo?
Joshua: Ha? Ako? Ah... MedTech.
Ako: Saan yung sign nyo sa lover's lane? Wala yata akong nakitang MedTech dun.
Joshua: (nagshrug lang)
Jay: Pharma kasi yun alam ko eh. Under ng Pharmacy yung MedTech.
Ako: Ay diba si Gela Pharma?
Jay: Oo, madalas yan sila magkikita ni Joshua.

Halos ilang oras din kaming nagdaldalan pero hindi man lang kumikibot si Joshua. Naglibrary pa nga kami para magbasa ng something na related sa course namin para kunyari ready. Nasa likod ng upuan ko yung lamesa ni Joshua kaya ang hirap sulyapan. Maya maya tumayo ako para ibalik yung libro ko. Katabi ni Jay ng lamesa si Joshua.
Jay: Uy gisingin mo nga to.
Ako: Ayoko nga. Baka mabadtrip pa. (Biglang may nag shh sa likod)
Ako: Joshua, gising na. Alis na kami.

Nagmulat sya ng mata at ng makita ako eh nag iwas agad sya ng tingin. Tumayo ito para ibalik yung librong hiniram nya ng may malaglag na papel. Bilang isang mapag ambisyosong lalaki, inakala ko na love letter nya iyon para sa akin, yun pala notes nya galing sa binasa nyang libro na tungkol sa Philosophy. Ako nga nagbasa lang tapos parang nakalimutan ko din agad yung nabasa ko, tapos sya may notes agad.

Tumambay kami sa BubbaTea pero bago pa nun eh kinuntsaba ko sila Jay at Pat na iwan kami saglit ni Joshua para makapag usap ng sarilinan.

Ako: Uy CR lang ako ah. (Kinindatan ko na sila Jay)
Jay: Ay teka pupuntahan lang namin ni Pat yung PE namin sa grandstand. Baka meron na. Ge iwan na namin bag namin ah. Babalik din kami agad.
Ako: Sure. Ingat pre.
Jay: Mas kelangan mong mag ingat. Hahaha.

Napansin ko na sumimangot si Joshua. Nag CR na ako at pagbalik ko eh nakapangalumbaba lang syang nakatanaw sa labas ng store.
Tumabi na ako sa kanya since iniwan ng dalawa yung bag nila sa kabilang side ng mesa.
Ako: Patabi ah. (Tinignan nya lang ako at nagtuloy sa pagtitig sa labas)
Ako: Bat pala di ka bumili?
Joshua: Wala akong pera.
Ako: Libre kita?
Joshua: No thanks. Allergic ako sa milk tea.
Ako: Arte. Dati naman gustong gusto mo yun.
Joshua: Dati yun. Nagbabago ang tao.

BOOM! Lalim ng hugot mga pare. Natamaan lang ako dun. Diba dapat ako yung galit? Kasi ako yung nasaktan? Bat parang sya pa yung naagrabyado? Hay ewan ang kumplikado. We stayed quiet for a few minutes nung nakita naming pabalik na sila Jay. Tumayo na si Joshua para mauna sa labas.
Jay: Anong nangyari?
Ako: As usual, wala. Di naman siguro kami magbabati agad.
Jay: Nako pano na yan? Mahihirapan na kayo mag usap nyan pag may klase na.
Ako: Onga eh. Kabilang ibayo pa naman building ko. Tapos di ko pa alam sched nya.
Jay: Nako. Hingiin ko na lang sa kanya.
Ako: Wag na. Bilisan nyo baka maghinala pa yun.

Lumabas na kami para bumalik sa loob ng school. Tapos na rin ang misa by that time.
Joshua: Asan PE nyo?
Jay: Softball ako eh. Sa pasukan na daw.
Joshua: Softball din ako eh. Diba sinabi sa iyo na sa klase na lang yun ibibigay?
Jay: Wala eh. Ay kelan ba PE mo?
Joshua: Monday umaga.
Jay: Ay Tuesday akin eh. Umaga din. (Tinignan ako ni Jay ng makahulugan).
Pat: Uy sige. Sabi ko kasi kay Mama nakauwi na ako ng bago mag tanghali.
Jay: Sige sige. Ingat.
Ako: Kayo anong oras kayo uuwi?
Jay: Joshua, anong oras ka uuwi?
Joshua: Kahit ano? Sabay nalang ako sayo Jay. PNR ka din diba?
Ako: Anong oras ba last trip?
Jay: 7 ata.
Ako: Ah edi sa bahay muna namin kayo?
Joshua: Mauuna na lang ako. Papagalitan ako kung gagabihin ako.
Ako: Pagpapaalam na lang kita. Kabisado ko naman telephone number nyo eh.
Joshua: Di ka kilala ni Mama. Ge mauna na din ako.
Jay: Mamaya na, wala akong kasabay.
Joshua: Basta dito lang tayo sa school.
Ako: Okay, dito lang tayo. Magikot ikot na lang tayo.
Jay: Baliw talaga to si Joshua. Libre pagkain kila Ben.
Joshua: Saglit lang tayo ah. Uuwi na din ako agad. (Buti alam ni Jay ang panghikayat kay Joshua)
Jay: Ben tara na. San ba bahay nyo dito?
Ako: Sa Cubao pa. Sakay lang ng jeep.

Sumakay na kami ng jeep. Sobrang init nun tapos matraffic pa. Lagpas isang oras yata byahe namin nun bago makarating sa bahay.
Jay: Pasalamat ka sakin napapayag ko si Joshua.
Ako: Oo na. Buti dun kami sa room na tanaw yung field kapag umaga ng Monday. Makikita ko sya lagi.
Jay: Nakakahalata ang gago, lingon ng lingon.
Ako: Ate! Andito na kami. May pagkain na?
Ate: Oo kakainit ko lang. May kasama ka?
Ako: Wala talaga ate. Namamalik mata ka lang.
Ate: Tong batang to. Aba’y pasok kayo.

Kumain kami ng tanghalian. As usual kulang sa amin yung naluto kaya nagantay pa kami na matapos makapagluto ulit.

Jay: Tara na Joshua. Uwi na tayo. 5 na tayo makakarating doon.
Ako: Onga hatid ko na kayo.
Joshua: Wag na. Nakabisado ko naman daan.

Medyo shocked ako kasi maligawin si Joshua pagdating sa mga lugar lugar. Since may tiwala naman ako sa kanya kaya hinatid ko na lang sila sa pinto. Tinext ko si Jay kung naligaw na ba sila.
Jay: Gago ka talaga. Wala kang tiwala sa tao. Nakasakay na nga kami ng jeep eh.
Ako: Ingatan mo yan ah. Dami pa namang magnanakaw jan sa tren. Siksikan pa. Nako pag yan nagkapasa, papasain ka din sakin. Hahaha.
Jay: Opo. Para namang maaapakan sya sa tren. Ako nga tong dapat kabahan eh. Sa liit ko tong baka mapisat na lang ako.

Nung gabing yun nagdadasal ako na sana tama yung interpretation ko sa nangyaring pagkikita ulit namin. Na sana ito na yung time na magkabati kami, at kung pwede eh maging kami (Joke!) Pero yun nga, kahit magkabati lang, kahit hindi na bestfriends.

Ilang araw din ang lumipas. Freshmen Walk nun. Nakita ko sya kasama mga kablock nya na ang saya saya habang nagpaparada sa gilid ng Benavides Park. Pero meron syang laging kausap na lalaki. Maputi, matangkad mga 5 feet 10 inches siguro, medyo payat, gwapo; lahat ng hinahanap ni Joshua sa isang lalaki.
Nasaktan lang ako. Kasi yung tingin at ngiti nya dun sa lalaking yun… yun din yung tingin at ngiti nya sa akin dati. Gusto kong umiyak noong panahong yun. Sobrang sakit. Sa sobrang sakit, di ko na madescribe. Himbis na nagsasaya ako kasi eto yung araw na officially freshmen na ako sa unibersidad na ito, pero di ko mapilit ang sarili ko na maging masaya. Dumaan ako sa arko ng nakayuko, nagpipigil umiyak. Buti walang pumapansin sa akin, ayokong may makapansin sa akin. Kaya pumunta ako sa pinakalikod na upuan ng block namin. Maya maya ay dumating na at umupo na ang mga taga Pharmacy. Mula sa upuan ko ay kitang kita ko si Joshua, kausap nanaman yung lalaki. Parang ang saya saya nila. Lalo lang akong nasasaktan. Naramdaman kong nagvivibrate yung phone ko. Tinignan ko at nakita ko ang text galing kay Jay.
Jay: Oyy. Lungkot lungkot mo naman.
Ako: Pano mo ako nakikita?
Jay: Kita kita dito sa upuan ko eh. Kita ko din si Joshua.
Ako: San ka ba banda?
Jay: Sa likod lang ng Pharma.
Tumayo ako at nakita kong taga AMV nga yung nasa likod ng Pharma. Maya maya ay tumayo si Jay at kumaway sa akin.
Jay: Nako. Nagseselos si Benny Ben Ben.
Ako: Gagu ampangit ng ginawa mo sa pangalan ko.
Jay: Haha joke lang naman. Tinetext ko si Joshua pero di nagrereply.
Ako: Pano magrereply eh may kausap nga.
Jay: Sus wag mo na isipin yun. Magkaibigan lang sila. Hindi naman ganun kalandi si Joshua. Kakastart lang ng klase eh.
Ako: Oo na. Ge mag mimisa na. Mamaya na lang ulit. Ay manonood ka ba sa after party.
Jay: Ay oo, inaaya ako Joshua eh. Silent Sanct yung banda eh.
Ako: Sige sige. Sama ako ah.

Di pa man natatapos ang misa ay nagsimula nang umambon. Maya maya ay sobrang lakas na ng ulan kaya di na natuloy ang afterparty. Sinabi ko na din kay Jay na di na ako tutuloy kasi baka maabutan ako ng baha.
Jay: Kilala ko na yung lalaking kasama ni Joshua.
Ako: Ayokong malaman. Hayaan na lang natin sya. Kung mag babati, edi magbabati.

Sumali pala ako sa parkour group ng school namin. After a few weeks, recruitment ng university wide orgs nun, since di pa kami official org eh dun lang kami sa gilid gilid.
That one particular day, nasa tabi kami ng statue ni Benavides ng mapadaan si Joshua, kasama nanaman yung lalaking lagi nyang kasama. Pinapakitaan niya ito ng magic tricks gamit ang baraha. Syempre, manghang mangha naman si Joshua, kahit alam kong nakita na nya yung mga yun sa akin. Di ko alam kung bakit pero tinawag ko sya.
Ako: Joshua! (Napalingon naman sya at nginitian ako ng tipid at di abot sa mata)
Nagtanong yung lalaki kay Joshua (Lip read ko lang to tsaka medyo malapit lapit ako kaya medyo naiintindihan ko naman)
Lalaki: Sino yun?
Joshua: Wala. Kabatch ko lang.
Ay putang ina. Mamamatay ako sa sakit sa puso eh. Ilang beses na nya akong sinaktan. Ayoko na. Bat kasi umaasa pa ako na magkakabati man lang kami.
Nakita ko silang umupo sa upuan malapit sa pinagpaparkouran namin. Napalingon ulit yung lalaki sa banda namin at tumakbong lumapit sa akin.
Lalaki: Hey I’m Albert.
Ako: Ben pala.
Albert: I see you’re doing parkour. Y’know what, I’m interested in joining too.
Ako: Well, you should be physically fit to join. We don’t want injuries to happen to the members.
Albert: Well I could do a few trick lemme show you some.
Ako: You can’t do good tricks with your uniform on.
Albert: I have shorts and a shirt underneath, don’t worry dude.

Naghubad naman sya sa harap ko. Shocks galing talaga pumili netong si Joshua eh. Kahit ako naaakit eh. Ugh. Stupid brain. Kay Joshua lang ako. Nakapaghubad na sya at inabot yung uniform nya kay Joshua kaya medyo lumapit kami sa pwesto ni Joshua. Show off masyado. Syempre si Joshua naman todo support kay Albert. Tong isa naman, magaling. Tang ina di naman ako papayag kaya we did tricks together.
Joshua: Hey Albert, mauna na ako. Gagabihin pa ako eh.
Albert: Wait. Hey Ben, nice tricks. See you around. Tara na. Hatid na kita.
Joshua: Wag na. Ano ka ba? Nakakahiya.
Ako: Sige guys. Ingat.
Ang sakit talaga. Iniwan lang niya ako na parang wala kaming pinagsamahan. Bumalik ako sa grupo at tinuloy yung exercise.

Di ko alam kung masokista ako or what pero I found myself waiting for him outside his building. Nalaman ko kay Jay na lagi syang hapon kung umuwi and I don't mind wasting time para lang makita ko sya. Lagi ko syang nakikita kasama si Albert. I mean, kung dito nga sa labas eh ganito na sila kaclose pano pa kaya sa room? Minsan nga pag nakikita ko silang lumalabas ng building nila, napapansin kong sinusulyapan ako ni Joshua, pero baka pakiramdam ko lang iyon.

Do-or-die game against Blue School, nag-usap kami ni Jay at Pat na sabay kaming manonood sa Main building kasi mas malapit sa aming tatlo. Before pa lang ng game, andun na kami at nasa medyo gitna.
Jay: Ang init neto mamaya. Sa bahay nyo na lang tayo Ben.
Ako: Eh di mo mafefeel yung school spirit. Tiisin mo na lang.
Pat: Baka daw kasi maapakan siya pag nagchecheer na.
Ako: Di yan, protektado ka namin.
Pat: Uy si Joshua ba yun? (May tinuro siya sa likod namin)
Sabay sabay naming nilingon kung siya nga ba yun. Well, siya nga with Albert. Huhu bat dito pa sila nagdate. Di ko na lang pinansin kasi di naman din nila kami nakita. Nagsimula na yung game at tama nga si Jay. Sobrang init, lalo at nasa gitna kami. Kaya ko naman sana kaya lang basing basa na yung shirt ko so I have no choice kundi lumabas para makahinga naman yung katawan ko. Sinabi ko kila Jay na labas muna kami para makahinga naman yung katawan ko. Sobrang siksikan at ingay ng crowd while we’re making our way out. Bigla bigla na lamang may pumigil ng braso ko. I thought it was Jay.
Albert: Ben! Remember me?
Ako: Yeah, Albert right? Lalabas muna kami, ang init eh.
Albert: Can we come? Init na init na itong kasama ko eh. (Tinuro niya sa Joshua sa likod niya. Knowing Joshua, napakapawisin niyang tao na konting increase lang ng temperature eh pinagpapawisan na.)
Ako: Sure.
Tinignan ko si Jay sa likod at napailing na lang siya. Bat kasi ang clueless netong Albert na to? Ang manhid, di ba niya ramdam ang awkwardness sa amin? As soon as we exit the building, naginhawaan ako agad. Maya maya ay nagpaalam si Jay kila Albert na bibili lang kami saglit ng pagkain.
Albert: Sama ako.
Jay: Pano si Joshua, walang kasama?
Albert: (Tumingin sa akin si Albert.) I think Ben could manage. Classmates naman kayong lahat eh, I wanted to know you all.
Wala naman kaming nagawa kundi sumunod. Ngayon ko lang nalaman na nakakainis din pala ang taong friendly. Umalis ang tatlo, di ko man lang sinulyapan si Joshua kasi baka pag nakita ko nanaman yung poker face nya, baka masaktan lang ako.
Humakbang siya sa isa sa mga benches at umupo doon, sumunod na lang ako sa kanya at dumistansya.
Albert: Hey guys! Feeling a bit gloomy? Bakit di man lang yata kayo nagkibuan.
Ako: Ansakit ng lalamunan ko sa kakasigaw kanina eh.
Joshua: Same.
Albert: Aw too bad you can’t drink your coke floats. Akin na lang yung inyo.
Ako: Ay nawala na pala. Libre to ah.
Jay: Courtesy of Albert.
Ako: Woy thanks ah. Galante ka pala.
Albert: Di naman, Joshua’s friends are my friends.
Napansin kong di pa rin naimik si Joshua kaya sinenyasan ko na si Jay na kausapin ito. Di ko maatim na makita siyang loner. Kaagad naman itong tumabi kay Joshua at nakipagkwentuhan kasama si Pat. Kaya naiwan kami ni Albert.
Albert: You know what, you’re pretty hot. (Nagulat ako sa sinabi niya muntik ko na siyang mabugahan ng coke.)
Ako: Dude, are you hitting on me?
Albert: Eh… you could say that.
Ako: I’m not even good looking.
Albert: I’m not saying you are. No offense. But you are totally hot.
Ako: I’m not even gay.
Albert: Suit yourself.
Ako: Okay. I’m flattered that you find me interesting. But I already have someone, sorry.
Albert: I understand, sanay na ako.
Ako: Sanay na saan?
Albert: Rejection. Di ko nga alam eh, people say I am nearly perfect. Good looks, money, brains. But why in the world wala pa rin akong boyfriend hanggang ngayon.
Ako: Darating din yan dude. Maybe you’re too perfect for them.
Albert: I think dumating na. Joshua is gay right?
Ako: Bi. Don’t tell me, you have a crush on him?
Albert: Actually yes, so as his friend, can I ask for your help?
Aba’y putang ina pala tong gago na to eh. Sa akin pa nagpatulong.
Ako: Ano bang nakita mo sa kanya?
Albert: He’s just so ironic. Shy but funny. Ambitious but lazy. Intelligent yet easy to be amazed. I mean he’s not even hot for fuck’s sake but I really found myself falling for him already. I think this is what they meant for love is blind.
Ako: Tapos nilalandi mo pa ako kanina. Iba ka rin eh.
Albert: Segue dude. So yeah, can you help me?
Ako: Sorry pero di naman kami ganoon ka close to even influence him na sagutin ka niya or what. We’re just… batchmates.
Albert: Oh okay, what about those two? Do you think they could help me?
Ako: I dunno, Jay was his classmate. Why don’t you ask him?
Albert: Okay.Thanks dude.

Di na rin namin napatapos yung game kasi daldalan na lang kami. Though nanalo naman kaya okay na din. Medyo gabi na nang umuwi kaming lahat. Matutulog na ako kasi wala namang assignment ng nagtext sa akin si Jay.
Jay: Huy si Albert, nagpapatulong sa akin kay Joshua mo.
Ako: Joshua ko? Oh anong sabi mo?
Jay: Di ako pumayag. Sabi ko na lang di kami close ni Joshua.
Ako: Baliw ka talaga. Kinausap nga din ako kanina eh.
Jay: Syempre sayo ako boto kay Joshua. Tsaka di ko kaya yung English niya.
Ako: Loko. Matulog ka na. Inaantok na ako.
Jay: Assignment ko pa baliw. Ge matulog ka na.
Pursigido din talaga si Albert eh. Hay pano na kami ni Joshua, ni hindi pa nga kami nagbabati eh. Nagmumuni muni ako ng may magtext. Unregistered ito kaya tinignan ko yung laman. Lintik, si Albert.
Albert: Dude. Albert here. I got your number from Jay. Can I ask you a question?
Ako: ?
Albert: Are you busy?
Ako: Not really. Is that all?
Albert: Oh. That is not my question. Actually I was wondering, why are you and Joshua cold towards each other. I mean, it seems like you two have a difficult past.
Ako: Ah… wala yun. Di lang talaga kami close.
Albert: Actually,no. I stalked his profile. Gravedig. You two WERE actually bestfriends. I saw pictures of you two. I was just wondering why you two aren’t friends in Facebook? I hope I could help you bring back your friendship.
Bakit siya ganun? Ang kulit kulit nya sarap ipapatay. Nakakainis. Di ko na siya nireplyan. Tanong tanong pa siya alam naman na pala niya yung sagot. I know his intentions are good. Pero parang kahit anong gawin niyang kabutihan, maiinis at maiinis pa rin ako sa kanya. Siguro ito yung tinatawag nilang selos. Hay ewan, tinulugan ko na lang siya.
The next morning, I received 11 messages. 9 from Albert and 2 from my service provider. All the first 8 messages are non-sense, just saying “Ben”, “Hey dude.”, “Uhm are you still breathing?”, “Are you still awake?”, “Are you sleeping?” nada nada. The last message made me jolt from my morning sleepiness.
Albert: I always see you waiting for him to leave his building. I could see you watching him while walking with me. I know you wanted to reconcile with him. Let me at least help. We are already friends.
Di ko na ito nireplyan. Nahiya na ako sa sarili ko. Para na akong tanga. I think I’ll just let go of this stupid “rectify our friendship” idea.
After that incident, I never dared to go near his building anymore. Di ko alam kung dahil sa sinabi ni Albert o dahil tinatamad lang ako maghintay hanggang hapon. Pero iisa lang ang alam ko, hindi ako tatamarin pagdating kay Joshua. (Fuck Logic)
Finals week. Kahit na subsob sa review ay nagawa pa naming tumambay ni Jay.
Jay: O matatapos na first sem. Nagbati na ba kayo?
Ako: Di pa.
Jay: Nakapagusap man lang ba kayo?
Ako: Di pa.
Jay: Tuli ka na ba?
Ako: Di p... Gago ka ba?
Jay: Bat kasi anlalim nanaman ng iniisip mo.
Ako: Eh kasi namomroblema ako kay Joshua. Binring-up mo nanaman kasi.
Jay: Kinalimutan mo na ba siya? At ngayon mo lang naalala nung binring up ko?
Ako: Hindi naman. Pero kasi, alam mo yun...
Jay: Hindi eh.
Ako: Sumuko na ako. Ayoko na. May iba na siya. Masaya na sya kay Albert. Wala na rin naman kung magkabati kami. Alam kong di na babalik yung dating kami. Yung magbestfriends na kami. Yung closeness namin. Wala na. What’s the point in making up with him diba?
Jay: Eh kung patayin kaya kita ngayon? Okay fine. Di na nga mababalik yung “bestfriendship” nyo. Eh yung pagtingin mo ba sa kanya wala na?
Ako: Andito pa ri… teka sinabi ko ba sayo na may gusto ako sa kanya?
Jay: Well, nahuhuli ang isda sa bibig. (He said while grinning)
Ako: Pakyu. Subukan mong sabihin kahit kanino yan malilintikan ka. Kilala mo ako.
Jay: Opo. Ikaw po si Ben na babading bading na hindi man lang magkaroon ng lakas ng loob na kausapin at suyuin ang lalaking kanyang iniibig.
Ako: Pano mo nalaman na may gusto ako kay Joshua?
Jay: Pare, alam mo kasi kapag ganyan ganyan mabilis akong makaramdam.
Ako: Yung seryoso?
Jay: Alam mo kasi, di ko naman talaga alam eh. Hinuhuli lang kita kanina. Nagpahuli ka naman.
Ako: Ganun ba talaga ka halata?
Jay: Hindi naman. (Tumuro sa likod oh) Uy si Joshua oh!
Ako: (Ang bilis ko namang lumingon muntik na ako malaglag sa kinauupuan ko) Gagu ka wala naman eh.
Jay: Yan ang halata.
Nagusap pa kami ng non-sense after nun bago naming napagtripan umuwi.

Last day na ng Finals. Naglalakad ako sa Lover’s Lane dahil tapos na akong mag test. Whooo tapos na first sem. Nagdidiwang ako internally ng makita ko si Joshua. Buti pa yung first sem tapos na, tong puso ko di pa tapos magmahal. Mag isa lang siya at walang kasamang kumag. Nakayuko ito. Ngayon ko na lang siguro to makakausap ng matino.
Ako: Joshua!
Joshua: Ay kalabaw! (Nagulat ko ata)
Ako: Ansakit mo naman magsalita. Di naman ako kasing itim ng kalabaw. Moreno po ito. (Nagjoke man ako wala namang talab)
Ako: Pansinin mo na ako oh. Please. Balik na tayo sa dati oh. Sorry na. Sorry sa lahat ng ginawa ko. Sorry sa lahat ng sinabi ko. Sorry kasi di kita binigyan ng chance magexplain. Sorry kung hindi kita pinakinggan na balikan si Mary. Sorry kung di kita pinansin. Sorry kung naging masama akong tao sayo. Sorry kasi di man lang ako nagreply sayo. Di ko man lang sinagot yung mga tawag mo. Sorry kung pinilit kita noon. Sorry kung naging problema mo ako noon. Sorry kung nasira ko buong high school mo. (Sometime habang sinasabi ko yan eh napaiyak na lang ako. I don’t care kung may nakakakita or nakakarinig man samin) Sorry naman na oh. Nagsisisi na ako.
Joshua: Sorry din ah. Napagkamalan mo lang kasi akong ibang tao.
Tumayo ito at naglakad palayo. Hinabol ko ito at pumunta sa harap nya. Nakita kong yumuko ito at nagpunas ng mukha. Shit umiiyak. Pinigilan ko siya habang naglalakad.
Ako: Balik na tayo sa dati please.
Joshua: Hindi ganun ka dali yun.
Ako: Edi padaliin natin. Ayoko nang umiwas sayo. Ayokong makita ka na hindi man lang kita makausap.
Joshua: Wag dito Ben, please.
Ako: Saan mo gusto? Kahit saan basta mapatawad mo lang ako.
Joshua: You’re restraining my freedom to travel. It’s a crime against the Constitution (Sinabi pa niya yung article dito di ko lang maalala eh)
Ako: Wag mo akong maBill of Right dito. It is also against the Constitution to induce emotional stress to someone kaya pareho lang tayo ng sitwasyon dito.
Joshua: Ikaw ang unang naginduce ng “emotional stress” utang na loob kakasuhan talaga kita.
Ako: Di mo na ba talaga ako mapapatawad? Ganyan na ba katigas yang puso mo?
Joshua: Sino nga bang nagpatibay nito kundi ikaw. Now if you’ll excuse me masakit yang hawak mo sa kamay ko. Slight physical injury.
Ako: Di ka maglaLaw okay kaya tantanan mo na yan. Let’s just focus on our situation.
Joshua: And our situation is a hopeless case. Just try to forget me… like I am trying to forget you.

Nanlumo na lang ako nun. Binitiwan ko na siya. Napasandal at napaupo na lang ako sa isang bato at doon ay umiyak ng umiyak. Ang sakit pala talaga pag nagmamahal ka ng totoo at todo. Parang nanlalamig at the same time nilalagnat ka. Parang nanlalambot yung buto mo at nagkakastatic yung paningin mo.
Di ko na namalayan na nakatulog na pala ako dun. Nagising na lang ako ng tinapik tapik ako ng isang guard. Tumayo ako at naglakad palayo.
Kuya Guard: Lasing ka ba?
Ako: Hindi po. Napagod lang po sa exam. Sorry po nakatulog ako.
Kuya Guard: Nagdodroga ka ata eh. Namumula yang mata mo oh.
Ako: Hindi po. Napuyat lang po talaga.
Kuya Guard: Hay nako. Umuwi ka na, itulog mo na yang problemang pag-ibig na yan. Bata ka pa. Aral muna ah.
Ako: Hindi naman po Kuya eh.
Kuya Guard: Nako. Di mo ko maloloko pagdating sa ganyang pogi. Wag kang magpapasaksak ah.
Ngumiti na lang ako sa kanya at lumabas na ng gate. Alas siyete na pala. Nakasakay na ako ng jeep ng makita ko si Kuya Guard na nakatingin pa rin sa akin. Kinawayan pa nga ako nito eh. Di naman ako mukhang suicidal para bantayan pa niya ako na hindi ako magpapasagasa sa España. Pero thankful na rin ako sa kanya at kahit papano gumaan ng konti yung loob ko. Maybe I was right from the start. I shouldn’t have hoped that we’ll get together again, just like the old times.
_______________________________________
Sorry po akala ko nakapagpasa na ako di pa pala T^T Sorry po ulit sa delay

42 comments:

  1. matagal ko ng iniintay tong part4..sana may part5 pa pih..ganda ng story mo..loveit..mwa

    ReplyDelete
  2. YUNG.
    NEXT.
    PAAAAAART!

    ReplyDelete
  3. Ang sad naman neto. Nagkatampuhan din kami nung best friend ko nung high school. Taga UST rin. Feeling ko di parin nya ako napapatawad. T___T

    ReplyDelete
  4. ask ko lang po. out of curiosity..
    sino po ung ateng tinutukoy ni ben? kasi po wala naman po syang ate diba? ate nya po ba un sa ibang nanay/tatay? dba broken family sya? tapos po ung sa uwian ni joshua? diba po magkasabay sila dati umuuwi? lumipat po ba sila joshua?

    ganda po talaga nito :) as well as here and now :)
    sugoi!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ate po tawag ko sa kasambahay ko.
      Uhm nung HS po same way lang po kami.
      Pero nung nag college na, may bahay kasi si dad sa cubao so dun muna ako, then si Joshua nagcocommute. So di na kami sabay that time. But as of now, dorm na po si Joshua so okay na po.
      Uhm... napansin ko pong kumonti yung feedback, i dunno kung bakit? Sorry po ko matagal yung update. Di po kasi ako yung nagpopost eh :) So yun i dunno kung makakapagpost pa ulit ako since konti na lang naman yung interested :(
      -Ben

      Delete
    2. Ben, we're just busy in our studies :)
      don't worry, by Sat. and sun. there will be readers :)
      If the readers of this story decreases, then don't lose hope in writing!
      you still have readers that inspires you, and thanks for giving us some
      entertainment yet educational story! :)
      TYPE LANG NG TYPE FOR US :)

      Thanks Ben! I have waited for this story!
      PART 5 Please??


      -EHM :)

      Delete
    3. kahit iisa na lang ang reader mo me dahilan para tapusin ang inumpisahan mo. problema sa mga nag uumpisa pa lang magsulat nag de demand ng comment at pag konti lang comment panakot di na tapusin ung kuento. kung ganito ugali nyo wag na kayo magsulat kahit kelan di na kayo nahiya sa ibang reader na nagtityaga subaybayan mga kuento nyo di pa kayo sikat sobra na kayo makapag demand...

      Delete
    4. Sino ka para sabihin yan? may alam ka ba sa PAGSUSULAT NG KWENTO? the connection between the sender and reciever? nag aaral ka ba ng Comm Theory?? IKAW ANG TATANUNGIN KO! Para saan ang pagsusulat mo ng kwento ? kung writer ka man?? diba for readers?? kaya nagsusulat ang writer is for
      readers! so kung walang feedback sa sinulat ng writer, for what pa ang pagsusulat nya kung wala naman papansin at magbabasa?? and, with this medium, comments
      from readers are presented as the feedback! wag kang maging kritiko sa isang bagay kung wala ka namang alam or your knowledge is dearth with the field of the certain study! kasi hindi naman talga dapat!! better to study the comm theory para malaman mo kung bakit ganun ang writer!! tsss!
      Kala mo kung sino!! WAG KA MAGBASA DITO! hu u ka ba??


      Sorry ben huh! BASTA MAY MAGHIHINTAY SA PART 5 :)

      -EHM

      Delete
    5. Tnx sa paglilinaw author. Well said po. Haha medyo lumaktaw lang ng konti pero nakacatch pa rin naman ako..

      Dont worry bout your readers. Tama s ehm aniki!! Busy lang po Kami haha


      Haha easy ehm aniki!! Ignore mo nalang ung mga ganyang Tao hahaba lang yan mauuwi pa sa away

      -nag.comment nito

      Delete
    6. what so ever pa nga ba? hahaha!!
      wa na nga lang patulan!haha!!
      xD
      Hoy author ung part 5 ah!!
      :)

      -EHM

      Delete
    7. HALAAAA Ui!! ayaw pag strong! sagpaon taka?! HAHAHA! joke lang.

      may point naman kayung dalawa, bakit pa siya nag susulat kung hindi niya naman tatapusin.. hindi niya naman kelangan manakot na hindi niya tatapusin para lang marami ang magbabasa.. dapat alamin niya muna kung maganda ba ang story niya, before niya ipublish dito hindi yung agad agad siyang magpopost tapus mamaya bigla na lang manakot kasi kunte lang ang nagcocmment, what if kung talagang ayaw lang nila mag comment.. hindi naman kasi nababase yan sa mga comment ng mga nambabasa.. HMMM!

      may tama naman, itong EHM. HEHEHE! :D
      pero hindi ko masabisabi kong bakit basta may tama ka rin sa sinabi mo.. you are bright person! choooos!

      para naman sayo Ben, KEEP IT UP!
      tapusin mo, maganda ang flow ng story,. :D


      P.S
      (hindi ako balimbing huh? nagsasabi lang ako ng totoo.. HEHEHE!)

      Delete
    8. Hahahahaha!!!! xDD
      SABIHIN MO KUNG ANO YUN!! hahaha xDD
      -EHM

      Delete
  5. fantastic next part please wag ka maarte author hahaha next part na:)

    ReplyDelete
  6. Hala ang daya :( pag yan ben di mo tinapos lagot ka sakin hmph!

    gelo

    ReplyDelete
  7. Kabatch kita. Kabuilding ko ang joshua mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Find him for me please haha xD Bantayan mo kung may kalandiang iba :D
      -Ben

      Delete
    2. Sige sige! ako spy mo kay Joshua mo. di ko nga lang sya marerecognize :(

      Delete
    3. gwapo ba si joshua sa totoong buhay? HAHAHA! (curios lang po)
      alert! reply ura-urada.. HAHAHA! jk.

      Delete
    4. Di sya gwapo, di kami gwapo :)) pero tatlong beses ko nang nabasa pangalan nya sa (insert school's name here) files. Puro ang inaadmire yung pango nyang ilong, yung wild crazy smexy hair nya, yung smile nya na parang bata daw. Basta yung buhok nya eh medyo wavy tas mahaba haba sya na yun :3 dami nang clues pare ah hanapin mo yan nako :)
      -Ben

      Delete
    5. Pre, describe mo pa nga. Haha mahihirapan ako hanapin yan. Gaano kahaba buhok?

      Nasa *** files sya? Hanapin ko yung mga post na yun. Taga faculty nya rin ba ang nagpost?

      Irereport ko ba sayo pag nakita ko na? Haha.

      Delete
    6. Basta lagpas ng collar nya, pero di yung tipong napopony tail na :) Uhm medyo madami pa rin pimples nya :3 Black na jansport na bag as in plain black. Yun na lang natatandaan ko eh. Dati kasi nagsasalamin sya, ewan ko lang ngayon kasi pag nakikita ko sya di naman na sya naggaglasses eh. Basta hahaha xD Pambabae real name nya :)
      Yeah nasa *** files sya, pero medyo matagal na yun, last year pa. Nope, Yung una girl from AMV, second boy from commerce, third girl from CFAD. Hahaha intercollegiate ang kagwapuhan nya hayop :D
      Yeah report immediately :)
      -Ben

      Delete
  8. May nangyari ba nung paskuhan??? Bukod sa nabasa at naputikan :DD

    Naaaks part 5 na yaaaan!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uhm.. Abangan nyo na lang po :D Madami nangyari nun eh. Maybe I'll put it in one whole chapter :3
      -Ben

      Delete
  9. andito pa kami.. HAHAHA!
    maganda kaya ang storie.. wag ka naman ganyan, tapusin mo ang story mo. MAGANDA kaya :D

    P.S
    wag kang panghinaan ng loob mag sulat dahil kunti lang ang interested.. marami yan, pagod lang siguro mag comment.. HEHEHE!

    basta tandaan mo NANDITO lang kami, para basahin yan STORIES mo :D

    -Alvis

    ReplyDelete
  10. Haha thank you po nakakaoverwhelm naman po yung support. Okay po kahit wala na magcomment sa chapter V ill continue writting po.
    And uhm original story po ito so pag nakita nyo po sa labas ng KM pakinotify na lang dito.
    Ill write chap V after netong plates namin lol
    -Ben

    ReplyDelete
    Replies
    1. HAHAHA! naman!
      medyo haba-habaan mo para mas maganda, para di masyado bitin.. HAHAHA! (demanding lang) HAHAHA!

      -Alvis

      Delete
  11. ei ben...hi there...una ko kcng nbasa tong part 4 u and i find it interesting kya hinanap q ung part1 to part 3...and eto ung story npakasarap basahin s lahat...sna my mga kasunod p...and hopefully mging maaus ang lhat...npakainteresting ng story mu ndi gaya ng ibang story dto...kung my ratings lng dto u will receive the highest point compare to others...sna my kasunod n...i cant wait to read it

    ReplyDelete
  12. go ben..:-)

    gusto ko n mabasa part5 ng kwento mo...
    May chance pa ba kayo magkaayos ni joshua..d n ako mkapag intay sa susunod na chapter..hehehe

    ReplyDelete
  13. I love the story!!! Keep it up author! :-) :-) ...

    ReplyDelete
  14. Shet nakakarelate ako </3 ang sakit :’(

    ReplyDelete
  15. Ben ako yung reader mo pag hinde mo tinuloy iiyak tlaga ako huhuhu, from part two up to now..
    masyado lang tlaga ako bz kaya ngayon lang ako nkapgbasa sa site nato. Tgal ko tong inaabangan sobra...next na author.one of the best stories here in km. Sana mkapg adjust kna. Kawawa ka namn lagi na lang nghahabol..don't worry mawawala din yan panahon lang ang kylangan..napgdaanan ko din yan.. pls WG tagalan yung pag update...:-)

    ReplyDelete
  16. Hello Ben! si Ben din ito pero palayaw ko lang hehe, i read your chapter 1 till 4 and kapul na kapul ako about sa issue mo sa bestfriend mo. ako rin kasi nagkaBestfriend kaso this 1st yearf college lang and ang problema lang samin siya ata ang nawalan ng time for us. Pero feeling ko umiiwas din yung bestfriend ko, on the 1st place kasi hindi ko alam na gusto ko siya nuon at nagpapakita na pa ako ng motive ng feelings ko. Kaya yun sobrang sakit talaga lalo na napapalayo ang minahal/mahal mo kahit alam mong anjaan lang siya at nakakasama mo rin :(

    ~Ben (Reader)

    ReplyDelete
  17. please continue the story..i really love the story and i keep reading it from the start until the last chapter due to busy schedule..i'll be waiting for the next chapter

    keep safe guys :D

    ReplyDelete
  18. Ang aarte niyo. Mag-aral muna kayo! Hahaha!

    -AMVian, 2012

    ReplyDelete
  19. ASAN NA PO KAYA ANG PART5 NG KWENTO MO ILANG WEEKS KO N PO INAABANGAN..MERON PA PO BANG PART5..TNXXZ..

    GANDA NG STORY MOH

    ReplyDelete
  20. kuya!! yung part 5 na po.. please...

    ReplyDelete
  21. This is the first story that i've read here na naabot ng part 4 so i'm expecting a part 5. Gusto ko kayong ipahanap sa mga classmates kong mag-yuUST din :( Sana magkaayos na kayo.

    -Mch

    ReplyDelete
  22. Pucha naman Ben, ang sakit naman ng ginagawa mo sa sarili mo. :( Nakakapraning 'tong kwento mo.

    Next part. Please? Hehe. Sana okay na kayo ni Joshua. Gosh! I'm a fan na! :)

    ReplyDelete
  23. Tangina I love this story! <3 =))) I was also there sa freshie walk with my bestfriend tho we're not from UST =)) Sobrang lakas ng ulan nun. And oh, we kinda drifted apart na rin because of college </3 Wala lang ang coincidental kasi like I was there when this happened. =)))

    ReplyDelete

Read More Like This