Pages

Friday, March 28, 2014

Save Room (Part 2)

By: Theo

Hi mga KM readers! It's Theo again sharing the second part of my story. Sobrang overwhelming po ang mga comments sa unang part at naappreciate ko lahat! Maraming salamat po. Sa mga hindi pa nakakabasa ng part 1 at may interes, mas maganda kung inyo munang babasahin ang unang bahagi para sa mas malinaw na pagkakainitindi sa istorya. Inuulit ko po, hindi po ito pataungkol sa sex. The lines I've used to reflect every scene ay galing napo sa iba't ibang kantang alam ko para narin mabigyan ng kulay ang bawat eksena, hindi na sa kantang "save room" ni john legend. Enjoy reading mga ka KM!

About 2 and a half years ago, I was asked by a friend to sing sa wedding ng kaibigan nya. Bale yung bride yung kaibigan nung friend ko and she said na nakita daw kasi nung bride yung video ko sa youtube singing na nai-post ko din sa facebook that's why she asked me to sing for her wedding. That was Saturday,  August 20, 2011 6am. Garden wedding in Antipolo. Masarap ang simoy ng hangin at ramdam mong papa ahon palang ang araw, naririnig mo pa ang mga ibon na nagsisikantahan. I was standing at the left side of the altar, seeing all of the guests while marching towards their seats, ako naman kabado kasi ako ang kakanta ng bridal march. The groom was wearing a white suit and silver watch, at samahan mo pa ng clean cut hair na lalong nagpa gwapo sa kanya. I'm not sure yet kung ano ba ang itsura nya that time kasi nga halos nakatalikod siya sakin but I know he's handsome kasi maganda yung bride (judgemental me). Tapos na mag martsa lahat and nag-start narin patugtugin yung music ng kanta ko. I adjusted my bow tie and started singing.

"The first time I fell in love was long ago, I didn't know how to give my love at all"..

The bride was very beautiful while she was walking down the isle pero medyo pale siya, siguro kinakabahan kasama ng saya. Nag "ok" sign pa siya sakin and uttered "thank you" to acknowledge me. Nasa kalagitnaan na siya ng isle when I saw her crying so hard, looking to her man's eyes while saying "I love you so much".
That moment brought tears to my eyes at medyo nahirapan ako kumanta because of the emotions I felt. I'm on the second chorus nung makarating ung bride sa groom nya, I really felt the song when I reached the bridge so I closed my eyes.

"Coz' all of my life, I've waited for this day, to find that once in a lifetime, this is it I'll never be the same"...

"Mahal! Wake up! what happend hey, c'mon not today please I'm not ready yet please stay with me! Not now Mahal please! Dad! Tulungan nyo ako ! Kuya please get the car!"

I immediately stopped singing when I felt that something's wrong and opened my eyes. It was a sudden change of mood, kanina lamang ang lahat ay excited at masaya, nagbubulungan, ang iba naman ay naiiyak sa tuwa, but that moment after hearing those phrases from the groom natulala ako sa mga nakita ko. Aligaga ang lahat. Dalawang pares ng mga magulang ang umiiyak sa harap ko, habang ang bride ay nakahiga sa lap ng groom at alam kong wala siyang malay. I didn't know what to do so I just stayed where I was ng nakatulala. Huminto ang music and all I can hear was the wind blowing at ang pagtangis ng groom. I'm not sure if I get it right pero it seems like they were expecting it to happen any moment, nataon lang nung araw na yun. I was really touched how the groom brushed his bride's hair, kissed her and said "I love you Mahal" for a million times. I was stunned when the groom looked at me with tears, I really don't know kung anong ibig nyang sabihin kaya napatungo ako. After few seconds, itinaas ko ang ulo ko, wala na sila. I wished I made her happy by participating on her wedding day, kahit na huli na. Haist. After that I never asked what happend and I even told my friend not to update me coz' my heart is not ready, baka di ako maka move on.

--Life is like a box of chocolate, you'll never know what you gonna get--

Boom!

Another slow motion nanaman to. Wala akong marinig, pero nakita ko ang paglobo ng safety air bag mula sa dashboard ko na siya namang nag-ipit ng ulo ko in between my car seat. Tapos mga ilang beses nang may tumatapik sa pisngi ko, yung huli medyo napalakas ata kaya nagising ako sa ulirat.

"Hey!Hey! Stay with me, can you hear me? Come on don't close your eyes stay concious" sabi nya sabay tapik sa kaliwang pisngi ko. Ako naman, nasa ulirat na pero nakatulala parin sa muka nya, his face was few inches closer to mine, naamoy ko na nga yung coffee na inorder nya. He was looking straight to my eyes, na-imagine ko pa na may head gear siya na parang character sa 300 haha at isang malakas na tapik pa at napabalikwas na ako.

"Do you want me to take you to the hospital? Anong nararamdaman mo? Come on say something!" Medyo napasigaw na siya ng marahan dahil hindi parin ako nagrere-act. Sa totoo lang sumakit ang ulo ko sa pagkakaalog, nawalan nga ako ng malay for few seconds. "I'm ok, konting alog lang to, what happend?" sabi ko sabay baba ng sasakyan. Tumambad sakin ang mga piraso ng bubog galing sa nabasag na kaliwang headlight ng kotse ko at kaliwang tail light ng CRV nya. Ako pala ang may gawa. Sabet.

"Shit!" Anas ko habang ibinubundol ang noo sa kamao ko. Medyo lumabas ang pagiging sanggano ko nung mga oras na yon. Hindi naman nagsasalita yung lalaki. Sa isip ko minumura ko na si Kane sa lahat ng mga nangyari nung araw na yon. "It's all because of you!" Impit kong sabi. "I'm sorry what?" tanong nung lalaki. "No, I'm not pertaining to you Sir sorry, I'm really sorry, hindi ko sinasadya, sobrang abala to sayo Sir pasensiya kana talaga".

"No no, I understand, wala naman magagawa yung galit ko if ever diba? And besides may kasalanan din naman ako sayo, hmm just tell me how we can fix this then we're good. So we'll see each other again?" sabi nya. Di kaagad ako nakasagot, Ano ba to anghel? Sabi ko sa sarili ko. "Ok I appreciate your kindness Sir, ganito nalang, I'll give you my calling card, indicated dyan yung contact number ko, my company, my physical address and email. Please contact me after mo mapaayos yung car mo and let me know how much ang nagastos so I can wire it to you. Or we can meet somewhere so I can pay you.
"Ok so let's meet nalang ulit para makita mo rin yung receipt if ever ok?" Halata na dismayado siya sa nangyari pero pinili nyang intindihin ako dahil alam nya ang pinagdadaanan ko, nakuha pang ngumiti. Grabe na to, para syang may halo sa ulo. Pero may kaunting excitement akong naramdaman dahil magkikita kami ulit.

--Morning will come and I'll do what's right, just give me till then and I will give up this fight--

Hindi ko muna dinala yung kotse ko sa auto repair shop, instead I parked it at dumiresto nako sa unit ko. Sapo parin ang ulo while naglalakad sa hallway. "Hey I'm not inside so please stop tickling that doorbell, its annoying". Sabi ko kay Cassie. "I'm not gonna ask if you're ok coz' obviously, oh my God what happend?! Bakit may dugo yang ulo mo?!" Siyempre nagulat din ako, medyo may pagka OA kasi talaga si Cassie mag react, diko napansin na nasugatan pala ako sa aksidente. "I'm fine, konting car trouble lang kanina, so congratulations Theo officially single". Sagot ko with sarcastic gestures. Napansin kong may box sa side ng pintuan ko, and my idea naman ako kung ano yun. Kunwari hindi ko napansin.

"I need to rest Cassie, sorry you have to go". Bago pa man ako makapasok ay hinila na ni Cassie ang braso ko and I know kung anong gusto nyang mangyari, so kinuha ko yung box at ipinasok sa loob and said, "go home Cassie I'm fine". Sabay sara ng pinto. Naptitig ako sa box at nakita ko yung pair of nike airmax na niregalo ko kay Kane few months back. Why memories are the only things that don't change, when everything else does? Tanong ko sa sarili ko. Binuksan ko ulit ang pinto and as expected, Cassie was still there. "Kaya pa?" Sabi nya with arms widely opened at nanggigilid na luha sa mata. Pinapasok ko siya sa loob, sat down at boom! Bumalik lahat ng ala-ala, good and bad then I started crying so hard na parang batang humihingi ng sympathy. Walang nagawa si Cassie but to tap my back and cry with me. Oh yes, I was hurt as hell, pero I managed not to tell Cassie the whole story, ayoko narin kasing humaba pa and lumabas na sobrang sama ni Kane. And alam ko naman na may idea na siya.


--Pretty pretty please don't you ever ever feel like you're less than fuckin' perfect--

I was about to leave for my gig when someone texted me.

Leo: Hi, Leo here remember? The guy at the coffee shop?
Me: Hey, ahm so ok na CRV mo?
Leo: Yes, I brought it immediately to a car professional near my place. How about your car?
Me: Meh, ayun nasa parking lot, wala pako sa mood ipaayos bukas siguro. So magkano inabot para makapag widraw ako. And by the way I have a gig later at M---- if you want you can drop by so I can give you the cash nalang. You can google it kung hindi mo alam yung place.
Leo: Don't worry about it muna, panget naman kung sisingilin kita agad diba. I just wanna let you know at gusto ko din kamustahin yung car mo. Ok I'll see if I can drop by medyo madami pakong pasiyente eh. Good luck!

I felt good after my first set. I sang emo songs, mejo naibuhos ko lahat sa mga kanta sa line up ko. Halata din on how I played the keyboard masyado daw madiin sabi nga nung isang guest. Eversince, music is really my bestfriend. Kahit ano pang emotion ang nararamdaman ko, I can sing it out, then after, I'll feel better. I was ready to take my second set nang dumating si Cassie. I know she's trying to be supportive sa mga panahong kelangan ko ng booster ng self esteem. "Sorry sobrang late naba ako? Si Linc kasi antagal matulog, medyo nakatunog ata na ikaw ang pupuntahan ko, alam mo naman yun number 1 fan mo din. You look good tonight anong meron? Ayan nanaman kasi pinapakita mo nanaman yang boobs mo este chest pala haha kalalaki mong tao anlaki ng dede mo!". Opening daot sakin ni Cassie sabay hawak sa maumbok kong dibdib. Oh well I was wearing an over size sando tapos naka jacket na nakabukas din yun front. Sumignal na si Billy na I should get up on stage for the second set. Lighter ang mga songs ko for that set so I knew magiging masaya ang gig ko that night.

Konting paandar sa keyboard then "Ooh, ooh, I would like to call my friend Cassie on stage, come sit with me baby". Sabay nakakalokong kindat at smile dahil alam kong I put Cassie into the spotlight that time. The crowd started to cheer, at si Cassie wala ng nagawa kundi umakyat sa stage and sat beside me. "Lagot ka sakin mamaya." Sabi nya pero naka smile at may pa kaway kaway naman sa audience ko. Then I started singing..

"Baby, baby, baby, from the day I saw you, I really really want to catch your eye.. There's something special bout you, I must really like you coz not a lotta girls are worth my time.."

I was with all smile, nakakatuwa din kasi si Cassie at yung mga audience, parang lahat sila kinikilig, hindi kasi ako halatang gay kaya they thought I'm really flirting with her. Then when I hit the chorus..

"And it feels like oohh, you don't know my name, and I swear it feels like oooohhh you don't know my name.."

Napako ang tingin ko sa isang lalaking kakapasok lang wearing a washed maong jeans tapos v neck tshirt. Gwapo. Familiar siya. He sat few tables from the stage kaya mejo hindi ko na siya maaninag dahil madilim ang audience. Natapos ang second set na puno ng kasiyahan, I had jammers nadin kaya medyo nakapagpahinga ako. Binalikan ko si Cassie na nakaupo naman sa left side ng stage. "Hoy ikaw talaga hindi moko sinabihan na may ganun pala, hindi ako ready eh!" Sabi ni Cassie sabay kurot na mahina sa tagiliran ko. "Surprise nga diba? I thought you love surprises? Saka one way ko yun to say thank you for making me feel better, you know, oh order kapa ha treat ko." Sagot ko. Itinaas ko ang kamay ko para tumawag ng waiter but instead na waiter ang lumapit eh yung guy na naka maong. He extended his hand. "Hi how are you? You're quite a performer ha, I'm a fan." Sabi niya, ako naman nakipagkamay narin. Mejo blank kame pareho ni Cassie kasi hindi ko nga maalala yung lalaki at isa pa i forgot to wear my contact lenses kaya blurry yung itsura nya. "Ahm, nakakaistorbo ba ko? I came here kasi sabi mo dito nalang tayo magkita about sa car?" Explain nya. "Oh! Sorry ikaw pala yan Leo! Yeah honestly you look like a different person without eye glasses, come on on grab a chair". So siyempre si Cassie napatingin sakin ng may malisya, so dinilatan ko siya ng mata. "Ahm Leo this is Cassie best friend ko, Cassie this is Leo medyo mahabang kwento pano kame nagkakilala." Then they shook hands. Nagka kwentuhan ng konti about sa car, sabi ko hindi ako nakapagdala ng sapat na cash so maybe I need to widraw, he insist na wag nalang muna dahil hindi naman daw ganun kalaki yung naging sira.

I was on the fifth song of my third set nang sumenyas si Cassie na mauuna na siya. Matagal din ang naging kwentuhan nila ni Leo kaya naman ng sumabay si Leo palabas ay naisip kong sabay narin sila umuwi. Nagulat ako ng bumalik si Leo after few minutes then sat on the same table kung nasan sila ni Cassie kanina.

"You give me something, makes me scrared alright, this could be nothing but I'm willing to give it a try. Please give me something because someday I might know my heart."

I wrapped the night with that song and lumapit na kay Leo. "That was a great flawless show Sir". Sabi nya habang pumapalakpak pa. He was smiling at ramdam ako ang appreciation nya sa talent na ipinakita ko nung gabing yon. Yung smile nya nakakawala ng pagod, nawawala kasi ang mga mata kapag nagsmile siya, and he really look few years younger kapag wala siyang salamin at hubog na hubog ang katawan with a simple white shirt. "Palakpak lang walang tip? Joke! So are you going home or are you gonna stay?" sagot ko. Si Billy naman sumenyas para sabihing kunin ko yung talent fee ko for the night sa cashier. I declined kasi that bar became my shelter nung araw na yon na down ako, and it made me feel a bit healed kaya I should be thankful. "Sabay nako palabas". Sabi ni Leo.

"So pano na yung sa car mo? Ahm dala ko naman yung ATM ko kaya pwede ako magwidraw jan sa kabilang kanto just tell me how much". Tanong ko. "No no, maliit lang naman yung nagastos ko so I think no need for cash, isa pa hindi naman ako nagpunta dito para maningil, I want to be entertained tonight and you just did. Ganito nalang, invite mo nalang ako sa mga gig mo that way parang binayaran mo nako deal?" Sabi nya sabay abot nanaman ng kamay, agad naman ako nakipagkamay sa kanya so we can close the deal. Mejo napatagal lang ako sa paghawak ng kamay nya, I didn't know yet kung anong work nya, pero ang lambot ng kamay nya for a guy. "So since wala kang car ngayon, might as well sumabay kana sakin until dun sa kung san ka malapit, white plains lang ako, ikaw ba? Offer nya. "Katipunan naman ako, Ahm kung hindi naman nakakahiya sige sabay na ako, then drop me off bago ka pumasok ng subdivision nyo so I can ride a cab".

"Siya ay dog, doctor dog, siya'y mabait".

Natawa ako ng tumugtog ang kantang yun na parang nursery rhyme when he started his car, tapos siya naman nagmadaling patayin yung stereo, namula pa sa sobrang hiya. "Haha that was cute! Anong song yun?" Tanong ko na may halong pang aasar at inulit ko pa yung naalala kong linya ng kanta. "Haha I know para sa isang musician na katulad mo that song sounds baduy, honestly I'm practicing it kasi sa Saturday meron kaming outreach program na pupuntahan, cancer patients. I'm a vet by the way, we bring doctor dogs sa mga cancer patients kasi magandang therapy yun sa kanila". Pag eexplain nya na medyo natatawa parin sa reaksyon ko. "Sample nga kantahin mo yung napraktis mo" hirit ko, siya naman banat ng isang linya ng kanta, sintunado pero nakakatuwa pakinggan, may "aw,aw" dog sound pa sa dulo. Ang cute lang. Nalaman ko na co owner siya nung vet clinic na pinagta-trabahuhan nya na malapit lang din sa kanila. Nakwento nya rin yung mga napagkwentuhan nila ni Cassie and good thing they get along.

"Oh lampas na ata tayo sa white plains, pa katipunan na to eh". Pagreremind ko sa kanya, "Ay oo nga no, sige turo mo nalang sakin yung way papunta ng condo mo para di kana mag cab". Offer nanaman nya. Siyempre natuwa naman ako pero hindi ko pinahalata. "You know what, you're a nice guy and I hope we can start a friendship out of that incident, ok lang ba?" Tanong ko, at oo naman agad ang sagot nya na may kasama pang smile then took a glance on me. "Ahm kaliwa jan sa kanto tapos dun na yun condo ko." Turo ko sa kanya.

"So pano dito nako, thank you sa paghatid and sa pagpunta sa gig ko. Til next time?" Pasalamat ko. "No thank you coz' nakita kita ulit kumanta. Go ahead so you can rest." Sabi nya. Ulit? medyo nagtaka ako pero hindi ko na halos napansin yun dahil pagod na nga ako. Pumasok nako sa lobby ng condo pero hindi pa rin siya umaalis. He looked at me at parang nagsalute sign pa, nagets ko naman agad na maybe he'll stay until makapasok ako ng elevator. Umupo muna ako saglit while waiting, then finally bumukas na ang elevator. I looked back to tell him na he can go, then pagharap ko tumambad sakin si Kane kasama pa yung lalaking kasama nya sa condo nya nung araw na yon. Bakit ba siya nandito at san siya galing? Bakit ba punong puno ng slow motion ang buhay ko? Napahinga ako ng malalim, hindi ko mabitawan ang hangin sa dibdib ko ng ilang segundo dahil parang bumalik sa ala-ala ko ang mga nangyari sa condo ni Kane. Pero I managed to look straight, chin up, smile and told my self "Theo, ang gwapo at ang hot mo tonight". Matapos kong gawin yun ay pumunta na yung lalaking kasama ni Kane sa guard to fill out the logs, si Kane naman ay lumakad papalapit sakin. Nagsasalita siya pero parang hindi ko naririnig because I'm really not ready to listen at kung ano ano ng pumasok sa utak ko, pero nakatingin ako sa mga mata nya. Suddenly, may biglang umakbay sakin that brought me back to my senses and said "So akyat na tayo?". Napalingon ako sa kanya at nagulat ako ng makita kong si Leo ang lalaking yon. Hindi na ako nakapagsalita, ganun din si Kane. Leo gave Kane a big smile and grab me towards the elevator. Nilingon ko si Kane at nakita kong nakatingin parin siya sa aming dalawa ni Leo at alam kong binubugbog na ng questions ang utak nya. I smiled habang nakatingin kay Kane at sa lalaking iyon until magsara ang elevator. Kaming dalawa lang ni Leo sa loob.Tahimik. Walang may gustong magsalita. Sa part ko, parang sasabog na ang dibdib ko, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ni Leo sa mga oras na yon. Walang paguusap na naganap until makarating kami sa floor kung nasan ang unit ko. I checked my phone bago pako nagsalita. Nagtext pala si Cassie about 30 minutes ago. Informing me na andun si Kane to give her yung isang bagay na nakalimutan nyang isama dun sa box. Tigas lang ng mukha nya kasi sinama nya pa yung bago nyang syota.

"Hey salamat kung anoman yung ginawa mo kanina, ok nako dito. Ingat ka paguwi mo ha." Turan ko ng hindi nililingon si Leo dahil ayaw kong makita nanaman nya akong mukang desperado. I walked towards my unit nang narining ko ang tunong ng elevator. Nag sink in nanaman sakin ang lahat, then I felt the excruciating pain again. Binilisan ko ang lakad so I can breathe and relax, pero tumulo na ang luha ko bago ko pa marating ang pinto. I was about to unlock the door when someone grabbed my arms. "Don't be afraid to cry in front of me, you can even cry over here ok lang sakin, I'd tell you, you'll feel better". Sabi nya habang nakahawak ang kanang kamay sa kaliwang balikat nya. I didn't know kung anong pumasok sa isip ko pero bigla ko siyang niyakap at biglang bumuhos ang luha sa aking mga mata. He even hugged me back so tight that made me feel na hindi ako nag-iisa.

Itutuloy....

17 comments:

  1. theo, ang ganda ng story mo. Kinikilig ako. Sana may kasunod agad. Sana si leo na ang taong nararapat sau.

    ReplyDelete
  2. ivan pala. Nakalimutan kong lagyan ng name. :)

    ReplyDelete
  3. That's soooo sweet... *kilig*

    Sana mangyare saken to.. lol mabangga tas makilala ko ang para saken.. hahahahaha..

    -Oinkie

    ReplyDelete
  4. Ganda ng kwento. I love your story. Siguro si leo yung groom ng bride. Haha so excited for the next update. Thank you author!!!

    ReplyDelete
  5. Ano 4:06 , ingat ingat sa pagwiwish. Baka magpakabangga ka eh makikilala mo yung tao para sa iyo, c san pedro. Sumasalangit nawa!

    ReplyDelete
  6. i guess c leo yung groom sa kasal na kinantahan ni theo. destiny? i.love the story. tnx

    randzmesia

    ReplyDelete
  7. Nakakakilig. Gusto ko talaga yung mga gantong dramahan eh.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha ako din

      -ivan ahgiel

      Delete
  8. Nakakakilig. Gusto ko talaga yung mga gantong dramahan eh.

    ReplyDelete
  9. I have waited this for so long nice story

    ReplyDelete
  10. ..love it...double thumbs up.....

    ReplyDelete
  11. ..siguro si leo ung kalaking ikakasal sana noon..ung namatay ung bride..ahaha..sana tama ako..

    ReplyDelete
  12. Ako ay binisita ng kakaibang doktor
    Siya'y may apat na paa at mahabang buntot
    Siya ay DOG, DR. DOG
    Siya'y mabait, nanggagamot ng maysakit
    At kung lunas ang iyong hanap
    Ang reseta niya'y yakap...,

    nasearch ku lng s yahoo^^..., sobrang ganda ng kwento..., malinis ung pagkakasunod ng istorya..., THUMBS UP!!..., i cant wait for the next chapter...,

    ReplyDelete
  13. i love the bittersweet progression of the story. it draws the readers in.

    I'm also Theo by the way and working in the BPO industry as well. Good job Mr. Author! looking forward for the next installments.

    Hope I'd have the honor of being an audience in one of your gigs in the future.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi theo.. nice to hear that we have the same name (character actually) hope to see you then :)

      - author

      Delete
  14. Ang ganda at ang galing. Music lover at fan din ako Sir Theo. Can't wait for the next chapter. KUDOS...

    ReplyDelete
  15. hi theo,i really looked at the 2nd chapter of ur story after reading the first part.again,its amazing.love it.kudos theo.cant wait for the next chapter!

    john

    ReplyDelete

Read More Like This