By: Matt
“Kalalapag lang ng eroplano. Susunduin mo ba ako?” Ang tugon ko sa kanya.
“Nandito na kami ni kuya sa waiting area kanina pa.” Sabay linga ko sa paligid.
“Ah ganun ba, sige, wait lang kukunin ko lang ung bagahe ko.” At lumakad na ako papunta sa Luggage Counter ng airport.
Simple lang ang airport. Maliit, kunti lang ang mga empleyado pero malinis ang paligid. May mangilan-ngilang pasahero na naghihintay ng kanilang flights. Paglabas ng airport, dun mo makikita ang mga nakapilang Van na sumusundo o kaya’y aarkilahin ng mga pasahero papuntang bayan. Bumungad sakin ang isang pamilyar na mukha.
“Ang tagal mo, gutom na kami ni kuya.” Sabay tawa niya.
“Loko, sisihin mo yung piloto.” Pagbibiro ko naman sa kanya.
“Welcome to Coron Matt. Kumusta kana?” Ang anas ng kanyang nakatatandang kapatid.
“Salamat po sa pagsundo. Okay naman po ako.” Tugon ko sa kuya nya.
“Halika na at baka gabihin pa tayo sa daan.” Sabay akbay sakin.
At kami’y tumuloy na papuntang bayan sakay ng Van na aming inarkila. Malayo ang airport sa bayan. Mga 45 minutes to 1 hour ang byahe mula sa airport.
Ako nga pala si Matt, di tunay na pangalan, 22 taong gulang sa kasalukuyan. Medyo chubby pero proportion lang ang size ng katawan ko sa height kong 5’6. May pagka Chinito at hindi naman magpapahuli pagdating sa itsura. Discreet bi ako kaya hindi halata masyado.
Eto ang pangalawang kwento na aking ibabahagi dito sa blog site na eto.
Si Karl, di tunay na pangalan, ang aking kaibigan mula nung college na aking bibisitahin sa kanilang probinsya. Apat na taon ng di kami nagkikita dahil sa nagpasya syang sa probinsya nalang sya magtatrabaho pagkatapos naming grumaduate. Vocational course ang parehas naming natapos. Di naman katangkaran si Karl, 5’5 ng kanyang height at maganda ang pangangatawan. Dahilan narin siguro ng lumaki siya sa probinsya at namulat sa pangingisda. May itsura si Karl, maputi at makinis ang mukha.