By: Kenshin
Hi po mga ka-KM.. I'm back.. :)) si Kenshin nga po pala ito, marahil yung iba kilala po ako dahil nabasa na nila yung true to life stories ko na "Co Founder", "Clan Pageant", "May the Best Man Win", at "Ma at Pa" kasi sunod sunod na istorya ng buhay ko lang lahat ang mga iyan parang sequel at marahil nagtaka na din yung iba kung bakit di na siya na sundan kasi nahuli na ako ni Jay Sean na isinusulat ko siya at sabi niya na wag ko na daw ituloy kasi may ibang hindi maniniwala, may ibang magtataka, may ibang huhusgahan ako at may iba naman hindi kami maiintindihan kung bakit naging kami sa isa't isa dahil hindi nila nakikita ang totoong nangyari sa amin at huhusgahan lang ako. kaya itinigil ko na ikwento yung tungkol sa amin ni Jay Sean at may mga nagsabi naman sa comment na parang script writting daw ako magsulat ng kwento ko pero sa isip ko ginawa ko lang naman kaiba sa ibang pagkakasulat ng mga istorya nila rito para hindi kami pare-parehas kaya napagtanto ko na tama si Jay Sean na iba iba talaga tayo ng pananaw sa buhay at asahan na hindi lahat ay magugustuhan ang istorya ng isang tao kaya nagpatuloy nalang sa buhay.Bakit ako bumalik?
Para siguro isara ang mga bagay bagay na naiwan ko taon na nakalipas sa page na ito. Nakakahiya naman kasi sa owner kasi siya nga nag-effort ipagpatuloy ito kaya gagawin ko na din kaya salamat sa owner ng page na ito at naging parte ka ng buhay ko at hinayaan mong maibahagi ko ang istorya ko sa page. :))
Sa haba ng panahon marami na ang nangyari at nagbago sa akin at kay Jay Sean at sa mga tauhan na nabanggit ko sa mga istorya ng buhay ko.
Hindi na kami ni Jay Sean pero naghiwalay naman kami ng maayos kasi hindi ako naniniwala sa Long Distance Relationship tiyaka feeling ko masakit sa ulo mag-isip ng mga ginagawa niya sa ibang bansa. Nakapagdesisyon kasi ang Daddy ni Jay Sean na dun nalang sila mamalagi sa Australia kaya andun na siya ngayon.









