m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,
Showing posts with label Love Story. Show all posts
Showing posts with label Love Story. Show all posts

Monday, June 22, 2020

Ben and Troy (Part 2)

By: thelonelyboy

Hindi ko na tiningnan ang aking relo at diretso na lamang bumaba ng taxi at naglakad papalapit sa kotseng nakahandusay sa gilid ng kalsada. Sa kanto ng gutter ay nakaupo si Troy. Nakayakap ang mga braso sa kanyang mga tuhod, nakayuko at hindi gumagalaw. Sinenyasan ko na hintayin kami ng taxi na siya namang ginawa ng tsuper. Dahan-dahan kong kinalabit ang kanyang balikat na siyang dahilan nang pag-angat ng kanyang ulo. Ayaw ko sanang isipin kung ano man itong pumasok sa aking isipan, ngunit hindi ko maiwasan nang makita ko ang kanyang mga mata.

“An..andito na ako, Troy.”, mahinahon kong tugon. Nakatutok parin ang kanyang mga inaantok na mga mata sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kaharap ko ang isang batang nagsusumamong iuwi ko na. “I’m sorry.”

Nang marinig niya ako ay agad bumusangot ang kanyang mukha at nag-irap lamang sa akin. “Tangina, ang tagal mo.”,masungit niyang sagot.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nilingon ko ang aking kaliwa’t kanan sa di ko malaman na dahilan. Marahil ayaw kong makita ang kanyang mukha. Kasalanan ko rin naman kasi. Binalik ko sa kanya ang aking tingin at binigay ko sa kanya ang aking palad. Tinitigan lamang niya ito nang ilang segundo. “Tara na?”, nakangiti ako nang matipid nang alukin ko siya.

Sunday, June 21, 2020

Campus Romance (Part 4)

By N.D. List

Patapos nako ng pagkain nang makita kong papalapit sakin sina Noah at Carla. Nakikita ko sa mukha ni Carla na parang sinasabi nya na tinangka nyang i-divert si Noah pero hindi sya nagtagumpay.

Masyadong maliit talaga ang mundo pag meron kang taong iniiwasan. Minsan talaga gagawa at gagawa ang tadhana ng paraan para magkita kayo ng taong ayaw mo nang magkaroon ng kahit ano pa mang uri ng kaugnayan. Yung tipong sana ay hindi mo na talaga sila makita sa buong buhay mo.

Ang exag ano? Pero ganun talaga ang naiisip ko kaninang nadinig kong nag-uusap sina Noah at Marcus tungkol sakin at sa ginawa nilang pagpupustahan sa pagiging bakla ko. Not that I don't feel sore about it anymore. Masama pa din ang loob ko pero naisip ko din na pwede din namang hindi lang yun ang intensiyon nya para kaibiganin ako. Baka nung una oo. Pero naisip ko din kasi na hindi din naman nya sinabi kay Marcuss yung tungkol samin na Carla gayong siya lang naman ang pwedeng maging motibo nya para maging interesado sa pagkalalaki ko. That is a sign of concern. Pero kahit naman may napag-usapan silang pustahan, hindi pa ba kami ganun ka-close ni Noah para sabihin nya sakin ang tungkol doon? Sabagay, sa isang banda, hindi din naman ako fully honest sa kanya. Hindi ako nagiging totoo sa kanya dahil hindi ko inaamin na may libog akong nararamdaman sa kanya. Saka may pinaggagalingan naman ang pagdududa nila. Totoo naman talagang bakla ako.

Hindi naman ganun katindi ang galit ko kay Noah. I mean, not to a point na ayaw ko na syang makita sa buong buhay ko.

Thursday, June 18, 2020

Secretly Bricks (Part 2)

By: Marc

Bigla itong gumalaw at bumaling sa kabilang direksyon.. bigla akong natauhan at saka bumalik na ng higa sa tabi nya.. buti na lang at hindi ito nagising kundi lagot ako.. baka end of friendship na kami at baka pa masuntok niya ako sa posibleng nagawa ko..

Kinaumagahan ay di pa rin mawala sa isip ko ang nangyari kanina..wala rin namn akong napansin na kakaiba sa kinikilos ni marvin..mukhang wala talaga itong idea sa muntikan ko nang magawa kaya pinilit ko maging normal sa harapan niya.. hinatid na kami ng mama namin sa school bago ito dumiretso sa office na pinagtatrabahuan nito..

Kinahapunan ay nagyaya ang mga lukaret gumala sa mall na malapit lang sa school.. so ayun sumama na kami tutal maaga pa nman
Habang naglalakad sa loob ng mall ay inakbayan ako ni marvin
Medjo namula ako at napansin yun ni marifee at napangisi siya..napasulyap din sina ken at sheena at may kung ano sa mga ngisi ng mga hayop..
Bumulong si marifee sa akin " sana all feeling jowa na"
Ako: sira ulo nakakailang nga eh..
Marifee: sus kunwari eh halatang gusto mo yan..
Marvin: ano bang binubulong nyo jan
Marifee: ah may tinatanong lang ako tungkol dun sa project natin na pinasa

Saturday, June 13, 2020

Secretly Bricks (Part 1)

By: Marc

Hi ako si marc ( not my real name syempre ) Ive been reading a lot of stories dto since 2015 at madami na akong naging paboritong author dto.. nababagot lang ako that time at naghahanap ng pagkaaabalahan ng mag google ako at na diskubre ko na ang website na to :) so dun na nahilig ako dto.. newey this stories is only a fiction.. but i will try my best na magustuhan nyo ito kahit first time kong magsulat ng storya :)

Ako nga pla si brixton or just call mi brix 14 payatot madalas akong tawagin ng nanay ko na butiki.. sa murang edad ko alam ko na iba ang gusto ko pero tinatago ko lang.. solong anak.. 4 yrs old pa lang ako ng mamatay sa car accident si papa kaya mag isang pinalaki ako ng nanay ko

Grade 8 na ako this school year.. at ngayun nga ay first day of school... papasok na ako sa classroom namin ng tawagin ako ng classmate ko
Sheeha: hoy brix kmusta?
Me : ok nman.. kaw?
Sheeha: ok lang din.. teka san ka ba nagpunta nung bakasyon?
Me: sa bahay lang ayaw kasi ni mama umuwi kami sa province nila dahil marami siyang kelangan habulin na paper work sa office nila..
Sheeha: ganun ba?..pareho pla tyo.. kakabagot nga eh..
Me : halika ka na..mahuhuli na tayo.. ( at sabay na kami naglakad )

Nang makarating kami sa classroom namin ay.. di na ako nagulat.. yung mga classmate ko sa grade 7 eh classmate ko pa rin ngayon sa grade 8.. pero parang may hindi pamilyar ang mukha. Kaya inilibot ko ang paningin ko at tama nga ako me bago kaming isang classmate

Friday, June 12, 2020

Ben and Troy (Part 1)

By: thelonelyboy

Hindi ko na tiningnan ang aking relo at diretso na lamang bumaba ng taxi at naglakad papalapit sa kotseng nakahandusay sa gilid ng kalsada. Sa kanto ng gutter ay nakaupo si Troy. Nakayakap ang mga braso sa kanyang mga tuhod, nakayuko at hindi gumagalaw. Sinenyasan ko na hintayin kami ng taxi na siya namang ginawa ng tsuper. Dahan-dahan kong kinalabit ang kanyang balikat na siyang dahilan nang pag-angat ng kanyang ulo. Ayaw ko sanang isipin kung ano man itong pumasok sa aking isipan, ngunit hindi ko maiwasan nang makita ko ang kanyang mga mata.

“An..andito na ako, Troy.”, mahinahon kong tugon. Nakatutok parin ang kanyang mga inaantok na mga mata sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay kaharap ko ang isang batang nagsusumamong iuwi ko na. “I’m sorry.”

Nang marinig niya ako ay agad bumusangot ang kanyang mukha at nag-irap lamang sa akin. “Tangina, ang tagal mo.”,masungit niyang sagot.

Napabuntong hininga na lamang ako. Nilingon ko ang aking kaliwa’t kanan sa di ko malaman na dahilan. Marahil ayaw kong makita ang kanyang mukha. Kasalanan ko rin naman kasi. Binalik ko sa kanya ang aking tingin at binigay ko sa kanya ang aking palad. Tinitigan lamang niya ito nang ilang segundo. “Tara na?”, nakangiti ako nang matipid nang alukin ko siya.

Wednesday, June 3, 2020

Elevator, Truth and the Past (Part 4)

By: thelonelyboy2020

“Can you show us again the layout for the amenity area?”, nakatutok si Miss Rama sa akin. Gaya ng nakasanayan, walang ekspresyon ang kanyang mukha. Kinapa ko ang keyboard ng aking laptop at ipinakita ulit ang pahina kung saan nakalagay ang plano ng dinedisenyo naming hotel. “What do you think Engineer Macarandan?”, nakataas ang isang kilay ni Miss Rama nang humingi ito ng suhestyon.
“Masyadong maraming CCTV sa may pool area. Consider that corner by the bar, I’m seeing three cameras. I see more than five near the sauna and spa. A twenty-five square meter reception area has four cameras? It’s too much, Mr. Pueblas.”, hawa niya ng lapis at mahina niya iting punupukpok sa kanyang kwaderno. “I suggest you let us check the layout first. Tapos yung telephones at wifi locations, the positioning is too complicated.”, sunod-sunod ang mga pag-pupuna ni Javi sa aming disenyo. Nag-iinit na ang aking mukha dahil sa magkahalong hiya at inis. Natiyempuhan na wala si Ar. Megan sa presentasyong ito. Pakiramdam ko ay mapapahiya siya sa desisyon niyang ipagkatiwala sa akin ang proyekto.
Huminga ako ng malalim bago ko sinimulan ang aking paliwanag. Nanginginig ang aking kamao sa ilalim ng aking bulsa.
“We already have the layouts checked by Engineer Yap, and he approved it. Now, to explain the unconventional positioning of CCTVs, we don’t only consider the area per square meter, but also the unconventional form and circulation of the space.

Friday, May 29, 2020

Motions Cafe (Part 1)

By: lonelyboywrites_2020

2019 | SUMMER | Motions Café | 2 pm

Yakap ko ang metal na tray at tumatagos ang lamig nito sa aking polo kaya't bahagyang nararamdaman ng aking dibdib ang sensasyon galing dito. Ngunit ang aking atensyon ay nakababad lamang sa telebisyong nakakabit sa pader malapit sa Bar Counter. Nakakunot ang aking noo habang nagbabasa ng subtiles dahil naliliitan ako sa mga iyon. Natiyempo pang naiwan ko ang aking salamin sa bahay dahil sa aking pagmamadali kaninang umaga. Nilingon ko sandali ang mga mesang okupado at nang wala namang dapat ikabahala, bumalik ako sa aking panunood. Inilapag ko ang tray sa lababo at sumandal ng patagilid sa Cake Chiller.
Halos lahat ng kumakain ay napalingon sandal kay Sandy nang bigla itong mapatili dahil katulad ko rin, naghalikan bigla ang mga karakter sa koreanobelang pinapanood namin. Siniko ko siya ng mahina upang matauhan. Nagtakip siya ng bibig at tila nagtago sa aking likuran nang mapansin niyang nakatingin narin sa kanya ang mga kumakain.
"Buti nalang wala si Madame.", mahigpit ang kanyang pagkakahawak sa aking braso at inalog alog niya ang aking katawan. Tinulak ko siya kaya naman napabitaw siya sa akin. Itinaas ko ang aking hintuturo sa kabilang kanto at itinuro ang CCTV na nakasabot sa kisame. Napabuntong hininga lamang siya ng malalim. "Arte kasi.", ang sabi naman ni John mula sa gilid. Napa-aray naman ito matapos batukan ni Sandy.

Tuesday, May 26, 2020

Campus Romance (Part 3)

By N.D. List

Author’s note: Thank you for reading Chapter 3. I would really appreciate it if you take time to let me know what you think on the comments section. What are the good points and bad points of the story and how I tell it. I would appreciate your constructive feedback

Maingat at dahan-dahang nabuo ang pagmamahal ko sayo.
Hindi ko inasahan.
Basta nalang nangyari.
Napagtanto ko nalang isang araw kung gaano ka kaimportante sa'kin.
Masarap sa pakiramdam.
Masakit sa pakiramdam.

Mahirap kang mahalin.
Ginagawa mo ang lahat ng bagay na makapagpapasaya sa'yo.
Ginagawa mo ng walang pagsasaalang-alang kahit masaktan ang mga taong nagmamahal sa'yo.
Ang mga taong mahal mo.
O mga taong sinasabi mo na mahal mo.

Naging palaisipan sa akin ang bawat mong galaw.
Pinipilit kong alamin kung ano ang nasa isip mo.
Nasa pagitan ka ng batang walang muwang at tuso.

Pinipilit kong alamin kung ano ang nasa puso mo.
Kung mayroon bang pagpapahalaga o nakakubling pangungutsa.
Sa isa o dalawang beses mong pagpapakita ng pasasalamat, nagbabago ang lahat.
Lumalakas ang tanging hibla na pumipigil sa akin na kumalas.
Na iwan ka

Sunday, May 17, 2020

Barcelona

By: Zamir

Disclaimer: Ang kwentong ito ay malayang inilahad ng aking kaibigang si Alessandro sa “Zoom Inuman Part 3”. Nangyari ang mga ito last year. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya para idetalye ang mga naganap sa kanilang dalawa. Sana, magustuhan ninyo.

Magtatatlong taon. Matagal-tagal na rin na nandito muli si Alessandro dito sa Barcelona. Dito siya ipinanganak at lumaki. Ngunit noong siya ay third year high school na, pinag-aral siya sa isang private school sa Manila at nagtuloy-tuloy hanggang matapos niya ang kursong BS Accountancy. Dalawang linggo pagkatapos ng board exam, bumalik na siya rito at nakapaghanap ng trabaho. Kasama ang kanyang mga negosyanteng magulang at ate Angela, dito na sila nanirahan. Minsan, tumutulong siya para isaayos ang mga business accounting concerns ng pamilya. Ang kanyang kuya Anton na lang ang naiwan sa ‘Pinas para pangasiwaan ang kanilang negosyo.

Si Alessandro ay may lahing Espanyol. Ang lolo niya sa side ng kaniyang Daddy ay tubong Spain. Kaya naman, nakuha niya ang pagiging maputi nito, may katangusan na ilong at hazel brown na mga mata. Sa motherside naman niya nakuha ang pagkakaroon ng kulot na mga buhok. Wala siyang balbas hindi gaya ng kanyang Daddy pero may manipis naman siyang bigote. Kaya naman, boyish siyang tignan. Sa katamtamang taas na 5’ 8”, guwapo raw siya sabi ng kanyang mga kasama sa opisina. Maari nga raw siyang magkaroon ng maraming nobya kung gugustuhin niya. Pero lingid sa kanila, ang kanyang hinahanap ay isang gaya niyang Adan. Ang ate lang niya at piling kaibigan ang nakakaalam nito. Alex ang tawag nila sa kanya. Naranasan na niyang makipagniig sa iba’t ibang lalaki rito sa Espanya. Kaso, hanggang ganun lang: casual sex.

The Last Coffee

By: Rye

I was

I am

I will

I have been always fearful.

I never have the courage. Ang duwag ko pala.

Takot ako. Takot akong masaktan. Ayaw kong masaktan. Kaya ngayon palang gusto ko nang tigilan to.

Bakit ba, bakit ikaw pa, tangina.

Tapos wala pa, aalis ka na. lalayo ka na.

Tapos ako aalis na din. Tapos hindi naman tayo magtatagpo.

Bakit pa ba tayo pinagtagpo.

Bwisit na pakiramdam to, pwede bang I reset na lang lahat. Pwede bang hindi na lang kita nakita. Pwede bang hindi na lang tayo pinagsalubong. Pwedeng bang hindi na lang tayo nag usap pwede bang wala na lang.

Daming pwede ba? Daming Sana.

Sana may lakas ng loob.

Sana mas Matagal pa. sana magkita man lang.

Saturday, May 16, 2020

Elevator, Truth and the Past (Part 3)

By: thelonelyboy2020

Tumango lamang ako ng tanungin ako ni Karen kung gusto ko raw kainin ang Carbonara na hindi niya maubos. “Too much carbs.”, ang pagpapaliwanang niya habang hawak hawak ang kanyang baewang. Inubos niya ang laman ng kanyang sisidlan ng tubig at iniligpit ang pinagkainan. Inipon niya lahat sa iisang tray. Samantalang kaming mga kasamahan niya ay nangangalahati pa lamang sa aming tanghalian.

Biglang tumunog ang silyang nasa dulo ng aming mesa nang hilain iyon ni Javi upang makisalo. “Saan si Arthur?”, tanong ni Karen.
“Hindi pumasok. Emergency daw. Tapos ka na?”, inamoy niya ang mainit na usok na nanggagaling sa kanyang biniling spaghetti. “Hmm”, ang tanging reaksyon niya habang hawak ang tinidor.
“Lakas maka-Italian nitong mga ‘to.”, biglang nagsalita si Philip habang pinipilit nitong ubusin ang biniling Koren Spicy Wings. Pulang-pula narin ang kanyang mukha. Inabutan lamang siya ni Camille ng tubig, kung saan iyon ang naging dahilan upang magsimula na naman ang panunukso ni Karen. Tinutok ni Camille ang kanyang tinidor kay Karen at tila binabantaan siyang tutusukin nito kapag hindi tumigil. Si Karen naman ay pilit na sumisiksik sa aking likod upang magtago. Naitigil lamang ang magulong salu-salo nang biglang tumunog ang aking teleponong nakalapag sa tabi ng aking plato. Nang aking dungawin ay nabigla ako kung sino iyon kaya’t hindi ako nakapag-isip kaagad kung sasagutin ko ba o hindi. Sa halip ay napatitig lamang ako.
“Glen?”, binasa ni Karen ang pangalang nakasulat bago siya tumitig sa akin ng masama. Natahimik ang lahat habang tila naiirita ang mga katabing kumakain doon dahil sa ringtone kong hindi parin tumitigil. “Hoy, ako sasagot?”, ang pagsusungit ni Karen.

Campus Romance (Part 2)

By N.D. List

Makinis ang mukha. Matangos ang ilong. Malinis tingnan. Mabango kahit pawisan.

Pinipilit kong maging natural kahit gwapong-gwapo ako kay Noah habang ngumunguya sya ng burger. Madaldal si kuya. Nakwento na nya kung ilang taon na sya sa Amerika, kung gaano sya kadalas umuwi at kung sino-sino ang mga kasama nya sa bahay.

Kusa na syang nagkwento na para bang sabik-sabik maibahagi ang buhay nya at ang mga bagay na nasa isip nya. Sumisingit lang ako paminsan ng tanong, tawa at tango.

Interesante naman buhay nya. Nakakainggit nga e. Mapapasana-all ka nalang sa sobrang garbo ng buhay nila. Bilang isang tao na galing sa hirap, nakakaramdam ako ng konting inggit sa mga kwento nya. Nagkwento din ako ng konti sa buhay ko. Mahilig din akong magkwento ng buhay ko pag nakakakilala ako ng taong masarap ka-kwentuhan pero mas interasado akong makinig sa kanya nung araw na yon. Hinayaan ko lang syang magsalita ng magsalita.

Pwede kong sabihan na nagsimula kaming maging magkaibigan nung araw na yon. Madalas kaming nagkakasabay kumain ng lunch. Minsan nililibre pa nyako. Nakakasama namin si Kai minsan pero dahil sa magkasama na din kami sa bahay at nagkakasawaan na din kami minsan sa isa't-isa bukod sa may mga kaibigan ding babae si Kai na hindi ko naman kagaanan ng loob, madalas kaming dalawa lang ni Noah ang magkasama. Si Marcus naman ay napapasama sa mga kaklase naming mahilig uminom, mag cutting ng klase at umabsent. Ayus din naman si Marcus pag nakasanayan mo na. Hindi friendly pero hindi din naman sya masamang tao. Nakasanayan ko na din sya at natotolerate ko na pero mas ayus pa din sakin pag hindi ko sya nakakasama sa kahit ano mang lakad. Pero dahil pinsan sya ni Noah at magkasama sila sa bahay, hindi maiwasan na magkaroon kami ng interaction. Minsan medyo napapansin ko din na medyo ine-engage nya sa usapan si Kai kahit hindi naman sya feel kausapin ng isa. May balak siguro si kanong hilaw na pormahan si Kai.

Sunday, May 10, 2020

Treacherous (Part 1)

By: thelonelyboy2020

February

Malamig ang hangin na humahampas sa aking mukha habang nakatitig ako sa mga matatayog na kabundukan ng Benguet. Hindi ko maipaliwanag kung bakit di ko mapigilian ang pagragasa ng dugo sa aking mukha at ang nakakabinging musika ng kaba sa aking dibdib. Dahil ba unang beses akong aakyat sa bundok na iyon, o dahil nakasandal ang ulo niya sa aking balikat? Ayaw ko sana siyang gisingin ngunit biglang nagpreno ang Monster Jeep kung saan kami nakasakay. Tila naalimpungatan siya sa nangyari. Nagkusot siya ng mga mata at nag-unat ng kamay at leeg. “Saan na tayo?”, namamaos pa ang kanyang boses. Tumitig sa akin ang mga mapupungay niyang mga mata. Iginalaw ko lamang ang aking balikat na para bang sumasagot sa kanya ng Hindi Ko Alam. Iniwas ko ang aking mga mata at lumingon sa harapan kung saan nandoon sila Maam Kristine at Sir Joel. Bakit nga ba kami huminto?

“Lahat ng gustong mag-topload, akyat na”, pasigaw ni Sir Joel. Lumingon siya sa aming mga nasa likuran at ngumiti. “Basta kapit lang.”, pahabol ni Maam Kristin na abala sa kanyang cellphone. May tatlo kaming kasamahan ang lumabas ng jeep at nagsimulang umakyat upang pumuwesto doon sa itaas. Nagkatitigan kaming dalawa ni Miggy, tila nababasa namin ang kung ano mang nasa isipan ng bawat isa. Ngumiti siya sa akin.

Tangina. Pakisusap huwag ngayon, Miggy.

Napaubo ako ng mahina. Wala akong sakit ngunit ginawa ko iyon upang maputol ang aming pagkakatitigan. “Tara na”, sabi ko. Kinagat lamang niya ang kanyang labi. Nauna akong lumabas at sumunod naman siya sa akin.

Lovers and Friends (Part 12) FINALE

By: Nickolai214

Nathaniel's POV

Finale Chapter

Nabigla ako sa ginawa ni Mark. Napahawak tuloy ang palad ko sa hubad na dibdib niya saka ko siya naitulak palayo.

Naglakad ako pabalik sa kama pero hinila niya ang braso ko saka niya ako muling hinalikan.

Hindi ko siya sinaway sa pagkakataong ito subalit hindi ko rin naman siya tinugon.

Kumalas siya na puno ng lungkot ang mga mata ngunit hindi ko siya hinayaan na makalayo sa akin.

Hinabol ko ang mga labi niya saka ko sinunggaban ng nagbabagang mga halik iyon.

Nabigla man si Mark ay sandali lamang iyon dahil mabilis niyang tinugon ang mga halik ko.

Sa bawat galaw ng mga labi ko ay siyang buka ng sa kanya. Ganun din ang ginagawa ko hanggang sa tuluyang napasok ng mainit na dila niya ang bibig ko.

Para akong napapaso na napahawak sa maskuladong braso niya kasabay ng paghagod ng isang kamay ko sa matigas na dibdib niya pababa sa flat na tiyan niya.

Napaungol si Mark hanggang sa maramdaman ko na tinutulak niya ako patungo sa kama.

Wednesday, May 6, 2020

Elevator, Truth and the Past (Part 2)

By: thelonelyboy2020

“Tangina Karen pag sumuka ka sa kotse ko tatapon kita sa Pasig.”, reklamo ni Arthur habang naka-alalay silang dalawa ni Camille sa halos hindi na makalakad na kasamahan. Dumungaw ako sa aking relo at nakitang mag-aalas onse pa pala ng gabi. Tila ang agang matapos ng isang “Night-out” kung iisipin. Sabay-sabay kaming lahat naglakad papuntang Parking Lot at tumungo sa nakagaraheng kotse ni Arthur. Dahan-dahan nilang ipinaupo si Karen sa loob. Bagamat hirap, pinilit nilang hindi sila mauntog habang yumuyuko papasok. Si Philip naman ay tila hindi mahila ang hawakan ng pintuan sa harapan kaya naman inalalayan ko na siya.
“Pano ba, hatid ko na tong mga to.”, ang mahinanong pahayag ni Arthur habang binubuksan niya ang pintuan. Buti na lamang at matibay siya sa mga ganitong bagay.
“Sabay na ako kina Amorsolo, Art.”, sagot naman ni Camille habang yakap yakap ang kanyang bag. Pansin ko na din na inaantok si Camille.
Isa-isa na kaming nag-paalam sa mga nakasakay sa kotse. Tumungo kami sa gilid ng daanan at pinagmasdan lamang ang asul na kotse na dahan-dahan umaatras sa espasyo kung saan ito nakaparke. Kumurbada ang direksyon nito at hindi kinalaunan, dahan-dahan na tumulin ang takbo palabas ng parking lot. Naaaninag pa namin si Philip na kumakaway mula sa bintana. Kumaway narin kami.
“Bakit mo pa kasi iniwan yung kotse mo?”, ang pagtatanong ni Camille kay Javi. Sabay-sabay kaming lahat dumating sa KTV Bar sakay ang Ecosport ni Arthur. “Insist-insist kapang para-close, eh ang sikip natin kanina sa likuran”, natatawang  sabi ni Camille. Napakamot lamang ng ulo si Javi habang inaalala an gaming sitwasyon kanina. “Tapos ngayon babalik ka pa ng parking lot sa office para sa kotse mo.”.
“High Street tayo ha, then daan niyo ako ng 11th Av.”, isinabit ni Camille ang kanyang bag sa balikat. Pumuwesto ako sa kaliwa, habang iniwan ko si Javi sa kanan. Napapagitnaan na namin si Camille habang tinatahak namin ang matao at mailaw na Bonifacio High Street.

Lovers and Friends (Part 11)

By: Nickolai214

Mark's POV

2019

Nakaupo ako sa isang area ng restaurant na kinaroroonan ko habang hindi mawala ang tingin sa may entrance at sa mga dumarating na sasakyan sa labas.

Halos kinse minuto pa ang matulin na lumipas bago ko siya nakita na bumaba sa isang itim na sasakyan.

Bumilis ang kabog ng dibdib ko nang sa wakas ay masilayan ko siyang muli. Kung kanina ay hindi maipinta ang mukha ko. Ngayon ay may sumilay nang ngiti sa mga labi ko.

Hindi nagtagal ay nakapasok na rin sa loob ng restaurant si Nat. Inikot niya ang tingin niya sa paligid hanggang sa magtama ang mga mata namin.

Hindi muna kaagad siya lumapit kaya kinawayan ko siya. Nanatili lamang siyang nakatitig sa gawi ko.

Ilang sandali pa ay nagsimula na siyang humakban at tumayo naman ako upang abangan ang paglapit niya.

Nang huminto siya sa tapat ko ay ngumiti ako sa kanya. "Mabuti at nakarating ka. Maupo ka." sabi ko sa kanya saka ko hinila ang upuan.

Umupo naman siya saka na ako umupo sa harapan niya. Inalis niya ang shades na suot niya saka siya seryosong tumingin sa akin.

Sunday, May 3, 2020

Getaway Car

By: thelonelyboy2020

Nakatitig ako sa kisame nang maramdaman kong gumalaw ang katawang nasa aking tabi na mamasa-masa ang balat sa ilang butil ng pawis. Pumwesto nang nakahalumbaba ilang pulgada lamang ang layo niya sa aking mukha. Ramdam na ramdam ko ang kanyang paghinga na nagpainit ng aking nararamdaman. “I love You, Tom”, sambit niya habang kagat-kagat pa ang labi. Napalingon ako bigla dahil sa aking narinig. Ramdam ko ang pagragasa ng dugo sa aking mukha. Hindi ko mapigilian ang pagsalubong na aking mga kilay at ang pagkunot ng aking noo. Hindi ako nakapagsalita.

Bigla siyang tumawa at napahiga muli. “You should see you face right now”, tugon niya. Tumagal ng ilang minuto ang kanyang pagtawa hatid narin siguro sa nakita niyang ekspresyon sa aking mukha. Noong una pa lamang ay alam ko nang kahit anong gawing pagbibiro ni Francis, ay hindi talaga niya akong magawang patawanin. Corny. At ilang minuto pa lamang ang nakakaraan ay hindi ako natuwa sa kanyang sinabi.

Tumayo siya at inabot ang boxer brief. Isinuot niya iyon at pinulot ang pantalong maong na nasa sahig. Pinanuod ko siya habang pinapasok ang kanyang paa sa butas ng maong. “Uwi na ako”, sabi niya habang inaayos ang sarili. Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit lamang ang kanyang mga daliri at pinunasan ang mukha gamit ang gray na t-shirt niyang kakasuot pa lamang. Isinuot niya ang kanyang salamin at tumungo na sa sofa at umupo. “Tom, it’s just a joke”, tumigil siya sa pagtatali ng sintas at tumitig lamang sa akin. Malamang nilinaw niya iyon dahil hindi parin ako umimik. “And your silence is making me feel weird”, pahabol niya. Hinablot niya ang kanyang Jansport na nakasabit sa sandalan ng upuan at ikinabit iyon sa kanyang kanang balikat. May kaliitan si Francis at katamtaman lamang ang laki ng katawan kaya naman may kaluwagan sa kanya ang t-shirt na suot niya ngayon. Hindi pantay ang pagkakatupi ng kanyang maong ngunit alam kong balewala iyon sa kanya.

Campus Romance (Part 1)

By N.D. List

"Are these seats taken?" tanong ng isang moreno pero kutis-mayamang lalake na boses Amerikano habang nakatingin sa mga lalakeng nakaupo sa kanan ng dalawang bakanteng upuan sa harapan. Sila yung ingliserong nadidinig ko kanina sa bandang likod dun sa subject namin na galing daw sa isang section na na-dissolve. Wala nang makitang bakanteng upuan sa likod kaya napilitan silang kunin ang mga upuan sa harap.
Walang sumagot. Na-shock yata ang madla sa accent ni kuya.

Nasa ikalawang linya kami ng mga upuan at nasa harapan namin ang tatlong bakanteng upuan.
"Nope. Probably not," sagot ko sa neutral na English.
Napatingin sa'kin si Kai.
"Taray! 'Nope'. Hindi ba pwedeng 'no' nalang?" nakangising kantiyaw nya. Tinaasan ko sya ng kilay.
"Thanks!" mahinang sagot ng lalake na may kasamang mahiyahing ngiti saka sya umupo sa gitna ng tatlong upuan at kinalikut ang cell phone. Umupo naman sa kanyang kaliwa ang kasama nyang maputing lalake na matangos ang ilong at mukhang may lahing Amerikano. Naka-headset at mukhang presko. In fairness, makikinis ang kanilang mga batok at likod ng tenga. Kutis artista. Mukhang mayayaman ang dalawang 'to.
Ilang minuto lang ang lumipas ay dumating na ang may hawak samin sa fo that subject. Nakatingin sya sa dalawa habang mabagal na naglalakad papunta sa mesa sa harapan. Umupo sya sa mesa at tumingin sa dalawang bagong salta.
"Good morning! I'm Miss Leilanie Araullo."
Hinintay nyang tumahimik ang lahat bago sya nagsalita ulit.
"For the newcomers, I do not allow mobile phones in this class! Before I get here next time, I want everyone to keep their mobile phones where I can't see them. Where you can't see them. I'll allow tablets and laptops as long as you're only using them to read notes and write notes.

Lovers and Friends (Part 10)

By: Nickolai214

Nathaniel's POV

Lumipas ang mga araw at naging masaya kami ni Mark sa piling ng isa't isa. Lalo na at napaka-supportive sa amin ng mga kaibigan namin.

Nakalimutan ko na rin ang tungkol kay Denise dahil hindi na rin naman siya nabanggit pa ni Mark kahit minsan.

Ngunit hindi ko inasahan ang pagdalaw niya minsan kay Mark sa school. Dahil kaibigan siya ni Mark ay hindi niya maaaring tanggihan ang alok ng babae.

Nagpaalam naman siya sa akin ngunit pinayagan ko siya dahil may tiwala ako sa kanya.

Pero nung nag-iisa na lamang ako sa loob ng silid ko ay hindi ko maiwasan na hindi maparanoid. Kung anu-ano na ang mga eksena na pumapasok sa utak ko na halos ikabaliw ko na.

Kahit gaano katibay ang assurance sa akin ni Mark na wala silang gagawin na hindi tama ay nasasaktan pa rin ako sa kaalaman na ang boyfriend ko ay kasama ngayon ng ibang babae.

Kinagabihan ay hindi kaagad ako natulog dahil hinihintay ko ang message mula kay Mark.

Pero nagising na ko kinabukasan ay wala pa rin akong natanggap na kahit isang text mula sa kanya. Bagay na ikinainis ko. Samantalang dati pati yata pag-ihi niya tinetext niya sa akin kahit hindi ko siya tanungin.

Sunday, April 26, 2020

Elevator, Truth and the Past (Part 1)

By: thelonelyboy2020

Bahagyang sumasayaw ang mga dahon at sanga ng mga punong nakahilera sa bangketa kasabay ang malamig na ihip ng hangin. Hindi naging dahilan ang maulap na umaga upang bumaba ang enerhiya ng kakagising pa lamang na Bonifacio Global City. Naalala kong hindi ko nailagay ang aking payong sa aking bag kaya naman napakunot ang aking noo habang iniisp kung anong mangyayari sa akin kapag inabutan ako ng ulan sa aking pag-uwi mamayang gabi.

“Good Morning Sir”, ang pagbati sa akin ng guwardiya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan. Sinuklian ko naman iyon na isang maayos na pagbati bago ako tumungo sa Elevator Lobby. Pinilit kong iangat ang aking braso upang mapunasan ang aking pawisang noo gamit ang manggas ng aking polong suot habang binabalanse ang hawak na kape at take-out doughnuts. Bumukas ang Elevator at pumasok ako. Pumuwesto ako sa dulong kanto para umiwas doon sa isa kong kasabay. Napasandal ako sa malamig na metal at salamin. Napabuntong hininga na lamang ako. Bago paman tuluyang sumara ang pintuan ay isang kamay ang tumapik sa dalawang bakal na pintuan na siyang dahilan upang bumukas ulit ang mga ito. Nabigla ako sa lalaking pumasok. Suot niya ang kanyang putting polo na medyo hapit sa hubog ng kanyang katawan. Ang mga manggas nito ay nakatupi ng ilang beses at inilalantad ang kanyang mga kamay at braso. Hindi parin nagbabago ang kanyang maputlang kompleksyon. Nasilayan ko ang kanyang mukhang nakatitig sa babaeng nasa kabilang kanto. “Thank You”, sambit ng lalaking kakapasok lamang. May kakapalan ang kanyang buhok ngunit maayos itong nakabagsak na siyang nakakapanibagong tingnan lalo na’t hindi ito ang ayos ng buhok niya na aking nakasanayan. Simple lamang ang buong ayos ngunit alam mong maraming napapalingong babae―at mga pusong babae. Bago paman siya makatalikod sa aming dalawa ay hindi ako nakaligtas sa kanyang mga nagkasulubong na mga kilay. Makakapal ang mga ito ngunit maayos na waring sinuklay upang sumunod sa curba ng kanyang struktura. “Moy?”, ang nagtataka niyang tanong. Malalim ngunit tila paos ang kanyang boses. Sumara ang pintuan at hindi parin ako nakakasagot. Tila natulala ako sa aking nakita. “You work here?”, ngumiti na siya sa pagkakataong iyon, tila pinagmamayabang ang kanyang maayos na ngipin at maninipis na labi.

“U-uh, Oo. What are you d-doing here?”, pautal-utal kong sagot. Napalunok ako ng laway habang pinipilit kong tumayo ng maayos. Yumuko ako upang tingnan kung maayos ba ang pagkakatupi ng aking pantalong Khaki. Nasilayan ko ang suot niyang katad na sapatos na kasing kayumanggi nang sa akin.

Read More Like This