Pages

Sunday, September 7, 2014

Exposure (Part 1)

By: phoenix

Hey guys! gusto ko lang sanang ishare yung personal story ko. pero bago yan gusto ko lang linawin na hindi ako writer so expect niyo na mga typos and wrong grammars. feel free nalang to share your thoughts about sa story ko, positive or negative, go. this story is 95% based on true experience. its up to you nalang kung maniniwala kayo o hindi. sadyang may mga bagay lang talaga na mahirap paniwalaan pero sa totoong buhay, ay posible pala. anyways, hehe i am bryan pheonix tuazon ( code name. pero mahaba talaga real name kO) , proud promdi. my friends say i'm kind of good looking daw. maputi, matangkad, matalino and music lover, that is how they describe me. though kahit na sinasabi nilang gwapo ako, di ko nalang binibigyang pansin kasi para sakin mas mahalaga parin ang utak. ( naks! HAHA). Moving on, my story just started this summer. btw i am 17 years old at kasalukuyang nag-aaral as second year student sa isang university sa probinsya. Isa akong Educ student at kasalukuyan noong nagbabalak na kumuha ng summer classes ko. Ayaw ko kasing mag 5 years eh so kelangan kong kunin ang summer classes. Ayos lang naman un kasi mabobore din lang naman ako sa bahay kasi wala rin akong gagawin so i think this is way better.

Maaga aga akong nagising kasi balak ko sanang pumunta ng school para un na nga, mag enroll for my summer classes. Natext ko na rin yung ibang tropa ko para may kasama ako. Pagkatapos kong maligo at maghanda, tinext ko na tropa ko na sunduin nila ako. Wala ring gaanong nanyare , as usual kuha ng form, fill up, pila, bayad pila, tapos ! Dali lang naman ehh.. wala pa sna akong balak umuwi boring rin kasi sa bahay so naisip kong yayain nalang tropa ko para magtrip. Apat kaming magbabarkada, ako, ang "boy next door" si Ken, ang "smart guy" , si Red, ang "hunk' at si xian, ang "sports addict'. Nakatuwa lang kasi na kahit magkakaiba kami ng hilig eh nagkakasundo kami. Hindi naman sa pagmamayabang pero kami ung grupo na sikat sa skul nmin. Kaya nga andami nilang mga bansag sa amin. Haha well di mo riN kami masisisi. gwapo DAW kasi kami. head turners and maraming admirers. haha So un nga.

Ako: mga tol amboring! Trip tayo!

Ken: huh ? San ?

Xian: libre mo?

Ako: no kayo sinuwerte ?haha Sa mall .tara!!
Red: kahit kelan kuripot mo talaga.haha
Tara na nga !!

So ayun natuloy rin kami sa mall para magtrip. Ayos tlaga tong mga kasama ko walang kapaguran. Haha . Mag aalas tres na ng hapon nang matapos kaming mag trip kaya nagkayayaan na para umuwi.

Red: mga tol kita kita nalang tayo next week ha !! Start ng summer .

Kami: sure. Ingat kayo mga tol. Geh bye.

Naghiwahiwalay na kami ng mga barkada ko kasi may kanya kanya pa pala silang lakad. Pupunta ata sila sa kanikanilang shota. Haha. So ako nalang nag isa nag aabang ng masasakyan.. sa totoo lang kami nalang ni Ken ang walang shota sa grupo. Ayaw pa daw magka GF ni Ken kasi priority first pa daw muna. ehh yun pa, wala ng ibang ginawa kundi mag aral.haha.bAt ako?? Ewan ko eh. Im confused. BISEXUAL ata ako. Yes, naaattract ako da kapwa ko lalaki pero nagkakagusto rin naman ako sa mga babae . Ewan !! meron narin naman akong naging GF. Di pa alam ng barkada ko yan. Di pa kasi ako ganun ka sure ehh.. ewan. Parang wla pa ata akong balak sabihin kasi takot ako sa rejection. Siguro makakahugot rin ako ng lakas ng loob.

Sa pag aantay ko, biglang tumunog phone ko. May nagtext ata. Agad ko naman itong kinuha sa bag ko at tiningnan. Si kuya ko pala yung nagtext.

Kuya: nakaenroll kana ?

ako: yup kuya, bakit?

kuya: good. Daan ka dito sa kombento.

Ako.: huh? Anong meron?

Kuya: papakilala kita sa pari para naman tumino ka. Haha

Ako: no need na kuyz. Haha . Mabait na ako. Haha

Kuya: di seryoso. Gusto ka daw makilala ni father,nakwento kasi kita. Please??

(ano ba naman yan !!mapapasabak nanaman ako ng di oras nian !)

ako: do i have any choice kuyz? Haha

Kuya: buti alam mo.haha. sige antayin nalang kita dito.. para rin sabay narin tayong umuwi.

-_-"

Di na ako nagreply. Mejo naiinis ako eh. Bat ba kasi napaka makaDiyos ng kapatid ko ? Well di ko naman siya masisisi. Hindi naman sa di ako nananalig sa Diyos, sadyang mas makaDiyos lang talaga ang kuya ko. Haha

So ayun nga pinara ko yung bus na paparating at mapuntahan ko na ng kuya ko.

Nakababa na rin ako ng maghahapon na. "Matagal tagal narin akong di nakakalagsimba rito." Nasabe ko sa sarili ko. Sa ibang bayan kasi ako pumunta. Mejo ayoko kasi ang mga tao dito. Ung kombento kasi ehh sa likod lang ng simbahan so kelangan ko pang dumaan sa gilid ng simbahan. Ewan ko that time pero naisipan kong pumasok muna sa simbahan at duon dumaan. Pagpasok ko walang tao at talaga namang nakaktayo ng balahibo. Grrrr!!. Haha.. papalapit ako altar at pinagmasdang mabuti ang bawat detalye ng rebultong nakatayo sa gitna ng altar. Pagbaling ko sa kaliwa ay naroroon parin ang bagay na talagang nagpapagaan ng loob ko. ang piano. Muli kong naalala ung mga oras na pinagaaralan ko kung pano tumugtog. Tuwing vacant hours ko ay palagi ako dito upang magpractice ng piano. magkatabi lang kasi ang simbahan at ang school na pinasukan ko nung high school.Di naman ako nabigo at natuto ako pero di naman ako ganun kagaling. Sinubukan kong iplay yung mga kantang tinutugtog ko nuon. May piano naman kami sa bahay pero iba parin ang pinagsamahan namin ng pianong to. Siya ang unako eh.haha.nagPlay ako ng konti ng narinig kong may pumasok sa pinto. Tinigil ko ung pag tugtog pero di ko tiningnan kung sino man ung paparating. Nararamdaman kong lumalapit siya. At biglang nagsalita..

"Marunong ka niyan?"

(Ang swabe ng boses niya. Parang ang bait bait. Parang pag narinig mo ehh naakit ka. Pero di parin ako tumingin. Nahihiya ako eh kunwari nalang akong nagtetext. Haha.)

ako: ahh.. eh..h-hindi ehh.

(Palusot ko nalang. Nakakahiya eh. Pano kung sinabi kong oo tapos mas magaling pa pala siya kesa akin. Haha. Kakahiya.

at ng Di na ako nakatiiis at humarap ako. Pagharap ko nabigla ako. Grabe .(⊙o⊙) Tao ba to ? Muka siyang anghel !! Maputi at makinis ang mukha. Matangos na ilong, mapupulang labi at chinitong mga mata na nangungusap..sali mo pa ang kanyang makisig na pangangatawan. Bagay na bagay sakanya ang white v-cut shirt at black pants.. sacristan kaya to? Ewan . Basta.close to perfection. Promise..)

napatitig kami sa isat isa..wala akong masabe at talagang tinitignan ko ang bawat detalye ng kanyang mukha.

O_o

Bigla nalang tumunog ung phone ko at sa gulat ko, bigla nalang akong natauhan..

>o<

Awkward moment.

.

.

.

.

.

Ewan ko kung ako lang ang na aawkward pero nagtanong nalang ako para umayos ang atmosphere.

Ako: ikaw ?marunong ka?

Siya: ahh. E-ehh.. me-mejo lang..

(Nahihiya niayang sagot)

(Talaga ? Alam niya ?? Wow magiging magkaibigan kami neto. )

Ako: talaga?? Wow galing mo siguro no? Simulat sapol kasi di ako marunong nito ehh kahit gusto ko.

(Pagsisinungaling ko sakanya. Patawarin sana ako ng Diyos nasa loob pa naman ako ng simbahan. Sa mga oras na iyon na nalaman kong marunong siyang tumugtog ng piano eh naging magaan na ang loob ko sa kanya. Ewan ko ba kung bakit.weird ?)

Siya: di naman gaano. Mejo matagal rin bago ko matutunan tumugtog. (Sabay smile) ∩__∩

O_o

Lord siguro nung nagsabog ka ng kagwapuhan ehh sinalo nya lahat. Ang mga dimples na talaga namang dagdag sa kagwapuhn niya.

Bigla nalang akong natauhan nung biglang bumukas ulit ang pinto. Pagtingin ko.....

Ako: k -ku-k-kuya?? O_o

Kuya: andito ka lang pala!! Kanina pa kita inaantay ehh.!! Kalako di ka sisipot ! Bat di ka nagrereply ??!

Ako: ahh..ah .ehhh. ,(>_<) (yan na lang ang nasagot ko .. di ako makatingin kay kuya. Haixt. Sinilip ko phone ko.. siya pala ung nagtext kanina !!)

Di ko kasi napansin na may nagtext pala kuyz. Sorry ! (Sabay smile) ^O^

Si Piano boy : kapatid mo ? (Tanong niya kay kuya habang nakatitig sakin. )

Kuya :ahh.. oo brother. Siya yung sinasabi kong kapatid ko.

( sinasabing kapatid ko?? Ano to ? At anong brother ??? Tama ba ako ng rinig?)

Piano boy : ows? Di halata ahh. Mas gwapo siya. (Sabay smile) ∩__∩
HHAHA! Ang gwapo ko daw. Hahaha. well totoo namang di hamak na mas gwapo ako kesa kai kuyz.haha. tapos nagsmile pa.haha. buo na talaga ang araw ko dahil sakanya. *^▁^*

Kuyz: hahaha.Ikaw talaga brother hahaha. Pumasok na nga lang tayo at nang mapakilala ko ang kapatid ko kay father.

agad na tumalikod si kuyz palabas ng pinto. Napatingin nlang ako kay piano boy. Grabe talaga. Nakangiti siya sakin nung exactong tumingin ako.

Piano boy: tara na (sabay smile) ∩__∩

Isang matipid na Ngiti nalang ang sagot ko sakanya at sumunod nalang.

Dumiretso kami sa kusina dahil naghanda daw sila ng meryenda. Nakwento ito ni kuyz habang naglalakad kami papunta sa table. Nakita ko na nakaupo na si father kasama yung mga iba niyang kasama sa kombento. May npansin akong dalawang lalaking kasama nilang nakaupo sa mesa. Pareho silang naka white tshirt. Parang bago lamang sila dito. Bumaling ang mata ko kay kuya nung nagsimula siyang magsalita.

Kuya: andito na po kami father. !

Father: mabuti naman kung ganon. Halina kayo at maupo na tayo. May hinanda atang meryenda sina ate mo chita.

Kuya:salamat po father. Ahh father sya nga po pala. Si Bryan ho, kapatid ko siya po ung nakwento ko sainyo.(sabe ni kuya habang paupo .katabi ko si kuyz habang kaharap ko naman si piano boy. Grabe nakakailang.)

Father:siya nga ba apo? Ehh bat parang mas gwapo naman ata ang kapatid mo kesa sayo ? Haha

(Napatawa nalang ako sa sinabi ni father. Narinig ko rin ang pagtawa ng mga lalaking naka upo. Tumayo ako at lumapit kay father para magmano.

Ako:mano po father.

Father: kaawaan ka nawa ng Diyos apo.

Piano boy: ako nga rin po father ehh nagulat nung malaman kong kapatid pala ni kuya Gab eto ehh. Haha

Mejo nagulat ako sa sinabi nya. Feeling ko tuloy ehh napaka close na namin.

Kuya:marami na nga pong nakapagsabe niyan amin eh. Haha

Wala akong masabe at tanging ngiti ata tawa lang ang nagaganti ko sa bawat mungkahi nila.

Father:haha. Oh siya magmeryenda muna tayo tsaka na natin ituloy ang kwentuhan.

Un na nga. Pagkatapos naming magdasal ay nagmeryenda na kami.

Father : nga pala apo, diba college kana? Ano na ulit ang course mo apo?

Ako: BSeduc po father. High school.

Father: ang ganda naman ng course mo apo !! Wala ka bang balak magpari ??

O_o

Ano daw??????!! Seryoso? Hahahaha. Ang ganda na sana ehh!

Narinig kong tumawa ung mga lalake kasama na si piano boy.

Ako: ahh.. e-hh... -_-!

Father: nako biro lang un apo!!haha

Phewwwww!!!! Biro??!! Hindi magandang biro un father ! Para akong nabunutan ng tinik. Nakahinga ng maluwag.!!

Father: siya nga pala, maiba tayo, hanggang kelan ba ang exposure niyo mga apo ?( sabay tingin ni father sa mga men in white.)

Huh ??exposure? Ano un?? Paki explain.

Sumagot naman si piano boy

PB: 2 months po kami dito father.

Father: matagal tagal rin un mga apo ah.

Arnold, naready na ba ung mga bahay na pagtitirhan nila ? (si arnold yung isa nila kasama sa kombento.)

Arnold: meron na po tayong dalawang bahay na nagvolunteer, kelangan pa po natin ng isang bahay father.

Father: ganoon ba ? Hayaan mo at ako na mismo makiki usap sa mga parokyano. Mga iho, next week nalang kayo lumipat sa bahay na pageexposuran niyo ha? (Sabay tingin sa men in white)

PB: ayos lang ho yon father.

So tinuloy parin namin ang pagkain ng meryenda. Sa di inaasahang pagkakataon biglang tumunog ang phone ko. Si mama nagtext pala. Tinatanong kung di pa ako uuwi dahil magpapatulong daw siya. Tinanong ko naman si kuyz kung dipa ba kami uuwi. Di pa daw siya uuwi dahil marami pa daw siyang kelangang planuhin dahil nga malapit na ang semana santa. No choice ako at napilitan na lang na umuwi magisa. Malapit lang naman . Walking distance lang kung tutuusin.

ako:Father mauna na po ako.

Father : bat di mo ba hihintayin kuya mo?

Ako: ahh di na ho. Kelangan pa ho niyang tapusin ang mga plans for holy week. at pinapauwi narin po ako ni mama dahil magpapatulong daw ho siya.

Father: ganon ba apo? Sige , mag iingat kana lang sa daan.

ako: Thanks po father cge po mauna na po ako.

Nagpaalam na ako kay kuyz at sa iba.

PB: ingat ! ∩__∩ (sabay kaway)

Nagulat ako sa pag ngiti nya. Para na tuloy kaming close talaga. Sa sobrang saya ko, napangiti nalang din ako sa kanya.

Sa bahay~~~~~

Pagdating ko sa bahay agad akong dumiretso sa kwarto ko para magpalit ng damit. Pagtapos non hinanap ko si mama para matulungan siya.ayon nagpapatulong lang pala siya sa garden. .

Pagtapos kong tulungan si mama ay dumiretso na ako sa kwarto ko para maghugas. Talaga ngang nakakapagod ang araw na ito kaya pagkatapos maghugas ay nahiga na ako sa kama. Ng di ko namalayan, nakatulog na pala ako. -_-zZzZ

Nagising nalang ako ng mga bandang 7 ng gabi. Bumangon ako at kinuha ang cp ko sa loob ng bag ko. May 8 messages. Yung iba ehh puro gm at ung iba ay pm. Pero sa pagtingin ko ng mga message may isang nagtext. From unknown number.

Unknown number: hi Bryan :-)

Sino kaya to? Di ko kilala. Malamang isa lang to sa mga binigay na textmate ni xian. Nagreply naman ako

Ako: huh? Sino to ?

Sending...........

Iniwan ko na ung phone ko sa kama at dumiretso na ako pababa. Nakita ko si mama at si kuyz sa mesa at kumakain na.

Ako: hey eve mom, kuya.

Mom: eve too son. Nagising ka na pala. Di kna namin ginising pagod ka ata eh. Tara kain kana.

Ako:sige mom.

Kuyz: as what i am saying mom, wala silang mahanap na bahay so nagvolunteer nalang ako.

Mom: no problem Gab. Buti nga yon ehh atleast may makakasama tayo dito.

Nagtaka ako sa mga sinasabe nila. Di ko gets eh.

Ako: mom what's up?? ( nagtataka akong tanong)

Si kuya ang sumagot

Kuyz: hey nakita mo naman siguro ung mga lalake sa kombento kanina?

ako: so??

kuyz: semennarista mga un and theyre here for their exposure. 2 months lang nman. And dito titira ang isa sa kanila.

Whattttt??? Natulala ako. Napatigil ako sa pagkain ko.SEMENARISTA? magpapari siya??!! Sa gwapong un magpaari siya ? sayang ang lahi !! ..

Kuyz: si brother raphael ang titira dito. And since di pa ayos ang vacant room, share muna kayo ng room ha ??

WHAAATTT????!!! no no no no!!!. And who the heck is Raphael???

ako: what kuyz?!! And who's raphael??

kuyz: the one you're with sa loob ng simbahan.

OHH MY GOD !! is this real??!! This can't be !!

Ako: what kuya??!! No way !!

Mom: yes way. 2 months lang naman eh. Kaya yan. ∩__∩

At this point wla na akong magagawa pag si mama na ang nagsabe. Pero pano to !!!!!.

Ako:mom una na ako sa room.

Mom: okay. (sagot niyang nakangisi)

Habang nasa room iniisip ko kung ano na ang manyayare sakin for two months. Gosh !! Kakayanin ko kaya to??

Napansin ko yung phone ko.

Message sending failed. .

Takte! Expyrd na pala ang load ko.

Di muna ako magloload. Nakakatamad kasing lumabas tas boring rin naman ang mga katext. So ang ginawa ko, binuksan ko nalang yung computer at naglaro ng online games. Di ako mahilig sa mga social networking sites ehh. Nang napagod ako sa kakalaro, dumiretso na ako sa kama para matulog.

Sa bahay~~~~~

Wala ring gaanong nanyare nung mga sumunod na araw. Until nung lunes. Maaga aga akong gumising kasi mejo maaga ung klase ko. Agad akong bumangon at naghanda para sa pagpasok. Nagkita kita kami ng mga barkada ko sa skul at pumasok na. Wala ring gaanong nanyare sa skul kasi first day pa naman ng summer classes. the time continued until dismissal. Mga 5pm narin nung natapos kami at dumiretso na ako pag-uwi. Nagpaalam na ako sa mga barkada ko at sumakay sa bus.

Pag uwi ko dumiretso na ako sa may kwarto ko dahil sobrang pagod na ko. paglapit ko ng pinto nagulat ako kasi may mga bag at maleta na nakapatong sa sahig malapit sa pinto. napaisip ako kung anong meron. ano naba ngayon??

oo nga pala !! lunes ngayon! malamang kay raphael to kasi ngaun siya lilipat dito. di ko na alam kung anong gagawin ko! matagal tagal rin akong namumuni muni nung marinig ako ng tunog. mukhang galing to sa piano ! dinikit ko ung tenga ko sa pinto ng kwarto para marinig (sa kwarto ko kasi nakalagay ung piano namin. wala rin gaanong kasing gumagamit) piano nga.! at nagpeplay ung favorite piece ko !! hala! ang galing !! pilit ako ng pilit para matutunan yon pero wala talaga ehh!! ang galing niya ! binuksan ko ng konti ung pinto, sumilip ako at bOoooM !!! si raphael nga !! lalo pa tuloy akong nabilib sa kanya. mas lalo siyang nagmumukang anghel sa mga oras na un. bagay na bagay sila nung piano.

natauhan nanaman ako sa padeday dreaming nung natapos na pala ung piece. isasara ko na sana ung pinto nung napansin niya ata akong nakasilip.

raphael: ahh... e-ehh.. sorry bryan, ginamit ko ng di nagpapa alam. (sabe niya habang tumatayo)

ako: O_o (did he just call me by my name?? goshh!! alam mo ung feeling non?? natameme ako .haha)

ahh.. ayos lang .wala rin naman ako kanina ehh, and besides youre going to stay here so feel free to use it. (sabay smile) •﹏•

parang nabigla ata siya sa sinabe ko. napasmile nalang siya at nagthanks.

ako; napansin kong may gamit sa labas, sayo mga un?

raphael: ahh.. oo eh. (smile)

(bat ba ang hilig mong magsmile!!)

ako: bat di mo pa pinasok?

raphael: nakakahiya kasi ehh. baka magalit ka, isipin mo pa kapal ng mukha ko.

e_e (seryoso??) haha. bagay nga siyang magpari. ang bait ehh. hahaa. pero sayang rin ang kagwapuhan.

ako: hahaha. ano kaba di ako ganun no. (smile ) *^▁^*

tara pasok natin. tulungan na kita.

raphael: ahh. ehh. wag na !! kaya ko ba yan.!

ako: ano kaba wag kanang mahiya dito kana titira kaya feel at home.

that point wala na siyang magagawa kasi bitbit ko na gamit niya

raphael: ahh .eh .thanks ∩__∩

ngumiti nalang ako. grabe, cute niya pag nahihiya. haha.

pagtapos naming ipasok mga gamit niya, inayos ko na mga gamit sa kwarto para may pag lagyan mga gamit niya. since mejo malaki ung cabinet, naghati nalang kami.. nung naset na lahat, saka ako pumasok ng cr para magpalit.

kinagabihan sa lamesa.....

mom: oh raphael wag kang mahiya dito ha. feel at home ka lang. treat us like your family. ∩__∩

raphael: opo, thanks po tita.

pagtapos non, nag-usap usap na sila kuya about their exposure. since na oOP lang naman ako at tapos narin naman akong kumain, nauna na akong nag-excuse para pumunta sa kwarto ko. rereviewhin ko lang sana ung report ko. bwisit naman. kapapasok palang ng skul may reports na agad. haixt. pumunta na ako ng kwarto at nireview ang report. madali lang naman pala, sisiw lang. pero since tamad ako, nabore lang ako. so un, bumaba na ako ng kwarto at dumiretso sa garden para magmuni muni. iniisip ko kung anong gagawin ko sa report ko ng may nagsalita . si raphael pala.

raphael: may malalim ata tayong iniisip ah. ,∩__∩

(ang sabe niya habang lumalapit. bakit ba mahilig siyang ngumiti?)

ako: ahh. ehhh wala to. ∩__∩

raphael: sus,babae yan no?? (sabay tawa ng mahina)

(ano daw??? babae? hahahah)

ako: WHAHAHA. di no! marami pang dapat problemahin,di lang yan. bat mo naman nasabe?

raphael: hahaha .ganun ba? kasi sa gwapo mong yan imposibleng wala pa.∩__∩

ako: hahaha. walang nagbalak pumatol sakin tol. haha

raphael: hahaha. parehas tayo.

ako: alam mo kung bakit?

raphael: haa?? bakit nga ba??

ako: ehh magpapari ka eh so di na sila nageeffort na magpapansin sayo. kahit gwapo ka. hehe

raphael: WHAHAHAHA

ako: hoy anong nakakatawa?

rapahael: yun mga sinabe mo.hahaha

pero talaga ba?

ako: anong talaga???

raphael: na gwapo ako??

ako: O_o ahh.e eehh. oo naman ..k-kahit tanong mo sa iba. hehe? (na uutal kong sagot. nacorner ako dun ah)

raphael: gwapo ka rin naman ahh. ∩__∩

O_o

nagulat ako sinabi nya.. biglang bumilis tibok ng puso ko. bakit kaya?? natahimik ako)

raphael: ui.

ako: bat ka magpapari?(tanong ko habang nakatingin sa malayo)

(bigla nalang lumabas sa bibig ko. di ko talaga mapigilan bibig ko minsan sa mga ganitong sitwasyon.)

raphael: ha?( halata ang pagkabigla sa tono ng boses niya)

ako: ah hehehe. wala ∩__∩

raphael: un kasi gusto ni mama. (seryoso niyang sagot)

un ung hiling nya bago siya kinuha samin ng Diyos.

naatingin ako sakanya. bakas ang kalungkutan sa mukha niya.

ako: sorry to hear that. you dont have to tell me nman eh.

raphael: its okay. naka move on naman na ako. ( nagsmile siya,pero halatang pilit)

no. di pa siya nakamove on. base sa nakita ko.

bigla siyang nagsalita.pero this time naging masaya na ang tono ng boses niya.

raphael: com'on, its your turn now. tell me about you ∩__∩ sabay turo sakin.

ako: ask me.

raphael: are you. .....

To be Continued

13 comments:

  1. Bitin pero nice story abangan ko ang part 2..Thanks author

    ReplyDelete
  2. Interesting! Next please,

    ReplyDelete
  3. Bitin much!! Ganda ng story my pgka comedy at excitement hehe. Excited sa next part. I wonder kung ano mangyayari, mukhang religous ang involved eh. Hehe! Galing ni Author. Loveit

    ReplyDelete
  4. I'm loving this story. The setting is quite familiar or is it just me imagining? Part two pa more please.

    ReplyDelete
  5. This is soooo bitin!!!write pa more!!!

    ReplyDelete
  6. This is soooo bitin!!!write pa more!!!

    ReplyDelete
  7. i knew the same story when i was in Parish parokya ng Simbahan. Pero hindi ako ang na inlove sa seminarista kundi yung kakilala ko na choir master na babae. so ewan ko nalang kung hindi na tumuloy si cute na seminarista? as if naman na seryoso si babae kasi mahilig lang talaga si babae sa gwapo at sex.

    ReplyDelete
  8. Ang sweet at cute ng story mu...pinangarap qng tumugtog ng piano noon kaso d aq napagbigyan na gawin yun...lucky ka...hehe...next part na. :)

    ReplyDelete
  9. This story is funny. It made me laugh a lot especially this moments na kinakabahan si author. May blend din ng lambing at romance. Magaling din yung pag bitin... 10/10

    Aabangan po namn yung part 2

    ReplyDelete

Read More Like This