Pages

Monday, October 20, 2014

Exposure (Part 2)

By: phoenix

Thanks for the effort of reading the first part :) hope you like this second part. i think it is better if you know the first part para may idea kayo sa story na to. again, fell free to comment. :) labyu all!

raphael: com'on, its your turn now. tell me about you n__n sabay turo sakin.
ako: ask me.
raphael: are you sleepy now?
ako: O_o what?? ( seriously??? akala ko about sakin??)
err.. not yet.
( bat nga ba di ako inaantok? usually maantukin ako pag ganitong oras eh)
raphael: haha. just kidding. anong full name mo?
ako: bryan phoenix tuazon. you?
raphael: wow. nice name. i like it. unique. hehe. i'm stephen raphael ventura.n__n
ako: ang haba naman, nakakatamad sigurong isulat name mo no? haha
raphael: sinabe mo pa. haha .lang taon kana ba? kelan birthday mo?
ako: 16 na ako. mag seseventeen na sa 19. hehe. kaw?
raphael:wow ! advance happy birthday ! haha. 18 ako, 19 next month.may 19 rin. n__n
ako: wow advance hapi birthday too! same pala tayo ng born date ehh! at kuya na pala kita.hehe
raphael: yup. n__n you can consider me one if you want to.
ako: thanks kuya raphael.haha

and so the conversation continued.
nalaman ko mga basic info about sakanya. he's from manila but his dad decided to stay here in the province kasi tahimik daw. papa niya pala is korean Kaya siya chinito and his mom is pure pinay. only son lang daw siya and napagalaman kong matalino ang mokong. haha. ikaw ba nman ang editor-in-chief/SC president and valedictorian?? haha. pero kahit na puro basic lang nalaman ko about sakanya, feeling ko kilala ko na siya talaga. ung tipong close na kami? but i must admit na i dont like the idea na ituring ko siyang parang totoong kuya. really. he's too special para maging kuya ko.

after a long coversation, nagyaya na siyang umakyat at matulog. dumiretso siya sa cr samantalang ako ay naupo sa may piano at pinindot pindot ang bawat piyesa. paglabas niya, nakahilamos na siya. sumunod naman ako sa cr pagkatapos niya para maghilamos na rin. habang nasa cr ako, naririnig ko na tumutugtog siya ng piano. di ko talaga maiwasang mamangha sa galing niyang tumugtog.

paglabas ko, tumutugog parin siya. dumiretso na ako sa may kama at nahiga. napag isip-isip ko,

san kaya siya matutulog?

di naman pwede sa couch kasi maliit masyado. hmmn. tabi nalang kaya kami? wla naman sigurong malisya lalake naman kami pareho.

ako: dito kana matulog. tabi nalang tayo.n__n
raphael: di ayos lang dun nalang ako sa sofa matutulog.
ako: wag na! and besides di ka kasya dun, kaya mo kayang mahiga jan gabi gabi for 2 months? haha dito kana. tabi tayo. malaki naman tong kama, kasya tayo.n__n
raphael: ahh. ehh. cge na nga .. thanks bry.n__n
ako: O_o n-nno p-pprblem. hehe (nahihiya kong sagot . nakakaewan kasi smile niya ehhh!!)

ako:tara tulog na tayo.n__n

and for the first time nagtabi kami sa iisang kama. nakakahiya ang ganto pero masaya narin. un nga lang,
di ako makatulog!!!!!
after mga 30 mins, di parin ako makatulog so bumangon ako at pumunta nalang sa kusina para uminom ng gatas. pero napansin ko si mom na sa kusina rin.

mom: bat di kapa matulog ?
ako: i cant sleep eh, mag gagatas muna ako.
mom: why? di ka sanay na may katabi ka? haha
ako: eer?? siguro nga mom. hehe

we talked about stuff and personal things like when should i get a girlfriend daw. haha. so after ng kwentuhan, matulog na daw kami. so i went up to my room at nahiga na.

tinitigan ko si raphael habang natutulog. he looks so kind. parang walang problema. mukhang masaya. gusto ko siyang makilala pa. gusto kong malaman lahat ng bagay tungkol sa kanya. ewan ko kung bakit pero i want to. i guess 2 months is enough. and by that, natulog narin ako.

when i woke up, wala na si raphael. mejo late kasi akong nagising kasi late rin akong natulog. naligo na ako at nag ayos para sa klase ko.

nung bumaba ako, dumiretso ako sa kusina para kumain ng pang agahan. nakita ko si mom na nasa kusina.

ako: good morning mom.
mom: good morning too. kain na.
ako: where's kuyz?
mom: maaga silang umalis papuntang simbahan.. ewan ko lang kung bakit. he's with raphael.
ako: ahhh..

kaya pala wala na siya kanina paggising ko.

pagtapos kong kumain, nagpaalam na ako kay mom para pumunta ng skul.

*sa klase*
may kumakalabit sakin mula sa likod, nakakairita. baka mamaya makita kami ng professor na kung anu ano ginagawa namin. si Ken lang naman ang alam kong nakaupo sa likod.

paglingon ko, si Ken nga. milagro, ni minsan ayaw niyang maistorbo o magpastorbo lalo na kung klase.

ako: ano!!??? (pabulong kong tanong)
Ken: sabay tayong magmeryenda ha? seryoso niyang sabe.

huhhh???? nagistorbo pa siya para lang sabihin yon??
kumuha ako ng papel para isulat ung sasabihin ko. baka kasi mamaya eh mahuli pa kaming nag uusap.

"ano??? umistorbo ka para lang sabihin yan? Haha"

(iniabot ko sakanya. after ilang second binalik niya)

"so that means yes. see yah." •?• -siya

natawa nalang ako sa inasta niya. parang hindi siya ehh. may pagkabaliw rin pala siya kung minsan. ehh pano ba naman, aral lang ng aral, buti di siya nabobore.kapag nagsmile pa ehh ang tipid tipid. swerte kana kung tinipid ka ng smile kasi laging seryoso. piso isa ang bawat salita niya. at di lang yon, sobrang suplado pa. well, di nman saakin pero nakikita ko sa iba.

naalala ko pa tuloy nung una ko siyang nakilala.

.FLASHBACK.

first sem nun, start ng klase. mejo late kasi akong nakapasok sa room.(galing ko no? sipag ko kasi)haha . first day eh late ako. so ayun nagpakilala tuloy ako mag isa sa harap.

nung break time na, wala akong kasama, ehh nahihiya akong makipag kaibigan sa mga katabi ko ehh. so pinauna ko muna silang lumabas ng room.

after mga 2 mins. pumunta na ako ng canteen. nasa counter na ako nung napansin kong may nagkakaguluhan sa gilid. may isang mukhang adik na ewan. sinilip ko ung kaguluhan ehh parang may binubully ata. nakita ko naman ung binubully nila. a guy na baduy. when i say baduy, baduy talaga. imagine a guy na nagtime travel from 1960s na napadpad sa 20th century.(natatawa pa ako nung tinatype ko to. haha) so ewan ko biglang naactivate ung dugo ko at bigla akong lumapit sa mga nambubully.

ako: hoy anong ginagawa niyo?

adik: Pake mo? (maangas niyang sinabe.)
ako: pake ko? ehh binubully niyo tong kaibigan ko eh, so anong gagawin ko manonood nlang habang pinagtatawanan niyo siya?
( kaibigan ? eh di ko nga to kilala. hahaha. wala eh, yun ang lumabas sa bibig ko)

adik: eehh Gag---

di na niya natuloy sasabihin niya nung may lumapit na prefect.

adik: may oras ka rin sakin !! (sabay turo sakin)

pake ko dun. di naman ako takot sakanya. mukha nga siyang posporong malapit ng liparin. LOL

tinignan ko yung guy sa table. nakatitig lang siya sa tray niya. pano kasi hindi siya pagtatawanan eh ang baduy baduy niya.

ako: uuy , ayos ka lang ? (tanong ko sakanya habang kinakalabit)

di man lang niya ako pinansin.

nice -_-

bumalik ako sa counter para kunin ung tray ko ng pagkain taz bumalik rin ako sa kanya. wala kasi siyang katable eh, at wala rin akong mapagtatablelan kaya dun nalang ako umupo.

ako: bakit kaba nila ginaganun?( tanong ko habang umuupo)(napatingin siya sakin)
ken: ewan ( tipid niyang sagot)

ano ba to, di man lang magpasalamat.

ako: nga pala, bryan tol.
Ken: kenneth (tipid niya ulit na sagot. ano ba to isang tanong isang sagot)
ako:nice meeting you n__n


habang kumakain kami napansin kong nalimutan kong bumili ng drinks ko.

ako: kenneth, bibili lang ako ng drinks ha.

aalis na sana ako nung bigla niya iniabot ung drinks niya. nabigla naman ako kasi nakipag eye to eye siya.

ako: di !! ayos lang ! sayo yan eh ,bibili nlang ako ng akin.
kenneth: ayos lang sakin. may dala ako. ( sabay labas ng drinks niya sa bag)
ako: ahhh. e-ehh. thanks kung ganon.
ken: di mo nalang sana ginawa ung kanina, sanay naman na ako. baka mamaya madamay kapa.

ako: ayos lang yon, wala siyang galang ehh. parang walang pinag aralan. dapat lang sakanya un.

ako:anong year mo na pala? anong course mo? (tanong ko sa kanya habang ngumunguya)

kenneth: BSEDUC.first year A.

ha??? bsed?first year? A? classmate ko siya ah !!

ako:ha? magclassmate tayo? bat parang di kita nakita kanina ?

sabagay di naman siya kapansin pansin.

kenneth: sa likod ako.( tipid niyang sagot.)

ako:ahh ganun ba.alam mo kaw plang nakilala ko dito.

kenneth: ahh.

bat baang tipid tipid ng sagot nito?!!

ako: tabi tayo mamaya ha. hehe
kenneth: kaw bahala.

so the conversation continued. pero actually ako lang ang salita ng salita. haha

nung natapos na break namin, kasama ko siyang pumasok sa room. naki usap rin ako sa katabi niya na kung pwede ako nalang ung uupo dun. gustong gusto naman ng mokong.haha
tuwing kinaklabit ko siya sinasabihan niya akong tumahimik daw at makinig.haha. umaatake nanaman kasupladohan niya.

pagkatapos ng klase, inantay ko siya kasi inaayos niya mga gamit niya. andame naman kase ng libro . first day na first day.

ako: ken, taga san ka ?
(tanong ko habang inaayos niya gamit niya)
ken: ken? hmmn. dun sa *******.
ako: ken as in kenneth. haba ng pangalan mo eh. haha. parehas lang pala tayo ng route.sabay na tayo ha ?
ken: kaw bahala .

ang tipid ng bawat salita niya.

sabay kaming naglakad palabas ng skul. as usual, ako lang ang salita ng salita. haha. natigilan ako sa pagsasalita nung may sumigaw sa likuran ko.

ewan : hoy gago !!!
ako: huh? sino un? baliw na ata.
ken: siya ung kanina sa canteen.
( pinagmasdan ko siya papalapit. oo nga . siya nga. takte. mapapasabak pa ata ako ngayon at talagang tonotoo ang sinabe. nagdala pa ng mga back up. kelangan ko tong harapin )
ako: problema mo?!
ewan: it' s pay back time. ( sabay tawa ng nakakainsulto)
ako: pay back time mukha mo !
(tatalikod na sana ako sakanya)
ewan: ngayon mo na paganahin yang pagiging pakielamero mo gago .
( sasagot na sana ako pero biglang hinawakan ni ken yung braso ko)
ken: wag.
ewan : wag mo ng pigilan ang gagong yan kung ayaw mong ikaw isunod ko.( sabay tawa ng malakas)
ako: problemahin mo nalang mukha mo gago. ( sabay talikod)

maglalakad na sana ako ng may humila sa damit ko sabay suntok sa pisngi ko.

napaatras ako dun ahh!!!

di ko napigilan ang dugo ko. agad akong lumapit para gantihan ang gagong yun.
sinikmutahan ko siya. natumba siya at parang sumuka pa ata ng dugo.

ako:bagay sayo yan gago.

nagsalita si ken mula sa likod.

Ken: ayos ka lang??( pag aalala niyang tanong)
ako: dont worry. ayos lang ako. di naman masakit.
( aalis na sana ako nung napansin kong lumalapit ung mga back up niya. mga lima ata sila. mukang mapapasabak nga talaga ako.

ewan: gulpihin nyo yang gagong yan!

hinihahanda ko na sarili ko nung biglang may nagsalita sa likod ko)

unknown: need help?

bago pa man ako magsalita, bigla na siyang sumugod. may kasama siyang isa pang lalake. di ako makagalaw sa pagkabigla, ang galing nilang makipag suntukan. halatang batido na. napansin ko rin ung damit nia. same as ours. parehas kami ng skul. bigla nalang akong natauhan nung napansin kong nagtatakbo na ung mga adik. wala rin pala mga to .

guy1: sisiw. mga lampa mga un.
guy2: sinabe mo pa. bumalik na sila sa mga nanay nila. hahaha.

nagtawanan sila pareho.

lumapit sila samin.

guy1: ayos lang kayo ? anung problema mga nun at ginulpi kayo?
ako:wala yun. mga adik.
guy2: pero bilib ako sayo tol! nakipagsuntukan ng walang kasama !haha. di ka man lang matakot.!
ako: bat naman ako matatakot eh mukha silang posporo. haha

nagtawanan kaming lahat , except si ken. as usual.

guy1: nga pala mga tol, Red.
guy2: Xian here. n__n
ako: Bryan tol, eto nman si Ken.( sabay turo kay ken)
thanks pala sa pagtulong ha.
Red: no problem tol. n__n

and dun nagsimula ang aming barkadahan. naging magkakaibigan kaming apat. kahit reserved si ken eh halata naman na masaya siyang may kabarkada na siya. BSIT ang course ni REDerford Sanchez o Red for short. 17yrs old. habang si John Sebastian De los Reyes, o Xian ay political science ang course. 17 rin siya.(code names) marami akong nalaman tungkol sa kanila at talaga namang naging malapit loob ko sakanila. magkakaiba man kami ng course, sinisiguro parin namin na magkakasama kami pag vacant. kahit may pagka loko loko mga un, malapit sila sakin. kahit si ken ay nerd malapit rin siya sa loob ko kahit na minsan nagmumuka akong tanga kasasalita at di man ang sumagot.

second semester na pero solid parin samahan namin.

*isang araw sa canteen*
ako:asan sina Red?
ken: mauna na daw tayong magmeryenda. may klase pa daw sila.
ako: ahh ganun ba. tara bili nalang tayo.
Ken: tara.
( sa mga nakaraang araw, mas palasalita na si Ken. compare noon na sobrang tahimik. ngayon, na shashare na niya mgafeelings niya. di na rin siya gaanong suplado sakin. haha siguro ung agkakaibigan namin nila Xian ang dahilan.)

habang kumakain di ko maiwasan pagmasdan si Ken. ung mga baduy niyang damit, ung makapal niyang salamin. lahat.

ken: hoy nainlove kana ata sakin. •?•
ako: baliw. ui ken alam mo, mas bagay mo siguro pag walang salamin. tas magsuot ka kaya ng mga usong damit. sigurado mas gagwapo ka. haha.tignan mo magpapasalamat ka pa sa suggestion ko balang araw. haha
ken: haha. baliw . di ako sanay.
ako: sinasabe ko lang naman. wala namang masama kung susundin mo baliw.

sinabe ko lang naman ang totoo. bahala na siya kung susundin niya. haha

*the next day*

malalate ako sigurado. ehh 8 start ng klase ko pero 7:45 na andito pa ako sa may kalsada nag aantay ng masasakyan. takte naman kasi ! late nagising. dumagdag pa ung kotse, walang gasolina !! talagang patay ako.

after 123456789 years, may bus narin sa wakas !! agad ko tong pinara.

pagdating sa skul, nagmadali akong pumunta sa room. tumakbo sa hagdan at muntik pang madulas ! haha. nung nasa harap na ako ng pinto, huminga ako ng malalim.
1....
2...
3..
ako: good morning sir ! sorry i'm late. (sabay smile) n__n
( katahimikan ang bumalot sa room)
sir: as usual.
(nagtawanan ang klase. as usual??? ehh ngayon lang naman ulit ah !!)
why are you late AGAIN?
( talagang inemphasize ang AGAIN)
ako: ahh. eh sir walang masakyan .
sir: that's not a valid reason mr. tuazon.
( not valid ?? totoo naman ahh)
take your seat !!
ako: thanks sir.

pumunta na ako ng upuan. halos pinagtitinginan ako. nakakahiya.

paglingon ko sa kanan napansin ko parang may new student. di ko lang kasi gaanong napansin kasi nakaangat yung libro sa mukha niya. basta naansin ko lang ung astiging dating niya. ( free day ngayon kaya no uniform. yipiee!!)

teka, nakaupo ung new student sa upuan ni Ken ah .! lumingon lingon ako sa paligid para hanapin si Ken, pero wala ehh. absent kaya? eh imposible naman un.. ni minsan di nya pa naranasan mag absent.

pagtingin ko sa harap, nagkasalubong kami ng mata ni sir. nakow , ung mga mata niya, alam ko na ibig sabihin non. so ayun tumahimik na lng ako baka palabasin pa ako. mamaya ko nalang hahanapin si Ken kapag break time na.

*BREAK TIME*
hanap ako ng hanap kay ken habang nililigpit ko gamit ko. san na nga talaga yon? well hayaan ko na nga. baka absent lang talaga. dumiretso ako sa canteen para magmeryenda. pagkagaling ko sa counter, dumiretso na ako sa usual table namin ni ken. kumakain ako nung biglang may nagsalita.

??? : di mo ko hinintaY, inayos ko lang naman gamit ko. (sabe niya habang umuupo)

huh? kilala ko kaya to ? pinagmasadan ko siya ulo hanggang kamay. sabay taas ng kilay.

???: baliw.

nanlaki mata ko. si Ken lang ang tumatawag sakin ng baliw ! pinagmasdan ko mga mata niya. same as ken's. parehong brown eyes !!

bigla siyang napasmile. ewan ko. siguro masyadong nakakatawa ung mukha ko. and that smile, ang cute ! parehas sila ni ken ng ngiti. isa yun sa mga nagustuhan ko kay Ken. his unexpected yet captivating smile.

???: hoy baliw si Ken to.n__n
ako: huh?? . ( processing.. . .processing... processing .. . processing. . )
Ken ?!!! ikaw na ba talaga yan ? anyare sayo? tinopak ka ata? ibang iba na itsura mo baliw !!
( sabe ko habang pinipisil at kinukirot mukha niya)
Ken: tigil mo nga! masakit ! hoy baliw, ikaw nagsabe na ibahin ko itsura ko . haha

ai oo nga no. sinabe ko nga sakanya. pero kahapon yon!!! ambilis naman ata !!

ako:oo nga no ? ambilis naman ata. parang kahapon lang ata yun ah.
Ken: sooows. di pa maapreciate ! sabihin mo nalang kaya na nagustuhan mo. wag na nga lang babalik ko nalang sa dati.
ako: ui ui wag ! stay as it is! mas bagay mo sobra. ang gwapo nga ooh.
Ken: mainlove ka na kaya sakin?n__n
AKO: haha. baliw. may kaagaw na tuloy ako sa mga chicks. haha. nadag dagan na naman ang hearthrob. haha. teka teka, alam na ba nila Red yang transformation mo ?
Ken: baliw di ako mahilig sa chicks. hhaha. ewan ko di pa ata alam nila Red.
ako: sus sigurado mabibigla mga un.

nagulat talaga ako sa pagbabago niya. ang bilis !kasasabe ko lang kahapon ehh nagawa na agad ! at di ko rin naman ineexpect na gagawin niya yon.

katulad nga ng sinabe ko, nagulat rin sila red at xian sa pagbabago ni Ken. mula sa pagiging baduy, ngayon, isang gwapo at astiging tao na. halos hindi rin nga makapaniwala mga studyante na may igagwapo pa pala siya. well nag iba man itsura niya, minsan ganun pa din ugali niya. minsan masaya.nagsasmile. minsan ubod ng suplado. certified suplado lang talaga sa iba. pero saming mga barkada niya di siya ganun. tumatawa pa nga kung minsan. pero all in all, masaya ako sakanya. really.

*END OF FLASHBACK*

sabay kaming pumunta ni Ken sa canteen. dumiretso kami sa usual table namin nina Xian at Red.
ako: nga pala, nagtext sakin si Xian di daw sila sasabaY. may tatapusin ata. ( sabe ko habang umuup0)
Ken: ah ganun ba. ( tipid niyang sagot.)

tatayo na sana ako mula sa pagkakaupo nung biglang nagsalita si Ken.

Ken: wag na. jan ka nalang . ako na bibili.

bago pa man ako nakareklamo, mabilis na siyang naka alis. ano kayang nakain non? ehh halos 2 or 1 week lang kami di nagkita eh ganyan na siya. matanong nga.

pagbalik niya, may hawak siyang tray. tinitignan ko kung anong binili niyang foods. napasmile naman ako nung nakita ko kung anong binili niya. my favorites. haha. nagulat naman ako kasi kahit papaano alam niya ung favorites ko kahit ni minsan di ko pa nasabe sakanya. o baka nagkataon lang talaga?

Ken: ansaya mo ata ( nagtatakang tanong niya)
ako: pano mo nalaman na gusto ko niyan? ( tanong ko habang nakangiti)
Ken: alam mo, may mga bagay na kahit di mo sabihing direkta, malalaman at malalaman rin dahil sa mga kinikilos mo.( sabe niya habang papaupo)

wow ah??? ano ng nanyayare sa kanya?? tinotopak na nga talaga! di ako sanay!!

ako: hoy baliw tinotopak ka ata? anyare sayo?? parang 2 weeks lang tayo di nagkita ahh ganyan ka na ?? nag dadrugs ka no?

napatawa naman siya sa mga sinabi ko. ngayon ko lang siya nakitang tumawa ng ganito.

ken: hahaha. baliw. bakit masama bang maging mabait paminsan minsan?
ako: naninibago ako baliw.
Ken: masanay kana baliw.

habang kumakain, nagsalita ulit si Ken.

Ken: hoy baliw hinay hinay lang.
ako: masarap ehh. alam mo namang paborito ko to.
(napansin niya sigurong mabilis akong kumain. ehh masarap ehh!!)
Ken: kain ka ng kain di pa bayad yan pagkain mo.

natigilan nman ako sa pagkain. ano????. well babayaran ko nalang mamaya.

Ken: haha. dejoke . libre ko yan sayo. ganyan kita kamahal baliw. (smile)?

napatitig ako sakanya. hala. grabe na nga topak nito !! totoo na atang baliw to!
nilapit ko kamay ko sa noo niya at leeg.
ako:wala ka namang sakit. hmmmn nakadrugs ka nga. anong gamit mo?? shabu o marijuana?
ken: baliw. haha. kumain ka na nga lang bago pa magbago isip ko at pabayaran ko pa sayo yan.
ako: ui pero salamat ha. n__n
ken: i dont accept thank yous. haha
ako: i dont accept thank yous. ( pagloloko kong inulit) ano gusto mo?
ken: kiss. hahaha. joke . pasyal tayo sa sabado ha.
ako: haha. baliw. sabado pa talaga ? pahinga naman tayo ohh . gamit na gamit na utak ko sa pag aaral. haha
ken: gamit na gamit ?? di mo nga ginagamit. haha . baliw.. hoy basta sa sabado sunduin kita.
ako: opo . kakahiya naman sayo. haha. kasama sina xian ?
ken:di. tayo lang .
ako: huh?? bakit ??
ken: bastA !! wag ka nlang magtanong!
ako: yes sir !! ( loko kong sagot)

nako . yan nanaman bumabalik ang pagiging suplado niya. di ko na nga lang ipagpipilitan baka bumalik si ken suplado. haha.

pagkatapos namin kumain, bumalik na kami sa room kasi start na ng klase. wala rin gaanong nanyari sa klase bukod sa boring na literature. ewan ko ba. mas feel kong mag aral sa bahay kesa dito. after klase, sabay kaming umalis ni Ken since same lang naman kami ng route. at since ako ang unang bababa, una na siyang nagpaalam sakin at talagang pinaalala yung lakad namin sa sabado.

pagdating ko sa bahay, nakita ko agad si raphael. nako naman !! kararating ko lang ehh siya nanaman ang nkita ko.

napansin ko may kausap ata siya sa phone niya.

TO BE CONTINUED

35 comments:

  1. Wow author ganda ng kwento mo. Can't wait for the next part. Wag patagalin author

    ReplyDelete
  2. Nice story at kahintay hinty ito update agad


    Jay 05

    ReplyDelete
  3. Ang ganda ng story tol .......

    Update agad ahhh hehehe

    ReplyDelete
  4. Nakakaaliw bsahin bro. Salamat.

    ReplyDelete
  5. According sa by-laws nang Student Council President, hindi na sila allowed magimg president nang ibang organization para mapriority ang SC. So, hindi pwedeng maging editor-in-chief at SC President at the same time. You should make your story more realistic babe. -COB Archer

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam m tol.. Ok lng yan

      Delete
    2. Thanks COB archer :)
      -Phoenix

      Delete
    3. By-laws? Edi ibig sabihin nyan iba iba kada corporations. Correct me if I'm wrong huh? Pero we used he word by-laws as the rules within the organization set by the law making bodies. So according din sa post mo, iba iba tayo, kase nga iba iba ang law making body kada corporation. Un lang kung mali ako pakitama na lang.

      Delete
  6. Haha nice story...
    Nxt part po.

    ReplyDelete
  7. Hi Mr author :-) kakapalan ko na mukha ko'pede makipag kaibigan he he naexcite ako at sa thrilling story mo what major mu pala ?2nd year din ako pero sa utak naman ako nabiyayaan haha.hoping for response :-) as of now,loner ako.confused din -_-treasure your friends. the most important I am jealous of with you XD ganda ng story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hey ! Phoenix to, sure! Science major ko. Kaw?Thanks kasi naappreciate niyo kahit papaano. :)

      Delete
  8. We're the same sir Ric. I'm super discreet. Ako lang tas yung barkada ko ang may alam. (sila Red) . And I think you're asking too much. di ko ata kayang magmeet in person. Di ko pa kayang ireveal kung sino talaga ako. I want to help you, believe me. I just don't know how.
    -phoenix

    ReplyDelete
  9. I see. It's OK I'll try to make myself strong. Thanks ulit.thank you
    -ric

    ReplyDelete
  10. It's good na alam ng barkada mo.tunay nga silang kaibigan. If you are ready, please mail me. For now,I'll just keep it all by myself. Kaya ko pa naman.sorry for my rudeness and asking too much.thanks.
    -ric

    ReplyDelete
  11. Yeah. Sure i'll do that Ric. For now, be strong. It's the least thingyou can do. Thanks again dude. :)
    -Phoenix

    ReplyDelete
  12. I will bear that in my mind. Dude :-) I may consider this as a promise and don't ever forget me.:-) I will not forget you,waiting for the time to come.let's still be friends OK?:)

    BTW,yung kanina my point is not to meet you right away but to at least make contact with you.I have thought of a way how without seeing your face. that may be good but I think you don't want the idea. :-) sorry ganeto ako kadaldal hahaha please bear with me xD
    -ric the wiseman haha

    ReplyDelete
  13. One more thing,when time comes din,teach me how to play piano.haha right now, inaaral ko mga parts knowledge plang alam ko.mahal daw kasi ang piano e di namankame mayaman xD
    Reason : pra mai play ko na yung mga anime songs na gusto ko haha. Animelover at music lover ako ng anime hehe at para mai share sa iba ang skill ko,mapasaya ko ang iba at mai express ko ang feelings ko sa isang tao.hehe:-) diba nga integral part of teaching is the 3 learning domains,cognitive affective at psychomotor. At alam ko teacher is a role model to class :-) that's the reason haha XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige ba. Haha Hey ! I like animes too Ric. I prefer tragic stories though. Haha
      -phoenix

      Delete
    2. talaga?! edi otaku ka rin pala ^^ panuorin mu naman para saken yung akame ga kill hehe^^ gore yan kaya gustong gusto ko medyu may mga nakakaiyak na part. ako naman mas prefer ko ang mga gore at magic related stories. basta..mahirap paliwanag masaya ako eh hehe.harem din yung tipong tatawa ako lagi para hindi ko naiisip yung depression xD nasa bahay lang kasi ako lage. nanunuod ng anime :)) isang anime naman na nagpaiyak sa akinay clannad lang :) hayy..ang dami ko pang gustong sabihin sayo kaso limited lang eh xD basta watch it for me thanks sir phoenix! :D I'm really happy na kahit dito lang magkaibigan tayo! apir! ^^
      -ric

      Delete
  14. Haha Masarap ka kaibigan!

    ReplyDelete
  15. hi ric and phoenix,

    pasensya na sa pangingialam ko ha.. nabasa ko lang kasi yung exchange of masages nyo eh... I think ok nman yung ino-offer ni ric na communication (email/ text mate etc.) kahit walang meet up, kasi in that way maiiwasan nyong magkaroon agad ng feelings para sa isat isa dahil sa looks ninyo (I know this thing kasi na-e-experience ko sya. madami akong na-me-meet at nakikilala while im on my way to work or home... and madaling ma-attach / ma-develop or maka-feelings sa isang tao kung may itsura sya) kaya minsan kahit "frienship" ang ino-offer ng isang tao eh, we cant help but fall inlove to that person esp if he has the looks, lalo na kung masarap kausap at ka-kwentuhan lalong nkaka-inlove... so my advise is, when the time comes and both of you decide to have constant communication or meet.. both of you should know your limitations.. i mean, kung friends, friends lang muna.. then wait what will happen next, what life has in store for both you.. good luck and happy friedship!!!! sana na-deliver ko ng maayos yung point ko at naintindihan ninyo.

    - Marco :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hello po Sir Marco. Salamat po at naintindihan nyu po yung ibig kong sabihin.Yan po sana yung ibig kong sabihin pero naiintindihan ko naman din po si Sir Phoenix kung bakit ganoon ang sagot niya sakin :) In the 1st place,sinesecure niya lang po ang sarili niya. Well according to Art.III Section 2. hahaha xD kaya ayos lang naman po sa akin. siguro, gusto ko siyang maging kaibigan kasi we both have same interest like yun nga anime, piano at BSEd ang course namen (although magkaiba kami ng school panigurado). Actually,ito palang yung unang comment ko dahil nagbabasa din ako dito since before yun nga lang pili. like mga game related lovestory :) dahil sa sobrang desperate ko, sinubukan ko ngang hanpin sa fb ang name niya na phoenix lang hahaha kahit wala naman talagang chance na makita ko. ginamitan ko pa ng utak(sorry sir phoenix pero ginawa ko to kanina lang xD) nagresearch ako tungkol sa how to track ip address hahahah at nalaman ko paano yun nga lang failed dahil yung mismong mga general websites lang like google at fb ang natagpuan ko yung mga malalalim (specific)hindi na xD ewan k po ba kung bakit desperado talaga akong kaibiganin si Sir Phoenix. I'm not actually thinking of love :) kasi sa knya ko palang nasabi na parang bi din ako. wala kasing nakakaalam kung anu talaga ako kahit sino. kaya kung if ever man, siya yung magiging una kong kaibigan na tulad ko alam ko maiintindihan niya ako :) I was plotting a lot like creating ideas para makacommunicate ko siya kahit yung hndi nakikita yung mukha kasi all i want is friend talaga. :) Salamat naintindihan nyu po talaga ang punto ko ^^(haba nito pasensya ^^)
      -ric

      Delete
    2. Hi ric,

      definitely i understand you, because I myself is also looking for a friend who can understand me. kasi gusto natin makakilala ng tulad ntin para malaman at maramdaman na hindi tayo nag-iisa.. kasi alam ko kung gaano kahirap sa pakiramdam na para kang nag-iisa kasi alam mo sa sarili m may kakaiba sayo... and i think people like us experience the same thing.

      - Marco

      Delete
    3. thnk you po sa malawak niyong pang-unawa. Actually, tma po yan. and I'm depressed because of that. But now, I fight with it. nalalabanan ko napo nagpapakabusy ako kahit minsan wala namn talagang pagka abalahan hehhe thank you po ulit . i appreciate your great help ^^
      -ric

      Delete
  16. Thanks for your advise Sir Marco. Yeah I'll keep that in mind. Never pa kasi akong nakameet ng ibang tao through this kind of websites so I was unsure. Your advise is a great help. Thanks pal. :)
    -phoenix

    ReplyDelete
    Replies
    1. Share ko sa iyo to dude, alam mu bang matanda lang ako sa iyo ng 1 week xD hahahah nung narealized ko to bago ako matulug nung binasa ko ang 1st part ng story mo natawa talaga ako xD hhahaha

      Actually, hindi pa ako nakipagmeet sa site na to as well sa story mu palang ako 1st nagcomment xD kaya if ever man na magmeet tayo, panigurado wala akong alam gawin kundi manahimik lalo na pag may kasama ka pala hahaha. Gusto ko lang na malaman mo na sincere at serious talaga ako makipagkaibigan sayu even if it costs money at makipagkita sayo yung ang punto ko :)) hehehe xD problema pala baka mawala ako patay! hahahha btw, taga pampanga ako^^
      -ric

      Delete
    2. hi phoenix,

      as you've said - " Never pa kasi akong nakameet ng ibang tao through his kind of websites so I was unsure"....so...., na try mo nang maki-pag meet through other means? like thru textmate? or sumama to someone you've just met who shows interest to you through eye contact?.. actually.. sa ganitong way ako nakaka-meet / nakakakilala ng ibat ibang tao trhough eye contact lang.. through their eyes they show interest in me and i reply back hehehe.. try mo minsan.. masaya.. hehe

      BTW, the way the conversation goes.. pareho kayong may hesitations to meet kasi di nyo alam ang gagawin pag nakita kayo and natatakot sa isa't-isa kasi you were both strangers to each other.. therefore i came to this conclusion, when both of you decided to meet up, i will lend my hand, tulungan ko kayo or samahan ko kayo para di kayo magkahiyaan kasi tatlo tayong magkakahiyaan sa isat isa... hehehe.... deal?

      -MArco,


      Delete
    3. No either kuya Marco. As in never pa. Di ako sanay/mahilig sa eyeball. Kung may nagyayang babae man o sino, di ako pumapayag. siguro nga nahihiya ako o ewan. Haha. Though naranasan ko na rin yung may iba sa tingin ng isang tao. Katulad ng sinabi mo, they show interest base sa eye contact nila. Pero kung alam kong may iba sa tingin nila, di ko nalang pinapansin. I try to act normal kasi discreet ako. Ayokong bigyan ng motibo.
      -Phoenix

      Delete
    4. First, nagustuhan ko yung "kuya marco" kasi it sound more personal and intimate, compare sa "sir marco" masyandong nakakatanda, im just on my late 20's.

      Second, you have a point, people will know who we really are by looking in our eyes, thus I respect your decision to be discreet. Nakakainggit ka nga kasi kaya mong itago yan, ang hirap kaya nyan. How i wish i was straight acting as you, hindi namn ako ganun kahalata. Sa Tinding, porma at kilos straight namn ako tignan, pero medyo kumulot ang boses pag nagsalit na at pag may un-guarded moments eh medyo mahahalata din sa kilos, kaya nakakaingit ang tulad mo, hindi malalaman ng iba unless kung sasabihin mo.

      Third, don’t get me wrong. I don’t stare to anybody just to flirt. Tulad nga sinabi ko, kaibigan din ang hanap ko pero mahirap makatagpo, kasi more than that ang gusto nila.

      Hay.. dami ko pang gusto ikwento sayo and to ric, but limited space lang eh.. tsaka mas masarap makipagkwentuhan in person.... Anyway, nice ‘meeting’ you, and thank you for spending time to read and answer my comments.

      -Marco

      Delete
    5. Nice meeting you too kuya Marco. Haha. Thanks again pal. :) May the odds be ever in your favor. haha
      -Phoenix

      Delete
  17. Youre funny sir Ric. Haha. Reading your comments make me laugh. Haha.

    -Phoenix Dwight

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha but those information are all true ^^ mamaya pa ako matutulog mga 2am. naglalaro pako ng dragon nest(ol game na kinakaadikan ko haha) while listening to anime songs :3 basta ah! yung deal hahaha ^^ atleast natuwa ka naman saken xD
      -ric

      Delete
    2. btw, kuhanan na namen ng grades sa 30, balitaan kita pag naging d.l ako! hahahah :D
      chatbox na itu :3 xD

      Delete
  18. hi ric,

    wala ka p namn suicidal tendencies due to your depressions? hehehe.. keep your head high and smile :)

    Mabuti nman at napaglalabanan mo yan, i myself experience the same thing, at mahirap gawin... di madaling manindigan sa tama, but we have to or else tayo rin namn ang talo sa huli... but things has its own way, there will come a time kung saan parang gusto mo ng bumitaw sa tama and just follow what your heart is singing.. di namn masama sundin minsan ang puso kung liligaya ka nman.. pero dapat know your limitations, set your bounderies and stay focused on how you see yourself in the future... i mean, enjoy your life.. baka sa sobrang pagkadicreet eh you have an un-lived life na pla, aba mahirap yun.. at ang pangit namn tignan kung kelangan tumanda eh tsaka namn nagpaka-wild. Kaya enjoy life habang bata ka pa, para pag dumating na ang babaeng nakalaan para sayo eh mamahalin mo sya ng buong-buo dahil sawa ka na sa ‘buhay binata’ 

    - Marco

    ReplyDelete
  19. nice story po! Relate ako. Graduate din naman ako ng Punong Patnugot at SC President eh. In my case kase no choice ako lang marunong sa collab at head writing kaya napapayag ang school. Thumbs up po! Very realistic.^_^

    -Dark

    ReplyDelete

Read More Like This