By: Mickey
Tawag sakin ng close friends at family ko ay Mickey, sa kasalukuyan ay nasa 4th year college na ko at kumukuha ng MMARTS sa isang kilalang university dito sa manila. Sinasabi ng iba na sayang daw ako at naiinis ako sa tuwing nakakarinig ako ng ganung bagay, I mean lagi kong naiisip na hindi ba pwedeng mabuhay nalang yung mga kagaya natin na everytime may magc-complement satin wala na yung mga salitang "sayang ka", "gwapo ka sana kaso". Nakakainis diba? Siguro nga culture na ng tao yung ganyang pag-uugali kaya sanayan nalang, no choice eh. Siguro rin kailangan ko ng simulan yung story na isshare ko sainyo. Bata palang ako alam ko ng hindi baril barilan ang gusto ko, napapansin na din yung nila mama at papa siguro dahil sa apat na maria ang mga kapatid ko kaya naingit ako at humabol para maging pang-lima. 12 years old ako nung nag ka-crush ako sa mga basketball players na naglalaro sa court na malapit sa bahay namin, simula noon hindi na talaga ko nag ka-gusto sa babae, simula noon namulaklak na ang pagkatao ko at masaya naman ako kasi tanggap ako ng pamilya ko. Nagising ang makamundong pagnanasa ko sa lalaki nung umedad ako ng 17 years old. Ang nagmulat sa natutulog kong kalandian at kaharutan ay ng mag hiwalay si Mama at Papa (personal problem) Dahil sa malapit ako kay Mama ay sakanya kami sumama ng apat na maria, sustentado parin naman kami hanggang ngayon ni Papa at sya rin ang nagpapa-aral saming mag ka-kapatid kahit hiwalay na sila Mama. Kaya ng umalis kami sa tinitirahan namin sa Makati ay lumipat kami sa Quezon City kung saan naroon ang side ni Mama. Unang araw na lumipat kami sa bago naming bahay ay todo kamustahan ang mga kamag-anak ni Mama, habang busy sila sa pakikipag usap sa isa't isa ay umakyat ako sa ikalawang palapag ng bahay namin tinignan ko yung mga kwarto, sa unang pinasukan ko na kwarto ay napansin kong maaliwalas dahil sa dalawang bintana ng silid na iyon, kaya naisip ko na sabihin kay Mama na ito nalang ang gagawin kong kwarto. Habang nag mumuni-muni ay dumungaw ako sa bintana at pinagmasadan yung mga katapat na bahay na sya ring bahay ng mga kapatid ni Mama, habang nakasilip ako ay may natanaw akong grupo ng mga lalaki na papalapit sa katapat na bahay namin nasa 8 sila at mukang galing sa pag lalaro ng basketball base sa mga suot nila at bolang dala dala nila, inisa isa kong tignan yung mga lalaki, well karamihan sa kanila ay may itsura at talaga namang pasok na pasok sa tipo ko.