Pages

Friday, December 8, 2017

Love It Is (Part 1)

By: Kevan

The title of my story is "Love it is" Hello guys this is going to be my first ever story. I hope you enjoy reading this.  This story is pure work of art. Nov.28

START. My life has been a roller coaster ride simula ng nag college ako especially 1st year and second year. But i dont intend to tell you what happened because it was just Academic and you may find it boring.  It is my start of being a third year college and it is going to be tougher because madami na akong major.

So first day na ng third year and i am so excited to meet again my friends. Although, we're always seeing each other during vacation, pero kasi iba pa rin talaga yung sa school hehe. i dont know i just thought about that, walang ka kwenta kwenta. Hahaha.

I am Kent Molina nga pala, I know to myself na may kakaiba sa akin. Im not fascinated sa mga girls, Although may crush akong babae pero thats the end of the story, Sa lalaki ako mas attracted and i can see myself settling to the man i love. Alam na rin naman ng tropa ko who and what i really am pero never nila ako jinudge just because i am bi. So today im about to go to my class room. Pagpasok ko ng classroom nandoon na si Liezel, Aina, and Joseph. Four kami sa tropahan, and I must tell super solid kami.

Joseph: First day late ka.
Liezel: Hahhaa naunahan pa kita. Text mo sakin kanina otw ka na.
me: Tigilan niyo ko ha. Hahhaha
Aina: Sakto lang naman pagdating mo erp (pre)

Si joseph,  he has always been good to me since first year. Mabait sya, gwapo and mayaman. Pero hindi mo makikitaan ng kahanginan humble sya sa iba, pero pag sa tropa na Lintik kung makapang asar. Hahaa we know each other na naman ni hindi na kami nagkakapikunan. Parang nung first year Kaming apat We just clicked together.

Si Aina naman. She is the super talino in the group, though lahat naman kami nag aaral pero sya yung mejj seryoso but still nakikisama pa rin sa mga kabaliwan namin.
Si liezel naman, Pala joke, patawa, pero may sense rin kausap, Kaya niya ibalance ang pagkakaroon ng sense of humor pero hindi pa rin mawawala yung pagiging seryoso nya sa mga bagay na kailangan na maging seryoso. Lahat sila kasundo ko, Lahat sila gusto ko ang ugali kaya nga we are in one group eh. mahal ko yang mga yan. Hihihi.

Ako naman. Hindi ko alam kung anong proper word to describe myself hahaha. pero sabi nila, Chill daw ako kasama and thats what they want. I study rin naman pero i just know what my limitions are. Hindi rin ako kumikibo kapag ayaw ko yung mga kasama ko,  Ako dapat yung una nilang kakausapin, or else hindi ko sila kikibuin. Im sorry thats my weakness. Hindi ako ganon kagaling makisama. Oh! by the way, Lalaki pa rin ako kumilos. Walang nakakaalam except my tropa and my family na bi ako. I never tell my story to those who dont need to know it. but if they ask i will tell them pero as of now wala pa namang nag aask because manly enough naman ako kumilos. So,  enough for that.

Dumating na yung prof namin and he started to introduce himself and started to talk bout life lesson, Hindi pa ito yung formal class because may mga students pa daw na late enrollee. So baka next week pa sya magturo kaya nag aadvice lang sya tungkol sa life and kwento kwento tungkol sa mga countries na napuntahan na nya. Maaga nya kami pinaawas kaya maaga pa kami para sa next class namin. So paglabas namin ng Classroom daldalan na naman ang naganap.

Aina: Someday i wanna be like Prof Rebreb. he's doing waht he want to do while working diba?

Liezel: Oo someday We're gonna travel the world no! Magkakasama dapat tayo ha. Bugbog ang magsolo flight. Sabay akmang manununtok.

Joseph: of course we're gonna do that. Two years na lang matatapos na tayo. we're gonna work na naman after the graduation diba? Sabay akbay sakin.

Though joseph knows na bi ako. Hindi sya awkward sakin. He's always doing the akbay thing to me and wala namang malisya yun to both of us.

Me: yes but before that, kumain muna tayo gutom na gutom na ako.

Liezel: Lagi ka namang gutom. Hahhahaa
sabay nagtawanan ang lahat.

Nang Papunta na kami ng canteen ay bigla na lamang may Kumausap samin na guy. He's tall,maputi and nice looking.

Guy: Hello guys, sorry for the interuption. Do you know where room 406 is?

Aina: We're gonna go there too, pero later pa. Diretso ka lang dito sa way na to. and just turn right tapos may makikita kang building and its in 4th floor. Yeahh.

Guy: Okay thank you. I dont wanna be late kasi eh.

Liezel: Sure no problem.

The he headed na dun sa room. We continue walking hanggang sa makarating na kami sa canteen. Umorder na kami and umupo na sa vacant seat.
Pagkaupo na pagkaupo namin.

Liezel: Kent, type mo no?
Me : Sino?
Liezel: The guy!
Me: Luh hindi no. I dont find him attractive.
Liezel: Good, Samin yun ni Aina.
Aina ang yummy no?  Super masculine nya tignan tapos ang tangkad pa. Sabay tingin kay aina na super kilig. Alam ko naman na hindi sya seryoso dun dahil we know naman na may boyfriend sya and that was just a joke.

Joseph: Hindi talaga yun type ni kent, Ako gusto nan eh. Sabay subo ng pagkain nya habang nakatingin sa akin. In short nag papa yummy.
I admit gwapo sya madami talaga nagkaka crush sa kanya kahit si aina and liezel crush sya dati. Crush ko sya dati Pero ganon kasi talaga ako eh, pag friend ko na may different attachment na ako. hindi ko ineentertain yung mga ganun kasi baka masira lang yung friendship. And besides wala naman syang gusto sakin. I value friendship talaga. Nang aasar lang yan.

Me: Tigilan mo ako joseph ha! Hahaha Pa hot ka eh. nakakaasar.
Joseph : Eto gusto mo diba. Sabay hawak sa kamay ko at ihinawak nya sa katawan nya. Inalis ko naman kaagad yung kamay ko at sinabi kong nadidiri ako sa mga pinag gagagawa nya. tawa naman ng tawa ang dalawa sa pinag gagagawa ni Joseph.

Marami na ring naikukuwento si Joseph sa akin. May boys hang out din kami and ganon din naman si aina and liezel. Naikukuwento nya sa akin yung mga nakaka fling nya and, He's happy about that, hindi pa din daw kasi sya ready na mag commit sa isang relationship kaya hanggang dun lang daw muna. Transparent sya sakin, he can say anything to me.

We're about to go to our next class. Naglalakad kami ngayon, medyo malayo kasi yung room na yun sa canteen. Nang makarating na kami sa room ay marami rami na rin yung estudyante, yung iba kilala na namin tapos yung iba hindi familiar siguro mga transferee. Nakita rin namin yung guy na nagtanong samin kanina.

Liezel: Hello there! Sabay wave dun sa guy.
Guy: Oh hello.

Nasa isle yung guy and may apat pa na vacant seat sa tabi non kya napag desisyonan namin na doon na lang kami umupo. Si liezel ang katabi nung guy then si aina tapos ako and joseph.
Aina: Ayy wait, Ano nga palang pangalan mo. She asked.
Guy: James. mahina nyang tugon.
Liezel: Youre transferee i assume.
James: Oo transferee ako.
Tumayo si joseph para makipag appear kay james at winelcome na rin niya ito.
"Welcome bro" Wala akong ginawa ara batiin sya ewan ko ba bakit parang ang ilap ko sa mga tao

Maya maya pa ay dumating na rin yung prof namin. As usual first day of class maaga ulit kami pinaawas ng prof. Nagpaalam na din samin si James at nauna na samin umalis. napagdesisyunan na rin namin umuwi.

Isang sakay lang naman ng jeep ang papunta sa amin kayat mabilis lang ako makauwi. Nang makarating na ako sa amin ay binati ko si mommy and dumiretso na agad ako sa kwarto ko para makapagpahinga na rin. Si daddy ay nasa trabaho pa, mga 6pm pa siguro sya makakauwi. I have 2 brothers pala at ako yung bunso yung dalawa kong kapatid ay nagtatrabaho na. Hindi na sila dito nakatira sa bahay namin, padalaw dalaw na lang sila dito kaya lahat ng attention ni mommy ay  sa akin lang nakatuon. Baby na baby pa rin talaga ang turing sa akin ng mommy at daddy. Hindi rin nila ako binibigo sa mga pangangailangan ko.

Nakahiga ako sa kwarto ko ngayon at biglang may nag notify sa cellphone ko. Inopen ko yung messenger at may nakalagay na New message request. Clinick ko yun at ang nakalagay ay James Montero.

James: Hello. Pwede magtanong?

Nagulat ako dahil pano nya nalaman yung name ko eh i never introduced myself to him. Naseen ko na rin yung message nya so i have no option but to reply.

Me:Oh sure Ano yun?  Agad naman nyang na seen yung message ko.
James: Ano nga palang ginawa niyo kanina sa materials engineering? (First subject namin) Sabi ni liezel magka kaclassmate din daw tayo dun.
Me:Wala naman, Hindi pa formal class kanina.
James: Ahh ganon ba? Sige salamat.
Me:Like sign.

Pagkatapos nun ay agad kong chinat si Liezel.

Me:  Lie
Liezel: Ohhh whyyyy?
Me: Chinat ka ba nung james?
Liezel: James Montero? Yesss whyyy?
Me: Anong sabi sayo?
Liezel: Tinanong nya kung anong mga pangalan niyo tapos tinanong din nya kung anong ginawa kanina.
Me: Ahhh eh bat tinanong pa nya sakin kung ano daw ginawa natin kanina sa first class?
Liezel: Ewan.
Me: Seen.

Bakit pa nya tinanong sakin kung alam na pala nya. Wala lang nacurious lang ako. Pagkatapos ko makipag chat kay Liezel ay tinignan ko yung profile ni james sa fb nakalagay din don na confirm friend request, hindi ko muna clinick yun bagkus ay tinignan ko muna yung mga photos nya. Clinick ko yung profile picture nya, Gwapo sya, maputi at ang ganda rin ng mga ngiti nya na bumagay sa maamo nyang mukha. Hindi rin naman talaga maikakaila na malakas ang dating nya. Kanina pa lang ng nakita namin sya nacute-an na talaga ako sa kaniya, nagsinungaling lang talaga ako kila Liezel sinabi ko i dont find him attractive. Clinick ko na yung friend request. Maya maya pa ay tinawag na ako ni mommy dahil umuwi na daw si daddy at maghahapunan na rin kami. Sabi ko naman kay mama ay susunod na rin ako.

Natapos ang isang linggo na walang masyadong ginagawa paminsan minsan ay sumasama rin sa amin si james dahil wala pa sya gaanong kakilala. magsisimula na rin yung formal class namin.Madami dami na rin yung gagawin namin this week sana kayanin namin. Maya maya pa ay nagchat si Aina sa GC.

Aina: Guyth agahan niyo bukas ha.
Joseph: Opo aagahan ko po.
Liezel: Bakit anong meron?
Aina: Lalo ka na Kent baka malate ka pa first lesson tom.
Me: Opo, I wont be late.

Hindi katagalan at may nagmessage pa sa akin. Si james
James: See you tom. Classmate.
Me: See you tom. Hehehe.
James: Ano pala gawa mo?
though nabasa ko na sya pero hindi ko pa sya nasi seen. Nagchat ulit ako sa gc.

Me:Guyth nagmessage sa inyo si James?
Joseph: Hindi bakit?
Aina: Nope.
Liezel: Hinde.
Me: Ahhh Wala wala, guyth see you tom.

Pagka chat ko sa gc ay saka ko pa lamang chinat si James.

Me: Ahh wala lang scroll scroll lang sa fb haha.   James is typing ....
James: Ahhh ako rin eh. pagkatapos noon ay sineen ko na lamang.

Kinabukasan,  Ala sais pa lamang ay nagising na agad ako. 9 pa naman ang pasok ko pero mga 8:30 siguro school na ako. So pagkagising ko ay nag 10 minute stretching muna ako saka ako bumaba para kumain ng umagahan.Chineck ko yung cellphone ko at may nakita akong nag message, si James.

James: 5:42 AM Good morning.
5:45 Good Morning.
5:50 Good Morning.

Me: Seen
Leche ang weird. Bakit ba nag cha chat to sakin? Masaya naman ako dahil may nakakaalala sa mga gantong oras pero di ko alam yung nararamdaman ko eh.

Me: Good Morning din. Reply ko sa kanya.

Alas otso ng umaga ay nagchat na si Aina sa gc.
Aina: Otw na ako diretso muna kayo canteen kain tayo.
Me: Sigesige papunta na rin ako.
Lie: Aina hintayin mo ako sa gate ha.
Aina: Bilisan mo kumilos.
Joseph: malapit na ako.

Nang magkita kita na kami ay dumiretso muna kami sa canteen upang kumain. Umupo kami at sa di kalayuan ay nakita namin si James na naglalakad patungong canteen,  hindi nya kami napansin kayat tinawag ito ni Joseph.

Joseph: James, Pare!
James : Oyy anjan pala kayo. Goodmorning guys.
Good morning. Bati namin.
Joseph : Dito ka na umupo pre, Wala ka atang kasama.
James: Actually wala nga. hahaha
Aina: Sige saluhan mo kami dito. Yan vacant seat sa tabi ni Kent umupo ka na.

Then umupo na sya katabi ko. Habang tinititigan ko sya lalo kong naappreciate yung mga mata, yung ilong nyang matangos, yung labi, ang linis nya tignan. Yung uniform namin ay bagy na bagay sa kanya. Hayyy ewan ko ba para akong nakakita ng maamong anghel. Parang ang bait bait nya. Grabeeee Nakatitig pa rin ako sa kanya ngayon.

James: Heyy. sabi nya ng nakangiti sakin.
Me: Ahhh O ehhh Ahhh hello. Utal at matipid kong banggit.
James: May dumi ba ako sa mukha? Hehehe
Me: Ahhh wala wala. Nahiya kong pagkakasabi.
James: Sige guys order lang ako saglit.

Nang makalayo si james ay agad naman ang tukso ng mga tukmol.

Liezel: Grabe titig kanina ah.Matutunaw yung tao sayo eh.Hahhaha
Me: Ewan ko sayo.
Liezel: Halatang halata eh. hahahha
Me: Tigilan mo ko ha. Hahaha
Joseph : Di naman nya crush yun eh. Ako crush nan. Diba baby. Sabay akbay sakin at hinaplos haplos ako.
Me: Ano ba joseph hahhaa para kang timang.
Aina: Pero hindi niyo maitatanggi gwapo talaga. Hahaha
Liezel : Yesss, super. Pero loyal ako sa boyfriend ko ha. Hahaha

Nang makabalik na si James ay nagsitigilan ang mga tukmol. Syemore hindi pa rin naman ganon ka close si James kaya medyo awkward pa rin. Lalo na ako  sobrang awkward talaga yung nararamdaman ko. Pagkatapos namin kumain ay naglakad na rin kami papunta sa room namin. Si aina at si liezel ay nag ku kwentuhan, Girltalk. Si joseph naman ay ineentertain si James para naman hindi sya ma out of place, so ako naman yung walang kausap ngayon. Nang makarating na kami sa classroom ay sakto lang din ang dating ng mga teacher namin. Puro lesson lesson lesson hindi magkamayaw na solving at cincept of engineering. By the way Im taking up Bs Electrical engineering, syempre pati yung tatlo and also si James. Nang matapos ang pag didiscuss ng prof ay nag pa assignment agad ito at nag iwan din ng reminder na next meeting ay may short quiz daw kami. Hayysss kastress.

Nasa gazebo kami ngayon at tumatambay, Vacant pa namin and guess what, Kasama ulit namin si james.  Halos ka block din kasi namin sya isa or dalwang subject lang ata yung pinag kaiba.

Aina: nakaka stress yung may pa assignment at may pa quiz ha.
Joseph : Tapos pagdating ng result highest. Hahhaa
Liezel: Kaya nga hahaha. Isa pa tong si kent pasimple pero matataas din ang nakukuha na mga scores, sasabihing konti lang naaral pero matataas mga grades.
Hindi kasi talaga ako pala aral kung ano lang kaya kong aralin yun lang talaga ang inaaral ko, Matataas naman nakukuha namin ng barkada sadyang mas mataas lang talaga nakukuha ni Aina at sumunod lang ako.

Natapos na rin ang araw nato and to sum it up. Nagkaroon kami ng 5 Assignments and 2 quizzes. Iba iba naman ang schedule ng pasahan. pasalamat na lang talaga.
Nakahiga ako ngyon sa kwarto ko nagpapahinga lang ako saglit at babalik na rin sa paggawa ng assignments. Maya maya pa ay may nag notify sa cellphone.
Si james nag message sa akin.

James: Hello
Me: Ohh Hi.
James: Hindi mo ako masyado pinansin kanina ah. Hehehe

Aba. Bakit naman magkakasama na nga kami kanina ah. Well, totoo naman yun, di ko sya masyado napapansin.

Me: Ahhh medyo nahihiya pa kasi ako sayo. Hehe
James: Bakit ka naman mahihiya eh hindi naman ako nangangain. Unless na lang kung sabihin mo. (with devil emoji) Hehehe.

Abay Gago. Hahhahaa Napatawa tuloy ako or should i say kinilig akong konti. Hehee kasi naman napaka pilyo.

Me: HAHAHHAHAA napaka pilyo eh. yun na lang nasabi ko habang nakangiting nag chachat. Maya maya pa ay nag chat ulit sya sakin.

James: Kent
Me: Bakit?
James: Pwede ba na turuan mo ako?
nahihirapan lang talaga ako. Okay lang ba?
Me: Sige kailan ba?
James: Kahit bago tayo mag quiz.
Me: Sa wed? 8:30 ang awas natin non diba? Pano kita matuturuan?
James: Pwedeng dyan na tayo dumiretso sa inyo or gusto mo dito sa dorm kaso baka gabihin ka.
Me: Sige tignan ko.

Hindi ko talaga alam kung anong isasagot ko. May parte sa isip ko na natutuwa ako at meron din na kinakabahan ako. Pero alam nyo yun parang nag eexpect ako na baka sakaling merong something special ganon. Hayy ewan ko ba.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This