By Tencity
Hi there! First time ko tong sumulat kaya sana maintidihan nyu kung may mali mali man sa grammar structure ko lalo na at Filipino ang medium na ginamit ko. I am Lenoxx, from visayas. Hindi ko na babanggitin ng lugar or region.
Maagang naging ama pero walang asawa. 21 years old ako nung magsimula akong magtrabaho sa isang kumpanya sa maynila at maagang nagging independent dulot ng kahirapan at nagpursiging mapatapos mga kapatid ko dahil ako ang pangnay. In a relationship ako sa isang babae named ching na isang CPA at natatarabaho sa probinsya namin. That time ay pinag aaral ko ang kapatid kung sumunod sa akin. Plano kasi naming na ladder method kami, kung sino ang makatapos at makapagtrabaho, sya ang magpapaaral sa susunod. Nasa 4th year college na ang kapatid kung babae noon ng mabuntis ng anak ng isang may kaya ngunit masyadong spoiled brat in male version nga lang. Halos binagsakan ako ng mundo ng mga oras na iyon lalo na ng malaman kong walang planong panagutan ng ama ng bata ang aking kapatid. Nag file ako ng vacation leave kahit ayaw sana ng boss ko at umuwi. Walang nagawa ang immediate supervisor ko dahil never akong nag absent or leave simula ng pumasok ako maliban kung bagyo at isa ako sa mga dedikado nyang subordinates.
November noon ng umuwi ako. Two weeks lang ang vacation ko kaya kailangan kong maiayos ang gusot ng pamilya lalo na’t si nanay lamang ang kasama nila sa bahay. We’re seven at panganay ako. Wala ng ama kaya obligado akong magpakaama kahit na masyado pa akong bata noon. Nang dumating ako ng bahay, imbes na mag celebrate kami sa aking pagdating at sa nalalapit na graduation ng aking kapatid ay para kaming namatayan. Iyak ng iyak si nanay ng Makita ako kayat pinakalma ko muna. Nagpahinga lang ako ng isang oras at gumayak upang puntahan si ching sa kanyang opisina para sorpresahin, nasa skul ng mga time na iyon ang kapatid kong nabuntis kayat hindi kami nakapag usap.
As expected, nagulat si ching ng Makita nya ako. Sinenyasan nya akong hintayin siya sa visitors area. Nagdinner kami at masaya syang nagkukwento ngunit napansin nyang tila may bumabagabag sa akin.
Ayos ka lang labs? Tanong nya sa akin. Kanina ka pa walang imik ah. Tinatanong kita kung bat ka napauwi pero parsng lutang ka... niriregla ka ba?
Natawa ako. Oo, may red tide ako kaya bawal mo akong gapangin mamaya. Ganting biro ko. Sabay kaming napahalakhak.
Pakasal na tayo labs. Maya maya ay sabi nito. Nagulat ako sa narinig. Usapan kasi naming na kapag graduate na ang kapatid kong babae at makahnap ng trabaho ay pede na kaming lumagay sa tahimik. Wala akong nagawa kundi sabihin sa knya ang problema ko at ang dahilan ng aking pag uwi. Inalo nya ako at inassure ng kanyang all out na suporta habang hinahanapan ko ng solusyon ang problema ng aking pamilya. 9 PM na ng hinatid nya ako gamit ang kanyang sasakyan.