Pages

Sunday, August 26, 2018

Two Sides of Him

By: SadBoy

"Vincent, pumasok ka na muna doon sa kwarto mo at sigurado kong napagod ka sa biyahe." wika ng Tita Risa ko na siyang kapatid ng aking ina. Tumango na lamang ako at nagtungo sa pinto malapit sa hagdan ng ikalawang palapag ng bahay ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagulat ako sa aking natanaw. Naibagsak ko ang dala kong bag at umalingawngaw ito sa loob ng kwarto dahilan upang magising ang dalawang taong natutulog.

"Ano ba yan?! Istorbo." wika niya na tila ba nagbigay ng ilang boltahe ng kuryente sa aking sistema.
"M-Mig... Ah A-Angelo..." tanging mga salitang namutawi sa aking mga labi dahil bakas pa rin sa akin ang pagkagulat sapagkat pareho silang walang saplot.
"Tsk. Sa kabila ang kwarto mo at hindi dito." bumuntong hininga siya at doon na ako bumalik sa realidad. Isinarado ko ang pinto at nagtungo sa kabilang kwarto.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa higaan at pumikit panandalian upang iproseso sa isip ko ang mga nangyari kanina. Ang laki na ng pinagbago niya. Di ko na nga alam kung siya pa ba yung Miguel na kilala ko ngayong mas kilala na siya bilang Angelo.

Pamangkin ni Tito Leo, na asawa ni Tita Risa, si Miguel. Katulad ko ulila na rin siya, buhay man ang kanyang ama ay nananatili ito sa isang Mental Institution dahil sa sakit nito sa pag-iisip na siyang naging sanhi  ng pagpatay nito sa kanyang ina noong siya ay siyam na taon pa lamang. Bilang pinakamalapit na kamag-anak kinupkop siya nila Tito Leo at Tita Risa at pinalaki. Gayunpaman, di naging madali kay Miguel ang pag-aadjust lalo na't mukhang di sya nagustuhan ng anak nila Tita na si Kuya Francis na mas matanda sa amin ng tatlong taon. Naging mailap siya pero dahil na rin siguro roon ay naging magkaibigan kami dahil masasabi kong ako yung sobrang makulit noong bata ako at di ko sya tinigilan hanggang sa naging magkaibigan kami. Ako lang ang hinahayaan niyang tawagin siya bilang Miguel dahil sabi niya ako lang daw ang kakampi niya noong mga panahong iyon.

Hindi rin ganoon kaperpekto ang buhay ko noon lalo na't masyadong perfectionist ang aking ama at wala namang magawa noon ang aking ina. Di ko naranasan mabuhay na katulad ng isang ordinaryong bata noon. Laging libro at piano ang kaharap ko noon. Kaya naman tuwing bumibisita ang mama ko noon kila Tita Risa ay kinukulit ko siyang isama ako upang makapaglaro kami ni Miguel.
Naging normal ang ganoong sistema hanggang sa isang di inaasahang pangyayari. Nakawala sa Mental ang ama ni Miguel at naging mitsa iyon ng pagtatalo nila Tita at Tito dahil nangangamba si Tita para sa kaligtasan nila. Nagpunta noon sa amin si Miguel na umiiyak pero mapaglaro ang tadhana at bigla kaming dinakip ng kanyang ama. Naging hostage niya kami sa loob ng halos isang linggo at humihingi siya ng ransom na 10 Milyon para sa kalayaan ko. Sinabi niyang gagamitin niya ang pera upang makapagsimula mula sila ng panibagong buhay ng kanyang anak ngunit bakas noon sa mga mata ni Miguel ang lubusang pagtanggi.

Dumating ang mga pulis at muling nadakip ang ama ni Miguel. Nakaligtas kami ngunit nagkaroon ng malaking lamat dahil doon ang pagkakaibigan namin. Naging mas mabigat para kay Miguel ang pagtira kila Tita at nagkaroon din ng galit ang aking ama sa kanya dahilan upang di na kami normal na magkita. Dahil na rin sa trauma ay iniwasan ko na rin siya tuwing klase at di ko na siya pinapansin kung dadalaw man kami sa kanila. Tuluyan na kaming nagkalayo sa madaling salita.

Dumating ang graduation namin sa elementary at magsisimula na kami bilang high school students pero di na naibalik pa ang dati naming samahan. Nakapagdesisyon noon si papa na pag-aralin ako sa Amerika at dahil wala naman kaming magagawa ni mama sa kanyang desisyon ay pumayag na kami. Personal akong nagpaalam noon kila tito, tita, at kuya Francis. Di na ko umasang makakapagpaalam ako noon kay Miguel kaya mabilis na rin akong umalis. Ngunit di ko inaasahang magtatagpo kami sa labas ng kanilang pintuan.

"Aalis ka na?" tila ba isang baldeng yelong bumuhos sa akin ang epekto ng kanyang tinig.
"U-uh, oo didiretso na ko sa airport." halos pabulong kong sabi.
"M-Mig..." balak ko sanang humingi ng tawad sa ginawa kong pag-iwas sa kanya noong mga panahong mas kinailangan niya ng kakampi ngunit isa na namang balde ng yelo ang sinabi niya sa akin.
"Angelo, tawagin mo kong Angelo simula ngayon." di ko pa man din nasisimulan ay malinaw na sa akin. Bumitaw na siya sa pag-asang magiging magkaibigan kaming muli.

Di ko alam pero parang kinukurot ang puso ko nang mga sandaling iyon. Wala na si Miguel at doon ko iminulat muli ang mga mata ko. Di ko napansing may isang patak ng luha ang kumawala sa aking kaliwang mata.

Inayos ko na ang aking mga gamit at nilinis ang kwarto. Sa di sinasadyang pagkakataon ay nakita ko ang babaeng katabi kanina ni Angelo sa kama na unti-unting bumababa sa bintana ng kanyang kwarto at tumakbo palabas sa may bakuran. Di ko na lamang ito pinansin at nagbihis na at napag-isipan kong bumaba na muna. Pagsarado ko ng pinto ng aking kwarto ay siya namang pagbukas ng pinto ni Miguel. Nagkatinginan kaming dalawa ngunit di nagtagal ay siya na rin ang umiwas. Papalapit na ko sa may hagdan ng bigla siyang bumulong.

"Huwag na huwag mong sasabihin kila tita ang nakita mo kundi malilintikan ka."

No comments:

Post a Comment

Read More Like This