By: DJS
Hi. Ako nga pala si Dexter. Dj for short. Sabi nila kahawig ko daw si Carlo Aquino pero matangkad daw ako 6’1 kasi ang height ko, gym fitted dahil thrice a week ako nag gygym. Ang kwento ko ay tungkol sa mga kaibigan ko sa probinsya ng Rizal, Nueva Ecija nuong nag bakasyon kami duon.
Christmas is a time to love sabi nga nila. Nag plano sina mama at papa na umuwi kami ng probinsya dahil 8 na taon na kaming hindi nakakabalik duon. Pagkatapos ko kasi ng Elementarya ay nakapasok sa trabaho sina mama at papa sa Makati. Si papa ay nakuhang company driver at si mama naman ay napasok bilang maintenance utility sa isang hotel. Sa 8 taon na hindi kami nakabalik ng probinsya ay madami akong gustong balikan. Ang bakuran na taniman ni lolo at lola at ang mga pinsan ko na lagi kaming magkakalaro tuwing hapon kasama ang iba naming kaibigan.
Papa: Anak sa susunod na linggo ay uuwi tayo sa probinsya matagal na din tayong di nakakauwi dun tsaka namimiss ka na din ng lolo at lola mo. At tsaka namimiss ko na din mag celebrate ng pasko at bagong taon duon.
Mama: Pati mga kaibigan mo duon dati makikita mo na ulit.
Ako: Ah oo nga po mama, papa. Andun pa din po kaya sila?
Mama: Oo naman anak panigurado matutuwa sila pag nakita ka nila ulit.
Dumating na ang araw na bumalik kami sa Rizal, Nueva Ecija Sinalubong kami ng aming mga tiyo’t tiya, pinsan at pamangkin at syempre sina lolo at lola.
Lola: Dj? Jusko ikaw na ba ito? Napakalaki mo na pala? Dati nakahawak ka pa sa aking saya kapag naglalakad lakad tayo ngayon mas matangkad ka pa sakin.
Lloyd: Nako lola may ginagawa yan hahaha.
Ako: Oy wala ano tulog lang ako ng tulog.
Papa: Nako po totoo yon nay. Walang ginawa yan kundi magkulong sa kwarto kung minsan nga e nalilipasan na ng gutom ayaw pang kumain.
Lola: Nako ay hindi pupwede yan dito. Dito mo yan patirahin at ako ang mag aalaga dyan.
Ako: Lola hindi na po ako kailangan pang alagaan hindi na po ako bata. Graduating na ko ngayon lola magiging engineer na ko.
Lola: Aba talaga ba apo? Magkaka apong engineer na ko?
Ako: oo naman lola. Electrical Engineer Dexter John Saragpon.
Lola: Aba nakakatuwa naman pala apo hindi ko akalain magiging engineer ka na pala sa mga susunod na araw.