m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, May 27, 2012

Hospital Diaries (Part 6)

By: Piero

Bumukas ang pinto at napansin ko na parang nadismaya o nagselos si Bjorn, kasi sya lang dati ang nakakahiga sa kama ko, pero hindi ko yun binigyan ng pansin kasi non-sense at ayoko mag-feeling na may gusto pa sya sa akin. Lumapit si Bjorn at itinayo si Gerald
"Pre, gising na" sa puntong yun nagising si Gerald
"O pre bakit ka nandito?"
"Gago! Ikaw bakit ka nandito!" sabi ni Bjorn na kunwari galit sya. Natatawa lang ako sa kanilang dalawa kasi ganun naman talaga sila pero ni minsan hindi pa nagkakagalit. Tumayo na si Gerald at pinagayos ko sya sa banyo. Habang naiwan kami ni Bjorn sa kama.
"Humiga ka muna habang hinihintay natin si Ugok" paanyaya ko sa kanya habang nakahiga. Humiga sya at tumitig sa mata ko na parang may gusto syang sabihin.

Bigla akong nag open ng topic para makaiwas sa pagtitig ni Bjorn. Pero hindi nya ko sinagot at nakatitig pa din sya sa akin.
"Parang tanga 'to" ang nasabi ko na lang sa kanya. Biglang lumabas si Gerald na nakabihis na. Inaya ko si Gerald magbreakfast pero mukhang ayaw ni Bjorn.
"Ge, magbreakfast ka muna"
"Di ba may lakad kayo ng pinsan mo? Anong oras na pre!" Sabi ni Bjorn na halatang gusto na nyang pauwiin si Gerald.

"Oo nga pala sige uuwi na ko baka hinihintay na ako ni Daniel" Nagpasalamat at Umalis na si Gerald at kami na lang naiwan ni Bjorn, kinain namin yung dala nyang breakfast at napagkwentuhan ang nangyaring inuman kagabi. Parang casual na lang ang kwentuhan namin at hindi na sya nagtanong kung meron bang nangyari sa amin ni Gerald, pakiramadam ko na gusto nyang itanong yun pero hindi na sya naglakas ng loob.

Nagpasya nang umuwi si Bjorn at hinatid ko sya sa sasakyan nya.
"Thank you sa breakfast"
"Ah wala yun" sabi ni Bjorn habang papasok ng kotse nya. Pagkaalis nya natulog ulit ako, inalala ko kung paano ako inari ni Gerald, ang sarap ng ginawa namin muling bumabalik sa isip ko.

Nagplano ng overnight swimming ang mga barkada ko sa ospital. Excited ako kasi bihira lang mangyari yun. Nung the day before ng swimming may di inaasahang tumawag sa phone ko.
"Hello Pier, Si Denise ito"
"Yep bakit?"
"Nilalagnat kasi si Bjorn, walang mag aalaga sa kanya, tutal magbestfriend naman kayo pwede bang ikaw na muna tumingin tingin sa kanya? Kasi may flight ako na hindi ko pwedeng atrasan, i hope you don't mind."
"Ah sige ba yun lang naman pala" yun na lang ang nasabi ko at nadismaya kasi alam kong hindi ako makakasama sa overnight swimming namin. Sinabi ko ito sa mga kabarkada ko at naintindihan nila ito. 2 araw ko inalagaan si Bjorn, nag absent pa ako kasi wala talagang magaalaga sa kanya kundi ako lang. Pinagluto ko sya ng makakain at pati paglinis ng katawan nya sa akin na din nya inasa kasi nanghihina pa sya. Parang bata si Bjorn ng mga oras na yun at masaya daw sya na andun ako para alagaan sya. Tinanong ko kung saan ba talaga pumunta si Denise.
"Bjorn, san ba talaga pumunta si Denise" ayaw sabihin ni Bjorn pero sa
kakapilit ko napaamin ko din sya.
"Sa boracay, kasama ng mga barkada nya, sorry Pier alam ko na dapat sya ang nandito at nag aalaga sa akin, nahiya nga ako sayo kasi alam ko na merong overnight swimming na hindi ka sumama at umabsent ka pa ngayon"
"Bjorn, syempre kahit sino naman sa inyong mga barkada ko ang nagkasakit tapos walang mag aalaga pupuntahan ko"
"Thank you, ang bait mo talaga"
"Naku tigilan mo nga ako" sabay tawa. Kinabukasan, medyo gumaan na ang pakiramdam nya at nakaalis na ako.
"Babawi ako sayo, Pier"
"Kahit wag na ok lang yun"
Gusto pa nya ko ihatid sa amin pero pinigilan ko sya kasi mabibinat lang sya. Medyo nainis ako sa gf nya na nakuhang ipagpalit ang pagpapasarap kesa sa alagaan ang bf nya. Hindi man kanais-nais pero hiniling ko na sana hiwalayan na lang ni Bjorn si Denise at humanap na lang ng babae na mas magbibigay ng halaga sa kanya. Nalungkot din ako kasi ganun na lang ang pagtrato ni Denise kay Bjorn na hindi naman dapat.

Makalipas ang ilang linggo ay nagkaroon ng 3 day sale nun sa Mall of Asia, dahil duty ang mga kaibigan ko tanging si Kris lang ang naisama ko. Habang nag iikot ikot kami may napansin akong pamilyar na mukha medyo nakakahiya ang ginagawa nila kasi sobrang PDA sila malapit sa seaside. Tutal hindi masyadong daanan ng tao yung spot nila kaya wala masyadong nakakapansin.
"Pier, diba si Denise yun? Girlfriend ni Bjorn?"
"Baka naman kamukha lang" sabi ko kay Kris kaya lumapit kami ng konti at nakumpirma namin na si Denise nga yun. Nakayakap si Denise sa lalaki habang patagong hinihipuan sya nito. Halatang gustong gusto ni Denise ang ginagawa sa kanya.
"Baka break na sila ni Bjorn" sabi ko kay Kris.
"Hindi, kasama pa yan ni Bjorn nung kumain kami minsan sa labas, nung isang araw lang yun"
"tara na at baka makita pa nya tayo" at hinila ko na papaalis si Kris at nagtalo kami kung dapat bang sabihin kay Bjorn at kung sino ang dapat magsabi sa aming dalawa.
"Mas close at ex mo sya kaya ikaw dapat ang magsabi, Pier"
"Baka kasi isipin nyang sinisiraan ko ang gf nya pero sige na nga mas mabuti na yun kesa naman magtago ako ng sikreto sa kanya"

Nagplano ako ng araw kung kelan ko sasabihin kay Bjorn. Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na meron ako. Pagkatapos ko sa duty nagpalit ako ng damit sa bahay at tinawagan si Bjorn.
"Bjorn, san ka ngayon?"
"Dito ako sa unit, bakit?"
"Punta ako dyan may sasabihin ako" Ilang minuto lang nakarating na ako sa unit ni Bjorn. Pinagbuksan nya
ako at pinatuloy.
"Anu bang gusto mong sabihin?" Medyo natagalan ang pagsagot ko kasi hindi ko alam kung paano sisimulan.
"Bjorn, nakita ko si Denise sa MOA may kasamang lalaki"
"Baka naman pinsan nya yun" ang pag uusisa ni Bjorn.
"May magpinsan bang nakikipaghalikan at naghihipuan? Sinasabi ko ito  kasi gusto kitang balaan Bjorn, kinakaliwa ka ng gf mo" nag iba ang mood ni Bjorn at nagalit sya
"May ebidensya ka ba? Bakit ba sinisiraan mo si Denise? Dahil ba hanggang ngayon hindi ka pa din makapagmove on? Come on Pier, tama na ang mga ganyang taktika"
"Bjorn, kung gusto kong siraan sya matagal na, nasa sayo naman yun kung gusto mo magpaloko, sige ikaw na bahala, basta hindi ako nagkulang sayo" galit na galit na si Bjorn at hinila ako sa braso
"Alam ko na kung bakit ka nagkakaganyan dahil ba dito, alam ko gusto mo nito pagbibigyan kita tigilan mo lang kami ng gf ko!" ang pasigaw nyang sinabi habang hinalikan nya ako sa labi. Nabastusan ako sa ginawa nya at iniisip na nya ngayon na sinisiraan ko ang gf nya para hiwalayan nya ito at makapagbalikan kami at makapagsex ulit.
"Kahit na pinagpalit mo ko hindi ko naisip na sirain kung ano ang meron kayo ni Denise para makaganti lang. Hindi magtatagal malalaman mo din ang totoo" at umalis na ako ng unit nya. Medyo naiiyak ako kasi ganun pala ang tingin nya sa akin. Napasama pa tuloy ang intensyon ko. Wala din naman akong magawa kasi alam ko na mahal nya si Denise at kahit anu man ang sabihin nito ay tiyak na paniniwalaan sya ni Bjorn. Dumaan ang mga araw na pilit kong kinalimutan ang mga nangyari, pero wala akong pinagsisihan kasi hindi ako naglihim sa kanya.

Puro sorry ang natanggap ko kay Bjorn, tumatawag sya pero hindi ko na sinasagot. Nakita ko na sincere naman sya sa pagsorry pero dapat hindi nya ako binastos. Halos 3 linggo ko syang hindi kinibo. Umabot pa kami sa puntong lumuhod pa sya maging ayos lang kami pero hindi ako nagpadala. Medyo naaawa na din ako sa kanya kasi wala syang tigil kaka-sorry.

Friday nun at napagkasunduan namin na manood ng sine, last full show ang nakuha namin pero ok lang kasi sa hapon pa naman ang pasok namin kinabukasan. 2am na ako nun nang makauwi sa amin. Nang malapit na ko sa amin napansin ko ang pamilyar na sasakyan, kotse ni Bjorn, nagtaka ako kung bakit andun yun kasi walang tao sa bahay namin nun kahit ang yaya namin ay wala. Pagbaba ko ng taxi nakita ko si Bjorn, nakatulog na sa tabi ng gate namin at may dalang box. Nagtaka ako kasi pwede naman sya maghintay sa loob ng kotse nya pero dun nya pinili maghintay sa gate. Naawa ako sa kanya kasi nakaupo na sya sa may gilid ng gate namin buti na lang hindi sya nakita nung nagroroving na guard kasi sa malamang pinaalis na sya dun.
"Bjorn, bjorn tumayo ka na dyan"
"Pier, sorry nakatulog ako dito"
"Tara pumasok ka"
Nang makarating kami sa loob ay binaba nya ang box na dala nya.
"Anu yan?" tanong ko sa kanya habang nakatingin sa dala nya.
"Ah eto cake, sana maging ok na tayo Pier, hindi ko na kasi kaya" Nakita ko na nanggilid ang luha ni Bjorn at alam ko na seryoso sya sa pakikipagbati sa akin.
"halika nga dito" at niyakap ko sya ng mahigpit.
"Thank you, pangako hindi na tayo ulit magkakagalit, sabi ni Bjorn habang humihigpit ang yakap nya sa bewang ko. Kumalas ako at pumunta sa kusina para kumuha ng platito.
"Kainin na natin yan, alam mong favorite ko yan" sabi ko sa kanya. Nagkakwentuhan kami pero iniwasan ko nang mapunta ang usapan sa gf nya pero sya ang nanguna.
"Pier, invite kita sa surprise party ni Denise"
"Basta ba off ako sige"
"Sa madaling araw yun ng birthday nya"
"O sige"
Kahit na awkward para sa akin ay napasama na din ako. Para magkaroon na din ng closure sa issue na halos sumira sa amin ni Bjorn bilang magkaibigan.

Nangyari ang surprise ni Bjorn para sa gf nya. Mga 12am na yun nang makarating kami sa apartment ni Denise, kami nila Gerald, Daphne, Ako at si Bjorn lang ang andun. Dahil sa surprise ito may dalang susi ng apartment ni Denise si Bjorn, ang plano pupuntahan namin sya sa kwarto nito at isusurprise. Naging maingat ang bawat paghakbang namin upang hindi kami mahalata. Pagdating namin sa hagdanan ay may naririnig kami na boses ng lalaki, dahil sa pagtataka ni Bjorn ay dali dali nyang binuksan ang pinto ng kwarto ni Denise at kami ang nasopresa.

Caught in the act na nagsesex si Denise at ang kasama nyang lalaki, hinablot ni Bjorn ang lalaki at binugbog, takot na takot yung lalaki at si Denise, duguan ang lalaki sa lakas ng suntok ni Bjorn at napigilan sya ni Gerald, noon ko lang nakita kung gaano kagalit si Bjorn. Lumabas na ako agad ng kwarto kasi ayokong makita na nagkakaganun si Bjorn. Narinig ko sa labas na sumigaw si Bjorn
"Ikaw, ayoko na kita makita ulit!" alam ko na patungkol yun kay Denise. Awang awa ako kay Bjorn ng mga oras na yun. Gusto ko syang yakapin pero hindi ko magawa. Ako na ang nagdrive ng sasakyan papuntang unit nya. Masamang masama ang timpla ng mukha nya. Nang makarating kami sa unit nya ay pinagsusuntok nya ang pader napigilan ko sya pero nagdugo na ang mga daliri nya habang napaiyak sya. Wala akong ibang nagawa kundi yakapin din sya at damayan sa kung anu man ang pinagdaraanan nya. Nang mahimasmasan na sya ay pinaligo ko na sya. Hinintay ko sya makahiga kasi nilagyan ko ng benda ang mga sugat nya sa daliri. Pagkatapos ko syang lagyan ng benda, napatingin ako sa kanya. Nakapikit na sya, sa pag aakalang tulog na sya binulungan ko sya na aalis na ako. Pagtalikod ko hinawakan nya ang kamay ko
"Dito ka lang Pier, wag mo ko iwan" akala ko tulog na sya pero hindi pa pala. Humiga ako sa tabi nya at niyakap nya ako. Nung gabing yun bumalik lahat ng alaala na meron ako sa amin. Ang yakap na minsan kong hinahanap hanap, eto at nilalasap ko. Nagpadala ako at tuluyan na kaming nakatulog at sa paggising namin sana mawala nang lahat sa isip ni Bjorn kung anumang masamang nangyari.

itutuloy

6 comments: