m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Monday, September 12, 2016

Tales of a Confused Teacher (Part 16)

By: Irvin

“Yes, Jasper, naaalala kita, kumusta ka na, ang nanay mo kumusta?” napatingin sa akin si Kenn, nang marinig ang pangalang Jasper. Alam ko naging intresado rin siya sa pakikinig.

“Iyon nga po ang dahilan ng pagtawag ko sir.” at naramdaman kong umiiyak siya. “Sir nasa ospital po si nanay, sabi ng doctor kailangang ma-operahan, pero sir, wala po kaming pera, iyong malalayong kamag-anak namin nilapitan ko ng lahat pero wala po silang maitulong.” At tuluyan na siyang umiyak.

“Bakit anong nangyari, saan ka ba ngayon?” matagal bago siya nakasagot

“Sir ilang araw na po kasing dumaraing si Nanay na masakit ang tiyan,”

“O tapos anong nangyare.”

“Kahit po ayaw niya pinilit ko siyang bumaba kami sa bayan para ma check up siya.  At sabi po ng duktor may myoma si Nanay at  kailangan nga raw po maoperahan agad.”

Nasabi niya sa akin kung saang ospital sila naroon ng mga panahong ‘yon. 

Hindi ko alam kung paano matutulungan ang mag-ina.  Alam kong malaki ang utang na loob namin ni Kenn sa kanila at hindi ko sila pwedeng pabayaan.  Nasabi ko na rin kay Kenn at gaya ko gusto niyang tulungan namin ang mag-ina.  Pero nag-isip ako, hindi ko pwedeng isama doon si Kenn dahil nga kagagaling lamang niya sa operasyon.  Pero lalong hindi ko siya pwedeng iwan dito sa Manila.  Masyado namang nakakahiya kung papupuntahin ko si Lester o si Mama dito para alagaan siya.  Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.  Nang bigla akong may naalala.

“Hello, Tita Jenny, busy po ba kayo?” tanong ko agad nang sumagot siya sa phone. 

Malayong pinsan siya ni Papa pero sa probinsiya naman kahit malalayong pinsan ay close pa rin magturingan at parang malalapit na kamag-anak lamang.  Head nurse siya  sa PGH at sa kanya rin kami humingi ng tulong kaya nakapag OJT si Gigi doon.

“Hindi naman, Irvin, nabalitaan ko nangyari sa kasal mo, I’m sorry, nakakalungkot talaga. O kumusta ka na ngayon, bakit ka pala napatawag?” ang tanong niya, mabait naman talaga ang tita kong iyon.

“Okey na po iyon tita, naka move on na rin naman.  Tita may hihingin sana akong favor sa inyo, kasi may kaibigan po akong may myoma, kaso nasa probinsiya,  need na raw maoperahan pwede po bang ma request na diyan sa PGH siya maoperahan kasi Tita mag-ina lamang sila para kung sakali ay malapit sana dito kung kailangan ang tulong ay madali kong mapuntahan.”

Alam kong nagtataka siya pero iniexplain ko na lamang sa kanya na malaki ang utang na loob ko sa taong iyon..  Marami pa siyang tinatanong sa akin, mga stage-stage nong myoma, etc. kaya lamang ay since payphone ang ginamit ni Jasper hindi ako makapangako ng mabibigay ko ang information na kailangan niya. Alam kong nahihirapan siya dahil sa very limited ang data na meron ako.  Basta ang siniguro ko lamang sa kanya ay umiiyak si Jasper kasi sabi daw ng duktor delikado kung hindi maooperahan agad.

“Irvin, ganito na lamang kung ang sabi noong anak niya ay kailangan nang maoperahan agad, hindi na natin iyan pwedeng patagalin.  Gagawa kami ng request sa ospital para mailipat siya dito in the shortest possible time.  Kung magagawan mo ng paraan na makontak yung anak niya, sabihin mo na maghanda sila at susunduin sila ng ambulance doon.” Iyon lamang ang sinabi niya.

“Sige po tita, salamat po uli ha talagang maasahan kayo, uuwi lamang po ako tapos pupunta po ako diyan para hintayin sila.  Pipilitin ko rin silang makontak sa hospital.  Search ko na lamang po ang contact number doon.”

“Nako, ikaw talaga, sige pumunta ka dito at habang wala sila ay magkwentuhan tayo marami kang dapat ikwento sa kin.” Halatang excited makibalita sa mga nangyari sa kasal.

“Sige po tita, kita tayo mamaya...” hindi pa ako natatapos nag pagsasalita. 

“Sir sama ako ha,” si Kenn Lloyd.

“Ano ka ba, hindi ka pwede don ospital yun, mahina pa ang resistensiya mo.” Ang saway ko sa kanya na alam kong ikinatampo na naman niya.

“Gusto ko rin naman pong makita si Tita Annie pati si Jasper, hindi pa ako nakapagpasalamat sa kanya.” Medyo napahiya naman ako, ano ba naman ang masamang mangyayari sa kanya doon gaya ng sinabi ko ospital yun at may mga duktor doon at wala naman pati siyang pwedeng pagkapaguran. 

“Ok sige kung gusto mong sumama,  sige sumama ka, pero pahiramin mo na rin si Jasper ng mga damit mo na hindi mo na naisusuot dahil tiyak magtatagal sila dito sa Manila.  Sigurado ako hindi na yun makakabalik sa bahay nila para kumuha pa ng damit niya.” At nakita ko naman na masayang-masaya naman siya.

“Sige po sir, madami naman akong damit na hindi nasusuot, ibibigay ko na lamang sa kanya para mapakinabangan.”ang nakangiti niyang sagot.

Bagamat nagtataka si Jasper sa mga sinabi ko sa kanya, minabuti niyang sumunod na lamang dahil wala naman daw siyang alam sa mga ganon.  Basta ang importante sa kanya ay makaligtas ang nanay niya.  Hanga din ako sa pagmamahal niya sa nanay niya.  Sa kabila ng murang edad ay nagpakita siya ng determinasyon at katatagan. Hindi ko matandaan kung ganoon na ako katatag noong kasing edad niya ako. Pero hindi pala pwedeng mailipat si Ate Annie sa PGH ng araw ding iyon dahil marami pang inayos na mga papel at kung anu-ano pang technicalities.  Tiniyak daw naman ng mga doctor na hindi naman ganon kalubha at maari pa namang ipagpabukas sabi ni tita.  At ayon daw sa contact nila sa hospital, bukas before lunch ay madidischarge na sila doon para ilipat ng Manila.  Nagpaalam na rin ako kay tita  na bukas na lamang kami pupunta sa hospital.

Matagal-tagal na rin kaming nagkukuwentuhan ni Tita sa canteen ng hospital at naipakilala ko na rin si Kenn sa kanya. 

“So ikaw pala ang naghayag ng panloloko na ginawa ni Gigi sa sir mo?” ang nakangiti niyang bati kay Kenn.

“Kami po ni Kuya Lester at si Tito nagtulung-tulong lamang po kami kasi naaawa kami kay sir niloloko kasi siya ni Miss Gigi.” Hindi ko alam kung natatakot siya o nahihiya kasi hindi siya makatingin kay Tita.

“Tama naman yung ginawa mo Kenn, kasi mabuti naman ang layunin mo at isa pa kung hindi mo  ginawa yun habang buhay kang magiging guilty kasi makikita mo na niloloko ang sir mo.”

Ang pagtitiyak ni Tita. Tumango lamang si Kenn.  Nasa ganoon kaming pag-uusap  ng may mag inform ka kanya na dumating na raw yung pasyente galing probinsiya at dahil siya ang nagrequest ay kailangan nandon siya.  Sumama na rin kami at nang makumusta ang mag-ina.  Hindi na namin inabot dahil naiakyat na raw sa operating room pero nakita namin si Jasper.

“Sir maraming salamat po sa lahat ng ginawa ninyo.  Hindi ko po alam paano magpapasalamat kasi kung hindi sa tulong ninyo hindi ko po alam ang ganito, wala po akong idea na pwede pa lang madala siya dito, sabi po ng mga tao sa probinsiya mas mabuti nga raw dito at mas maraming specialist at kumpleto sa gamit,  saka kahit naman po alam ko wala rin naman kaming pera para makapunta dito” nakita ko ang pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata at pinahid niya ng likod ng kamay niya. 

“Huwag ka ng umiyak, gagawin ng mga duktor ang lahat para sa nanay mo at isa pa bumabawi lamang kami sa ginawa nyo sa amin ni Kenn.” Hinawakan ko siya sa balikat at niyakap.

Ramdam ko ang pangangatog niya. Hinayaan ko lamang siyang umiyak nang umiyak.  Alam ko naman ang pakiramdam niya at naiintindihan ko iyon.

“Oo nga Jasper, hindi rin naman kayu nagdalawang-isip na tulungan kami noon diba? Kung hindi sa tulong ninyo ng nanay mo baka hanggang umaga nasa gubat pa rin kami o baka naabutan pa kami ‘nong humahabol sa ‘min. Siyanga pala ipinagdala kita ng mga damit heto sa bag, alam naming malayo ang bahay ninyo at baka hindi ka na nakapagdala. Huwag kang mag-alala hindi ko na iyan ginagamit kaya sa yo na lamang ang mga iyan. May pagkain din diyan kumain ka na muna para lumakas ka kailangan ka ni tita kaya dapat magpakatatag ka.” Nakita ko namang medyo napangiti si Jasper sa sinabi ni Kenn.

“Salamat Kenn, napakabait ninyo nga talaga.” Yun lamang ang sinabi niya.

Maya-maya ay nilapitan kami ng isang nurse at may ibinigay na mga reseta kailangan daw namin iyong mabili.  Napatingin sa akin si Jasper, alam ko naman ang ibig sabihin noon. Wala siyang dalang pera. Pero inakbayan siya ni Kenn at niyaya bago pa ako nakapagsalita.

“Tayo na Jasper, bilhin na natin mga iyan, narinig mo naman ang sinabi ng nurse kailangan maibalik natin iyan agad. Sir ako na po bahala.”

Wala na akong nagawa dahil hindi pa ako nakakasagot ay lumakad na sila.  Medyo natagalan pa sila dahil sabi ni Kenn pumunta pa raw sila sa blood bank akala naman nila ay sa pharmacy lahat bibilhin iyon.  Pero nabili naman daw nila lahat. Sinamahan namin si Jasper sa paghihintay habang inooperahan ang nanay niya.  Halos 5:30 na noong lumabas ang mga doctor na nakangiti sa amin.  Alam ko namang maayos ang resulta kaya hinayaan ko na lamang si Jasper ang makipag-usap.  At siya na ang nagkwento sa amin na tama ako ligtas na ang nanay niya at ililipat na lamang sa recovery room.  Nang matiyak namin na ok na ang lahat at nasa recovery room na si Ate Annie ay nagpaalam muna kami para kumain.  Hindi kasi maari na doon kami sa room kumaing lahat dahil marami siyang kasama sa room masikip kung doon kami.

Lumabas muna kami ng hospital at kumain sa pinakamalapit ng Jollibee.  Nagtake out na rin kami para kay Jasper since hindi pa naman pwedeng kumain si Ate Annie dahil natutulog pa.  Mga past 8 na noon nang magpaalam kami sa kanya.  Gusto pa sana ni Kenn na hintayin muna naming magising kaya lamang ipinaalala ko sa kanya na kailangan din niyang uminom ng gamot at magpahinga.  Hindi naman siya tumanggi dahil alam naman niya kung gaano kaimportante iyon para sa kanya.

“Dapat pala, dinala na lamang natin yung medicine ko sir ano?” ang parang nanghihinayang niyang sabi.

“At bakit mag stay ka ba ng matagal dito? Kahit naman dinala natin yun uuwi pa rin tayo saan ka matutulog dito, aagawan mo pa ng pwesto ang pasyente.  Kita mo nga sila o, isa lamang ang bantay, pinayagan lamang tayo sandali kasi kakaopera pa lamang ng pasyente natin, maya-maya papaalisin na rin tayo dito.”   ang pagpapaliwanag ko sa kanya.  Mukha namang napahiya siya kaya napakamot lamang ako sa ulo.

“Ganon pala yun, akala ko naman pwede mag stay kahit ilang tao dito.” ang sagot niya habang palinga-linga.  “Kaya pala tig-isa lamang ang mga bantay nila ano?”

“Oo, ganon talaga sa  government hospital dahil maraming pasyente kaya hindi pwedeng maraming bantay. “Hindi gaya noong naospital ka pwede kahit ilan ang bisita mo at hindi tayo pinapagalitan kasi mag-isa ka lamang sa room.  Kung dito ginawa ng mga kaklase mo ang ganong ingay palalabasin agad sila dito. Saka isa pa baka nalilimutan mo  na masama pa sa iyo ang magpuyat? Ang muli kong paalala sa kanya.”

“Sir, bakit po may sakit po ba si Kenn? Ang nabiglang tanong ni Jasper.

“Saka na lamang namin ikukuwento sa iyo, masyadong mahaba ang istoryang iyon. Uuwi muna kami at bukas na lamang babalik,” Inabutan ko siya ng 5k.  Kung ano man ang kailangan mo pwede mo akong kontakin sa cellphone ni Tita Jenny, kilala mo naman siya diba?  nasabi ko na naman yon sa kanya, basta huwag kang mahihiya ha alam natin na wala kang mahihingian ng tulong dito kaya ipalagay mo ang loob mo sa amin.” Nakita ko ang pangingilid muli ng luha sa mga mata niya.

“Sir hindi ko na po ito tatanggihan kailangan po namin talaga ito, at hanggang salamat na  lang po pwede kong sabihin sa inyo ni Kenn.  Napakalaki na ng utang na loob namin ni nanay sa inyong dalawa. Kung hindi po sa inyo hindi ko alam kung ano na nangyari sa nanay. Salamat po ulit, Kenn. thank you sa lahat ng tulong ninyo ” At tumingin siya kay Kenn.

“Tama na iyan, basta isipin mo na lamang na hindi na kami iba sa inyo kaya kung anuman ang magagawa namin ay narito lamang kami. Pag gising ng nanay mo ikumusta mo kami ha.” Tumango lamang siya at hindi na nagsalita alam ko namang pinipigilan lamang niya ang mapaiyak.  Kaya lumabas na rin kami at naglakad na sa hallway.

“Nakakaawa naman si Jasper.  Ang hirap ng sitwasyon niya ngayon.” Sinasabi ko habang naglalakd kami palabas ng hospital.

“Tama ka po sir,  pero at least nariyan po ang nanay niya, mahirap lamang ang  buhay niya kasi kulang sila sa pera. Mas mahirap pa din po ang sitwasyon ko.  Lumaking walang magulang.” Nagtaka ako kung bakit bigla na lamang iyon ang isinagot niya.

“O, ano na naman iyan, bakit napasok naman ang mga magulang mo sa problema ni Jasper sa nanay niya? Napansin kong seryoso ang mukha niya.

“Wala po sir, naiinggit din ako sa kanya, kasi siya may chance siyang i-express ang love niya sa mother niya, ako kahit pa gustuhin ko man, wala na yatang pag-asa.  Parang wala namang balak si Mommy na makipagkita sa akin.  Kunsabagay may family naman kasi siya doon, hindi gaya ko na wala kaya hindi naman po siguro niya naiisip yun.”

 Bahagya kong ginulo ang buhok niya kasi wala naman ako maisasagot o maipapayo sa kanya. Alam ko namang naiiintindihan niya iyon,  Minsan kasi si Kenn, sapat na sa kanya ang may mapagsabihan lamang ng gusto niyang sabihin, kahit hindi ka magasalita o magreact sa sinasabi niya okey lamang sa kanya basta ang importante ay mai-share niya kung ano ang nasa loob niya at may nakikinig sa kanya. At nakasanayan ko na rin yun.

Tatlong araw pa mula ng magising si Ate Annie nang sabihan siya ng duktor na pwede ng lumabas pero kailangan pa rin ang magpahinga dahil delikado pa ring bumuka ang sugat.  Kailangan pa rin ang regular a check up kasama ang mga medicine pati yung tamang paglilinis ng sugat.  Pagkaalis ng duktor nagtaka ako bakit malungkot si Jasper sa isang tabi. Nilapitan ko siya sa may tabi ng pinto saka ko pabulong na kinausap.

“O Jasper, mukhang hindi ka yata happy na makakalabas na ang nanay mo, bakit mukang malayo pa rin ang nililipad ng isip mo?

“Masaya ako sir, kaya lang naiisip ko rin, paano kami pupunta sa bahay namin, narinig nyo naman ang sinabi ng duktor, hindi pa siya pwedeng magpagod.  Kung doon naman sa dating bahay namin, may nakatira na po kasi doon, yung may-ari ng lupa, kasi hindi sa amin yung lupa, binayaran lamang kami ng konti na siya naming ipinambili ng binhi at pataba.  Nag-aalala din ako paano kami magpapabalik-balik dito sa Maynila, hindi ko pa nga po alam ang pagsakay papunta dito.” halos maiyak-iyak na naman siya.

“Huwag kang mag-alala Jasper, naisip ko na iyan, noon pa bago pa sabihin iyon ng duktor.” Hindi ko alam kung naiintindihan niya ang sinasabi ko pero hindi nagbago ang reaksyon ng muka niya.

“Ang ibig kong sabihin Jasper, sa amin muna kayo titira habang nagpapalakas ang nanay mo. Magsasama na lamang kami ni Kenn sa isang room para magamit ninyo yung ginagamit niya.”

Tiningnan ko si Kenn, alam ko namang dinig niya ang pinag-uusapan namin at kahapon pa rin naman namin iyon pinag-usapan na pansamantalala ay sa amin muna titira ang mag-ina dahil alam ko naman na kailangan pa rin niya ang mga follow up check ups.  Ngumiti lamang si Kenn tanda ng pagsang-ayon.

“Nakupo sir, huwag naman, sobrang nakakahiya na sa inyong dalawa iyon,” ang biglang sagot ni Ate Annie, na alam kong sobra na talagang nahihiya sa amin.

“Saka sir, diba nagrerent po si Kenn sa inyo, nakakahiya po talaga kung makiki-share siya sa room ninyo, saka papaano po kung mabalita ng Daddy niya na ganon pala? Hindi po pwede sir.” ang pagtutol din ni Jasper.

“Tol, huwag mo akong alalahanin, walang problema sa akin yon, saka wala namang may alam na ganon diba pano makakarating kay Daddy, maliban na sabihin mo…hehehe” Pagpapatawa ni Kenn.

Bagamat alam kong ang dahilan lamang naman nila ay yung nakakahiya pero sa loob naman nila ay wala din silang magagawa kaya tinapos ko na ang usapan.

“Huwag na kayong mag-alala naayos na namin ito, isa pa ay hindi naman namin kayo pwedeng pabayaan ng ganon na  lamang. Alam naman natin na delikado iyon kaya huwag na kayong kumontra ha, basta bukas pag-labas dito diretso tayo sa bahay at doon kayo hanggang tuluyan ng lumakas ang nanay mo.” Bahagya kong tinapik ang kanyang balikat at isang matipid na ngiti lamang ang ibinalik niya sa akin.  Nilapitan ko si Ate Annie.
       
“Sabi ko naman sa inyo, huwag na ninyo kaming ituring na ibang tao.  Masaya kami ni Kenn sa ginagawa namin at sana masaya rin kayo sa pagtulong namin sa inyo.” Sinabi ko iyon pagkatapos kong maupo sa tabi ni Kenn na sandaling itinigil ang kakakutingting sa phone niya at ngumiti kay Ate Annie.

“Ano pa nga ba, ay talaga namang wala kaming magagawa.  Ang maigaganti na lamang namin sa inyo ay ipagdasal na sana ay lalo pa kayong pagpalain ng Diyos. Napakapalad namin at nakilala kayong dalawa. Sana ay huwag kayong magbabago dahil alam kong iilan lamang ang tulad ninyong dalawa” Iyon na lamang ang sinabi niya dahil lumapit na rin sa kanya si Jasper.

Nang hapon ding iyon ay inayos ko na ang bill namin sa cashier, at dahil government naman ang hospital maliit lamang ang binayaran ko.  Hindi ko na ipinaalam sa kanila na may binayaran ako dahil alam kong mapapahiya na naman sila. Sinabi ko na lamang na clear na at sa umaga pwede na silang lumabas.  Kinabukasan maaga akong pumunta sa hospital, sinabihan ko si Kenn na bumili ng pagkain para makakakin kami ng maayos pagdating.  Dinatnan ko silang nakaready na.  Ako na ang nag buhat ng mga gamit nila na hindi naman masyadong marami.  Iyong mga damit na ibinigay din ni Kenn kay Jasper at ilang duster na sabi ni Jasper ay binili niya, dahil alam niyang kakailanganin daw ng nanay niya.  Ipinaalam din niya na binawas niya iyon doon sa perang ibinigay ko sa kanya noong isang gabi.  Samantalang inakay niya ang nanay niya.  May taxi namang naghihintay sa harapan kaya hindi rin naman kami nahirapan.

Muli na namang nahiya ang mag-ina sa pagdating sa amin.  Nakita nila ang bahay at hindi raw yata sila bagay dito dahil sanay lamang sila sa kubo.  Samantalang lalo silang nagulat dahil napakadami ng pagkaing inihanda ni Kenn. 

“Kenn, may bisita ka bang dadating? Tanong ko sa kanya pagpasok sa kusina. 

“Opo, si Tita po at si Jasper.” Ang nagingiti niyang sagot. 

“Bakit po sir?” kunwari ay inosente niyang tanong.

“Wala naman para kasing pang dalawampung tao ang inihanda mo.”  Ang natatawa kong sagot sa kanya.

“Saka Kenn, sabi ng duktor, huwag muna akong kakain ng marami o ng mabibigat sa tiyan dahil baka bumuka ang sugat ko.” Ang mahinang sabi ni Ate Annie.

“Ganon po ba, hindi bale kami na lamang po ni Jasper ang uubos niyan kung hindi kayo pwede, diba Jasper?” alam ko namang nahihiya pa rin si Jasper pero napilitan na ring tumango para huwag mapahiya si Kenn.   

“Kung ganon ay tayo na,  kumain na tayo at nang malaman kung gaano kadami ang mauubos ng dalawang iyan, Kenn siguraduhin mo lamang na kaya ninyong pangalahatiin iyan ha dahil kung hindi ay hanggang hindi nauubos  iyan ang kakainin mo” pagpapatawa ko na lamang.

 “Bakit ako lamang aba, pati si Jasper at ikaw sir kakain ka din naman ah.”

Kahit anong kain ang gawin namin marami pa rin natira, sinabi ko na lamang kay Kenn, na ilagay na lamang sa ref at i-micro wave sa tanghali gaya ng ginagawa namin dati at pag hindi naubos ay pati sa gabi.  Natatawa lamang si Jasper kahit hindi nagsasalita.  Nag-volunteer na rin si Jasper na siya ang maghuhugas ng pinggan pagkatapos ihatid ang nanay niya sa dating kwarto ni Kenn.

Kinagabihan gaya ng pinagkasunduan namin sa kwarto ko natulog si Kenn.  Matutulog na sana ako pero napansin kong nakaupo pa rin at hawak ang iPad iyon yung bigay sa kanya ng Daddy niya noong nasa hospital. Nagtaka ako nang makita kong nagingiti siya.

“Bata, hindi ka pa ba matutulog?” baka naman masira na yan sa ginagawa mo.” Pero hindi niya ako pinapansin at tuloy pa rin pag-ngiti-ngiti hindi ko alam kung ano ang tinitingnan. kaya hindi na ako nakatiis at kinuha ko ang iPad,  halata namang nagulat siya at napatingin sa akin.

Nang tingnan ko ako man ay nagulat, mga pictures ko iyon noong nasa hospital kami habang natutulog.  Kinukuhanan pala niya ako ng pictures minsan nakasubsob sa kama.  Minsan nasa bangko nakanganga.  May kuha pa akong nakahiga ng pahalang sa kama pero nakabaluktot.

“Pambihira, anong pinaggagawa mo bakit may mga ganyan akong pictures?” kunwari ay nagagalit ako pero napapatawa ako sa itsura niya dahil halatang natatakot. Dahil doon kiniliti ko siya, sorry naman siya ng sorry, alam ko naman kung saan ang kiliti niya at nang hindi na siya makaiwas ay hinalikan ko siya sa may ilalim ng tenga niya.  Iyon ang pinakamalakas niyang kiliti kaya muntik na siyang mapasigaw.

“Iskandaloso ka talaga, baka marinig tayo sa kabila.” at tinakpan ko ang bibig niya.

Pinilit niyang inalis ang kamay ko, “Bakit mo po kasi lagi ako kinikiss dito alam mo namang malakas ang kiliti ko.?”

“Kasi ang cute mo pag nakikiliti ka.. haha” sagot ko sa kanya at kikilitiin ko sana ulit.

“Cute pala sir ha, kung ikaw po kaya ang kilitiin ko ha, cute ka rin kaya?” sabay hawak sa magkabila kong bewang. 

Muntik na akong mahuhog sa kama sa kakaiwas.  Siya naman ay tawa nang tawa.  Hanggang sa hinalikan ko na siya sa pisngi pag balik ko sa kama at nauwi sa mainit na halikan.  Dahil ilang araw na rin naman naming hindi nagagawa ang ganon, dahil sa aksidenteng nangyari sa kanya  kaya parang sabik na sabik kami at nauwi ang lahat sa pagpapalabas namin ng init ng aming katawan na matagal-tagal na ring naipon. Pareho kaming pagod kaya pagkatapos maglinis ng aming katawan ay magkayakap na lamang kaming nagtulog at hindi na nag-usap pa.
 
Hindi mahirap pakisamahan ang mag-ina sa ilang araw na kasama namin sila ay nakasanayan na namin na kasalamuha sila sa loob ng bahay.  Dahil medyo malakas-lakas na si Ate Annie, siya na ang naghahanda ng pagkain namin.  Si Jasper naman ay hindi mauunahan sa paglilinis, pati yung mga tuyong dahon ng halaman sa labas ay nilinis niya.  Sa mahigit isang lingo na kasama namin sila ay nag-iba ang itsura ng harapan.  Palibhasa ay sanay sa pagtatanim, tinaniman ng halaman ang tagiliran ng bakod at nagpabili na rin ng ilang binhi ng kamatis at talong at ayon sa kanya ilang araw lamang iyon pagkatapos tumubo sa punlaan ay ililipat na niya inihanda niyang taniman.  Pati likod bahay namin ay nilinis niya nakita ko na lamang isang araw na inilalabas na niya ang mga basura na kung ilang taon na yata doon.  Hindi naman kasi ako madalas nakakapunta sa gawing iyon kaya hindi ko na napapansin. Hindi ko rin alam kung saan siya kumukuha ng mga itinatanim niyang halaman hanggang sa nasabi ni Kenn na hiningi raw nila ang pinagputulan ng mga sanga ng halaman nong matanda sa kabilang kalsada binigyan din daw siya ng ilang buto ng mga halamang namumulaklak.

Naawa ako sa batang ito, masipag, mabait at may kusa sa pagta trabaho, hindi mo siya kailangan utusan, basta alam niyang pwedeng gawin ginagawa na lamang niya, sayang lamang at hindi nakatapos kahit high school man lang. Kaya nag-isip ako kung ano pwede kong gawin. Hindi naman pwedeng habang buhay lamang na kasama namin sila dahil wala rin siyang magandang kinabukasan sa ganon.

Isang umaga habang kumakain.

“Jasper, pagkatapos nating kumain maghanda ka ha, may pupuntahan tayo.” Sabi ko sa kanya bago pa matapos ang pagkain. Tumango naman siya na nakangiti. Tiningnan ko rin si Ate Annie, para magpaalam naintindihan naman niya kaya ngumiti lamang siya.

“Kasama po ba ako sir?” biglang tanong ni Kenn.

“Nako Kenn, hindi ka kasama, hindi pwedeng lahat tayo aalis, walang kasama si Tita Annie mo dito,” kumunot ang noo niya, alam kong nagtataka siya ngayon lang ako may lakad na hindi siya kasama. Hindi ko na lamang siya pinansin, pero nang makapaligo ako nakita ko siya sa may terrace kaya nilapitan ko.

“O huwag ng magtampo baby boi, titingnan ko lamang kung matutulungan ko si Jasper na makapasok sa school kasi kung malalampasan pa siya ng school year na ito,  aabutan na siya ng Grade 11, 3 years pa bago siya makagraduate.” Sabi ko sa  kanya kahit hindi siya nakatingin sa akin.

“Hindi naman po ako nagtatampo, nagtaka lamang kasi hindi ko alam kung saan kayo pupunta, ngayon mo  lamang po ako iiwan, dati naman hindi ka po umaalis na hindi ako kasama, pero ayus yun sir, para hindi na rin po sila bumalik doon sa bundok ang lungkot kaya ng buhay doon.” Ang nakangiti niyang sagot.

“Oo nga, hindi ko kasi masabi sa iyo kanina kung saan kami pupunta kasi gusto ko siyang i sur-prise, alam ko naman na iyon din ang gusto mo para sa kanya, kaya sure ako na maiintindihan mo ako. Basta bahala ka na muna dito ha samahan mo si Tita Annie, alam mo naman mahina pa siya huwag mong hahayaan na magtrabaho agad dito baka lalo lamang mapasama” Tumango lamang siya pero gaya ng dati alam ko namang nainiitindihan niya ang sinasabi ko.  Kilala ko naman ang batang ito, kahit medyo makulit lamang dahil bata pero responsible naman pag binilinan mo ng dapat gawin.

Sa school, kinausap ko ang librarian namin at inalam ko kung may kapalit na yung nag graduate na Library Assitant niya.  Nagkataong hindi pa raw bumabalik yung nag-aapply kaya tamang-tama ipinakausap ko si Jasper at pagkatapos nilang mag-usap ay pinabigyan niya ng exam.  Hindi man ganon kataas ang nakuha niya ay pasado naman.  Pagkatapos sinamahan ko siya kay Miss Mendoza para kausapin.  At dahil ginarantiya ko naman na mabuting tao si Jasper at ikinuwento ko na rin ang sitwasyon nila sa probinsiya.  Kaya nang araw ding iyon ay natanggap siya.

“Sir, hindi ko na po alam kung papaano magpapasalamat sa lahat ng ginagawa ninyo sa amin.  Pangako sir, hindi po masasayang ang pagtulong ninyo.  Hindi po kayo mapapahiya sa pagrecommend ninyo sa akin.” Ang buong katapatan niyang sabi sa akin habang papalabas kami ng principal’s office.

“Magsisikap po akong mabuti para hindi ninyo pagsisihan ang ginawa ninyong pagtulong sa aming mag-ina.”

“Huwag mo nang isipin iyon basta ang mahalaga, makatapos ka ng high school at kung may pagkakataon ka pwede ka ng magworking student sa college.  Mahirap ang walang pinag-aralan hindi ka na rin makakaahon sa kahirapan. Kahit kasi makapasok ka ng trabaho hanggang doon na lamang kasi hindi ka naman mapo-promote dahil sa dami ng mga college graduate na kasabayan mo.” Seryoso  kong sagot sa kanya. 

Tumango lamang siya kaya alam kong naiiintindihan naman niya ang sinasabi ko. Niyaya ko siya sa Starbucks para magmeryenda bago kami umuwi.

“Anong gusto mo, nang mapansin kong hindi siya nagsasalita.

“Sir  bahala na po kayo, kung ano order ninyo ganon din sa akin. Nag order ako frappuccino, sandwiches at blueberry chessecake para safe kasi hindi ko alam kung ano gusto niya.

“Sir sa totoo lamang ngayon po lamang ako nakapasok sa ganito.  Hindi ko po alam kung ano tawag sa mga iyan e.” ang mahina niyang pag-amin ng maupo kami. Kita kong nahihiya siya.

“Ganoon ba, nako si Kenn, paborito niya dito, kahit nagsosolo yun, nakakapunta dito lalo at kailangan niyang mag wifi. Libre kasi ang wifi dito kaya tingnan mo ang mga tao dito  halos lahat may hawak na phone, tablet o laptop. Dito rin ang paborito nilang tambayan ng mga barkada niya pagkatapos magbasketball” ang kwento ko sa kanya.

 “Mayaman po ba talaga sina Kenn sir. parang hindi siya nauubusan ng pera, ang dami niyang binayaran sa gamot ni nanay noon. Nahihiya nga po ako sa kanya pero sabi niya okay lamang daw iyon,”

“Yung Daddy niya ang mayaman, kaya nga lamang bihira naman silang magkita.  Kaya sa pera na lamang bumabawi. Hindi kasi palahingi si Kenn, siya na lamang ang nagkukusang magpadala. Iyong Mom naman niya nasa abroad kaya hindi rin niya nakakasama. Pero hindi masyadong nagpapadala yun sa kanya kasi may pamilya na rin.  Siguro savings yon ni Kenn don sa mga pinadala sa kanya dati saka bakasyon naman ngayon kaya hindi masyadong magastos.” Iyon na lamang ang sinabi ko para safe.

“Saka sir yung mga damit na ibinigay niya sa akin, totoo bang hindi na niya iyon ginagamit kasi parang mga bago pa iyon at base sa brand nong mga iyon sigurado ako ang mamahal, hindi pa nga po ako nakakapag suot ng ganong brand gaya nito sir.” Ipinakita niya sa akin ang suot niya. 

“May dalawa pa nga sir may tag price pa limang beses yata ang presyo non sa mga damit ko,”

“Kasi si Kenn, napakahilig niyang bumili ng damit, basta nagustuhan niya ang style at brand bibilhin, kaso pag nabili na hindi naman sinusuot o kung isuot man minsan lamang lalo na kapag nakitang may kaparehas siya sa classmates niya o sa school kaya dumadami ang hindi nagagamit na damit”

“Siyanga pala sir, ano pong nangyari kay Kenn, sabi ninyo dati hindi pa siya magaling, ano po ba naging sakit niya? Nakikita ko rin po lagi siyang may iniinom na gamot pagkatapos kumain.” ang tila may pag-aalala niyang tanong.

Dahil wala na akong choice, sinabi ko na sa kanya ang lahat ng nangyari. “nako, ganon po ba sir, mabuti na lamang pala at naging maayos ang operasyon, kung nagkataon pala hindi na rin namin siya nakita. Nakakatakot pala ang nangyari sa kanya.” Tumango ako sa kanya. “Sir, iyon din po ba ang dahilan kung bakit sa inyo siya nakatira?”

“Nope bago pa nangyari iyon sa akin na siya nakatira, kasi noong una kasi nagkasakit din siya tapos naawa ako wala siyang kasama kaya sinamahan ko muna at ako ang nag-alaga sa kanya,  Nong gumaling siya naging close na kami hanggang sa pinasok ng masasamang loob ang bahay niya at binugbog siya, kaya nagdecide na ang Daddy niya na sa bahay na lamang siya tumira para may kasama tutal ay parang kapatid na rin naman ang turing ko sa kanya.  Hanggang ayun dumating nga yung aksidente na iyon kaya lalong tumibay ang samahan namin. Nasanay na rin talaga ako na kasama siya, maninibago nga siguro ako pag umalis na siya.  Saka hindi naman mahirap kasama si Kenn, kahit minsan ay isip bata pero napaka bait naman at talagang sabik lamang sa kalinga ng magulang.”

“Nabanggit nga niya dati na ang laki daw ng utang na loob niya sa inyo sir, ang laki daw ng nagawa ninyo sa buhay niya.  Hangang-hanga din siya sa inyo kasi ang bait ninyo raw.  Totoo naman yun sir, hindi ko nga po mapaniwalaan yung lahat ng ginagawa ninyo sa amin.  Lalong-lalo ito, hanggang ngayon tinutulungan ninyo pa rin kami.  Pero sir, minsan may nabanggit siya na muntik na raw kayong magpakasal, pero ayaw naman niyang magbigay ng detalye, baka daw magalit kayo, okey lang po ba sir kung magtanong ako?” Saka ko lamang napansin na parang hindi na rin masyadong mahiyain si Jasper.  Nagiging matanong na rin siya hindi gaya ng dati na nagsasalita lamang kapag tinatanong namin.

Napangiti na lamang ako. “O sige tutal sabi ko naman ay huwag mo na kaming ituring na iba.  Long time girlfriend ko iyon at magpapakasal na kami, kaso nagkaproblema nang ipagkasundo siya ng Mama niya sa ibang lalake sa London.  Tapos umuwi siya dito dahil ayaw daw niyang magpakasal sa iba.  Kaya nagplano kami na ituloy ang kasal hanggang malaman namin na buntis pala siya kaya naging madalian ang pagpapakasal namin.  Kaso  si Kenn pala at ang bunso kong kapatid ay naghinala na hindi ako ang tatay ng ipinagbubuntis niya kaya gumawa sila ng paraan.  Ayun natuklasan nga ni Kenn sa bestfriend nong pakakasalan ko sana na hindi nga ako ang tatay at noon mismong kasal saka niya naibulgar kaya hindi natuloy.”

“Grabe sir, ah parang kwento  lamang sa tv ang nangyari sa inyo, mabuti na lamang at nalaman ninyo agad na hindi pa kayo nakakasal kasi mas mahirap kung kasal na kayo saka ninyo natuklasan. Walang nang bawian yun.”

“Oo nga kaya sobra ring pasasalamat ko kay Kenn dahil talagang ginawa niya kahit delikado, hindi na niya inisip na baka mapahamak siya.”

“Bkit po sir, paano ba niya natuklasan ang totoo?

“Ginelfriend niya yung bestfriend nong babae at nang malasing ay narecord niya ang pag-amin noong babae, at iyon ang ginamit niyang pruweba kasama yung medical records na nakuha naman ng kapatid ko sa Ob-Gyne. To the point na sa terminal na siya natulog para lamang magawa iyon na hindi ko nalalaman.”

“Adventurous din pala si Kenn ano sir?”ang nakangiti niyang sabi sa akin.

“Sinabi mo pa, nagalit nga ako nang malaman ko yung ginawa niya, kaya lang ay alam ko namang nagmamalasakit lamang sila sa akin kaya hinayaan ko na lamang.
 
      “Binabalik lamang siguro niya yung utang na loob niya sa lahat ng ginawa ninyo sa kanya sir.” nakangiti siya.  Naisip ko kung alam mo lamang na higit pa roon ang aming samahan dahil alam ko sa sarili ko na mahal ko siya.  Pero siyempre kailangang pigilin ko kahit na mukhang mapagkakatiwalaan naman si Jasper, gaya ng pangako namin ni Kenn na hanggang kami pa lamang ang may alam ng tungkol doon safe pa.  Sa ngayon nga na bukod sa aming dalawa ay may nakakaalam na medyo kinakabahan na rin ako dahil sooner or later malalaman na rin yun ng pamilya ko.

    Samantala napansin kong hindi na ginagalaw ni Jasper and kanyang praf. Pagkatapos ng ilang sipsip ay tumigil na siya. “Hindi mo ba nagustuhan ang lasa?” ang nagtataka kong tanong sa kanya, kasi alam ko yung mga kasing edad niya iyon ang madalas na inoorder. At iyon din ang madalas na order ni Kenn.
    “Gusto naman sir, ang sarap nga po e.” ang tila nahihiya niyang sagot

    “Bakit, hindi mo na ginalaw?” ang muli kong tanong.

    Tumungo siya na parang hindi alam ang sasabihin.  Huminga muna siya ng malalim saka tumingin sa akin.   “Sir, gusto ko po kasing dalhin na lang ito kay nanay, hindi pa rin po kasi siya nakakatikim ng ganito.  Okey lang po ba?” saka siya tumungo ulit kita kong talagang nahihiya siya.

    “Ikaw talaga, oo naman pwede siyang makatikim ng ganyan, pero ubusin mo na iyan, io-order na lamang natin siya ng bago, kasi io-order ko din si Kenn, magtatampo yun pag nalamang galing tayo dito tapos hindi tayo nag take out.” Napangiti naman siya at kita ko hinawakan ulit niya ang baso at nagsimula sumipsip na nakatingin sa akin.

    Nang dumating kami sa bahay sandaling kwentuhan nang magsalita si Ate Annie. “Sir, salamat po, pero hindi naman po yata pwede ang ganon.” Ang agad na sagot ni Ate Annie ng ikwento namin ang resulta ng lakad namin sa school. Biglang nawala ang excitement ni Jasper sa mukha niya nang marinig ang sinabi ng kanyang nanay.

    “Kasi sir, paano iyan, hindi naman po pwedeng habang panahon kaming makikitira ni Jasper dito, mukang abuso na po yata iyon.” Pagpapatuloy niya.

    Saka ko lamang din naman naisip iyon.  Pero huli na para bawiin ko ang kasiyahan ni Jasper.  Nakita ko na kanina ang kislap ng kanyang mga mata dahil sa tuwa sa pag-asang at last makakabalik na siya sa school at ayoko namang mawalan ulit iyon.

    “Saka na  lamang natin problemahin iyon, ang importante, makakapag-aral na ulit si Jasper ung mga tungkol doon ay magagawan na natin ng paraan iyon.” ‘Yon lamang ang sinabi ko pero sa totoo lamang hindi ko rin alam kung paano nga ba.  Tama naman siya hindi nga pwedeng pangmatagalan sila titira sa bahay dahil alam ko namang mahihiya sila kahit papaano, hindi naman nila alam ang tungkol sa amin ni Kenn, Ang alam nila ay sakripisyo para sa amin ang pagtulog ni Kenn sa kwarto ko.

    “Sige, anak, ganito na lamang, pag lakas-lakas ko at pwede na akong magtrabaho, maghahanap na lamang ako ng mapapasukan kahit kasambahay, tapos hahanap tayo ng mauupahan kahit maliit na barung-barong lamang. Ayoko din namang ako ang maging hadlang diyan sa mga pangarap mo.”

    “Talaga ‘Nay pumapayag na kayo?” ang excited na tanong ni Jasper.  Tumango lamang si Ate Annie sabay haplos sa ulo ni Jasper.  Nakatingin lamang si Kenn, muli naramdaman ko sa kanya ang inggit sa nakikitang pagmamahalan ng mag-ina.

    “Bata, tunaw na yang hawak mo, baka naman gusto mo na yang inumin?” ang pagbibiro ko para lamang maiba ang kanyang mood.  Ngumiti siya pero ramdam ko ang nasa sa loob niya.

    Dahil malapit na ang pasukan, niyaya ko si Kenn at Jasper na bumili ng mga gamit sa school.  Pero nasa bahay pa lamang ay sinabihan na ako ni Kenn, na siya na ang bibili ng gamit ni Jasper.  Hndi na rin siya nagtatanong kay Jasper kung ano ang gusto. 

“Tiyak namang hindi yan magsasabi sir, napakamahiyain,” bulong niya sa akin ng tanungin ko bakit siya ang pumipili ng mga gamit ni Jasper. Madalas naman kasing malayo sa amin si Jasper at kung anu-ano ang tinitingnan halatang hangang-hanga sa mga nakikita pero kahit minsan ay hindi nagsabi na gusto niya ng ganon.

    Lahat ng meron si Kenn, ay ibinibili rin niya si Jasper, madalas ay ibang kulay lamang dahil parehas naman silang 4th year.  Nakakatuwa itong si Kenn, parang bata kasi  ngayon lamang din daw siya nakaranas mamili ng gamit,  sabi niya dati naman ay nagpapabili lamang din siya sa tita niya tutal sabi daw sa kanya ay nagpadala ang Mommy niya ng pambili ng gamit. Saka hindi naman siya intresado sa gamit noon at lalong hindi naman siya intresadong pumasok kung hindi lamang siya tinatakot ng Daddy niya na ititigil ang allowance niya kapag hindi siya nag-aral

    Pero nang bumili si Kenn ng  shoes hindi pumayag si Jasper na ibili siya. “Kenn, yung binigay mo naman sa akin, maayos pa, Pwede ko namang gamitin iyon na pang PE tapos baka meron kang pinaglumaan na leather shoes hingin ko na lamang.  Sobra na ito hindi ko na kayang bayaran ang utang na loob ko sa inyong dalawa.”

    “Hindi naman pinapabayaran sa iyo yan ah. Basta pag nasira yun, ikaw din nakakahiya yun, naranasan ko na yun dati nong first year ako, umangat ang shoes ko dahil ayokong gamitin yung binili ni Tita ang pangit kasi, pinagtyagaan ko yung luma ko, ayun hindi halos ako tumatayo.  Hindi na rin ako nagmeryenda at pati tanghalian para lamang maitago ko na sira ang shoes ko. Tapos hinintay ko pang makalabas lahat ng classmates ko bago ako umuwi.” Ang natatawa niyang kwento.

    “Maingat naman ako sa gamit, Wala nga akong nasisirang sapatos, kadalasan lamang napagliliitan ko na kaya hindi ko ginagamit. Basta maghahanda na lamang ako ng shoes glue  para pag nasira dikitan ko na lamang agad.” ang nakangiting sagot ni Jasper.  Pinabayaan ko na lamang silang dalawa ang mag-usap tutal gamit naman nila iyon at sila naman ang involve don. Hiningi na rin niya ang mga lumang uniform ni Kenn para hindi na raw siya bibili.  Pero hindi naman ako pumayag ibinili ko rin siya ng isang set at saka PE uniform. Hindi ko na binanggit sa kanya basta pag-uwi ko dala ko na, sa school kasi binibili ang uniform nila.  Para kahit sa Monday man lamang ay bago ang uniform niya kasi Monday to Wednesday lamang naman iyon gagamtin. Thursday Kasi PE then scouting sa Friday usually pwede namang white T-shirt lamang at maong.. 

    Araw ng lingo bago ang pasukan, inilabas ko na ang mga damit namin ni Kenn na lalabhan ni Manang, saka ako pumasok sa loob para kuhanin yung mga underwear ko at gaya ng dati, lalabhan ko sa CR. Si Kenn kasi Saturday night pa lang naglalaba na ng underwear niya para hindi kami nagkakasabay sa ipitan ng damit. Natagalan ako sa kwarto dahil inilabas ko na rin yung mga ibang uniform namin na alam kong gagamitin ulit this school year.  Paglabas ko wala na ang mga damit namin na nakalagay sa laundry basket. Inisip ko na lamang ng kinuha na siguro ni Manang, kadalasan naman ay ganon iyon basta nakita niya kahit nasa loob ng bahay ay kukuhanin na lamang.  Pero pagdating ko sa CR sa may kusina nakita ko si Ate Annie na nilalabhan pala ang mga damit.

    “Ate Annie, anong ginagawa mo diyan, hayaan mo na iyan kukuhanin iyan ni Manang, alam na niya iyan.”    

    “Hayaan mo na ako sir, dito man lamang ay makabawi ako sa kabutihan mo, hayaan mong kami na ni Jasper ang bahala sa mga gawaing bahay hanggang narito pa kami.  Sige na ako na bahala dito, huwag kang mag-alala sir, Gawain ko din ito sa amin, naglabada rin ako ng makadagdag sa kita ng tatay ni Jasper.” Wala na akong nagawa dahil mukang desidido naman talaga siyang ipagpatuloy ang ginagawa niya.

    “Pero Ate, kaya mo na ba, baka makasama sa iyo.” Ang pag-aalala ko.

    “Mag-iingat na lamang ako. Basta ganito na lamang lahat ng gawain dito kami na ni Jasper ang bahala para makabawas na rin sa gastos ninyo sa pagpapalaba.” Wala na akong nagawa, kasi mabuti na rin ‘yon kahit papaano hindi sila masyadong magi-guilty na nakikitira lamang sila sa amin.
   
    Lunes ng umaga, hindi lamang si Jasper ang excited kita ko maging si Kenn.  Naalala ko tuloy yung unang araw ng pasukan last year kung saan nakita ko ang uniform niya na hindi maayos ang pagka plantsa pati ang maduming swelas ng kanyang sapatos. At ang walang kagana-gana niyang itsura pag pasok sa room. Pero ngayon iba ang itsura niya, halatang may nag aasikaso na sa kanya at kita rin ang saya sa mukha niya.

    “Aba sir, titingnan mo lamang po ba kami, hindi ka ba sasabay sa amin pagpasok.” biglang sabi niya na ikinagulat ko ng bahagya.  “Kanina ka pa po sir, nakatulala, ano po ba naisip mo nagu-guwapuhan ka ba sa aming dalawa, parang ang lalim ng iniisip mo.” dagdag pa nya kaya napatawa na rin pati si Jasper at ang nanay niya.

    “Sira ka talaga, naisip ko lang ibang-iba ka kesa noong unang pasukan last year hindi ka na ang antuking si Kenn Lloyd.  Naalala ko pa muka ka pang bagong gising at hindi pa naliligo noong dumating ka sa room pero late pa rin naalala mo pa ba ang Silent Type Suarez?.” at napatawa na ako.  Nakita ko rin ang mag-ina na lihim na napapatawa habang nakatingin sa kanya.

    “Sir, naman eh, sinabi pa yun, hindi nga nila yun alam, ayan pinagtatawanan tuloy nila ako lalo na si Tita.” ang tila naiinis niyang sagot habang napapakamot na naman sa ulo at tumalikod sa amin.

    “Hindi ah, hindi ka namin pinagtatawanan, ang totoo ay natutuwa ako sa iyo kasi ang gwapo mo  talaga lalo na sa uniform mo, malamang pagkakaguluhan ka ng mga babae sa school niyan. Pero hindi rin naman papatalo si jasper, ang gwapo rin niya” si Ate Annie. Kita ko naman na napatawa na rin sila parehas ni Jasper

    At nagtawanan na lamang kami saka naglakad papunta sa sakayan.  Binilinan ko na rin si Ate Annie tutal siya ang maiiwaan sa bahay.  Habang naglalakad ay panay ang kwento ni Kenn kay Jasper ng tungkol sa school. 

    Tanghali na nag magkita-kita kami sa canteen at gaya ng dapat asahan ang dami nilang kwento lalo na si Jasper. si Kenn kasi hindi na nag adjust dahil halos sila-sila ring magkakaklase last year ang magkakasama.  Si Jasper ang maraming kwento.  At dahil nga transferee siya, expected na sa lower section siya mapupunta.  Sa hapon pa ang klase ko ng Physics sa kanila kaya hindi pa kami nagmeet.

    “Sir, ibang-iba pala dito ano kesa sa dati kong pinasukan.  Doon buong linggo wala pang ginagawa dahil marami pa hindi nakaka enroll.  Dito first day pa lamang nag discuss na at may assignment na, tapos bukas may short quiz agad.” ang umpisa niyang kwento.

    “Oo, kasi wala na namang hinihintay na mga enrollees usually pati magkakakilala na ang students pati mga teachers dahil senior na pati naman kayo.” sagot ko.  “Kenn, sa inyo ba may napalipat?” Tumango lamang si Jasper.

    “May mga napadagdag po galing sa III Libra dati saka yung muse ng III Pieces nasa section na rin namin.” sagot niya habang kumakain.

    “Saka mayayaman sila sir, kita ko sa mga gamit nila hindi gaya don sa school na pinanggalingan ko, Buti na lamang Kenn, ibinili mo ako kasi kung ako lamang ang bumili baka pinagtawanan nila ang gamit ko. “ Ngumiti lamang si Kenn sa kanya at itinuloy ang pagkain.

    Natapos ang buong araw na talagang busy kami.  Masaya naman dahil bagong mga estudiyante.  bagong pakikisama.  Hindi namin kasabay umuwi si Jasper dahil may duty pa siya sa library kaya gaya ng dati kami lamang ni Kenn ang magkasabay umuwi.

    “Sir, punta po tayo ng bookstore, ang dami kong bibilhin.”  Naalala ko may mga requirements nga pala ako sa Phsyics gaya ng T-square, protractor, etc. na kailangang dalhin sa next meeting namin. Tumango lamang ako.

    “Saka sir, bibili din ako ng Trigonometric table pati Scientific calculator.  Sira na yata yung luma ko kahit pinalitan ko battery namamatay pa rin kusa.” dagdag niya.

    Kaya sa halip na sa paradahan kami ng tricycle pumunta ay nag taxi kami.  Sinabihan ko siya na ibili na rin si Jasper dahil tiyak na hindi naman iyon magsasabi pero inunahan ko na siya na ako na ang magbabayad dahil alam ko namang masyado ng malaki ang gastos niya.  Hindi naman siya kumontra. kaya lahat ng binili niya at pang dalawang tao, Nang makatapos kami dahil alam kong hindi siya papayag na ako ang magbayad ng pinamili niya ako na ang nagkusang kumuha ng basket at pinaghiwalay ko ang pinamili niya sa dalawa.  Nakita ko namang nangingiti siya. “Akala ko sir, nalimutan mo na e, babayaran ko na sana.”  hindi na ako ssumagot.

Nakapila kami para magbayad ng mapansin kong parang hindi siya mapakali at parang nagkukubli sa akin.  Nakahawak siya sa braso ko na para bang may tinataguan.

    “O ano ba nangyayari sa iyo, masama ba ang pakiramdam mo namumutla ka ah, may sakit ka ba?” natatakot kong tanong. Hindi ko kasi alam baka nabigla siya sa unang araw ng pasukan.

    “Hindi po sir, nakikita mo ba yung dalawang lalake na iyon sir sa may railings?” ang bulong niya, halatang natatakot. Sabay tingin sa may labas pero pasimple lamang.

    “Oo bakit kilala mo ba sila? hindi ko pa rin alam bakit parang takut na takot siya.

    “Sir, hindi ako maaaring magkamali, yung isa sa kanila, siya talaga yung lalakeng pumasok sa bahay noong new year, siya yung humabol sa akin sa may pinto.  Naalala ko talaga ang buhok niya, yung kulot niyang buhok.” ramdam ko ang pangangatog ng kamay niya habang nakahawak sa braso ko.

    “Nako, sigurado ka ba diyan?”

No comments:

Post a Comment