by Milo's Porn Mind
You can never really expect good things always in your life. Iyan ang natutunan ni Michael ng pagdaanan niya ang pagiging university student. He was confident during that time na kayang kaya siyang suportahan ng mga magulang niya but unfortunately, something terrible happened. Naaksidente ang tatay niya at iniwanan sila ng napakaraming utang sa bangko at sa mga private individuals. It was an out of time situation. Hindi niya inakala na ang good life na tinamasa niya mula pre-school hanggang high school ay bigla na lamang babawiin sa kanya pagdating sa college. Ganun nga talaga ang buhay tulad ng mga narinig niya dating reklamo mula sa mga classmates niya nung high school na punong puno ng inggit sa kanya. Kung malalaman lamang ng mga iyon ang nangyari sa pamilya niya, malamang ay tuwang tuwa na ang ito. Hindi din naman siya isang honor student para masuportahan ang kanyang college studies na bigla na lamang maglalaho kung hindi siya gagawa ng paraan.
"Ma, mabuti pa ay magboarding house na lang ako malapit sa skul. Pwede ka namang umuwi na lang muna sa probinsya kila lola para makapagpahinga ka naman galing sa mga pag aasikaso mo sa pagkamatay ni Papa" aniya ni Michael sa ina habang dala dala ang flyers ng sinasabing boarding house.
Napatingin sa kanya ang ina na parang naluluha."Eh...anak, kakayanin mo bang mag isa dito habang nagka-college ka?" tugon ni Marissa, ang ina ni Michael. "Hindi ka pa naman sanay sa mahirap na buhay at alam kong doon ako nagkamali sa pagpapalaki ko sa'yo".
"Naku Ma!" sambit ni Michael na may kasamang pag-iling."Wag kayong mag alala sa'kin. Kahit hindi n'yo ko sinanay sa mahirap na buhay eh marunong naman din akong makisama at magbanat ng buto sa sarili kong paraan. Madami din naman akong mga naging kaibigan nung high school na hindi mayaman at alam ko ang mga naging buhay nila."
"Hindi sapat na alam mo lang Michael." sabi ng ina. "Mula ngayon, kailangan paghirapan mo na lahat ng bagay sa college mo. Wala talagang natira sa atin anak at kaya lang kitang suportahan hanggang sa semester na to. Inaalala ko yung susunod na semester mo"
"Wag po kayong mag alala. Magtatrabaho na lang po ako ng part time kagaya ng mga classmate ko dati" pagpapakalma ni Michael sa ina.
Gayon nga ang nangyari. Napadpad si Michael sa isang murang boarding house sa Maynila. Mura pero maayos naman at malapit sa kabihasnan.
"O, one month advance at one month deposit ang patakaran ko dito..." sabi ng matandang babae sa kanya ng papaakyat na sila ng ikalawang palapag ng boarding house. "Teka, ano nga ulit ang pangalan mo iho?"
"Michael ho." sagot niya. "Michael San Jose".
"Ah, napakarami n'yo ng Michael dito. Tatlo na siguro kayo." ngisi ng matanda. "Basta yung bayad walang delay dapat ha. Kung madedelay man ng ilang araw, sabihan mo agad ako at kokompyutin natin ang magiging tubo nun!"
"Ok po Manang Lorie. Sisiguraduhin ko naman pong hindi ako male-late magbayad."
"Ay naku iho. Wag kang magsalita ng tapos. Gawin mo na lang ha. Halika dito sa ikatlong kwarto.." aya ng matanda kay Michael.
Sumunod si Michael kay Manang Lorie sa kwartong tinungo nito bitbit ang mga bagahe niya. Alam niyang hindi lamang siya ang maninirahan sa kwartong iyon dahil nabanggit na sa kanya na tatlo silang lalaki na maghahati sa silid kaya mura ang bayad dito.
Pagbukas ng pinto ay bumungad sa kanya ang tatlong kama at dalawang lalaki na tila nagkatinginan din.
Sa palagay niya ay mga kaedad niya lamang ang dalawa o kung hindi man ay lamang lang ng isang taon sa kanya. Ang isa ay matangkad na may pagkamoreno ang kulay. Mahaba ang buhok niya na wavy ang dating hanggang leeg. Medyo malamlam ang mata na tila palaging walang tulog pero balingkinitan at maganda ang hubog ng katawan. Ang isa naman ay kalbo na maputi na may hikaw sa tenga. Kung hindi lang sa mga hikaw na iyon, mapagkakamalan mo siyang anak mayaman. Maganda ang kutis nito. Bilugan ang mata na may mahabang pilikmata, pasaklob ang posisyon ng mga tenga, may katangusan ang ilong at pinaglihi sa cheek bones ang mukha. Kasing tangkad lamang siya ni Michael pero kung sa katawan ang pag uusapan ay ito ang may pinakamagandang tindig sa kanilang tatlo. Kahit na naka t-shirt pa ito ay kitang kita mo ang malalaki nitong dibdib at muscles sa braso. Kinabahan si Michael sa nakita. Sa isip isip niya ay baka namali siya ng desisyong magsarili habang nag aaral.
Dali dali namang hinatak ni Manang Lorie ang bagahe ni Michael sa gitnang kama at doon nilapag.
"O Michael, dito ka sa gitnang kama matutulog. Yung cabinet mo eh yang katapat sa kama mo din. ibibigay ko sayo ang susi mamaya." sambit ni Manang Lorie sabay harap sa dalawang lalaki.
"Oho." Sagot niya.
"Luis, Reyn, si Michael." bungad ni Manang. "Siya yung isa niyo pang makakasama dito sa kwarto."
Tumango ang kalbong lalaki sa kanya na sinagot niya rin ng parehong aksyon.
"Reyn pare!" sambit ng matangkad na lalaki sabay abot sa kamay nya bilang pagpapakilala.
"Michael." sabay abot sa kamay ni Reyn.
"O Reyn at Luis, mag iisang sem na kayo magkasama dito. Baka naman pahirapan niyo tong si Michael makisama sa inyo?" sumbat ng matanda.
"Naku Manang hindi po. Mukha namang okey si Michael eh." tugon ni Reyn. "Saka isa pa. Nakakabagot na kaming dalawa lang ni Luis kalbo dito ang magkausap!!!" sabay tawa.
"Loko! Maski naman din ako. Sawang sawa na ko sa mukha mo!" asar ni Luis.
"O sya. Basta turuan niyo na lang tong si Michael kung saan sa boarding house na to makikita ang mga bagay bagay. Tutal, ang CR naman ay nandito sa loob ng kwarto niyo pati yung lutuan....siguro naman wala na kong dapat ituro dito sa bago natin" sabi ni Manang na totoo naman.
"yung sampayan nga pala Michael kapag naglaba ka na eh nasa itaas lang... sa may rooftop" habol ni manang."ayoko kasing sa bintana nagsasampay din. hindi pumapasok yung hangin sa kwarto niyo...eh baka kayo ay magkasakit kung ganon"
"Okey po Manang Lorie. Magpapaturo na lang po ako kila Reyn at Luis"
"O sige. Maiwan na kita dito at may pupuntahan pa ko sa Quiapo. Yung bayad mo, kukunin ko na lang mamaya ha?" sabi ng matanda sabay alis sa kwarto.
Sinara ni Reyn ang pinto pagkaalis ni Manang Lorie. Agad itong naghubad ng pang itaas at pumunta sa kama ni Michael kung saan naroon din ang binata. Nagulat naman si Michael sa ikinilos kaagad ni Reyn. Bukod pa dun, hindi rin siya sana'y makakita ng ibang lalaking nakahubad sa harap niya lalo pa't may magandang pangangatawan din.
"Oy pare! Bakit ka naglayas?" pangising tanong ni Reyn.
Nagulat muli si Michael sa lalaki. "Ano?!!?" bulalas niya.
"Bakit ka naglayas kako?" ulit ni Reyn.
Natawa si Michael."Bakit mo naman nasabing naglayas ako pre!"
"Eh anong tawag dyan? Andami mong damit tapos mukhang anak mayaman ka pa! Dito ka napunta sa boarding house na to eh puro walang kaya ang tao dito" paliwanag ni Reyn.
"Ah" unang sambit ni Michael sa dahilan ng lalaki. "Hindi ako naglayas at hindi ako anak mayaman. Nasa probinsya na kasi umuwi yung nanak ko nung pagkamatay ng tatay ko kaya ako nagdecide na magboarding house na lang para mas makamura"
"Ganun ba? Naku pasensya ka na. Kala ko kasi naglayas ka sa unang kita ko sayo." sabi ni Reyn sabay higa sa kama ni Michael.
Tumambad kay Michael ang matipunong katawan ng lalaki habang nakangisi ito. Hindi niya maipaliwanag ang naramdaman niya sa katawang iyon. Alam naman niyang maganda rin ang katawan niya bunga ng sarili nilang gym equipment sa bahay nila pero hindi niya maikumpara ang sarili kay Reyn.
Biglang naglaro sa isip niya na hawak niya ang katawan nito. Kahit na may kahabaan ang buhok ng lalaki ay natitiyak niyang may itsura si Reyn. Naglalakbay ang diwa ni Michael na hinihimas ang katawang tumambad sa kanya. Hinawakan niya ito mula sa braso pababa sa may dibdib at nilalandi ang mga matitigas na nipples ni Reyn. Umuungol si Reyn sa ginawa niyang iyon. Napapikit ito sa sensasyong nararamdaman sa mga paghawak ni Michael sa kanyang katawan. Maya maya pa at itinaas ni Reyn ang kanyang mga braso at duon ipinatong ang kanyang ulo tanda ng pagsuko sa gustong gawin ni Michael sa kanyang katawan. Damang dama naman ni Michael ang lapot ng kanyang pawis bunga ng init na nararamdaman. Hindi siya sigurado sa ginagawa niya ngayon pero ang alam niya lamang ay nag eenjoy siyang gawin iyon kay Reyn. Dahang dahang ibinukas ni Reyn ang butones ng kanyang pantalon at ibinaba ang zipper nito. Pasunod na sana ang mga kamay ni Michael sa bukana ng biglang may naramdaman siyang tapik sa mga hita niya.
"Uy pare okey ka lang??" sambit ni Reyn."Bakit naman bigla kang natulala dyan? Tinanong lang naman kita kung talagang naglayas ka eh iba na itsura ng mukha mo."
Bumalik sa realidad si Michael. Nakita niya si Reyn na nakaupo na sa harap niya at tumatawa.
"Wala. Pagod lang siguro pre dala ng biyahe. Dami rin kasing palipat lipat na sakayan tapos trapik pa sa daan dahil sa ginagawang MMDA na tulay" paliwanag niya. "pero hindi talaga ko naglayas. Yun ang totoo."
"Ah...edi ok!" sang ayon ni Reyn sabay punta sa kanyang kama at nagbukas ng electric fan.
Hindi maipaliwanag ni Michael ang nangyari. Isa lamang ang alam niya ng mga sandaling iyon,'pagod sya'.
.....Itutuloy
source: http://milosenteno.blogspot.com/2011/03/michael-part-1.html
san n yung kasunod?
ReplyDeletehahaha!! nice!!! next please :))
ReplyDelete