By: Drake Cantillon
Hi sa inyong lahat, first time q po ilalathala itong karanasan ko sa pag-ibig. Isa po akong bisexual at ang istorya pong ito ay patungkol sa pinakamalaking kamalian na nagawa ko sa'king buhay, ang naging dahilan ng pagkawala sa'kin ng aking pinakamamahal.
Pagkababa ko ng aking kotse, agad niyang hinawakan ang kamay ko at parang batang hinila ako patungo sa kanilang bahay. Ang bahay nila ay moderno at halos puro bakal(steel) ang makikita mo. Ang kanyang ama raw mismo ang architect ng kanilang bahay. Pinagbuksan kami ng katulong at dumeretso kami sa sala. Doon, napagmasdan ko ang kanyang mga larawan na naka-display sa wall at cabinets. Siya pala ay isang swimmer at magaling ang kanyang kamay sa pagguhit at pagsulat. Ipinakita niya rin sa akin ang kanyang mga paintings na talaga namang nakapagpamangha sa akin. Hindi ko makalimutan ang isang bagay na sinabi niya sa akin noong mga oras na iyon. Sabi niya, "Kuya, ikaw pa lang ang unang taong dinala ko dito at pinagkwentuhan ko ng mga bagay-bagay tungkol sa akin at sa pamilya ko. Hindi ko alam kung bakit pero malaki ang tiwala ko sa'yo kuya."
Napatingin ako sa kanyang mga mata at nabakas ko roon ang sinseridad sa kanyang mga sinabi. Hindi ko mapigilang ngumiti at yakapin siya. "Bunso, maraming salamat ha. Pinasaya mo ako sa mga sinabi mo."
Ilang minuto rin kami sa ganoong posisyon ng bigla niya akong yayain sa kwarto niya upang makapagpalit daw ako ng damit. Habang papanik kami sa hagdanan, nakatitig ako sa kanya ngunit ang nasa isip ko ay ang pustahan naming mga barkada. Dapat bang sabihin ko na kay Jake ang totoo? o sabihin sa barkada na ayoko nang makipagpustahan dahil totoo na ang nararamdaman ko kay Jake? Nabalot ng kaba ang dibdib ko noon dahil ayokong makasakit ng taong may halaga na sa akin. Kasabay nun, ayoko rin namang magkalabuan kami ng aking mga kabarkada na itinuring ko nang mga kapatid mula pa pagkabata.
Nasa ikatlong palapag ang kanyang kwarto at ito ang pinakamalaking kwarto sa bahay na iyon. Tinanong ko siya, "Bakit anlaki ng kwarto mo? Mas malaki pa yata sa kwarto ng mga parents mo? Tsaka nasan nga pala sila? Bakit parang nag-iisa ka lang dito?" Sabi niya, "Pareho silang nasa ibang bansa eh. Ako lang talaga dito." Nalungkot ako sa aking narinig. Nakaramdam ako ng awa at sakit para sa kanya. Heto pa ako at daragdag sa sakit na mararamdaman niya. Iyon ang dahilan kung bakit hindi ko na nagawa pang aminin ang tungkol sa aking ginagawa. Inisip ko na lang na totoo naman na ang aking nararamdaman at hindi ko hahayaang masira kung anong meron na kami o mawala pa siya sa akin. Ikinatatakot ko na nga lang ang pagdating ng araw na malaman niya ang tungkol dito dahil nga wala namang lihim ang hindi nabubunyag. Mamahalin ko na lang siya ng sobra-sobra upang kung dumating man ang araw na iyon, sana ay mas malaki na ang nararamdaman niyang pagmamahal para sa akin kaysa sa galit na mararamdaman niya dahil don.
Pinaupo niya ako sa kanyang kama habang kumukuha siya ng damit sa kanyang cabinet. "Kuya, saan ka mas komportable? T-shirt ba o Polo?" sabi niya. Sagot ko, "Wala ka bang sando bunso? Mas presko ako kapag walang manggas eh tsaka pauwi naman na rin ako kaya okay na sa akin un." "Sige po kuya, meron ako dito. Eh pang-ibaba? Shorts na lang din?" "Oo shorts na lang kahit ano okay lang sakin." Iniabot niya sa akin ang mga damit at nagsimula akong magbihis habang kami ay nag-uusap. Nang tanggalin ko ang aking pang-itaas, tiningnan niya ako at nagtanong, "Kuya, nag g-gym ka ba? Ang ganda ng abs mo eh." "Ah, ito ba? Oo. Alam mo na, pang-akit ng ibang tao. Hehe." "Naks naman kuya, walang kayabang-yabang ah. Haha."
Nang makapagpalit na ako, niyaya niya akong kumain sa ibaba. Ngunit dahil sa aking nakita kanina, pinigilan ko siya at sinabing, "Eh kung ikaw na lang kaya ang kainin ko?" "Ha? K-kuya naman eh. Iyan ka nanaman sa mga titig mo. Pasalamat ka maganda iyang mga mata mo dahil kung hindi," "Kung hindi, ano?" sabat ko.
Namula ang kanyang mga pisngi sabay iwas ng tingin sa akin. Alam kong sa aking ginawa ay imposibleng hindi siya naakit sa akin. Pinaupo ko siya sa kama at tinungo ko ang pinto ng kanyang kwarto upang isara ito. . ITUTULOY. . .

No comments:
Post a Comment