By: Rico Toledo
ang kwentong ito ay kathang isip lamang, may pagkatugma ngunit hinango sa realidad. anumang pagkaeksaherado at paglabis ay ginamit upang mapaganda ang istorya. masayang pagbasa..... VOX.
--------------------------------------------------------------------
Pahina 2 Bulag sa Pagkakataon
Nagulat ako dahil si Tristan ang nakita kong papaalis mula sa bahay namin. Sinubukan ko siyang habulin ngunit pagdating ko sa tapat namin ay bigla akong tinawag ng aking ina.
"anak san ka ba nagsususoy?" mano'y tanung niya agad sa akin.
"naglakad lang ho inay, sino nga po pala iyon? para pong kilala ko siya..." pagsisinungaling ko dahil alam ko talagang si Tristan iyon.
"aah,anak ng kaibigan ko, napadalaw lang.., halina anak at malamig na diyan sa labas... magpahinga na tayo ,maaga pa ko lalako bukas"
pag aya ni inay. Sumunod naman ako sa loob at nagpahinga na. Nagising ako ng madaling araw at nag gayak papunta sa daungan, doon naabutan ko ang mga beteranong mangingisda na naghahanda ng maglayag. Pagdating ko sa aming balsa ay tumulong na ako sa matandang si Mang Enri at pumalaot na din kami. Alas siyete ng kasikatan nung kami ay bumalik na sa pampang. Doon nakita ko si Gab na naghihintay kasama ng iba pang buyer. Naalala ko ang mga nangyari kay't nakaramdam ako ng hiya.
" gandang umaga mang Enri !" bati ni Gab
" medyo maganda nga ang talos ng dagat ngayon " sagot ng matanda
"Oo nga po, mukhang masarap ang naging huli ninyo, palibhasa ay malaki din naman ang mga nanghuhuli" pagbibiro niya pero alam kong tinutukoy niya ang nangyari kagabi. Tinimbang na namin ang mga isda at nagkabayaran, inabutan ako ni Gab ng tip sabay kindat sa akin. Nainis ako, para tuloy akong naging bayaran. Pero ang gumugulo sa isip ko, bakit ako nasarapan kay Gab?
-------------------------------------------------------------------
Pagdating sa eskuwela, sinalubong ako ni Trisha at Cha.
"bakit ngayon ka lang?" tanong ni Trisha
"sorry Trish, medyo madami kasing huli kaya natagalan... aa ako pala si Rico, ikaw yung kapatid ni Tristan hindi ba? " baling ko kay Cha
"aa ako nga, nagkakilala na pala kayo ng kapatid ko..." sagot nito sabay bigay ng matamis na ngiti.
"umalis ba sa inyo ang kuya mo kagabi?" usisa ko
"lagi naman umaalis yun pag gabi nung nasa maynila kami, pero simula paglipat dito... aah kahapon lang ulit niya ginawa yun, kayo ba ang magkasama?" paliwanag niya
"magkasama kayo ni Tristan? " saw saw ni Trisha
" aa hindi, para lang kasing nakita ko siya sa dalampasigan... hayaan mo na yun" sagot ko habang diretso na sa aking upuan.
Hindi tumabi sa akin si Trisha, nakisali siya sa grupo ng mga nahuhumaling sa magkapatid. Kalaunan ay napapalayo na nga sa akin si Trisha. Lagi na silang magkakasamang tatlo pati ng iba. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng pagseselos. Kung minsan kasi ay ako na lang mag isa ang pumapasok, kumakain at umuuwi. Tuwing nakikita ko naman sila sa kantina, pansin kong giliw na giliw si Trisha kay Tristan, pero ngingitian lang ako ng binata. Isang beses ay nagkaayaan na pumunta sa bahay ng magkapatid, magkakaroon kasi sila ng maliit na salo salo, pinilit ako ni Trisha na sumama.

Malaki ang bahay nila, may mataas na bakod at gawa sa bato, iyung sa amin kasi ay pawid at kawayan lamang. Namangha ako sa laki nito, medyo marami rin kaming pumunta pero hindi ko talaga hilig ang makisalamuha kaya't pagkapasok ay tumungo muna ako sa may "terrace", ayon kay Cha, iyung maliit na pasilyo sa labasng isang kwarto kung saan tanaw mo ang mga kalsada. Nagkukuwentuhan sila sa loob, kumuha lang ako ng iinumin at bumalik na ulit sa labas. Sinundan pala ako ni Tristan, nagulat ako sa paglingon ko pero nginitian niya lang ako. Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko kaya't umiwas ako nga tingin at napansin niya iyon.
"oh bakit ?" usisa niya.
"wala akala ko ba nakikipagkuwentuhan ka sa kanila?" pag iwas ko ulit. Sumandal siya patalikod sa may bakod samantalang ako naman ay nakatuwad habang nakapatong ang mga kamay dito.
"hindi ko naman hilig makisali, si Cha lang naman ang namimilit sakin." sagot nito
"pansin ko nga close na kayo ng girlfriend ko, mas marami na nga siyang oras sa inyo..." bigla na lang lumabas iyon sa akin.
"nagseselos ka ba? mahal mo ba talaga siya?"
Nagulat ako sa tanong niyang iyon. hindi ko alam kung anung gusto niyang malaman pero, napag isip isp din ako. Hindi ko naman talaga mahal si Trisha, para lang masabing may gf ako, pero ngaun naiinis ako tuwing makikita ko silang magkasma.
"oo, mahal ko nga yata siya... bakit gusto mo ba si Trisha?" baling ko sa kanya pero napansin kong parang lumungkot ang mukha nito.
"aa hindi ah, kaibigan ko lang yun" sabay tapik niya sa balikat ko, pero hindi niya inalis yun at mariing hinimas . napatingin ako sa kanya at napangiti. Gumanti din naman ito ng ngiti at nagsimulang magkuwento ng buhay niya. Para akong bata na nasabik sa kwento ng isang lola, nakatingin lang ako at magaan ang pakiramdam habang nakikinig. At kung minsang nagkaktinginan kami ay umiiwas ako ng tingin, tapos tatawa lang siya at magpapatuloy.
Ang dami niyang naikwento, anak pala sila ng dating mayor namin. Nagkaroon ng problema sa pamilya kung kaya't lumipat sila sa maynila. Kailangan lang asikasuhin ng mama niya ang business nila dito kaya sinama na din sila. Hindi ko na naitanong kung siya ba yung pumunta sa bahay namin. Inabot na kami ng gabi, niyaya nila akong uminom ng alak. Hindi pa rin kasi nakakaalis yung iba kaya sa may sala na kami nag inuman. Madalas akong pinapainom ni mang Enri ng lambanog kaya't medyo malakas ang laban ko, iyun kasi ang iinumin.
Naging makulit na si Trisha, hindi kasi ito sanay at naudyukan lang ng mga kasama kayat pinahiga ko na siya sa tabi ko. Hindi naman nainom si Cha, lasing na ang iba naming kaklase at ganun din si Tristan. maya maya pa ay pinatigil ko na sila sa pag inom dahil pulang pula na kami nun. Kanya-kanyang puwesto, sinarado ni Cha ang mga pintuam maliban sa pinto ng "terrace" at nagpaalam na itong matutulog na sa kwarto. Tahimik na ang paligid at tanging mga hilik na lamang ang maririnig.
Tinamaan na din ako kaya't lumabas muna ako sa 'terrace' para magpahangin. Tahimik na din pati ang mga kuliglig, malamlam ang liwanag ng buwan, sapat lamang ang ilaw ng mga poste para sa kalsada. Nagmumuni-muni ako ng biglang tumayo si Tristan papunta sa kinaroroonan ko, dumungaw sa bakod sabay suka.
"haha, ano kaya pa?..." pang aasar ko habang hinahagod ang likuran niya.
"kaya ko pa gagu..." sabay suka ulit.
Tawa lang ako ng tawa, at ng wala na siyang mailabas ay tumingin siya sa akin ng masama. Pukmasok ako sa loob upang kumuha ng tubig at inabot sa kanya. Ininom niya ito at nagmumog, tawa pa din ako ng tawa kasi hindi niya pala kaya ang lambanog. Ipinatong na lang niya ang baso at npatingin ulit sa akin.
"pasensiya ka na... natutuwa lang talaga ako sayo" sabi ko pero bigla siyang lumapit sa akin, hinawakan ang magkabilang pisngi ko sabay dikit ng kanyang mga labi sa akin. Natigilan ako ng mga oras na iyon, tumigil ulit ang oras habang dumidiin ang kanyang malalambot n labi. Hindi ako nkatutol, hindi ko siya maitulak, bigla akong napapikit habang pinipigil ang aking paghinga. Tanging liwanag ng buwan ang saksi sa tagpo naming iyon.
"kuya?! kuya ikaw ba...."
SUSUNOD

Bittttttttttttttttiiiiiinnnnn! Haha. Next po agad pls! Pls po, maawa po kau sa amin! :'(
ReplyDeleteoo nga, kasunod na agad nakakabitin . ang ganda pa naman ng storya
ReplyDeleteGanito mga gusto kong kwentk :-)
ReplyDeleteomg :c NXT PLS SOBRANG NAKAKABITIN! HAHAHA
ReplyDelete
ReplyDeletesalamat po ulit.. hehehe
sori sa mga nabibitin hehhe
--Vox