Pages

Sunday, October 28, 2012

Bulag (Part 3)

By: Rico Toledo

ang kwentong ito ay kathang isip lamang, may pagkatugma ngunit hinango sa realidad. anumang pagkaeksaherado at paglabis ay ginamit upang mapaganda ang istorya. masayang pagbasa..... VOX.
--------------------------------------------------------------------

Pahina 3 Bulag sa Katotohanan

"kuya? kuya ikaw ba iyan?" mula sa itaas ang boses

Nagulat ako kaya kumalas sa pagkakahalik kay Tristan, hindi ko alam ang gagawin. Nakita kaya kami? Sino yun? Asan siya? Halos hindi ako magkandamayaw sa kakalinga pero sumandal lang si Tristan at nagwika "oo Cha, nasuka lang... matulog ka na"

"si Cha? saan..." pagtataka ko. Tumuro si Tristan pataas, nanduun pala sa pangapat na 'terrace' nkadugtong ang kwarto nito. Lumuwag ang paghinga ko at akmang papasok na sa loob pero pinigilan ako ni Tristan.

"sorry..." mahina nitong sabi

" sige kuya, pahinga ka na din" sigaw ni Cha. Hindi ako sumagot.

"sabi ko sorry..." paulit ni Tristan.

Nanatili akong tahimik, pinilit kong lumakad pero humigpit ang hawak ni Tristan sa braso ko. Hinihila ko iyon at napatingin sa kanya ng masama.

"Layuan mo si Trisha..." ang tanging nasabi ko at tuluyan na niyang binitawan ang kamay ko. Pumasok na ko ng tuluyan sa loob dala ang pangamba sa aking nagawa...

---------------------------------------------------------------------

Lumipas ang mga araw at hindi ako matahimik sa ginawa ni Tristan. Hindi ko na din siya kinakausap simula nun pero pasimple siyang lumalapit at nagpapapansin sa kin.

Naruong magpapalipad siya ng eroplanong papel, uukitan ang silya ko, magiiwan ng matamis at kung anu-anu pa,. Hindi ako galit at hindi ko magawang magalit sa kanya, pero tinitiis kong huwag makipag usap dahil ayokong tanggapin sa sarili kong nakipaghalikan ako sa isang lalaki. Hindi ko na naman iyon sinabi sa kahit na kanino, pero sadyang bumabagabag ang tanong sa aking pagkatao, dali-dali akong tumungo kay mang Enri, halos ama na din kasi ang turing ko sa kanya.

"Manoi, bakit ho may mga bayot?" tanong ko sa matanda.

"Toto bat naman naitanong mo? sinasabi nila, sakit daw sa lipunan, pero para sa akin, pinipili lang naman nila kung saan sila sasaya." mariin nitong sagot habang nagkukumpuni ng lambat. Lumapit ako at tumulong.

"Masama ho ba sila? masama ho bang magkagusto sa kapwa lalaki"

"Hindi iho, tao lang ang nagpapasama sa tao, hanggat wala silang tinatapakang tao at sinusunod naman nila ang mga mabubuting gawa, walang dahilan para tawagin silang masama... teka iho bakit nga ba bigla ka na lang nahilig sa ganyaang paksa?" baling ng matanda sabay pukol ng tingin sa akin.

"Aha wala lang ho, naitanong ko lang manoy" sabay ngiti, mukhang nakahalata na ito kayat nagpaalam na ako papa alis.

---------------------------------------------------------------------

Samantala, naging kapansin pansin ang matumal naming pagsasama ni Trisha. Hinahayaan ko na lamang siya, hindi na kami magkasabay kumain at umuwi, hindi na rin naman sila nagkakasama ni Tristan pero biglang kumalat ang balitang sila na daw. Nagulat ako nun at tinungo si Trisha...

"Trish ano yung naririnig ko?" bungad ko sa kanya. natahimik lang si Trisha, yumuko ito at unti unting lumuha.

"wala na tayo Rico!!!" mahina niyang sagot. Natahimik ako sa aking narinig, pero hindi naman ito kumurot sa aking konsensya. Mas gusto kong malaman kung sila nga ba talaga ni Tristan.

"kayo na ba? kayo na ba ni Tristan?!!"

" oo..."

Nagdilim ang paningin ko at hinanap si Tristan, pinipigilan ako ni Trisha pero naitulak ko lang siya, lumabas ako ng kwarto at tumungo sa kantina kung san laging nakatambay si Tristan. At hindi nga ako nagkamali, nakapila siya sa kahabaan, lalong nag alab ang puso ko, kasabay ng pagtulo ng luha ko...

"Tristan!!!" umalingawngaw sa kantina ang boses ko dahilan para tumigl ang lahat. Lumingon ito pero sinalubong siya ng nakatiklop kong kamao.

Sigawan ang mga estudyante. Bagsak si Tristan.

"Bakit? Rico pa---"

"Anong bakit! Sinabi ko layuan mo si Trisha, tanay damu, kayo na pala!" sambit ko.

"anong kami?" pagtataka ni Tristan habang hawak hawak niya ang kanyang pisngi, pumutok din ang bahaging nguso niya.

Tumalikod ako at umalis, patuloy pa din ang pag agos ng luha ko, pero bakit ayaw umamin ni Tristan? Patuloy sa pagtakbo ang paa ko, gusto kong pumunta sa aking lihim na tambayan. Pero sinundan pala ako ni Tristan.

"Sandali Rico ano ba!" sabi niya ng mahablot niya ang kamay ko.

"Bitawan mo ko Tristan."

"Hindi, ayoko! Ano bang sinasabi mong kami?"

"Wala na kami ni Trisha, sayo na sya, masaya ka na ba?"

"Hindi kami ni Trisha!!"

"Siya na mismo nagsabi" nakawala ako sa pagkakahawak niya at tumakbo nga patungo sa may dalisdis pero sadyang makulit si Tristan.

Napaupo ako pasandal sa may puno. Pumwesto siya sa harapan ko at tinukod ang isang kamay sa may bandang uluhan ko. Bumabawi kami ng paghinga.

"Rico please, kausapin mo ko!"

"Anu pa bang pag uusapan natin? Atsaka bakit mo pa ko sinusundan? ano pa bang gusto mo? Gusto mong gumanti, sige gumanti ka na!" sunod sunod na pagbulyaw ko sa kanya

"HINDI NGA KAMI NI TRISHA!!!" sigaw ni Tristan na nagpatigil naman sa akin. Duon ko napansin ang pagtulo ng luha niya. Parang karayom na tumusok iyon sa aking puso.

"Hindi magiging kami, dahil ikaw ang mahal ko..." kasabay ng mga labi niyang muling nanahan sa akin, at ang muling pagtibok ng aking puso.

SUSUNDAN

9 comments:

  1. Wow! Kawawa nmn c tristan, nasuntok ni rico ang lalakeng mahal niya. :(

    next po pls. :)

    ReplyDelete
  2. ang lakas mambitin ni author. hehe, para naman akong sumunod ng teleserye neto. keep up the good work! :)

    ReplyDelete
  3. Ilng years pang hhntayn?

    ReplyDelete

  4. ahehe napost na pala ung pangatlo..
    salamat po..,


    lalo ko pang gagandahan..,



    --Vox

    ReplyDelete
  5. author lab u.. ganda ng akda mo bru... tama ang komento ng ating mga chupatembang, nakakapanabik abagan ang kasunod... keep up the good works bro.

    ReplyDelete
  6. Naku po! Ang daming kwento dito, pero isa ito sa mga nagustuhan ko! I love the characters! Specially the protagonists!

    ReplyDelete

Read More Like This