Pages

Sunday, October 28, 2012

Self-Discovery (Part 2)

By: Red

Hapon. Coffee Shop. Netbook. Writer's block.

Tatlumpung minuto na akong nakatanghod sa mga padaan-daang mga estudyante sa harap ko pero ni hindi ko man lang napuno ang word document na kanina pa nakatitig sakin mula sa screen ng netbook kong dala. Nangangalahati na rin ang kanina'y mainit at punong-punong tasa ng kape sa tabi ko. Hay! Nakailang buntunghininga na ko pero wala talagang mailabas ang utak ko ngayon. Kung dati naman eh hindi ko masyadong kailangang pigain ang utak ko kasi tuloy-tuloy at parang gripo sa paglabas ang mga ideas at saka ko naman tinitipa ang keyboard para mailapat sa dokumento yung mga ideas ko para sa article. Pero ngayon, daig ko pa ata ang Sahara desert sa katigangan ng matinong maisusulat.

Halos patapos na ang term at toka ko ngayong magsulat ng artikulo para sa magazine issue ng campus paper namin. Napakasimple kung tutuusin ng gagawin ko, mag-observe ng buhay estudyante sa mga katabing coffee shops ng school namin at bigyan lang ng maganda gandang atake, yung tipong mabibigyan ko ng kabuluhan ang mga simpleng tawanan, buskahan, rushed projects, date at kung anu-ano pang nagaganap sa apat na sulok ng coffee shop kung nasan ako ngayon. Pero wala e, hindi ko kayang paduguin ang utak ko ngayon. Pakiramdam ko tuloy moron ako.
Ilang araw na din ang dumaan mula nung nagkaron kami ng masayang 'bonding' experience ng pinsan kong si Renz pero 'di ko pa rin yun nakakalimutan. Minsan sa gitna ng kahit anong ginagawa ko nasisingit ko yun at pag nangyayari yun napapabilis ang kabog ng dibdib ko at 'di ko mapigilang mapangiti. Lihim ko syang inoobserbahan pagkatapos nun pero parang wala lang naman sa kanya. Normal pa rin syang kumilos sa bahay kahit na kaharap ako. Mayabang pa rin kapag naghahapunan, palaging may bagong kwento. Samantalang ako, parating tulala at nakatingin sa kawalan. Dun ako naiinis, masyado akong affected eh kung tutuusin wala naman talagang significant na nangyari.

Labasan na ng mga estudayante at padami na din ng padami ang tao sa coffee shop. Halos occupied na lahat ng tables. Hindi ko napansin pero may tao na pala sa harap ko na parang nakikisuyo sa upuang bakante sa mesa ko. Tumango na lang ako indikasyong OK lang sa akin na umupo sya don. Nuon ko lang sya napasadahan ng tingin. Nakauniporme sya ng pang College of Med. Bagay na bagay sa kanya yung uniform, napakalinis tingnan. Maputi kasi sya, halos ka-height ko siguro at OK ang fit ng uniform. Di tulad nung ibang nagmimistulang scarecrow sa luwag nung uniform nila. Mestisuhin at may hitsura 'tong estudayante sa harap ko ngayon. May dala syang kape, nilapag nya yun sa mesa sa harap namin, medyo inurong ko yung netbook ko para magka-espasyo sya sa mesa.

"Mukhang busy 'tol ah, anong atin dyan? Frank nga pala." Bati nya sabay alok ng palad.
"Red, ah oo, medyo nga." Nagkamay kami. "School projects." dugtong ko.
"Oo nga eh, stressful days na naman noh? Exams na kasi e." Nagsimula syang uminon ng dala nyang kape.

Wala ako sa mood makipagkwentuhan kaya ngisi na lang sinagot ko sa kanya. Di na rin sya nangulit pagkatapos. Naglabas sya ng libro sa bag at nagsimulang magbasa. Ako naman nakatingin pa rin sa monitor at nagsimulang tumipa tipa kahit wala naman talagang maayos na idea sa utak. Maya maya'y may nahulog na papel sa libro nya, dinampot nya iyon. Sa pag-bend nya'y nalihis pataas yung uniform nyang pantaas at na-expose ng kaunti ang garter ng brief nya pati na ang kaunting balat sa likod. Napakakinis nun. Pasimple ko syang pinasadahan ng tingin. Pinansin ko din mga daliri nyang nakaclamp sa librong binabasa. Ang kinis naman ng lalaking to, bulong ko sa isip. Nuon ako nagkainteres na makipag-usap.

"Wow, highfallutin naman ng libro mo," Kako pertaining sa title ng book na hawak nya, ni hindi ko kasi yun ma-pronounce.
"Ah oo, kunyari lang." Sabi nyang nakangiti, nilapag nya yung libro at parang game makipag-usap.
Ang ganda ng ngiti nito, pantay ang mga ngipin at dahil na rin siguro sa kaputian, mamula-mula ang labi. Parang natutuwa ako sa mga nakikita ko sa kanya.
"Mahirap ba ang med 'tol?" Alam ko namang walang kwenta yung tanong ko pero wala na akong ibang maisip e.
"Hindi naman, gusto ko naman to e so Ok lang sakin."
"Wow, let me guess, family of doctors kayo no?" Haha, natawa na lang ako sa hirit ko.
"Ang galing mo ah." Sumakay naman sya at nakipag-high five pa sakin na parang amazed na amazed talaga.
Yun nagsimula kaming magkwentuhan sa buhay buhay. Taga-Pampanga pala sila pero may bahay sila sa Muntinlupa at dun siya ngayon umuuwi. Doctor ang daddy nya, nurse ang nanay nya. Tatlo silang magkakapatid, professor sa kabilang university ang Kuya nya, naglo-law naman yung ate nya.

Andami kong nalaman sa buhay nya. Game naman kasing magkwento, ako naman paisa-isang detail lang. Mas gusto ko kasing nakikinig lang kapag kwentuhan, mas interesting kasi buhay ng iba kaysa sa routine ng buhay ko. May girlfriend daw sya sa Pampanga, nag-aaral duon.

"Wow so pano yung contact nyo?" May iba akon ibig sabihin sa contact pero syenpre 'di niya yun nakuha.
"Weekly naman akong umuuwi, minsan sya din bumibisita dito." Matipid nyang sagot.
"Ikaw tol, kwento ka naman sa buhay mo." Habang sinasabi nya iyo'y mataman syang nakatingin sa kin na parang interesadong interesado sya. Naiilang ako sa atensyong binibigay nya ngayon.
"Well, eto, Business Ad course ko, may kaunting business si Papa kaya malamang sakin din naman yun mapupunta so as preparation ito ang inenroll kong course." Observant ang loko, medyo hindi kasi maganda ang tono ko nung sinasabi ko iyon.
"Mukhang ayaw mo nang course mo ah!" At hayun na naman yung ismid nyang kalahating ngiti. Wow, nakaka-hypnotize!
"Uhm... medyo, gusto ko kasi Creative writing eh."
"Wow, writer ka pala?"
"Medyo, or tingin ko?" Nagkatawanan kami dahil sa sinabi ko.
Ang gaan nyang kausap, ewan ko ba pero parang matagal ko na syang kakilala, ang kampante ako sa kanya. Di ko namalayan na madilim na pala sa labas ng coffee shop at nagsimula nang umulan. Maya maya pa kumulog na rin. Dun ko na naisipang magpaalam sa bago kong kaibigan.
"May auto ka ba?" tanong nya sakin, naglalabas na sya ng susi ng auto that time.
"Wala e, malapit lang kami dito kaya nagco-commute lang ako." Nagsimula ko na ring ayusin mga gamit ko.
"Sabay kana sakin, naka-park ako sa malapit lang."
"Sigurado ka? Kung sa Munti ka uuwi, hindi along your way yung sa amin."
"Okay lang, maaga pa naman."
"Sige ikaw bahala."

Lumabas na kami ng coffee shop. Medyo malakas na ang ulan at kelangan naming puntahan yung kotse nyang naka-park malapit sa isang fast-food chain. Nagtanggal sya ng pantaas na uniform, wala ata kasi syang payong tulad ko. Naiwan ang puting t-shirt nyang panloob. Napaka-sexy talaga nyang tingnan sa puti bulong ko sa sarili.
Patakbo naming tinungo ang kotse nya, ginawa nyang pananggalang sa ulan yun uniform nya, ako nama'y di na rin inalintana ang ulan, mas kinover ko pa yung dala kong bag, andun kasi yung netbook ko.
Pagdating namin sa sasakyan medyo nabasa kami, ako sa bandang likod samatalang sya humapit sa dibdib ang suot nyang manipis na undershirt.  Nabakat tuloy ang matitipuno nyang dibdib. Perpektong hugis iyon, halatang alaga sa diet at exercise. Umupo ako sa passenger's seat at nagpagpag ng basang polo. Hihubad ko na rin ang pantaas ko, may sando naman ako sa loob.
"Dito muna tayo, mukhang lalakas pa ang ulan e." sabi nya habang tinutuyo ang sarili. Maya-maya'y hinubad na nya ng tuluyan ang suot na t-shirt. Nagulat ako sa ginawa nya. Napalunok. Ang ganda kasi ng hubog ng katawan nito, di malayo sa naisip kong korte kani-kanina pa. At ang mas nakapagpahindig sa mga balahibo ko ay ang maninipis niyang buhok sa kili-kili. Parang ang bango at ang sarap amuyin nito.
"Tol kita ko na boobs mo." pabiro kong turan para itago ang tensyon na nararamdaman ko.
"OO nga tol, sorry ah wala akong bra." Parang bading naman nyang sapo-sapo ang dibdib. May hinugot syang itim na t-shirt sa bag at isinuot iyon.

Mas tumingkad ang kaputian nya sa kulay ng t-shirt. Di ko na naman napigilang purihin ang kagandahang lalaki nito sa isip ko. Maski ata anong kulay isuot nito e papasa sa rampa.

Nagkakwentuhan ulit kami sa loob ng sasakyan kahit habang may mahina syang acoustic music na pinapatugtog. Crush ko na talaga ang lalaking ito! Di lang maporma, may taste pa sa music at may sense kausap. Naiinis ako ng palihim sa sarili ko kasi may mga di magagandang eksena akong naiisip kasama sya. Buti na lang nakapatong sa lap ko kung bag ko, kundi eh baka nahalata nyang kanina pa nya apektado ang buong mundo ko sa nakakadarang na presensya nya.

"Tol, ilagay mo muna sa likod yung bag mo." Sabi nyang nakatingin sa bag na kandong ko.
"OK lang tol." Sabi ko namang walang balak tanggalin ang bag sa kung nasaan ito ngayon. Mahirap na! sabi ko sa sarili.
Maya-maya pa'y pinaandar nya na ang sasakyan. Ginuide ko sya sa ruta papunta sa amin. Tuloy pa din kwento kwento namin sa sasakyan, parang di kami mauubusan ng pagkukwentuhan. Mahilig syang magbasa at manuood ng classic films na syang nakadagdag sa libog points ko sa kanya. Parang gusto kong itulak palayo ang palapit na palapit naming subdivision para tumagal pa ang kwentuhan namin pero wala na din akong nagawa dahil maya-maya pa e nasa harap na kami ng bahay namin.
"Salamat 'tol ha." Naghanda na akong bumaba ng sasakyan.

"Ay tol, number mo nga pala para may contact naman tayo, kaunti lang nakaksundo ko sa Manila e." Yes! para akong nanalo sa lotto sa isip isip ko, nagpalitan kami ng numero at tuluyan nang nagpaalaman.

Naligo ako pagka-akyat ng kwarto, habang nagsasabon ako ng katawan e hindi ko mapigilang maisip sya at ma-arouse. Hindi ko na pinahirapan ang sarili ko at mag-isa ko na lamang pinagpasasahan ang ala-ala ng maumbok nyang dibdib habang abala ang kanang kamay ko sa alam nyo na kung ano. Habang nagtutuyo ako ng buhok, narinig kong may tumitipa-tipa  ng gitara sa kabilang kwarto. Alam kong si Renz yun. Sya lang naman mahilig sa music sa bahay namin.

Na-miss ko ang pinsan ko kaya kinatok ko sya sa kwarto niya. Maya-maya'y binuksan nya yun. Ewan ko kung bakit pero nakasimangot sya nung nakita ako. Bipolar naman nito sabi ko sa isip ko. Pero ganun pa man tumuloy ako sa kwarto nya.
Nakasando lang sya at boxer shorts. Hindi ko mapigilang pansinin ang maganda nyang legs at pares ng paa. Umupo siya sa sofa sa tabi ng kama nya, nagcross legs at itinuloy ang pagtipa-tipa sa gitara.

"Kamusta sa school?" wala na akong maisip itanong eh, umupo ako sa kama nya, nakasampay pa rin sa balikat ko yung twalyang ginamit ko kanina.
Abala pa rin sya sa pagtapik tapik sa gitara, ni hindi man lang ako nilingon.
"Ganun pa din." Mahina nyang sagot. Wala man lang kalatoy-latoy.
Pakiramdam ko ayaw nya akong kausapin that time. Medyo nainis din ako kaya tumayo na lang ako para lumabas na.
"Red, sino yung naghatid sa'yo?" Di ko inaasahang itatanong nya yun. Napalingon ako sa bintana sa kwarto nya. Tanaw nga pala duon yung gate namin.
"Barkada ko." Blangko kong tugon.
"Ows, babae ata yun eh." Di pa rin sya nakatingin sakin.
"Hindi a, si Franz yun."
"Ah, classmate mo?"
"Hindi, nakilala ko lang sa coffee shop."

Dun na sya nagtaas ng ulo.

"Nakilala mo lang sa coffee shop tapos hinatid kana?" Medyo tumaas ang boses nya sa tanong nya. Nainis ako sa tono nya.
"Oo, school mates naman kami ah." Padepensa kong balik sa kanya.

Nagbaba ulit sya ng ulo sa gitara nya.

"Baka naman ka-date mo?" Nang-aakusa na ang tono nya, pero mas mahina na ngayon.
"Ano?!" Ako naman ang medyo napataas ng boses. Di ko alam kung anong inaasal nito ngayon. Gusto kong isipin na nagseselos sya pero bakit?
"Wala." Nagtuloy sya sa pagtipa-tipa ng gitara. May hina-hmmm din syang tono.
Naguguluhan ako sa mga inaasal nya kaya lalabas na sana ako ng kuwarto. Bigla syang nagsalita.
"Gusto mo turuan kitang mag-gitara?" Nakatingin na sya sakin. Maaliwalas na ang mukha nya.
Matagal ko na ring gustong matuto nun pero dahil walang musically inclined sa bahay namin dati di ko na din in-attempt kaya natuwa ako sa sinabi nya.
"Sige!" kako at naupo na ako sa tabi nya.

Mga isang oras din nya akong matiyagang tinuruan ng mga basic chords at strumming. Madali naman akong natuto, gusto ko naman kasi talagang matuto. Madalas nyang sawayin ang kamay ko, mga mahihinang tapik na ewan pero nagugustuhan ko. Tapos hinahawakan nya mga daliri ko para itama sa mga kwerdas ng gitara.

Halos mabuo ko na ang isang kanta kaya pinaupo nya ko sa stool para at pinaharap sa kanya. Imaginin ko daw na nagpeperform na ako sa harap ng mga tao. Na isa na daw akong pro. Medyo na-OAhan ako sa scenario nya pero OK sabi ko naman. Ok naman boses ko, hindi pang singing contest pero di naman sablay sa tono. Nagsimula akong mag-strumm ng ilang chords. Natutuwa ako sa sarili ko kasi may bago akong nalaman in a span of how many hours. Sige sa tipa may kasama pang kanta, may papikit pikit pa.

May namali ata akong chord kaya pumuwesto sya sa likod ko at iniaayos ang mga daliri ko sa gitara. Naka-boxers lang sya, napakanipis na tela kaya't pag nilalapit nya yung lower body nya sa likod ko salat na salat ang lahat ng pwedeng masalat. Parang tama naman yung mga chords ko pero di pa rin sya umaalis sa likod ko. Patay malisya naman ako. Pero sa ilang minuto nyang pagkakatayo sa likod ko e nararamdaman kong unti unting nabubuhayan si junior niya. Sige lang naman ako sa pag-strumm hanggang naramdaman kong matigas na matigas na talaga ito. Nilayo nya ng maramdaman nyang napapansin ko na nga iyon.

"OK, marunong ka na, bukas na ulit!" Pinutol nya ako sa kalagitnaan ng kanta, parang pataboy pa nga tono nya. Kinuha nya sakin yung gitara at saka sya naupong muli sa sofa sa harap ko. Pasimple kong pinansin ang harap ng shorts nya at nakumpirma kong bukol nga nya yung kaninang dumudunggol sa tagiliran at likod ko.
"Bitin naman!" Reklamo ko, medyo nag-aanticipate pa naman ako ng aksyon from him.
"Ok lang yan, one step at a time, ikaw talaga pabigla-bigla." Na-sense ko na naman yung indifference sa voice nya, parang may ipinapahiwatig talaga tong mokong na to kako sa isip ko.
"Ok fine!" Nakaismid kong tugon at saka na ako tumayo papunta sa pinto.

Bago ako lumabas...

"Red! Wag kang pabigla-bigla, sa susunod, wag kang sasama sa kung sino-sino." Blangko nyang turan na hindi man lang tumitingin sakin pero madiin ang pagkakasabi nya.

Nakataas na kilay kong hinarap sya.

"Ano bang sinasa-----." Narinig ko ang pagtawag ni Mama mula sa kabilang panig ng pinto.

"Red, Renz  dinner time!" Katok ni Mama sa pinto ni Renz.

Bago ako tuluyang lumabas ng kwarto tinapunan ko sya ng mapanuring tingin.

(ITUTULOY)

6 comments:

  1. inlove sayo insan mo :)) ahaha haba ng hair :)) very good story I like the flow of the characters :))

    ReplyDelete
  2. Nice one!! I enjoy reading your story.. Can relate with it actually. Thank you for this.

    ReplyDelete
  3. Very well written, i should say! I like your syle! Keep it going, man!

    - josh

    ReplyDelete
  4. Oi te... Ano na sunod????!!! BITIN much aketch

    ReplyDelete
  5. Wala napo bang part 3 eto Red??? nakakabitin naman...

    ReplyDelete

Read More Like This