By: Johnny

“Hey!” bati ng isang estudyante sa bandang likuran ko. “kamusta? Pwede makitabi?”.
“Cge ok lng. Wala naming nakaupo dyan.” Sabi ko sa kanya nang hindi nkatingin habang binabasa ko ang student’s handbook na hawak ko.
“Thank you.”sagot nya. “first year ka lng ba o irregular student?”tanong nya.
“First year lng ako.”tugon ko sabay tingin sa kanya. ’Sino to?’ Bigla kong tanong sa sarili ko nung lingunin ko sya. Isang studyante na tingin ko nun ay nsa 20+ na ang edad at parang old student na. “Pre akala ko puro first year lng ang nsa kwartong ito kasi orientation plang. Transferee ka?”.
“Nka hindi. First year lng din ako.” sabay tawa sya. “Matured lang akong tignan. Ikaw din kaya. Akala ko nga transferee ka eh. Anung course mo? BSAMT (Bachelor of Science in Aircraft Maintenance Technology) ako.”
“BSAMT din.”