By: James
Hello KM readers. Magandang araw po sa lahat!! Hindi ko alam kung paano Ko uumpisahan ang kwento ko. Pero dahil sa wala akong mapaglalabasan ng hinanakit ko ay dito ko na lang po idadaan. Itago nyo na lamang ako sa pangalang James (Hindi ko tunay na Pangalan). Hindi ko alam kung bakit gustong gusto kong tawagin akong James simula ng napatunayan ko sa sarili kong isa akong Bisexual.Hindi po ako magaling magsulat ng kuwento. Isusulat ko po ito sa nakasanayan kong salita; ang tagalog upang sa gayon ay makakaiwas po ako sa mga "MATANGLAWIN" na mga mambabasa. hehehehe...
Lumaki ako sa isang bayan sa Palawan. Masasabi kong hindi ito gaanong maunlad ngunit hindi rin naman napag-iiwanan ng panahon. Payak ang pamumuhay namin kasama ang mga magulang ko at aking nakakatandang mga kapatid. Ako ang bunso sa amin. Si ate Nell ang panganay at si kuya Ram naman ang pangalawa. Si Tatay ay isang magiting na magsasaka at si Nanay naman ay isang Malaria Microscopist sa Health Center sa amin. Kung aking babalikan ang kalagayan namin noon ay hindi ko lubos na maisip kung bakit ko narating sa kung anu man ako ngayon. Dahil na rin siguro sa pagsisikap ko, pagtitiwala sa sarili at sa Diyos. Pinalaki kami ng mga magulang ko na may takot sa Maykapal, gumawa ng mabuti at huwag manglamang sa kapwa kaylanman. Pero kung bakit sumibol ang kakaibang damdamin ko ay isang napakalaking katanungan at isang dagok sa aking buong pagkatao. Gaya ng sinabi ko ay isa nga akong silahis. Lalaki naman ako kumilos ngunit aminado ako na bata pa lang ako ay nagkakagusto na ako sa kapwa ko lalaki. Para sa iba, isa itong kahibangan pero para sa akin ay normal ito dahil hindi ko naman ito pinili at kusa ko lang naramdaman.
Highschool na ako ng maglakas loob akong hanapin kung ano ba talaga ako. At nagawa ko ito sa tulong ng isang taong naging bahagi ng buhay ko; Si Bogs.
Salutatorian ako ng magtapos ng elementarya. Dahil sa mga achievements ko ay nagdesisyon si nanay na pag aralin ako ng High School sa isang Private school sa amin...
Ang Leonides S. Verata Memorial School under the supervision of University of St. La Salle sa Bacolod City. Pangarap ko na kasi ito noon at ngayon ay abot kamay ko na. Nung una ay tuwang tuwa ako ngunit pagkalipas ng isang linggo ay hindi ko nakayanan ang lungkot. Malayo sa amin ang School at tuwing weekend lang ako pwede umuwi. Mag isa lang ako sa kwarto sa inuupahan kong boarding house at halos nangangapa pa ako sa school kasi wala pa akong kakilala. Pero lahat pinilit ko para sa mga pangarap ko. Nasa Section A ako noon at talagang para akong nasa isang competition araw araw dahil sa scholarship ko. Ayokong mawala ito sa akin. Dapat ay 88-90 ang grades ko sa Makabayan at dapat 90-92 ang grades ko sa English, Science and Math. Karamihan sa mga kaklase ko ay halos mayayaman. Mga anak ng inhenyero sa Minahan at ang iba ay mga Japanese. Sa porma, ay talbog ako, wala akong panama pero sa itsura ay may maipagmamayabang din naman ako kahit papaano. Kastila ang lolo ni Nanay kaya namana ko ang maputi kong balat, light brown na buhok, matangos na ilong at mapupulang mga labi. Nagkunwari akong normal lahat, kahit nahihirapan nung unang araw ng klase ay pinilit kong makipag sabayan. Sa bandang likuran ako naupo dahil according to height ang seat plan namin noon. At hiwalay ang column ng babae sa lalaki. Si Bogart ang katabi ko sa Desk na pang dalawahan. Matalino, Mabait, Mapagbiro at Syempre gwapo rin naman. Mas mataas lang ako sa kanya ng ilang pulgada at mas binata akong tingnan kesa sa kanya dahil namumuo na ang bigote at balbas ko, pati mga braso at binti ko at may balahibo na rin, pati kili kili at dibdib at may maliliit na ring balahibo. Yung sa baba???.... hmmmm... medyo tumutubo na rin.. hehehe... Likas kay bogart ang madaldal sa klase, masayahin at pala kaibigan ngunit hindi sa akin. Ni hindi nya ako makuhang kausapin o tingnan man lang kahit pa nasa pareho kami ng desk. Minsan nga nawala ang ballpen nya at sa kabilang desk pa sya unang nagtanong kesa sa akin. Ng wala syang nagawa ay bumalik ulit sa upuan namin na wala pa ring dalang ballpen. Inabot ko sa kanya ang extra pen ko dahil na rin sa naawa ako sa kanya.
"Eto ballpen oh... Uni lang yan pero maganda rin naman ang sulat. Hanap ka ng hanap sa malayo eh ndi mo nman lang ako tinanong muna".
"salamat kuya ha, nahihiya kasi ako sa'yo eh.." si Bogs.
"kuya ka jan, ganun na ba ako ka tanda para tawagin mong kuya?"
Natawa lang sya, pero kakaiba ang naramdaman ko nung nginitian nya ako na may halong hiya.
"Sarap mong panggigilan bata ka" sa isip ko lang habang ginagantihan ko rin sya ng ngiti.
"Ako nga pala si James Fernandez, transferee ako dito eh, wala pa masyadong kaibigan, kakalungkot nga kasi yung iba pinapansin mo pero ako na kasama mo sa desk ni hindi mo man lang pinapansin"
"Ako si Bogart Chan, pero ok lang na bogs ang itawag mo sa akin. Tungkol papa dun sa hindi ko pag pansin sayo, naku pasensya na ha, hindi pa kasi kita gaanong kilala. Lahat kasi ng mga classmates natin eh kaklase ko na mula nursery kaya kabisado ko na sila. Pero wag kang mag alala kuya, i wewelcome kita sa lahat mamaya."
"Kuya na naman? 13 pa lang po ako. Mukha na ba talaga akong matanda?"
"sensya kuya, ayy James pala"
tawanan ulit kami... parang matagal ko nang kakilala si Bogart at parang ang tagal na naming magkaibigan. Gaya nga ng ipinangako nya sa akin. pagkatapos ng klase at pumunta sya sa harap at kinuha lahat ng attention ng buong klase.
"Guys and Gals, listen up. Kung napapansin nyo ay may sampid sa klase natin. Isang estudyanteng hindi naman dito nag elementary. Isang Estudyanteng nanggaling sa public School, na nabigyan DAW ng Scholarship. Salutatorian sya, Best in Math, Science, HeKaSi, Filipino, at EPP. Ikinagagalak ko syang ipakilala sa inyo at I welcome sa ating grupo. Mabait, Matalino at Gwapo!!. Ngayon hindi na sya isang sampid, Kundi isa na rin syang La Sallian tulad natin... Si James Eduave Fernandez"
Tahimik lahat sa klase, tulala na nakatitig lang kay bogs.
"wag ka nang epal Bogs!!!, Kilala na namin sya nung first day pa lang ng klase... huli ka na sa balita.. sorry. At kung inaakala mong itinuturing namin syang sampid sa klase... Mali ka dahil parte sya ng grupo" Si Xyriene ang nagsalita sabay tingin sa akin at nginitian ako.
"Ok, wala namang masama kung ipakilala ko sya ulit sa inyo diba?"
"wala ngang masama!!" Si Xyriene Ulit. Natatawa na alng ako sa bangayan ng dalawa pero na appreciate ko ang effort ni Bogs na ipakilala ako sa buong klase.
"Loko ka Bogs, nakakahiya ginawa mo. Hindi ka na dapat nag abala pa. Ayan tuloy"
"Wala yun James, anu ka ba!! Ganyan talaga dito. Sinasabi nila na maarte ang nasa Private school at insecure sa amin ang taga labas, (Public School).. Sa totoo lang hindi kami ganun. Humble kami at hindi mayayabang. Kasalanan ba naming matatalino talaga kami at mga bobo ang nasa Public.?"
"Loko ka, sa public kaya ako nanggaling!!"
"Biro lang naman James!, Gusto ko lang patawanin ka.. Ang gwapo mo kasi pag naka ngiti eh."
"Ialng oras pa lang tayong magkakilala niloloko mo na ako!!"
"Hindin naman!! Totoo!!"
Madalas na nga ang pagsasama namin ni Bogs kahit lunch break o di kaya pag pupunta kami sa Library. Madalas rin akong nasa Counselor's office dahil nahuhuli akong magsalita ng tagalog sa hallway na ndi dapat gawin.
"Diba I told you that you are going to speak english when you cross the road? It doesn't matter kung wrong grammar ka. The most important is you try to speak? The hell they care? we are still stsudens ayan tuloy, you walis the school!!
"Okay lang Bogs!! My pleasure. Maybe God give me this situation to be my training ground para kahit saan man ako mapunta eh marunong akong magwalis ng kalat ng iba"
"Wow, James!! Holy Saint... Anyways.. Can you pls do my assignment na rin?"
"Kasama ba yun sa task?"
"Hindi"
"E di gawin mo mag isa!!"
"James naman!! eh ang hirap ng Math oh.."
"Tsaka yung english mo bogs ayusin mo rin!! magbasa ka ng dictionary!!"
"Ok ikaw na ang matalino. Im not bright.. Im bobo!!
"walang bobo, tamad meron"
Habang Patuloy kami sa pagwawalis bilang task ko ay lumapit sa amin si Jelie, Class secretary namin.
"Bogart, Our principal want you to be a candidate for first year rep. and She want you in Her office now."
"What? Me? C'mon girl, I can't be! Im not as good as the others. Im afraid to commit mistakes and to make plans that will lead all first years to risk!!
"OA mo naman!!, Mag tagalog ka nga!!"
"Si James na lang... mas bagay sya!!"
"teka?? ako??" pagtataka kong tanong kay bogs..
"Yes yes yow, ikaw nga"
"Hindi pwede, ayoko"
-------------------------------------------------------------------------------------------------------
Ms. Gancia(Principal Namin): So, James. Since Bogart was not interested to be a representative. I insist that you are going to be on his behalf. I had already reviewed your records. I can see your potential to lead your fellow freshmen. But please, promise me that you're going to do your task wholeheartedly.
"Pero Maam, Bakit po ako? Hindi ko po yata kaya"
"Everyone has a chance. This is your Chance. Since Scholar ka ng School"
"Don't worry James. We can Help you" Si bogs sabay ngiti sa akin.
"Ikaw dapat dito eh"
"Alam kong kaya mo kaya ikaw dapat ang rep namin"
"ewan ko sayo Bogs"
--------------------------------------------------------------------------------------
Monday Morning pagkatapos ng Flag Ceremony. Isa isa ng ipinakilala sa boung campus ang lahat ng officers. As usual nakasama ako sa bagong set ng Officers S.Y. 2003-2004. Pero may isang pangyayaring ikinatuwa ko ng i annonce ni Ms. Gancia ang isang pahabol na announcement.
"Students, We have some adjustments, Our First year representative Mr. James Fernandez will going to have one assistant and the faculty chose Bogart Chan to be his partner."
ITUTULOY
Hehehe. mukhang interesado yung story mo pre. next na pls
ReplyDeletemaganda ang story ha! ipush u p frnd, kaabang-abang eh!
ReplyDelete-Chami ng Lucena
kayong mga author na palaging
ReplyDeletemay continuation, Sana mabilis
yung update. kakainis kc eh. yung
mga kwentong interesting
natatagalan bago masundan. hayan
tuloy minsan nakakalimutan yung
storya..
bwahahaha... wagas ang kagandahan mo gurl... hahahaha demanding... TAMA, kagalitan mo sila.. hahahha
DeleteAnong name ng model? Ang sarap grabe! Yum2x pointed nips at ang penis pagkalaki-laki. Nalabasan ako sa kakatitig. Hehehehe.
ReplyDeleteHalatang may padding te!
Deletesi Rico Gwapito po yang model
ReplyDeleteSo bitin... Next kagad pls..,
ReplyDeleteCj of bacolod
cge tuloy mo na karugtong,, marami kang tagasubaybay na taga-Palawan hehehehe....
ReplyDeleteAuthor san ka sa palawan?
ReplyDeleteDan to taga palawan din!
Tagalugin mo na lang..Daming mali sa grammar. Best in English ka pa naman. Interesting pa naman ang story mo.
ReplyDeleteang bobo mo. di mo naintidihan yun kwento. yun mga english conversations sa kwento eh minali talaga ang grammar ni bogart kya nga sinabi nun james na kumuwa ng dictionary eh
DeleteTama bobo nga yan epal masyado ,magbsa ka nalang ,kung ayaw mu dun ka sa ilog magreklamo teng eneng to
Deletetotoo namang wrong grammar e, hindi lang si bogs kundi pati si james at ung principal wrong grammar din, nahilo nga ako habang binabasa ang story dahil sa nakakausog na grammar e. Pero maganda ang story
DeleteASTIG NAMAN NG HEALTH CLINIC NIYO MAY MALARIA MICROSCOPIST/ DITO SA MGA HOSPITAL SAMEN WALA NI ISA
ReplyDeleteDepende po kasi yan sa kung ano yung fiscal capacity ng isang local government. Most of the first class municipalities already have microscopists in their Rural Health Unit.
ReplyDeleteTaga cullion ako author san k s palawan
ReplyDelete