By: Andrae
Hello! I'm a fan of this site and I really love reading stories in here. I just want to share my experience not just only about sex but also about love. Medyo kakaiba po kasi hindi pure sex. Sana po ma-post 'to. So here it goes..
As I was reading status updates of my friends in a social networking site, there's a guy who really caught my attention. I viewed his profile and photos. I told myself, "Sh*t! Ang pogi niya!". Tawagin na lang po natin siya sa pangalan na Mark. Isa po siyang sikat na Singer. Naisip kong i-add siya pero hindi ko na lang itinuloy dahil alam kong hindi niya ako mapapansin sa sobrang dami ng gustong mag add sa kanya. Then I decided to end it up by giving him a "poke".
I haven't introduced myself yet. Itago nyo na lang po ako sa pangalan na "Andrae". Dalawampung taon na ako at kasalukuyang nag aaral nang kursong Accountancy sa isang unibersidad sa Maynila. May taas na 5'8" at maputing kutis dahil ang lolo ko ay Chinese-Spanish. Hindi naman sa nagmamayabang o nagbubuhat ako ng sarili kong bangko ngunit may itsura naman ako. Maamo ang aking mukha, nangungusap ang mga mata, matangos ang ilong at may mapulang labi. Syempre pamatay ang aking ngiti.
Makalipas ang ilang araw, nag online agad ako pagkauwi ko galing eskwela. Nagulat ako sa nakita ko. Nag "poke back" siya sakin. Hindi ko maipaliwanag ang tuwang naramdaman ko kaya nagmadali akong i-message siya. Tinanong ko agad kung pwde ba siyang i-add, "oo" ang sinagot niya. Hanggang sa naging friends na kami. Nagchat kami at nakipagkulitan ako sa kanya. Nalibang ako sa oras kaya hindi ko namalayan na ilang oras na pala kaming magka-chat. Hanggang nagpaalam na siya dahil may gagawin pa siya. Hindi ko alam kung bakit pero nalungkot ako. Lalo na nung nalaman kong hindi siya palaging nakakapag online dahil busy sa work. Syempre hindi ako makakapayag na hindi siya makausap ulit.
Hindi ako makakapayag na matapos agad ang tuwang nararamdaman ko kaya naglakas loob ako na kunin ang number niya. Kahit pumasok na sa isip ko na hindi niya ibibigay, sinubukan ko pa din. Laking gulat ko nung binigay niya sakin. Sabi lang niya, wag ko daw ipapamigay kahit kanino. Sobrang kinilig talaga ko nung mga oras na yun. Sobrang saya ko.
Naging textmates kami at nagkakausap na din. Pakiramdam ko, sumasaya na ulit ako. Pakiramdam ko, nabubuhay na ulit ako. Marami kasing mga hindi magandang pangyayari sa buhay ko kaya naging sobrang malungkutin ako. Oo, tumatawa ako pero ang kalooban ko, umiiyak. Hanggang sa dumating na nga ang araw ng pagkikita namin.
Noong araw na yun, nasa Tomas Morato siya dahil sa isang event. Napagkasunduan namin na magkikita kami pagkatapos nun. 7pm na ngunit hindi pa din nagsisimula yung event. Nalungkot ako dahil baka madaling araw na matapos at hindi pa matuloy ang pagkikita namin. Ilang oras na ang nakalipas, nawawalan na ko ng pag asa. Pero nagtiwala ako na matatapos din yun agad at makakatupad siya sa usapan namin na magkikita kami. Hating gabi na, natapos din sa wakas kaya pauwi na siya. Tumakas ako dito sa bahay at nagmamadali akong pumunta sa lugar na pagkikitaan namin. Hanggang sa nakarating na ko. Habang naghihintay ako sa kanya, sobrang kinakabahan ako. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko maipaliwanag kung anong nararamdaman ko. Hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito. Hanggang sa dumating na nga siya. Umalis agad kami at dumiretso sa aming bahay.Nang makarating na kami, umakyat agad kami sa kwarto ko at umupo sa kama. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Unang beses ko kasing makikipagtalik bagama't na-bj na ko ng maraming beses dati. To make the story short, natapos ang pagtatalik namin. Sobrang saya ko. Alam ko sa sarili ko na ganun din siya. Ayoko siyang mawala sakin. Alam ko sa sarili ko na mahal ko na nga talaga siya.
Hindi siya nawalan ng oras sakin. Kahit pa nasa concerts, shows, events or even rehearsals siya, tumatawag siya sakin. Alam ko ang schedule niya, lahat ng gigs niya naka-save sakin. Dun ko napatunayan na sobrang mahalaga din ako sa kanya. Napakasarap sa pakiramdam na makahanap ng taong mamahalin at magmamahal din sayo. Minsan pag wala siyang lakad, lumalabas kami para kumain at magkamustahan kasi sobrang namiss namin ang isa't isa. Isang araw nung wala kaming professor, naisip ko siyang puntahan at panoorin dahil may show sila. Malayo din kasi kaya medyo nasa kalagitnaan na nung dumating ako. Unang beses ko siyang nakita na nagpeperform ng live. "Grabe, ang galing galing talaga ng mahal ko." nasabi ko sa sarili ko. Pagkatapos ng ilang kanta, nakita din niya ako. Sobra siyang nagulat dahil hindi niya inaasahan na makikita niya ako dun. Ngumiti siya sakin. Habang kumakanta siya, tingin siya ng tingin sakin kaya sobrang kinikilig ako. Pakiramdam ko hinaharana niya ko. Napansin ko din na nag iba ang aura niya bigla. Parang napakasaya niya. Kumikislap ang mga mata niya. Siguro nga dahil masaya niya na nakita nya kong nakasuporta sa kanya. Natapos na ang palabas kaya napagdesisyunan ko ng umuwi. Hindi ko napansin na tinatawagan niya pala ako dahil ipapakilala niya ako bilang kanyang kaibigan sa mga kasama niyang mga kilalang singers din. Pero huli na dahil nakasakay na ko pauwi. At gusto ko lang din naman maging isang fan ng taong mahal ko noong araw na yun. Napakasaya talaga ng araw na yun. Hinding hindi ko malilimutan.
Makalipas ang ilang araw, wala pa din nagbago sa amin. Hanggang sa isang gabi na magkausap kami, may inamin siya sakin.
SIYA: Nagmessage yung ex ko.
AKO: Oh akala ko ba naka-blocked siya sayo?
SIYA: Dun sa isa kong account hindi siya blocked.
AKO: Ahhhh oh ano sabi niya?
SIYA: Wala lang. Nangangamusta lang. Tinanong niya kung hindi daw ba kami magkakashow sa Cebu.
AKO: Ano sabi mo?
SIYA: Hindi ko nireplyan. Pumikit na lang ako. Alam mo ba kung ano ang nakita ko?
AKO: Ano?
*His tears started from falling*
SIYA: Nung pumikit ako, Ikaw ang nakita ko. Nakita kita nung pinapanood mo ko. Nakita kitang nakatayo at nakatingin sakin. Sorry, Andrae. Sorry.
AKO: Wag kang magsorry. Wala ka naman ginawang masama sa akin.
SIYA: Alam mo ba kung bakit hanggang ngayon magkaibigan lang tayo? Kasi hindi pa ko handa. Hindi ko pa kaya. Ayoko kitang paasahin. Ayoko kitang ikulong.
AKO: Wag mong sabihin yan. Wag kang magsorry. Alam ko naman yun eh, at sinabi mo naman sakin. Maghihintay ako sayo. Hihintayin kita. Bakit hindi mo siya sinagot? Dapat kinausap mo siya. Siguro kailangan nyo lang mag usap at magpatawaran para tuluyan ka ng makalaya sa nakaraan. Hanggat hindi kayo nagkakausap, hindi ka makakalaya sa nakaraan. Ayokong nagkakaganyan ka. Ayoko ng nasasaktan ka.
SIYA: Ngayon lang, hayaan mong sabihin ko 'to sayo. Mahal kita, Andrae. Mahal na mahal kita!
AKO: Wag. Wag mong sabihin yan sakin kung siya naman talaga ang mahal mo. Kung babalikan mo siya, sige ok lang sakin. Kung sa kanya ka masaya, hahayaan kita.
SIYA: Bakit ba napakabait mo? Bakit ba ang bait bait mo sakin?
AKO: Hindi. Naiintindihan ko ang sitwasyon mo. Hindi mo naman ginusto yan. Hindi naman natin pinili 'to. Hindi naman natin "to ginusto. Kusa lang nangyari. Kaya dapat tanggapin.
SIYA: Bakit kasi ngayon ka lang? Bakit hindi pa kita noon nakilala?!
AKO: Siguro hindi lang ito ang tamang panahon para sa'tin. O sadyang hindi ka lang talaga para sa akin.
SIYA: Sorry. Sorry talaga. Mahal kita.
AKO: Ganito, kunwari you live in a perfect world. Kunwari walang nasaktan. Kunwari walang nakasakit. Sino ang pipiliin mo?
*natahimik lang siya*
AKO: Wag ka ng sumagot. Alam ko naman kung sino ang pipiliin mo.
SIYA: Hindi mo deserve to. Hindi mo ko deserve dahil napakabuti mo.
Gusto kong marinig mismo sa bibig niya kung sino ang pipiliin niya kaya tinanong ko ulit siya.
AKO: Sino ang pipiliin mo?
SIYA: Siya. Im sorry Andrae, Im sorry.
Parang binagsakan ako ng langit sa narinig ko. Hindi ko mapigilang humagulgol sa sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit ako nakakaranas ng ganito. Naging mabuting tao naman ako. Naging mabuti ako sa lahat. Minahal ko siya ng buo. Pero bakit ganito? Bakit?! Pinigilan ko ang aking mga luha dahil alam kong mas kailangan niya ko nung mga panahong iyon. Pinilit ko siyang pakalmahin sa abot ng aking makakaya. Nag jokes ako, nagpick up lines at nag knock-knock. Hanggang sa natulog kami na para bang walang nangyari. Inisip ko na lang na bukas panibagong araw na naman para sa amin. Bukas magiging maayos na ang lahat.
Kinabukasan, matapos ang aking klase, nagpunta ako sa isang malapit na mall para bumili ng chocolates at teddy bear. Alam ko na may show siya out-of-town kaya sinamantala ko yung pagkakataon para surpresahin siya. Alam ko ang address niya kaya agad kong pinuntahan ko iyon. Mahigit isang oras din akong naglakad at naghanap. Buti na lang tinulungan ako ng taong barangay kaya nahanap ko din ang kanilang bahay. Pagdating ko sa bahay nila, nakaharap ko ang kanyang mama. Sa unang pagkakataon, nagkakilala kami at nagkausap. Nagpakilala ako bilang isang taga hanga. Sobrang nalibang ako. Hindi ko namalayan ang oras. Halos dalawang oras na din pala kami mag kausap ni mama. Napakabait niya. Gustong gusto kong umamin sa kanya na mahal ko ang kanyang anak. Gustong gusto kong umiyak. Gustong gusto ko siyang yakapin. Ngunit hindi pwede dahil hindi niya alam. Wala siyang alam tungkol sa anak niya. Wala siyang alam tungkol sa amin. Hanggang sa makauwi na nga ako sa bahay. Agad kong tinext ko si Mark at sinabi ko na masaya ako. Tinanong niya kung bakit, pero hindi ko sinabi. Ang sinabi ko lang, may surpresa ako at malalaman din niya. Madaling araw na nang siya'y makauwi. Pinasaya ko na naman daw siya dahil sa ginawa ko.
Minsan din ay lumabas kami kasama ang pinsan niyang si John. Tatlong taong gulang pa lang si John. May mga pagkakataon na binubuhat ko siya. Siya naman ay yumayakap sakin at sasabihin niya, "para po hindi ako malaglag". Kaya naman tuwang tuwa ako dito dahil napakabait at sobrang malambing. Nagpunta kami sa isang gamehouse para maipasyal ang bata. Sinakay namin ito sa mga rides. Natutuwa ako dahil nageenjoy ang bata. Natutuwa lalo ako dahil pakiramdam ko isang napakasayang pamilya kami. Binubuo nga lang ng isang anak at dalawang ama. Di maiwasan na pagtinginan kami pero wala lang sa amin. Wala kaming pakielam. Basta ang alam namin, masaya kami.
Palagi kong hinihiling na sana palagi na lang kaming masaya. Sana walang pagtatalo. Sana walang problema. Sana palaging maayos ang lahat. Pero hindi eh. Talagang minsan may dumarating na unos para subukin tayo. May mga dumarating na pagsubok na dapat natin lampasan para mas maging matibay tayo. Basta dapat kapit lang. Dapat walang bibitiw.
Mabait ako, malambing, mapagmahal at maunawain. Akala ko sapat na yun. Akala ko perfect partner na ko. Pero hindi pala. May kulang pa pal. May gusto siya na wala sa akin. Hindi kasi ako malibog. Oo, gusto ko ang sex pero hindi aminado ako na hindi ako mahilig. At yun ang palaging pinagtatalunan namin. Pag hindi kami magkasama, palagi lang kaming magkausap. May tinatawag siyang "sexy time", parang Sex on Phone. Sa totoo lang naiilang ako at hindi ako sanay. Madalas ko na lang iniiba ang usapan kaya palagi siyang naiinis sakin. Pag naiinis siya sa akin, binababaan niya ko ng phone. Ang immature ko daw. Bata pa daw talaga ako. Kailangan ko daw magmature. Sinubukan ko naman pero hindi ko talaga kayang baguhin ang sarili ko. Eto kasi ako. Kahit magbago ako, babalik at babalik lang ako sa kung sino ba talaga ako. Hindi ko inakala na masasabi niya sa akin na hindi niya isasarado ang sarili niya sa ibang lalaki. Kapag may gustong manligaw, malaya siya na bigyan ng pagkakataon yun. Pero wala na kong magagawa dahil hindi naman kami. Ang sakit, sobra. Nang dahil lang sa hindi ako mahilig sa sex, magagawa niya yun? Pero hindi ko naman siya masisisi dahil wala naman kaming relasyon. Wala akong karapatan na pigilan siya sa kung ano ang gusto niya at kung saan siya magiging masaya. Sariling buhay nya yun.
Simula nung nangyari yun, nanlamig ako sa kanya. Dati halos bawat minuto nagtetext ako sa kanya. Pero ngayon, hindi na ganun kadalas. Dati palagi ko siyang hinahanap hanap, ngayon bihira na. Hindi naman nagbago ang nararamdaman ko sa kanya. Narealized ko lang na tama siya, magkaibigan lang kami. Hindi lang sa kanya umiikot ang mundo ko. Dapat isipin ko din ang sarili ko. Dapat mahalin ko rin ang sarili ko. At yun ang ginawa ko.
Noche buena nang mainis na naman siya sakin. Isa lang naman ang dahilan kung bakit siya palaging naiinis sakin. Dahil tumanggi na naman ako sa aming sexy time. Tulad ng dati, binabaan niya ako ng phone. Maya maya ay nagtext siya sa akin. Ang sabi niya, "Wag ka ng magtetext sakin.". Patay malisya lang ako kahit alam ko ang dahilan kung bakit ganun ang text niya. Hanggang sa nagtext ulit siya sakin, "Bata ka pa talaga.". Nung nabasa ko yun, naisipan kong hindi muna magpaload. Araw ng Pasko, hindi ako nagtetext sa kanya. Umaga, tanghali at gabi, wala akong paramdam sa kanya. Pero siya, tumatawag at nagtetext sa akin. Dalawang araw ko siyang hindi kinausap. Dalawang araw akong nag iisip. Naiinis ako. Naiinis ako sa sarili ko kasi palagi ko na lang siyang nadidisappoint. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Pero hindi ako ang taong hinahanap niya. Hindi ako ang taong kailangan niya. Ayokong mawala siya sa akin pero hindi niya ako tanggap. Hindi ko naman hinihiling na tanggapin niya ako. Pero umasa ako. Umasa ako na balang araw matatanggap niya ako. Pero nagkamali ako.
Sa ngayon, magkaibigan kami. Ayokong itapon ang lahat ng pinagsamahan namin. Sana dumating ang panahon para sa amin. Sana mabigyan ulit ng pagkakataon ang naudlot na kasiyahan namin. Sana pagdating ng araw na yun, handa na siyang tanggapin kung sino ako. Wala na kong masasabi pang iba. Basta ang alam ko lang mahal na mahal ko siya.
ang ganda ng story =) medyo relate...
ReplyDeletefriends pa help namn anu ba gagawin ko sa bestfriend ko straight sya ako nmn bi or gay,,, nachichika n kami sa school at kahit saan kami magpunta even mga pinsan nya..... pero friends lang talaga gwapo sya matangakad mas matangkad sakin, matangos ilong maputi,, mabait,, basta dami nababaliw sa kanya gurls man or gay pero ewan ko ba at ako ang napili nyang maging bestfriend minsan sabay kami maligo ,kumain, kung san gala dun din ako , tabi matulog at minsan pag natutulog kami niyayakap ko sya tas pag nagsawa n ko ako nmn niyayakap nya with kayod naa nakakalibog ako nmn kunwari hinahawakan pwet nya at dinidiin ang malaki nyang burat sa pwet ko,, pero hanngang ganun lang kami ilng beses na nangyari un,, naguguluhan ako kc aaminin ko nahulog n ko sa bestfriend ko , wala akong mapagsabihan kc patago lan ako, anu kaya meaning nun anu ba dapat kong gawin,, dapat ko ba ipush na may mangyari samin o wag n kc baka masira lang frienship nmin ,,, sya lng kc naging bestfriend ko na lalake ung tipong pinapakilala sa pamilya nacconfused po ako... salamat po sa magging comment niu
Ang sa akin lang kapatid, try to make the first move. Talk to him. Ask him. Don't be afraid my Dear, though reality hurts but if you accept it openly, you feel better.
DeleteHope it helps ^-^
dont....
Deletewag mu ipush....save your friendship till it last....
prove him that your different than other people n libog lng ang hanap nila...
alam mo sa puso at isip mo n pggumawa k ng kgaguhan sa knya maski gusto p niya....may mgbbgo talaga sa status niyo....
please be a friend that could make him happy, not to make him gay....
Girl, nagkaroon din ako ng ganyang friend as in naging super close kami tapos ganyan din, super sweet sa isa't isa yung tipong aakalain mo talagang may gusto sayo. Tapos nung inamin ko na nagusto ko sya, ayun wala daw di nya daw ako gusto. Tapos ngayon parang di na kami magkakilala. Kaya kung ako sayo, sya nalang yung hintayin mong mag-sabi kasi baka masayang din yung friendship nyo mas masakit yun promise!
DeleteNangyari na din sakin yan. ganyan din ang bestfriend ko dati na gwapo at sobrang bait. Nasira lang din un nung hinawakan ko ung kanya nung natutulog sya at nagising sya. Simula nun, umamin ako sa kanya na mahal ko sya pero dahil sa ginawa ko ndi na nagbalik ung pagkakaibigan namin. Hindi na din kami ngpapansinan hanggang ngaun. Ramdam kong walang wala na ko sa buhay nya ngaun. Tanggap naman nyang bi/gay ako pero ndi nya matanggap ung ginawa ko sa kanya which is sobrang pinagsisisihan ko.
DeleteWag mo ipush ang kakatihan mo kahit gaano pa nangangati yan. Pag naisip mo un, isipin mo ung pagkakaibigan na sasayangin mo. Parang pinagpalit mo lng kasi ang kakatihan mo sa pagkakaibigan mo pag ginawa mo yun. Ang kakatihan pansamantala lang yan, pero ang bestfriend lalu na sa oras nalulungkot ka, nandyan yan kahit anung oras.
Try mo syang kausapin ng masinsinan. umamin ka. kung bestfriend ka naman talaga nya, tatanggapin ka nya and ganun pa din ang turing nya sa'yo. Marahil ang magkakaiba ay ung pagyakap nya sau tuwing gabi pero oks na din para atleast hindi ka na din mangati sakanya ng ganun. Basta ang importante, nandyan sya sa oras na kelangan mo sya. :)
ganyan kami ng brkada ko, bt ive maintained the friendship. pinakita ko na im more than a gay who is after a boy. im more than what other people say iam. in the end it paid off, we talked and umamin sa isat isa na may mutual kaming nararamdaman, we didnt end up together coz he cnt see himself having sex wid another guy but he has feelings for me, romantic ones. even when i last saw him, his touch and hugs told me he missed me, and that nothing evr changed.
Deleteso no. save ur friendshp. be his bestfriend. it will hurt. bt the pain is worth it.
Asan na yung mga kwento na " I had a best friend, Rare friend, seven days at marami pang iba tungkol sa mg best friend?, cguro masyado Lang bz mga author."...na miss ko tuloy..
Delete:-(
##### friend, pariho tayo ng problem noon. Inlove na talaga ako sa kanya noon. Kaso friends lang talaga ang reply nya sa.pag mamahal q sa kanya. Tinanggap ko nalang na hnd talaga ma inlove ang straight sa mga gays. Hnd ko nlng pinaalam sa kanya na inlove ako sa kanya pra hnd nya ako layoan. Atleast nandyan parin ang friendship nmin. <3
Deletealam ninyo guys, keep a good relationship na man jan girl. kc mahirap na kung mag karoon kayo ng di magandang kareanasan ng bff mo. so stay pot ka lang sa tabi salsalin mo ung libog mo sa bff mo. joke hahahaha
Deletekaibigan sarilihan mo nlng kung anuman yang nararamdaman mo sa bestfriend mo. take it from me. nawala ang bestfriend dahil lang sa kalibugan ko . napagsamantalahan ko sya nung minsang magkatabi kaming natulog. hanggang ngayon hndi parin kami nag-uusap, nagkakasalubong pero kahit "hi-hello" wala na.. NAWALA LAHAT. ngayon na may malapit na naman akong kaibigan na nagugustuhan ko n naman, alam ko na ang ngayon ang gagawin ko.. ayokong sayangin ang pagkakaibigan namin ngayon .. masaya kaming nagtutulungan sa skwelehan ngayon kahit nagdududa na ang mga kabarkada ko sa closeness namin wala kaming pkialam kasi alam namin n wala kming relasyon.. kahit natsitsismis n kmi. ayun lang, SANA hwag mong ipagpalit ung magandang pagkakaibigan at pagsasamahan sa panandaliang kalibugan!
Deleteit also happened to me, depende naman yan sa magiging reaksyon ng guy, ako sinabi ko sa kanya ung nararamdaman ko, kahit na alam kong pwede syang magalit at umiwas skin, hindi nya natanggap, pero hindi naman sya nagbago sa pakikitungo, we still friends till now.
Deletethink very well.. friend
Regarding the story: Maganda ang pananaw mo sa buhay.You look it positively, keep it up. ^-^
ReplyDeleteDon't focus on one person, i feel you. Mingle proper of you want yo try ^-^
Malinis ang pagkakasaad at pagkakasulat.
Salamat sa iyong pagbabahagi
hance,tell him yourfeelings ...it will defintitely make you free,at least alam mu kung saan ka lulugar
ReplyDelete_chen
hindi ka nya mahal author. sya dpt mgbago at hnd ikaw kc ikaw gnawa mna lht. mas mrami pang dserve sa pagmamahal mo.
ReplyDeleteI-push m yan! Higupin m ang enerhiya niya.
ReplyDeleteMark Mabasa to.
ReplyDeleteNice ganda ng story but he doesnt deserve you kasi Hindi ka niya kailangan pilitin kung ayaw m kung mahal ka tlalaga niya , I want to be your friendd kung pwede gusto ko ung ugali mo
ReplyDeletenice story. darating din ang para sayo.
ReplyDeletefor me, ang mga katulad mo ang magandang maging kaibigan, yung mga taong hindi puro sex ang hanap. :)
boom! mark mabasa.
ReplyDeleteganda ng kwento...
ReplyDeletemaganda poh ang story...heartwarming...
ReplyDeleteHe was the first guy ever that I tried to expressed my feelings at ang tangi nya'ng sagot, "We're bound to be just friends".,masakit pero dapat tanggapin.
ReplyDeleteI know it's not an easy task but I had to and need to move on and let go. Friends pa din kami but I felt there's something wrong pa rin di na kaya'ng ibalik pa dati.
Chat-chat na lang mga 4 times a year siguro yun na lang... seaman kasi...ayun naglalayag nah!!!
I never tried again ayaw ko nang masaktan.
Single na forever bahala na si batman!
Nice story.. Di lang puro libog.....
ReplyDeleteSame tayo ng ugali kasi...
(-_-) pao-pao of davao
sa lhat nG nbasa co. ,
ReplyDeleteito unG nGxtuhan ko..
friendxhip and love!!
ang pnag uusapan..!
nka relate dn aco ksi
na in lub dn aco
da bff ko ehh..gay po aco 17 yr old.. then
straight po sya..inamin ko
sa bff ko n crush at mhal ko
sya!!andon lhat brkda nmin ng xabhin ko iyon!!pro sabi nya,better dw
f friends lng kami!!
hndi po aco nxaktan ng xbihin
nya iyon bgkos masaya
aco dhil khit hndi nging kmi,
ang importnte,nsabi ko
ung nrrmdaman ko
sa knya..
#mar
#from tibungco davao
mr. perfect baka nakaklibog ka kasing tignan... haha i want you
ReplyDeletegood! medyo relate... si author at ako may similarities... ang pinagkaiba lang ay... long distance ang relationship namin....
ReplyDeleteWho's Mark Mabasa? Anh, Thanks for reading! -Andrae
ReplyDelete