By: Babyboy
Ako nga pala si James, 18 years old. Nag aaral sa isang Unibersidad sa Manila. 3nd year College na ngayon.
Akala ko nung una lalaki talaga ako, pero dumating yung araw na napaisip ako kung ano ba talaga ako, kung ano
ba talaga ang gusto ko. Ang kwentong ito ay tungkol sa aking buhay. Kung paano ako sumaya, nagbago, nalito,
nagtiis, nasaktan, at nagmahal.
Nagsimula ang kwento ko nung una akong pumasok sa Unibersidad na pinapasukan ko. Lahat ng bagay sa akin nung
unang pasok ko sa eskwelahan na ito ay bago. Lumaki kasi ako sa probinsya at kahit may kaya naman kami doon ay
naninibago parin akong tumuntong sa isang malaking lungsod tulad ng Manila.
Nung naisip ko na isa na talaga akong College student, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Medyo excited pero nangibabaw yung kaba sa aking dibdib. Pano ba naman, wala akong kakilala ni isa. Karamihan kasi sa
classmate ko nung High School eh sa probinsya na rin nagpatuloy ng College. Ang iba naman, tumigil na dahil na
rin sa kahirapan. Kaya heto ako ngayon, mag isa at walang kakilala sa napakalaking unibersidad na pinapasukan
Akala ko nung una lalaki talaga ako, pero dumating yung araw na napaisip ako kung ano ba talaga ako, kung ano
ba talaga ang gusto ko. Ang kwentong ito ay tungkol sa aking buhay. Kung paano ako sumaya, nagbago, nalito,
nagtiis, nasaktan, at nagmahal.
Nagsimula ang kwento ko nung una akong pumasok sa Unibersidad na pinapasukan ko. Lahat ng bagay sa akin nung
unang pasok ko sa eskwelahan na ito ay bago. Lumaki kasi ako sa probinsya at kahit may kaya naman kami doon ay
naninibago parin akong tumuntong sa isang malaking lungsod tulad ng Manila.
Nung naisip ko na isa na talaga akong College student, hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Medyo excited pero nangibabaw yung kaba sa aking dibdib. Pano ba naman, wala akong kakilala ni isa. Karamihan kasi sa
classmate ko nung High School eh sa probinsya na rin nagpatuloy ng College. Ang iba naman, tumigil na dahil na
rin sa kahirapan. Kaya heto ako ngayon, mag isa at walang kakilala sa napakalaking unibersidad na pinapasukan
ko. Kung ako lang ang papipiliin, sa probinsya ko lang din gustong ipagpatuloy ang aking pag aaral ngunit ayaw
ng aking mga magulang dahil gusto nila na sa magandang paaralan ako makapag tapos ng koleheyo. Hindi na ako
nagpumilit pa sa gusto ko dahil alam ko na kapakanan ko lang din naman ang iniisip nila.
At dahil na rin nasa probinsya ang aking mga magulang,kinailangan kong mamuhay ng mag isa. May bahay naman kami
sa Manila pero hindi ganun ka laki at kaganda. Tama lang kumbaga. At dun ako tumuloy para sa aking pag aaral.
Unang beses kong mapalayo sa kanila pero di ko na inisip yun. Dahil nangako naman sila na dadalaw dalawin nila
ako dito.
Unang araw ng eskwela, maaga akong gumising dahil kailangan kong kumilos ng mabilis dahil 8:00am magsisimula
ang klase ko. Ang bagal ko kasing kumilos kaya kailangan ko gumising ng mas maaga para may enough time ako sa
pag aayos ng aking sarili at paghahanda ng mga kailangan ko. Naligo, nagbihis, kumain at nagsipilyo. Hindi ako
sanay na mag isa at mag handa ng mga kailangan ko dahil sanay ako na laging mga magulang ko yung nag hahanda ng
pagkain para sa akin. Kaya malaking challenge talaga para sa akin ang mapalayo sa kanila.
7:45am, Nasa eskwelahan na ako at hinanap ko ang aking silid sa unang subject ng araw na yun. Medyo naligaw ako
kasi nga malaki yung school. Hanap dito, hanap doon, lakad, lakad at di ko namalayan na 8:00am na pala.
Nataranta ako. Kasi unang araw ng klase eh mukhang male-late na agad ako. Dahil sa na nataranta na ako, di ko
namalayan na may nakabangga pala akong lalaki. Naapakan ko yung sapatos nya.
Guy: "fvck, di kasi nag iingat!" Sigaw nya sa akin at pinapagpag yung sapatos nya.
Ako: "Nako, sorry, sorry. Di ko sinasadya." Akmang tutulungan ko sya sa pag pagpag ng sapatos nya ng sabihin
nya na "Okay na." at tumingin sya sa akin. Natulala ako na parang hindi ko maintindihn yung nararamdaman ko.
Guy: "Sa susunod kasi mag iingat ka" mahinahon na nyang sagot.
Ako: Nakatingin parin sa kanya at biglang bumalik sa aking katinuan at sinabi ko nalang na "Pasensya na talaga"
Guy: "Okay. Teka, freshmen ka no?" Tanong nya.
Ako: "Ah oo, hindi ko nga mahanap yung room ko."
At bigla kong naalala na late na nga pala ako. At sinabi ko na baka pwede nya akong tulungang makita yun.
Guy: "Aba, ibang klase ka rin. Inapakan mo na nga yung bago kong sapatos, tapos manghihingi ka ng tulong
ngayon."
Ako: "Sige na naman oh. Kanina ko pa kasi hinahanap yung room ko."
Guy: "Sige, tutulungan kita pero dalawa na ang utang mo sakin. Una, yung pag apak mo sa bago kong sapatos at
itong pagtulong ko ngayon sayo." Sabaw ngiti na nakakaloko.
Ako: "Sige na naman, tulungan mo na ako. Tatanawin ko itong utang na loob."
Guy: "Sige, basta tandaan mo yung utang mo sa akin ha?" sabay kindat nya sa akin.
Ako: "Sige, parang awa mo na dahil late na talaga ako."
Tinuro nya sa aking yung building na hinahanap ko at sinabing nasa 2nd floor at nasaleft side yung room na
hinahanap ko.
Ako: "Maraming salamat, ang bait mo pala"
Guy: "Nah, utang mo sakin yun, remember? Osha, late ka na. Tandaan mo ang mukhang to ha? May utang ka sa aking
dalawang bagay." Ngumiti sya at sinabing "See you around!"
Ako: "Salamat!"
At di ko na pinansin yung sinabi nya na utang ko dahil nagmadali na akong umakyat sa 2nd floor ng building na
tinuro nya at hinanap ung room ko. Nakita ko na yung room ko at papasok na sana ako ng biglang lumabas yung
lalaking medyo suplado ang itsura. Palagay ko eh yun yung prof namin dahil na rin sa kanyang suot na uniform.
Biglang syang nagsalita at sinabing "Oh, you're too early for the next subject Mr! Unang araw ng klase late ka
na agad!"
Ako: "Sorry sir, nahirapan kasi akong hanapin ang room na to."
Prof: "Magdadahilan ka pa! Okay, I'm giving you the benefit of the doubt. Pero sana ito na ang huling beses na
mahuhuli ka sa klase ko Mr!"
Ako: "Yes sir, promise"
Prof: "Good, you may now take your seat.
Nakita ko namang natatawa ng pigil yung mga kaklase ko dahil na rin sa nasaksihan nila. Pero wala akong nagawa.
Nangyari na eh.Napaisip ako kung bakit ang malas malas ko nang araw na yun.
Nagpakilala kami isa isa sa harap ng klase dahil na rin sa kagustuhan ng prof namin. At nakinig naman ako sa
mga kaklase ko habang sila ay nagpapakilala ay tinandaan yung mga pangalan nila. Ako na ang magpapakilala
kaya tumayo ako at humarap sa kanilang lahat. Nagpakilala naman ako at sinabi yung pangalan, edad, at kung saan
ako gumraduate ng High School.
Pagkatapos ng una kong klase, pumunta na ako sa mga susunod ko pang klase. Natapos ang araw na yun na pagod na
pagod ako at pagkatapos ng huling klase ko, umuwi na agad ako ng bahay dahil na rin sa wala naman akong ibang
pupuntahan kasi nga wala pa naman akong kaibigan at hindi ko pa kabisado yung lugar.
Nakauwi na ako ng bahay at nanibago nanaman ako dahil walang sumalubong sa akin. Dumeretsyo agad ako sa aking
silid at nahiga doon dahil na rin sa pagod. Habang nakahiga ako, bigla kong naalala yung lalaking naapakan ko
ng umaga ding yun. Naalala ko yung maamo nyang mukha at magaganda nyang mata at labi. Masasabi ko talaga na
sobrang gwapo ng lalaking yun, kaso may pagka suplado. Nasa ganoong pag iisip ako ng bigla akong nagtaka kung
bakit ko iniisip ang lalaking yun? Ano kaya ang pangalan nya? At bakit parang di maalis yung mukha nya sa isip
ko. Nagtataka man, eh hindi ko nalang masyadong inisip dahil nga sa sigurado naman ako nung time na yun na
lalaki talaga ako at dahil na rin nga sa sobrang pagod ko. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Hindi
na ako nakapagpalit ng suot at di na rin ako nakakain ng hapunan.
Nakalipas ang mga araw, nakapag adjust na ako sa bagong school ko at sa bagong buhay ko. Nagkaroon na rin ako
ng ilang mga kaibigan na lagi kong kasama kapag lunch, meryenda at kasamang tumambay kapag free time namin.
Isang umaga habang tumatambay kami ng mga friends ko sa isang kiosk sa school, may nakita akong lalaki na
naglalakad palapit sa akin at naalala ko yung mukha nya. Heto na yung lalaking naapakan ko nung first day of
school. Bigla akong kinabahan. Dahil bigla kong naalala yung sinabi nyang utang ko sa kanya. Nagkunwari akong
hindi sya nakita at kunwari nagtetext ako. Pero huli na. Lumapit na sya sa akin at tinapik yung balikat ko.
Napatingin akong bigla kunwari di ko alam na sya yun.
Ako: "Uy, ikaw pala. Kumusta?"
Sya: "Okay lang. Buti naman at naaalala mo pa ako" Sabay ngisi nang makahulugan
Ako: "Syempre naman. Salamat ulit ha?"
Sya: "May kapalit yun." At kumindat sya
Ako: "Ha? Ano naman yun?"
Sya: "Magkita tayo mamayang 5pm dito rin. Hihintayin kita" Sabay umalis na sya.
Ako: "Teka, hindi ako pw--"
At tumakbo na syang palayo. Ni hindi ko nanaman natanong yung pangalan nya. Nagtaka yung mga kaibigan ko kung
sino daw yung kausap ko pero di ko naman alam ang isasagot ko kasi nga di ko naman talaga sya kilala. Ang
tanging nasagot ko nalang eh "Ah eh kaibigan ko." at di na sila nagtanong pa. Sa isip ko "Bakit kaya kami
magkikita mamaya? Ano kayang gagawin namin? Ang weird naman ng lalaking yun."
Pagkatapos ng tagpong yun eh pumunta na kami sa aming klase. Natapos ang klase namin ng maaga kaya tumambay
ulit kami at mayamaya ay nagpasyang mag tanghalian na. Habang kami ay kumakain, bigla ko nanamang naalala yung
lalaking suplado. Dinukot ko agad yung cellphone ko at pinindot yung reminder at nilagay ko na "Meet Mr.
Suplado @5pm" At ayun, na set ko na. Balik kain na ulit ako.
After mag tanghalian, pumasok na ako sa 1st subject ko nung hapon na yun. Late na din kasi kami nakakain ng
tanghalian dahil na rin sa napasarap ang kwentohan at tambay sa kiosk. Natapos ang unang subject ko ng 2:30pm
kaya nagpahinga ako saglit at pumunta na sa huling subject ko nung araw na yun. 3:00pm pumasok na ako sa last
subject ko then natapos ito ng 4:30pm. Biglang nag alarm yung phone ko at nag flash sa screen na "Meet Mr.
Suplado @5pm" Muntik ko nang makalimutan yun. Buti nalang at nag set ako ng reminder sa phone ko. Niyaya ako ng
mga kaibigan ko na gala daw muna kami sa mall sabi ko, hindi na muna ako sasama kasi may kailangan akong gawin.
Pero ang totoo, makikipagkita ako kay Mr. Suplado.
Bago ako pumunta ng Kiosk eh bumili muna ako ng pagkain dahil nagutom ako sa klase. Bumili ako ng burger at ng
maiinum. Pagkatapos bumili, dumeretsyo na ako sa tagpuan namin at tiningnan yung oras. 4:50pm sabi ko sa sarili
ko, tamang tama, di ako late. Medyo malayo yung Kiosk na pagtatagpuan namin kaya dumating ako dun ng 4:58pm na.
At habang papalapit sa Kiosk, tanaw ko na sya. Nakikinig ng music habang malayo ang tingin.
Bigla akong kinabahan. Di ko alam kung bakit. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Napaisip ako kung
umatras nalang kaya ako. Kasi nasa isip ko, pano kung bugbugin ako nito? Pano kung holdapin ako ng lokong to?
Akmang aatras na sana ako ng tinawag nya ako.
Sya: "Hoy! San ka pupunta?"
Ako: "Ah eh, wala. Pupunta sayo" Pautal kong sagot
Sya: "Talaga lang ha? Sabay lapit nya ng mukha sa akin para tingnan yung reaksyon ko
Bigla akong namula. Dahil ang lapit ng mukha nya sa mukha ko. Amoy na amoy ko yung hininga nya. Ang bango.
Ibang iba yung pakiramdam ko. Sobrang lakas ng kabog ng aking dibdib. Di ko talaga ma explain.
Sya: "Bakit ka namumula? Ikaw ha, hindi kita hahalikan. Saka na yun" sabay ngisi
Ako: "Loko ka. Ano bang gagawin natin? Bakit mo ako pinapapunta dito?"
Sya: "Relax. Harmless naman ako. Sunod ka lang sa akin. Relax ka lang babyboy." sabay hawi nya sa buhok ko.
Ang cute cute nya. Para akong nakuryente nung hinawi nya yung buhok ko. Pero hindi ko pinahalata na parang may
iba akong naramdaman.
Sya: "Halika, sama ka sakin. Siguradong mag eenjoy ka." sabay ngisi ulit ng nakakaloko
Ako: "Ha? Bakit naman ako sasama sayo. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo!"
Sya: "Baka nakakalimutan mo na may atraso ka sa akin? At pangalan ko? Ako si Yuan. Masaya ka na?"
Ako: "Ewan ko sayo! Ano ba talaga ang gusto mo?"
Yuan: "Basta sumama ka lang sa akin Babyboy."
Ako: "Babyboy mo mukha mo! Sige pero sandali lang tayo ha. Marami pa akong gagawin."
Yuan: "Ayan. Goodboy. Sunod ka lang sa akin James."
Ako: "Pano mo nalaman pangalan ko? Hindi ko pa naman nasasabi sayo ha? Stalker ka no!?"
Yuan: "Haha. Stalker mo mukha mo. Etong mukhang to, magiging stalker mo? Nako! Dream on Babyboy! Naalala mo
nung inapakan mo yung sapatos ko? At nagpatulong ka sa akin? Edi nabasa ko sa enrollment form mo!"
Hindi na ako sumagot. Hindi ko kasi naisip yun. Pinakita ko nga pala sa kanya yung enrollment form ko nun. At
tama nga naman sya. Kelan magiging stalker yung mukhang yun eh ang gwapo gwapo. Sya pa ata ang madaming
stalker. Kaya ayun, wala akong nagawa kundi and sumunod nalang sa kanya sa paglalakad.
Nakarating kami sa harap ng isang kotse. Binuksan nya. Napaisip ako. Mayaman naman pala ang supladong to.
Pinasakay nya ako. Habang nasa loob na, nagtanong ako.
Ako: "Saan tayo pupunta?"
Yuan: "Punta tayo sa bahay. Bored ako eh."
Ako: "Aba, kung bored ka bat ako ang isasama mo? Hindi tayo close! Iba nalang ang isama mo!"
Bababa na sana ako sa sasakyan nang biglang kinabig nya yung braso ko. Sabay sabi na;
Yuan: "Gusto ko ikaw eh. May magagawa ka? At baka nakakalimutan mo yung atraso mo sakin?"
Me: "Sus! Para yun lang eh. Magkano ba yung sapatos mo at babayaran ko nalang para wala na akong atraso sayo!?"
Yuan: "Ang cute cute mo babyboy. Basta, relax ka lang dyan, okay?" sabay pisil nya sa pisngi ko.
Pakiramdam ko sasabog yung ulo ko sa sobrang init ng mukha ko. Feeling ko ang pula pula ng mukha ko nun.
Tumingin nalang ako sa labas para di nya mahalata na namumula ako. Loko loko tong lalaking to ah. Bat parang
inaakit ako? At tinatawag pa akong babyboy? Bakla ba to? Sa isip ko. Pero mukhang hindi naman. Lalaking lalaki
manamit at kumilos eh. Tsaka sayang yung pagiging gwapo kung magiging bakla sya.
Mga ilang minuto ang nakaraan, nakarating na kami sa bahay nila. Infairness, ang laki at ang ganda ng bahay
nila. Mayaman talaga ang loko. Pagbaba namin, pumasok na kami ng bahay nila at may dalawang babaeng sumalubong
sa amin. Kasambahay nila, malamang.
Habang nasa loob ako ng bahay nila, namangha ako sa ganda ng loob. Ang linis. Organized na organized yung mga
gamit. Napatingin ako sa malaking portrait sa may hagdan. Fanily picture at nakita ko si Yuan doon. Formal na
formal ang ayos. Ang gwapo nya sa picture.
Habang tulala ako sa bahay nila, bigla nya akong tinapik at sinabi na;
Yuan: "Tara sa kwaro"
Ako: "Ha? Hindi na. Uuwi na ako. Marami pa akong gagawin."
Yuan: Wag ka nang maarte. Tara na!"
At hinila na nya ako paakyat sa kwarto nya. Pagpasok ko, ang ganda ng kwarto nya. Ang linis linis. Di ko
akalain na malinis pala sa kwarto ang loko. Akala ko burara eh. Pinaupo nya ako sa kama nya at sabi nya
maliligo lang daw sya.
Habang hinihintay ko sya, di ko parin maalis na humanga sa bahay at sa kwarto nya. May aircon, PC, Flat screen
TV. Tapos ang laki at ang lambot pa ng kama. Nahiga ako sa kama nya. Ang lambot nga. Habang nakahiga, naiinip
na ako dahil ang tagal nyang maligo. Hanggang sa nakaidlip ako sa kama nya.
Nagising nalang ako ng biglang may lumundag at dumagan sa akin sa kama. Pag mulat ko, Si Yuan. Topless at naka
boxer shorts lang.
Itutuloy. . . .
-next nah!mukang maganda eh!hehe
ReplyDeleteNext part please....
ReplyDeleteNakakatuwa yng mga character . Ayos . Next part na agad . Naexcite naman ako :)
ReplyDeleteYan tuloy na bitin ako..
ReplyDeleteNext part po.... baby boy!
Like. Part 2 n pls
ReplyDeleteOMG ANG CUTE NG STORY NAKAKAKILIG! UPDATE NA PLEASE!!!!!!
ReplyDeletenice sana may kasunod na baby boy...
ReplyDeletepart two na agad
ReplyDeleteParang yaoi manga lang ang plot. Nice story, pero i bet it's fiction.
ReplyDeleteYun din pumasok sa isip ko hahahaha
DeleteSana part two na plss
ReplyDeleteGusto kong patayin ung author walang hiya hindi p tinapos...lol ...
ReplyDeleteNxt pls ...
ReplyDeletePart na two pls. Huhu !
ReplyDeletepart 2 na po please!
ReplyDelete♥
ReplyDeleteNambitin lng oh! Grrrrrr....
ReplyDeleteAng tagal naman ng Part 2... Hmmm... May balak pa po ba kayo i-update itong story BabyBoy? O wala ng part 2?
ReplyDeleteSayang. Ang ganda pa naman e. Sana may part 2 na. :)
Bitin! -_-
ReplyDelete