Pages

Friday, February 21, 2014

Minsan (Part 1)

By: Nico

“People change. Feelings change. It doesn't mean that the love once shared wasn't true or real. It simply means that sometimes when people grow, they grow apart.”
Magandang araw sa inyong lahat. Sa totoo lang hindi ko na matandaan kung paano ako napadpad sa site na ito. Basta ang alam ko isang araw naghahanap ako ng mapaglilibangan at sa isang iglap ay napunta ako dito at nawili naman ako basahin ang mga kwentong nakapaloob dito.

Bago ko simulan, nais ko muna kayong bigyan ng kaunting ideya kung sino ako. Tawagin nyo nalang akong Nico, 21 years old, 5'9, chinito, may ibang nagsasabing mestiso daw ako dahil halata ang pamumula ko kapag sobrang lamig o mainit, may ilan namang nagtatanong kung may lahi daw ba akong hapon pero ang sagot ko ay proudly pinoy 'to. Hindi ako payat, hindi din naman mataba, kumbaga sakto lang yung masarap yakapin ika nga. Isa sa mga distinct features ko ay yung pagiging balbon, as in. Nung una naiinis ako kasi yung iba ay hindi naman ganito pero ang sabi lang nila sa akin ay ok lang daw ito pang magnet daw sa mga chicks. Hindi naman ako gwapo, hindi ako yung klase na head turner, kumbaga may itsura naman kahit paano. Tapos na ko ng pag-aaral sa kursong may kinalaman sa kompyuter at kasalukuyang naghahanap ng trabaho.

Ang ibabahagi ko sa inyo ay ang naging karanasan ko noong ako ay nasa 1st year college.

Buhay Teenager. Isa sa mga bagay na pinagdadaanan nating mga tao. Dyan tayo unang nakakaramdam ng paghanga o pag lumala eh nagiging pag-ibig. Maraming pagbabago ang nangyayari sa panahong ito gaya na lamang sa pisikal na aspeto, emosyonal, maging mental. Unti unti tayong nagiging bukas sa mga realidad ng buhay na kung tawagin nila ay pagiging Mature. Nagkakaroon tayo ng barkada at mga bisyo at isa sa mga kinahiligan ko noon ay ang paglalaro ng online game,
yung tipong naglalaan talaga ako ng oras at panahon para maglaro na dumating sa puntong pinagkakagastusan ko na ito. Strikto kasi si mama nung bata pa ako kaya pigil ang mga ginagawa ko sa buhay. Aral - Bahay lang ako nun, kung makapaglaro man ay bibihira. Yun siguro ang dahilan kung bakit di ako nahilig sa sports o lumabas ng bahay o gumimik at mas gustong magbasa na lang ng kung ano ano gaya ng blogs at trivias. Kaya siguro bumawi ako nung college pero kahit na ganun ay sinisigurado ko naman na mataas ang grado ko.

Sa online game na nilalaro ko ay may sinalihan akong guild, syempre para magkaroon ka ng mga kakampi at mga bagong kaibigan. Maayos naman sila at talagang naging masaya ang pag stay ko sa grupo nila. Sinasamahan nila ako sa mga quests ko kaya naman naaliw ako talaga. Isang araw eh nacurious ako kung sino sila sa totoong buhay kaya naman hinanap ko sila sa facebook. Search dito, search doon. Tinitignan ko ang profile nila kung may contact number sila para itext at nagtagumpay naman ako. Madami akong tinext at kinulit, lahat naman sila ay nagreply at nakipagkulitan sakin pero may isa akong pinagtripan... si Roi.

N: Hi Roi
R: Sino 'to?
N: Musta ka na?
R: Sino ba 'to? Kung ayaw mong magpakilala wag mo ko itext.
N: Sungit ah. Gusto ko lang naman makipagkaibigan.
R: Eh sino ka nga kasi? Paano mo nakuha number ko? Kaguild ba kita?
N: Secret :)
R: Tss. Ang lame mo.
N: Ay?

lumipas ang ilang minuto, wala na kong natanggap na reply mula sa kanya. mukhang nagalit si mokong hahaha

N: Roi, Si Nico 'to kaguild mo.

pero wala pa rin siyang reply...

N: Sorry... sige di na ko mangungulit.

Si Roi ay isa sa mga kaguild ko, officer siya dun. 5'8 ang taas, maputi, chinito. Matalino siya at mayaman, nag - aaral siya noon sa isang kilalang unibersidad sa Maynila.

Lumipas ang  mga araw ay iniisip ko pa rin ang kapilyuhang ginawa ko. Baka kasi tanggalin nila ako sa guild dahil isang officer ang aking pinagtripan. Isang gabi, habang ako'y nagffacebook nakita ko ang isang notification. Magkakaroon daw kami ng EB kinabukasan sa isang event ng game namin. Nagdadalawang isip ako pumunta noon dahil alam kong pupunta si Roi panigurado. Pinipilit ako ng mga kaguild ko pumunta na kesyo ililibre daw nila ko at kung ano ano pa. Bago matapos ang usapan sa facebook ay napilit nila ako at napagpasyahang sumama na sa naturang EB.

Hindi ako makatulog nung gabi ding iyon. Ang dami kong iniisip. Kung ano ang sasabihin ko kay Roi. Paano ko hihingi ng paumanhin? Asaaar! Sa dami ng pwede kong pagtripan, isang officer pa. Haaay... bahala na nga, hanggang sa tuluyan na kong nakatulog.

Kinabukasan, maaga akong naghanda. May pasok pa ko noon kaya nagbaon nalang ako ng pamalit. Kasama ko ang isa kong kaklase na kaguild din, si Ben

Prof: Ok class dismiss.
N: Oh ano pare tuloy tayo?
Ben: Oo naman. tara magapalit na tayo. Sayang yung libre hahaha
N: Loko loko hahaha

Tumuloy na kami sa aming destinasyon. Grabe ang kaba nararamdaman ko noon. Dahil di kami ganoon kasanay bumyahe ay naligaw kami. Tinext ni Ben ang guild leader namin para ituro ang lugar na paggaganapan ng event at sa ilang lakad at ikot ay natunton namin ito. Sinalubong kami ng guild leader namin kasama ang iba pa naming guild mates. Ngiti ang isinalubong nila sakin at gayundin naman ako. Mapagmasid akong tao lalo na sa mga taong ngayon ko lang nakita o nakilala pati na rin sa mga bagong lugar. Napansin kong wala si Roi sa paligid. Pero kahit na ganun ay matindi pa rin ang aking kaba at panlalamig ng biglang...

Guildmate1: Uy Nico... Andyan na pala kayo

Pagpaling ng aking mga mata sa direksyon ng boses ay nagulat ako sa aking nakita. Papalapit na ang iba pa naming kaguild kasama si Roi.

Guildmate2: Hi Nico, kamusta? Buti nakapunta ka :) Siya nga pala Nico si Roi
N: Ah eh... oo nga po, ok naman ako, hello po.

Ngiti lang ang biniga na bungad sakin ni Roi nun. Di ko alam kung anong mararamdaman ko nung oras na yun halong tuwa, kaba at hiya ang aking naramdaman. Hindi ako makatingin sa kanya gawa na rin siguro ng ginawa ko. Pero sabi ko sa sarili ko eh bago matapos ang event na yun hihingi ako ng paumanhin para maging maayos ang lahat.

Maingay sa event, madaming naghihiyawan at walang katapusang kwentuhan. Dahil first time ko sa ganun eh tahimik lang ako, nakikinig sa kanilang mga kwento at patuloy na nagmasid. Dumating ang tanghalian, gaya ng napag-usapan libre ng isa kong guildmate ang food ko dahil na rin sa first time ko at dahil na rin pumunta ako, matagal na rin pala nila ko gusto makita at makilala kayo ganun nalang ang tuwa nila ng paunlakan ko ang kanilang hiling.

Sa isang sikat na kainan kami kumain... yung tipong pang masa dahil sa unli kanin (alam nyo na yun). Kanya kanya silang pwesto. Huli na kaming umupo ni Ben, dun ako sa dulo katabi siya. Kita ko si Roi sa kinauupuan ko dahil talagang magkalapit kami, isang tao lang ang pagitan namin. Nag umpisa na silang mag isip ng kanilang order, Ano order nyo? Ano sa inyo? yan ang kalimitang naririnig ko sa kanila. Napapangiti nalang ako sa kanila, kasi makulit din sila tulad ko. Narinig ko ang isa kong kaguild na kinausap si Roi tungkol sa order nila...

Guildmate2: Ano satin?
Roi: Yun nalang sakin, walang softfrinks
Guildmate2: Eh kay Nico? saka kay Ben?
Roi: Ganun nalang din siguro... ako na bahala kay Nico, ikaw na kay Ben (sabay abot ng pera)

Nagulat ako sa narinig ko... Sasambitin ko pa lang unang salita ko ay...

Roi: Di ok lang treat ko di ba?
N: Ah... cge... thanks... (sabay kamot sa ulo)
Guildmate2: Ok lang yan first time nyo eh :)

Shet! akala ko si yung isa ang manlilibre pero bakit si Roi? ughhh.

Habang inaantay yung order namin, patuloy pa rin akong nagmasid. Nagsuot ng glasses si Roi at pumwesto na tila ba tulog. Sinusulyapan ko siya paminsan, tinitignan ang mukha nya sabay iwas pag nagalaw siya. Humahanap kasi ang ng tiyempo para makapag paumanhin sa nangyari nung isang araw.

Masaya kaming kumain. Walang humpay ang kwentuhan, tawanan, asaran at kantyawan. Tahimik lang ako ganun din si Roi. Nang matapos ay napagpasyahan naming gumala muna... Napadpad kami sa isang videoke bar. Kumanta sila pati na rin si Roi ngunit hindi niya tinapos. Pinipilit nila akong kumanta ngunit sabi ko next time nalang hahaha. Pero sa totoo lang gusto ko talaga kumanta dahil mahilig ako dito at marunong din naman.

Malapit na matapos ang araw at napagpasyahan nilang umuwi na ngunit di ko pa rin nasasabi ang gusto kong sabihin kay Roi. Nang dumating kami sa entrance ng mall eh isa isa ng nagpaalam ang magkaka guildmates.

Guildmate3: Bye Nico! Wala ka bang gustong sabihin ka Roi?
N: Ah... Sorry Roi sa pang gugudtaym ko sayo nung isang araw, di na mauulit. (Sa isip ko, naikwento kaya niya sa iba kong kaguild yung nangyari? nakakahiya.)
R: Nah. ok lang yun :)
N: Oh cge bye bye sa sunod ulit :)

Sumakay na kami ni Ben sa bus pauwi. Sumulyap muna ako sa kanila habang paandar ang bus. Nakahinga na ko ng maluwag dahil nakahingi na ko ng dispensa sa mga ginawa ko, kaya naman masaya akong umuwi. Ang hindi ko alam ito pa lang pala ang simula ng isang pagkakaibigang hindi ko inaasahan.

Itutuloy...

4 comments:

  1. Syete bitin!!!!!!
    April na naman kasunod nito . Hayyyynaku .

    Ganda ng story . Niceone author

    ReplyDelete
  2. ganda nkakabitin... hehehe parang sa akin, sa May to lalabas ang part two..:-)

    ReplyDelete
  3. Ito ang masasabi mung hindi gawa2...nice one author :))

    Un lng bka matagal na nman ang kasunod just like other stories -_-

    ReplyDelete
  4. Ganda ng story kaso bitin ,author T...T

    ReplyDelete

Read More Like This