Pages

Friday, February 28, 2014

Save Room (Part 1)

By: Theo

Hi mga ka KM readers! My Name is Theo, working in a BPO company at the same time a musician. I'm 27, 5'7" morenong chinito, well mannered at maalaga sa katawan. I used to like girls pero nang tumuntong ako ng college ay nag-iba na ang preference ko. Matagal tagal narin akong nagbabasa ng mga kwento dito. Sa totoo lang, matagal ko ding pinag isipan kung magbabahagi ba ako ng sarili kong kwento dahil narin sa mga kritiko ng site na ito. Pero para sa akin, may kanya kanya tayong opinyon at panlasa sa mga nababasa natin kaya ang lahat ay may karapatang mag kumento. Agree? Ang kwentong ito ay base sa totoong karanasan, may mga bagay na binigyan ko ng kaunting kulay para mas lalo pang mapaganda ang kwento. Hindi ito puro patungkol sa sex, it's more of reality behind same sex relationships at kung ano ba ang nagagawa ng pagmamahal. Sana makarelate din kayo. Sorry guys mejo mahaba, gusto ko lang mas mailahad ng maayos at sana ay maibahagi ko pa ang last part ng kwentong ito.

-- Love hurts sometimes when you do it right --

Please! Please! Sagutin mo naman yung phone! .. Halos mapasigaw nako sa pagkaka impit ng boses ko habang nagriring ang kabilang linya. Buti nalang kakaunti palang ang mga tao sa coffee shop na napili kong puntahan ng umagang yon. Mag aalas diyes na ng umaga at nasa mga panlimampung beses nako sa pag-dial sa number nya, nakatingin ako sa paligid habang nagriring parin ang kabilang linya, baka kasi pinagtitinginan narin ako ng iilang tao sa loob. Masamang masama ang loob ko sa mga nangyari pero mas pinili kong ayusin ang sarili ko, tawagan siya para makipag usap, malinawan. Gusto ko lang ng katanggap tanggap na rason.
"One Caramel Macchiato for -- "..

Hindi ko masyadong narining ang pangalan pero katunog iyon ng pangalan ko kaya i decided na lumapit sa claiming area para i-verify. Ilang hakbang pa ay malapit na ko pero bago pako makarating ay may isang lalaking nag approach sa attendant para kunin yung coffee na kapareho din ng in-order ko. Leo. Yun pala yung pangalang binanggit nung babae, hindi Theo. Hindi na ako lumayo ng claiming area dahil alam kong malapit nadin namang i serve yung inorder ko. Tuloy parin ako sa pagtawag sa kanya. Habang naghihintay ng boses sa kabilang linya ay hindi ko maiwasang mapag masdan ang lalaking yon habang kumukuha siya ng sugar and milk sa sulok ng cafe. He was wearing white short sleeved polo barong, black pants and shoes, ternohan pa ng nerdy eye glasses at panay na pagsulyap sa wrist watch sa kaliwang braso, pero maganda ang hubog ng katawan nya, mukang nasa early 30's na siya. "Parang PSG lang , pamilyar siya." sabi ko sa sarili ko

"Hello?"

Holy shit! nasabi ko sa sarili ko nang finally may boses na sumagot mula sa kabilang linya sabay talikod ko sa claiming area.

I calmed myself down, cleared my throat at sinubukang iayos ang mukha kong kagabi pa gusot gusot bago ako tuluyang nagsalita. "hi, ahm i've been calling you ahm, i just want to talk about--". Hindi na nya ko pintapos. "Hey hey listen, what happend yesterday is something that I really want us to talk about, hindi lang ako makahanap ng tiyempo". From there ang dami na nyang sinbi, about sa life style namin, different worlds daw and ginagalawan namin since magkaiba kame ng line of work, kesyo i'm a good person naman daw and the last thing he said was, "I'm sorry but I'm bored with our routines". Whoa. Parang huminto saglit ang mundo ko pero naririnig ko parin ang boses nya. Gusto kong magalit, sumigaw pero wala akong magawa kundi kagatin ang kuko ko sa kamay habang ninanamnam ang mga narinig ko. Nalungkot ako sa mga sinabi nya, konti nalang bibigay na ang mga luha kong matagal ding naipon. Bumuntong hininga nalang ako and i replied "ganun ba". Suddenly, somebody was calling my name.

"One caramel macchiato for Theo!"

I wasn't completely back to my senses pero tumalikod ako ng hindi inaangat ang ulo ko at lumakad ng ilang hakbang para kunin yung coffee ko, but the next thing I knew, isang mainit na kape ang bumubuhos sa katawan ko habang nasa kanang tenga ang cellphone ko at isang matipunong chinitong lalaki ang nasa harapan ko. Parang slow motion lang.

30 hours earlier....

Madilim ang paligid. Hindi ko alam kung anong oras na dahil wala sa tabi ko ang cellphone ko pero alam kong nasa loob ako ng kwarto ko. May naririnig akong tunog, parang kampana. Mahina pero sunod sunod. Mabilis ang tibok puso ko. Umupo ako sa kama, pakapa-kapa upang mahanap ang cellphone ko para makasagap ng konting liwanag. Palakas ng palakas ang tunog, na parang papalapit ng papalapit sakin ang kampana. Hanggang umabot ito sa sobrang lakas. Tinakpan ko ang magkabilang taenga ko at nagsimulang tumayo nang biglang yumanig ang sahig. Mabilis at sunod sunod ang pagyanig na naging dahilan ng aking pagbuwal. Hindi nalang ang kampana ang naririnig ko, pati ang langit-ngit ng buong bahay na para bang ilang sandali nalang ay magigiba ito. Takot na takot ako pero nilakasan ko ang loob ko. Nakuha kong muling tumayo, naglakad habang takip parin ang aking mga taenga, nakapa ko ang door knob at dali-daling binuksan ang pinto. Nagmadali akong makalabas ng silid ngunit sa unang hakbang ko ay walang sahig na sumalo sa aking mga paa. Bagkus ako ay nahulog sa isang napakadilim at parang walang hanggang kawalan. Aaaaahhhh!

"Baby Tonight's the night I'll let you know, Baby tonight's the night we lose control" (tonight by john legend ) ..

Nagmulat ako ng mga mata, sunod sunod ang paghinga. Madilim ang paligid pero may nasasagap akong liwanag mula sa tv na naiwan ko nanamang nakabukas. Hindi muna ako kumilos, hinyaan ko munang tumugtog ng tumugtog ang alarm ng cellphone ko, pagod na siguro si John Legend sa pagkanta ng alarm tone ko (lolz). Pagkalipas ng ilang minuto, umupo ako sa kama at huminga ng malalim. "Panaginip na naman", sabi ko sa sarili ko habang umiiling at sapo ang noo. Naalala ko ang lahat ng nangyari sa panaginip, naalala ko din nung huling beses akong nanaginip ng ganun ay nung namatay ang tatay ko. Kinabahan ako, pero pinilit kong ibaling sa ibang bagay ang isip ko. Kinuha ko ang cellphone and turned the alrm off. Alas singko na pala ng umaga. Lunes, August 12, 2013 plus 56 text messages. Bakit ako nasa bahay? Ah naka leave nga pala ako ng isang linggo mula ngayon.

Pagkatapos maligo at humigop ng kape ay agad akong nagbihis ng pang jogging. I decided na wag nang lumayo kaya sa loob nalang ako ng mismong center kung saan nakatayo ang condo na tinitirhan ko. After an hour ng jogging, nagpasya akong magpahinga muna at umupo sa may plant box ng isa sa mga building and I checked my phone, cleared all the messages pero napansin kong wala pang text si Kane, ang boyfriend ko. We're few days away from our 1st year Anniversarry. Kane is 2 years younger than me. Nag-iisang anak siya ng tatay nya sa una nitong asawa, ako naman ay panganay sa aking nag-iisang kapatid na babae. Pareho kaming conscious pagdating sa pangangatawan kaya naman sa isang Fun Run kame nagkakilala. I remember when I first saw him while naghihintay na magumpisa ang run noon sa isang mall sa Pasay. Standing 5'9, he was wearing a black muscle shirt na sobrang nagpapahulog siguro sa puso ng mga babae at bakla na madaanan nya. Lagi siyang nakangiti, parang laging puno ng energy at self confidence. Kahit ano siguro ang ipasuot mo sa kanya bagay dahil sa fit ang katawan nya at mala artistang kaputian plus mapupula at mainipis na mga labi. Then I didn't notice na he's jogging towards me then said "nice ng color ng balat mo sir pangarap ko yan maging moreno" sabay smile, not sure if that was a compliment pero natuwa padin ako, then it all started. A strange connection kahit na hindi pa namin naitatanong ang pangalan ng isat isa. Independent din siya kagaya ko. Pareho kaming natutong mamuhay magisa when we were in college dahil narin sa ang mga pamilya namin ay nasa ibang bansa, ang sa akin ay nasa Australia, sa kanya naman ay nasa Italy. Sa Edad nyang 25, masasabi kong successful siya sa field na napili nya. A great job, paying his own bills, he just got his new car, owning a condo unit, travelling abroad, lahat yun nagawa na nya, yung iba sabay naming ginawa. Pero kahit na ganun, he always seek my opinion sa mga bagay na alam nyang mabibigyan ko siya ng payo, we're like brothers and best friends aside from being lovers. Naalala ko pa yung itsura nya nung nalaman nyang isa rin akong musician aside sa pagiging workforce supervisor, para siyang avid fan na request ng request ng kanta habang tinugtog ko ang keyboard o gitara during my practice before gig sa ballroom hall ng isang hotel along Edsa. Ang cute lang.

Lampas 6am na yun kaya alam kong gising na siya at nagreready na pumasok sa office. We agree kasi na hindi magsama sa iisang bahay to avoid the typical problems ng live-in partners and at the same time, may "me moment" padin ang isat-isa. Nagtataka ako coz' normally he'd text me good morning kapag gising na siya. I was thinking baka pa surprise lang si gago. Cheat day nga pala namin every monday so pwede kami kumain ng kahit anong gusto namin, forget all the diet shit and that was the first monday. Hinayaan ko lang muna na hindi siya nagte-text. Naisip kong i-surprise siya by cooking something new at dalhan siya ng lunch or meryenda so I jogged towards the supermarket na malapit lang din sa condo. Namili ako ng mga ingridients ng naisip kong lutuin that day. Buffalo wings! Favorite kasi ni Kane ang chicken, kahit na ano pang luto basta manok lalamon siya. First time kong magluluto nun kaya mejo kinakabahan ako sa kakalabasan. Habang papasok ng building, nakasalubong ko si Cassie with her son Linc. Cassie is a single mom and a former colleague of Kane. She's one of the few na nakakaalam ng tungkol sa amin ni Kane kaya parang siya narin ang naging best friend namin.
"Goodmorning!" sabi ko sabay gulo ng buhok ni Linc. "Tito naman eh! Tagal po inayos yan ni Mommy and can't you see I'm going to school na?" sabi nya na parang napipikon sa ginawa ko. Pangiti ngiti lang si Cassie sa narinig. Lumuhod ako sa harapan ng poging bata, "sorry po sir Linc hindi na mauulit, but you know what? boys don't normally fix their hair like that, ganito lang yan oh" sabay ayos ng buhok nya using my fingers, "Yan! that looks better, give me five!" Ngumiti si Linc sabay apir. I decided na ihatid na sila pasakay ng taxi kaya inilapag ko muna ang mga pinamili sa guard's post.
"Kamusta kana?" sabi ni Cassie. "
"I'm fine, mejo toxic nako sa trabaho, same routines with the client, same demands so I realized walang masama mag leave for the whole week kaya eto easy easy muna. Nga pala I'll cook buffalo wings mamaya ha pwede mo bang tikman bago ko dalhin kay Kane? haha". Sagot ko.
"Sure anong meron parang bagong recipe yata yan ha bukod sa adobo, menudo, sinigang at baked mac?" Tanong nya na parang nang-aasar.
"First cheat day kasi namin ngayon so gusto ko special saka kung anong favorite nyang kainin ano pa eh di chicken." sabay kindat.
"Cheat day? Ah I see, good luck!" Bigla siyang parang naging blangko. Weird. "Ahm, kamusta kayo ni Kane? Kelan kayo huling nagkita?". Tanong nya na parang may gustong iconfirm.
"Sabay kaming umattend ng mass yesterday morning, pero may lakad daw sila ng mga officemates nya after kaya ako nalang mag-isa nanoond ng movie. Wala naman kakaiba samin aside from lagi siyang busy sa work lately, minsan nga pag weekend kailangan nya daw pumasok for inventories, alam mo naman ako walang alam sa business ng bangko, so nagplano akong i-surprise siya later para naman ma-ease ang pagod nya, bakit mo natanong ha?" explain ko.
"Ah eh wala naman, just asking, alam ko naman strong couple kayo." sabi ni Cassie pero parang blank padin yung reaction nya. I know she's hiding something pero she's trying to protect either mine or Kane's feelings. Napakunot nalang ako ng noo. "Are you free later for a t--." Hindi na nya natapos nang biglang may dumating na taxi. She tapped my right shoulder, bumuntong hininga at bumeso. "Enjoy your day Theo!" sabay smile na parang napipilitan lang. I replied with a smile, opened the door of the cab and kissed Linc sa chick bago pa man sila sumakay.
Maraming bagay na ang naglalaro sa isip ko while naglalakad pabalik sa condo. Nagbase ako sa mga reaction ni Cassie, she's our bestfriend, hindi man ganun katagal na kakilala ko siya pero we've been through a lot. Litong-lito ako kaya naman pagdating ko sa condo, "Shoot! asan na yung groceries ko??!". Napasigaw ako sa gulat, nasa guard's post nga pala sa ground floor, haist. Pagkatapos kong magluto ay naisipan kong icheck ang cellphone ko.
"Boo, sa labas ako magla-lunch with office mates, sorry di na ko nakapag text kanina late na kasi ako nagising muah.".. yun yung unang text nya sakin around 9:30am siguro, panira naman ng surprise. Naisip kong dalhin padin sa office nya yung niluto ko kahit sa labas pa siya mag la-lunch para naman matuloy padin yung surprise ko. Lampas 30 minutes nakong tapos maligo at nakaharap sa salamin ng kwarto pero wala padin akong mapiling isusuot ko, I wanna look great sa araw na yon. I decided na mag white v-neck t-shirt nalang and gray pants plus black cap para light lang, Pero bago pako magstart magdamit, i felt the urge of touching my self. Namiss ko na siguro si Kane. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, pinadausdos ang palad ko sa dibidib ko at humiga sa kama. Dahan dahang hinimas ang alaga ko, dahilan para magsimula itong tumigas, matigas na matigas. Pinikit ko ang mga mata ko, suddenly nasa harap ko na si Kane, hubo't hubad, he's not even talking, pero naka tingin siya sa mga mata ko, na parang isang putaheng gustong magpakain. We started kissing, habang pabilis ng pabilis ang paghimas ko sa titi ko, taas baba. Then I started sucking Kane's dick habang nakapatong siya sa dibdib ko. Dahan dahan pero mapusok, puno ng pagmamahal. Nakahawak si Kane sa head board ng kama habang nakataas ang ulo. Naririnig ko ang marahang pag-ungol na tanda na nagugustuhan nya ang ginagawa ko.Taas-baba, mabilis, kasabay ng pagtaas-baba ng palad ko sa alaga ko. Ilang minuto pa ay napapikit ako ng mariin at bumulwak ang masaganang katas na matagal ding naipon. Nagmulat ako, wala na si Kane.

"Say that you'll stay a little.."

Mejo traffic sa mga oras na yon pero sakto lang ng dumating ako. I parked my car sa parking area katabi ng service center ng isang brand ng gadgets at naglakad nalang papuntang bangko. I asked the guard on duty kung nakabalik na si Kane from lunch kasi past 1pm na. Hindi pa daw sabi ng guard. "Ah so wala padin po yung ibang kasama nya?" tanong ko. "Siya lang po ang nakita kong lumabas kanina Sir, dito naman po naglunch yung mga teller, ang alam ko po nag half-day si sir Kane." sabi ni kuya. Hindi muna ako nagisip ng masama, instead nag-assume ako na baka nga may surprise din siya sakin, lumakad ako pabalik ng parking lot. Nasanay nakong nakatalikod sa wall ang kotse ko kapag nagpapark para madali akong makalabas. Nagstay muna ng konti para makarelax. Biglang nagring ang cellphone ko,
"Oh nasan na yung buffalo wings?" si Cassie. "Ah eh, masarap naman kaya confident ako magugustuhan ni Kane kaya di na kita naitext sorry, eto nga pinuntahan ko siya sa office wala naman daw sabi nung guard, any idea?" explain ko. "Hmm di naman siya nagtext sakin baka nam--", "hang on Cassie I'll call you back" putol ko sa kanya sabay baba ng linya nang may makita akong pamilyar na kotseng dahan dahang dumaan sa harapan ko palabas ng parking area. "Kane?" nasabi ko nalang sa sarili ko ng may pagtataka. Kita ko mula sa pwesto ko na nakapila na ang kotse nya palabas ng parking, hindi ko maaninag kung siya lang ba ang nasa kotse dahil tinted ang window nya at mejo madilim sa lugar nayon. I started my engine, pero bago ako magdrive, I dialed his number. "Boo? Hey, ahm cheat day right? pwede kaba dumaan sa condo mamaya?" malambing kong tanong. " Ah Boo sorry marami akong gagawin sa office eh baka late nadin ako maka uwi p-pero ittry ko padin ha? Thank you Boo!" sagot nya na paputol putol ang boses. "Ah o sige Boo hintayin nalang kita." sagot ko. Bumilis ang tibok ng dibdib ko. Pinaharurot ko ang kotse ko para sundan siya. He's heading Edsa. Nagdahan-dahan nako nung nakita ko siyang kumanan papuntang white plains. Kakasunod ko sa kanya, I realized na uuwi siya ng condo unit nya sa Katipunan. I kept my distance. He drove all the way to the parking lot ng condo, naghintay ako ng mga ilang segundo bago sumunod. Pagdating ko sa parking lot, naka park na ang kotse nya, pero wala na siya sa loob. Dumiretso ako sa unit nya dala-dala ang lalagyan ng niluto ko. Tahimik ang hallway, not until makarating ako sa tapat ng pinto ng unit nya. Malakas ang tugtog sa loob. Hindi ko alam yung kanta pero parang pang party, awkward. Kakatok na sana ako pero naisip kong may sarili akong susi kaya pwede kong buksan ang pinto. Huminga ako ng malalim, sa totoo lang marami ng pumapasok sa isip ko, positve and negative thoughts. Hindi ko malalaman kung hindi ako papasok. Inihanda ko ang sarili ko, baka naman kasi may confetti or romantic setting na naghihintay sakin, or baka kabaligtaran. Kinakabahan parin ako nang isuksok ko ang susi sa door knob. Dahan-dahan kong inikot ito pakanan at itinulak ang pinto. Ini-angat ko ang ulo ko ng magbukas ang pinto, wala si Kane sa sala. Malakas padin ang tugtog. Inilapag ko ang dala kong ulam sa center table at naupo sa couch, naghintay. Mula sa sala ay makikita mo agad ang kitchen, ang kwarto naman ay nasa kanang patio sa dulo ng condo kung nasaan din ang cr. Mabilis padin ang tibok ng dibdib ko, sumasabay sa beat ng tugtog na umaalingawngaw sa sa buong unit. Maya maya pa, laking gulat ko ng isang lalaki ang iniluwa ng patio, pero hindi iyon si Kane, maganda din ang hubog ng katawan, tantya ko'y kasing tangkad ko, naka brief lang ito at medyas pero nakasuot padin ang neck tie. Nakatgilid siya na parang may kausap sa kabilang dulo ng patio. Nakangiti siya ng humarap patungong sala ngunit napalitan ng gulat ng makita nya akong nakaupo sa couch. Kinuha ko ang remote at pinatay ang music at tumitig sa mga mata ng lalaking iyon. Nakatulala padin ang lalaki at takip takip ng dalawang palad ang harapan ng brief. "Napatay mo na pala yung stereo, lika na balik na tayo sa kwarto." boses ni Kane at siya din ang sunod na iniluwa ng patio habang nagsasalita, walang saplot pero naka neck tie din. Nanlaki ang mga mata nya ng makita ako. Mas lalong bumilis ang pagtibok ng puso ko, pakiramdam ko napunta sa ulo ko lahat ng dugo ko. Napatayo ako ng hindi ko namamalayan at kinuha ang niluto ko sa center table. Diretso sa kitchen, I plugged in the microwave at ipinasok ang ulam sa loob. Nakatayo parin silang dalawa na parehong nakatulala. Parang malapit nang magdilim ang paningin ko habang papalapit sa kanilang dalawa. But instead na suntukin o murahin, I extended my hand, cleared my throat and started speaking "Theo, Kane's boyfriend."

"Say you'll be mine, save a little bit of love"

Instead na makipagkamay sakin ang lalaki, Kane took my hand at hinila ako sa sala. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin. Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko sa oras na yon. Ramdam ko ang kaba sa dibdib ni Kane, pero nakuha nya paring panindigan kung ano ang ginawa nya. "Cheat day huh? Now what? I didn't know na neck tie pala ang fetish mo!" Pigil parin ang boses ko because I know na napapahiya ko silang dalawa, or baka ang sarili ko ang pinapahiya ko. "Hey Sir, whatever your name is, I cooked something because it's our first cheat day, ako first, ewan ko lang kay Kane, don't worry walang lason yan, kung nalaman ko siguro ng mas maaga, baka nilagyan ko." Those we're the last words before I left his condo.

Ilang oras na pala akong nakatulala, nakatingin sa kisame. Di ko alam kung ilang beses nang nagring ang phone ko at hindi ko din sure kung sinong tumatawag. Ilang beses naring may kumatok sa pinto ng unit ko pero hindi ako bumangon. Para kong mababaliw. Parang eksena lang sa my husband's lover ang kaibahan lang, hindi ako nahimatay. Ano pabang mas sasakit kesa sa broken heart? It's been a long time since the last the time i felt this way. I can't even remember pano ako nakapag move on.

Ring...

Si Billy. Kaibigan at parang manager ko sa mga gig.

Billy: Kanina pa ko tumatawag ano ba ngyari sayo? Remind ko lang mister yung gig mo bukas sa M---, please ready mo na yung set mo, no need to bring your keyboard kasi may nakaset up na dun ok? 10pm ha? Walang ibang banda or singer sa ganung oras so I need your i need your commitment. What?

Ako: You know me Billy, I'll be there tomorrow ok? Practice nako tonight.

I listed some songs para sa 3 set gig ko, syempre di ko nakalimutan yung "best thing I never had". Mahilig ako mag remake ng mga pambabaeng songs tapos bibigyan ko ng sarili kong version, yung iba kabisado ko na, yung iba minsan ko lang nasubukang kantahin at tugtugin so konting pisil sa tiklado ng keyboard at pagkatapos ay nakatulog nako.


"Let down your guard just a little, I'll keep you safe in these arms of mine"

Back to the coffee shop ....

"Hello? Hello? Are you still there?", sabi ni Kane sa kabilang linya. Hindi ko na nasabi kung ano ang nangyayari pero tuloy lang ako sa pag pagpag sa sarili ko dahil buong harapan ng t-shirt ko ay mantsado na ng kape.

"Sorry ha, hindi kita napansin bigla kang tumalikod, are you ok? Let me help you", sabi nung lalaki na mukang sincere naman sa pag-aalala. Napatitig ako sa kanya, he looks even better sa malapitan at napatulala ako ng ilang segundo sa harap nya, pero ibinaling ko ulit ang sarili ko sa cellphone ko para ipagpatuloy sana ang paguusap namin. "Hello, sorry natapunan kasi ako ng coffee, hello? -- dead air. He dropped the call. Haist sa dinami damiing beses kong sinubukan siyang tawagan, isang beses lang siya sumagot and as expected, official na, single na ulit ako that day.

Dismayado akong lumabas ng coffee shop at puno ng mantsa ang damit, buti nalang dala ko ang kotse ko kaya ok lang. Napansin kong nasa likod ko ang lalaking yon habang naglalakad ako papuntang parking lot. Bubuksan ko palang kotse ko ng bigla siyang nagsalita.

"Are you ok? Pasensya kana talaga hindi ko sinasadya, sandali lang ha kukunin ko lang yung dala kong t-shirt ko sa kotse para makapagpalit ka". Hindi nako nakapagsalita, katabi ko lang pala siya sa parking lot. Hindi ko naman siya gustong hintayin pero nagstart na kasi magsink in sakin na wala na kame ni Kane. Then tears started to fall. Para parin akong lumulutang, sa mga narinig ko, sa mga nangyari. I know that I'm a good man and what kind of a person he is at ginawa nya sakin yon! Di ko namalayan inaabot na pala nung lalaki sakin yung t-shirt, ako naman tanggap lang. Pero di ko yun sinuot. Huminga ulit ako ng malalim at umupo na sa driver's seat, rolled the windows down para naman pumasok ang hangin, then again he said "are you ok? do you need company?" Mejo narindi nako sa kakatanong nya kung ok lang ako when obviously I'm not, pero I was touched, the thought na hindi naman kasi kami magkakilala. "I'm not ok Sir, but appreciate your concern. Sorry baka hindi ko na mabalik yung t-shirt mo, hindi naman siguro tayo magkikita ulit para ibalik sayo ito." sabi ko. He extended his hand para makipag shake hands habang nakatayo sa right side ng kotse ko then smiled. "That's fine, I know you'll be fine. Life doesn't end if someone you love leaves you behind. Maybe its a sign that you can start a new beginning right?"sabi nya.Narinig nya siguro lahat ng mga pinagusapan namin ni Kane. Tango lang ang nasagot ko. Binitawan ko ang kamay nya and told him na I'll go ahead. Para akong nahimasmasan sa mga sinabi nya, iniisip ko yun habang nag mamaniobra ako. I looked at him habang nakatayo padin siya sa tabi ng kotse nya, I managed to smile kahit na hindi ako ok. I stirred to the right then boom!
Itutuloy...

35 comments:

  1. nice,...next chapter pls

    ReplyDelete
    Replies
    1. nice story sir theo.. can i know where do have your gig?? pleAse..???theres a lesson in this story.. hope to see in your gig lestening to your songs..

      marco

      Delete
  2. Si Kuya ang humble. Galing mo nga sumulat eh.

    Andrew

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat andrew.. sana magustuhan nyo pa ung huling bahagi ng kwento ko.. i hope nainspire ko kayo..

      Theo

      Delete
    2. Thanks for the reply, Kuya. Actually, it made me ask more questions, kasi yung friend ko just broke up fun sa kanyang 7 5/12 year relationship. Made me ask kung nagtatagal ba ng habang buhay ang mga ganito. I'm not so naive to think that this does not concern heterosexual relationships also kasi my three siblings also ended their marriages by just separating. Pero bakit parang noong araw, couples don't end their marriages or relationships kahit may kabit si Mister? Sorry po. Parang stream of consciousness na ito. Naisip ko lang po kasi kung bakit parang walang nagtatagal. I wonder what it takes to make a relationship last ... and why we can't make it.

      Delete
    3. Hi andrew,

      hmm actually mahirap sagutin yang tanong mo, sa ngayon kasi hndi rin naman ako nakakasigurado na ang mga bagay na meron ako ngayon ay magtatagal pang habang buhay. Just hold on while you have it, do your best for the love to stay, in d end, youll still feel fulfilled even though hnd magtagal amg isang relasyon

      theo

      Delete
    4. Thanks for replying, again. But I really and strongly believe that someone better give us the answer sooner, rather than the proverbial later because ... the Moving Finger writes and having writ moves on. Hours turn into days. And one day, years have gone by. Bereft of the generations that should have followed, the years might be lonely.

      A

      Delete
  3. Nicely written.
    I'll be waiting for the next chapter. :)

    Gelo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi Gelo

      Thank you ... Naappreciate ko ang pagbasa mo kahit na mahaba..

      Theo

      Delete
  4. Ngipin. Pag sumakit yun, mas masakit pa sa broken heart. Hehe.. pero, syet! Ang sakit sa dibdib ng kuwento mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha natawa ko dun.. but thanks for reading..

      Theo

      Delete
  5. ganda ng kwento... ganyan talga ang mga love story ng mga nakaka angat na bi..... msakit pero successful din sa kalaunan pagdting sa pag ibig..... na touch tlaga ako Sana dih mgtagal yung kasunod.. galing pa mgsulat ng author... love you author...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey you there.. naramadaman ko na nakarelate ka sa story ko and thank you for reading my story...

      Theo

      Delete
  6. Hello author. Haist. How do I begin to say this. Please know that you are an awesome writer and I love this story. But I also hate it. Kasi it brought back so many bad memories sa akin. Kasi like you, I was also cheated, and like you nahuli ko rin sila sa akto. Di ko maexplain ung kabog ng dibdib ko while reading this story. Pero don't worry matagal na naman ako naka move on, di ko lang talaga maiwasang masaktan tuwing maalala ko, pero hanggang dun lang yun, the mere memory na lang ung nagpapasakit, hindi dahil may nararamdaman pa ako sa taong yun. Ang masakit ay yung fact na niloko ka, inisahan, pinagmukhang tanga, at walang kwenta. Yun ang masakit. I know masakit talaga. Pero you'll be fine. we will all be fine. Those painful memories are there to make us stronger. Yun lang naman yun eh. Basta ang mahalaga ay mahal mo pa rin ang sarili mo. No matter how much you loved a person, dapat magtira ka pa rin palagi para sa sarili mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey...

      Oh yes i agree.. kaya nga naispire ako to share my own story, coz i know a lot of you guys out there experienced the same situation na ngyari sakin.. i know you'll be fine.. just stay lovely and just be a nice person always ok? Thanks for reading by the way, i really appreciate it..

      Theo

      Delete
  7. The part where you were able to see him with another guy, kumakabog talaga ung dibdib ko. Very well written. :) i was left hanging! Naeexcite ako for the next part! Thank you for sharing your story.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hi -- thank you! nakaka overwhelm mga comment nyo. its really something new for me. salamat guys!

      Delete
  8. Sana may next na kaagad!! Nakagawa ka na ba authof? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi--

      marami na akong naidetalye sa part two at malamang huling yugto na iyon. Basta mahntay ka lang at darating din tayo jan, :)

      Delete
  9. Sana ma meet ko din si sir theo, :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi--

      baka nagkita na somewhere sir maliit ang mundo ;)

      theo

      Delete
  10. Nice story. Just like mine. Ang pinagkaiba lang mayaman yung ex ko, ako hindi. Nung naging kami, I learned that some part of fairytales do happen in real life, but not happy ending. Yes, I was hurt. sobra. But he made me stronger and perhaps a little wiser. and I learned that in some point we need to be thankful for the pain and heart aches that life brings. kasi dahil dun I learned to value my self and appreciate the people that really care for me

    ReplyDelete
  11. Wow. Nice story. Iniimagine ko n lng ang mga tagpo. Bigat sa dibdib. I know there is someone naas deserving pra sa love mo.

    ReplyDelete
  12. Habang binabasa ko to...maraming alaalang bumalik especially sa condo scenes ang bigat sa damdamin hehehe....
    Nice story hoping for the next chapter

    ReplyDelete
  13. Hi Theo. :) I liked the story. One major good thing about it is that ang daming taong mkaka relate. Very realistic kc and at one point or another, almost everyone has experienced being cheated on. I dont normally post comments after reading a story here, this is my first. :) nka relate din kc ako. Ganyan din nangyari sakin although saken mdyo mas mahirap kc we work in the same place together with his 3rd party who is now his partner. Life sucks and shitty things happen...but its not always like that nman. I know things happen for a reason and life has so much more to offer...:) Just keep up the good work. When are you going to post chapter 2? :) ***Cloud

    ReplyDelete
    Replies
    1. hey cloud!

      That's flattering.. thank you so much! I hope masubaybayan mo padin hanggang huli, hindi ko pa naisusulat yung last part but im about to submit the second part. Medyo critical kasi yung time line, kelan lang lahat ngyari so I hope maideliver ko ng mas maayos. :)

      Delete
  14. I'm a very strict reader...If I like the story, I like it. If not, then no. I LIKE YOUR STORY!!! You've managed to break or play with the time...Good Job!

    ReplyDelete
  15. kudos author! galing ng pagka-kasulat. i love the way you wrote your story... and geeez, am hating it (you included) kasi naka-relate ako and it brings the bad memories. hahaha
    kidding aside, hats off sir Theo! looking forward for the next chapter.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hi --

      Thank you ha! Nakaka overwhelm talaga mga comment nyo ang honestly, this is the first na nagsulat ko for a blog. But thank you talaga!

      Delete
  16. Mahaba pero maganda ang kwento :) author kailan ang next chapter?

    Kit

    ReplyDelete
  17. hi theo.for almost a week of reading stories,yours is the best..i can relate coz we almost have the same story and mostly,my interest in music which brings color to my life.hope i could read the next chapter soon and hope one day i could listen to ur music in one of ur gigs.

    john

    ReplyDelete

Read More Like This