Pages

Sunday, July 13, 2014

Break Shot (Part 13) FINALE

By: Andrey

Unti-unti ko na ding natatangap ang mga nangyari saamin ni Kuya Liam.

Natatanggap...ngunit hindi pa din nalilimot. A love so strong and unselfish was the kind of love Kuya Liam gave me. It was unlike any other love. Definitely one in a million. Kung kaya't hindi din naman ako masisi nina Matthew at Ella kung may mga pagkakataon - madaming pagkakataon - na kailangan kong tumigil, huminga ng malalim, at tumingin sa malayo para balikan ang mga araw na busilak at wagas ang aming pagmamahalan. But those days were long gone, i guess...for him.

Tapos na ang Ikatlong Markahan at muli, sa araw na ito ay i-aanounce na ng aming adviser ang top 10. For a reason, the students seemed to lack interest in hearing the result. Para bang kahit hindi na sabihin, alam na nila ang resulta, with me being the first. Ngunit alam kong may pagbabagong magaganap kung kaya't i kept a close ear para makinig.

Halos walang nakikinig nang magsalita na si mam para simulan mula sa ikasampu....hanggang panglima. Seeing how the students are reacting, our teacher said something to grab our attention, and she succeeded in doing so.

"Class, may kauting pag-babago sa ating Top 5 rankings. Ngunit tulad ng aking laging sinasabi, they all deserve the place because it reflect their performance in the whole grading period. But the change i am referring will somehow shock you. I hope you will do your best in the next grading and claim your rightful places." Ang sabi niya.

"Fifth...Jason..." Wala namang naging reaction mula sa aking mga kaklase. Marahil ay expected na nila iyon.
"Fourth.....is Andrey." That brought grunts and exasperation throughout the classroom. Nagsilingunan saakin ang halos lahat ng estudyante, hoping to see my reaction. By way of contrast, i smiled at them. I already expected this result. Nilingon ko si Ella at Matthew, and they both showed worried faces. Ngunit i smiled a reassuring smile to say that i'm okay. Gusto ko sana makita ang reaksyon ni kuya ngunit naisip ko na baka abot tenga pa ang ngiti noon sa naging pagbagsak ko. Ngunit alam kong hindi naman ganoon kasama si Kuya para gawin iyon. It's just the nearest, safest way to think of para hindi na ako umasa pa na may pakealam pa si kuya saakin.

"Second, is Liam....First is Matthew."

Nagpalakpakan naman ang buong klase, kasama na ako dun. I don't care if lumalabas na martyr o plastic ang ginawa ko, ngunit galing sa aking puso ang kasiyahan na kay Matthew na muli ang parangal na dapat naman talaga sakanya. At siyempre, masaya din ako kay Kuya. Hindi na ako naghangad ng ano pa. Hindi rin ako nalungkot na bumaba ang ranking ko dahil...sinadya ko iyon.

To avoid further interrogation, i made my self busy the whole day. Laging nakayuko, nagbabasa kunwari, nagsusulat, tapos pupunta sa library para lamang matakasan ang mga nag-ooffer ng sympathy at nagsasabing bawiin ko na lang next grading. When the truth is, wala na akong planong bawiin pa iyon.

Parang sinag ng araw ay paunti-unting kumalat ang balitang hindi na ako first sa buong maliit na campus ng aming eskwelahan. At pagdating ng hapon, halos lahat ng makasalubong ko ay nagtatanong kung napano at nagkaganon ang resulta. At para muling takasan ang paulit-ulit na isasagot kong 'hindi ko din alam eh', pumunta na lang ako sa may sea wall, kahit ipinangako ko na sa sariling hindi na ako pupunta doon. Napakarami na kasing ala-ala naimbak sa munting lugar na iyon....ang ilan ay masasaya...ngunit ang ilan ay dumudurog pa rin sa aking puso sa tuwing aking maalala.

Ngunit maraming beses na ding naging refugee at takasan ang sea wall na ito saakin. Kay Matthew hanggang kay Kuya Liam, nagsilbi na itong takasan at 'pahingahan' sa tuwing napapagod na din ang aking puso o kaya kailangan ko lang mapag-isa. Kaya heto, kahit iwasan ko, narito pa din ako, nakaupo sa may seawall at, tumatakas sa mga bagay na naduduwag akong harapin.

"Buti nga sayo." Ang sabi ni Matthew sabay upo sa tabi ko. Nilingon ko siya at tiningan ng masama.

"Huh?!" Naguguluhan kong sagot. Is he reffering to the rank i just got?

"Haha. Para maiba naman. Itatanong ko sana kung okay ka lang. Pero baka ako na ang ika-sampu na magtatanong ng ganoon." Paliwanag niya sabay ngiti.

"Correction, ika-twenty ka na kung sinabi mo iyon." Ang sagot ko lang sabay ngiti. "Congrats ah. You deserve it. I deserve it too."

"Anong deserve deserve ka diyan. Alam ko mababawi mo yan. Masyado ka lang naging affected sa mga bagay bagay kaya nagkaganun. Don't worry, matatalo mo din ako sa susunod. Focus ka lang sa goal mo."

Hindi ako agad sumagot. Ngunit matapos ang ilang minuto, i decided na sabihin na sakanya ang aking dahilan.

"Matt, ang totoo ay hindi ko na susubukang maging first uli next grading. Sinadya kong ibaba ang aking ranking...para sa iyo." Ang sabi ko nang hindi siya tininitingnan. Siya naman ay napalingon saakin.

"I have achieved so many things. At ikaw ang nagtanim ng lahat ng inaani ko ngayon. Kung hindi ko ninanais na matalo ka, hindi ako makatatangap ng maraming parangal. Kung hindi mo sinabi ang masasakit na salitang iyon saakin, hindi ko sana gagawin ang lahat para patunayan na mali ka. At kung maalala mo, ang goal ko ay matalo ka....at nagawa ko na iyon. Panahon na para ibalik saiyo ang nararapat na saiyo." Ang sabi ko.

"P-pero...you deserve being the first Andrey. Kung talagang hindi mo deserve, hindi ka aabot sa point na ito. Ipagpatuloy mo ang sinimulan mo...bring honor to your family. Hindi mo kailangan mag back down dahil lang saakin." He said, nangungusap ang tono ng boses. Ibinaba ko naman ang kamay at saka huminga ng malalim.

"Ewan. Wala na din akong gana dahil wala na si Kuya Liam sa tabi ko." I said, sounding so lazy. "Pero ang totoo, kasabay sa plano ko ang i-give up ang place para saiyo. I promised myself noong araw na ipinangako ko saiyo na matatalo kita na ibabalik ko din saiyo lahat kapag nagawa ko na ang goal ko. Hindi ba sinabi mo saakin noong nasa kubo tayo na gusto mo maging valedictorian dahil sa scholarship grant na ibinibigay ng mga colleges...kaya ibibigay ko pa din iyon saiyo. Walang problema saakin dahil, hindi naman sa nagmamalaki, kaya naman akong papag-aralin nina mama at papa sa unibersidad na gusto ko. Siyempre naman hindi ko sasayangin yung pagpapa-aral nila sakin, pero, i still believe na para saiyo ang scholarship. Ikaw ang mas nangangailangan nito." Ang aking paliwanag. Mistula namang hindi makapaniwala si Matthew sa narinig.

"Hindi ko alam kung tatanggapin ko o sasabihin kong mali ka...p-pero, masaya ako dahil kahit papano, alam kong you cared for me despite ng mga ginawa at sinabi ko."

Tumango lang ako.

"S-salamat Andrey"

"Salamat din sa lahat. Isa ka pa rin sa mga taong hinding hindi ko malilimutan."

"Ikaw din naman. Tandaan mo na lagi kang narito sa puso ko." Ipinatong niya ang kamay sa akin at sabay naming hinintay na tumunog ang bell.

.................................

Hindi ko maintindihan ang sarili sa mga sumunod pang araw. Akala ko ay nakapag-move na ako kay Liam, ngunit hindi pa pala. May mga araw na bigla na lang ako nakararamdam ng matinding panlulumo o awa sa sarili. I can't accept na sa dami ng pinagdaanan ko, heto ako, nasasaktan pa rin. Hindi naglaon, even a simple sight of kuya liam and leah together makes it so difficult to breath. Hindi ako makahinga dahil sa sakit na nadarama ng aking puso. Hindi ko akalain na ganoon ang sakit na mararamdaman ko despite the fact na alam kong wala nang patutunguhan ang lahat na ito. Kulang na lamang ay masiraan ako ng bait.

I was desperately trying to move on. But in the end, i still found myself stuck in my memories of Kuya Liam's tender love.

The pain was extremely unbearable. May mga times na gusto ko sumigaw, gusto ko magwala...ngunit ang tanging nagagawa ko lamang ay ikuyom ang mga kamay hanggang sumakit na ito, o dumugo dahil sa sugat sanhi ng aking mga kuko. The pain i felt desperately needed an outlet...at someone...or on something...gusto kong i-share kahit sa isang tao ang sakit na nararamdaman ko despite my pretension na naka-move on na ako. Gusto ko sabihin kina Matthew at Ella ang impyernong pinagdaraanan ko sa ngayon. Ngunit dahil nga napag-kasunduang bawal namin pag-usapan ang kahit ano tungkol kay Liam, kinimkim ko na lamang sa sarili ang lahat ng sakit.

Nginingitian ako ni Kuya at kinakausap din naman kung minsan. Hindi ba dapat masaya ako doon? But its actually killing me na ganoon na lang ang sistema namin. Gusto ko sabihin sakanya na mahal na mahal na mahal ko siya...na hindi nagbago ang nararamdaman ko sakanya...na hindi ko siya ginustong lokohin...gusto ko ipagsigawan na nasasaktan ako kapag nakikita ko sila ni Leah...na hindi ko kayang mabuhay na wala siya sa tabi ko...at hindi ko matanggap na ganoon lamang kabilis naglaho ang pagmamahal niya saakin.

Parang lason na unti-unting pumapatay saakin ang ganoong pakiramdam. The poison crept through my whole being...slowly...and soon, isinasabuhay ko na ang sakit na dulot nito. Nagsimula na naman ang kalbaryo ng aking buhay. O marahil, lumala lamang.

Hindi ko na ulit pinapansin si Kuya Liam. I can't even fake a smile for him for doing so hurts alot. Minsan, whenever he's near, my eyes betrays me and i always find myself trying to fight away my tears.

At pati ang mga best friend ko ay dinamay ko na din. Hindi ko na din sila pinapansin and each time they try to offer a helping hand for me, i boldly decline it. Hindi ko na rin kayang makipag-plastikan sakanila...hindi ko na kayang makipag-usap sa kanila ng kung anu-anong topic samantalang ipinagsisigawan ng puso at isip ko na pag-usapan namin ang tungkol sa piangdaraanan ko. Minsan ay sinubukan ko na ring sabihin kay Ella, ngunit nayamot lang siya at sinabing nagpapakatanga ako sa ginagawa ko.

Inisip ko ng mga panahong iyon na pinagdaraanan ko ang lahat ng ito ng mag-isa. Walang gustong tumulong saakin, walang gustong kumalinga. Habang nagpapakasaya at nagpapakasarap si kuya sa piling ni Leah, heto ako't pinagdaraanan ang pinakamalaking dagok sa aking buhay.

Pinabayaan ko na din ang pag-aaral. Hindi na ako nagpe-prepare ng assignment, at hindi rin ako tumatayo kapag tinatawag para sa recitation. Nang mga panahong iyon ay nagla-layout na ang editorial staff ng aming school paper, ngunit lagi ako wala kapag pinapatawag sila. Nakikipagtigasan ako sa mga guro namin, sumasagot ng pabalang, at hindi nagta-take ng kahit anong quiz.

"May mga taong napaka-swerte sa mundong ito. Ipinanganak na nandiyan lahat ng opportunity, naghihintay lang sakanila. Dagdagan pa na pati ang talino at talento ay nasa kanila na din. Pero sinasayang lang ito ng iba...porke't nandiyan na lahat, porke't mayaman ang magulang, porke't matalino, wala nang respeto sa kapwa. Akala mo kung sino. Akala mo sakanya na lahat..." Ang sabi ng isa naming guro nang tawagin niya ako para mag-recite ngunit hindi ako kumibo. Hindi ko na narinig ang iba pang sinabi niya dahil nag walk-out ako sa room. Iniwang nakanganga ang aming teacher at gulat ang mga kaklase.

Litong-lito ako paglabas ko ng paaralan. Hindi ko alam kung saan ako pupunta...parang buhat buhat ko ang mundo at lahat ng problema nito. Kahit ang munting santuaryo namin ni Kuya...ang bahay kubo, ay hindi ko na rin magawang puntahan. It brings alot of memories that were too much for me to handle. Naglalakad ako na punong-puno ang isip. Sinariwa ko ang mga araw sa maynila, nang makita ko si kuya liam at jacob sa kubo, nang sabihin niyang mahal na niya si leah, nang ilang araw at gabi akong nagkulong ng mag-isa sa kubo, nang gabing sinigawan niya ako at marahas na itinulak dahil kay Matthew, pati na ang mga araw na ginamit niya ako at pinaramdam na para akong baboy. Lahat ng iyon, umikot sa utak ko, at sa sobrang sakit, halos mabiyak ang utak ko.

Huminto ako sa paglalakad at hinayang tumulo ang ilang luha. Marahil ay iyon na lamang ang natitira dahil sa dami ng iniyak ko nitong mga araw. Mula sa malayo ay may nakita akong truck na mabilis na nagpapatakbo. Isa lang ang pumasok sa utak ko - ang takasan ang sakit na nararamdaman ko. At alam kong magagawa ko iyon kapag wala na akong ulirat. Kapag wala na akong maramdaman. Kapag manhid na ako.

Pumunta ako sa gitna ng kalsada at hinintay ang papalapit na truck. Hinanda ko ang sarili sa nais kong mangyari.

Pumikit ako. At iisang mukha lamang ang nakita ko. Si Kuya.

Naglaho ang kanyang mukha, at pumalit ang mga mukha nina mama at papa. Umiiyak sila at nagmamaka-awa.

Bigla akong natauhan. At parang mahikang nagawa kong pumunta sa kabilang dulo ng kalsada at mailagtas ang sarili sa pagbangga sanang magaganap. Wrong timing naman talaga ang pagpunta ko sa gitna ng kalsada, malayo pa lamang ang truck ay pumunta na ako doon. That gave me enought time para maisip ang dalawang taong nagmamahal saakin ng tunay at buo. Doon ko naisip na andiyan pa din ang aking mga magulang who loves me unconditionaly...Mahal ako ng walang kapalit, at kahit ilang beses akong magkamali at dayain ng mga pagsubok ng buhay, nandiyan sila...laging handang saluhin ako mula sa pagkakabagsak.

And besides, i still have a dream to cling on. Kailangan ko maabot ang pangarap na iyon.

Pag-uwi ko sa bahay ay niyakap ko sila ng mahigpit habang umiiyak. Nagulat sila na umuwi ako ng ganoong oras, dahil may pasok pa. Tinanong nila ako kung ano ang problema.

"Ma, Pa...gusto ko lumipat sa Maynila. Doon ko na lang tatapusin ang pag-aaral ko. Okay lang kung uulit ako bilang fourth year. Basta po gusto ko na umalis dito." Ang sabi ko.

Escape. Ang takasan ang sakit na aking nararamdaman ay ang tanging solusyong naisip ko. Dahil doon sa Maynila, hindi ko na makikita ang mukha ni Kuya Liam. At marahil, sa paglipas ng panahon, magagawa kong limutin ang lahat ng sakit at paghihirap na aking naranasan sa lugar na ito.

Wakas.

Joke lang...hehe. Hinga muna kayo.

.............................................

Dalawang araw na akong hindi pumapasok sa eskwelahan. Pinipilit ako ni mama na maayos na magpaalam sa mga guro at kaklase ko ngunit siyempre, hindi ako pumayag. Sa Lunes, lalakarin na ni mama ang paglipat ko ng paaralan.

Sabado ngayon. Naroon pa rin ang sakit, ngunit may bago akong lakas na nagmumula kina mama at papa at sa aking pangarap. Sila na lamang ang dahilan ko upang magpatuloy ang ikot ng aking buhay.

Naisip kong maglibot muli sa bukid at pagmasdan ang ganda ng lugar sa huling pagkakataon, bago ako pumunta ng Maynila. Iba ang ganda ng paligid sa araw na iyon. Naririnig ko ang mararahang pagaspas ng mga dahon habang bumubulong ang hangin. Matingkad ang kulay ng mga puno at bulaklak, dala na marahil ng sinag ng araw. I closed my eyes and and felt the warmth of the sun as it hit my face. Tila ay nararamdaman din ng paligid na kailangan ko na magpa-alam. O di kaya'y alam nilang ang nagbabadyang pagbabago at pagbabalik na mangyayari.

Iniwasan kong puntahan ang masukal na parte ng bukid kung saan sa gitna nito, naroon ang kubo namin ni Kuya. Ngunit sa huli'y nahanap ko pa rin ang sariling naglalakad patungo rito. Wala namang masama siguro kung pupuntahan ko din ito sa huling pagkakataon. Panahon na upang magpa-alam sa mga ala-alang mapapait at hindi kaaya-aya.

Malapit na ako sa kubo nang makita kong may tao sa may terrace. Si Kuya Liam. Nakatingin ito saakin na blangko ang expression ng mukha.

Aatras sana ako ngunit naisip ko na ayaw ko din namang tapusin sa ganoong paraan ang mga pinagsamahan namin ni Kuya. Gusto ko rin naman ng maayos na paalam.

"Ngayon na lang kita nakita rito. Mabuti naman napasyal ka. Bakit ka pala absent ng dalawang araw?" Sunod sunod na sabi niya. Hindi ko naman siya sinagot at saka humiga sa terrace. I want an honest hour with him. Ayoko muna maki-pag plastikan.

"K-kumusta ka na?" Ang tanong niya sabay upo sa sahig ng terrace.

"Sa ganyang tanong, alam mo na ang karaniwang sagot...okay lang. Kahit hindi." I said sabay hinga ng malalim.

"Kumusta na kayo ni Matthew?" Tanong niya, diretso higa tulad ko. Tumaas naman isa kong kilay sa narinig. Kami ni Matt? Kuya must've misunderstood something.

"You mean, kumusta na kami nina Ella, at Matthew?" Ulit ko.

"Hindi. Kumusta na kayo ni Matthew? Kayo, hindi ba?" Tanong niya ulit. I can sense anger in his voice.

"Okay naman kami." I lied. Marahil dahil sa sakit, kaya ko nagawa yun. Nararamdaman ko kasing nasasaktan din siya.

Tahimik.

"Kayo ni Leah, kumusta?" tanong ko naman.

"Hindi ka talaga marunong tumupad ng pangako." Nagdaramdam niyang sabi. Napa-kunot noo naman ako at tiningnan siya. Nakapatong ang isa niyang kamay sa kanyang mata.

"Hindi ko kailangan humingi ng tawad dahil hindi ko tinupad ang pangako ko. Nagpatawaran na tayo, hindi ba? At matagal ko na iyon pinagsisihan. Hindi mo lang alam kung ano ang mga pinagdaanan ko para lang panagutan ang kamalian ko." Matigas kong sabi.

"Nasaktan mo ako ng sobra Andrey nang may mangyari sainyo ni Matthew. Hindi ko matanggap. Alam mo kung bakit? Dahil gusto ko akin ka lang. Bago pa man may mangyari sainyo, para na akong pinapatay kapag naiisip kong may ibang taong pwedeng makagalaw sayo. Hindi ba sinabi ko na iyon sayo? Kahit nga blush man lang ayoko makita ni Matthew. Gusto ko ako lang. Umaga pa lang naghintay na ako ng araw na iyon sayo. Hanggang gabi. Habang lumilipas ang oras mas lalo akong nasasaktan at natatakot na may mangyari sainyo. Sa bawat oras na lumilipas para akong pinapatay thinking that you're on the same bed as Matthew. Hindi ko talaga kaya andrey. Hindi ko makaya ang sakit noon. Hindi mo tinupad ang pangako mo...at hindi ka na lubusang akin. Ang masakit pa, kay matthew pa mismo. Sa taong minahal mo ng sobra. Hindi ba insulto yon para sakin? Na sa kabila ng lahat ng pinagsamahan natin, sa kabila ng pagsisikap kong tuluyang maangkin ang iyong puso, sa huli'y siya pa din ang pinili mo." Ang sabi niya, puno ng hinagpis ang boses.

Bakit niya sinasabi ang lahat ng ito gayong paalis na ako.

"Alam ko na ang lahat ng iyan. Alam kong nasaktan kita at lahat lahat. Pero madami na din akong pinagdaanan Liam. Gusto mo din bang ikwento ko ang sakit na naranasan ko dahil sa pagmamahal sayo? Pero wala nang halaga kung patuloy tayong magsusumbatan...wala na rin itong patutunguhan." Ang sabi ko sabay tayo. Tumayo din si kuya at saka niyakap akong nakatalikod. Umiiyak ba siya?

"hindi kami ni Matthew. Pagkatapos ng araw na magkita kami, nagi na lang kaming magkaibigan. Sayong sayo na ang puso ko noon kuya. Pero ano pa't na kay leah na ang puso mo." Napatigil naman siya sa sinabi ko.

"A-anong ibig mong sabihin?" Tanong niya, habang pinapaharap ako sakanya. Tinitigan niya ng maigi ang mga mata ko. Napaka-amo ng mukha ni Kuya. Streak marks of teardrops were visible in his cheeks.

"Oo, aalis na ako. Lilipat na ako ng eskwelahan sa Maynila. Malayo sayo kung saan hindi mo na ako makikita. At marahil, balang araw, malilimot ko na rin ang lahat tungkol satin at matanggap na hindi na ako ang laman ng puso mo. At kahit kailan----" Napatigil ako dahil he gently held my face with both hands, reminding me of our first kiss, and kissed me. Nagpumiglas ako at kumontra, ngunit hindi ko kaya ang lakas ni kuya. At hindi nagtagal, tuluyan na akong nagpaubaya.

"You can't leave. You can't simply leave me here like that." He whispered habang magkadikit ang aming noo. He kissed me again, gently and passionately. Next thing i knew, nasa loob na kami ng kubo ni kuya, and then he was making love to me again.

This time it was different. Napa-ka gentle niya at mas may control. Lagi niya ako pinapaliguan ng halik, at hinahanap lahat ng kiliti ko. Sino nga ba ang makakapalag sa ganoon. I can really feel his love and warmth during our love-making. Nag-uusap ang aming mga puso, at pinagsisigawan nito ang aming mga naguumapaw na damdamin. At noong nasa rurok na kami ng makamundong kaligayahan, he managed to say

"Mahal din Andrey...mahal na mahal kita...more than you'll ever know."

--------------------

We were still both naked at parehong nakatingin sa dingding ng kubo. We both realized how much we still love each other. At dahil doo'y abot langit ang aking kasiyahan. Hindi ko man alam ang mga mangyayari pa sa hinaharap, at least i have one thing that i'm sure of; mahal pa rin ako ni kuya.

"K-kuya....may dahilan pa ba para magtransfer ako't pumunta sa Maynila?" Ang tanong ko.

"Wala naman talaga. Whether you like it or not, hindi ka makakatransfer noh. Matatapos na ang school year, next month graduate na tayo. Sa tingin mo papayagan ka pa nilang mag-transfer? O kaya tatanggapin ka pa sa ibang school?" Sarcastic niyang sagot. Inilagay niya ang maskuladong-kanang-braso sa ilalim ng ulo ko para gawing unan.

"Ha?! Kung ganon, bakit...bakit hindi ka pumayag na umalis ako?" Tanong ko habang naka-kunot noo.

"Despite na alam kong hindi ka na magta-transfer, the idea na hindi na kita makikita awaken me. Alam kong after na mag-graduate tayo, maaring tuparin mo na ang pangarap mo sa malayong lugar...at naisip kong hindi ko kakayanin kung doon tayo magtatapos. Sa tagal na inibig kita, sa tingin mo ba gugustuhin kong basta ka na lang pakawalan?" He said, smiling.

"Bakit ngayon mo lang naisip yan?" Nagtatampo kong tanong. "Do i really have to undergo hell bago mo naisip na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal mo din si Andrey?"

Gumalawa siya papalapit saakin without removing his arms around me, at saka inilapit ang mukha sa mukha ko.

"Na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal na mahal ko si Andrey? Lalo na kapag naririnig ko nang umuungol siya?" He teased me. Nagblush naman ako.

"Wag ka nga. Ibig sabihin mahal mo lang ako kapag umuungol ako? Li*** mo naman kuya." Nagmamaktol kong sabi, gumulong ako para lumayo sakanya pero pinigil niya ako.

"After all this time, ngayon mo lang narealize na mal***** ako? haha! funny. Kaya ngayon, i would just remind you why, and how." He said sabay halik saakin bago pa man ako maka-protesta. (Ang tanong, po-protesta pa ba si ako? HINDI.)

At muli, iwinagayway ko ulit ang puting watawat at nagpaalipin sa kapangyarihan ni kuya. (Magtatanong kayo kung pang ilang round na? Wag na....nyahahaha*evil laugh*)

"Basta tandaan mo na mahal na mahal kita. Nabulag man ako ng galit at nakagawa ng masasama saiyo, this time, i will never let you go. Nagpaka-tanga ako and i was acting childish. So please forgive me and let's start anew." Ang sabi niya ulit bago kami umuwi.

Pagpasok ko nung lunes, nakita ko si kuyang naghihintay sa labas ng bahay saakin. He smiled so sweetly that i almost melted. Saka sabay kaming pumunta sa school.

Ilang araw pa ay kumalat na ang balitang break na si kuya at si leah. Hindi naman ito dinamdam ni leah at sinabing 'nakipaglaro lang daw siya.' Hindi ko alam kung cover up lang iyon o sadyang naglaro lang talaga sila ni kuya.

Inayos ko na ang pag-aaral, ngunit nahirapan na ako bawiin ang mga quizzes at recitation na pinalagpas ko. It was also difficult to win the teachers' hearts again, pero pinatunayan ko ulit sakanila na i deserve a second chance. Although its a little bit too late, i still managed to rank 6th on the 4th grading.

Ginawa naman namin ni kuya ang lahat upang lubos-lubusin ang mga natitirang araw bago ang graduation. Nagkakaroon din naman ng complikasyon kung minsan, ngunit sabay naman namin itong nalalagpasan at na-oovercome. Living life to the fullest ang naging theme namin ni kuya.

Sabay sabay naming tinnggap ang diploma noong ika-29 ng Marso. Si Matthew ang aming valedictorian, na pinasyang mag-aral sa Bicol University with the scholarship. Si Kuya Liam naman ang naging salutatorian, at ako'y pang-apat dahil sa pagpapabaya ko. Ngunit ganoon pa man, proud na proud pa rin saakin sina mama at papa.

"Life is a remarkable occasion. And after this remarkable occasion, I hope everyone of us will have a remarkable achievement." Was the last line on Matthew's valedictory speech.

Hindi naman namin mapigilan ang umiyak nang kantahin ang aming graduation song na "Today my Life begins" ni bruno Mars. Nag-flash back saakin ang lahat ng pinagdaanan ko at lahat ng mga memorable experience na nangyari saakin simula noong tumuntong ako sa paaralang ito. Iyakan at yakapan ang nangyari noong matapos na ang graduation ceremony. Group hug kaming tatlo nina Matthew at Ella. Nakita ko rin na umiiyak si Leah habang niyakap siya ni kuya.

"Maraming salamat Andrey. Kung hindi dahil sayo, hindi sana ako magpupursige na tapusin ang pag-aaral ko. Salamat sa oportunidad na ibinigay mo, at higit sa lahat, sa pagmamahal." Ang sabi din saakin ni kuya habang yakap yakap ako. "Isa ka sa pinakamagandang nangyari saakin sa mundong ito."

Habang suot suot namin ang aming mga puting toga, at isa-isa naming tinanggap ang aming diploma, it also marked the start of our journey as we face the challenges of the real world. The world outside the safe havens of our alma mater. Nagsisimula pa lamang ang totoong hamon ng buhay. Ngunit natutunan ko nang magpaka-tatag habang sinusuong ito.

That day's achievement may be forgotten, the medals and certificates may gather dust among our shelves, the loud applause may just become a distant memory. But everyone of us would be remembered for caring someone, for helping someone, and for making someone feel special.
________________________________________________________________

"Ang break shot..." ani ni kuya liam ilang araw matapos ang graduation sa isang billiard house sa aming barangay. "ay ang unang shot kapag naglalaro ka ng billiard when the balls would start rolling." Pinusisyon niya naman ang sarili para gawin ang break shot. "When the ball starts rolling, bahala ka na sa mga susunod na tira."

He smiled at me.

Oftentimes, the Break Shot in our lives are made by different people. Matthew made the first break shot in my life, when he made me fall for him. Nagsimula doon ang unang pagbabago sa aking pagkatao. Di naglaon, ako na ang nagdesisiyon kung paano ko ipagpapatuloy ang pagbabagong ginawa niya, the second and the following steps depended on me. He made another break shot in my life noong sabihin niya ang masasakit na salita saakin isang araw sa likod ng room, sa may sea wall. Dahil doo'y nagkaroon ng bagong direksyon ang aking buhay. At dahil sa break shot na ibinigay ni Matthew, nagawa kong magtagumpay at patunayan sa sariling 'kaya ko.' Kuya Liam also made significant Break Shots in my life. Tinulungan niya din akong ipagpatuloy ang break shot na ginawa ni Matthew. Dahil sakanya'y pinilit kong maging matatag, at matapang na harapan ang bawat hamon ng buhay.

The thing is, when those persons starts the random Break Shots, saatin na naka-depende kung paano natin ito ipagpapatuloy, tatapusin at pagtatagumpayan. Maaring ang bawat bola ng billiard ay mangahulugan ng mga pangarap at hangarin natin sa buhay, kung saan ginagawa natin ang lahat upang matupad ito. Some break shots are definitely life-changing. Some are optional. Mostly are inevitable.

After a month, nasa bus na ako papuntang Maynila upang simulan ang unang hakbang sa aking pangarap; ang mag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas. I can't stopy my tears from rolling down my cheeks when i saw the trees swiftly passing as i rode the bus. I left with a heavy heart, dahil ayoko pa ring iwan si kuya at ang magulang ko, ngunit i can't be stuck there forever. I need to move on with life, and accept the changes it requires as time passes by.

Napag-desisyunan din ni kuyang mag-aral sa isang polythecnic college sa karatig bayan. Dahil nga salutatorian siya, mayroon siyang 50% discount sa tuition na malaking bagay na din. Agriculture pa din ang kinuha niyang course, ngunit masaya ako dahil ako ulit ang nagpumilit sakanyang mag-aral ng college. At pumayag naman siya. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay para saamin ni kuya sa hinaharap. Hindi rin namin alam kung ang mga nararamdaman ba namin ay pang habang buhay. Ngunit naroon ang pangako at magagandang ala-ala ng pagmamahalan namin sa isa't-isa. Isang pagmamahalan na sinubok din ng panahon at pagkakataon.

Balang araw, kung gugustuhin natin, maabot natin ang ating mga pangarap. Darating ang panahon na lahat ng paghihirap natin at pagsisikap ay magkakaroon ng kapalit. Magbubunga din ang lahat ng ating mga tinanim. At sa haba ng ating paglalakbay, darating din ang araw na masusumpungan din natin ang kaginhawahan at katuparan ng ating mga pangarap.

At kapag nasa rurok na tayo ng tagumpay, let us not forget the people who made significant Break Shots in our lives.

Like Matthew and Liam.

Totoong Wakas.

34 comments:

  1. i am expecting a sequel of this series.. please!!! i am begging you!! :)

    ReplyDelete
  2. wohooo! TWO THUMBS UP! I salute the author for this...I learned many things in this story...and i cried every chapter huh...sana may susunod pa na ibang story...ALL THE BEST!

    ReplyDelete
  3. Parang may naghihintay na bagong kabanata sa UST..ang galing nagging part din sa buhay n Andrey..pero tama na ending na to...inspiring.. Congrats

    ReplyDelete
  4. I cant believe it natapos na talaga ang istoryang ito! No more stories to look foward to sigh! But then again thank you for sharing and inspiring us! Good luck on your future endeavour and the best of luck to you and liam!

    ReplyDelete
  5. Jayjem here,. Its just now that i will give my comment to this story at sa kwentong ito lang ako nagbigay ng komento... From the first chapter to the finale it was inspiring and will give you lessons that would make you move, grow and mold to a better individual. Two thumbs up! Bravo bravo bravo!

    Di ko kang po na accept na tapos ang kwento... Inabangan ko kc talaga each chapter, parang ayoko ng matapos pa dahil ang ganda at ang galing sobra pa sa sobra!

    Almost perfect kaya congratulations!!!

    ReplyDelete
  6. Masterpiece indeed... Great writer author.

    ReplyDelete
  7. nice story AUTHOR!! Ahhh it gives me a alot!! A very very very nice story!!! ang galeng!! Nakaka bilib!

    ReplyDelete
  8. I almost cry when i read all the series of this story. Kudos to you author. I love the way you put spices story that when i read it, seems im travelling from the story itself and i can feel every emotion. Salamat kasi it gave me inspiration. ;)

    ReplyDelete
  9. Matagal kong inantay yung part 13, but I can't believe I'm already reading the finale. Anyway, maganda siya, well written, keep up, sana talaga may sequel, about college adventure naman this time, sana may story din kayo ni Dylan.
    Hope can find my Matthew or Liam too. hahaha :-)

    -demigod

    ReplyDelete
  10. nice story author... all in one, sana gawa ka ng group at ikaw ang leader.

    ReplyDelete
  11. OMG, book 2 please author! Im sure may story din dila ni dylan. Please please Mr. Author! Thanks...

    ReplyDelete
  12. Author parang awa mo na utang na loob Paki gawan ng sequel, para ako mamamatay kakaiyak dito. Grabe wala akong masabi as in walang wala =((

    ReplyDelete
  13. anglupeet mo!!!wla kang katulad!!!wapak!!!grabe k author prang ibinuhos mo nbuong puso't kaluluwa mo sa istoryang ito.i felt ur soul in every chapter and i was consistently moved by such wonderful story you have written.a real maasterpiece.thank u for sharing it with us.

    ReplyDelete
  14. nakakalungkot na natapos natong storya... pls author book two na.. o can't believe your story is one the best I've read in my entire life... really author you made me cry and inspire for each chapter that you wrote... kudos to you and god bless..

    ReplyDelete
  15. This. Is. One. Of. The. Things. That. Must. Not. End. I love the story. I love how it made my heart pump harder than it usually did. I'm so attached to the characters so much that I cant believe that what I was reading is the finale. I cant let go. Every day, I always remember the story and become a fuel that makes my motor running. Please. Author please. Make a sequel. I cant consider this story a perfect one. Because there's a flaw. The flaw is it ended.

    ReplyDelete
  16. ganda swak na swak b0ok 2 auth0r please ayu kung mag end like this laking kawalan xa KM pag di ka gumawa ng bo0k 2.
    .magaganda kc auth0r di ko ma tanggap na matatap0s na..
    .salahat ng pinag c0mentohan q xa mga st0ry d2 lng talaga ako nag maka,awang gumawa kpa ulit...
    .sapat na siguro t0ng mga c0mment nmin pra gumawa kpa..!!!
    .please!!!!!!!

    ReplyDelete
  17. Congrats Author! Da best ang kwento mo sobrang nakaka inspired at hindi nakakasawang paulit ulit na basahin ang kwento mo sana gaya ng madaming nagrerequest magkaroon ng book 2 ang kwento mo. Mabuhay ka!

    ReplyDelete
  18. the best story I read so far.. thank you for sharing this Andrey.
    medyo ka relate ako dito. medyo parehas yung ngyari satin puro nga lang lust walang love..sigh kelan kp kya mhahanap ang Liam ng buhay ko

    -wayne-

    ReplyDelete
  19. Sa loob ng dalawang n taon kong pgbabasa dito sa KM ngaun lng acoh mgco2mment... kudos to u andrey!.. ganda ng kwenti, wla man maxadong malibog n exsena pero maho2ok k sa gnda ng plot ng kwento...

    ReplyDelete
  20. The story was not written perfectly, rather it was written beautifully and I think that was the intention of the writer. I started reading it because of the comments and I just couldn't stop. This kind of material makes us realize and appreciate love deeper, not just its superficial meaning. Congratulations writer you made me write a comment for the first time :-) more power!


    *mir

    ReplyDelete
  21. itutuloy din tong story. I know. Lalo pa't sa ust na, which is manila? Haha.

    ReplyDelete
  22. LETTER TO THE AWESOME AUTHOR.
    Hi! Im Isaiah!
    Last 2012 Im already suki na with this page. Then after several months , nabored na nako. Well, yes puro talaga siya kalibugan( As the Blog title shows) , Most of the stories here are the same pero at the same time interesting parin namn, yun nga lang naumay ako. lol. Okay,After (almost) 2 years na hindi ako nagbasa ng stories dito, one day i decided to visit this page again, and same things goes ganun padin yung mga stories, pero when I accidentally click the title "Break Shot Part 13 FINALE" medyo nacurious ako, esp nabasa ko yung mga comments, then i started to look for the archives and start reading the part 1. Yes wala nga siyang part na nakakalibog but then, there was something special with the story that will keep you searching for the next part. And every part is awesome indeed at nakadagdag siguro na nakakarelate ako sa ibang scenes sa story. Super duper tagal ko magmove on sa binasa ko, i felt sad after reading the last part pero sabi nga nila kailangan matapos ang isang story (like Harry Potter) kahit ayaw mong matapos. Well Great job Mr. Andrey! I have a lots of question na gusto kong itanong sayo, i hope you will give a chance asking those q. This is not my real acc, (well you can use facebook dummy acc too,) isaihisaiah@gmail.com (Your discretion if you'll add me or not) . Youre very awesome writer, you touches our heart and lives and that will be the one thing that can describe the story, awesome. 5Thumbs up for you. Hindi ako mahilig magbasa as in, and wala akong idol na writer. ( I think this will be the first time) Pero may konting pagsisisi din ako dahil binasa ko to, kasi until now nagmomove on padin ako sa story. haha well thats all! Hoping for your response soon, (Just Hoping*fingercrossed) Thank you and All the best!
    -Isaiah


    ReplyDelete
    Replies
    1. Hey,,, you've just written and commented what is exactly i was thinking with this novel! It almost gave me a heart attack most of the time. And with this, i really don't care if there is no nakakalibog na part! I didn't stop reading until i finished the whole story! It was so nice!������

      Delete
  23. so nice sobrang ganda ng story po at talagang seryoso kong binasa at iniimagine ang bawat detalye ng kwento hnd eto dahil sa libog o kung man hanap ng katawan kundi pagmamahal na pinadanas sa bawat daraang aral wow grabe ang ganda sana someday may makabasa nito kung cnu man ahahha sana lang maging indie movie eto papanuorin ko talaga ehhh at may kapupulutang aral ka dito aun nga lang may tyms na ahahha martir ang peg i like et muahw

    ReplyDelete
  24. Hays Its been to days na since i read your story pero d p rin ako maka pag mive on kay liam
    juan Miguel frm bulacan

    ReplyDelete
  25. Andrey this is Matthew, i still cant move on bibigyan kita dahilan para sulat ka ng more chapters hahahha! Galing mo author thanks for this. Worth it ang pag skip ng classes today. God bless you and always be happy!

    ReplyDelete
  26. good job author, i love the story but, sana sa lahat nang pagdurusa ni andrey d nya sana bastt basta na napatawad c liam , at sana author pinahirapan mo rin c liam , nakaka awa kasi c andrey. he he he

    ReplyDelete
  27. to: author
    this comments its sound that I'm bitter person but u can't blame me for what happen to andrey,. he suffered a lot more than liam pero bakit ganun author ang bilis naman ata na pinatawad nya c liam nang ganun ganun nalang sana ginawa mo sana syang pusong bato sana medyo pinahirapan mo naman c liam na suyu in ulit c andrey, coz andrey deserved it , pls author baguhin mo ang inding , kasi mapapatay ko c liam sa ginawa nya , pls

    ReplyDelete
    Replies
    1. The feeling is mutual, Ganun din gusto ko, kaya Lang nangibabaw padin ang love... ANG love NA yan!

      Delete
  28. Kawawa ka naman, Andrey. Sobra kang binaboy, winalanghiya, sinaktan, ginago, binastos at lahat lahat na. Gago ka rin eh kasi hinayaan mo sya. Pero ganyan talaga ang buhay, di ka magiging masaya if you are not able to forgive, if you are not able to set aside your pride, if you are not able to love.

    Sorry sa comment ko. Nakita ko kasi ang extent ng gagawin ko if this happened to me. Anyway, salamat ng marami sa author. Thank you so much for the good read. :)

    ReplyDelete
  29. this story really affect me..

    ReplyDelete
  30. OMG!!! Two nights akong napuyat at 2 days akong nawalan ng focus sa trabaho dahil sa kwentong ito... Sa tingin, napaka ganda nitong gawan ng movie or a Maalaala Mo Kaya episode... Siguradong maraming makakarelate at matututo ng iba't-ibang lesson ng buhay sa kwentong ito.... Gusto ko sanang kopyahin ang kwentong ito kaso d ko alam kung pwede at kung paano... I wanted to use this in our personality development and values formation sessions with the youth in our town... Thanks author for this wonderful, heart-warming and nerve wracking story! K
    Sana sumulat ka pa ng maraming inspiring
    Stories...

    ReplyDelete

Read More Like This