Pages

Sunday, July 27, 2014

Yakap ng Langit (Part 6)

By: James Silver

Chapter 6: Raffy’s POV

Hanggang ngayun iniisip ko pa rin ang mga nangyayari sa amin ni James. Hindi ko alam kung may mapupuntahang maganda ang relasyon namin. Baka kasi masyado kaming naging padalos-dalos sa mga naging desisyon namin. Kung tatanungin naman ako kung masaya ba ako eh, syempre napakasaya ko dahil matagal ko na rin namang gusto ito. Ang inaalala ko lang eh, hindi na kami magkaibigan ngayun kundi magkasintahan na. Pupwede rin bang maging magkaibigan ang magkasintahan? Hindi ko pa alam. Sa mga naging karanasan ko kasi sa pakikipagrelasyon eh, mukang malabo. Lahat kasi ng naging ex ko eh galit sakin. Pero bata pa talaga ako noon. Ngayun mas matanda na ako, mas malawak na ako mag-isip. Mas seryoso na ako. Kaya nga nag-aalala ako dahil pumasok na kami sa mas seryosong sitwasyon. Tama ba o mali ang mga ginawa namin? Hindi naman ako naguguluhan tungkol sa nararamdaman ko sa kanya. Isa pa matagal ko ng alam sa sarili ko ang pagkatao ko. Noon pa man ay nagkakagusto na ako sa kapwa ko lalaki. Siguro mas mahalaga sa akin noon kung papano ako kikita ng pera kesa intindihin kung anong lagay ng seksuwalidad ko. Kaya ngayun ko lang natatanggap ito sa sarili ko. Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip ni James tungkol dito. Mahirap kasi talaga basahin ang isip nya. Malayong malayo kasi sa mga ikinikilos nya ang nilalaman ng utak nya kaya ganun. Masaya ako para sa amin, kaya bahala na. Hihintayin ko na lang na sumabog sa mukha ko kung ano man ang kahihinatnan nito.

Dumating na ang pasukan. Puro aral na naman. Parang nabitin nga ako nung bakasyon kasi masyadong masaya, kaya parang ayaw ko pa pumasok. Inaalala ko si James dahil hindi natuloy ang balak nyang makapag-aral ngayun dahil pinahihinto ko na sya sa gawain nya. Gusto ko nga sanang sabihin sa nanay ko na sya na ang magpa-aral kay James. Kaso si tukmol naman ang may ayaw. Gusto nya raw makapagtapos sa sarili nyang pagsisikap. Minsan hindi ko nga maintindihan kung bakit kailangan nya pang gawin yun e, nandito naman ako. Handa naman akong tumulong ganun din ang pamilya ko sa kanya. Masyado kasing ma-pride eh. Inintindi ko na lang sya kesa sumakit pa ang ulo ko sa pakikipagtalo sa kanya. Hihintayin ko na lang kung kelan sya hihingi ng tulong. Nagtatrabaho na sya ngayun sa isang catering. Yung dati nyang kliyenteng si Glenn ang tumulong sa kanya dahil kaibigan nito ang may-ari.
Kahit na medyo alangan ako sa tao na yun e, pumayag na rin ako dahil magiging mas matino na ang trabaho nya. Tutal malaki naman ang tiwala ko kay James eh. Pero mula nung makapasok sya dun eh, medyo naging madalang na ang pagkikita namin. Naging busy na sya sa trabaho. Araw-araw akong nagtetext sa kanya dahil hindi naman nya sinasagot pag tumatawag ako. Kung magreply naman sya e sobrang late na kaya umaga ko na nababasa. Halos magdadalawang buwan na rin kaming ganun. Kaya eto, inaatake ako ng katamaran dahil wala ang inspirasyon ko.

Grabe nahirapan talaga ako gumising, dapat talaga sinanay ko na yung sarili ko na gumising ng maaga eh. halos nakapikit pa ang mga mata ko habang naghahanda papasok sa school. Parusa to. Pag pasok ko ng school, ay nagtext si Christian sa akin. Yung kaibigan daw naming si Katrina ay lilipat daw sa school na pinapasukan namin. “shit,” sabi ko na lang sa sarili ko. Si Katrina ay nakilala ko nung nagbo-voice lesson ako. Maganda sya pati na rin ang boses nya. Mas matanda sya sa akin ng isang taon. Mayaman rin sya pero hindi mo yun mahahalata sa kilos nya. Para kasi syang lalaki kung umasta. Marami ring lalakeng nagkakagusto sa kanya, dahil sa ugali nyang yun. Wala kasi syang kaarte-arte sa katawan. Pero sa dinami-dami ng mga lalakeng nagkakagusto sa kanya eh, sakin pa sya naloko. Tsk! Haynaku siguradong magiging magulo ang buhay ko dahil sa kakulitan nya. Pinuntahan ko sila, at nang makita ko na ay biglang tumakbo si Katrina papunta sa akin at sabay damba.

Raffy: Ahh! Grabe ambigat mo naman. Bumaba ka na nga tsk!

Katrian: Uy! Pare, kumusta? I’m sure namiss mo ako. Pero hindi na ngayun kasi araw-araw na tayo magkikita. (panay ang tapik sa balikat ko)

Raffy: Ah, oo nga hehehe (pilit kong sagot, Tsk! nag-uumpisa na sya)

Katrina: Anong klaseng reaksyon naman yan. Parang ayaw mo ako makita, batukan kita jan eh.

Raffy: Masaya naman, kaso ang aga mo mangharot. Tsk!

Christian: Hahahaha! Naku ano kayang mangyayari. Parang may dapat ako abangan.

Nagpahaging na naman si Christian. Siraulo talaga, parang gustong gusto nya na mahirapan ako. Tsk! Parang pinaparusahan nya ako dahil sa pakikipag-relasyon ko kay James pati na rin sa paglilihim tungkol sa nakaraan namin. Nagtampo kasi sya nung umamin kami sa kanya.

Nagsipasok na kami sa kanya-kanya naming mga klase. Buti na lang at hindi kami magkakaklase dahil pag nagkataon hindi talaga ako makakapag-aral ng mabuti. Dahil siguradong walang gagawing matino sa akin ang mga yun.

Tinatamad pa talaga akong mag-aral. Habang nasa loob kasi ako ng room eh, nakatingin lang ako sa bintana. “Sana uwian na” nasabi ko na lang sa sarili ko. Nagpatuloy ang buong araw na ganun lang ako. Hanggang sa mag-uwian na nga. At kagaya ng inaasahan ko. Inaabangan ng dalawang asungot na to ang pag-labas ko. Nang makita nila ako ay agad naman nila akong niyayang tumambay sa bahay nila Christian. Nagkwentuhan kami, kumain at uminom ng kaunti. Sobrang dami nilang naikwento, WALA AKong naintindihan dahil hanggang ngayun wala akong gana sa kahit ano. Si James lang ang laman ng utak ko. Ano na kaya ang ginagawa nya sa mga oras na to? Malamang pagod na sya at gusto na nya magpahinga. Hays sana kasama ko sya ngayun. Matapos ang walang kakwenta-kwentang pagtambay namin ay nag-uwian na rin kami sa wakas. Dun lang ako parang nagkaroon ng sigla. Balak ko kasi pumunta sa bahay nila James.

Papalabas na kami ni Katrina ng sabihin nya sa aking

Katrina: Mamaya na tayo umuwi. May pupuntahan pa tayo, sama ka dun sa debut ng kapatid ko.

Raffy: Hindi pwede, may pupuntahan ako. Hindi ko naman kilala yung kapatid mo e, at tsaka hindi ako imbitado

Katrina: Takte! Nakakainis, kaya nga ako ang nag-iimbita sayo e.

Raffy: Hindi nga pwede, may pupuntahan nga ako. Maghanap ka na lang ng iba.

Katrina: Kanina ka pa ganyan ah. uupakan na kita eh. hmmp makaalis na nga lang leche.

Raffy: Mag-iingat ka ah. Magtext ka sakin pag nakarating ka na dun.

Katrina: Ah, ewan concern pa kunyari. Alis nako!

Umalis na rin sya, sa wakas.

Kahit alam kong hindi ko maaabutan si James sa kanila e, pumunta pa rin ako. Tutal balak ko rin naman na kumustahin sila nanay Martha e. Ilang linggo ko na rin silang hindi nakikita. Nagtext ako kay James, nagpaalam ako na pupunta ako sa kanila. Alam kong walang magrereply kaya hindi ko na hinintay. Pagdating ko sa bahay nila ay agad kong nakita si nanay Martha at tatay Rene.

Raffy: Nay Tay! Kumusta? Wala pa ba si James? (tinanong ko si James para lang may masabi)

N. Martha: Oh, napadalaw ka. Halika tuloy ka. Naku mamaya pa ang uwi nung batang iyon. Halos madaling araw na nga kung umuwi yun e.

Raffy: Ah ganun po ba? Kayo po kumusta na po kayo?

N. Martha: Eto ayos naman. Medyo may konting problema lang. Nagpunta na naman kasi yung katiwala nung may-ari ng lupa dito kaninang umaga e. Alam mo na katulad ng dati, pinipilit na naman nila kami paalisin dito.

Raffy: Ah, yun po ba? Matagal na yun nay diba, baka naman wala lang yun, nandito pa kami pinapaalis na tayo nung kalbong yun diba?

N. Martha: Oo, nga pero mukhang seryoso na talaga sila kanina eh. Sa isang buwan daw darating na yung may-ari at magpapadala na daw sila ng demolition team dito. Eh wala pa naman kaming malilipatan.

Raffy: Hayaan nyo po nay babanggitin ko po kila nanay para makatulong po kami sa inyo.

N. Martha: Maraming salamat, pero kahit wag na siguro makakagawa naman siguro kami ng paraan.

Raffy: Nay naman eh, para namang ibang tao kayo sa amin nyan e. Sino pa bang magtutulungan kundi tayo-tayo lang rin. Tsaka pamilya na rin namin kayo e kaya siguradong hindi namin kayo pababayaan.

N. Martha: Eto naman nagtampo agad, pag hindi namin kinaya hihingi rin kami ng tulong sa inyo.

Nagpatuloy ang usapan namin ni nanay Martha. Bigla akong nagkaroon ng alalahanin dahil sa ibinalita nya sa akin. Sa laki ng utang na loob namin sa pamilya nila nakakasiguro akong hindi sila pababayaan ng mga magulang ko. Kaya kailangang mabanggit ko kaagad ito sa kanila. Mag-aalas nuebe na rin ng gabi kaya naman dun na rin ako nakikain. Gustong gusto ko talaga silang kasama kumain dahil masaya sa pakiramdam na kasama mo kumakain ang pamilya ng taong pinahahalagahan mo. Matapos kami kumain ay tumambay pa ako ng kaunti. Hihintayin ko pa sana si James pero mukhang uumagahin na sya. Kailangan ko na ring umuwi dahil maaga pa ang pasok ko kinabukasan. Biglang naramdaman ko na naman ang katamaran.

James’s POV

Abalang abala kami ngayun sa pag-aasikaso sa debut. Puro mayayaman yata lahat ng nandito. Napakalaki at napakaganda ng bahay. Anlawak pa ng bakuran kaya siguradong mayaman yung may birthday. Medyo marami din ang tao, maya’t maya sila may iniuutos sa aming mga waiter. Nagsasawa na nga ako sa katatawag nila eh. Nakakapagod pala magtrabaho sa ganito. Nakakailang pa kasi puro mayayaman yung mga pinagsisilbihan namin. Medyo nasasanay na rin ako. Kailangan ko itong trabahong ito eh. Una, pang suporta sa pamilya ko pangalawa, ayaw na ni Raffy sa gawain ko dati kaya pinilit kong makapasok dito.

Buti na lang at natulungan ako ni Glenn. Kaya kahit na hindi ako nakapag-high school eh natanggap ako. Matalik kasi nyang kaibigan yung may-ari nito na si sir Anthony. Kagaya ni Glenn eh mabait din si sir Anthony. May kaya din naman si Glenn pero hindi katulad ni sir Anthony na bukod dito eh nagmamay-ari pa ng isang hotel. Sa hotel naman kasi talaga nakabase itong catering. Lumalabas lang kami pag may request galing sa mga regular clients nila. Isa pa, meron ding nag-aasikaso doon kaya yung grupo namin ang madalas dalhin kung saan-saan.

Masakit na ang balikat ko sa kakabuhat nitong tray. Kahit na hindi sya ganoong kabigat, nakakangalay naman dahil sa matagal na nakaangat ang braso ko. Tagak-tak na rin ang pawis ko sa kakaparoot parito kaya naman panay ang punas ko. Medyo maaarte kasi yung ibang bisita makakita lang ng konting pawis e, nandidiri na. Sa dami ng mga nag-uutos eh natataranta na ako kung sino ang uunahin. Nang biglang napahinto ako, dahil nakita ko yung babaeng bagong dating. Maganda sya, pero hindi katulad ng iba na magaganda ang suot. Itong babaeng ito eh mukhang galing pa ng school dahil sa suot nya. Nagmamadali sya dahil parang kabayo sya kung makatakbo. Sinundan ko sya ng tingin at nakita kong lumapit sya doon sa may birthday at humalik dito. Malamang kaibigan nya yun. Nagtuloy na ako sa ginagawa ko, nagserve ako ng mga inumin sa grupo ng mga babae’t lalake na nandun malapit sa may birthday. Makikita ko na nang malapitan yung babaeng kararating lang. Pagkalapit ko dun sa grupo eh, agad kong ibinigay ang mga inumin nila. Habang paikot akong naglalapag ng mga inumin ay may biglang pumatid sa akin dahilan para mabuhos sa lalakeng nasa harap ko yung natitirang dalawang baso ng inumin.

Lalake: What the fuck! Hey you moron, what the hell are you doin?

Pinagsisigawan nya ako. Panay naman ang hingi ko ng tawad sa kanya dahil hindi ko naman talaga sinasadya. Pero galit pa rin sya at ilang beses nya rin akong tinawag na tanga. Nagpapanting na ang tenga ko sa kakadak-dak nya. Sinabuyan nya ako ng inumin, gusto ko na sya gulpihin pero nagtitimpi ako dahil baka tanggalin ako sa trabaho. Nang biglang lumapit sa amin yung babaeng tinititigan ko kanina.

Babae: Oh! Babe anong problema? (nabigla ako dahil ako ang tinatawag nyang babe dahil sa akin sya nakatingin)

James: Ha? (sa pagkabigla hindi ko na nagawang magsalita)

Babae: Ahy, yung babe ko basang basa na yung mukha.

At kumuha sya ng inumin at isinaboy dun sa lalakeng nabuhusan ko, pagkatapos nya gawin yun e hinawakan nya ito sa kwelyo. Nabigla yung lalaki sa ginawa nya.

Babae: Refreshing diba? Ayusin mo yang ugali mo ah. Wala ka sa inyo para umastang amo. Nasa bakuran ka ng bahay namin kaya maghinay-hinay ka sa kilos mo baka gusto mong matuwa ako sayo at kaladkarin kita palabas.

Birthday Girl: Sis that’s enough. Siguro naman naintindihan nya na yan. Kayo naman guys let’s continue the party, pasensya na rin kayo sa ate ko, nawawala ang ganda nyan pag nagalit. Kaya nga maraming takot dyan eh.

Babae: Dapat lang na naintindihan nya na yung sinabi ko dahil kung hindi babangasan ko to. Babe sige na balik ka na sa trabaho mo ako na bahala sa mga tarantadong to, sila naman ang pagtitripan ko. I’m sorry sis I ruined your birthday. Hindi ko lang talaga matiis eh.

Birthday Girl: Ok lang yun super sis. Ako na ang bahalang kumausap dyan sa friend ko. sorry din kuya ah, medyo mahilig lang talagang mantrip tong mga to. Wag ka mag-alala kami na ang bahalang magpaliwanag sa bossing mo.

Halos tulala akong bumalik sa ginagawa ko. Humanga talaga ako sa tapang nung babae. Nagawa nya pa akong tawaging “babe” para lang ipagtanggol ako dun sa mga bisitang nanti-trip sakin. Napangiti na lang ako dahil para syang amasona o mas magandang tawaging babaeng sanggano sa kanto. Mayaman pala sya dahil kapatid nya pala yung may birthday.

Hindi ko na napansin ang oras, tuloy-tuloy lang ako sa pagtatrabaho. Nasa isip ko pa rin yung babae. Ano kayang pangalan nya? Ilang taon na kaya sya? Yun sana ang mga gusto kong itanong sa kanya kaso hindi pwede. Baka hindi rin ako pansinin nun.

Natapos na ang party at malapit na rin kaming matapos sa pagliligpit. Grabe talaga, latang lata na yung katawan ko sa sobrang pagod. At bigla kong naisip si Raffy, dahil sa mga ganitong pagkakataon yung lambing nya lang ang nakakaalis ng pagod ko. Sa gitna ng pag-iisip ko ay may bigla na lang tumapik sa akin. Pag lingon ko ay yung amasona pala.

James: Ahy, may kailangan po ba kayo mam?

Katrina: Katrina ang pangalan ko, at wag mo akong tawaging mam, nagmumuka akong sitenta anyos. Katrina na lang para sangga na tayo. ok ba? Pasensya ka na kanina ah, mayayabang talaga yung mga gagong yun eh. ano nga palang pangalan mo?

James: Ah James po. Ok lang po yun sanay na rin naman po ako. Salamat nga po pala dun sa kanina.

Katrina: Ah yun ba wala yun, ayaw ko lang talaga nakakakita ng ganun eh. mabilis maginit ang ulo ko. konti na lang babangasan na rin kita eh, pino-po mo pa ako eh.

James: Ah sorry, hehehe di ako sanay eh. Kliyente kasi namin kayo.

Katrina: Wag mo akong isali sa mga kaartehan nila. Sila lang ang kliyente nyo. Pwede naman mag-birthday kahit walang ganito eh. Sige na baka pagalitan ka na nung boss mo.

Bumalik muli ako sa pagliligpit. At nang matapos na kami ay agad kaming nagpaalam para umalis na. dahil ibabalik pa namin yung mga gamit sa hotel. Nang maibalik na namin yung mga gamit ay nagkanya-kanya na kami ng uwi. Kagaya ng dati ay sumabay sa akin si Limuel isa sya sa mga katrabaho ko.

Si Limuel ay halos kasing tangkad ko lang. Mas maputi sya kesa sakin. Mapungay ang mga mata nya, yung tipong parang inaantok palagi. Makapal ang kilay, matangos din ang ilong. Maganda ang labi nya at may isang biloy sa kanang pisngi. Mas matanda sya sa akin ng tatlong taon. Matagal na rin daw syang nagtatrabaho dito kaya sya ang nagtuturo sa akin ng mga dapat gawin. Lagi kaming magkasabay umuwi dahil pareho kaming sa Mindanao Avenue ang daan. Mahilig sya magpatawa kaya palaging masaya kapag uwian na. Madalas din kami magkwentuhan sa text. Halos dalawang buwan na rin naman kaming magkasama sa trabaho eh. Ganun lang ang gawain namin. Naikwento ko na din sa kanya si Raffy. Akala ko nga maiilang sya sa akin. Tinanong nya kasi ako dati kung meron na daw ba akong girlfriend. Ang sagot ko naman sa kanya e, wala akong girlfriend pero boyfriend meron. Tumawa sya ng tumawa nun, pero sabi nya ok lang yun nakakatawa lang daw yung pagkakasabi ko. Kaya ayun naging malapit kami sa isa’t isa. Kami lang dalawa ang nakakaalam ng tungkol sa uri ng relasyong meron ako. Hindi ko naman ikinakahiya na lalake ang karelasyon ko. Pero ayaw ko naman ipangalandakan iyon sa lahat ng taong makikilala ko. Iba lang talaga si Limuel, parang napakadali nya lang kasing umintindi.

Nakarating na kami sa Mindanao Ave., ito na yung lugar kung saan kami maghihiwalay dahil hanggang Tandang Sora lang ako at sya naman ay sa Bayan pa. Nagpaalaman na kami, nang bigla kong naalala na hindi ko pa nga pala nahahawakan ang cellphone ko magmula kanina. Nung tingnan ko ito ay nagtext pala si Raffy na pupunta daw sya sa bahay. Napangiti ako dahil kahit wala ako ay nagpupunta pa rin sya samin. Kahit alam ko na, na nanggaling na sya sa bahay ay nagreply pa rin ako na “sige punta ka na hehehe”. Gusto ko lang kasi maramdaman nya na masaya ako dahil pumupunta sya kahit wala ako. At dahil sa alltext10 lang naman palagi ang load ko eh inuubos ko na lang yung mga natitirang text na hindi ko nagamit sa pasesend ng “I love you” “mahal na mahal kita” bago ako matulog. At magpapaload ulit kinabukasan para replyan yung mga isinend nyang mensahe sa akin pag-gising ko.

Mahal na mahal ko talaga si Raffy. Kaya kahit hindi kami nagkikita ng madalas ay gusto kong naipaparamdam sa kanya iyon. Noon pa man ay gusto ko na sya. Kaya nung maging kami na ay talagang napakasaya ko. Hindi ako nagdadalawang isip tungkol sa nararamdaman ko para sa kanya. Sigurado ako at alam kong mahal ko sya. Nagumpisa na nga pala ang pasukan nila kanina. Naisip ko bigla yung sarili ko. Kelan kaya ako makakapag-aral? Kung hindi ako huminto sa gawain ko dati ay malamang nag-aaral na ako ngayun. Ito ang isa sa katunayan na mahal ko talaga sya. Inisantabi ko ang mga pangarap ko para lang sundin sya. Marami pa naman akong pagkakataon para tuparin yun, hindi pa naman siguro ako mamamatay bukas. Kaya may pag-asa pa ako. Ang mahalaga ay unti-unti nang nagbabago ang buhay ko dahil sa sarili kong pagsisikap. Ang kailangan ko na lang gawin ay mag-ipon at maghintay pa ng kaunti habang nagtatrabaho ako ng matino. Mag-aalas dos na pala ng umaga matutulog na ako.

Kahit na madaling araw na akong nakauwi ay nagising pa rin ako ng maaga, dahil siguro sanay na ang katawan kong gumising ng ganoong oras. Magaalas sais na ng umaga, bumili ako ng almusal kila aleng Tale at nagpaload na rin. Habang bumibili ako ay naikwento nya sa akin na pupunta raw dito sa Pilipinas yung may-ari ng lupang kinatitirikan ng mga bahay namin. Matagal ko nang alam to pero hindi naman natutuloy ang pagpapaalis sa amin. Pero nung narining ko na yung mismong may-ari na ang pupunta para paalisin kami ay dun ako nag-alala. Saan kami pupunta? Wala kaming ibang matitirahan. Kinuha ko na ang mga pinamili ko sa tindahan nila aleng Tale at umuwing dismayado dahil sa nasagap kong balita. Paano na? may konti naman akong perang naipon pero halos maubos na rin dahil sa mga pang-araw araw na pangangailangan namin. Kailangan makagawa agad ako ng paraan. May palugit na lang kaming isang buwan para umalis. Pagkauwi ko ng bahay ay nagtext si Raffy. Aba! Maagang nagising si gago.

Raffy: Oy! Sayad good morning. Kaen ka ng marami ah bago pumasok.

James: ikaw ring monyo ka kaen ka rin ng marami bago pumasok sa school.

Raffy: Wow! Sabay kami nagising tenkyu naman. monyo ka rin miss na kita.

James: Hehehe Oo nga sabay tayo nagising. Miss na rin kita. Anong oras pasok mo?

Raffy: Mamaya pang 10. Ikaw?

James: Wala kaming pasok ngayun.

Raffy: Wow! Tenkyu ulit hahaha. Mahal punta ako diyan mamaya ah. Miss na talaga kita eh.

James: Gusto mo sunduin kita?

Raffy: Wag na, direcho na ako dyan pag labas ko.

James: sige, mahal nagkakape na ako. Bangon ka na, sigurado akong nakahiga ka pa dyan eh.

Raffy: Mamaya na tinatamad pa ako eh.

James: Lintek! Baka makatulog ka pa ulit eh, siguradong malelate ka sa school pag di ka pa bumangon dyan. Umiiral na naman yang katamaran mo ah. Kung nandiyan lang ako binatukan na kita kanina pa.

Raffy: Yun na nga, wala ka naman dito kaya mamaya na ako babangon.

James: Ewan ko sayo, mamaya pag dating mo dito konyat ka sakin.

Raffy: I Love You

James: MUKA MO! Hihintayin kita mamaya ah.

Raffy: Sige. Dyan na ako kakain kaya ikaw na ang magluto. Miss ko na luto mo eh.

James: Hala ka kelan naman kita ipinagluto?

Raffy: Nung 8 years old pa tayo. hahaha. Please mahal ikaw na magluto.

James: Oo na. ano bang gusto mo kainin?

Raffy: Si junjun gusto ko kainin.

James: Tarantado. Ang aga aga eh. Seryoso, ano nga bahala ka di kita ipagluluto. Puro kalokohan na naman yang nasa utak mo ah.

Raffy: Ahm, Paksiw na GG.

James: Tama, yan din ang naiisip kong kainin eh.

Raffy: Si junjun ko?

James: Wag ka nga tsk! Oo hehehe. Yung paksiw tanga.

Raffy: Ano ba yan sya. Kutos ka sakin mamaya.

James: Sige na mamaya na mag-asikaso ka na jan.

Raffy: Sige na nga makabangon na nga. Mahal masipag ako mag-aral kahapon kasi naisip kita.

James: Naku! Wag ako ang linlangin mo, iba na lang. sige na kumain ka na.

Natapos ang walang kakwenta kwenta naming pag-uusap. Pero masaya ako dahil sa wakas nagpang-abot din ang oras namin. Kahit walang kwenta yung usapan namin talagang nakangiti lang ako habang nagtetext kami. Yung tipong naghaharutan na kayo sa isip nyo habang nagtetext. Hindi na ako makapaghintay. Mula kasi nung napasok ako sa catering ngayun lang kami nabakante dahil wala daw nagpabook. Swertehan lang, may day off naman kami dapat kaso nanghihinayang ako dun sa araw na hindi ako papasok eh. Pwede kasi pumasok kahit Dayoff.

Mag-aalas sais na ng hapon. Naihanda ko na ang mga lulutuin ko. kinukuha nga sa akin ni nanay at sya na raw ang magluluto, para daw makapagpahinga ako ng maayos. Pero hindi ako pumayag dahil gusto ni Raffy na ipagluto ko sya. Minsan lang kasi humiling ng mga ganitong bagay yun eh, kaya pinagbigyan ko na. Habang nakasalang ang niluluto ko ay tinext ko si Raffy.

James: Nagluluto na ako, saan ka na?

Raffy: Pasakay pa lang ako ng jeep. Papunta na ako jan.

Bigla akong naexcite dahil maya maya lang ay nandito na sya. Napangiti ako, miss na miss ko na talaga si Raffy. Natapos na akong magluto. Wala pa rin si Raffy, baka natraffic. Halos mag-iisang oras na din ang lumipas at wala pa rin sya. Nagtext na ako sa kanya pero hindi naman sya nagreply. Nag-aalala na ako.

“Grabe ang traffic nakakainis, pagod ako mahal kiss mo ako” bigla na lang nagsalita sa likod ko.

James: Akala ko hindi ka na darating eh.

Raffy: Eh, grabe kasi yung traffic jan sa palengke eh, ginagawa na naman yung kalsada. Lagi na lang sira yun eh noh!

James: Syempre para may pagkagastusan yung gobyerno. Gusto mo na ba kumain?

Raffy: Mamaya na, pahinga muna ako. Kakapagod talaga bumiyahe.

James: Eh bakit kasi nagtatiyaga ka sa pagsakay-sakay ng jeep eh may kotse ka naman.

Raffy: Ayaw ko kasi dalhin. Pinagtitripan kasi nung mga anak ni Tetan eh, pati yung mga barakada nila. Nung nakaraan kaya flat yung gulong. Paluin ba naman ng kahoy na may pako eh. Adik kasi yung tatay kaya pati anak adik na rin tsk!

T. Rene: Dapat talaga dinadala na yan sa DSWD eh. Grabeng pabaya ng mga magulang. Paglaki ng mga yan siguradong salot sa lipunan yan. Bata pa lang mga barumbado na eh. (pagsingit ni tatay)

Raffy: Kaya nga po tay eh, puro bastos pa man din. Buti si jejames ko naging mabait, mabait din kasi sila nanay at tatay eh.

James: Talaga mabait ako, ikaw lang naman ang sutil sa atin eh. mabait din naman si nanay at yung daddy mo.

T. Rene: Haynaku, itigil nyo na nga yan at mukhang ingay na naman ang kasunod nyan eh.

Raffy: Nangunguna kasi tong tukmol na to.

N. Martha: Tara na at kumain na tayo. Nakakaamoy na naman kasi ako ng away eh. (habang naghahanda ng mga plato)

Raffy: Si James nagluto nyan nay?

N. Martha: Oo sya nga.

Raffy: Katakot, masarap kaya yan?

James: Pagkatapos mo ako paglutuin gaganyan-ganyan ka jan. Baka hanap-hanapin mo yan.

Raffy: Sige nga patikim.

At sabay sabay na nga kaming nag-sikain.
Nang matapos na kami kumain ay biglang kinuha ni Raffy ang cellphone nya at tumawag.

Raffy: Ma! Hindi ako makakauwi bukas na lang sabado naman eh. Dito ako kila James matutulog.

Pagkatapos nya tumawag ay, napakalaki ng ngiti nya. Mukhang pinayagan sya ni nanay. At napangiti na rin ako dahil magkatabi na naman kaming matutulog. Pero syempre bawal kung ano man ang iniisip nya. Hiya hiya rin.

Raffy’s POV

Matutulog na sana kami ni James nang biglang tumawag sa akin si Katrina. Sa tono ng pananalita nya ay parang lasing ito. Hindi nga ako nagkamali ng hinala dahil marami na nga raw sya nainom. Naglasing daw sya dahil napagbuhatan sya ng kamay ng kanyang daddy. Dahil napahiya daw ang pamilya nila sa inasal niya sa party kagabi. Ugaling squatter daw sya sabi ng daddy nya. Kaya sa sobrang pagdaramdam nya ay umalis kaagad sya para uminom. Ayaw nya daw umuwi sa bahay nila kaya nagpapasundo sya sa akin. Hays! Lintek eto na nga ba sinasabi ko eh, bulong ko sa aking sarili. Nagpaalam ako kila nanay na may pupuntahan lang ako at isasama ko si James. Pumunta na kami doon sa bar kung saan sya umiinom. Hindi naman kami nahirapang makita sya. Lumapit kami sa kanya at nung makalapit na kami ay agad ko syang pinigilan dahil iinom pa ulit ito. Sobrang lasing na sya at halos hindi na makagulapay. Kaya naman bubuhatin ko na sya para masamahan na namin pauwi sa kanila. Nagtaka naman ako kay James dahil titig na titig sya kay Katrina.

Raffy: Mahal, tulungan mo naman ako dito. Ambigat kaya nito.

James: Huh! Ah oo nga pala. Tara na.

Nang makalabas kami at sasakay na ng taxi ay bigla itong sumigaw.

Katrina: Wag! Ayaw kong umuwi. Kahit saan Raffy dalhin mo ako wag lang sa bahay. Sa inyo na lang please.

Mukhang ayaw nga talaga nya umuwi. Kaya naman sa bahay na namin sya dinala. Pag dating namin sa bahay ay agad ko syang inihiga doon sa isang bakanteng kwarto. Ginising ko si mommy para sya na ang umasikaso kay Katrina, dahil pareho naman silang babae. Ikinwento ko na rin sa kanya kung ano ang nangyari. Hindi na ulit kami nakabalik sa bahay nila James dahil gabi na rin. At hindi na rin sya pinayagan ni mommy na umuwi, dito na raw sya matulog. Pumunta na kami ni James sa kwarto namin para makapagpahinga na.

Habang nakahiga kami ay, inaalala ko si Katrina baka nagugutom oh kung ano man ang kailangan nya. Alam kong napakahirap malasing ng husto kaya naman pinuntahan ko sya. Nakatulog na si James kaya hindi ko na sya ginising pa. Pagpunta ko sa kwarto kung nasaan si Katrina ay nagtaka ako kung bakit wala sya sa kama. Pumasok na ako ng tuluyan sa kwarto at nagulat ako dahil nakita ko syang naka-panty at bra na lang at nakahiga sa sahig. Kahit na medyo naiilang ako sa suot nya ay binuhat ko pa rin sya para ihiga sa kama. Napatitig ako sa mukha nya. Alam ko na noon pa na napakaganda ni Katrina, pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na tinitigan ko sya ng malapitan. Nang maibaba ko na sya sa kama umupo ako sandal sa tabi nya. Pinagmasdan ko sya mula mukha, leeg pababa sa kanyang malalaking dib-dib. Ang balingkinitan nyang katawan hanggang sa parte kung nasaan ang kaselanan nya. Biglang pumintig ang alaga ko sa loob ng suot kong short. Naguumpisa na itong tumigas. Sa pag titig ko sa kaselanan nya ay biglang gumalaw ang kanang kamay nya. Humimas ito mula sa binti nya hanggang sa pagitan nito. At…. . . .

Katrina: Gusto mo ba yang nakikita mo (habang nakangiti ng nakakaloko)

Raffy: Huh! Ah eh pasensya na hindi ko sinasadya. Sige aalis na ako kinumusta ko lang naman yung lagay mo eh. Bakit pala ganyan ang suot mo?

Katrina: Sobrang inet kasi eh. Wag ka na mahiya, ayos lang sa akin. Gusto naman kita eh.

Raffy: Ha? Naku nagkakamali ka ng iniisip hahaha. Wag kang ganyan sige na alis na ako magpahinga ka na.

Paalis na sana ako nang bigla nya ako hawakan sa kamay at hatakin. Pinipilit nya ako humiga sa tabi nya. Kinakabahan ako sa mga ginagawa nya. Pinipilit kong tumanggi pero hindi ko alam sa katawan ko kung bakit parang nanghihina ako. Umiinit na ang pakiramdam ko at nagwawala na ang alaga ko. Namumungay na ang mga mata nya habang nakatitig sa akin. “shit! ano ba tong nangyayari hindi pwede to” sambit ko sa sarili ko. inilapit nya ang mukha nya sa akin at hahalikan na nya ako. Mainit na ang tenga ko pati na rin ang buo kong mukha. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at hinalikan ko na sya. Habang naghahalikan kami ay unti-unting gumapang ang kamay ko papunta sa mga dib-dib nya. Dahan dahan ko iyong nilabas mula sa bra nya at nilamas ko iyon. Malambot, malaki, ansarap sa palad. Bumaba ako sa mga dib dib nya at dinilaan ang paligid ng kanyang utong. Pagkatapos ay sinuso ko ang dalawang bolang iyon. Panay na ang ungol nya. Muling gumapang ang kamay ko pababa naman sa kaselanan nya at ng marating ko iyon ay agad kong kinapa ang tinggil nya kinalabit ko iyon. Napalakas ang ungol nya. Unti unti na nyang hinuhubad ang damit ko. Bumangon ako sandali at isa-isa ko ng tinanggal ang mga saplot ko sa katawan. Damit , short at brief ko doon mismo sa harapan nya. Pagkatapos ko maghubad ay bumalik na ako sa ginagawa ko sa kanya. Ipinagpatuloy ko iyon hanggang sa magsawa na ako at hinatak ko ang kanyang panty pababa. Nang matanggal ko na ay lumuhod ako sa pagitan ng nakubukaka nya nang mga binti. Itinutok ko na ang ulo ng burat ko sa butas nya. Ang mga binti naman nya ay pinagyapos nya sa likuran ko at parang hinihila nya ako pasulong sa kanya. Alam ko nang gusto na nya na ipasok ko ang burat ko sa bukana nya. Pinipilit kong gisingin ang sarili ko sa hipnotismong gawa ng libog. “Hindi pwede”. Nang makapasok na ang ulo ay bigla akong umatras. Ibinaba ko ang ulo ko at kinain ang puke nya nang sa gayon ay mabigyan ko naman sya ng kaligayahan kahit papaano. Halos magsisisigaw sya sa sarap ng ginagawa ko. maya-maya pa ay ipinasok ko ang isang daliri ko, sumunod ay dalawa. Pabilis na ng pabilis ang pag-finger ko sa kanya hanggang sa bigla syang humiyaw tanda na nilabasan na sya. Puro hingal na ang naririnig ko sa kanya. Bumangon ako bigla at pumunta sa banyo. Naghugas ako ng sarili at muling nagsuot ng damit.

Katrina: Oh! Anong ginagawa mo hindi pa tayo tapos ah?

Raffy: I’m sorry, hindi dapat nangyari to. Nadala lang ako.

Katrina: Wala ka naman dapat alalahanin. Pumayag naman ako eh.

Raffy: Pero mali nga to Kat, dapat ginagawa ko to sa taong mahal ko.

Katrina: Bakit, pwede mo naman ako mahalin ah. at mamahalin din kita. Anong mahirap dun?

Raffy: Kat, please hindi pwede may mahal na ako. At hindi ko sya kayang lokohin. Nagsisisi nga ako kung bakit nagawa ko to eh.

Pagkasabi ko noon ay agad akong naglakad palabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kwarto namin ni James. Pag pasok ko ay nakita kong tulog pa rin si James nakatagilid sya sa kabilang side ng kama, yun ang pwesto ko twing dito sya matutulog sa bahay. Pagkasampa ko sa kama ay agad ko syang niyakap ng mahigpit. Isinandal ko ang ulo ko sa likod nya. Kahit alam kong tulog sya ay panay ang hingi ko ng tawad sa kanya. Bigla kasi akong natauhan sa pagkakamali ko. Naunahan ako ng libog.

James’s POV

Natulala ako sa mga nakita ko. Gusto ko sumigaw pero walang lumalabas na kahit ano sa bibig ko. Pigil ang aking paghinga. Hawak ko ang dibdib ko dahil sobrang sakit nito. Parang sasabog. Umaagos na ang luha ko sa sobrang sakit. Gusto ko magwala pero nanghihina ang katawan ko. “PUTANG INA!” gigil na gigil kong sigaw sa utak ko. Hindi ko inisip na magagawa nya sa akin yun. Bigla na lang ako nakaramdam ng hiya sa sarili ko. Hindi ko naibigay ang gusto nya kaya sya naghanap ng iba. Hindi ako magaling. Hindi sya naliligayahan sakin. Nilalamon na ako ng kapraningan ko. Kaya nahiga na lang ako at pinilit matulog. Pinilit ko pakalmahin at ayusin ang sarili ko. Naghintay na lamang ako sa kwarto at umaktong parang walang alam sa mga nangyari. Nang bigla kong maramdaman ang mahigpit nyang yakap.

Raffy: Mahal, sorry, sorry, sorry hindi na yun mauulit. Nadala lang ako sorry talaga.

Pinilit kong kumalma. Dahil ipinangako ko na sa sarili ko na palagi nang mangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya kesa sa galit. Ayaw ko na kasi maulit yung mga nangyari sa amin dati. Natuto na ako sa mga naging pagkakamali ko kaya naman naisip ko na bigyan pa sya ng isang pagkakataon. Nakakaramdam ako ng galit at sobrang nasasaktan ako. Katangahan man na maituturing pero ito ang guto ko. Ang patawarin sya. Pero umaasa ako na sana matuto rin sya sa pagkakamali nya. Ganyan ko kamahal si Raffy handa akong magmukhang tanga para sa kanya.

James: Hmmm! Bakit ba? (humarap ako sa kanya)

Raffy: Sorry mahal, may nagawa kasi akong mali.

James: Ayan ka na naman eh. Gagawa-gawa ka ng katarantaduhan tapos mangiistorbo ka ng tulog. Ok na yun. Matulog na tayo.

Raffy: Sorry, Natatakot kasi ako sa ginawa ko eh.

James: Tama na yan, kalimutan mo na yun. Hindi ako magagalit kahit ano pa yang nagawa mo. tara na matulog na tayo.

Hinalikan nya ako. At lalong humigpit ang pagkakayakap nya sa akin. doon na tuluyang nawala ang galit ko. Dahil naramdaman ko ang takot nya na mawala ako sa kanya.

Raffy: Mahal, yakap mo lang ako ah. Hanggang sa paggising, gusto ko magkayakap lang tayo.

James: Oh sige, hindi kita bibitawan hanggang bukas.

Raffy: Mahal na mahal kita. Ako ba mahal mo ba ako?

James: Bakit mo naman natanong?

Raffy: Basta sagutin mo. Gusto ko marinig. Mahal mo ba ako?

James: Oo, higit pa sa sarili ko.

Nauna ako magising kay Raffy. Naalala ko yung mga nangyari kagabi kaya naman parang may kirot akong naramdaman sa dib-dib ko. Gusto ko mawala na agad yun sa utak ko. Pinatawad ko na sya kaya kailangan ay mawala nay un sa isip ko. Hindi ko sasayangin ang panahon ko sa pag-iisip ng mga pagkakamali nya. Kung ako nga madali nya lang napatawad sa mga ginawa ko sa kanya ako pa kaya ang magmamatigas. Kailangan ng bigayan sa relasyon. Pero hindi ko alam kung ano ang mararamdamn ko pag naulit pa ang mga ginawa nya. Sana natuto na sya. Medyo nakakaramdam ako ng inis kaya naman parang gusto ko sya gantihan kaya may naisip akong kalokohan. Humanap ako ng pentelpen. Tiningnan ko sa drawer nya wala. Humanap ako sa bag nya at swerte may nakita ako. Kinuha ko ang pentelpen sa bag nya. At lumapit ako sa kanya. Sinulatan ko ang mukha nya ng monyo sa noo. Ginuhitan ko yung kilay nya, pinakapal ko. Nilagyan ko din sya ng linya sa ilong. Nagdrawing ako ng bigote at balabas. Nilagyan ko rin ng maraming tuldok ang pisngi nya. “ayan napakapangit na” sabi ko sa isip ko. Pigil ang tawa ko sa mga ginawa ko. At sabay nahiga ulit ako at niyakap ko sya. Naramdaman kong gising na sya kaya naman nagtulog-tulugan ako. Kumalas sya sa pagkakayakap sa akin. Maya-maya pa ay narinig ko ang sigaw nya. Nagtakip ako ng unan sa mukha ko para hindi ko marinig ang ingay nya.

Raffy: PUTEK! James! Lintek ka anong ginawa mo sa mukha ko.?

Naramdaman ko na lang na dumagan sya sa katawan ko. At pinagpapalo ako. Yung unan na nakatakip sa mukha ko ay idinidiin nya pa lalo. Bigla kong inalis yun dahil hindi na ako makahinga. Kinuha nya ang pentelpen na hindi kop ala naibalik sa bag nya, ipinatong ko lang ito sa tokador na nasa gilid ng kama nya. At pinipilit nyang sulatan din ang mukha ko. Sa kakapiglas ko at dahil na rin sa kagaslawan nya ay natuhod ko ang bayag nya

Raffy: AraY! Ko puta, basag yung mga dragon ball.

James: Ay sorry, ikaw kasi ang kulit mo eh.

Hindi sya makasagot sa akin at sobrang namimilipit sya sa sakit. At nung mawala na ang sakit ay nakipa-wrestling sya sa akin. paikot-ikot kami sa kama hanggang sa malaglag kami dun sa side na malapit sa pinto. Patuloy kami sa paghaharutan. Nakapatong sya sa ibabaw ko at hawak hawak nya ang dalawang kamay ko na idinikit nya sa sahig para hindi ko maigalaw. Nang bigla kaming magulat sa pagpasok ni nanay Esther.
N. Esther: Anong trip yan? Ayos lang maging sweet, pero wag nyo naman siguro gawing droga yan. Tsk naka-sunata ba kayo? aga-aga eh. Ano ba yang nasa mukha mo ah, bagay sayo, push mo yan.Yung kasama nyo nga pala umuwi na hindi na kayo pinagising. Kailangan nya na daw talaga kasi umuwi.

Pagkatapos ay lumabas na sya agad. Pagkatapos ay humiga rin sa sahig si Raffy at niyakap ako.

Raffy: Mahal, kung ganito ba ako kapanget mamahalin mo pa rin ba ako?

James: Oo naman! Mas maganda nga kung pangit ka eh. para wala akong kaagaw. (bigla syang natahimik)

Raffy: Wala kang kaagaw sakin. Ikaw lang ang mahal ko.

James: Naniniwala ako. Ikaw mahal mo ba ako?

Raffy: Oo

James: Last mo na yun ah!

Raffy: Huh?

James: Yung kalokohan mo. Huli na yun ah.

Raffy: Nakita mo?

James: Oo

Raffy: Sorry! Patawarin mo na ako hindi na yun mauulit.

James: Nagawa ko na.

Matapos kami kumain ng almusal ay agad na akong nagpaalam at inihatid ako ni Raffy sa labasan. Hindi naman ako nagmamadali dahil wala pa ring pasok, wala pa ring nagpabook. Pagkarating ko naman ng bahay ay medyo nagpahinga pa ako ng kaunti. Halos hindi rin kasi ako nakatulog nung gabing iyon dahil sa mga nangyari. Kahit na napatawad ko na sya eh, hindi pa rin maalis sa akin ang sakit. Nagawa nya na ng isang beses, kaya hindi malabong maulit. Ngayun ko naiisip na parang masyado kaming nagmadali. Kung tutuusin hindi ko naman sya pakikialaman kung wala kaming relasyon. Kung magkaibigan lang ang turingan namin ay siguradong malaya nyang magagawa yun. Pero iba na ngayun, mas masakit, kasi alam kong may karapatan na akong masaktan. Mas nararamdaman ko na. Masama pa rin ang loob ko kailangan kong mailabas to para, mapatawad ko sya nang hindi lang sa salita pati na rin sa puso’t isip ko. Mahirap pala. Ito kasi ang kauna-unahang nasaktan ako ng ganun. Ngayun ko lang napatunayan na kasama nga sa pagmamahal ang sakit.

Wala akong magawa. Nakatulala lang ako dahil hanggang ngayun nasa utak ko pa ang mga nangyari. “Mawawala rin to” sabi ko sa aking sarili. Nasa ganoong sitwasyon ako nang biglang may tumawag sa akin. Hindi ko kilala kasi number lang ang nakalagay. Nung sagutin ko na tatay pala ni Raffy. “bakit kaya?”. Ipapasundo nya raw ako sa driver nya. Dahil meron daw kaming mahalagang pag-uusapan.

Raffy’s POV

Paikot-ikot ako sa kwarto ko. Wala akong maisip na puntahan. Wala akong maisip na gawin. Naiisip ko ang mga nangyari kagabi. Sana napatawad nya na ako. Sana hindi sya nagalit sa akin o nagtampo. Maya-maya pa ay nabuo na sa isip ko ang mga dapat ko gawin. Tatawagan ko sya. Idinial ko ang number nya. Nagriring na ito at agad nya namang sinagot.

Raffy: Hello Kat?

13 comments:

  1. Nexxxxtt !!!! This is one of the best ! Promise ! :-) kudos sa author ! San mo ba napulot yang talent mo sa pagsusulat? Haha

    ReplyDelete
  2. labyu espren!! galing galing :-)

    ReplyDelete
  3. “Kung magkaibigan lang ang turingan namin ay siguradong malaya n’yang magagawa ‘yun. Pero iba na ngayon, mas masakit, kasi alam kong may karapatan na akong masaktan.”

    Interesting concept. I wonder if any of the world’s literature recorded something to that effect?

    When I broke off with my first relationship that lasted for three years, my friends wanted to comfort me. I refused to be comforted because I believed – and I told them – that my pain is no one’s business but my own. My best friend said that I owe it to them. I replied: “Excuse me. But I don’t owe you my pain. I may owe you other things, but I consider it the height of bad form for anyone to burden other people with his problems.” She said: “We know you think that way, and that you are a strong person. But by shutting us out, we feel so inept, so helpless, knowing that you carry this burden alone. Rather than thinking of it as ‘we comforting you,’ maybe you should think of it as ‘you honoring us by sharing to your friends your pain.’”

    May ganoon palang “point of view.”

    And now this: “Pero iba na ngayon … kasi alam kong may karapatan na akong masaktan.”

    Hmmmm.

    Very interesting.

    And oh. Needless to say ... excellent writing by the author.

    - David

    ReplyDelete
  4. imminent break up .... raffy's dad wants an apo so he will do anything and everything....will help james and family relocate and in exchange hindi na pwedeng magkita yung dalawa....so it will be raffy and kat .....james and?.... gut feel ko lang naman ito.... trying to visualize this story....galing kasi ni mr. writer, he really makes u feel that u r right there, everything is so 3D, i can really feel the pain, yung kilig, yung anxiety......everything.....talaga bang kailangan 2 weeks ulit until the next chapter? :) - LL

    ReplyDelete
  5. Oo nga po! Bkit ganun katagal bago ma publish ulit ung next part. Ganda p naman ng story.... galing ni author

    ReplyDelete
  6. Its been awyl when i started readings blogs lyk this.

    Its worth a lot of my tym. ..i never had the chance to see it worthless but rather INSPIRING and IDealistic in my point of view


    BIG THANKS TO THE AUTHOR

    ReplyDelete
  7. Ganda ng kwento gumaganda habang tumatagal...next part na pls

    ReplyDelete
  8. Ganda ng story...next na agad.ehe

    ReplyDelete
  9. bravo bravo galing ni author

    ReplyDelete
  10. Dafuq! ako yung nahihirapan at nasasaktan eh! xD tsaka gusto ko rin yung bed scene nila kat! sarap!HOHO!
    I love you na Mr. Author.

    ReplyDelete
  11. Ganda naman... Sana maamin ko din sa sarili ko kung ano ba tagala ako... Still now im confused..

    ReplyDelete
  12. Great story. Di nakakasawang basahin gaanu man kahaba. Sarap ulit ulitin. Nakakataba ng puso. Higit sa lahat, nakakainggit! Hayyy!

    ReplyDelete
  13. Hay.. medyo sumakit ang heart ko sa mga pangyayari. Di ko alam ang gagawin pag saken nangyari yun. :(
    Pero bilib ako kay james! Sana mapanindigan nyang napatawad na nya si raffy at sana di na ulitin ni raffy yun.

    Anyways ang ganda parin ng story from the beginning! Nakakapanabik.

    -Argo

    ReplyDelete

Read More Like This