By: Master Geek
Joseph
here isang simpleng tao lamang ngayon na patuloy lumalaban sa hamon ng
buhay. Kahit mahirap, kahit masakit at kahit minsan naiisip ko nang
sumuko pero ito parin ako patuloy na kinakaharap ang isang napakalaking
pag subok ng buhay. Pag subok na nag papatibay sa pag kapit ko sa isang
pangako.
Dati akong rebelde, rebelde sa magulang, galit sa mundo
at patapon ang buhay. Attention seeker din ako at pro ako pag dating sa
bagay na 'yon, kayalang kahit anung galing ko sa pag kuha ng atensyon ng
lahat ng tao sa mabuti o pangit na paraan, may kulang. Kasi kahit
kailan, kahit minsan hinding hindi ko makuha ang atensyon ng aking mga
magulang.
Bakit nga ba ako galit sa mundo?
Galit ako sa
mundo kasi... Wala rin akong maiisip na rason ee. Basta galit lang ako
siguro kasi pakiramdam ko hindi ako mahal ng mga magulang ko. Galit ako
sa mundo hanggang sa makilala ko si Jeff. Astig 'tong si Jeff pamorma,
gwapo, kinababaliwan ng marami, siya ang nag pabago ng takbo ng buhay ko
at nag alis ng galit ko sa mundo.
Bilib ako sa taong to
maprinsipyo sa buhay, mapag mahal sa magulang at sobrang sipag sa pag
tulong sa pamilya. Samantalang ako kabaliktaran ng lahat ng katangian na
meron siya.
Ang sarap balikan ng araw na nag kakilala kami,
isang ordinaryong gabi lang sana 'yon papunta ng bar. Para mag pakasaya,
uminom ng walang humpay, mag yosi na parang walang bukas at maki pag
fuck ng walang awat ma pa girl or boy name it and I'll fuck them at mag
lustay ng pera na pinag hirapan
ng mga magulang kong walang kwenta. Ang
kaso tatanga-tanga lang ako nakikipag txt habang nag di-drive, ayon naka
sagi lang naman ako ng anghel. Anghel na nag pabago ng buhay ko.
"Shit! Dude okay ka lang?"
"Okay lang sana bago mo ko masagi!"
"Sorry! Tara dalin kita sa ospital"
"Hindi na galos lang naman to"
"Pero mas mabuti na ang sure, tara na!"
"Sige mapilit ka ee!"
Ganun
kami nag kakilala, sa hindi kagandahan at sa hindi inaasahang panahon.
From that day nag simula ang aming pag kakaibigan, minulat nya ko sa
napakaraming bagay na ni minsan hindi ko inakala na nang yayari sa
totoong buhay. Masyado kasi napuno ng galit ang puso ko kaya ang dami ko
palang napalampas na pag kakataon at sinayang na relasyon.
Ang
sarap sa pakiramdam na maipakilala ka sa pamilyang nag mamahalan, nag
uunawaan at ang tutulungan. Nakaka inggit lang isipin na wala akong
pamilyang kagaya ni Jeff. Partida marami silang mag kakapatid pero
nagagawa silang mahalin at bigyan ng atensyon ng kanilang magulang,
samantalang ako nag iisang anak na nga lang pero hindi pa mabigyang
pansin.
Sabi nga sakin ni Jeff, ang pamilya nya ay pamilya ko
narin at totoong pag mamahal, pag gabay at atensyon ang binibigay ng mga
magulang at kapatid nya sakin. Ang sarap sa pakiramdam at sobra akong
nag papasalamat na nakilala ako ng isang taong kagaya ni Jeff at may
bonus pang instant nanay, tatay at mga kapatid.
Nang dahil sa
kanila naging simpleng tao ako, nang dahil sakanila naranasan kong
mahalin ng totoo at nang dahil sakanila may maituturing akong totoong
pamilya.
Hanggang sa isang araw hindi ko na napigil ang sarili ko
na mag tapat sa tunay kong nararamdaman para kay Jeff. Kahit anong
kalabasan ng pag tatapat kong 'yon wala akong pakialam ang mahalaga
naging tapat ako sa nararamdaman ko at hindi ako nabigo. Dahil ang taong
mahal ko mahal rin pala ako!
Day one ng opisyal naming pag
mamahalan, inamin namin sa pamilya nya ang tungkol samin at bukas puso
nila kaming tinanggap. Hay buhay! Ang sarap sa pakiramdam ng araw na
'yon.
Day two, nag date kami na parang walang bukas.
Day three, umamin kami sa barkada.
Day four, nag outing kami with his family. Ang sarap ng feeling na tanggap ka ng pamilya ng taong mahal mo.
Day
five, day six, first week, second week, first month, third month may
mga tampuhan pero agad naming napag kakasunduan. Pero sabi nya may
kulang, tinanong ko sya kung anong kulang. Ang sabi nya ang mga magulang
ko ang kulang, kailan ko daw ba sya ipapakilala sa aking mga magulang.
"Sa tamang panahon" sagot ko.
Minsan
masarap talaga ang bawal, minsan masarap tumikim ng ibang putahe. Bagay
na pinag sisihan ko. Oo tanga ako, tangina ko kasi ee. Hindi ako
nakuntento. Pero kahit nakokonsensya ako sa bagay na nagawa ko, sikreto
lang yun di dahil sa gago ako pero duwag at takot kasi ako na mawala ang
taong pinakamamahal ko.
May sikreto nga bang hindi na bubunyag?
Three
months later kinukulit parin ako ni Jeff tungkol sa parents ko at kung
kailan nya ba daw to makikilala. Dahil may kasalan ako sakanya at dahil
nabigo akong maging tapat sakanya bilang pag papatunay na mahal na mahal
ko siya, pinakilala ko sya sa aking mga magulang.
Wow! Akala ko
happy ending ang bagsak tinakwil na anak ako. Ee ano ang mahalaga,
kaming dalawa ni Jeff at nang pamilya nya. Pero dahil sa tinakwil na ako
pinutol nila ang allowance ko dahilan para matuto akong mag trabaho.
Bagay na sa kabilang banda pinag papasalamat namin ni Jeff dahil mas
naging responsable ako at mas minahal pa namin ang isa't isa.
After
8 months ng malaking pag kakamali na nagawa ko sa relasyon namin at kay
Jeff, naging masasakitin ako at sa araw-araw mas nagiging malala ang
nararamdaman ko. Dahil doon nag pasya akong mag pa check-up.
HIV
test 'yon daw ang kailangan sabi ng doctor, dahil base sa mga
nararamdaman ko sintomas daw 'yon ng taong HIV positive. Parang
binuhusanng malamig na tubig ang katawan ko at hindi ako makakilos ng
marining kong sabihin ng doctor 'yon. Para akong bimagsakan ng langit at
lupa, labag man sa pananaw ko at pang intindi nag pa HIV test ako.
"Kamusta ang check-up mo?" tanong sakin ni Jeff nang dumating sya sa bahay galing sa trabaho.
Mautal-utal
kong sinabi ang katagang "okay lang daw ako sabi ng doctor, may mga
gamot at vitamins na binigay sakin para lumakas daw ako"
Week
after the test bumalik ako ng ospital, upang harapin ang resulta ng
major test na tinake ko. Totoo nga talaga na nakakaba ang lahat ng test
at higit pa ang resulta. Buo ang loob ko sa mga puwedeng mangyari sakin
ano man ang resulta ng HIV test, pero ang higit na kinakatakot ko ay si
Jeff dahil kung positive ako sa HIV malamang na positive din sya. Pano
ang pamilya nya? Ang mga kapatid nya na umaasa sakanya? Sila nanay at
tatay, pano na sila? at kung saka sakali ako. Ako ang sisira ang mag
papahamak sa pamilya at anak na pinaka mamahal nila. Sa kabila ng pag
tanggap, pag kalinga, pag aruga at pag mamahal na ginawa nila sakin.
Pano, pano ko matatanggap ang sasabihin nila kung saka sakali?
Lumabas
ako ng ospital na parang wala saking mga sarili, ni huni ng ibon hindi
ko naririnig. Wala akong nakikita kundi ang mga paa ko habang nag
lalakad sa kalye. Sa kalye kung saan nag simula ang lahat samin ni Jeff,
sa kalye kung saan hinihiling ko na hindi nalang kami nag kakilala at
para hindi na sya nadamay sa buhay kong patapon. Totoo ngang wala parin
akong kwenta hanggang ngayon, totoo ngang inutil ako at totoo ngang
hindi ako katanggap tanggap kaya kahit maging magulang ko hindi ako
magawang mahalin. Dahil wala akong kwenta. Isa akong misirableng, salot
ng lipunan. Ang mundo na isinusuka ko noon ngayon ay syang sumusuka
sakin.
Handa nako sa pupuwedeng mangyari pag katapos ko mag tapat
kay Jeff. Kung ano man ang magiging reaksyon at mapag dedesisyonan nya
tatanggapin ko dahil sino, sino nga ba ako para hindi umayon sakanya.
"Jeff
pag katapos nitong sasabihin ko sayo tatanggapin ko kahit anong sabihin
at gawin mo. Basta lagi mo lang tatandaan na mahal na mahal kita, sorry
kasi marupok ako, sorry kasi hindi ako nakuntento sa kung anong meron
ako at sorry kasi nadamay pa kita. Hindi ko sinasadya pero alam kong
kasalanan ko, sorry Jeff sorry!"
"Ano ba 'yon hindi kita maintindihan?" tanging tugon nya at kitang kita ko mula sa mata nya ang pag aalala.
Dahan-
dahan, unti-unti binigkas ko ang mga katagang "Jeff HIV positive ako!"
pag katapos nun natulala nalang ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko.
Nabibingi ako sa katahimikan hindi sya nag sasalita, walang kahit anong
galit ang nakikita ko sa mga mata nya sa halip awa, awa at pag tataka
ang nakikita ko sa kanya.
"Pano? Pano nangyari to?" sa napaka
hinahong boses nya amg bumasag sa katahikan bumabalot samin at kitang
kita ko ang mga luha na dumadaloy sa mga mata nya.
Lakas loob
kong sinabi sakanya lahat, lahat ng nangyari ditalyado at walang pag
sisinungalin. Tunay ngang walang sikretong hindi nabubunyag at ang
karma kung gumanti labis at walang patawad.
Hinihintay ko ang
sasabihin nya at ang magiging reaksyon nya pero blanko, blanko ang mga
muka nya. Nang bigla nya akong niyakap, niyakap ng sobrang higpit at
dahan dahang tumulo ang aking mga luha. Ang inaakala kong pag mamahal ni
Jeff na mag lalaho ang galit at pag kamuhi na aking inaasahan mula sa
taong niloko at dinamay ko sa isang malaking pag kakamali ay ngayon
umiintindi sakin.
Totoo ngang mahiwaga ang pag ibig, lahat hahamakin at lahat kakayanin.
Kaya Jeff "There's a thousand reason para lumaban, para mag mahal at para mahalin ka ng walang katapusan, pangako!"