By: Yum
Ang buhay ay parang isang lutuin. Minsan masarap, minsan naman ay hindi. Tayo mismo ang nagluluto ng ating tadhana. Depende sa atin kung anung flavor ang hiyang sa ating panlasa. Matamis, mapait, malinamnam at maanghang minsan ang lasa ng buhay. Depende pa rin yan sa sitwasyon. (anu raw? ). Ako nga pala si Yum. Yan ang tawag sa akin ng mga kabarkada’t kaibigan ko. Yamisito ang totoo kung pangalan. Kapangalan ng lolo kong pumanaw na. (Sumalangit nawa).
Bunso ako sa siyam na anak ng Papa ko. Kasama na doon ung tatlong ampon nila at yung dalawang anak ni Mama sa unang nyang asawang pumanaw na rin. (sumalangit nawa). Bale ang original na anak ni Mama at ni Papa ay Apat kami. Pero pumanaw rin si mama nung isinilang ako kaya hindi ko na sya nasilayan pa. Sabi ni Papa, mas pinili daw ni Mama na ako ang mabuhay. Total naman daw naranasan na nyang mabuhay sa mundo at ako daw ay hindi pa. Kaya tuloy ayun, lumaki akong walang totoong Mama. Tanging mga yaya lang ang nagiging mama-mamahan ko. Maganda ang pamumuhay naming noon. Si papa ay isang chef sa isang sikat na 5 star hotel sa Boracay kaya nabibili namin ang gusto naming bilhin. Laruan, mga gamit sa private school na pinapasukan namin. Sa aming syam na magkakapatid ay hindi sya nagkulang. Habang nasa Boracay sya at nagbabanat ng buto ay bihira syang umuwi para bisitahin kami. Sabagay, malayo nga naman ang Boracay sa Maynila. Sa bahay noon nakatira ang kapatid ni Papa na si Tito Greg. Sya ang nagsisilbing guardian namin. Mabait naman si Tito Greg. Ka vibes sya ng nakakatanda kong kapatid kasi masyado syang maluwag. Kung minsan nga ay kasama pa sya ng nakatatanda kong mga kuya sa inuman at kung minsan at kasama rin sya ng mga ate ko sa gimik. At dahil sa bata pa ako, palagi akong naiiwan sa bahay mag isa dahil hindi pa ako pwedeng gumimik at uminom. Nakakasama lang ako sa kanila kapag manonood kami ng sine o di kaya pag mag a-out of town. Syempre hindi ako paiiwan. Tuwing Christmas ay umuuwi si Papa hanggang New Year. Ini-incourage sya minsan ni Tito na dito na lang sa Maynila magtrabaho para sama sama kami pero mas gusto ni papa doon dahil nga sa mas malaki ang offer doon. Sa mga sandaling kasama ko si Papa ay lubos lubos ang ligaya ko.