m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Sunday, July 5, 2015

A Beautiful Disaster (Part 5)

By: Prince Zaire

October, Sunday, 6:30 AM. Mga 3 hours palang ang tulog ko, may nagdoor-bell sa unit. Bumangon ako kahit medyo inaantok pa, inis na inis. Wala naman kasing magbubukas nun kundi ako lang. Pagbukas ko ng pinto, si Pierre lang naman. Bihis na bihis, bagong ligo, ewan ko kung naligo sa pabango, ang gwapo shet. Hiyang hiya naman ako sa itsura ko, bagong gising, ang baho tignan. Laki ng smile ng loko, pinapasok ko siya. Umupo sa sofa, ako naman pumunta sa may lababo para magmumog at mag-hilamos.
“Grei, labas tayo”
“Lintik na yan ah, ang aga-aga, saan naman tayo pupunta?”
“Sa Quiapo, magsisimba lang tayo”
“Ako? Magsisimba? Naka-drugs ka ba, lokohin mo na ang lasing, wag lang ang puyat na kagigising”
“Mag-mall nalang tayo, dali ligo na, bihis na”
Inirapan ko siya. “Ano bang Mall yan na nagbubukas ng 6:30 ng umaga? Alam ko, may mga mall nag nagsasagawa ng Sunday Worship, kung nandito ka para bwisitin ako ng ganito kaaga, mabuti pang umuwi ka na”
“Dito nalang muna ako”
“Naku, sayang yang dress to kill aura mo brad, uwi ka na, itulog mo lang yan”
Pumanhik ako sa itaas, babalik sa naudlot na pag-tulog.
“O, saan ka pupunta?”
“Matutulog uli ako” sumunod siya sa akin, at nahiga sa tabi ko. Inaantok pa talaga ako, kaya umidlip na ako. Naramdaman ko nalang yumakap ang loko. Napangti nalang ako.
Nagising ako, 9:30 na, sakto lang dahil 10:30 yung pagpunta ko sa Friel. Nakaramdam na din ako ng gutom, wala na si Pierre sa tabi ko, baka umuwi na nga si Nevermind. Pero pagbaba ko ng hagdan, nakabukas yung TV sa sala, nanonood si Pierre, habang nasa may tabi niya si Cody. Naghanda narin siya ng breakfast, sweet noh.
“Ah Kuya, hindi ka ba talaga uuwi? Pupunta kasi ako sa Friel.”
“Kuya? Nang-iinis ka ba talaga? Friel? Yun ba yung Dance studio?”
Tumango lang ako.
“So marunong ka palang sumayaw? Kailan pa?”
“Ay hindi, magaling akong kumanta, kaya nga pupunta ako sa isang dance studio para mahasa ang boses ko. Maliit na bagay, kailangan pang i-detail”
“Bago yan ah, hindi ko alam na magaling ka palang sumayaw, Good. Pwede ba akong sumama?”
“Marami ka pa talagang di alam sa akin. At saka, ano naman gagawin mo dun?”
“Wala, papanoorin lang kita, moral support”
“Napaka-formal naman ng supporter ko pag nagkataon. Tignan mo yang suot mo, parang dadalo sa JS Prom, ay hindi, sa binyag pala”
“Pahiram nalang ako ng jogging pants at t-shirt DY”
Sumama nga siya sa Friel, nagkataon naman na di pumasok yung madalas na partner ko na si Ate Jasmine kaya solo ako. Magka-kilala pala sina Pierre at yung Choreographer namin.
“Pierre why don’t you join Grei, partneran mo tong kaibigan mo, di ba magaling ka sa contemporary?”
“Sure, why not”
Tumayo na nga siya sa kinauupuan niya. Medyo natatawa ako pero di ko pinakita sa kanya. Si Officer, sasayaw? Marami din pala akong di alam sa kanya. Ano kaya kahihinatnan ng routine na to, katatawanan? Handang handa na ako noon, kabisado ko yung mga steps para sa anumang tugtog. Mam Tina played the music, Nak Nang, No Air – Jordin Sparks at Chris Brown. Nagkatinginan kaming dalawa.
“Tell me how I’m supposed to breathe with no air”
“Ooooh, I love this song” tugon niya ng nakangiti habang titig na titig siya sa akin, isa sa favourite namin yung song na yun. Gusto ko na gumalaw, pero bakit ako frozen dun. Siya yung unang nag-move. He’s dancing at my back, parang macho dancer na nang-seseduce. I’m petrified, yung mga steps niya, yun yung tinuro ni Mam Tina. Then sa part ni Chris Brown, dun ko na siya sinabayan. Parang kabisado niya yung routine, sabay na sabay siya sa ginagawa ko. Parang may connection yung utak at katawan namin while dancing. Damang dama namin yung kanta, yung feeling ko ako yung girl doon, nalilift, doing the turns, jumps. Ako yung gumawa nung part ni Ate Jasmine, pagbigyan ang ambisyosa. We portrayed the song to the best we can. Hiningal naman ako sa routine. After the dance, we earned an applause from Mam Tina and my classmates.
“Grabe Pierre, ibang klase, walang kupas, tanda mo parin ang routine, ang sarap niyo panoorin, bagay na bagay kayo, parang rehearsed na rehearsed ang routine”
“Ganun talaga tita, pag mahal mo ang kasayaw mo, lumalabas yung nararamdaman mo sa bawat galaw mo”
Mam Tina just smiled.
“Tita, Tita mo si Mam Tina? Tanong ko.
Si Mam Tina ang sumagot. “Di niya ba sinabi sa iyo? Kapatid ko si Pery”
After namin sa Friel, pumunta muna kami sa malapit na Starbucks. Chillax time, kwentuhan.
“Ba’t di mo sinabing Tita mo pala si Mam Tina? Ba’t di mo sinabing magaling ka palang sumayaw?”
“Nagtanong ka ba? Ikaw din naman ah, di mo sinabing sumasayaw ka pala, at sa Friel pa”
“Akala ko may aptitude ka lang sa Photography, mahilig magsolve ng mystery, magaling kumanta at tumogtog ng gitara”
“Yun nga yung masaya eh, yung mas nakikilala natin ang isat isa sa tuwing magkasama tayo, kaya nga mahal kita. Marami tayong similarities, bagay tayo Grei, bagay na bagay”
Natigilan ako, I just sipped my Macchiato and took a bite from my Oreo Cheesecake. Nasa labas kami ng stall noon, naririnig ko yung scoring sa background. Tapos biglang napalitan ng OPM, Erik Santos song. Tumitig ako sa kanya, ganun din siya tapos nag-smile. He started to hum at first, tapos kumanta na siya, kahit pinipigilan ko. Pinagtitinginan na nila kami, mas nilakasan pa niya ang pagkanta. Bakit naman siya mahihiya, sa ganda ba naman ng boses niya.
“I can’t live out on my own, and just forget the love you’ve always shown, and accept the fate of my condition, please don’t ever go, For I cannot live my life alone. Say you’ll never go, say you’ll never go out my way. Say you’ll never go. For we can still go on. And make it through. Just say you’ll never go. Say you’ll never go”
Naiiyak ako that time while listening to him singing. Nung matapos yung kanta, yung mga malapit sa amin pinalakpakan siya. Parang concert lang, may pa-vow vow pang nalalaman ang mokong.
“Dy, can you promise me that you will never go again? I promise you I will never leave you. Can you be my beautiful disaster again? Can you be with me forever? Pwede bang mag-apply na boyfriend mo?”
“Pierre, walang forever”
“Maniwala kang meron, maniwala kang may happy ending. But I will rephrase the question. Zaira Graysen, can you be with me till lifetime, till the day that I’m still breathing? Can you be mine now?”
Crystal tears rolled from my eyes, yes, that a cliché description. I know. I smiled to him, and nod.
“Say it”
“Yes”
“Tara” sabi niya. Pinatayo niya ako, tapos umalis sa stall. Nagtatatalon siya, “Yooohoooo, akin na siya ulit, di ko na ito pakakawalan”. Parang timang, pero napaka-sweet. Putcha, nadala ako sa mga pakanta-kanta niya, sa mga pasayaw-sayaw namin kanina. The day which started to be very odd turned out to be one of the best days in my life.
Mas lalo akong na-inspire sa pag-aaral. Yung mga position papers ko sa psychology di na bitter. Di ko narin sinasalungat yung mga paniniwala ng iba, kahit may kinalaman ito sa beliefs, sa science o sa religion. Nagtataka rin ang mga classmates ko kung bakit di na raw ako maraming tanong sa klase. Busy man kami sa Thesis, ginagawan parin namin nang paraan ni Pierre to spend some quality time together. Di na siya nagbabantay kung mago-overnight si Enzo sa Apartment. Nawala na yung selos niya, dahil sa kanya na daw ako. All went well, nairaos namin ni Enzo ang Thesis at grumaduate nga kami.
Masaya ako na naka-graduate, kahit walang nakuhang special academic award, di rin ako nakapasok sa Latin Honors dahil masyado kong kinareer ang pagiging pasaway at bitter. Pati ang Philip H. Recto Design Excellence Award, mailap. Basta, ituloy ang kagalingan, paglingkuran ang sambayanan.
Nagtrabaho kami nina Kaira at Jaime sa isang kilalang Architecture Firm. Sa BIM department kami nung una, pero nung lumaon, naging part ako ng Design Team at project management dahil narin sa mga experience ko sa construction site. Si Pierre ang naghahatid-sundo sa akin sa work, sa Makati yung workplace ko. Since graduation, doon na ako sa Condo niya nakatira. After the apprenticeship, we took the board in June. Pinalad akong makapasa, pati narin sina Enzo, Jaime at Kaira. Sayang nga, mga two points nalang, aabot na sana ako sa top 10. Syempre, 100% ang passing rate ng school, may limang topnotchers din kami, pero hindi galing sa school yung Top 1, taga Mindanao.
Nung nakuha ko na ang license ko, di na ako pinakawalan ng firm. Medyo tumaas ng konti yung position ko pati yung sahod. Dumami rin yung mga outside projects ko, maliliit na projects lang. Mostly sa probinsiya, madalas kina Pierre. Yung bahay namin sa probinsiya, on-going yung construction, kahit papano naman deserve nila yun, kahit hindi man lang ako nakakuha ng compliment sa ginawa ko. Gaya nga ng sabi ko, walang pakialamanan ang drama namin sa pamilya.
Nung Birthday ko, sinurprise ako ni Pierre. Trip to Batanes for two. Ang sweet, bet na bet ko ang place na yun. Paradise. Inenjoy namin yung moment, we made love in Paradise. Hahahaha.
Siguro kung babae lang ako, marami na kaming anak ni Pierre ngayon, baka sunod sunod. Wala eh, ganun talaga, matres na ang kulang pinag-kait pa, saklap dre. Face Palm!
Mahilig magpagawa ng portrait sa akin si Pierre, pati painting. Madalas nude painting sessions, na nauuwi sa matinding, alam niyo na, PAG-GUHIT. Bale lima na yung nagagawa kong nude painting niya, nakasabit lahat sa bagong bihis na condo unit niya. Gusto niya magkaroon ng gallery, kung saan nakadisplay yung mga paintings ko at yung mga photographs niya. Nagi-stroll kami sa metro one time, napadpad kami sa medyo hilly na lugar, may kataasan. Tapos sabi ko, ihinto mo dali, ihinto mo.
“This is the perfect spot for a perfect house”
During our 1st anniversary together (naks anniversary, pumapag-ibig) we visited Singapore. First out of the country namin together. Our dinner date was so memorable, romantic na kung romantic. After that, bumalik na kami sa hotel room namin. Pero sinabihan niya akong mauna na, binigay ang key card at nagpaiwan sa may lobby. May kukunin lang daw siya somewhere. Sumunod ako sa utos niya, sumakay ako ng elevator patungong 7th floor. Pagbukas na pagbukas ko ng pintuan ng hotel room namin, may narinig akong familiar na kanta. It was a song from one of my favorite bands.
“Written in these walls are the stories that I can’t explain. I leave my heart open, but it stays right here empty for days”.
Maraming nakasabit na pictures sa hotel room. Mga pictures ko, at pictures naming dalawa. Ang ganda ng mga shot, iba talaga pag tatak Pierre ang photographs. Pinaka-favorite ko yung close up shot na nakangiti ako, di na nga makita yung mata ko dun eh. Sa Batanes yun kinuhanan, dun sa Mahatao Lighthouse. Nagflash-back bigla yung mga happy memories namin together, pati yung mga painful memories.Parang half of my life, kasama ko siya, half of those happy memories siya ang laman. Suddenly, I heard him singing in my back.
“And I been waiting for this time to come around. But baby running after you is like chasing the clouds”
I rushed to him, I hugged him tight while my tears kept on rolling from my eyes. I kissed him passionately, na nauwi sa intense sex.
After Singapore, nag-Europe naman kami. When we were in London, nakakuha kami ng VIP Concert Ticket ng The Script. It was one of the best days of my life with him.
Naglie-low muna siya sa trabaho niya, mas nag-focus siya sa Photography career niya. How about Cody? Nandun na kay Enzo sa bahay nila sa San Juan, I gave it back nung lumipat ako sa Condo ni Pierre, kalaro ng inaanak kong si Johan ngayon yun. Yung apartment naman, binabantayan parin ni Manang Gie, bakante na.

4 comments:

  1. Hooo, finally! Next plz

    ReplyDelete
  2. This took foreverrrrr!!! Finally! 😊

    ReplyDelete
  3. Finally! After more than a month. Next part author please. Beautiful story. Thumbs up!

    ReplyDelete
  4. Nalimutan ko yung last story XD Pro ok lng. Ganda. Keep this up bro!

    ReplyDelete

Read More Like This