Pages

Saturday, August 22, 2015

Super Marlo (Part 2)

By: Jaypie

Hi KM readers. Jaypie po ulit to. (Note: Pakihanap na lang po yong una kong kwento para ma-gets niyo story ko. Hehehe.) Salamat nga po pala sa positive feedbacks sa una kong kwento. Update ko lang po kayo ngayon sa status namin ni Marlo.

Hindi ako masyadong nakakauwi samin dahil sa busy sa trabaho dito sa City of Pines swerte na kung makauwi ako ng isang araw sa loob ng 3 buwan. Kaya nung nagkarun ako ng chance para mag-leave ng 5days e gri-nab ko na agad dahil sa gustong gusto ko na umuwi.

June 2015. Nakauwi din ako pagkatapos ng almost 6months at matic nang gugulohin ni bestfriend (York) ang bakasyon ko! Hahahaha. Pagkadating na pagkadating lang ng bahay, ayan na ang sundo. Papawis daw kami. Matagal tagal na din wala akong laro kaya derecho na. Pagkatapos ng basketball namin, derecho bahay nila York para sa alak session. Kmustahan ng tropa’t lahat. Nang paubos na pulotan, niyaya ako ni York bumili. Pero may plano pala siyang iba. Imbes na bumili ng pulotan, kila Marlo pala tuloy naming, yayain ko daw. Hahaha. Wala na ko nagawa, ayos naman kami ni Marlo kaya pinuntahan ko’t niyaya sumama samin. At ready na din pala siya kasi magka-text na pala sila ni York bago pa kami pumunta dun. Pinag-paalam ko siya sa mama at sa asawa niya. HAHAHAHA. Kantiyawan na naman sa loob ng sasakyan. Kumustahan. Parang walang nagbago saming 3 kahit madami na. :P

Nung ubos na alak namin, nagkayayaan na mag-bar kaming 3 gaya ng dati. Sige lang ng sige. Alak pa at ka-table. Natatawa nga kami ni York kay Marlo kasi kinakantyawan namin syang isusumbong sa asawa niya (Di pa din pala sila ikinakasal pero live in kaya asawa na din). Hahahaha. Mga 3am na kami natapos kaya sabi ni York sakanila na kami matulog pero nagpahatid pa din ako sa bahay. Ayaw nila akong payagan umuwi pero nagpumilit ako kaya hinatid nila ako. Sinabi ko na lang na bawi ako kinabukasan sakanila. Nag text pa si Marlo sakin na ayaw ko na daw ba siyang makatabi sa pagtulog. Hahaha.

Mga bandang 8am kinaumagahan, ang mga tarantadong York at Marlo pinuntahan ako ng bahay at nambulabog ng tulog ko. May pupuntahan daw kami. Roadtrip lang hanggang nakarating kami ng Ilocos Norte. Habang nasa daan,itong si York kinakantyawan kami ni Marlo. Kmusta na daw kami. Ayosin na daw namin ang lahat ng dapat maayos.
Mejo awkward lang pero ayos naman. Ayos naman na kami ni Marlo sa sitwasyon namin. Tropa tropa pero andun pa rin pala yong feeling nay un. Di ko ma-express. Basta andun pa din yun. Yong akala mong wala na, pero andun pa din pala. LOL. Nag check in kami sa isang resort.

Kinagabihan, tagay lang kaming tatlo ng biglang tumawag gf ni York (Nasa Dubai na pala gf nya) kaya iniwan kami ni Marlo sa kwarto. Walang imikan di kagaya pag kasama namin si York. Awkward moments.

M: Kmusta ka na? Ngayon na lang ulit tayo nag-kita!
A: Busy na e.
M: Kaya nga e. di ka na din masyado umuuwi. Di ka na din nagtetext! Nakalimot ka na e.

Natawa lang ako sa sinabi niya. Bigla ulit siya nagsalita, nagsabi ng “I MISS YOU!”. Natigil ako sa pagtawa, linaklak ko na lang redhorse ko at walang imik.

M: Ang sabi ko I miss you! Di mo ko na-miss? (Nagpapa-cute pa ang mokong)
Hinampas ko ng towel para tumigil kaya nagtawanan na lang kami. Bigla siyang tumigil sa pagtawa, “pero seryuso, na-miss talaga kita Jaypie. Miss na miss”. Wala akong nasabi, yumuko nalang ako. Aminado naman akong na-miss ko din siya pero hindi ko masabi sakanya. Nagpatuloy na lang kami ng shot na walang imikan hanggang natapos si York sa pag-uusap nila ng syota niya. Pagkapasok niya “Parang di kayo magka-kilala ah. Walang imikan. Ano to?” bongad niya samin.

Ako: Walang mapagkwentohan e! Ang tagal mo kasi makipag-usap sa syota mo!
Marlo: Sabi ko sakanya miss ko siya, wala naman siyang imik. Di nya ako na-miss tol.
York: Sus. Miss ka niyan! MAniwala ka sakin tol. Hahahaha
Ako: Walang imik. Pinagkakaisahan na ako. Hahahaha.

Tuloy ang inoman. Tuloy ang kantiyawan. Nung matapos kami sa inoman, naghanda na para matulog.

York: Magkatabi na kayo! Alam ko namiss nyo isa’t isa. Wag lang kayong mag ingay mga leche! HAHAHAHa
Ako: Gago! Ditto na tayo sa kamang tatlo.
York: Ayuko makipag threesome gago! HAHAHA
Tawa na lang kami ng tawa ni Marlo pero mejo awkward lang talaga.

Nagkatabi ulit kami ni Marlo makalipas ang matagal na panahon. Humarap sakin at bumulong “I miss you, Jaypie”.

Ako: Tulog na tayo, please.
Marlo: Kiss muna! Please.

Siguro dahil sa alak at dahil gusto ko din, pinagbigyan ko sya sa kiss. Kiss na napunta sa mas higit pa na pangyayari. Pangyayaring ginusto ko ulit na maganap. Naging kami ulit ni Marlo sa gabing yun. Oo, ang sabi ko sa una kong kwento, magpapaubaya ako. Pero di ko na napigilan pa ang sarili ko. Sa haba ng panahon na hindi kami nagkita, akala ko wala na. pero andun pa din pala. Andun pa din yong nararamdaman ko sa kanya! Na Mahal ko pa din siya.

Umuwi na din kami kina-umagahan. Nag-plano kaming lumabas ulit kinagabihan. Pero may emercency na nilakad sila York kasama ang papa nya kaya kami na lang ni Marlo ang lumabas. Sinundo ko siya sakanila para ipag paalam na din. Kumain lang kami tas lakwatsa lang. Sinusulit lang namin ang oras na magkasama kami. Alam kong mali pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Umuwi kami ng mga 11:30 PM. Hinatid ko siya sa kanila. Habang pauwi ako, sumemplang ang motor ko. Dinala ako sa ospital. Mabuti na lang at puro gasgas lang sa braso, mukha at hita ang napala ko. Normal naman lahat ng tests ko. Habang ginagamot ako, napag-isipan ko ang nagawa ko. Siguro KARMA ko na ang nangyari sakin. Tinawagan ko agad sila Marlo at York. Agad agad pumunta si Marlo para tignan ako. Pati daw mama at asawa niya nag-aalala sakin. Sinabi ko sakanya na KARMA ko siguro ang nangyari sakin dahil sa sitwasyon namin. Hindi siya umimik. Tinapos ko na din ng gabing yun ang lahat sa amin. (TINAPOS ULIT)

Ok naman na kami ng asawa niya. Pati siya, ayos naman. Text text lang. tawag minsan. Pero wala nang label yong kami ni Marlo. Bumalik ako ng Baguio na puro gasgas pagkatapos ng leave ko. Baka nga may nakasalubong sakin na mejo pilay na puro gasgas ang braso at mukha. Heheh. Salamat sa pagbabasa! Update ko lang po to sa una kong kwento.

No comments:

Post a Comment

Read More Like This