Pages

Sunday, August 16, 2015

Torchwood Files (Part 15)

By: Torchwood Agent No. 474

Note: Ngayon lang ulit ako nakapagsulat. Sorry sa delay, guys. Thesis eh, tapos sumasakit pa paa ko parati. Anyways, enjoy the 15th part.

“Anong ibig sabihin nito?!” Master asked both of them angrily. Punong puno ng mga tanong ang kanyang isip, naguguluhan.

Tahimik lang sina Kidoi at Bryan, hindi nila alam kung ano ang tama nilang sasabihin dahil sa mga nangyayari ngayon sa kanilang tatlo. Hindi sila makaimik.
“’Tang ina, Kidoi! Ba’t di mo sinabi sa akin ‘to?!” Galit niyang tanong sa kanyang kababata habang nagsisimula nang tumulo ang kanyang mga luha. Hinarap niya si Bryan at ito naman ang kanyang tinanong. “AT ANO NAMAN ‘TO, BRYAN? ANONG PANINIRA N’YO NA NAMAN BA SA BUHAY KO ‘TO!?!” Naguumapaw ang galit sa kanyang puso. “SUMAGOT KAYONG DALAWA!!!!”

Nakatayo lang sina Bryan at Kidoi. Tumutulo na rin ang luha ng kababata ni Master dahil na-caught off-guard sila ng kuya Bryan niya nito.

BRRRUUUGGHHHH!!!

Bumulwak ulit ang lupa! Limang higanteng ipis ang lumabas mula rito, dahilan upang magulat silang tatlo!
Agad na nabaling ang atensyon nang dalawang Torchwood agents sa kanilang mga baril, at mabilis nilang pinagtatamaan ang mga kalabang lumilipad papunta sa kanila. Nakatama si Bryan ng dalawa habang isa ang napatay ni Kidoi. Nagsibagsakan ang mga patay na ipis sa kalsada. Akmang babarilin na ni Kidoi ang isa pang ipis nang maunahan siyang atakihin nito! Binangga ng ipis si Kidoi, dahilan upang tumilapon ito papunta kay Master na agad naman siyang sinalo. Bumagsak ang baril niya sa lupa at ginamit ng ilan pang mga natitirang mga ipis ang pagkakataong ito upang masira ang nasabing baril, na siya namang nagawa nila.

“ARAY!” Sigaw ni Kidoi na namimilipit sa sakit! “Tumakbo na tayo!”
Agad na nagsitakbuhan ang ang tatlo, habang inaakay naman ni Master si Kidoi habang sila’y tumatakas. Ginamit ni Bryan ang kanyang EPCD (Ear Pods Communications Device) para matawagan ang ilan pang mga Torchwood 26 agents na nasa Hub para makahingi ng tulong.

SA TORCHWOOD 26 HUB:

“Arlene!” Bryan called his teammate. “I-activate n’yo na ang mga Bio Magmas! Mga higanteng ipis ang kalaban natin ngayon!” Utos niya habang tumatakbo.
“Got it!” Arlene confirmed. “Nello, Marcus, mga higanteng ipis ang mga kalaban natin! I-program n’yo na ang mga Bio Magmas na mga ipis lang ang papatayin nito! Go!” Utos niya sa dalawang lalaking nasa tabi niya.
“James! I-on mo ang MSS, Luna, ikaw sa GSD, para makita natin ang daan na tatahakin ng mga Bio Magmas!” Nello quickly commanded the two agents habang pino-program nila ang mga Bio Magmas na gamit nila.

Mabilis na gumalaw ang mga Torchwood 26 agents. Lumabas agad sa monitor ng MSS ang undeground map at schematics ng Cagayan de Oro City, kasabay noon ay ang pag-gana ng mga na-program na na mga Bio Magmas. Dahil interconnected ang MSS, GSD, at ang controller ng mga Bio Magmas, lahat ng mga biochemical mutations na nade-detect ng GSD na lumalabas sa monitor ng MSS ay mabilis na dinadaanan ng mga Bio Magmas.
Nagsigalawan ang mga Bio Magmas, parang bagang mga lava talaga na binubuga ng isang bulkan, at mabilis ang paggalaw nito! Dumaan ang mga ito sa ilalim ng mga kalsada, kanal, at kung anu-ano pang mga lugar na pwedeng pagbahayan ng mga ipis, at bawat ipis na madaanan nito ay natutusta’t nagiging abo ang ilan.

BALIK TAYO KINA MASTER:

Mula sa lima ay isa nalang ipis na natira na humahabol kina Master. Nagawa itong pagbabarilin ni Bryan. Tagaktak ang kanilang mga pawis, kumakabog sa takot ang kanilang mga dibdib, at bakas ang pangamba sa kanilang mga puso na baka hindi na sila muling mabuhay pa!
Habang tumatakas ay may nadaanan silang isang ipis na lumilipad-lipad at kumakain ng isang babaeng pulubi sa tabi ng kalsada! Dahil sa kanilang nakita ay napatigil sila sa kanilang pagtakbo at nasaksihan nila ang karumal-dumal na pangyayaring iyon! Napangnga si Master at mukhang babaliktad ata ang kanyang sikmura kaya napahawak siya rito at akmang susuka!
Nagkalat ang mga lamang loob ng kawawang biktima sa tabi ng kalsada at nakahiga ito sa sariling dugo.
Agad na gumalaw si Bryan at binaril ang kumakaing ipis na ‘yon, tapos ay umikot siya para barilin din ang ipis na humahabol sa kanila.
Tumakbo ulit sina Bryan ngunit hindi makagalaw si Master dahil sa nakita niyang kamatayan kanina; nakanganga lang itong nakatayo sa daan, bakas ang pagkagulat at takot sa kanyang mukha.

“Kuya halika na!” Sigaw ni Kidoi habang hinihila ang kanyang kuya Master, ngunit hindi ito natitinag. “KUYA! TAKBO NA TAYO!!!!” Sigaw ulit ni Kidoi sabay hila kay Master ng malakas, dahilan upang bumalik ito sa kanyang ulirat.

Kumakaripas ulit sila ng takbo papalayo. Hindi makapaniwala si Master sa kanyang nakita, at hindi na niya siguro kakayanin kung may makita pa ulit siyang ganoon. Tumakbo na lang siya para ma-divert ang kanyang attention sa ibang bagay. Tumatakbo sila nang biglang matapilok si Bryan, dahilan upang ma-out-of-balance ito at bumagsak sa lupa!

“ARRRGGGGHHHH!”

Mabilis na kumilos ni Master para kunin ang kanyang Energy Blaster. Mukha itong isang toy laser gun na kasing-laki ng M-16 na armalite. Timing na may tatlong higanteng ipis na lumabas mula sa lupa, ngunit ang kakaiba na namang nakita ni Master ay may kung anong kulay orange na bagay na lumabas rin sa butas na nakabalot sa pangatlong ipis at tila baga nasusunog sa sakit dahil dito bago bumagsak sa lupa!
Kinalabit agad ni Master ang nasabing baril na kanyang hawak at napatay ang dalawa pang ipis na naunang lumabas sa butas.

“Laser guns...?! Wow! Hindi ko aakalaing makakagamit ako ng laser guns sa buong buhay ko! Parang sa mga sci fi movies lang ah!” He said in amusement.

Nabaling ang atensyon ni Master sa kulay orange na parang likido. Lumapit siya sa nakabulagtang ipis at tiningnan ang kulay orange na bagay na iyon.

“Parang lava ‘yan ah!” Gulat na sabi niya.
“Bio Magmas...” Pag-correct ni Bryan, nakaupo siya sa simento.
“Ano?” Master wondered.

Bago pa man may makasagot kina Kidoi at Bryan ay mayroon na namang dalawang higanteng ipis out of nowhere na papalapit sa kanila! Agad na kumilos si Master at nabaril ang isa sa mga ito, habang si Kidoi naman ay kumuha ng isang salok ng Bio Magma mula sa ipis na nakabulagta sa kalsada at tinapon ito sa isa pang ipis gamit ang kanyang kaliwang kamay na wari bang parang normal na tubig lang ito, bagay na ikinagulat ni Master sapagkat nakakasunog dapat ang isang lava!
Natamaan ang ng Bio Magma ni Kidoi ang ipis kaya’t napatigil ito sa paglipad, agad itong binaril ni Master.

“Paano mo nagawang hawakan ang lavang ‘yon? Ba’t di ka nasunog!?!” Master questioned him in shock.

Agad namang ineksplika ni Kidoi kung ano ang mga Bio Magmas.
Di na kinaya ni Master ang mga nangyayari sa paligid niya, dagdagan pa ng rebelasyon tungkol sa pagkatao ni Kidoi na isa palang Torchwood agent, napaluhod si Master at napasigaw ng napakalakas!

“MGA PUTANG INA NINYO!!!!!!!” Galit at gulong-gulo na reaksyon ni Master habang lumuluha. Walang magawa sina Kidoi.

Tumawag si Nello sa EPCD ni Bryan.

“Bryan, wala nang traces ng biochemical mutations... at lahat ng mga pwedeng pagtaguan ng mga ipis underground eh natupok na ng mga Bio Magmas.”
“Good.” Bryan said, iniinda ang sakit ng kanyang paa. “Pabalikin n’yo na ang mga Bio Magmas jan sa Hub. I think tapos na tayo.”
“Bro, naka-develop na nga pala ako ng antidote para sa mga mutated na mga ipis, the moment na itarak ko ‘yun sa kanila, liliit ulit sila.” Nello reported.
“Aw buti naman. Gumawa ka ng marami, dahil baka ma-shock ang publiko dahil marami silang makitang mga higanteng ipis na nasa kalsada pagkabukas.” Bryan told him while laying down and resting his foot.
“Got it!”

Humihingal si Bryan, umiiyak si Master, at hindi alam ni Kidoi kung ano ang kanyang gagawin. Nahihiya siyang lumapit kay Master dahil sa mga nangyari kanina, lalung-lalo na ang rebelasyon tungkol sa kanyang pagkatao.
Huminga siya ng malalim, at dahan-dahang nilapitan ni Kidoi si Master.

“Kuya –––” Papalapit si Kidoi para hawakan ang kanyang kababata ngunit tinabig ni Master ang kanyang kamay.

“’WAG MO AKONG MATAWAG-TAWAG NA KUYA!” Sigaw ni Master sa galit, at tuluyang dumaloy ang mga luha sa mata ni Kidoi.

Nakayukong lumuhod si Kidoi malapit kay Master, wala siyang mukhang maipapakita rito.

“Kuya, sorry po...”
“Bakit mo ‘ko nagawang lokohin, Kidoi?! Bakit ka nagsinungaling!?!”
“Kuya, sorry po.”
“Sorry!?! Anong klaseng sorry ‘yan? Mababalik ba niyan ang tiwala at ang pakikipagkaibigang binigay ko sa ‘yo?!”
“Kuya, hindi ko po intensyong lokohin ka, ayaw ko lang po sabihin sa inyo dahil baka hindi mo na ako tanggapin bilang isang kapatid o di naman kaya eh di mo kakayanin kung inamin ko sa ‘yo kung anong klaseng buhay meron ako.... Patawad po.”
“Ang masaklap pa, sa Torchwood ka pa talaga nagtatrabaho! Alam mo bang matindi pagkamuhi ko jan sa grupong ‘yan? Ano? Sisirain mo rin ba buhay ko gaya ng paninira nila!?!”
“Kuya hindi po! Hindi po! At hindi ko rin po alam na alam mo pala ang existance ng Torchwood at galit sa sa amin. Kuya, wala po akong alam, at wala po akong intensyong sirain ang buhay mo. Kuya, sorry po!”

Nakaluhod pa ring umiiyak si Kidoi, nakayuko at umiiyak. Hiyang-hiya siya kay Master.
Kahit masakit ang kanyang paa, pinilit ni Bryan na lumapit kay Kidoi at hawakan ang kanyang kamay, nagbibigay siya ng konting comfort at suporta sa kasamahan niya sa trabaho. Napahawak na lang si Kidoi sa braso ni Bryan habang umiiyak.

“Bry! Alexis!” Sigaw ng isang babae.

Napalingon ang tatlo sa pinagmulan ng boses na ‘yon. Patakbong lumalapit sina Hannah at Sheila sa kanila, hawak-hawak ang kanilang mga Energy Blasters. Pagdating nila, agad na nag-report si Hannah.

“Bryan, Alexis! May mga nakalaban kaming mga ipis at napatay namin silang lahat. Tumawag nga rin pala si Nello, may antidote na raw siya para sa mga ipis na ‘yun –––” Natahimik bigla si Hannah. Nabaling ang tingin niya sa isa pang lalaking kasama nila; ga’nun din si Sheila.
“Master!?! Paanong...!?!” Nagulantang si Sheila sa kanyang nakita. Nag-krus na naman ang kanilang landas.

Nagulantang ang dalawang babae dahil kay Master, habang isang matalim na tingin lang ang binigay ni Master sa kanila, lalo na kay Kidoi. Nabalot ang eksenang iyon ng katahimikan.
Nagpumilit tumayo si Bryan kahit namimilipit na ito sa sakit. Nabaling ang atensyon nila kay Bryan. Tinulungan siya ni Hannah na makatayo.

“Anyare sa ‘yo?” Sheila asked her boyfriend concernly.
“Natapilok ako habang tumatakbo kanina, but I’m fine.” Bryan answered her. “Ano nangyari sa inyo?” He asked them.
“Well, may na-encounter kaming mga tao, about 15 random people na kumakaripas din ng takbo. Pati sila ay nakakita rin sa mga higanteng ipis, but we took care of them –––” Napatigil si Sheila sa kanyang pagsasalita dahil binara siya ni Master.

Dahil sa report ni Sheila ay biglang naalala ni Master sina Jun, Armand, at Samuel. Ninerbyos siya bigla at napatigil sa pagluha.

“––– Ang mga kaibigan ko! Kumusta sila? May na-encounter ba kayong mga lalaki na about ka-edad ko rin na tumatakbo?” Master asked nervously. Nag-aalala siya sa maaaring nangyari kina Samuel. “Ano nangyari sa kanila?” Master asked fearfully to the two girls.
“Well, may mga na-encounter nga kaming dalawang lalaki. Ang isa ay malaki ang katawan, parang nagji-gym, habang ang isa naman ay moreno na fit na parang sa athlete.” Hannah said to him. “’Yung moreno, nang madatnan namin sila, eh umiiyak at tinatawag ang pangalan mo habang pinipigilan siya nung kasama niya!” She further told him.
“Sila nga ‘yon! Sina Jun at Samuel! Anong ginawa n’yo sa kanila!?! ‘Wag n’yo sabihing nag-erase na naman kayo ng alaala nila at sa iba pang mga nakasalubong ninyo!?!” Pasigaw sa pagtatanong ni Master, bakas ang galit at pagkainis sa kanya. "Teka... si Armand!?! May na-enounter ba kayong lalaking payat kasama nila?"

Sasagot na sana si Hannah ng 'Wala.' ng may biglang sumigaw ng pangalan ni Master! Napalingon sila rito – isang lalaking payat na tumatakbo papalapit sa kanila, si Armand!

“Armand?” Tanging nasabi ni Master habang papalapit ito.

Pagdating ni Armand ay natahimik ito. Humihingal siyang nagtataka kung sino ang mga taong kasama nina Kidoi at Master at kung anong mga hawak nilang parang toy gun.

“Sino sila?” He asked, looking at Master and Kidoi.

Nagsitinginan ang mga Torchwood agents, para bang mayroon silang mga pinag-uusapan na sila lang ang nakakaintindi. Hindi kalaunan ay nabaling ang tingin nilang lahat kay Bryan, parang may hinihintay silang utos nito.

“USE THE POWDERS!” Sigaw niya.

Agad na pinigil ng mga Torchwood agents ang kanilang mga paghinga habang may kinukuha naman sina Hannah at Sheila mula sa kanilang bulsa at sinabog sa harap nina Armand at Master, dahilan upang mawalan sila ng malay.

KINABUKASAN, MASTER’S POV:

Gumising ako sa isang pamilyar na lugar, ang aking kwarto! Laking gulat ko nang nalaman kong andito ako. Bukod diyan ay nag-iba ang damit ko, naging pambahay! Napatingin ako sa orasan, 10 AM na pala ng tanghali. Kagabi lang ay nasa kalsada ako kasama ang mga walang hiyang Torchwood agents na ‘yon, lalung-lalo na si Kidoi, at ngayon ay nasa kwarto na ako! And speaking of Torchwood and Kidoi, kumulo ulit ang dugo ko sa kanila, lalo na kay Kidoi na nag-traydor sa akin.
Akmang tutulo na naman ulit ang luha ko nang mapansin ko ang isang papel na nasa gilid ko. Isang sulat-kamay ni Kidoi. Agad ko itong binasa:

“Kuya? Hindi ko na po alam kung ano pa sasabihin sa ‘yo o anong mukha ang ipapakita ko sa inyo para lang mapatawad ako, ngunit lumuluhod po ako at nagpapakumbaba na kung sana eh mapatawad mo na ako. Kahit hindi man ngayon, okay lang po. Maghihintay po ako kuya...”

Tumutulo na naman ang aking mga luha kaya’t napatigil ako sa pagbabasa. Lumipas ang sampung minuto bago ako makapagbasa ulit:

“... Regarding po kina kuya Armand, kuya Jun, at Samuel, ayos lang po sila. Ginamitan din pala sila ng Consciousness Powder ni ate Hannah para mawalan sila ng malay para hindi na sila makasaksi ng mas karumal-dumal pa na mga pangyayari kagabi. Tama po kayo, binura po namin ang mga alaala nila. Inuwi na po namin sila sa kanilang mga kanya-kanyang bahay. Sa kaso n’yo naman po, ako ang nag-uwi sa iyo. Gumamit ako ng teleporter para makauwi kayo. Ako na rin ang nagbihis at nag-ayos sa ‘yo kuya kagabi para hindi magtaka sina tito kung ano ang nangyari sa ‘yo...”

Huminga ako ng malalim habang umiiyak pa rin, at pinatuloy ko ang pagbabasa:

“... Nag-usap kami ni kuya Bryan. Alam ko na kumbakit alam mo ang Torchwood at kung paanong galit ka sa amin. Pinsan pala ni kuya Bryan si Samuel, at doon pala nagsimula ang lahat. Masasabi kong damay ka lang kuya, at sumunod ang mga coincidences na parating nagko-krus ang landas ninyo. Kuya, ako na po ang humihingi ng patawad sa inyo. Sorry po at nasira pa ng Torchwood ang buhay mo, pero gusto ko pong sabihin sa ‘yo na hindi po namin ‘yun sinasadya. Coincidence lang po talaga ang lahat. Alam kong baka hindi ka maniwala, pero ‘yun po ang totoo. Kuya, again po, patawad. Kung hindi mo po kayang patawarin kami, lalo na ako, okay lang po, willing po ako maghintay. Sorry po talaga, kuya. Patawad.”

Hindi ko alam kung ano ang gagawin, gumulo ulit ang aking isipan. Umiiyak akong nilulukot ang papel; masama ang aking loob. Napahiga ulit ako sa kama at napatingin sa kisame, malalim ang iniisip, nakatitig sa kawalan. Halos hindi ako gumalaw. Hinahayaan ko lang na dumaan ang sandali, tahimik na dinaramdam ang mga nangyayari ngayon sa buhay ko. May mga ilang luha na tumutulo pa rin sa aking mga mata...

AT THE TORCHWOOD HUB, TORCHWOOD’S POV:

That same day, busy ang lahat sa kani-kanilang mga gawain, paper works dito, paper works doon, analyze dito at analyze doon.

Naka-bandage ang paa ni Bryan dahil pagkakatapilok. Paika-ika itong lumapit kay Nello at kay Marcus na noo’y busy na nagtutulungan sa kanilang mga trabaho.

“Nello, kumusta na ‘yung mga ipis?” He asked for an update.
“Napaliit ko na sila. Ayos na.” He said, smiling while giving a thumbs up. “Nagawan ko na rin ng cover story ‘yung mga nabiktima ng mga ipis. Sinabi kong mga adik ang gumawa noon.” He added.
“Regarding naman kay Chief Salmonte, nag-usap na kami. Nasabi ko na kung sino ang mga nakalaban natin at kung paano natin sila natalo, and etc.. Basta okay na si Chief so wala ka nang dapat ikabahala pa.” Marcus told his boss, smirking habang tumataas ang dalawang kilay.
“Very good, boys.” Bryan responded, satisfied.

Babalik na sana si Bryan sa kanyang cubicle nang makita niya si Alexis na nakaupo sa isang sulok, malungkot ito. Nilapitan ni Bryan sina Hannah at Sheila.

“Girls, lapitan natin si Alexis.”

Agad na lumapit ang tatlo.

“Alexis? Okay ka lang?” Sheila asked.
“Hindi po, ate. Inaalala ko po kasi si kuya Master eh.” Mahina niyang sagot, nakatitig sa sahig. Bryan and the girls squatted para maging ka-level sila ni Alexis.
“Magiging okay rin kayo. Tiwala lang.” Hannah assured him.
“Hindi ko po alam kelan eh...” Alexis responded, matamlay ang kanyang boses.
“In time, he will.” Bryan affirmed his co-Torchwood leader. “Give him space.” He added.
“Opo, pero hindi ko po makakaila na nasira ko ang tiwala niya. Mahal na mahal ko po ‘yung kuya kong ‘yun eh, at mahal rin ako n’un, parang isang kapatid talaga, tapos ganito lang pala ang kahahantungan...” Sabi ni Alexis na nagsisimula nang tumulo ang kanyang mga luha. Niyakap siya ni Hannah.
“Kung mahal ka n’un, mapapatawad ka noon.” Sheila assured him. “At first, magagalit talaga siya at madi-disappoint, but kung mahal ka talaga noon, magagawa niyang mahalin ka ulit.” She further assured the young leader.
“Ipagpe-pray natin ‘yan.” Hannah told Alexis, at yumakap ulit siya rito. Napangiti lang sina Sheila at Bryan.

Sa mabuting palad ay napawi kahit papaano ang lungkot na nadarama ni Alexis. Nagpasalamat siya sa tatlong Torchwood 26 agents na nag-comfort sa kanya. Napalitan ng konting ngiti ang kaninang malungkot niyang mukha at nabawasan ang kanyang pagluha.

“Alexis, I think you should rest na rin muna habang binibigyan mo ng space si Master. Umuwi ka muna sa inyo, or bumalik ka muna sa Torchwood 45. Keep yourself busy para hindi ka ma-preoccupied sa mga dinaramdam mo.” Bryan suggested.
“Hmmm... okay po kuya. Pero babalik din po ako rito para kausapin si kuya Master.” He told him.
“Okay, but not now. Remember to give him space.” Bryan reminded him.

Napangiti lang si Alexis at nagpaalam sa mga kasama niya sa Torchwood 26. Agad na binuksan ni Sheila ang TBI (Torchwood Branch Interteleporter) para maka-teleport si Alexis.

MWWWEEERRRRR! MWWWEEERRRRR!

Tumunog ang TBI at nabalot si Alexis sa kulay blue na liwanag nito. Sa isang iglap lang ay nawala agad siya sa Torchwood 26 Hub.

BALIK TAYO KAY MASTER, MASTER’S POV:

Dahil sa mga nalaman ko ay naging balisa ako sa first half ng aking sembreak, kaya hindi ko ito na-enjoy. But although ganun ay nagagawa ko pa ring matago ang kalungkutan at kaguluhan sa aking puso sa aking mga magulang at sa aking mga kaibigan. Mas pinipili ko na lang na magkulong sa kwarto, at tuwing tinatanong ako nila Mama kung bakit ako nagkukulong ay sinasabi ko na lang na nagbabasa ako ng libro na pinahiram sa akin ni Armand, kahit ang totoo ay nakahiga lang ako sa kama ko at nakatitig sa kisame. Kapag tumatawag naman sina Jun ay minsan ko lang ito sagutin at parati kong ina-alibi na busy ako sa mga pinapagawa na mga gawaing bahay ni Mama sa akin.
One time ay sinubukan akong tawagan ni Kidoi ng paulit-ulit, ngunit hindi ko ‘to sinasagot, bagkus ay pinapatay ko agad ang cellphone ko. Ngunit habang pinapatay ko ito, hindi ko maiwasang maluha paminsan-minsan, dahil kahit papaano’y nami-miss ko rin si Kidoi; hindi ko lang talaga matanggap na niloko niya ako.

SABADO NG LINGGONG ‘YON:

Dumating ang panahong malapit na matapos ang 1st half ng sembreak ko. Nakahiga ako sa aking kama nang biglang tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Samuel, at dahil kailangan ko ng distractions sa mga pinagdadaanan ko ngayon, sinagot ko ito.

“Hi, kuya! Hello! Musta ka na po?” Bati ni Samuel.
“Okay lang, bunso. Ikaw ba? Kumusta na?” Sagot ko na medyo matamlay ang boses. Napansin ito ni Samuel.
“Kuya? Bakit parang antamlay ng boses mo? May sakit ka po ba?” Samuel asked concernly.
“Wala naman, bunso. Pagod lang, tsaka puyat.” Pagsisinungaling ko.
“Hmmm... ganon po ba? Pahinga ka po kuya. Baka magkasakit ka niyan.” Pag-aalala ni Samuel.
“Don’t worry. Ayos lang ako.” I assured him.
“Okay po, kuya.” He said. “Teka lang po, matanong lang, ano po ba kasi ang ginawa mo at pagot ka pati puyat? Ano meron?” He asked me.
“Aw... wala ‘to. Basta may pinapagawa lang sina Mama sa akin.” I lied.
“Ah... okay. Basta kuya, sure ka jan ah!?” Paninigurado ni Samuel. “Sure ka na okay ka lang talaga?” He further interogated me.
“Oo naman. Ako pa eh magaling ‘tong kuya mong ‘to!” I told him, smiling a little.
“Hmmm... okay po, kuya. Ingat ka po.” Samuel replied, at binaba niya agad ang telepono.

Huminga ako ng malalim at nagpasyang matulog na lang.

AFTER 30 MINUTES:

Malapit na sana akong makatulog nang may kumatok sa pinto ng aking kwarto, at dalawang pamilyar na boses ang narinig ko – si Samuel at si Mama!

“Kuya!” Tawag niya habang kumakatok sa kwarto!
“Anak! Tanghali na! Kain na!” Sigaw ni Mama.

Agad akong nabuhayan ng ulirat at napatalon ako bigla sa aking hinihigaan! Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko at tumambad sa akin ang mga nakangising bibig nila Mama at Samuel.

“Oh? Ba’t nandito ka, Samuel!?” I asked in shock.
“Di ba obvious, kuya? Binibisita ka po!” He said enthusiastically.
“Parati ka kasing nagkukulong sa kwarto, anak, timing naman na bumisita si Samuel kaya eto’t pinapasok ko na para naman may makausap kang kaibigan at ibang tao.” Sabi ni Mama sa akin. “Pero bago ‘yan, Mananghalian muna tayo! Nagluto ako ng masarap na ulam!” My mother proudly told me.
“Halika na po! Gutom na ako, kuya!” Anyaya ni Samuel, as if bahay niya ang bahay namin, at hinila agad niya ako papunta sa kusina; napatawa na lang ako.

Kasama ko sina Mama at Samuel habang nanananghalian. Mapapansing tahimik lang ako, tumatawa kung may kailangang pagtawanan sa kwentuhan nina Mama, at sumasagot ng maayos kung tinatanong ako. Over-all, maayos naman ang naging eksena sa kusina. Nakakain ako ng maayos at busog naman si Samuel. 30 minutes ang dumaan at natapos kaming mananghalian.

“Anak, mabuti pa doon kayong dalawa ni Samuel sa kwarto at magkwentuhan, para ma-entertain mo ‘tong bisita natin.” My mother told me. Napangiti at tango na lang ako.

Nang nasa kwarto na kami ni Samuel, ni-lock ko ang pinto habang nakaupo siya sa kama.

“Ba’t ka napasugod dito, bunso?” I asked him habang tumatabi sa kanya.
“Binibisita ka po, kuya.” Samuel told me. “Sa totoo lang po, hindi ako kumbinsido na okay ka. Ano po ba talaga ang meron?” Samuel interogated me again.

Tinitigan ako ni Samuel sa mata, isang titig na hindi ko kayang suklian. Nabaling ang tingin ko sa ibang direksyon, kasabay noon ay ang pagluha ng aking mga mata. Hindi ko na mapigilang maglabas ng sama ng loob.

“Kuya, handa po akong makinig.” He told me habang inaakbayan ako.
“Bunso, niloko ako ni Kidoi! Nagsinungaling siya sa akin!” Sabi ko habang humahagulgol.
“Anong...? Bakit mo naman nasabi ‘yan, kuya?” He asked, naga-alala.
“Basta... basta...” Sabi ko kay Samuel. Nagawa ko pa ring matago ang buong dahilan, dahil baka hindi rin niya ito kayanin gaya ng nangyari sa akin.
“Anong ‘basta’?” Mas naga-alalang tanong ni Samuel.

I regained my composure. Huminga ako nang malalim at humarap kay Samuel.

“Bunso, pasensya na’t hindi ko pa maaaring sabihin sa ‘yo.” Sabi ko habang pumipigil ng aking luha. “In time I will, okay lang ba?” I further asked him.
“Ah! Kuya, grabe ka naman po. I can keep a secret kuya. You can trust me.” Paga-assure ni Samuel sa akin na nakangiti.
“Nako, hindi talaga pwede pa eh. Sorry, bunso.” I told him.
“Grabe ka naman, kuya! Umiiyak ka dahil niloko ka kamo ni Kidoi tapos hindi mo ako pagkakatiwalaan at pagsasabihan ng buong detalye ng pinagdadaanan mo ngayon? Unfair naman ata ‘yan, kuya. Parang niloloko mo rin po ako ah!” Samuel replied disappointingly; nabaling ang tingin niya sa ibang direksyon.
“Bunso, hindi sa ganoon, pero hindi pa kasi ngayon ang time para sabihin ko sa ‘yo eh. Sorry talaga. Sorry talaga.” Pagsusumamo ko. “Basta ang dapat mo lang malaman ngayon ay niloko ako ni Kidoi.” Dugtong ko.

Huminga si Samuel ng malalim, bakas ang pagka-frustrate sa mukha niya. Napapikit siya at humarap ulit sa akin.

“Okay, kuya! Fine! If that’s what you want!” Naiiritang sabi ni Samuel.
“Sorry talaga...” Nakayuko kong sabi sa kanya. Huminga ulit si Samuel.
“Pero, kuya, sige na nga po. I respect your decision.” Samuel said seriously. What he said gave me a spark of positive feelings. “Okay po, niloko ka kamo ni Kidoi. Ang tanong, kuya, ano na nararamdaman mo sa kanya ngayon?” He asked me.
“Hindi ko alam, bunso. Magulo isip at damdamin ko ngayon.” I told him while wiping some tears in my eyes.
“Miss mo po ba si Kidoi, kuya? Yes or No lang po ang sagot.” He asked me again.
“Hmmm... sa totoo lang, oo, bunso.” I gave him my answer. “Pero nasaktan talaga ako sa ginawa niya sa akin.” I added.
“Mahal mo pa po ba siya?” He asked me.
“Oo...” I answered him.
“O, ba’t di mo po siya kausapin? Ba’t di mo po siya patawarin?” Samuel suggested. “Ganoon rin naman po ang ginawa ko sa inyo dati eh.” He said, smiling.
“Anong ibig mong sabihin?” I asked Samuel.
“Kuya, if you remember, nakagawa ka ng kasalanan sa akin dati, pero hindi ko pinairal pride at pagkamuhi ko sa ‘yo. Mas pinairal ko po ang pagmamahal ko sa ‘yo, kuya.” Samuel told me, putting his one hand on my shoulder. “Alam ko pong mahirap at first, pero alam ko po sa sarili ko that time na mas matimbang ka sa akin kuya kesa sa pagkakamali mo dati. Ayaw ko pong mawalan ng kaibigan at isang kuya. I choose to forgive you noon po, sana mas pairalin mo rin po pagiging mapagmahal, kuya.” Samuel shared to me.

Agad akong natauhan sa sinabi ni Samuel. Hindi ko aakalaing ang isang batang tulad niya ay mayroong wisdom na mas mataas pa sa akin. Tumulo na naman ang mga luha ko habang tinititigan siya sa mga mata.

“Kung mahal mo po talaga si Kidoi, kuya, papatawarin mo po siya, pero nasasayo ‘yan.” Samuel explained to me. “Mahal mo pa po siya, diba?” He questioned me. Huminga ako ng malalim, at dahan-dahang ngumiti.
“Oo, bunso. Mahal ko pa rin ‘yung kapatid mong ‘yun despite sa mga nagawa niya sa akin. At miss na miss ko na siya.” I told Samuel boldly.
“O? Ba’t di mo po siya kausapin?” He suggested.
“I will!” Sabi ko, bumabalik na ang sigla sa kalooban ko. “I will! Salamat, Samuel! Salamat sa tulong mo’t binigyan mo ng linaw ang kalooban ko!” Galak na galak kong sabi sa kaibigan ko.

Agad kong niyakap si Samuel, at ganoon din siya. Umiiyak kaming nagyayakapan sa tuwa.

After an hour, nagpaalam na si Samuel. Tapos na raw kasi ang pakay niya sa akin sa araw na ‘yun. Timing naman na umalis din si Mama kaya ako na lang mag-isa sa bahay. Agad kong tinawagan si Kidoi at pinapunta rito sa bahay.

SA ISANG IGLAP LANG:

May kulay asul na ilaw na liwanag na lumabas mula sa may pintuan ng kwarto ko, at sumunod noon ay bigla ko na lang nakita na nakatayo na si Kidoi sa may pinto! Nakangiti ito sa akin, at ganoon rin ako sa kanya. Agad akong tumakbo papunta sa kanya at isang mahigpit na yakap ang binigay namin sa isa’t isa – yakap ng pagpapatawad at pagmamahal! Napaiyak kaming dalawa.

“Kuya, sorry!”
“Patawarin mo rin ako dahil nagalit ako sa ‘yo!”
“Patawad po at niloko kita!”
“Pinapatawad na kita, bunso.”
“Salamat, kuya!”
“Mahal na mahal ka ni kuya!”
“Mahal din po kita, kuya! Salamat talaga!”

Mahigpit ang mga yakap namin sa isa’t isa. Napangiti ako. At the back of my mind, nagpasalamat ulit ako kay Samuel...

ITUTULOY...

No comments:

Post a Comment

Read More Like This