Pages

Sunday, September 27, 2015

Rye on Bread (Part 2)

By: Yosef Guzman

Nagbihis agad ako pagkarating sa bahay at saka dumiretso sa kitchen. Gulong-gulo pa rin ako sa mga eksena kanina lamang. Hindi ko makalimutan ang hubad na imahe ng aking pinsan sa isip ko.

"Hindi na maganda yan, Sef", bulong ko sa aking sarili.

May ilang minuto na rin akong naghihiwa ng mga ingredients na pinapasuyo ng kusinera nang pumasok si Rye.

"Yuck, ang baho mo di ka nagsabon mabuti", nakatawa si Rye.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung ano iisipin ko. Sobrang mapang-asar ang pinsan ko pero minsan naiisip ko parang nananadya na. Alam na kaya niyang bakla ako?

"Magtrabaho ka na jan", wala sa sarili akong umirap.

"Hala! Nagagalit ka naman tsaka bakit mo ako inirapan?", nakangisi pa rin siya at animo'y nakalimutan na ang eksena sa banyo kanina.

Di ko na siya nilingon at nagpatuloy sa paghiwa ng sibuyas. Kumuha na din ng kutsilyo si Rye at nagsimulang hiwain ang iba pang sangkap sa lamesa.

"Uy dalawang ulupong pakibilisan jan at tatanghaliin na tayo!", si Manang Marya, nakaharap siya sa mga kawa ng niluluto niyang ulam nang bigla siyang sumingit. Natural din itong palabiro at maingay.

"Oo manang, malapit na!", pabiro ring sigaw ni Rye.

Wala pa rin akong imik. Halos maiyak na ako sa hinihiwa kong sibuyas.

"Hala! Manang si Sef umiiyak! Masakit yata ang almoranas!", nang-aasar na naman si Sef.

Di ako umimik.

Napatingin sa direksyon namin si Manang, kita ko mula sa peripheral vision ko sabay sabing: "Aysus, wag mo isipin yun, mahal ka nun!" at sabay pa silang tumawa ni pinsan.

Nagpilit ako ng ngiti pero di pa rin umiimik at nagpatuloy sa paghiwa habang nag-iisip. Nag-aalangan kasi ako na baka mas magmukha akong guilty kung di ako umimik lalo na kung wala lang talagang malisya yun kay Rye. Naguguluhan na ako.

Teka... bakit nga naman kasi ako guilty eh wala naman nangyari? Nakita ko lang naman ang hubad na katawan ng pinsan ko. What's the big deal?

Nagtatalo na ang isipan ko.

"Tapos na ako manang pero si Sef di pa!", pasigaw na kantiyaw ni Rye tsaka nagtaas pa ng kamay at nagsisisigaw ng 'yes, nauna ako' na parang nanalo sa lotto.

Narinig kong tumawa si Manang. Napatingin din ako kay pinsan at di ko mapigilang mapangiti sa childish nyang mga gawi.

"Sira, patapos na din ako! Kaw kaya maghiwa ng sandamukal na sibuyas!", nakangiti kong parinig kay pinsan. Normal ang tono ko pero magulo pa rin ang isip ko dahil sa nangyari kanina.

Nakatawa pa rin si Rye.

"Bahala ka basta nauna ako!", nang-aasar pa rin nyang biro sabay dila sakin. Tumalikod sya at pumunta sa kinaroroonan ni Manang at kinulit ito. Gutom na daw siya at hihingi daw siya ng isang mangkok ng niluluto nitong afritada. Natuwa ako sa usual na pagkukulitan ng dalawa. Maharot din kasi si Manang kahit nasa kwarenta na ang edad nya.

Dinala ko na rin ang mga nahiwa kong sibuyas kay Manang at inilapag sa lamesa malapit sa lutuan.

"Heto na ang delivery ng chopped na sibuyas, Madam! Pasensiya na po!", nang-asar na rin ako.

Nagpatuloy kaming tatlo sa harutan. Napuno na naman ng tawanan ang kitchen. Kahit maliit ang sahod dito, masaya ako sa mga tao. Lalo na't kasama ko dito ang pinakamalapit kong pinsan kahit pa minsan, siya ang dahilan kung bakit madalas ako ay naguguluhan.

***************************************

Nawala din ang gulo sa isip ko sa mga nakalipas na araw. Normal ulit kami ni Rye. Bagaman bumabalik-balik ang nangyari samin sa banyo sa isip ko, pinilit kong hindi dito sumentro ang araw-araw kong pamumuhay.

Noong isang araw ay sama-sama kami nina Rye at nang buong pamilya ni tito na nagtungo sa Laguna para sa padasal. 40 days kasi ni Tito Rey, ama ni Rye. Bigla ngang nawala si Rye noong padasal pero hindi na rin namin hinanap. Hindi na rin ito masyado pinansin ng ina bagaman nainis si tita ng konti sa kanya sa inasal nito. Naisip ko, baka ayaw lang ni Rye na inaalala ang kamatayan ng ama niya at gusto panatilihing buhay ito sa diwa nya.

***************************************

Sabado. Araw ng sahod at walang pasok. Nagkayayaan kami ni pinsan na gumala. Naglakad-lakad kami sa isang malapit na mall at kumain. Hindi naman kasi ganun kalakihan ang sinasahod namin para makapag-shopping kami.

Mga alas-syete na ng gabi nang nakauwi kami. Dumiretso na kami kina tito para maghapunan na rin at manood ng palabas sa telebisyon. Mga alas-nuwebe ay nagkayayaan na kami umuwi ni Rye dahil wala nang magandang palabas.

"Kelan kaya tayo yayaman?", tanong ni Rye sakin habang tinatanggal niya damit niya para magbihis ng pambahay.

Natuto ko na ring wag lagyan ng malisya ang mga ganitong tagpo sa pamamagitan ng di pagtingin sa katawan niya o di kaya'y di siya lingunin para maiwasan kong pagnasaan pa siya.

"Malapit na... tiyaga lang", pag-eengganyo ko sa kanya habang ako ay nagsusuot ng short at nakatingin sa sahig.

"Ang hirap ng buhay. Alam mo yung kanina sa mall ang dami kong gustong bilhin pero wala eh", napabuntong-hininga nyang sabi.

Nakabihis na siya at patungo na siyang lababo para mag-sepilyo.

"Bata pa tayo, Rye. Madami pang mangyayari sa atin", wika ko.

Napatingin siya saglit sakin saka tumalikod upang magsimulang maglinis ng ngipin. Kita sa mata niya ang pagkahapo at kalungkutan. Napailing na lang ako.

"Kapag ako yumaman pinsan, bibilhin ko lahat ng gusto mo, pramis!", nakaupo ako sa kama habang nagsasalita habang nakatanaw sa kanyang ngayon ay nakayuko na sa lababo para magmumog.

"Siguraduhin mo lang yan kasi hahabulin kita ng itak para masingil lang kita", natatawa nyang sabi habang tinataktak ang kanyang sepilyo.

"Siraulo!", natawa na rin ako. Nagtungo na rin akong lababo at siya naman ay naupo pa sa kama ko.

"Umakyat ka na sa kama mo, tulog na tayo", sabi ko sa kanya bago ako magsimulang magsepilyo.

Tahimik na siya. Di na sumagot sakin. Nagulat na lang ako nang pagkatapos ko magsepilyo ay nakahiga na siya sa kama ko. Napatigil ako saglit at pinagmasdan ang mukha ni pinsan. Napakaamo talaga ng mukha. Ang sarap lapirutin ng kanyang mga pisngi. Hindi ko na siya ginising para palipatin.

Pinatay ko na ang ilaw at tumabi sa kanya. May sakto pa namang espasyo para mahiga ako. Dumadagundong ang puso ko. Ngayon ko lang siya makakatabi sa kama.

Napabuntong hininga ako. Ramdam ko sa leeg ko ang paghinga niya. Mainit. Nakaka-demonyo. Nakatagilid siya at ako'y nakatihaya.

Gigisingin ko sana siya pero mukhang mahimbing na talaga ang tulog. Hindi ko maiwasan tumitig ulit sa mukha nya. Napaka-gwapong bata. Napangiti na lang ako habang malakas na kumakabog ang puso ko.

Nagulat ako ng biglang gumalaw ang mga kamay niya at yumakap sakin. Malalim ang kanyang mga hininga. Halatang napagod. Mukha namang mahimbing pa rin sya. Napakagat ako sa labi ko. Mas lalo akong kinabahan.

Hindi ko napigil ang sarili at inilagay ko ang kanang kamay ko sa kanyang ulunan at nagsimulang paglaruan ang kanyang mga buhok gamit ang palad ko. Ginagawa kasi sakin to dati ni mama para masarap ang tulog ko.

Masaya ako sa posisyon namin. Sa totoo lang, kahit kabado ako dahil sa libog, hindi ko naisipang gapangin pa siya. Nanaig pa rin sa konsensya ko na pinsan ko siya at hindi dapat. Nakatulog kami sa ganung posisyon. Naalimpungatan na lang ako madaling araw nang gumalaw siya at lumipat sa kanyang kama sa taas pero dahil sa antok ko, di ko na lang pinansin at natulog ako ulit.

***************************************

"Mag-eextend daw ng isang linggo pa si Randy", si tito Jose. Medyo iritable sya habang kausap kami ni Rye sa labas ng kanilang bahay. May isang linggo na kasi sa probinsya ang resident baker na si kuya Randy kahit tatlong araw lang ang paalam niya.

"Ok lang ba sa inyo na mag-duty ulit mamayang gabi para gumawa ng dough?", pagpapatuloy ni tito.

Tumango lamang kami ni Rye.

"Hayaan niyo, sabihin ko kay sir bigyan kayo ng extra. Hindi kasi ako pwedeng magpuyat kasi alam niyo naman ako namamalengke tuwing madaling araw", paliwanag pa ni tito.

Gaya ng dati, pinagpahinga muna kami ni tito. Katatapos lang ng tanghalian nun kaya bago kami natulog ni Rye ay nagkwentuhan muna kami tungkol sa mga computer games.

Alas-siyete na ulit nang magising kami at dumiretso sa bahay nina tito upang maghapunan bago kami tumungo sa kitchen para gumawa ulit ng supply ng dough. Medyo mas marami ang kelangan namin tapusin ngayon dahil naubos na ang stock at matagal-tagal pa bago dumating si kuya Randy.

Nagsimula agad kami. Mga alas diyes na nang matapos kami ni Rye sa paggawa. Ginutom kami kaya nangnenok kami ng konting karne sa ref para iprito saka nagsaing ng rice.

"Hindi na siguro nila yan mahahalata. Sampung kilo naman yang baboy", tawang tawa si Rye sa kalokohan namin.

"Hayaan mo sila, kung di tayo didiskarte gutom tayo. Ang liit na nga ng sahod natin", nakangiti kong sabi.

Mas lalo pa kaming natawa nang biglang may kumaluskos sa labas ng kitchen at dali-dali naming itinago ang sinasaing at piniprito namin dahil akala namin si tito. Pero nung sumilip kami ay pusa lang pala.

"Tae, napaso pa tuloy ako, " natatawa kong sabi.

Natapos na ang prito kong baboy at hinihintay na lamang ang sinaing nang mapagpasiyahan naming umupo muna at magpahinga.

"Libog na ako Sef", heto na naman si pinsan sa mga banat nyang nakaka-demonyo.

"Eh di magjakol ka!", sabi ko sa kanya. Napalunok ako dahil na-imagine ko na naman siya.

"Nakakasawa kasi yun", pini-pihit pihit nya ang kanyang harapan. Napasulyap ako. Alam kong matigas na yun. Mas lalo akong nag-init. Halata kasi sa suot niya ngayong jersey short ang bakat ng pagkalalaki niya.

"Maliit naman yan, ipajakol mo sa aso", pinilit kong magtunog na nang-aasar kahit na pinagpapawisan ako ng malamig dahil sa tumamang libog sakin.

"Kapal mo ah! Hindi no!", pagdepensa ni pinsan.

Para yatang mali ang nabitawan kong mga salita. Nakita kong tumayo si pinsan sa kanyang kinauupuan at saka tumigil sa gilid ko. Napatanghad ako sa mukha nya dahil nakaupo pa rin ako nun. Nakangisi sya nang bahagya.

"Papakita ko sayo Sef", may pagmamayabang niyang sabi.

Wala akong naisagot. Tumagaktak ang kanina pang mga nakatambay na butil ng pawis sa aking mukha. Napalunok ako nang malalim saka dumako sa kanyang harapan na ngayon ay kanya nang unti-unting hinuhubad.

Magkakahalong takot, tuwa, libog at nerbiyos ang nararamdaman ko noong mga sandaling iyon at napasinghap nang maibaba na niya hanggang tuhod ang kanyang suot na jersey short at tumambad sakin ang naghuhumindig na alaga nya.

"Kita mo na, malaki din yan sabi sayo eh", narinig kong sabi niya pero hindi ko na napansin dahil nakatuon ang pansin ko sa kanyang kargadang kay tagal ko nang gusto masilayan sa nakatirik nitong anyo.

"Ha... pahawak nga ako insan", wala na ako sa sarili ko nun.

Hindi siya umalma.

Ikinumpas ko ang aking palad sa nakatayong alaga ni Rye at ikinulong ko ito dito. Kung di ako nagkakamali, halos magkasing-taba lang kami ng ari at halos magkasing haba din lamang. Makintab ang ulo nito at naramdaman ko pang pumipitik pitik ito dala na rin siguro ng labis niyang kalibugan.

Tinanggal niya ang palad ko sa kanyang ari at biglang itinaas ang kanyang short. "Hoy, yung sinaing!", tinapik nya pa ako sa balikat dahil animo'y natulala ako sa mga pangyayari.

Bigla akong bumalik sa wisyo at tinungo ko ang sinaing na muntik pang masunog.

Wala kaming imikan. Nabigla din siguro sya sa mga nangyari at di inasahan na hahawakan ko ang ari niya. Natapos kami sa pagkain nang hindi nag-uusap. Nauna na rin siyang umuwi nang bahay dahil nagpaiwan ako para maghugas... at para mag-isip. Mas lalo akong naguluhan ngayon. Alam kong mali ngunit hindi ko maiwasang isipin na sayang ang pagkakataon na yun... napapikit na lang ako at bumuntong-hininga ng malalim.

ITUTULOY

No comments:

Post a Comment

Read More Like This