Pages

Sunday, September 27, 2015

You Again

By: Kier Andrei

This is a work of fiction. Any resemblance to real events or people are merely coincidental.

Hi! A friend of mine gave me a dare, magsulat daw ako ng isang gay love story. Akala ko noong una, biro lang pero sabi niya kasi, kapag nagawa kong makatapos ng isa na magugustuhan niya, may premyo daw akong trip to Palawan. Hindi nga lang ako sure kung tutuparin niya.

Nasanay na kasi siya na nagsusulat ako ng mga kwento pero ni minsan, hindi ko pa nagawang magsulat ng gay themed. This is going to be my first ever gay love story.

Nang ma-i-send ko sa kanya, he gave me this e-mail address and your blog collection of gay stories. Hindi man ako sanay na magbasa ng ganitong uri ng literatura, nakakatuwa naman iyong iba dahil talagang pinag-isipan. Madalas pa yata ay hango sa tunay na buhay.

This story I have written isn't a true story though. Talagang gawa-gawa lang. Pagpasensiyahan na lang po lalo na iyong love scene dahil wala po talaga akong experience when it comes to this kind of relationships. I do hope you like it though. I had fun writing the whole thing kahit medyo nakaka-awkward at times. :-)

Lahat naman siguro ng tao, nangangarap na darating iyong pagkakataon na matatagpuan nila iyong taong mamahalin nila at magmamahal din sa kanila. Mahilig man sa fairy tales at happily ever after o di kaya iyong tipong mas mapait pa sa ampalaya sa sobrang pagiging bitter, umaasam pa rin na darating iyong pagkakataon na makakahanap din sila ng taong makakasama nila habang-buhay.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat. Kasi ang buhay ko, parang mga shorts stories lang talaga, madalas pa, ending lang, walang kasamang happy kapag nagtatapos.
Una pa lang naman, aminado na ako na bisexual ako, pwede sa babae, pwede sa lalaki, tipong parang blue corner lang, unisex kumbaga. Basta may nagustuhan, walang pakialam kung lalaki man o babae. Kasi para sa akin, hindi mo naman mapipigilan iyon eh. Mapapansin mo na lang, hulog ka na pala. Pero hindi ko din naman masasabi na mas madalas akong magkagusto sa kapwa ko, kasi minsan, depende din lang talaga sa mood. Idagdag pang may pagkatarantado talaga ako.
Ako nga pala si Alvin, at palayaw ko talaga iyan. Twenty-eight na ako ngayon. Hindi naman ako ambisyoso para sa bihing sobrang gwapo ako pero hindi naman ako panget. Moreno ako at may katangkaran sa height kong five-nine. Hindi ko din sasabihing maskulado ako dahil totoo namang hindi. May kapayatan pero may laman. Parang high school students lang, ganun. Hanggang sa ngayon nga, kinukuhanan pa rin ako ng ID sa 7-11 kapag bumibili ako ng yosi. Minsan pa, ayaw nilang maniwala na ako iyong nasa-voter’s ID na ibinibigay ko.
May katangusan ang ilong ko, at madalas na napagkakamalan akong may lahing Pakistani, kahit wala naman. May lahing Espanyol ang tatay ko pero mukhang tangkad lang ang nakuha ko sa kanila dahil ang kulay ko, Pilipinong-pilipino talaga. Dahil maiitim, hindi talaga mapula ang labi ko, tapos nagyoyosi pa ako pero sabi naman nila, mukhang masarap pa din namang halikan. Hindi ko nga lang alam kung totoo dahil hindi ko na naman nahahalikan ang sarili ko. Pero ang pinaka-nagugustuhan daw nila sa akin eh ang mga mata ko. Mukha daw kasing laging iiyak at para daw ang lalim lagi ng iniisip.
Kahit papaano naman, medyo nangungulekta din ako ng mga naglalandi sa akin, babae man o lalaki. Pero hanggang ganoon lang. Landi-landi lang kumbaga, pero walang seryosohan. Hindi pa naman kasi stable ang trabaho ko ngayon kaya ayaw kong magseryoso lalo at wala pa akong maipapakain sa kung sino man ang minalas na makakatuluyan ko.
Eighteen ako noong una akong talagang magkagusto sa kapwa lalaki. Dati kasi, naguwaguwapuhan lang ako pero hanggang doon lang. Wala akong ginagawa. Tipong may dumaan eh magsasabi lang ng, “Ang gwapo naman noon,” pagtapos eh wala na. Crush lang kung crush pero hanggang doon lang talaga. Kahit pa nga naging kaibigan ko iyong ibang naging crush ko, parang wala pa rin lang sa akin.
Pero iba ang naging dating sa akin ni Ian.
Third year na ako sa UPLB noong makilala ko siya, communication arts, freshman lang naman siya, engineering ang course. Dahil naging pabaya, ang dami kong bagsak sa katatapos lang na semestre kaya pangalan ko lang ang laman ng enrolment form ko noong mag-enrol ako. Muntik na din akong matanggal sa unibersidad pero sa awa ng Diyos, napagbigyan pa ako ng isang pagkakataon.
Sa UPLB, may tinatawag na PREROG o teacher’s prerogative. Ito iyong mala-Hunger Games na pag-aagawan ng mga pasaway na estudyante ng mga klase na pwede nilang pasukan. Karaniwan, general education subjects ang mga ito. Tinatawag din itong talent portion kasi nga, kailangan mong magpakitang gilas para lang ikaw iyong matanggap.
Sa klase ng Philippine History ko nakilala si Ian. Kung tutuusin, hindi ko pa siya napansin noong una. Masyado kasing busy ang utak ko sa pag-iisip nang kung ano ang pwede kong gawin para sa presentation. Isa pa, tahimik lang siya sa klase. Ni hindi nga siya nakikinig sa amin eh.
“Now, let’s hear it from Alvin Montegrico.” Biglang sabi noong professor na akala mo naman, contest talaga iyong sasalihan namin.
Sa totoo lang, kaibigan ko iyong propesor. Nasabi na din niya na tanggap na ako sa klase pero kailangan ko pa rind a magpasikat para hindi mahalata. Wala naman akong magawa kaya pumayag na din lang ako. Ako pa ba ang mag-iinarte eh ako ang may kailangan?
Hanggang sa makatayo ako sa harapan ng buong klase ay hindi ko pa rin alam ang gagawin ko. Kasagsagan pa lang ng F4 noon kaya kahit papaano ay nakiuso ako. Tamang-tama, may narinig akong nagsabi na may hawig daw kami ni Wachi Lei mula sa likod kahit hindi masyadong kapanipaniwala. Ayun, iyong kanta na lang doon ang naisipan kong kantahin. Tumikhim pa ako at nagpa-cute bago ako nagsimula.
Tell me his name I want to know
The way he looks and where you go
I need to see his face, I need to understand
Why you and I came to an end

Kahit naman sabihing hindi kami magka-boses ni Josh Groban, hindi din naman panget ang boses ko, nasa tono naman. Medyo napangiti pa nga ako dahil natahimik ang buong klase. Ramdam na ramdam ko kasi iyong kanta. Kunwari concert ko na lang, sa Araneta, ganun, para lumakas ng konti ang tiwala sa sarili.

Tell me again I long to hear
Who break my faith in all these years?
Who lays with you at night when I’m hear all alone
Remembering when I was your own

Saktong-sakto na dumapo ang tingin ko kay Ian nang malapit na ako sa chorus. Nakatingin na din pala siya sa akin, nakangiti. Hindi ko nga lang alam kung ano ang dahilan. Ako naman si gago, biglang nag-iwas ng tingin. Muntik pa akong pumiyok.

Anak naman kasi ng pating, ang gwapo niya. Maputi, medyo may kahabaan ang dark brown niyang buhok, ang ganda ng ngiti, at pamatay ang chinito niyang mga mata. May kabaduyan pa siya noon, naka-t-shirt at shorts lang saka tsinelas pero hindi ko na iyon napansin. Basta ang tumatak lang sa akin eh iyong ngiti niya. Basta kinilig na lang akong bigla ng hindi ko alam.

I'll let you go
I'll let you fly
Why do I keep on asking why?
I'll let you go
Now that I found
A way to keep somehow
More than a broken vow

Tell me the words I never said
Show me the tears you never shed
Give me the touch
That one you promised to be mine
Or has it vanished for all time

Patapos na akong kumanta ng muli akong tumingin sa kanya. Nakatingin na ulit siya sa labas ng binata pero napansin kong sumasabay siya ng pagkanta sa akin. Ako naman ang parang gagong napangiti. Sa isip ko na lang, “Uy! Meant to be!”

Nagpalakpakan pa iyong klase pagkatapos kong kumanta. Feel na feel ko naman na nag-bow pa ako sa kanila sabay kindat sa mga babaeng nandoon. Pero nang bumalik ang tingin ko kay Ian, bigla akong nahiya nang makita ko siyang umiiling.

Hindi kami nag-uusap ni Ian sa klase pero madalas ko siyang nakawan ng tingin. Lagi kasi siyang nakadungaw sa labas ng bintana kaya hindi niya ako napapansin. Tulad ng dati, nagkasya na lang ako sa pagtingin-tingin sa kanya. Ganoon naman kasi ako talaga. Mapababae man o mapalalaki, titingin lang ako kapag nagagandahan o naguwaguwapuhan pero hanggang doon lang.

Pero halos siya ang laman ng journal ko noong mga panahong iyon. Minsan nga ay nakukunsensiya na din ako sa girlfriend ko kasi nga, iyon at nasa isang relasyon ako pero may nagugustuhan akong iba, lalaki pa.

Akala ko nga buong semestre na kaming hindi mag-uusap. Kaso, may isang gabi na naglalakad-lakad lang ako sa campus. Kabe-break lang namin ng girlfriend ko noon at aaminin ko, minahal ko talaga iyon ng sobra kaya nga lugmok na lugmok ako. Para akong tangang naglalakad lang hanggang sa mapagod at maupo. Hindi ko na napansin na umiiyak na pala ako.

Eh mukhang may katarantaduhan ding itinatago ang tadhana, nadaanan ako ni Ian. Hindi siya nagsalita pero tinignan lang niya ako. Hindi ko pa nga siya napansin noong una kasi todo talaga ang pagdradrama ko sa mundo. Kung hindi pa siya tumikhim, hindi ko pa mapapansin. Noong makita ko siyang nakatayo as harap ko, agad akong umalis. Napahiya ako siyempre, kalalaki kong tao, mukha akong tanga na umiiyak sa kalye.

Kinabukasan, iniwasan kong salubungin ang mata niya. Eh nakakagago, mukhang nananadya, maya’t maya kung tumingin. Nataon pa naman na ako ang magre-report kaya ayun, hindi niya talaga ako tinigilan sa kakatitig niya hanggang sa matapos akong mag-report. Ewan, pero imbes na kiligin eh nairita lang ako sa kanya. Siyempre, broken hearted pa ako.

“So, ang final presentation ninyo eh isang play. Kayo na ang bahala. Alvin, dahil ikaw naman ang may theater experience dito, ikaw na ang bahala sa mga kaklase mo.” Maya-maya ay sabi noong propesor.
Lutang na lutang pa ang utak ko noon kaya tumango na lang ako. Mabuti na nga lamang at may iba nang gumawa ng script kasi wala ako sa mood. Ang problema, kailangan naming kumuha ng tunog ng kampana. Ewan kung anong katangahan ang pumasok sa isip ko noon at nagawa kong mag-suggest na i-record na lang iyong kampana noong simbahan na malapit sa amin. Pumayag naman ang mga kklase ko. Wala talagang nakaisip ni isa sa amin na mag-download na lang.

“Ako na lang ang pupunta,” sabi ko pa. Maaga din lang naman kasi akong nagigising kaya nagprisinta na ako. Nagulat na lang ako nang magsalita si Ian.

“Samahan na kita.” Iritable pa rin ako sa pagtitig niya sa akin ng mga oras na iyon. Imbes na sumagot, tumango na lang ako. May isa pa kaming kaklase na sasama daw na tinanguan ko din lang.

Lingo ng umaga, wala ako sa mood na bumangon sa kama. Naka-boxers lang ako at sandong itim na lumabas ng bahay dala ang recorder at saka wallet. Magre-record lang naman kasi at hindi papasok sa simbahan kaya hindi na ako nagbihis.

Masyado akong napaaga sa kung saan kami magkikita nina Ian at iyong kaklase namin. Alas-singko pa lang nandoon na ako. Dahil antok pa, dumaan na ako ng kape sa isang fast-food chain. Ginawa ko ng tatlo kasi nakakahiya naman kung ako lang ang may iniinom.

Pagdating ko sa Humanities building, wala pa iyong mga kasama ko. Naupo na lang ako habang tinitignan ang puwet ni Oble. Walang halong malisya iyon. Iniisip ko lang kung bakit bakit iyong puwet pwedeng makita pero iyong titi, hindi.

Nagulat pa ako ng may kamay na pumitik sa harapan ko. Si Ian na pala. Pawis na pawis siya at kahit medyo madilim pa, halos kumislap ang pawis niya sa braso at paa. Naka-shorts at sando kasi siya noon at rubber shoes at mukhang kagagaling lang sa pagdi-jogging. Natulala ako ng konti kasi kahit pawisan, ang gwapo pa rin niyang tignan, lalo na at nakangiti na naman siya sa akin. Humapit na din ang suot niyang sando sa katawan niya at hindi maipagkakailang maganda ang hubog noon.

“Kanina ka pa?” Tanong niya sa akin.

“Medyo. Ang tagal niyo eh.” Sagot ko na lang sabay iwas ng tingin. Baka kasi mahalata ang pagtitig ko, delikado. Umupo siya sa tabi ko, nakatutok ang mata sa kapeng hawak ko pero walang sinasabi. Walang sabi-sabing iniabot ko sa kanya ang isa.

“Uy! Salamat! Nakakahiya naman,” aniya sabay suntok ng mahina sa braso ko. Hindi pa rin ako umimik.

“Pala, huwag kang bukaka ng bukaka, kita na betlogs mo,” dagdag niya na agad kong ikinapula. Noon ko lang naalala na wala akong brief sa ilalim noong boxers na suot ko. Agad akong nag-ayos ng upo.

“Tuwang-tuwa ka naman?” Inis kong tanong sa kanya.

“Medyo lang,” sagot lang niya na tumatawa. Hidi naman nagtagal ay dumating na iyong isa pa namin kasama.

Hindi na namin naabutan iyong pagtunog ng kampana. Noon din lang pumasok sa isip namin na pwede namang amg-download na lang kami. Para kaming mga tanga.

Nang maghihiwalay na kami, bigla akong hinawakan ni Ian at saka tinanong. “Okay ka na?” Agad ko namang naintindihan kung ano ang gusto niyang tukuyin. Tumango lang ako. Bigla ko kasing nalulon ang dila ko dahil sa init ng palad niya sa braso ko.

“Good!” Sabi lang niya sabay suntok uli ng mahina sa braso ko. Para akong na-engkantong nakatayo lang doon at pinagmamasdan siyang lumayo.

Bago iyong mismong presentation, nagkaroon ng field trip ang klase namin. Sa pagkakataong iyon, kahit papaano ay naging close na kami ni Ian at sa dalawa pa naming kaklase na sina Mark at Victor. Kahit magkakaiba kami ng course, pagdating sa klaseng iyon, kami ang sanggang dikit.

Dahil gwapo naman talaga, madaming nagkakagusto kay Ian. Kaya nga noong field trip, talagang harapharapan na nakipag-agawan sila na makatabi siya. Ako naman, walang pakialam. Basta ang gusto ko, katabi ko iyong pintuan ng van. Gusto ko kasi iyong nahahanginan kapag nagbibiyahe eh iyon lang ang parte kung saan pwedeng bukan ang bintana.

Ako ang huling pumasok sa loob. Nagulat pa ako ng makitang si Ian ang magiging katabi ko.

“Mang-aagaw!” Kunwari ay galit na sabi sa akin ng isa naming kaklaseng babae sabay pulupot ng kamay sa braso ni Ian. Hindi ko naman alam kung anong ibig niyang sabihin pero dahil inalihan na din ng kalokohan, sinakyan ko na lang din.

“Walang maagaw kung walang magpapaagaw. At kasalanan ko bang nasa akin ang lahat ng wala ka?” Sabi ko sa kanya na ikinatawa lang ng lahat ng nandoon. Pati si Ian, tumatawa din pero halatang namumula.

Nang makaupo, kinausap ko agad si Ian. “Asan si Jonna?” Tanong ko sa kanya. Ang sabi niya kasi sa akin noong huli, sasama ang girlfriend niya.

“Break na kami.” Maikling sagot lang niya kasabay ng isang ngiti.

Ito lang ang nakipag-break na masaya, sabi ko sa isip ko pero medyo nag-tumbling ng kaunti ang puso ko sa narinig, hindi ko lang ipinahalata. Hindi naman sa umaasa ako pero dahil single siya at single na ako, aba, may pag-asa!

“Welcome to the club!” Sabi ko na lang. Sinuntok niya ulit ang braso ko ng mahina. Napansin kong hilig na niyang gawin iyon basta magkikita kami.

Palabas na kami ng Laguna ng bigla akong topakin. Nabuburyong na kasi ako sa pagtanaw sa labas at gusto ko sanang makatulog kaso, hindi ako sanay na matulog sa biyahe na walang music. Kinalabit ko si Ian na agad namang tumingin sa akin, nakangiti na naman.

Kapag ito, hindi tumigil sa kakangiti sa akin, hahalikan ko na talaga, sabi ko sa sarili ko.

“Bakit?” Tanong niya.

“Kanta ka. Gusto kong matulog.”

“Gagawin mo pa akong radio,” aniya pero bago pa man ako nakasagot, nagsimula na siya.

I found her diary underneath a tree
And started reading about me
The words she’d written took me by surprise
You’ll never see it in her eyes
She said that she had found the love she’d waited for
Wouldn’t you know it, she wouldn’t show it

Hindi pamilyar sa akin iyong kanta pero nagandahan ako. Medyo bitter kasi eh kaya sakto sa trip ko. Saka aminin ko, ang sarap pakinggang ng boses niya. Hindi ko namalayan, naka-idlip na pala ako. Nakatatlong kanta yata siya bago ako nakatulog. Nagising na lang ako ng may pumisil sa ilong ko.

Nakapikit pa rin akong tinapik ang kamay ng kung sino man iyon. Kapag kasi ako natutulog, ayaw na ayaw ko iyong na-i-istirbo. Umungol pa ako ng kaunti. Kaso makulit iyong kamay at pinisil ulit iyong ilong ko. Iyon palang babaeng kaklase namin ang gumagawa, iyong nakaupo sa tabi ni Ian.

“Hoy Montegrico! Sumusobra ka na! Kinantahan ka na nga, sa dibdib ka pa talaga niya sumandal at natulog! Baka gusto mong patayin kita!” Anito na mas mukhang nang-aasar kesa nagagalit.

Agad akong nagmulat ng mata at nag-ayos ng upo. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko ng wala sa oras lalo na ng marinig ko ang mahinag tawa ni Ian.

“Iss! Inggit ka lang!” Bawi ko na lang.

Para hindi masyadong halata ang pagkapahiya ko, talagang hinila ko pa si Ian at saka sumandal uli sa dibdib niya. Eh sumakay naman ang tarantado, at umakbay pa talaga sa akin. “Oh di ba, ang sweet namin? Ito ang true love!” Dagdag pang-aasar ko pa.

“Babe naman, huwag ganyan. Akala ko ba hindi pa natin aaminin?” Sabi ni Ian. Kinilabutan ako ng kaunti sa pagtawag niya sa akin ng babe. Alam ko namang sumasakay lang sa sa saltik ko pero talagang kinilig ako. Laglag brief ika nga lalo at may pahagod-hagod pa siya ng brasong nalalaman.

“Eh babe kasi eh, akala mo kung sinong magselos wala namang karapatan.” Pag-iinarte ko pa kunwari. Maya-maya, biglang nagsalita sina Mark at Victor mula sa likod.

“Hoy! Ang bababoy ninyo!” Sabi ni Mark.

“Hon, naman! Para mo na ding sinabing baboy din tayo. Huwag ganun!” Sabi naman ni Victor sabay yakap kay Mark. Napabulanghit tuloy kami ng tawang lahat sa loob ng van. Iyon kasi ang masaya sa grupo naming apat, parepareho kaming may saltik.

“Kaloka! Ang gwagwapo ninyo tapos kayo-kayo din lang pala! Sayang! Magugunaw na talaga ang mundo!” Reklamo kunwari noong babaeng katabi ni Ian.

“Anong sayang? Sabi nga nila, hindi sayang dahil maraming baklang makikinabang! Kaya go lang ng go!” Sabat pa ng isa naming kaklase.

Agad din naman akong kumalas sa pagkakayakap sa akin ni Ian at saka nauna nang bumaba. Nasa tapat na kami noon ng isang lumang simbahan sa Cavite na hindi ko matandaan ang pangalan. Nakasunod lang siya sa akin. Pati si Victor at Mark, kasama na din namin nang maglibot.

Dahil matagal iyong biyahe, nakaramdam ako ng gutom. Nagprisinta sina Mark at Victor na bibili dahil alam naman nila kung gaano ako katamad kaya naiwan kami ni Ian sa harap ng simbahan.

Nakatingin lang si Ian doon, mukhang malungkot. Naalala ko tuloy iyong sinabi niyang break na sila ni Jonna. Kahit naman kasi sabihing natuwa ako na wala na sila, siyempre, ayoko din namang nakikita siyang ganoon.

“Okay ka lang?”

Pinilit niyang ngumiti bago humarap sa akin. “Oo naman. Ako pa!”

Umiling na lang ako sabay sabing, “Utot mo! Halika nga dito!”

Ewan kung anong maligno ang sumanib sa akin ng mga oras na iyon basta ko na lang siyang niyakap ng mahigpit. Wala din naman kasi akong maisip na sasabihin para maglubag ang loob niya kaya iyon na lang. Alam ko kasi kung gaano niyang kamahal si Jonna.

“Ano to? Group hug ba o landian hug? Paki-explain para alam namin kung ju-join kami o hindi.” Narinig kong sabi ni Victor na nakabalik na pala. Ngiting-ngiti pa siya sa amin ni Ian. Imbes na sumagot, hinila ko si Victor para isama sa yakap. Si Ian na mismo ang humila kay Mark na nagkunwari pang umayaw habang tumatawa.

“And by the power vested in me, I now pronounce us, husband, husband, husband, and husband. We may now have an orgy!” Malakas na sabi ni Victor na naging dahilan para mapatingin sa amin ang mga dumadaan.

Binatukan ko ng wala sa oras si Victor. “Tarantado ka talaga!”

“Mana-mana lang iyan! Nahawa lang ako sayo, ugok!” Sagot lang niya.

Nang makapagmeryenda, sabay-sabay na kaming naglibot. Nakahiwalay na kami sa iba naming kaklase kasi wala na silang ginawa kundi magpa-picture.. Tamang-tama naman na may nadaan kaming bilihan ng mga souvenir. Itong si Mark na pinakamaton kung umasta pa ang nagpilit na bumili kami noong bracelet na magkakaparepareho.

“Pakiramdam ko tuloy, ikinasal talaga ako,” Ani Victor pagkalay noong bracelet sa sarili sabay hawak sa kamay ni Mark. “I love you too, hon!” Dagdag pa niya.

Nandidiring kinutusan ni Mark si Victor. “Ikaw! Kanina ka pa ha! Umamin ka nga, may gusto ka ba sa akin?”

“Asa ka naman!” Sagot lang ni Victor na tumatawa. “Hindi kita type! Saka may iba na akong mahal at mahal din niya ako. Hindi ba Ian?”

Si Ian naman ang hinawakan niya sa kamay. Medyo kinurot ang puso ko nang umakbay pa si Ian dito at nagkunwang hahalikan. “Siyempre naman, mahal ko.” Anito.

“Kadiri talaga kayo!” Sabi ko. Siyempre, dahil nagseselos, ipokrito. Kahit kasi alam kong biro lang sa kanila iyon, hindi ko maiwasang masaktan. Ambisyoso ako eh, pakiramdam ko, dapat ako lang. Akala ko kasi ako lang ang ginagawan niya ng ganoon pero hindi pala.

“Selos ka naman agad!” Ani Victor na tumatawa. Nagulat na lang ako nang bigla niyang itulak si Ian papunta sa akin. Napayakap tuloy ako kay Ian para hindi tuluyang matumba kaso pareho din kaming bumagsak, nakapatong pa siya sa akin.

“Oh ayan! Sa iyo na! Alam naman naming mahal niyo isa’t isa!” Biro pa ni Victor.

Wish ko lang totoo, anang isang parte ng isip ko. Sasagot na sana ako nang bigla akong harapin ni Ian at titigan sa mata.

“Mahal mo ako?” Kunwaring seryosong tanong nito. Kinindatan pa niya ako para sabihing sumakay lang.

“Kapag sinabi ko bang oo, magagalit ka?”

“Hindi. Kasi mahal din kita.”

“So mahal mo ako, mahal kita, so tayo na?”

“Tayo na?” Tanong ni Ian, ngiting-ngiti. Kung hindi ko lang alam na biruan lang iyon, baka kanina pa ako hinimatay sa tuwa.

“Oo, tayo na. Kasi mukha na tayong tanga na magkapatong dito eh. Unless gusto mong gumapang tayo pabalik sa van. Kung iyon ang trip mo, aba, mag-isa ka na lang.” Sabi ko sabay tulak sa kanya papalayo. Tawa lang siya nang tawa. Tinulungan pa niya akong tumayo.

“Tang-ina talaga ninyo! Akala ko totoo na!” Namumutlang sabi ni Mark.

Si Victor ang sumagot sa kanya. “Bakit? Inggit ka? Eh kung gusto mo, tara, magpagulong-gulong din tayo sa damuhan, magtampisaw sa beach at magdawdawan ng tubig para sweet.” Buska nito sabay akbay kay Mark. Nagkatinginan kami ni Ian at sabay na natawa.

“Konting-konti na lang talag Vic, maniniwala na akong patay na patay ka kay Mark. Iba na eh.” Sabi ni Ian.

“Sinabi mo pa! Umamin nga kayo, kayo na ba?” Tanong ko kay Mark na agad na namula. Napakunot tuloy ang noo ko ng wala sa oras. “Sandali nga lang, iba talaga eh. Hoy! Umamin nga kayo! Anong meron?”

Nakangiting tumingin si Victor kay Mark saka kumindat sa akin. Lalo tuloy akong nalito.

“Two months na,” Ani Mark na hindi makatingin sa amin ni Ian. Nalaglag ang panga ko ng wala sa oras.

“Kayo?” Sabay pa naming tanong ni Ian. Sabay ding tumango ang dalawa sabay taas ng kamay na magkahawak. Doon ko lang napansin na may suot silang singsing na magkapareho.

“Oh My God!” Nasa loob na kami ng van at pabalik na ng Laguna ay hindi pa rin ako makahuma sa balita nina Mark at Victor. Kahit ilang ulit mo kasi silang tignan, hindi mo talaga paghihinalaan. Lalo pa nga at may kanya-kanyang frat ang dalawa. Pareho ding maskulado at madaming babaeng umaaligid sa kanila.

“Itulog mo na lang iyan,” Natatawang sabi sa akin ni Ian.

Nagtaka din ako dito dahil mukhang hindi siya nabigla. Iyon pala, nauna na nitong nalaman ang tungkol sa dalawa. Sarap niya tuloy dagukan kasi kung makaarte kanina, akala mo wala ding kaalam-alam.

Nahiya lang daw magsabi sa akin sina Mark at Victor dahil baka hindi ko daw matanggap. Hindi naman kasi nila alam ang oryentasyon ko. Kung hindi pa nga daw sinabi ni Ian na siya ang bahala sa akin eh hindi aamin ang mga ito.

“Mga tarantado! Ano naman ang akala ninyo sa akin? Makitid ang pag-iisip?” Sabi ko sa kanila kanina sabay yakap sa kanilang dalawa. Mukha kami tuloy tangang nagyayakapan doon. Wala din naman akong pakialam, basta ako masaya ako para sa kanila. Eh ginusto nila yan eh, suportahan na lang.

Ngumiti ako kay Ian. “Sana maging masaya sila,” sabi ko na lang. Hindi ko inaasahan ang sumunod niyang ginawa. Bigla na lang niya akong hinatak at saka pinasandal sa dibdib niya. Mabuti na lang at tulog na ang mga kasama namin sa van, dahil kung hindi, mauuwi na naman iyon sa kantiyawan.

“Matulog ka na lang.” Sabi niya saka nagsimula nang kumanta.

Pana-panahon ang pagkakataon
Maibabalik ba ang kahapon?

Natatandaan mo pa ba
Nang tayong dal'wa ang unang nagkita?
Panahon ng kamusmusan
Sa piling ng mga bulaklak at halaman
Doon tayong nagsimulang
Mangarap at tumula

Natatandaan mo pa ba
Inukit kong puso sa punong mangga
At ang inalay kong gumamela
Magkahawak-kamay sa dalampasigan
Malayang tulad ng mga ibon
Ang gunita ng ating kahapon

Nasa kalagitnaan pa lang siya ng pagkanta ay nakatulog na ako. Pakiramdam ko tuloy, iyon na ang pinakamasayang araw sa buhay ko. Pinagbigyan ko ang aking sarili na isipin na iyong taong gusto ko, gusto din ako. Minsan lang naman.

Hindi naman nagbago ang turingan naming apat pagatapos noon. Kapag nasa klase, ganoon pa rin kami, magulo, makulit, maingay. Wala ding ibang nakakaalam tungkol sa relasyon nina Mark at Victor hanggang sa matapos na ang semestreng iyon.

Kami ni Ian, ganoon pa rin. Mas dumalas ang pagsasama namin dahil wala na siyang girlfriend at saka napilit na din niya akong mag-jogging sa umaga. Dati kasi, swimming lang ang gusto kong gawin tapos every weekend lang. Naging parte na din naman kasi ako ng isang modern dance crew noon kaya hindi ko naman na talaga kailangang mag-exercise pa ng extra. Sa pagsasayaw pa lang kasi, bugbog na kami lalo at required ang pagdi-gym dahil na din sa mga lifting at stunts.

Noong ipapalabas na iyong presentation namin sa klase, na-late na naman ako ng gising. Tamad na tamad talaga ako noong araw na iyon at dahil wala naman na akong parte sa play, wala na din akong balak pumunta. Kaso dumating si Ian at sinundo ako kaya walang takas.

Dahil malalandi ang mga kaklase ko, kailangang nakahubad-baro ang mga lalaki. Body paint lang ang taas tapos nakabahag lang sa baba.

Hindi naman kataka-takang si Ian ang lead dahil kung may isang tao mang gusto nilang makitang nakahubad doon, siya na iyon. Ako ang ginawa nilang understudy niya pero nungkang mapag-perform nila ako.

Diretso kami ni Ian sa CR kasi pareho na kaming late at siya na lang ang hindi nakakapagpalit eh kailangan pa niyang magpa-body paint.

Namula ako ng sobra nang basta na lang niyang hubarin ang suot niyang t-shirt at pantalon. Naka-boxer brief lang siyang hapit na hapit na may kanipisan pa kaya kita talaga lahat. Ang matambok niyang puwet, lalo na ang umbok niya sa harap na halatang may ipagmamalaki.

Ang ganda talaga ng katawan ng hayop na ‘to, sabi ko sa isip ko kasabay nang paglunok. Hindi mo talaga aakalaing disi-siyete pa lang. Pang-mama na kasi ang katawan. Hindi naman iyon kataka-taka dahil may lahi naman kasi may lahi naman kasi talagang banyaga si Ian. Half-Japanese ang mama niya at sa pagkakaalam ko, Dutch ang papa niya. Hiwalay na ang mga ito at nasa Canada na ang mama niya. Ang papa naman niya ay nasa Mexico at doon nagtratrabaho. Lola lang nito ang kasama nito sa Batangas.

“Hoy! Huwag mo akong pagnasaan! Tulungan mo akong magbihis dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit ako late!” Singhal niya sa akin ng nakatawa sabay abot sa akin noong design ng body paint na ilalagay sa kanya. Napanganga na naman ako. Sa disenyo kasi, abot hanggang sa pisngi ng puwet iyong ilalagay sa likod. Mas nataranta ako noong makita ko iyong sa harap. May parte pa kasi na malapit sa singit.

“Anong ipinaglalaban nito? Bakit pati singit, meron?” Tanong ko sa kanya na kinakabahan.

“Nagtanong ka pa eh ikaw ang naglagay noong scene na matatanggal iyong pagkakatali noong bahag! Pinaghubo’t hubad mo na lang sana ako!” Sagot niya.

Napakunot naman ang noo ko ng wala sa oras. Nagbibiro lang ako noon. Malay ko ba namang seseryosohin nila.

“Pumayag ka?”

“Pinilit ako ni Ma’am. Kapag daw pumayag ako, kahit palpak iyong presentation, 100 na tayo.” Sabi lang niya.

“Weh? Di nga? Sabihin mo, gusto mo din talaga!” Buska ko kay Ian. Imbes na sumagot, iniabot niya sa akin iyong body paint. Napatanga na naman ako.

“Bakit ako?”

“Ikaw ang nag-suggest kaya ikaw ang maglagay! Saka sino sana ang maglalagay sa akin niyan? Si Chad?” Sabi niya na ang tinutukoy ay iyong bading na bading naming kaklase.

Hindi na lang ako sumagot. Nalaglag na ng tuluyan ang brief ko nang walang seremonyang tinanggal niya ang suot niyang boxers at saka humarap sa akin. Diyos kong mahabagin! Napasinghap ako ng wala sa oras. Hindi pa man matigas eh malaki na. Tantiya ko eh nasa limang pulgada na iyon samantalang tulog pa.

“Titi ba yan o paa?” Wala sa sarili kong tanong. Ang tarantado, tumawa lang. Sigurado ako, pulang-pula ang mukha ko ng mga oras na iyon.

Tumalikod siya at naunang pinalagyan ang kanyang likod. Tumambad tuloy sa akin ang maputi at matambok niyang puwet. Ngani-ngani ko nang kagatin. Para kasing iyong tinapay ng siopao, matambok na maputi, ang kinis-kinis.

“Asan ang paint brush?” Tanong ko na lang.

“Wala akong nabili.” Sagot lang niya.

“So kakamayin ko?” Anas ko na medyo mahina. Konting-konti na lang talaga, bibigay na ako.

Muli siyang humarap sa akin. “Hindi, dila ang gagamitin mo! Dalian mo na nang matapos na!” natawa na lang ako. Wala pa kaming isang semestre na magkaibigan, nahawa na siya sa pambabara ko.

“Are you seducing me?”

“Hoy! Montegrico, kung ise-seduce kita, kanina pa sana sa kwarto mo. Tarantadong ‘to. Umayos ka nga at dalian mo na lang. Mamaya may pumasok pa dito, iba pa ang isipin.”

Dahil wala naman akong choice, sinimulan ko na lang. Mabilis ko namang natapos iyong likod niya kahit na medyo nanginginig ako. Kapag kasi nagseryoso na ako sa ginagawa, wala na talaga, trabaho na lang talaga. Tipong wala nang libog, ganoon.

Kaso ibang kaso na noong sa harap. Tarantado kasi iyong nag-design noong body paint, pati nipples idinamay sa lalagyan. Pamatay pa man din ang nipples ni Ian. May kalakihan na medyo pink. Nagulat pa ako nang makitang tayung-tayo na iyon. Mas natameme ako nang makitang hindi lang iyon ang nakatayo. Hindi man lang talaga niya tinakpan.

“Takte! May lisensiya ba yan?” Tanong ko sa kanya. Noon ko lang napansin na pulang-pula na pala siya.

“Pwede dalian mo na lang?” Angil niya sa akin. Tinawanan ko na lang at sinimulang pinturahan ang dibdib niya. Ang hayop, umungol pa nang mapunta sa nipples niya ang daliri ko.

“Hoy! Huwag kang umungol! Ang sagwa!” Sabi ko sa kanya na tumatawa. Ewan pero nang mga oras na iyon, wala na lang talaga sa akin na nakahubad siya. Mas naaliw ako sa nakikita kong hindi siya kumportable. Kahit pa nga noong kailangan ko nang lumuhod sa harapan niya para malagyan ng pintura iyong hita niya, wala lang. Tinampal ko pa ang alaga niyang nakatutok sa akin.

“Ilayo mo nga iyan! Nakakatakot!” Sabi ko sa kanya. Pilit naman niyang iniiwas sa mukha ko ang alaga niya. Anak ng putik! Pink na pink! Ang kinis pa, pansin ko. Parang bote ng air freshener ang haba at taba. Halos walang ka-ugat-ugat. Pero siyempre, kunwaring walang pakialam at itinuon ko na lang sa pagpipinta ang atensiyon ko.

Bigla na naman siyang umungol nang mapunta ang mga daliri ko malapit sa singit niya.

“Hoy! Tarantado ka! Umayos ka sa kakaungol mo! Mamaya, sabihin pa nilang may ginagawa tayong milagro!”

“Mapipigilan ko ba kung andiyan ang libog ko?” Paanas niyang sabi. Napatingin tuloy ako sa mukha niya. Ayun nga, mukhang libog na libog na talaga ang loko. Nagpapawis na din siya na lalong nagpakinang sa katawan niya. Kating-kati na talaga akong paghahalikan ang kabuuan niya pero siyempre, nagpigil ako. Takot ko lang na masuntok.

Wala pa yatang trenta minutos ko siyang pininturahan pero pakiramdam ko, ang tagal-tagal namin. Mabuti na lang at mabilis matuyo iyong pintura dahil ilang minuto pa ang lumipas, narinig na namin ang pagkatok sa pintuan ng CR.

“Ian? Tapos na ba kayo? Magsisimula na!” Narinig naming sabi ni Victor. Ni hindi pa nakakapagsuot ng bahag si Ian ay pumasok na siya at natigagal sa ayos namin. Nakaluhod pa din kasi ako sa harapan ni Ian at inaayos ang bote ng pintura.

“Ang bababoy niyo!” Sabi nitong tumatawa. Katulad ni Ian, nakabahag na din lang ito at napinturahan na din. Hindi din pala patatalo ang gago. Kahit moreno ay ang ganda din ng katawan. Hindi mo talaga mapagkakamalang lalaki din ang hanap dahil lalaking-lalaki ang dating.

“Sayo pa talaga nanggaling?” Sabay pa naming sabi ni Ian at saka nagtawanan.

Natapos naman ang maayos ang presentation. At tulad ng pangako, 100 kami sa presentation dahil sa butt exposure nina Ian. Pati kasi sina Victor at ang dalawa pa nilang kasama ay pumayag na din pala. Pakiramdam ko nga, hindi presentation iyon kundi porn. Halos maghiyawan lahat ng mga manonood dahil doon. Ilang beses din akong napalunok lalo na at sa mismong harapan ko pa talaga “aksidenteng” natanggal ang bahag ni Ian.

Nang matapos ang semestre, akala ko, tapos na din ang lahat. Lalo at hindi naman kami magkaka-kurso. At dahil medyo matino naman ang nakaraang semestre ko dahil sa inspired, ayun, hindi ko na kinailangang mag-prerog noong sumunod na pasukan. Isa na din lang ang minor subject ko kaya hindi na din ako umasa na magiging kaklase ko pa sila.

Wala akong kagana-gana na pumasok sa klase ko ng Philosophy, ang huling subject ko sa hapon. Unang araw pa lang kasi ng klase kaya medyo wala pa ako sa mood. Ni hndi ko nga tinignan kung saan ako umupo. Basta nang may makita akong bakante, naupo na ako at nagsimulang magsulat. Dahil a nami-miss ko si Ian, siya ang laman noong isinusulat ko. Alibata pa ang gamit ko noong mga panahong iyon para kahit harap-harapan, hindi agad mababasa. Isa kasi iyon sa mga natutunan ko sa klase namin nina Ian.

“Saang mang sulok, paa ko ay maglandas, mukha mo ang hinahanap ng puso kong nais umalpas,” Ganoon na lang ang gulat ko ng marinig ang pamilyar na boses. Agad kong nilingon ang katabi ko at hindi nga ako nagkamali, si Ian nga iyon.

“Ang drama mo!” Aniya sa akin sabay nguso sa sinusulat ko. Agad kong itiniklop ang journal ko sabay saksak sa bag. Ramdam na ramdam ko ang init sa pisngi ko ng mga oras na iyon.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya nang makabawi ng konti. Ilang Lingo ko din siyang hindi nakita dahil na din sa semestral break.

“Hindi pa ba obvious?” Sagot lang niyang nakangiti.

“Ang alin?” Parang tanga ko namang tanong.

“Malamang dito din ang klase ko,” Aniya na natatawa. “Alangan namang ini-stalk kita,” dagdag pa niya.

“Aba! Malay ko naman kung talagang na-miss mo lang ang kagwapuhan ko,” Sabi ko na lang. Sinuntok lang niya ng mahina ang braso ko. Hindi na din kami nakapag-usap ulit dahil dumating na iyong propesor.

Nang matapos ang klase, tinanong niya ako kung may pupuntahan pa ako.

“Bakit? Ide-date mo ba ako? Aba! Huwag ganyan! Baka umasa ako bigla, tapos iiwan mo din lang!” Pambabara ko sa kanya.

“Hindi! Itatanan na kita!” Ganting biro din niya sabay akbay sa akin. Hinayaan ko na lang siya habang iginigiya niya ako papalabas ng campus.

Sa isang bar kami humantong at tamang-tama naman na open mic night. Dahil ambisyoso ako at feeling ko, ang galing-galing kong kumanta, nagprisinta ako agad. Tawa ng tawa si Ian pero pati pangalan niya, ipinalagay ko para wala siyang kawala. Hindi naman siya tumanggi. May siyam pang nauna sa amin kaya uminom na lang muna kami.

“Tukmol! Bakit hindi ka nagpaparamdam?” Bigla ay tanong niya sa akin. Buong sem-break kasi na hindi talaga ako nag-text sa kanya. Nalaman ko kasi na nagkabalikan na sila ni Jonna kaya ako na mismo ang umiwas. Nahihiya na din kasi ako sa sarili ko lalo at simula noong pinturahan ko siya, hindi na talaga nawaglit sa isip ko si Ian. Tapos, biglaan din kasing parang ang sweet-sweet niya sa akin kaya medyo nag-alangan ako.

Sa mga panahong iyon, alam ko kasing mahal ko na si Ian at sigurado akong lalalim lang iyon lalo kung hindi ko pipigilan. Ayoko din namang masira ang pagkakaibigan namin ng dahil lang sa tatanga-tanga akong na-inlove sa kanya.

Hindi ako nakasagot dahil biglang pumasok sina Victor at Mark at agad na lumapit sa amin.

“Oy! Ano to ha? Kayo na ba?” Hindi pa man nakakalapit ng tuluyan ay nang-aasar na si Victor.

“Hindi pa nga ako sinasagot eh. Ang lakas magpakipot!” Sagot lang ni Ian na tumatawa. Sumama na sa lamesa namin ang dalawa.

“Sus! Paano kitang sasagutin eh hindi ka naman nanliligaw!” Ganting biro ko sa kanya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga malapit sa amin.

Maya-maya pa ay tinawag na ako noong emcee para kumanta. Medyo may tama na ako noon dahil imbes na beer, nauwi sa brandy ang iniinom namin.

“Ay! Ang pogi!” Sabi noong emcee na halatang binabae. “May girlfriend ka na?” Salubong na tanong nito sa akin.

“Wala pa nga eh,” nakikisakay na sagot ko. Tumili pa ito na tila kinikilig at saka pasimpleng humilig sa balikat ko. Hinimas-himas pa ang braso ko. Hinayaan ko na lang kasi normal naman talaga iyon sa bar na iyon.

“Pwedeng mag-apply?” Nagpapa-cute niyang sabi sa akin.

Napatingin ako sa kinauupuan nina Ian. Agad na kumunot ang noo ko nang makitang nakabusangot siya at ang sama ng pagkakatingin sa akin. Bigla ay inalihan ako ng saltik at ngumiti sa kanila.

“Magagalit boyfriend ko eh. Ipapaalam ko muna,” Sabi ko sabay tawa. Maging ang ibang nandoon ay natawa na din lalo na ng muling magsalita ang emcee.

“Sino? Sino sa inyo ang boyfriend nito at papatayin ko! Ngayon din!” Anito na kunwari ay galit. Lalo tuloy akong inalihan ng saltik. Tinitigan ko pa talaga si Ian bago nagsalita.

“Babe, okay lang daw bang mag-apply?” Tanong ko sa kanya sabay kindat. Napahagalpak sa pagtawa sina Victor at Mark kaya napatingin sa kanila ang mga tao. Maging ang emcee ay napatingin sa direksiyon nila. Hindi pa nakuntento sina Victor at Mark at talagang itinuro pa nila si Ian na pangiti-ngiti lang.

“Boyfriend mo iyon?” Tanong sa akin noong emcee. “Anak ng puta! Hindi kayo nakakaganda! Ang guwaguwapo ninyo! Dapat sa panget na kayo pumapatol para hindi masyadong unfair ang life!”

Tawa lang ako ng tawa sa sinabing iyon ng emcee.

“Pero hindi nga? Kayo?” Pangungulit pa nito.

“Nah! We’re just friends. May girlfriend na iyan.” Sagot ko na lang. Hindi ko na lang ininda ang konting kurot sa puso ko.

Nakailang tanong pa sa akin ang emcee bago ako hinayaang kumanta. Dahil hindi alam noong banda iyong kanta, ako na mismo ang naggitara. Humirit pa ulit tuloy iyong emcee.

“Pwede bang akin ka na lang!” Sabi nito na sinundan pa niya ng tili. Tumawa lang ako at saka nagsimula.

Hinihintay sa buhay ko isang magmamahal
Ngunit habang hinihintay lalong tumatagal
Malapit nang mapagod ang puso kong ito
Pero teka sandali lang may sasabihin ako sa'yo

Hindi kaya ikaw baka ikaw na nga
Meron ka bang naramdaman
Akala koy wala
Parang ngayon sa tingin ko
Sa kilos mo't galaw
Siguro nga ikaw na yon
Ano kaya? ikaw ba yon?
Siguro nga? ano kaya? baka ikaw

Pag hindi hinahanap saka dumarating
Ganon ba ang pag-ibig di ko lang to napansin
Nariyan ka lang pala pinagod pa'ng puso ko
Pero teka sandali lang may sasabihin ako sa'yo

Hindi kaya ikaw baka ikaw na nga
Meron ka bang naramdaman
Akala koy wala
Parang ngayon sa tingin ko
Sa kilos mo't galaw
Siguro nga ikaw na yon
Ano kaya? ikaw ba yon?
Siguro nga? ano kaya? baka ikaw

Siguro nga ikaw na yon
Ano kaya? ikaw ba yon?
Siguro nga? ano kaya? baka ikaw

Sinalubong ng palakpakan ang pagkanta ko. Ang emcee naman, agad na lumapit at saka ninakawan ako ng halik sa pisngi. Medyo nainis ako sa ginawa niyang iyon pero pinagbigyan ko na lang.

“Oo! Ako na talaga iyon! Ako nga! Ako!” Aniya sabay yakap sa akin.

Umiling lang ako bago nagsalita. “Hindi eh. Walang spark.” Sabi ko ng nakangiti.

“Guard! Guard! Bumili ka ng lusis, dali! Ipipilit ko ang spark na iyan!” Anang emcee. Pati ako, natawa na din. “Anyway, pwede bang kumanta ka ng isa pa? Feeling ko kasi, pagkatapos noon, mahal mo na ako.”

“Huwag na. Iyong susunod sa akin, mas magaling. Mas pogi pa.” Sabi ko na lang at saka ibinalik ang gitara sa gitarista ng banda bago bumaba ng entablado.

May sinasabi pa iyong emcee pero hindi ko na pinansin at dumiretso ako sa lamesa namin. Nagtaka na talaga ako nang makitang nakabusangot si Ian, masama ang tingin sa akin.

“Problema mo?” Bungad ko sa kanya.

“Wala.” Sabi niya sabay iwas ng tingin. Napatingin tuloy ako kina Victor at Mark na nagbubulungan. Tamang-tama naman na tinawag na ng emcee ang pangalan ni Ian. Walang paapaalam na tumayo ito at umakyat sa stage.

“Problema ng panget na ‘yun?” Tanong ko sa dalawa.

“Hindi pa ba obvious?” Sagot-tanong sa akin ni Mark.

“Ang alin?”

“Wala!” Sabay nilang sagot. Kahit naguguluhan, hindi na lang ako nagtanong ulit. Humarap na lang ako sa entablado.

“Kuya, medyo nakakatakot naman ang aura mo. Ang pogi mo pa man din.” Nag-aalangang sabi noong emcee kay Ian. Tinignan lang ito ni Ian ng masama.

“Kaloka! Mukhang papatayin ako nito. Sige na kuya, kanta ka na.” Sabi ng emcee at saka iniwan sa entablado si Ian. Talagang nagtaka na ako sa ini-aasta ni Ian. Sa aming apat, ako ang bugnutin at madaling mainis. Siya ang pinakapasensiyoso sa amin kung tutuusin. Napatingin uli ako kina Mark at Victor pero ang dalawang kumag, mukhang tuwang-tuwa pa.

I'm so scared that you will see
All the weakness inside of me
I'm so scared of letting go
That the pain I've hid will show

I know you want to hear me speak
But I'm afraid that if I start to
I'll never stop

Natameme na lang ako nang magsimula siyang kumanta. Pamilyar sa akin ang kantang iyon. Last Flight Out ng Plus One. Ilang beses ko na din iyong kinanta na kasama ko sila nina Victor. Sabi nga niya dati, ang badiy ko daw kasi ang alam kong kanta, pang-boy band.

I want you to know
You belong in my life
I love the hope
I see in your eyes
For you I would fly
At least I would try
For you I'll take
The last flight out

I'm afraid that
You will leave
As my secrets
Have been revealed
In my dreams
You'll always stay
Every breathing moment from now

I know you want to hear me speak
But I'm afraid that if I start to
I'll never stop

I want you to know
You belong in my life
I love the hope
I see in your eyes
For you I would fly
At least I would try
For you I'll take
The last flight out

I cannot hold back
The truth no more
I let you wait too long
Although it's hard and scares me so
A life without you scares me more

Ni hindi ko napansin na tapos na pala siyang kumanta. Buong panahon kasi ay natameme lang ako. Gusto kong umiyak na tumawa na hindi ko malaman. Pakiramdam ko kasi, ako iyong kinakantahan niya pero laging sumisiksik sa isip ko na sila ni Jonna.

Nagulantang pa ako nang biglang mag-ring ang cellphone ko. Agad kong tinignan kung sino iyong tumatawag. Napakunot ang noo ko ng makitang si mama ang tumatawag. Agad ko iyong sinagot.

“Ma?” Tanong ko na sinagot lang niya ng hagulgol. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ng kapatid ko na kinukuha ang telepono. Agad akong kinabahan.

“Bakit? Anong nangyari?” Bungad ko agad nang marinig ko siyang magsalita.

“Kuya… Wala na si papa…” Daig ko pa ang tinadyakan sa aking narinig. Nabitawan ako ang cellphone ko at agad akong lumabas ng bar. Pinara ko iyong unang jeep na dumaan at agad na sumakay. Pagdating ko sa Olivares kung saan dumadaan ang mga bus papuntang Maynila, agad akong sumakay. Mabuti na lamang at may pera ako sa mga sandaling iyon dahil hindi ko man lang iyon naisip.

Pagdating sa Maynila, sakay ulit ako ng bus pauwi sa probinsiya namin. At sa loob ng walong oras na biyaheng iyon, wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa labas ng bintana. Hindi ako umiyak, hindi ako nagsalita maliban na lamang noong tanungin noong kundoktor kung saan ako bababa. Hindi na rin ako nakatulog. Isa lang ang nasa isip ko. Patay na ang papa ko.

Pagdating sa bahay namin kinaumagahan, sakto namang ipinapasok ng mga tauhan ng punerarya ang kabaong ni Papa. Agad akong sinalubong ni Mama at niyakap. Iyak lang siya ng iyak. Maging ang dalawang kapatid ko ay yumakap na din habang ako naman ay nakatingin lang sa kabaong ng papa ko. Lutang na lutang ang utak ko ng mga oras na iyon.

Buong araw at magdamag akong nagbantay. Hindi ko inalintana na wala pa akong tulog. Ilang beses din akong sinabihan nina mama na matulog na muna pero sinabi ko lang na mas kailangan nila iyon. Hindi din naman nila ako napilit.

Magdadalawang araw na akong walang tulog noon kaya hindi ko namalayan na nakaidlip na ako. Naramdaman ko na lang na may bumubuhat sa akin. Napangiti pa ako dahil iyon ang madalas gawin ni papa noon kapag nakakatulog ako sa sala.

Naramdaman ko ang paglapat ng likod ko sa sarili kong kama. Dahil na din sa pagod at antok, dumiretso na ang pagtulog ko. Nagising na lang ako bandang hapon na. Nagtaka pa nga ako dahil may kasama ako sa kama. Lalo pa akong nagtaka nang makitang naka-boxers na lang ako.

“Gusto mong kumain?” Napatitig ako sa mukha nang nagsalita. Napanganga na lang ako nang makitang si Ian iyon. Namula pa ako nang mapansin kong katulad ko, naka-boxers din lang siya. Mas lalong nag-init ang pisngi ko nang makita kong nakayapos ako sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya at saka dahan-dahang kumawala. Napalunok ako nang makita kung saan nakadantay ang hita ko. Agad ko iyong inalis at saka bumaba ng kama saka ko siya tinalikuran.

“Tinatanong pa ba ‘yan?” Sagot lang niya. Bumaba na din siya sa kama at saka niya ako iniharap sa kanya. Hinawakan pa niya ang pisngi ko para magsalubong ang mga mata namin. “Okay ka pa ba?”

Biglang bumalik sa akin ang dahilan kung bakit ako umuwi. Nanlambot ang tuhod ko ng wala sa oras at napakapit ako sa kanya. Pilit kong kinalma ang sarili ko saka inayos ang pagkakatayo. Tinatanggal ko din ang pagkakahawak niya sa akin pero hindi siya pumayag.

“Kailangan kong maging okay,” sabi ko na lang.

Niyakap niya ako bigla. “Andito lang ako, Alvin. Nandito lang ako.”

Tuluyan nang kumawala ang iyak na ilang araw ko nang pinipigilan. Daig ko pa ang batang humahagulgol. Sinuntok-suntok ko pa ang dibdib niya dahil sa frustrations at sakit na nararamdaman ko pero ni minsan hindi niya ako binitawan. Lalo pang humigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

“Ang unfair eh! Ang dami namang masasamang tao diyan, bakit si Papa pa?” Atungal ko sa kanya. Hindi siya nagsasalita at hinayaan lang akong mag-iiyak. Hinagod lang niya ang likod ko.

Muli niyang hinawakan ang mukha ko pagkatapos ng ilang sandali. At ganoon na lang ang gulat ko nang halikan niya ako sa labi. Matamis, mainit, nakakadarang. Na-blangko ako ng wala sa oras. Nawala lahat ng iniisip ko. Ang tanging alam ko lang ay ang mainit na labi niyang nakadampi sa mga labi ko. Napaungol ako ng hindi sinasadya.

Lalo pang dumiin ang paghalik niya sa akin. Ramdam ko ang paggapang ng mga kamay niya sa katawan ko, humahagod, walang itinitirang parte na hindi nahahawakan. Maya-maya pa ay nahanapan ng mga kamay niya ang magkabilang utong ko at marahan iyong pinisil. Lalo akong na-ungol. Sa panahong iyon, walang ibang nanalaytay sa katawan ko kundi pagnanasa.

Marahan akong inihiga ni Ian sa kama. Bumaba ang halik niya sa aking panga, pababa sa leeg, sa dibdib, hanggang sa naramdaman ko na lang ang dila niya sa kanan kong utong. Mainit, masarap. Ilang beses niyang dinilaan ang tungki niyon bago tuluyang isinubo at saka ninamnam. Ramdam na ramdam ko ang bawat higop niya at ang mabibining kagat na lalong nagpainit sa akin. Ilang beses din akong muntik mapasigaw pero pinigilan ko ang sarili ko.

Nang hindi na ako makapagpigil, hinila ko siya para makapagpalit kami ng posisyon. Ako naman ang humalik sa kanya. Nakatitig lang ako sa kanya at lumalaban naman siya nang titigan habang patuloy an gaming paghahalikan. Kitang-kita ko ang pagnanasa sa mga mata niya na lalong dumagdag sa nararamdaman ko.

Sinibasib ko ang leeg niya pababa sa maumbok niyang dibdib. Ilang beses ko na din siyang nakitang naka-hubad baro pero ngayon ko lang nakita ng malapitan ang pinkish niyang nipples. Walang sabi-sabing nilantakan ko iyon, dinilaan, isinubo, sinipsip. Halos hindi siya magkamayaw sa pag-ungol.

Nang magsawa, bumaba ang mga halik ko papunta sa kanyang tiyan. Umbok na umbok ang mga pandesal niya sa panggigigil, lalong nanigas. Inisa-isa kong hinalikan ang mga iyon at paminsan-minsang kinakagat habang parang batang binibilang iyon sa isip ko. Walo. Walang pandesal. Maputi, matigas, katakamtakam.

Ibababa ko na sana ang suot niyang boxers nang hilahin niya ako pataas at saka muling siilin ng halik. Binaliktad niyang muli ang pwesto namin. Ako na uli ang nakahiga at siya naman ang nasa ibabaw.

Muling pinaglaruan ng mga labi niya ang nipples ko, pababa sa tiyan kung saan inisa-isa din niya ang abs kong hinalikan. Lalo pa siyang bumaba at saka walang-sabi-sabing tinanggal niya ang boxers na suot ko. Sumampal pa sa pisngi niya ang alaga kong naglalaway na.

“Tang-ina Alvin! Ang laki pala!” Aniya pero bago pa man ako makasagot ay isinubo na niya kaya ungol na lang an ganging sagot ko. Maiinit ang bunganga ni Ian at kahit halatang hindi alam ang ginagawa, ibang klaseng ligaya ang naramdaman ko. Lalo na kapag nilalaro ng dila niya ang ilalim ng ulo ng alaga ko. Ilang beses niyang pilit isinusubo ng buo pero talagang hindi niya kaya.

Maya-maya ay pinakawalan niya ang alaga ko at ang mga itlog ko naman ang kanyang sinibasib. Isa-isa niya iyong dinilaan at saka isinusubo. Hindi pa siya nakuntento, pilit niyang isinubo pareho. Napasigaw na talaga ako sa sarap.

“Putang-ina! Ang galing mo!” Sabi ko ng wala sa oras. Akala ko hanggang doon na lang ang gagawin niya pero lalo pa akong namangha nang bumaba pa lalo ang dila at mga labi niya hanggang marating nito ang butas ng tumbong ko. Hindi ko alam kung mandidiri ako o masasarapan sa ginagawa niya pero nang sinimulan niyang dilaan ang butas ko, napaigtad na lang ako sa sarap. Kulang na lang ay isubsob ko sa kanya ang tumbong ko sa sobrang sarap at kiliting aking nararamdaman.

“Tang-ina ka! Lalabasan na ako sa ginagawa mo!” Ungol ko. Ang tarantado, imbes na tumigil, lalo pa niyang pinagbuti ang pagkain sa tumbong ko habang binabate ang galit na galit ko nang alaga. Nang maramdaman niyang lalong tumigas ang alaga ko dahil malapit na akong labasan, muli niya itong isinubo. Pilit kong inaalis ang alaga ko sa bunganga niya pero hindi siya pumayag hanggang sa tuluyan na akong pumutok sa loob ng bunganga niya. Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Lima. Anim. Anim na putok ang pinalabas ko pero wala siyang sinayang na kahit hindi. Nilunok niyang lahat.

Bigla akong nanghina pagkatapos pero hindi pa man ako nakakabawi ay kumibabaw na naman siya sa akin at saka muli akong hinalikan. Nalasahan ko pa ang sarili kong katas sa bunganga niya.

“Ang libog mo,” natatawang bulong niya sa akin.

Binaliktad kong muli ang posisyon namin at para hindi na siya makawala, hinawakan ko na agad ang alaga niya kahit nasa loob pa ng boxers niya. Kanina ko pa nararamdaman na may kalakihan iyon at lalo ko itong nakumpirma nang halos hindi magsalubong ang mga daliri ko sa sobrang taba. Nakalabas na din ang kalahati niyon na lumampas pa sa pusod niya.

Napatingin ako doon at napalunok. Katulad niya ay maputi din iyon na may mamula-mulang ulo. Ang kinis ding tignan dahil halos walang ka-ugat-ugat. Parang na-engkantong bumaba ako para tignan iyon ng mas malapitan. Nakita ko ang pre-cum niya na naipon na sa kanyang tiyan. Dinilaan ko iyon at sinadya ko talagang pati ang ulo ng alaga niya ay madaanan ng dila ko. Napaungol siya ng malakas.

Hindi na ako nag-alangan pa at basta ko na lang tinanggal ang boxers at katulad nang nangyari sa kanya kanina, sumampal din sa mukha ko ang mahaba niyang alaga. Agad ko iyong isinubo at sinipsip. Wala pa akong karanasan sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki kaya hindi ko din talaga alam ang gagawin kaya ginaya ko na lang iyong mga ginawa niya sa akin kanina. Halos magkasing-haba lang kami, siguro ay nasa eight inches din pero mas mataba ang sa kanya kaya hindi ko talaga maisubo ng buo. Na-frustrate tuloy ako ng wala sa oras.

Umikot ang mata ko sa loob ng kwarto hanggang sa makita ko ang bote ng baby oil sa may bedside table. Basta na lamang ako tumayo at nilapitan iyon. Nakasunod lang si Ian ng tingin sa akin, kita sa mukha niya ang pagkabitin.

Binuksan ko ang baby oil at saka binuhusan ang alaga niya saka marahan iyong binate. Lalo niyang napa-ungol sa sarap. Pasimple ko ring nilalagyan ng baby oil ang butas ko gamit ang isang kamay at nilalaro-laro iyon. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko ang magpatira pero hindi ko din alam kung anong demonyo ang sumanib sa akin ng mga oras na iyon. Isa lang ang alam ko, gusto kong maramdaman ang alaga ni Ian sa loob ko.

Muli akong sumampa sa kama at saka iniumang ang alaga ni Ian sa butas ko. Nakapikit siya ng mga sandaling iyon kaya hindi niya alam kung anong ginagawa ko. Napamulat na lang siya nang maramdaman niyang pumasok sa butas ko ang ulo ng kanyang alaga.

“Al…” Sabi niya at saka pilit akong pinipigilan sa ginagawa ko pero hindi ako nagpapigil.

Dahan-dahan akong umupo hanggang sa halos kalahati na ng alaga niya ang nakabaon sa akin. Gustong-gusto kong magmura sa sakit. Pakiramdam ko ay tinutusok ang tumbong ko ng isang baseball bat samantalang si Ian ay napapasinghap lang. Kita pa rin sa mukha niya ang pag-aalala pero halatang natatabunan iyon ng sarap.

Hindi nagtagal ay naipasok kong lahat ang alaga niya. Pinakibot-kibot po ang loob ng pwerta ko para sanayin ang aking sarili na nagpa-ungol lang kay Ian pero hindi siya gumalaw.

“Tarantado ka talaga!” Aniya kasabay ng pagsinghap. Nang medyo mawala ang sakit ay saka ako nagsimulang magtaas-baba at gumiling. Noong una ay banayad lang dahil na din sa sakit na nararamdaman ko pero maya-maya pa ay bumilis na din ang paggalaw ko. Lalo na at ramdam na ramdam ko ang pagdunggol ng ulo ng titi niya sa prostate ko. Sinabayan na din niya nang pag-ulos ang aking ginagawa.

Nang hindi nakatiis, ako na naman ang inihiga niya sa kama ng hindi binubunot ang alaga niya. Lalo tuloy lumalim ang naabot nang alaga niya sa loob ko. Halos magpakiwal-kiwal na ako sa kama sa nararamdaman kong sarap. Pati ang alaga kong katatapos lang labasan ay matigas na ulit. Lalo pa itong tumigas nang simulan itong salsalin ni Ian.

Patuloy lang siya sa pagbayo. Mabilis, malalim, walang mintis. Maya-maya pa ay ramdam ko na naman na malapit na akong labasan.

“Ian.. Malapit na ako..” Hingal kong sabi. Imbes na bumagal ay lalo pang binilisan ni Ian ang pag-ulos sa akin na sinabayan pa niya nang pagsalsal sa alaga ko. Hindi ko tuloy alam kung saan ko ibabaling ang ulo ko. Lalo pa akong natuliro nang bigla na naman siyang supsupin ang utong ko habang patuloy sa pag-ayuda.

“Ayan na… damn.. oh my god…” Narinig kong sabi niya at hindi nagtagal, sabay kaming nilabasan. Ramdam na ramdam ko ang bawat putok na nanggagaling sa kanya sa aking kaibituran pero dahil pareho kaming lutang, hindi ko na iyon nabilang. Basta ang alam ko, mainit at madami.

Pagod na pagod na napadapa siya sa tabi ko, humihingal at pawis na pawis. Nakangiti siyang nakaharap sa akin.

“Tarantado ka! Kaya mahal na mahal kita eh kahit ang laki ng saltik mo.” Sabi niya nang nakapikit.

Imbes na matuwa ay daig ko pa ang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig ko. Hiyang-hiya ako sa sarili ko nang maalala kong nasa sala lamang ng bahay namin ang kabaong ng papa ko, na nandoon ang pamilya ko, nagluluksa, habang ako ay nandoon, nagpapakasasa sa tawag ng laman. Hindi ko na iginalang ang lamay ng papa ko.

Daglian akong tumayo sa kama at saka hinagilap ang aking boxers. Lalo pa akong napahiya sa sarili ko nang makita ang dugo sa kama. Pakiramdam ko ang dumi-dumi kong tao, na napakawalng kwenta kong anak ng mag sandaling iyon. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak. Agad na bumangon si Ian at nag-aalalang nilapitan ako.

“Al---”

“Please lang, Ian, umalis ka na. Maliligo lang ako pero gusto ko, paglabas ko, wala ka na.” Sabi ko sa pagitan ng mga hagulgol. “Please lang Ian, parang awa mo na. Umalis ka na…”

Halatang naguguluhan si Ian na nakatingin lang sa akin.

“Al, mahal kita…” Aniya na lalo kong ikinahagulgol.

“Mali to ‘eh! Igalang naman natin ang burol ng papa ko,” sabi ko saka ko siya tinalikuran at nagkulong sa banyo.

Mahigit isang-oras din akong nagkulong doon. Hindi talaga ako lumabas hanggang sa hindi ko naririnig ang paglakas ni Ian. Saka pa lamang ako nagbihis at saka bumaba.

Dumiretso ako sa tabi ng kabaong ni papa at saka mahinang humingi ng tawad. Tinignan lang ako nina mama.

“Anak, nagpaalam na iyong kaibigan mo.” Ani mama sa akin.

“Alam ko po...” Sabi ko na lang at saka umupo sa tabi niya.

Last night na ni papa nang dumating si Victor at Mark, pati na din ang ilan ko pang kaibigan sa unibersidad. Kahit papaano ay umasa akong kasama nila si Ian pero hindi ko siya nakita. Hindi ko tuloy maintindihan kung matutuwa ako o hindi.

“Hindi na siya sumama kasi baka ayaw mo daw siyang makita,” sabi ni Victor nang pabulong. Yumakap na lang ako sa kanya.

“Alvin, alam kong hindi ito ang tamang panahon pero mahal ka ng mokong na ‘yun.” Dagdag naman ni Mark saka yumakap na din sa akin.

Malaking pagbabago sa pamilya namin ang pagkawala ni Papa. Siya lang kasi ang bread winner sa pamilya namin at kahit pa tapos naman ng kolehiyo si mama ay hindi niya ito pinayagang magtrabaho. Kaya nang mawala siya, hindi namin alam kung ano ang gagawin. May ipon naman sila mama pero kung walang magtratrabaho sa amin, alam naming hindi iyon magtatagal lalo pa nga at sa susunod na pasukan ay magkokolehiyo na din ang kapatid ko.

Dahil panganay at ako na lang ang nag-iisang lalaki sa bahay naman, nagdesisyon akong pumasok na lang ng trabaho. Noong una, ayaw ng kapatid ko kasi sayang daw ay kulang-kulang isa’t kalahating taon na lang, magtatapos na ako. Ang gusto niya, siya ang magtrabaho kahit pa nga magtatapos pa lamang siya ng high school. Mas responsible talaga siya sa akin kasi ako, tarantado talaga ako. Kung hindi pa siguro nawala si papa, hindi pa papasok sa kukote ko ang magtino.

May plano na akong magpunta ng Maynila pagkatapos ng fourty days ni papa para naghanap ng trabaho. Ang gusto ko lang eh makasama muna ang pamilya ko ng pasko at bagong taon. Iyon na yata ang pinakamalungkot sa pasko at baging tan namin.

Bumisita ulit sina Mark at Victor bago magpasakuan ng January. Pasimple pa nilang tinanong sa akin kung pwede daw bang sumunod si Ian pero nag tigas ng tanggi ko. Sa tuwing naalala ko kasi ang nangyari, hindi ko maiwasang magalit sa aking sarili. Pakiramdam ko, ang baboy-baboy ko.

Nang lumuwas sila pabalik ng UPLB, sumabay na ako pero hanggang sa Maynila lang. Nakitira muna ako sa high school friend kong si Nika habang naghahanap ako ng trabaho. Isang buwan din akong nakitira sa kanya. Tiyempo naman na natanggap ako sa isang kilalang call center sa Makati. Noong una, hirap talaga ako lalo na at sanay akong umaasa lang pero sa tuwing naalala kong ako na lang ang inaasahan nina mama at pati na rin iyong katarantaduhang ginawa ko noong lamay ni papa, agad na nawawala ang katamaran ko.

“Grow up, Alvin!” Iyon ang lagi kong sinasabi sa aking sarili.

Hindi ko sinadya ang mawalan ng komunikasyon kina Victor at Mark. Oo, aaminin kong umiiwas ako sa kanila dahil ayokong magtagpo ang landas namin ni Ian pero hindi naman iyong tipong ayaw ko na silang makita. Nagkataon lang na ilang araw pagkatapos kong matanggap sa trabaho, nawala ang cellphone ko. Friendster pa lang ang uso noon at hindi ko talaga kinahiligan kaya wala akong account. Kaya parang bula na hindi ko na sila nakakausap o nakakabalitaan man lang.

Saktong na-regular ako sa kumpanya noong mag-celebrate ako ng aking ikalabing-siyam na kaarawan. Naka-bukod na din ako ng apartment pero sa katabing unit lang ng apartment ng kaibigan kong si Nika. Nasa UPLB na din ang kapatid ko noon.

Kahit papaano, medyo naging okay na din si mama at ito pa mismo ang nagpumilit na magpa-Maynila para daw hindi ako mag-isang magse-celebrate. Weekend din noon at off ko kaya pumayag na din ako. Maging ang kapatid ko ay lumuwas mula Los Banos para lang magkakasama kami. May dala pa siyang cake mula sa Mernel’s, iyong paborito kong cake house sa Laguna. Pati si Nika ay hindi na din umuwi sa probinsiya para makapag-celebrate daw ako.

“Naks naman, kapatid! Talagang may dala ka pang cake! May kailangan ka ano?” Kantiyaw ko sa kapatid ko pero inirapan lang niya ako.

“Huwag mo akong igaya sayo kuya na sweet lang kapag may kailangan! At isa pa, hindi sa akin galing yan.” Sabi niya.

“Kanino galing?”

“Kay Kuya Ian.” Maikli niyang sagot pero sagad ang pagkakatitig sa akin. Pakiramdam ko gusto niyang magtanong pero nagpipigil.

“Close kayo?” Tanong ko sa kanya.

“Kung sabihin kong oo, magseselos ka?” Sabay pang nabulunan sina mama at Nika sa kinakain nila sa kataklesan ng kapatid ko.

Hindi ako agad nakasagot. Napatingin ako kay mama na nag-iwas ng tingin. Samantalang si Nika, iyon, ang ganda ng ngiti. Naikwento ko kasi sa kanya ang nangyari sa amin ni Ian minsan magkainuman kami.

“Bakit naman sana ako magseselos, aber?” Tanong ko sa kapatid ko sabay ng pandidilat.

“Utot mo, kuya! Umayos ka nga! Huwag kang plastic! Eh halos himatayin iyong tao sa takot noong dumating siya at makita ka niyang halos matumba sa pagbabantay kay papa. Akala yata, patay ka na rin. Ayun, nag-iiiyak na huwag mo daw siyang iiwan.” Aniya na nagkunwari pang ginagaya ang pagkakasabi ni Ian.

Napanganga na lang ako sa narinig ko. Ang hayop na Nika, bumulanghit bigla sa pagtawa. Maging si mama ay natatawa na din.

“Ma!” Angal ko.

“Ano?” Tanong niyang tumatawa.

“Hahayaan niyo na lang talagang ganyanin ako ng demonyita ninyong anak?”

“Nagsalita ang anghel!” Komento pa ng kapatid ko.

“Ma!” Angal ko ulit.

“Ano ba kasi ang gusto mong sabihin ko?” Tanong ni mama ng malumanay. “Eh ano kung mahal ka noong tao? Hindi ba dapat magpasalamat pa ako dahil kahit ang lakas ng saltik mo, may nagkagusto pa sa iyo? Mas maganda sana kung babae pero wala tayong magagawa na hanggang lalaki lang ang kinaya ng kagwapuhan mo.”

“Ay naku, tita! Sinabi mo pa.” Dagdag pa ni Nika. “Although, may mga babae namang nagkakagusto diyan. Masama lang talaga ang ugali kaya walang makatagal.”

“Eh kung pinagbubuhol ko kaya kayong tatlo?” Angil ko sa kanila. “Hala! Magsilayas kayo sa pamamahay ko!” Biro ko sa kanila.

“Layas agad? Hindi pwedeng magsampalan muna?” Hirit pa ng aking magaling na kapatid.

“Hoy, Ashley Mikaela Montegrico! Tatandaan mong ako ang nagpapaaral sa iyo! Baka gusto mong matigil sa pag-aaral ng wala sa oras.”

“Grabe ka naman, kuya! Tigil agad sa pag-aaral? Hindi pwedeng magsagutan muna tayo?” Hirit pa rin niya.

“Ma!” Hinging saklolo ko kay mama na tawa lang ng tawa.

“Huwag ka sa akin magreklamo dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit ganyan iyan. Minana niya lahat iyan sayo.” Sagot lang ni mama.

“Ah ganun! Sige! Pagtulungan niyo ako! Pareho kayong walang sustento ng isang buwan!” Kunwari ay pagbabanta ko sa kanila.

Biglang sumugod ng yakap sa akin ang aking kapatid. “Sabi ko nga kuya, ang bait-bait mo. Ang pogi-pogi mo pa.”

“Heh!” Sabi ko na lang pero gumanti din naman ako ng yakap. Nakiyakap na din si mama. Pati ang balahurang si Nika, sumama na din. Sabay-sabay pa kaming napatingin sa pintuan ng apartment unit ko ng bigla iyong bumukas at iniluwa sina Mark at Victor.

“Uy! Group hug! Pa-join!” Ani Victor sabay hila kay Mark at nakiyakap na din.

“Anong ginagawa niyo dito?” Tanong ko sa dalawa pagkatapos ko silang ipakilala kay Nika. Napanganga pa si Nika nang sabihing kong mag-siyota ang dalawa.

“Malamang, makikikain. Tatandaan mo, madami kang utang sa amin!” Buska ni Mark.

“Paano niyo nalaman ang bahay ko?” Tanong ko ulit per okay Ashley na ako nakatingin.

“Ay kuya, wala akong kinalaman diyan. Ni hindi ko nga sinabi kay Kuya Ian eh, sa dalawang iyan pa kaya.” Sabi niya.

Napatingin ako kay mama ng wala sa oras. Guilty na napaiwas siya ng tingin.

“Ma!” Angil ko na naman.

“Eh naawa naman ako kay Ian. Pinuntahan pa talaga niya ako sa bahay para lang tanungin kung saan ka nakatira. Sabi pa niya, hindi daw siya magpapakita sa iyo pero gusto lang niynag masigurado na okay ka kahit sa malayo.”

Napanganga na naman ako sa narinig. Pakiramdam ko ay sinampal ako ng paulit-ulit. Biglang nanghina ang tuhod ko at napaupo ng wala sa oras.

“Hang sweet naman! Ikaw na! Ikaw na talaga, friend! Ikaw na ang ubod ang ganda! Ikaw na!” Nagtititiling sabi ni Nika.

“Naks naman, Al! May ganyan na pala kayong drama ngayon ha! May hindi ba kami alam?” Tanong ni Victor, halata ang pang-aasar. Magsasalita pa sana si Nika pero pinandilatan ko na talaga siya. Mukha namang nakaintindi din sa wakas ang hinayupak at ngingiti-ngiting nanahimik.

“Kinausap ka na ba niya, anak?” Tanong ni mama sa akin. Umiling lang ako.

“Hindi ko pa siya nakikita simula noong burol ni papa,” sabi ko ng mahina.

Gusto kong umiyak ng wala sa oras. Hindi ko alam kung dahil sa lungkot na noon ko lang hinayaang maramdaman o sa saya na nalaman kong kahit hindi ko nakikita, hindi niya ako iniwan.

“Hala! Eh tarantado din pala ang ugok na iyon eh. Aalis na siya next week tapos hindi ka pa niya kinakausap? Ano bang drama ‘yan? Labo niyo lang ha.” Sabi ni Victor na lalong nagpahina sa akin.

“Saan siya pupunta?” Tanong ko.

“Na-approve na petition ng mama niya para sa kanya. Sa Canada na siya mag-aaral.” Maikling sagot lang ni Mark.

Walang sabi-sabing nagpunta ako sa kwarto ko at nagkulong. Gusto kong murahin ang sarili ko ng wala sa oras. Nang hindi ko na mapigilan, hinayaan ko na lang ang sarili kong umiyak. Nakaintindi namang hindi na lang ako kinatok nina mama.

Paglabas ko ng kwarto, nakaalis na sina Victor at Mark. Sumabay na din sa kanila pabalik ng Los Banos ang kapatid ko. Maging si Nika ay bumalik na din sa unit niya. Tanging si mama na lang ang naiwan sa sala na nagliligpit.

Akala ko ay magtatanong si mama tungkol kay Ian pero iba ang ibinungad niya sa akin.

“Bumalik ka na sa pag-aaral anak.” Sabi lang niya.

“Ma---”

“Natanggap na ako sa munisipyo. Mag-iisang buwan na din ako doon. Kung iyong gastos lang ang iniisip mo, huwag mo nang isipin. Hindi mo kami responsibilidad ng kapatid mo, anak. Responsibilidad ko kayo. Bata ka pa, at ayokong lalong dumami ang mawawala sa iyo nang dahil lang sa amin.” Mahaba niyang litanya.

Napabuntong-hininga na lang ako. “Desisyon ko to, ma. Hindi lang naman para sa inyo, kundi para din sa akin. Hayaan niyo na lang muna akong tumulong.” Sagot ko.

Kinabukasan ay bumalik din sa probinsiya si mama. Ipinilit niyang iniwan sa akin ang cellphone number ni Ian para daw magka-usap man lang kami bago ito umalis. Tumango lang ako pero ni hindi ko tinignan ang papel na pinagsulatan niya. Ni hindi ko din tinanong kung kailan siya aalis. Maging sina Victor at Mark ay hindi na din nagpilit. Kapag kasi tumatawag at nababanggit nila si Ian, pinapatay ko na agad ang telepono ko.

Sumunod na sabado, pagod akong umuwi galing ng trabaho. Nag-overtime pa kasi ako ng tatlong oras kaya pasado alas-otso na ng umaga ng dumating ako sa unit. Literal na nakapikit na ako nang makapsok sa gate at pakapa na lang na naglakad papunta sa unit na aking inuupahan kaya hindi ko napansin na may nakatayo pala sa may pintuan kung hindi ko ba nabangga.

Dahil sa pagod, bugnot na tumingin ako sa kung sino man iyon. Natigagal na lang ako nang makita si Ian na nakasandal sa may pintuan ng unit ko. Katulad ko, mukha wala pa din siyang tulog.

“Hi---” Mahina niyang bati sa akin, pilit ang ngiti. Halata sa mukha niya ang malaking ipinayat.

Hindi ako umimik at binuksan ko lang ang pintuan ng unit at saka pumasok. Sinundan niya ako hanggang sa loob at agad na niyakap.

“I miss you…” Aniya at lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin mula sa likod. Hinayaan ko lang siya. Hindi nagtagal, naramdaman ko ang pagyugyog ng katawan niya at ang mahina niyang paghagulgol.

“Sorry…” Bulong niya sa akin. “Alam ko, mali ako… Alam ko hindi tama iyong ginawa ko… Sorry talaga… Sorry at pinagsamantalahan ko iyong lungkot mo… Sorry…”

“Hoy! Umayos ka nga! Anong akala mo dito, episode ng MMK?” Bara ko sa kanya pero medyo gumaralgal ang boses ko. Hindi pa rin niya binitawan ang pagkakayakap sa akin. Hindi din naman ako gumawa ng paraan para makawala.

Hindi naman kasi ipokrito para itanggi na na-miss ko din ang yakap niya. Iyong pakiramdam na sa loob ng mahigit anim na buwan, pakiramdam ko mag-isa lang ako at noon ko lang uli naramdaman na hindi pala. Saktong hinarap ko siya ng sumilip si Nika.

“Oy! Pagpahingahin mo na yan. Magdamag siyang nakaupo lang sa harap ng unit mo. Inakit ko na’t lahat, hindi effective. Hihintayin ka daw niyang dumating. Ganda mo lang talaga, neng!” Sabi ni Nika saka muling umalis. Hinila na din nito pasara ang pintuan.

Napatingin lang ako kay Ian na umiiyak pa rin. Daig ko pa ang sinampal sa nakita kong itsura niya. Ganoon pala ang pakiramdam kapag nakikita mo iyong taong mahal mo na nasasaktan ng dahil sa iyo.

“Tarantado ka pa rin kahit kailan,” mahina kong sabi nang nakangiti. Noon lang nagliwanag ng kahit papaano ang mukha niya. Muli na naman niya akong niyakap ng sobrang higpit.

“Mahal na mahal kitang tarantado ka,” sabi ko sa kanya saka ko siya iginiya papunta sa kwarto.

Walang nangyari sa amin. Maliban sa ilang beses na paghahalikan, nakatulog lang kaming dalawa, magkayakap ng sobrang higpit. Siguro, dahil na din sa pagod, sa pangungulila. Siguro kung iba, nauwi na sa sex ang lahat. Pero hindi sa amin ni Ian. Kuntento na kaming magkasama sa iisang higaan.

Gabi na nang magising ako at namulatan ko siyang nakatingin lang sa akin.

“Huwag mo akong pinagnanasaan!” Pang-aasar ko sa kanya na ikinatawa lang niya.

“Grabe ka naman! Ano namang akala mo sa akin? Manyak?” Sagot lang niya sabay pitik sa ilong ko. Imbes na sumagot at yumakap lang uli ako sa kanya. Sumagot din lang siya ng yakap sa akin. Kahit ganoon lang ay kuntento na ako. Ilang minuto din kaming nasa ganoong pusisyon.

“Al…” Maya-maya ay sabi niya.

“Hmmm?” Sagot ko naman, nakasubsob pa din ang mukha ko sa may leeg niya.

“Sabihin mo lang, hindi na ako aalis.” Nanigas ako sa sinabi niyang iyon. Noon ko lang uli naalala na paalis na pala siya papuntang Canada. Muli, para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago ako nagsalita.

“Kailan ba ang alis mo?” Tanong ko bago kumalas sa pagkakayakap niya. Tinitigan ko lang siya. Muli na namang bumalik ang lungkot sa mga mata niya.

“Bukas ng gabi,” sagot lang ni Ian. Nagsikip ang dibdib ko sa narinig pero hindi ko ipinahalata.

“Sabihin mo lang, Al, hindi na ako aalis.” Sabi niya ulit.

Pinilit kong ngumiti. Hinawakan ko pa ang pisngi niya at saka ko siya tinignan sa mata. Kitang-kita ko doon na seryoso siya sa kanyang sinabi.

“Ano ka ba? Sayang iyong opportunity kung hindi mo susunggaban. Saka ayaw mo ‘nun? Magkakasama na kayo ng mama mo. Mas maganda din kung doon mo na ipagpapatuloy ang pag-aaral mo. Mas madaming opportunities ang magbubukas para sa iyo.” Mahinahon kong sabi kahit pa nga gusto nang sumabog ng dibdib ko sa lungkot.

“Pero paano tayo?”

“Tignan mo ‘to. Kung makapagsalita, akala mo naman kasal na kami. Hoy! Umayos ka nga!” Sabi ko sa kanya.

“Puro ka naman biro eh,” angal niya.

“Eh totoo naman eh. Una, hindi tayo kasal. Pangalawa, hindi pa legal ang magpakasal ang tulad nain dito. Pangatlo at pinaka-importante sa lahat, hindi tayo kaya huwag kang mag-inarte diyan!” Biro ko na lang.

“Ang labo mo naman!” Angal uli niya.

Napangiti na lang ako. Para siyang batang nanlabi pa. Disi-otso pa lang si Ian, disi-nueve pa lang ako. Bata pa talaga kami. Kahit pa nga pakiramdam ko, ang laki nang itinanda ko simula nang mamatay si papa, hindi maikakailang bata pa kami.

“Hindi mo ba talaga ako pipigilan?” Tanong niya ulit, mas mahina at may himig ng pagtatampo. Hindi ko na napigilan ang luha ko habang umiiling. Hinalikan ko muna siya ng sobrang diin bago ako sumagot.

“Bata pa tayo, Ian. Madami pang pwedeng magbago. Gusto ko munang hanapin ang sarili ko at gusto ko, ganoon din ang gawin mo. Huwag tayong magpadalos-dalos. Bata pa tayo at marami pa ang pwedeng mangyari. Huwag mong itali sa akin ang buhay mo.” Sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung naintindihan niya ang gusto kong iparating dahil ako mismo, hindi ako sigurado kung ano nga ba iyon.

Siya naman ang humalik sa akin nang sobrang diin. Sobrang higpit din ng ginawa niyang pagyakap sa akin. Maya-maya pa, pareho na kaming umiiyak.

“Babalik---” Siniil ko siya nang halik para pigilan siyang magsalita. Alam ko na ang sasabihin niya pero natatakot akong marinig iyon ng tuluyan. Mas maigi na iyon dahil alam kong kapag nagkataon, maghihintay ako at sobrang masasaktan kapag dumating na punto na hindi na niya iyon mapapanindigan. Gusto kong umalis siyang walang kung anumang pangako, walang kung anumang relasyong namamagitan sa amin. Gusto kong umalis siyang ang meron lang sa amin ay pagkakaibigan para kung sakali man na hindi na kami pagtatagpuing muli, pareho kaming hindi masyadong masasaktan.

Bumangon lang kami mula sa kama para kumain. Sakto namang dumaan ulit si Nika para maghatid ng pagkain. Alam daw kasi nito na konti na lang ang oras naming magkasama kaya dapat masulit namin iyon. Sabay pa namin siyang hinalikan sa pisngi ni Ian sa pasasalamat. Diring-diri namang nagpupumiglas pa kunwari si Nika at talagang pinaghahampas pa kaming dalawa ni Ian.

Pagkakain, bumalik lang kami sa paghiga at nakatulog kaming magkayakap. Pasado alas-dos na nang maalimpungatan ako at maramdamang wala si Ian sa tabi ko. Dahan-dahan akong bumaba ng kama at saka naglakad palabas ng kwarto.

Nakatalikod sa akin si Ian at nakaharap sa laptop ko. Mula sa nakikita ko sa screen, sigurado akong nagvi-video siya. Hindi naman ako hagip ng camera noong laptop kaya tumayo lamang ako doon.

“Hi! Sana hindi ka magising dahil sigurado akong kukutusan mo lang ako dahil dito. Sasabihin mo na namang ang drama-drama ko.” Gusto kong matawa sa ginagawa ni Ian dahil nagpapa-cute pa talaga siya sa camera.

“Sabi mo nga, bata pa tayo. Aminado naman ako doon. At alam ko din na ayaw mong marinig na mangangako ako sa iyo ng kahit na ano. Kung ako lang, gusto ko. Gusto kong sabihin na babalik ako para sa iyo, na sana maghintay ka. Pero naintindihan ko din naman. Tama ka eh, madaming pwedeng mangyari. Kaya hindi na lang ako mangangako. Aasa na lang ako na pagbalik ko, pwede na tayong magsimula, iyong maayos, iyong walang pag-aalinlangan. Iyon na lang. Pero kung hindi---ayaw ko munang isipin. Pala, nag-compose ako habang natutulog ka. Pasensiya na, pati gitara at laptop mo, pinakialaman ko pa. Ito lang kasi ang alam kong paraan kung paano sasabihin sa iyo eh.”

Maya-maya pa ay kinuha na niya ang gitara. Ni hindi ko agad napansin na nasa tabi lang pala niya iyon. Gusto ko na siyang lapitan pero pinigilan ko ang sarili ko. Pinanood ko lang siya hanggang sa nagsimula na siyang tumugtog.

May bukas bang naghihintay?
Kahit ipilit ‘di pa rin magkasabay
Ano pa bang dapat kong gawin?
Yakap ko na’t lahat hindi pa rin maangkin

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggang
Kahit di na uso
Pag-ibig natin ay panindigan
ohhh, ohhh, ohhhh

Hanggang dito na nga lang ba?
Wala na bang pag-asang kwento’y mag-iba?
Ang hirap namang pagsalubungin
Hawak mo na’t lahat nilipad pa ng hangin

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggang
Kahit di na uso
Pag-ibig natin ay panindigan
ohhh, ohhh, ohhhh

Nandito akong nagpapaalam
Humihiling na maghintay
Nangangakong ako’y magbabalik

Hindi ko na napigilan pa ang lumapit sa kanya. Nakita na rin niya ang paglapit ko sa screen ng laptop at napalingon siya sa akin pero itinuloy lang niya ang pagtugtog. Madali lang namang sundan iyong kanta inunahan ko na siya sa pagkanta. Ngumiti lang siya sa akin.

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggang
Dahil sa aking puso
Patuloy kang iingatan

Sinadya ko talagang palitan iyong huling dalawang linya. Tumulo na ng tuluyan ang mga luha ko. Maging siya ay napapasinghot na din pero patuloy lang sa pagtugtog.

Sana hanggang dulo…
Sana’y walang hanggan…

Siya na ang tumapos noong kanta dahil hindi ko na talaga mapigilan ang humagulgol. Niyakap ko siya mula sa likod ng sofa at hinayaan lang naman niya ako.

“Mahal na mahal na mahal na mahal kita, Alvin.” Sabi niya kapagdaka. Lalo tuloy akong napahagulgol.

“Tarantado ka! May sinasabi-sabi ka pang hindi ka mangangako eh doon din ang ending eh!” Sabi ko sa kanya na pareho naming ikinatawa.

Hindi na kami bumalik sa kwarto. Tinabihan ko na lamang siya sa sofa. Agad niya akong pinasandal sa dibdib niya. Magkawahak-kamay pa kaming nakatingin sa may bintana.

“Tanda mo ba noong field trip natin? Ganitong-ganito ang pusisyon natin sa van.” Sabi niya sa akin. Tumango lang ako.

“Tanda mo pa ba iyong unang kinanta ko para sayo?”

“Oo naman. Nag-Goggle pa ako ‘nun para alamin kung ano iyong kanta. Ang pait-pait lang nung kantang ‘yun. Diary by Bread di ba?” Sagot ko naman.

“Alam mo ba kung bakit iyon ang kinanta ko?” Tanong niya ulit.

“Aba malay kung ano bang bubog mo noon.” Sabi ko sa kanyang natatawa. “Di ba, kabe-break niyo lang ni Jonna that time?”

“Hindi naman siya ang dahilan eh.”

“Eh ano?”

Imbes na sumagot, kinuha niya iyong notebook kung saan nakasulat iyong lyrics at saka ipinakita sa akin. Napatanga na lang ako. Isa iyon sa mga journals ko noong magkaklase pa kami. Maliit lang kasi iyon kaya madaling mapuno. Tipong kapag sinisipag ako, puno na iyon isang linggo pa lang. Sa mismong cover na nga noong notebook niya isinulat iyong lyrics noong kanta.

“Naiwan mo ‘yan sa classroom natin minsan. Muntik ko na ngang sunugin noong una.” Sabi niyang tumatawa. “Gusto ko ding hanapin kung sino man iyong tinutukoy mo dito para lang sapakin. Kasi ang tanga-tanga niya at hindi ka man lang niya napapansin. Buti na lang hindi kasi noong naging magkaklase uli tayo, nakita ko iyong pangalan ko doon sa isinusulat mo. Nag-alibata ka pa talaga noon. Ayun, inisip ko na lang na ako iyon. Kaya kita niyaya sa bar kasi alam ko, pagkakataon ko na. Kaso, alam mo na ang sumunod.”

Nakikinig lang ako sa kanya. Nangingilid na naman ang luha ko. Gusto kong manghinayang sa lahat ng panahong nasayang, na sana naging masaya kami. Pero hindi talaga umakma sa timing eh, hindi talaga nagkasundo ang buhay naming dalawa. Parang parallel lines kumbaga, magkalapit lang, magkatabi, pero hinding-hindi magsasalubong. Ganoon ang nangyari, at mukhang ganoon ulit ang mangyayari.

“Kailan pa?” Tanong ko sa kanya.

“Ang alin?”

“Kailan mo pa nalaman na mahal mo ako?” Tanong ko sa kanya. Tumawa lang ng malakas ang tarantado. Kung hindi ko pa hinampas sa dibdib ay hindi magseseryoso at sasagot.

“Hindi ko din alam. Noong nakita kitang umiiyak sa daan? Noong umagang-umaga kang nakatunganga sa puwet ni Oble na kita ang betlogs mo? Hindi ako sigurado. Basta noong field trip, noong makatulog ka sa dibdib ko, sigurado na ako.” Sabi lang niya.

“Ikaw? Kailan pa?”

“Hindi ko din sigurado. Basta noong unang araw na makita kita, alam ko na na may iba. Lalo na nung nakita kong pasimple kang sumasabay sa pagkanta ko.”

Natawa siya. “Napansin mo pala ‘yun…”

“Sino bang hindi eh ang sama mong makatingin?” Sagot ko ding tumatawa. “Teka, eh anong ipinagdradrama mo noong nasa may simbahan tayo sa Cavite?”

“Malamang depress ako noon kasi akala ko may iba ka na.” Sabi lang niya saka ako niyakap nang mahigpit. Matagal din kaming hindi umimik. Maya-maya, nagsimula na naman siyang kumanta.

May bukas bang naghihintay?
Kahit ipilit ‘di pa rin magkasabay
Ano pa bang dapat kong gawin?
Yakap ko na’t lahat hindi pa rin maangkin

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggang
Kahit di na uso
Pag-ibig natin ay panindigan

Hanggang dito na nga lang ba?
Wala na bang pag-asang kwento’y mag-iba?
Ang hirap namang pagsalubungin
Hawak mo na’t lahat nilipad pa ng hangin

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggang
Dahil sa aking puso
Patuloy kang iingatan

At tulad ng dati, nakatulog na ako wala pa siya sa kalagitnaan. Naalimpungatan ako ng konti nang buhatin niya ako pabalik sa kwarto pero nang mailapag niya ako sa kama, nagtuloy-tuloy na ang tulog ko.

Paggising ko, tanghali na at wala na naman siya sa tabi ko. Agad akong lumabas ng kwarto at nagpunta sa sala. Wala siya doon. Agad na akong kinabahan. Bumalik ako sa kwarto para tignan kung nandoon pa ang mga damit niya. Wala. Muli akong bumalik sa sala at naupo sa sofa. Maayos na nakaligpit doon ang laptop ko an gang gitara pero wala na iyong notebook.

Nagpipigil ng iyak na binuksan ko iyong laptop lalo na nang makita ko na hindi iyon nakapatay. Nakabukas ang word processor ko at dalawang linya lang ang tumambad sa akin.

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggang

Wala na si Ian. Umalis siya na hindi man lang nagpapaalam. Tipong iyong buong araw at gabi na kasama ko siya eh isang panaginip lang. Tuluyan na akong umiyak. Nadatnan ako ni Nika na nasa ganoong estado pero hindi na siya nagtanong. Niyakap na lang niya ako at hinayaang umiyak ng umiyak.

Ipinagpatuloy ko ang pagtratrabaho sa call center hanggang sa umabot na ng tatlong taon. Magtatagal pa nga sana iyon kung hindi lang ako pinilit ni mama na bumalik sa pag-aaral. Pero imbes na bumalik sa UPLB, lumipat na lamang ako sa unibersidad na malapit a probinsiya namin. Hindi ko kasi kayang bumalik doon dahil sigurado akong maalala ko lang si Ian at lalo lang akong mahihirapan.

Sa loob ng mga panahong iyon, ni minsan ay hindi kami nag-usap. Wala akong narinig na balita tungkol sa kanya. Sa tuwing magbabanggit din kasi sina Mark at Victor, tinitignan ko lang sila ng masama.

Pagbalik ko naman sa probinsiya, itinutok ko sa pag-aaral ang atensiyon ko. Balik second year kasi ako ng wala sa oras. Pero maging ang tatlong taon na iyon ay mabilis na lumipas. Aral-bahay lang talaga ako.

Nang maka-graduate, bumalik ako sa Maynila para maghanap ng trabaho. Sakto namang nakuha ako sa isang advertising agency. Tamang-tama pa na bakante na ulit iyong dati kong unit. Nasa huling taon na din ng kolehiyo noon ang kapatid ko. Na-delay kasi siya ng isang taon dahil sa pagkakasakit.

Hindi ko din alam pero ni minsan, hindi sumagi sa isip kong makipag-relasyon man lang. Ilang beses din akong inudyukan nina Nika at Victor na makipag-date pero ni minsan, hindi ko sila pinagbigyan. Kung sa probinsiya, aral-bahay lang ako. Sa Maynila naman, trabaho at bahay lang. Paminsan-minang lumalabas kasama sina Victor o si Nika pero iyon lang.

Sa opisina, may mga nagpaparamdam pero wala akong pinansin kahit isa.  Aminin ko man o hindi, sa sulok ng puso at utak ko, hinihintay ko pa rin si Ian. Alam kong walang kasiguruhan pero mukhang ganoon talaga eh. Tarantado kasing iyon, gumawa pa ng kanta na hanggang ngayon, nasa laptop ko pa rin. Kung pwede lang sanang mabura.

Iyong anim ay naging pitong taon at sa pangungunsensiya sa akin ng kapatid ko, napilitan akong mag-attend ng graduation niya. Aaminin ko, pagtapak ko pa lang sa campus, gusto ko nang umiyak ng wala sa oras. Ang sakit pa rin kasi. Pakiramdam ko, kahapon lang na bigla na lang nawala si Ian sa piling ko. Mabuti na nga lang at nandoon din sina Victor at Mark dahil kung hindi, baka nagmukmong na lang talaga ako.

Kinagabihan ng graduation, pinilit ako nina Mark na lumabas. Eh mukhang nananadya talaga ang mga gago at sa mismong bar pa talaga kung saan tayo kumanta dati ako dinala. Pinagbigyan ko na lang. Medyo natuwa naman ako nang makitang nandoon pa din iyong dating emcee. Hindi ko din alam pero natandaan niya ako kaya pagpasok pa lang, ako na agad ang binanatan niya.

“Sabi ko na nga ba eh, babalikan mo din ang alindog ko! Halika dito, dali!” Sabi niya sa akin. Dahil sa itinulak na din ako nina Mark, umakyat na ako sa entablado.

“So? Na-miss mo ba ang kagandahan ko at bigla kang bumalik?” Tanong sa akin noong emcee.

“Who you?” Biro kong tanong sa kanya na ikinatawa ng mga nandoon.

“Tadyakan kita, gusto mo? Manong guard! Asan na ba ang letseng lusis na iyan? Pitong taon na eh! Baka gusto mo na akong pagbigyan na i-shilit ang letseng spark na yan!” Nag-iinarte niyang sabi. Natawa tuloy ako ng wala sa oras.

“Ayan! Ngumiti ka na din sa wakas! Kaloka! Ang pogi mo pa rin. Oh, asan na iyong boyfriend mong mas pogi sa iyo pero mukhang papatay ng tao?” Tanong niya bigla. Hindi ako agad nakasagot.

“Break na kami,” sabi ko na lang saka pinilit ang ngumiti.

“Emeyged! May chance na ako!” Komento niya saka binuntunan ng tawa. “O sige na, kanta ka na. Isisingit na kita at na-miss ko na ang kaguwapuhan mo. Saka isa pa, sigurado naman akong mas may ibubuga ka ng konti. Ladies ang gentlemen, ang aking forever na nagbabalik!” Sabi niya saka ako iniwan sa entablado.

Nakangiting iniabot sa akin noong gitarista ng banda ang isang acoustic guitar. Kahit nagtataka, hindi na ako nagtanong.

Agad na rumehistro sa akin ang mukha ni Ian bago ako nagsalita sa mikropono.

“This is an original composition of a person really close to my heart. Sa taong iyon, tarantado ka! Nasaan ka man ngayon, huwag ka talagang magpapakita sa akin dahil matatadyakan kita.” Sabi ko pa bago nagsimulang tumugtog.

May bukas bang naghihintay?
Kahit ipilit ‘di pa rin magkasabay
Ano pa bang dapat kong gawin?
Yakap ko na’t lahat hindi pa rin maangkin

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggang
Kahit di na uso
Pag-ibig natin ay panindigan

Natahimik ang buong bar at nakinig lang sa akin. Maliban sa paminsan-minsan na kalansing ng baso at bose, walang ibang maririnig kundi ang tunog ng gitara at ang pagkanta ko. Sisimulan ko na sana ang susunod na verse nang may nauna sa akin.

Hanggang dito na nga lang ba?
Wala na bang pag-asang kwento’y mag-iba?
Ang hirap namang pagsalubungin
Hawak mo na’t lahat nilipad pa ng hangin

Napatingin ako sa direksiyon ng emcee at napatigil ako sa pagtugtog nang makita kong nakatayo doon si Ian, nakangiti sa akin. Kahit hindi na ako tumutugtog, ipinagpatuloy lang niya ang pagkanta habang lumalapit sa akin. Nang malapit na sa chorus, muli kong sinimulan ang pagtipa sa gitara at sinabayan siya sa pagkanta.

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggang
Dahil sa aking puso
Patuloy kang iingatan

Sana hanggang dulo
Sana’y walang hanggan...

Pagkatapos noon ay ibinaba ko ang gitara at tumayo sa harapan niya. Akmang yayakapin niya ako ng inundayan ko siya nang suntok sa mukha na ikinatumba niya.

“Tarantado kang hayop ka! Pitong taon mo akong pinaghintay! Ni ha ni ho, wala kong narinig sayo! May nalalaman ka pang mahal kita mahal kita! Letse!” Tinadyakan ko pa siya bago ako nagmamadaling lumabas ng bar. Tulalang sinundan lang ako ng tingin ng mga tao.

Dire-diretso akong naglalakad nang biglang may humawak sa braso ko. Kumulo lalo ang dugo ko nang makitang si Ina iyon na kahit putok ang labi ay nakangiti pa rin sa akin. Lalo pa akong nairita nang mapansing mas matangkad na siyang malayo sa akin.

“Bitawan mo nga akong hayop ka!” Sabi ko sabay piksi. Kaso, imbes na bitawan ay niyakap ako ng kulugo. Pinilit kong magpumiglas pero mas malakas siya sa akin.

“Tarantado kang hayop ka!” Sabi ko ulit pero mas mahina. Hindi na din ako nagpipilit na makaalis sa pagkakayakap niya. Kung tutuusin ay tuluyan na akong sumandal sa dibdib niya.

“Balik na tayo sa bar…” Sabi niya maya-maya. Nainis na naman ako.

“Ah, so ganun lang? Wala ka man lang paliwanag? Sa tingin---” Naputol ang kung ano mang sasabihin ko dahil bigla na lang niya akong hinalikan sa labi, madiin, matagal, mainit. Lalo ring humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. Halos habulin ko ang hininga ko nang pakawalan niya ang mga labi ko.

“Tara na…” Aniya. Para akong namatanda na nagpahila lang sa kanya. Ni hindi ko na napansin na pinagtitinginan kami ng mga tao sa loob ng bar. NI hindi nga sumagi sa isip ko na sa stage niya uli ako hinila. Nandoong naghihintay sa amin ang emcee.

“Ang drama lang! Sus! O ayan, sige, magmoment na kayo! Mga hayop! Walang forever! Magbe-break din kayo!” Hirit pa niya bago kami iniwan ni Ian sa entablado.

“Alam kong marami akong kailangang ipaliwanag sa iyo. Alam ko ding madami akong dapat ihingi ng tawad. And I really would like to get that chance to explain everything to you, every single day, for the rest of my life, so Alvin Michael Montegrico, will you marry me?” Napatunganga na lang ako sa kanya.

“Alvin?” Alanganin niyang tanong niyang tanong nang hindi ako agad sumagot.

“Tarantadong to! Hoy! Baka naman gusto mong manligaw muna? Kasal agad? Saka kailan pa naging legal ang pagpapakasal ng dalawang lalaki dito sa Pilipinas, aber?” Pambabara ko sa kanya. Ngumiti lang siya at dumukot sa bulsa nang suot niyang coat. Mula doon ay inilabas niya dalawang plane ticket papuntang Canada.

“Sa tingin mo ba, pakakawalan pa kita?” Sabi niya sa akin sabay kindat.

“Hoy! Kuya! Huwag ka nang mag-inarte! Hindi mo bagay!” Narinig kong sabi ng kapatid ko mula sa isang gilid. Kasama na pala ito nina Victor at Mark. Pati si Nika ay nandoon na naiiyak. Kasama na din nila si mama at isa pang babae na unang tingin pa lang, alam mo nang mama ni Ian. Magkahawak kamay pa ang dalawang nanay namin, ngiting-ngiti.

“Hindi ako papayag! Itigil ang kasal!” Biglang singit ng emcee.

“Joke lang! Pero baka naman gusto na ninyong bumaba? Kasi madami pang ambisyosong gusto ding umiksena eh. Bakit? Bar niyo to? Bar niyo? I can buy you, your friends, and this whole archipelago!” Pagmamaganda pa nito. Natawa na din lang kami ni Ian at bumaba para lapitan ang pamilya namin.

“Okay ka na?” Tanong sa akin ni Ian.

“Hindi pa ba obvious?” Tanong ko naman. “Ikaw?”

“Tinatanong pa ba yan?” Sagot-tanong din niya bago ako muling hinalikan.

“Ewww! Baklaan! Kadiri lang.” Side comment ni Victor nang makarating kami sa kung nasaan sila.

“Sayo pa talaga nanggaling!” Sabay pa naming pambabara ni Ian sa kanya.

Lahat naman siguro ng tao, nangangarap na darating iyong pagkakataon na matatagpuan nila iyong taong mamahalin nila at magmamahal din sa kanila. Mahilig man sa fairy tales at happily ever after o di kaya iyong tipong mas mapait pa sa ampalaya sa sobrang pagiging bitter, umaasam pa rin na darating iyong pagkakataon na makakahanap din sila ng taong makakasama nila habang-buhay.

Ako? Sa hinabahaba ng paghihintay, nahanapan ko na.

End

No comments:

Post a Comment

Read More Like This